Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **

175K 1.3K 234
By iloveaxclu

[Charmie's POV] 

Di na namin napansin ang iba pang mga bridesmaids at groomsmen dahil sa kadaldalan namin ni Laureen.

Sa totoo lang, ano kasi, ahmmm, hehe.

Si Aaron kasi eh! Hihi

"Ayan na yung bride bes!", sabi ko kay Laureen.

"Bride na agad? Ang daldal mo kasi ayan nalampasan na tayo ng lahat ng bridesmaids, ng ring bearer at flower girl!", sabi ni Laureen sa akin.

"Wow, ganda ng bride" - Ako at si Laureen

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

  

Siraulong Aaron 'to!

Andito pala 'to!

Kaya pala nagpa-facial pa kahapon. Mag-aabay pala sa kasal!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Reception]

 

"Tado ka Aaron!"

Lumingon si Aaron sa akin.

"Uy, langya ka! Ginagawa mo dito? Wedding crasher ka boy?", sagot ni Aaron sa akin at sinuntok pa ako ng mahina sa dibdib.

"G*go! Invited pinsan ko, si April, ako yung plus one nya. Yung pamangkin ko nga coin bearer kanina eh", sabi ko sa kanya.

"Aah talaga? Yung little boy na si Xavier? Akalain mo nga naman! Pamangkin mo pala yung cute na coin bearer! Kanina pa nga pinagkakatuwaan nina Mommy at Daddy eh, ang cute-cute daw!", sabi ni Aaron.

"Ganon talaga, may dugong Lim eh! Alam mo na", pabirong sabi ko sa kanya.

"Hahaha. Sige na nga!", sagot naman ni Aaron. 

"Walangya ka! Pa-cute ka na naman kanina habang naglalakad ka!", sabi ko kay Aaron.

  

"Anong nagpa-cute? Natural yun bro!", sagot ni Aaron ng natatawa.

"Hahahaha. I-kain na nga lang natin yan. Gutom lang yan", sabi ko sa kanya.

  

"Tara!", yaya sa akin ni Aaron.

  

Pumunta na kami sa pila para kumuha ng food.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Charmie's POV]

 

Busy ang mga kuya sa mga barkada nila kaya kami ni Laureen ang magkasamang pumila para sa food.

 

"Utang na loob Charmie, sagutin mo na kung sino man yang tumatawag sayo o nagtetext", sabi ni Laureen.

 

 

Kanina pa ako tinetext ni Aaron. Nangangamusta, ano daw ginagawa ko. Umattend daw sya ng wedding. Nag-abay daw sya.

 

 

I KNOOOOOW!

"O si Aaron ata yung nasa may unahan natin o! Lika, lapitan na natin bes!", sabi ni Laureen sa akin.

  

Tinignan ko ang tinuro nya. Nakatalikod sya, pero si Aaron nga 'yon dahil kilala ko ang buhok nyang medium spikes. At kulay medium brown.

  

"Ayoko, wag na, hayaan mo na" , sabi ko kay Laureen.

  

Hindi nga ako nagrereply kay Aaron eh. Parang ayoko kasing magpakita. Parang na-insecure bigla ang beauty ko sa kagwapuhan nya. Haha

  

"Baket? Nako-conscious ka noh? Kasi ang gwapo-gwapo ni Aaron ngayon? Yiheee", tukso sa akin ni Laureen.

  

"Eh. Hehe. Slight", sabi ko sa kanya.

  

"Ano ka ba? Ang ganda mo kaya bes! Pink dress! Girl na girl! Halika na", pilit sa akin ni Laureen.

  

"Ayoko nga", sabi ko sa kanya. Naghahatakan kaming dalawa.

"Ah basta!", hinatak na ako ni Laureen sa may bandang unahan namin at tinawag nya si Aaron.

"Aarooooon!"

Pasaway talaga! Sarap unatin ng buhok ni Laureen!

Eeeh kasi! Anong sasabihin ko kay Aaron pag kaharap ko na sya?

  

'Aaron, puro ka lakwatsa! Pati sa puso ko nakakarating ka!'

