GirlfriendS.

By BrashHeart

12.1K 585 244

He is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman... More

1 - meeting her bf
2 - playboy Mafia
3 - mastermind
4 - hidden reason revealed
5 - First Girlfriend
6 - morning sunlight and dark mind
7 - scary jealousy and flashback
8 - OH SHEEP!
9 - 101 "iloveyou"
10 - gentleman epek ^_^
11 - I've decided
12 - gentleman epek pa kasi
13 - be your girlfriend
14 - Thankyou Russel
15 - SlamDunk
16- Jogging
17 - Kung alam ko lang
18 - normal na asaran
19-Ending ng intrams
20 - Vampire
21 - Flying Saucer
23 - Halaga
24 - Suspense
25 - The End - Part 1
25 - The End - Part 2
26 - A single Rose
27 - worst confession
28 - Lily's Confession
29 - Best Confession EVER

22 - Renz's bday

241 17 11
By BrashHeart

Dedicated kay ate devilEYES salamat po ng marami sa pagbasa at pagbigay ng mga idea malapit na po yung idea mo hehehe..thankyou po ng sobra. enjoy reading..^_^

CHAPTER 22- RENZ'S BDAY

CHAD'S POV

Ilang araw naba ang nakalipas? Mag-iisang linggo na ata. Malay ko, di ko alam, nakakairita at nakakawalang gana. Kung tatanungin nyo sakin si Rose, potek magpakamatay na kayo. Nakakairita, nakakairita talaga, bwisit.

Simula nung nangyaring paghagis ko sa cellphone nya na parang flying saucer hindi na ko nagpapakita sa kanya, hindi na ko sumasabay sa pagkain nila at lagi lang akong nasa rooftop ng school dun na din ako kumakain mag-isa. Bakit? Pake nyo ba! At subukan nyo lang isipin na nagiguilty ako patay kayo sakin. Unang una hindi ako guilty..oo aaminin ko medyo. Aba at sabihan ba naman nyang bwisit ako, tsk bahala sya basta ako di ako nagsisisi kahit lahat ng cellphone pa nya ang ihagis ko para lang makalimutan nya ang bwisit na yun.

Nakakairita sya sobra, ang sarap pumatay ng ewan..nakakainis. Wala syang karapatang magalit cellphone lang yon! Kami nga ng mga alagad ko naghahagisan ng cellphone pagwalang magawa, minsan ginagawa din naming bola ng soccer pag tamad kami pumulot ng bola tapos SYA.. para sa cellphone nyang bulok sasabihan nya kong bwisit.

" Eh kasi boss..di lang basta cp yun. Yun lang tanging kunikasyon nya sya syota nya."

Bigla namang pumasok sa isip ko yang sinabi ni Jeff sakin nung nabanggit ko sa kanila yung nangyari. Sira ulo talaga yun parang gusto ko syang batukan ngayon, pero andito kasi ako ngayon sa bahay dahil sabado ngayon at walang pasok. Tsk.. sayang.

Pero basta nakakairita. Basta sa nangyari ako ang dapat magalit, diba? Ewan ko basta wag kayong kokontra patay kayo sakin! Ako ang may karapatang magalit dahil nakakainis sya. Ano bang ginawa sa kanya ng bwisit na hayop na yun para maging ganon nalang sya kabaliw sa isang hayop!?!

Di hamak naman na mas mayaman ako ah, mas pogi, mas kinababaliwan ng lahat, mas malakas, mas makapangyarihan, mas matino, mas...ahhhh basta ako ang mas sa lahat........... mas minamahal ko din sya.... ugh bwisit!

SARAP PATAYIN NG KUMAG NA YON!!!!! LANGYA!!

Hmmm...madali ko lang naman syang mapapatay eh. Haha kating kati na ata ang mga tauhan ng pamilya namin. Bata palang ako tinatanong na nila kung may ipapagawa daw ba ko, kung may ipapadispatsa. Normal lang yun dahil ako ang magiging susunod na Don ng clan namin.

[ clan - ito ay samahan ng iba't ibang pamilyang mafia na under sa iisang pinakamakapangyarihang pamilya. 

Parang pamilya nila Jass, Russel, Lily at Jeff na under sa Dreion family. Bale Dreion Family ang pinakapinuno ng clan.

Don - sabi ng classmate ko ito ang tawag sa pinakapinuno ng mafia. Ang tatay ni Chad ang kasalukuyang Don ng clan at sya ang susunod na Don.]

back to story.....

Pero syempre kakasabi ko lang na mas matino ako diba kaya wag muna, papanindigan ko muna. Baka bukas ko nalang ipapapatay yung hayop na yun.

Tsk..nakakairita, ano ba tong pinag-iisip ko parang sira dahil lang sa babae...tsk. Ginulo ko ang buhok ko at sinipa ang center table, nakaupo kasi ako ngayon sa sala ko sa kwarto, wala kasing magawa bwisit.

At SYA naman...tsk bwisit. Bakit ba ganon nalang sya kabaliw sa hayop na yun ah!??!

SAGUTIN NYO ANG TANONG KO!!

Bwisit..alam kong wala namang sasagot sakin. Napasandal ako sa sofa kung san ako nakaupo ngayon at hinawakan ang noo ko at napapikit.

Bakit?

Bakit!?

Bakit ganon ka nalang masaktan sa hayop na yun?

Bakit baliw na baliw ka sa kanya?

Bakit? Anong ginawa nya sayo?

Ano?

Ano?

Ano?!..

Di kaya........

Napamulat ako dahil sa di magandang naisip ko. LINTIK! Bakit ba yun pumasok sa isip ko? Nagiging sira na ko.

Tsk..Ayoko na ngang mag-isip ng tungkol sa kanya.. isang linggo na kong ganto, nakakasawa.

Tumayo ako at pumunta sa music room na kadugtong lang ng kwarto ko at kinuha yung pinaka-astig kong gitara at bumalik na ulit ako sa sala para don tumutog ng kung ano-ano.

Nagsimula na kong magstrum. 

Ano kayang magandang tugtugin? 

Bwisit hanggang sa pagtugtog ba  

naman kailangan akong pahirapan sa pag-iisip.

Strum lang ako ng strum at walang partikular na tinitugtog. Tsk..sobrang boring, isang linggo akong walang kontak sa kanya.. i mean sa mga girlfriends ko at minsan sa alagad ko. Parang sira lang, bakit ko ba yun ginawa?

Nagstrum ulit ako.

Parang kong sira.. di naman ako ganto dati. Bakit ba parang ako ang mas baliw? Mas sira.

Strum ulit..

Kasalanan toh ng rosas na yun. Iiyak-iyak sya. Sasabihin nya sakin yung pagbabalewala sa kanya ng hayop nyang boyfriend tapos sa huli parang tanga na ngingiti ng malaki makita lang ang cellphone nyang may tawag.

Tuloy parin ako sa pagstrum...

Sa Lunes sasabay na ko sa pagkain sa kanila. Hindi ko na iintindihin ang rosas at ang hayop nyang syota. Magsama sila. Baliw na sya sa hayop at ayoko tuluyang mabaliw sa rosas. Nakakairita lang. Nakakairita kasi ayoko ng ganto, marami akong girlfriends, haha kaya di ko sya kailangan.

Napangiti ako habang nagsstrum parin ng gitara.

Pag nakita ko ulit syang umiyak nang dahil sa hayop na yun bahala sya..pagtatawanan ko lang sya at bahala na sya sa buhay niya.

Maya-maya sa narinig ko nalang na nagring ang cellphone ko. Nakakatamad sagutin pero nakadalawang ring na kaya binaba ko muna gitara ko at kinuha ko yung cellphone ko. Si Jass pala...

"Yosh" ako

( King... hello!! Si Rose she's in front of the gate right now and ayaw siyang papasukin ng mga guards ng village!)

Nagulat naman ako. Gusto kong mataranta tulad ng pagkataranta ni Jass ngayon pero..

" Edi puntahan mo or tawagan mo yung guardhouse, wala na kong pake sa kanya" proud na pagkakasabi ko kay Jass.