O

  

'Aaron, geometry ba ang favorite subject mo? Kasi kahit anong anggulo, ang gwapo mo eh!

Ahihihihi. Ang landi ko, nahahawa na ako kay Aaron sa mga banat nya!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

Nasa unahan ako ni Aaron at tumitingin-tingin sa arrangement ng mga kubyertos at plato.

"Pare, kanina ka pa text ng text at tawag ng tawag ah, di ka naman sinasagot. Sino ba yan?", sabi ko sa kanya ng hindi ako tumitingin.

  

"Hehe. Wag ka magulo!", sabi ni Aaron sa akin.

"Tss! Si Charm yan noh?", tanong ko sa kanya.

  

"Tss! Inggit ka? Itext mo din yung Laureen-hon mo!", sabi ni Aaron sa akin.

Kanina ko pa nga naiisip si Laureen eh. Nakauwi na kaya yun? Kumain na kaya sya? Nagco-compose ako ng message sa iphone ko pero hindi ko naman sinesend.

"Aarooooon!"

  

May tumawag kay Aaron habang nakapila kami kaya lumingon kaming dalawa at humarap sa tumawag sa kanya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" - Laureen to me, nanlaki ang mga mata nya

"IKAW DIN NANDITO?!" - Charm to me, mas malaki ang mga mata nya kesa kay Laureen

   

"BAKIT ANDITO KA?!" - Aaron to Charm.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" - Ako to Laureen, nagulat ako sa pagsulpot nya dito. Ang ganda nya.

Sabay-sabay kaming nagsalita. Pare-parehas kaming nagkagulatan.

  

Kaya sabay-sabay tuloy kaming natawa.

  

"Hahaha. Ano ba yan! Dumami ang wedding crashers", sabi ni Aaron na natatawa pa din.

"Hahaha. Hindi kami wedding crashers ah!", sagot ni Laureen.

  

"Sinong kasama nyo dito?", nagtataka kong tanong.

"Hala ka Laureen-Hon! Hindi ka nagpaalam kay Luigi-honey? Patay ka ngayon", pananakot ni Aaron kay Laureen.

  

"Sira! Nag-sleepover kasi ako kina Charm, tapos ayun pinilit kaming dalawa ni Charm ng mga kuya nya na maging plus one nila. Kuya kaya ni Charm yung bestman!", sabi ni Laureen kay Aaron.

"O? Talaga?", mahinang sabi ni Aaron.

"OO!", makahulugang sabi ni Laureen kay Aaron.

  

"Ah eh, hehe. Si kuya Bryan. Kuya pala sya ni Charm? Hehe..", sabi ni Aaron na nailang at nangamot ng batok.

"Yes!", sabi ni Laureen sa kanya, "Uy, Charm! Magsalita ka nga dyan"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Charmie's POV]

  

"Yes!", sabi ni Laureen sa kanya, "Uy, Charm! Magsalita ka nga dyan"

  

"Ah eh. Oo", sabi ko kay Laureen, "Na-windang lang ako, sorry naman"

  

Basag-trip naman 'to si Laureen o! Nagsa-sight seeing pa nga ako eh. Hihi

  

"Diba kuya mo yung bestman?", tanong ni Laureen sa akin.

"Oo, kapatid ko sya, si kuya Bryan", sabi ko kay Luigi at Aaron.

  

"Hehe. Na-meet ko na siya kanina eh", sabi ni Aaron na parang biglang nahiya. 

"Seryoso?", tanong ko sa kanya.

Oh Shems! Na-meet na ni Aaron ang kuya Bryan?

  

"Oo, pinakilala sa akin ni kuya Sid, yung groom", sabi ni Aaron.

"Aaaaah", sabi ko.

  

Ibig-sabihin kaya non pati si kuya Gelo nakilala na nya? Ano kayang sabi ng mga kuya ko sa kanya? Shems!

  

"You look very beautiful tonight Charm. Bagay sayo ang dress mo", sabi ni Aaron sa akin.

  

Ayeeeee!

  

Panahon na ba na magustuhan ko ang PINK?

  

"Thank you Aaron", nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Ikaw din, you're very beautiful, Laureen-Hon", sabi ni Aaron kay Laureen.

  

"Anong Laureen-Hon?", sabi ng boses ng isang lalaki na sumulpot sa likuran ni Laureen.

  

Si kuya Gelo.

  

Inakbayan niya pa si Laureen, "Sinong tumawag ng Hon sa date ko ngayong gabi?", sabi nya pa.

"Kuya Gelo!", sabi ko, "Ang pogi mo don kanina ah!"

  

"Syempre!", sabi ni kuya Gelo, "Sinong mas pogi ako o si Bry?"

  

"Ikaw syempre!", sabi ko kay kuya Gelo.

Pero syempre pag kaharap ko si kuya Bryan, sasabihin ko si kuya Bryan ang mas gwapo. Haha. Sayang ang mga pasalubong galing Australia noh!

"You're Aaron right? Yung pinakilala ni Sid kanina sa amin?", tanong ni kuya Gelo kay Aaron.

"Opo. Aaron po?", nahihiyang sabi ni Aaron kay kuya Gelo.

"Magkakakilala na pala kayo eh!", sabi ni kuya Gelo.

  

"Oo kuya", sabi ko.

  

"So sinong tumawag kay Laureen na Hon?", sabi ni kuya Gelo na nakataas ang isang kilay.

"Sya po. Hehe", mabilis na sagot ni Aaron sabay turo kay Luigi.

NGANGA si Luigi.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

[Luigi's POV]

"So sinong tumawag kay Laureen na Hon?", sabi ni kuya Gelo na nakataas ang isang kilay.

"Sya po. Hehe", mabilis na sagot ni Aaron sabay turo sa akin.

G*go talaga 'tong si Aaron.

"Aaah.... Gelo, pare", inabot ng kuya Gelo ni Charms ang kamay nya sa akin.

"Luigi po", sabi ko at kinamayan sya.

"Boyfriend ka ni Laureen?", tanong nya sa akin.

"Kuya Gelo....", mahinang saway sa kanya ni Laureen, "Ikaw talaga!"

"Hmmm.... Wag mo 'tong papaiyakin ha. Kung hindi papaiyakin ka din namin ni Bryan", sabi nya sa akin.

"Kuya Gelo naman eh....", mahinang saway ulit ni Laureen.

Tinapik ako ni kuya Gelo sa balikat, "Hehe. Joke lang pare. Ikaw naman! Pero jokes are half meant. Hahahaha", sabi ni kuya Gelo.

Tumango ako at bahagyang ngumiti kay kuya Gelo.

"Ano? May nanliligaw ba dito kay Charm sa school?", sabi pa ni kuya Gelo.

  

Tumingin ako kay Aaron, gusto ko sana syang bawian.

Pero pagbalik ko ng tingin ko kay Charm at Laureen, parehas silang nakatingin sa akin ng masama.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumalik na ako sa table kung saan kami naka-aasign ni April.

"Pril, andito pala si Laureen", sabi ko kay April.

"Tita Wo-reen?", lumaki ang mga mata ni Xavier sa narinig nya.

"Yes po. Tita Laureen is here", sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Guest din sya?", tanong ni April.

"Plus one nung kakilala nung groom", sabi ko.

  

"Aaaah", tumango-tango si April, "Edi ang saya mo Gi? Haha"

"Tss!", napailing na lang ako sa sinabi ni April.

  

"Let's go to Tita Wo-reen!", masayang yaya ni Xavier.

  

"Xave, kumain ka muna", sabi ko sa kanya.

"Tito Wi-jiiiiii! Pu-leeaaasshhh?" 

"Hahaha. Sige, teka lang po kuya Xave", sabi ko kay Xavier.

Binunot ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan si Laureen.

  

"Mmm", sagot ni Laureen sa kabilang linya.

"Hey, saan ka nakaupo?", tanong ko sa kanya.

"Table 7", sagot ni Laureen.

"Ok, may gustong makakita sayo eh", sabi ko sa kanya. 

"Sino? Teka ako na lang ang pupunta dyan? Andito si kuya Bryan at kuya Gelo. Anong table number ka?", mahinang sabi Laureen.

  

"14", sabi ko.

  

 "Ok, mag-excuse lang ako saglit dito."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

"Tita Wo-reeeen!", excited na sabi ni Xavier na nagtaas pa ng mga kamay niya na may hawak na kutsara at tinidor pagkakita nya kay Laureen na palapit sa amin.

  

"Xavier!", binilisan ni Laureen ang lakad nya papunta sa amin. Lumapit sya kay Xavier at nag-kiss sa pisngi ni Xavier, "Ate April!", bumeso din sya kay April, "Akala ko ikaw lang ang kasama ni Luigi. Hindi nya nabanggit na kasama din pala si Xavier"

"Hi Laureen. Wag mo na akong tawaging ate! Blooming ka ah!", sabi ni April kay Laureen.

"Naku, nakakahiya naman po", sagot naman nya.

  

"Tita Wo-reen very ganda!", inosenteng sabi ni Xavier na sumingkit ang mga mata dahil sa pag-smile. Lumitaw pa ang dalawang dimples nya.

  

"Bolero ka na Xavier ah", sabi ni Laureen ng natatawa, "Xavier din very pogi!" 

"Like Tito Wi-ji! Diba, Tito Wo-reen? Tito Wi-ji very pogi din?", pangungulit ni Xavier kay Laureen.

  

"Ah eh, oo. Oo naman. Tito-Wiji very pogi din!", sabi ni Laureen sa kanya. Ngumiti pa sa akin si Laureen.

"Kumain ka na?", tanong ko kay Laureen.

  

"Konti", sabi nya.

"Baket konti lang?", tanong ko sa kanya.

  

"Parang wala akong gana", sagot ni Laureen.

"May sakit ka ba?", tumayo ako at hinipo ang noo nya, "Hindi ka naman mainit. Masama ba ang pakiramdam mo Laureen?"

  

"Ok lang ako Luigi. Masakit langng konti ang ulo ko. Siguro dahil sa pagod", sagot ni Laureen, ggumiti sya sa akin, "Ikaw talaga, masyado kang nag-aalala agad"

  

"Umupo ka na muna", inaayos ko ang upuan sa tabi ko.

"Asus! Ang sweet-sweet nyo naman", sabi ni April.

  

Ngumiti lang ako kay April.

"Tita Wo-reen, sick ka?", malambing na tanong ni Xavier. Bumaba sya sa upuan nya at lumapit kay Laureen, "Kiss kita para gumaling ka na"

"Hehe. Sige nga baby, kiss mo nga ako", sabi naman ni Laureen sa kanya.

Agad na kumiss si Xavier sa pisngi nya. Gumanti din ng halik si Laureen sa kanya, sa pisngi din.

"Si Mommy kasi niki-kiss din ako pag sick ako eh. Tapos gumagaling agad si Xave-xave. Diba Mommy?", tanong ni Xavier kay April.

"Yes po", sagot ni April. Ngumiti sya sa batang makulit sa harap namin.

"Mommy, i-kiss mo din si Tita Wo-reen para gumaling na sya", sabi ni Xavier.

"Hehe. O sige", bumeso si April kay Laureen.

"Ayan, magaling na si Tita Laureen. Kain ka na Xave", sabi ko kay Xavier.

"Ikaw din Tito Wi-ji. Kiss mo din si Tita Wo-reen"

Napatingin ako kay Laureen. Tumango siya ng mabagal at ngumiti ng bahagya sa akin.

"Magpagaling ka na Tita Laureen", sabi ko sa kanya, pagkatapos ay hinalikan ko sya sa noo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Charm's POV]

  

Pagkatapos umalis ni Laureen sa table namin, naiwan ako sa dalawang pogi kong mga kuya.

"Bry, kakilala pala ni Charmaine yung pinsan ni Marge eh!", sabi ni kuya Gelo.

  

"O? Yung Aaron?", tanong ni kuya Bryan.

  

Sus! Hindi lang kilala. Kilalang-kilala.

  

"Oo", sagot ni kuya Gelo.

  

"Ano Charm, pogi naman diba?", tukso sa akin ni kuya Bryan.

"Ayos lang", mabilis kong sagot.

  

Wehehe.

"Kunwari pa", tukso ni kuya Gelo.

Dumating ang mga barkada nila kuya kuya Gelo at kuya Bryan sa table namin at niyaya sila. Kung saan man sila pupunta hindi ko alam.

  

"Ok ka lang ba dito?", tanong ni kuya Gelo sa akin.

"Ok lang ako kuya, sige na minsan lang naman kayo magkita-kita eh. Babalik din naman agad yun si Laureen", sabi ko sa kanya.

  

"Sige. Mabilis lang kami, love you baby!", sabi ni kuya Bryan. Tsaka sila umalis.

Naiwan ako magisa.

  

Kaya kinuha ko ang phone ko at naglaro na lang ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hi Miss! Pwede makiupo? Hehe"

  

Tumingin ako sa nagsalita.

  

"Aaron! Loko ka talaga! May paganyan-ganyan ka pa!", sabi ko kay Aaron habang umuupo sya.

Waaaaaa. Andito na si Aaron! Breathe in. Breathe out.

  

"Bakit nagi-isa ka na dito?", tanong ni Aaron sa akin.

  

"Eh kasi si Laureen, ayun o kasama si Luigi. Yung mga kuya ko naman andon sa mga barkada nila", sagot ko sa kanya.

"Aaaah. Kumain ka ng madami?", tanong nya sa akin.

  

"Ok lang. Tama lang", sagot ko sa kanya.

  

"Dessert kumain ka?", tanong ni Aaron.

  

"Hindi. Ayoko ng tumayo eh, sakit na ng binti ko", sabi ko sa kanya. Lagot talaga sa akin si Laureen mamaya, sya ang nagpumilit na isuot ko ang sapatos na 'to, taas-taas ng takong!

  

"O? Baket? Are your legs tired, because you've been running through my mind all day?", nangingiting sabi ni Aaron.

  

Hindi ako agad naka-imik....

  

"Hahaha! Haynaku, ayan ka na naman sa mga banat mo Aaron ah!", natatawa kong sabi sa kanya.

  

"Hahaha. Pero ano, gusto mo bang ikuha kita ng dessert?", tanong ni Aaron.

  

"Wag na, ok na ko. Busog na din kasi ako", sabi ko sa kanya ng nakangiti.

  

Nandito na kaya sa harap ko yung dessert ko! Tamiiisssss! Haha

  

"Ok, sige", sabi ni Aaron, "Alam mo, bagay talaga sayo ang naka-dress"

  

"Bolero", nahihiya kong sabi sa kanya.

  

"Haha. Hindi ah! Nagsasabi lang ako ng totoo", natatawang sabi ni Aaron.

  

"O sige na nga! Ang gwapo-gwapo mo din Aaron, at bagay sayo ang suot mo", pabirong sabi ko sa kanya.

  

Pero totoo talaga yun! Hehehe

  

"Alam ko na yun eh. Di mo na kelangan sabihin. Haha", natatawang sabi ni Aaron.

"Lakas ah! Haha! Diba ganon naman yun, fina-flatter mo ang isang tao para i-flatter ka din nila. Balik compliment!", sabi ko sa kanya.

  

"Ganon ba yun? Edi pag sinabi kong 'I love you',  'I love you' din ang sasabihin mo? Ganon ba yun Charm?", nangingiting sabi ni Aaron.

Blush. Blush. Blush.

"Ikaw talaga Aaron!", nangingiti kong sabi sa kanya.

  

Waaaaaaaaa!

"Haha. Namumula ka Charmaine", malambing na sabi nya sa akin.

  

"Ikaw kasi, mga banat mo, wagas eh!", sabi ko sa kanya, nangingiti pa din ako.

  

"Eh kasi wagas ako magmahal", sabi nya sa akin.

  

Si Aaron naman eh!

  

"Ewan! Ewan ko sayo Aaron! Hahaha! Ang dami mong baon na banat ah! Meron pa ba?", sabi ko sa kanya. Natatawa ako. Na kinikilig. Na ewan.

"Wala na nga akong maisip na ibang banat eh.... kasi ikaw na lang naiisip ko palage", sagot ni Aaron.

Wala na akong ibang nagawa kundi mamula ng mamula, "Aaron naman eh! Siraulo ka talaga!"

  

Naiiling na lang ako habang nakangiti. Di matanggal ang ngiti sa mukha ko. Langya! Para na kong timang.

"Aminin mo, masarap ako magmahal", pabirong sabi ni Aaron.

"Too early to tell Mr. Villamor", sabi ko sa kanya.

  

"Ano? Gabi na ah! Early pa din sayo? Pagawa na natin yang relo mo, kasi tuwing kasama mo ako mukhang humihinto ang oras mo eh. Hahahaha", sabi ni Aaron sa akin.

  

Waaaaaaa. SI Aaron talaga o!

"Haynaku, Aaron", sabi ko habang nangingiti. Kinikilig ako. Haha

"Charm, thank you sa kung anong meron tayo ngayon. Masaya ako. At maghihintay lang ako hanggang sa ready ka na", seryosong sabi ni Aaron.

"Thank you Aaron", sabi ko sa kanya.

  

"San mo gusto yung next date natin? O ako na ulit ang bahala?", tanong ni Aaron sa akin.

"Waaaa. Ayoko! Ipa-alam mo muna sa akin kung saan tayo magde-date! Mamaya kung saan mo na naman ako dalhin!", sabi ko sa kanya.

"Hahahaha", sabi ni Aaron.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

  

Nakatulog na si Xavier kaya nagyaya na si April na umuwi.

Kinarga ko si Xavier para naman hindi mapagod si April.

Pumunta muna kami sa bride and groom para magpaalam. Kumaway na din ako kay Aaron at sumenyas na mauuna na akong umuwi dahil sa batang karga ko.

Pagkatapos pumunta naman kami sa table nina Laureen para magpaalam din.

Andoon sina kuya Gelo, si Laureen, Charm at yung bestman, si kuya Bryan.

"Laureen", mahinang tawag ni April kay Laureen.

  

"O, uwi na kayo?", tanong ni Laureen sa amin.

"Oo eh, nakatulog na kasi si Xavier", sabi ni April sa kanya.

  

"Sige po. Ay teka, Charm, kuya Bryan, kuya Gelo.... Si Ate April po, pinsan ni Luigi.... Baby nya si Xavier", sabi ni Laureen, "Kuya Bryan, si Luigi pala", pakilala ni Laureen sa amin.

  

Tumango na lang ako.

"Hello! Oo, si Gelo na-meet ko na kanina dun sa wedding ceremony. Hello Bryan! Ikaw yung bestman diba? Hello din sayo Charm", sabi ni April sa kanila.

  

"Hello April!", bati ni kuya Gelo sa kanya.

  

"Yes, ako yung bestman. Nice to meet you April!", sabi ni kuya Bryan ng nakangiti.

"Hello po", sabi din ni Charms kay April.

"Sige, una na kami ha. Nakatulog na kasi ang baby ko. Sa kanila ka pa rin sasabay pauwi Laureen noh?", tanong ni April.

  

"Hindi ka sasabay sa kanila bes?", sabi naman ni Charm.

  

"Ah eh", maikling sagot ni Laureen.

"Sige na Laureen, sumabay ka na sa kanila", sabi ni kuya Gelo.

"Sigurado ka kuya Gelo?", tanong ni Laureen.

"Yup. Luigi, ihatid mo si Laureen ha", sabi sa akin ni kuya Gelo.

  

"Sige po", sagot ko sa kanya.

  

"Ingat sa pagda-drive. Mag-text ka sa amin Laureen pag nakauwi ka na", sabi ni kuya Bryan.

"Opo", sabi ko.

"Opo, magte-text ako sayo kuya Bry pag nakauwi na ko", sagot ni Laureen.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si April ang nag-drive habang karga ko si Xavier sa backseat.

Sa backseat din nakaupo si Laureen gaya ko. Ok lang daw kay April na mag-isa sya sa harap basta may nakasuporta kay Xavier sa backseat.

Sya na daw muna ang magda-drive. Ako na daw kasi ang nag-drive kanina papunta sa venue. Mamaya na lang daw ako mag-drive pag kami na lang ni Laureen.

  

"Tulog na tulog si Xavier", narinig kong sabi ni Laureen.

  

Lumingon ako sa kanya, hinahaplos nya ang buhok ni Xave.

  

"Oo nga eh. Sarap ng tulog", sagot ko sa kanya.

"Ikaw? Hindi ka ba inaantok Luigi?", tanong sa akin ni Laureen.

  

"Hindi naman. Ok pa ko", sabi ko sa kanya, "Ikaw?"

"Medyo inaantok. Maaga ako nagising, ang aga kasing nagtantrums ni Charm eh", sabi nya.

Maya-maya pa, pati si Laureen, nakatulog na din sa balikat ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "Gi, nangangawit ka na ba?", malumanay na tanong ni April sa akin.

"Ok lang Pril", sabi ko sa kanya.

"Tulog na yung mag-ina mo", sabi ni April sa akin. Tumawa sya ng mahina.

  

"Tss! Ikaw talaga Pril", mahinang sabi ko pero enough para marinig nya, ayoko kasing magising si Laureen at Xavier.

  

"Hehehe. Nauuso ang kasal ngayon. Pag graduate nyo nga ni Laureen magpakasal na din kayo. Hehehe", nanunuksong sabi ni April.

"Sira", sabi ko sa kanya.

"Hehe. Binibiro lang eh. Gi, this is it na ba?", tanong ni April sa akin.

"Ha?", sabi ko sa kanya.

"Love mo na Gi?", seryosong tanong ni April.

Di ako sumagot.

"The more you try to hide it, the more it shows", sabi ni April sa akin, nakita ko pa syang naka-smile sa akin mula sa salamin sa harap ng sasakyan.

"Ang dami mong alam Pril", sabi ko sa kanya, "Para kang si Migs"

"Kaya nga tayo magkakasundong tatlo eh", sabi ni April sa akin.

"Haha. Sige na nga", sabi ko sa kanya.

"Ang ganda nya noh?", tanong ni April.

"Yes.... pero pasaway", sabi ko kay April.

"But still, you've fallen for her?", nanunuksong tanong ni April.

"Pril....", mahinang sabi ko sa kanya.

"Asus! Sige na nga, hindi na kita kukulitin", sabi ni April sa akin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Laureen....", mahinang tawag ko kay Laureen para magising sya. Nasa tapat na kami ng bahay nina April. Naka-park na din ang kotse.

"Mmm...."

"Dito na tayo kina April", bulong ko sa kanya.

"Ganon ba?", sabi ni Laureen ng mahina.

Nagkusot sya ng mga mata at saglit lang ay lumabas na din sya ng sasakyan. Lumabas din ako.

"Bye Tita Laureen", sabi ni April sa kanya habang kinukuha sa akin si Xavier.

"Bye po. Ingat kayo palagi ni Xavier", bumeso si Laureen kay April at kumiss din sa noo ni Xave.

"Ingat sa pag-drive Gi ha", bilin sa akin ni April.

"Yup", sabi ko sa kanya.

Binukas ko na ang pinto ng passenger's seat para kay Laureen. Sumakay naman agad si Laureen pagkatapos nyang mag-wave kay April.

Pagkapasok ni April sa gate saka ko pinaandar ang sasakyan pauwi sa bahay ng mga dela Cuesta.

Bumalik si Laureen sa pagtulog.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakarating kami ng maayos ni Laureen sa bahay.

Pinauna ko na syang magshower dahil antok na antok na sya.

Pagkatapos nya ako naman ang sumunod. Paglabas ko ng shower tulog na si Laureen sa kama.

Tumabi ako sa kanya at pinamasdan ang mukha nya.

 

 

"Na-miss kita Tita Laureen", bulong ko sa kanya.

Siguro makakatulog na ako ng maayos ngayong gabi.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

;)

 *dedicated to Kimberly Uy Lim :)

Continue Reading

You'll Also Like

73.5K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
11.5M 251K 52
Story written by Pinkyjhewelii Copyrighted, 2014
53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...