( Yeah right..i'm not really planning to call you but i'm in Hongkong right now, nagsh-shopping ako, si Lily nagpunta daw sa grandma nya, si Jeff at Russel di sumasagot)

" Edi pauwiin mo nalang sya" sabi ko. Basta ako wala akong pake haha.

( Ehh..King!! Alam ko may date sila ngayon ni Renz kaya sobrang nag woworry ako dahil nagpunta sya sa village natin. She needs someone right now, please king)

"Tsk.. bwisit! ayoko nga sabi eh. Wala na nga kong pake! Bahala sya sa buhay nya"

Nakakairita... nakakairita...

(Oh King! I'm begging you please. Oh no.. gotta go.. please King please... I LO-- bye ) binaba na ni Jass na hindi man lang ako hinayaang magsalita.

Hawak-hawak ko parin ang cellphone at nag-iisip ng malalim.

Ughh..... padabog akong tumayo at lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.

Ginagawa ko toh dahil nakiusap si Jass, oo dahil sa kanya at wala nang iba. Mag i-i love you nga dapat sya diba. Sinasabihan ako nun ni Jass pag gusto nya talagang mapapayag ako. Ibig sabihin importante toh sa kanya. Pumupunta ako ngayon dahil kay Jass at wala talaga kong pake kay rosas, ok.

Pagdating ko sa gate, lumabas agad ako ng kotse nang makita nakaupo sa may sahig si Rose at nakayuko. Hindi naman talaga sya nakaupo na nakasalampak sa sahig ah, isipin nyo nalang kung pano yun.

Nilapitan ko sya at agad na hinawakan sya sa braso para itayo sya, naramdaman kong nagulat sya.

" S-si Jass" parang papaiyak na sabi nya. Bwisit ito na naman sya.

Lumapit kami sa may guardhouse.

" Hoy!!" sabi ko at alertong nagsipaglabasan ng guardhouse ang mga guards ng village namin.

" Y-young M-master kumusta po?" sabay-sabay na sabi nila. Ramdam ko ang kaba nila siguro dahil narin sa expression ng muka ko ngayon.

" Tandaan nyo ang muka ng babaeng toh at sabihin nyo rin sa ibang mga guards na kung sino man ang humarang ulit a kanya sa pagpasok sa village ko, mamamatay."

Nanigas lang sila sa takot at hinila ko na si Rose papasok sa kotse ko.

"di mo naman dapat sila tinakot"

"pake mo" malamig na sagot ko sa kanya at nagsimula nang magdrive

"under age ka diba? Bakit ka nagddrive? May lisensya ka ba?"

di ko sya pinapansin, pinipilit ko ring wag syang tingnan. Isang linggo naman akong panay tingin sa kanya sa malayo kaya ano naman kung katabi ko sya ngayon.

"Ibaba mo nalang ako. Salamat nalang maglalakad nalang ako papunta kay Jass" TSK.

"hoy!! Ano ba!? ibaba mo na ko! Nakalagpas kana sa bahay ni Jass at wala ka namang lisensya"

"Bwisit!!" sabi ko at lalo ko pang pinabilis ang pagtakbo ko.

"Hoi!! Tumi--"

"Pwede ba?! Nasa loob tayo ng village na exclusive lang sa clan namin kaya bakit kailangan ko ng lisensya?!! AT WALA SI JASS OK!!"

Yun na nga..di ko na naiwasang mapatingin sa kanya at nakatingin din sya sakin.

Ngayon ko nalang ulit sya nakita ng malapitan. Parang sira lang dahil isang linggo palang naman nung huli kaming magkita at tinitingnan ko naman sya mula sa rooftop pero bakit ganto ang feeling? Kumikintab ang mata nya parang may namumuong luha pero di naman tumutulo.

/%%*/#&&!! At umiiyak na naman sya. Ang plano dapat pagtawanan siya diba pero ito na naman yung pakiramdam na gusto kong paslangin kung sino man ang nagpaiyak sa kanya, ito naman yung parang nagpapasikip sa dibdib ko.

"Ok..di ko sinasadyang sumigaw. Wala si Jass at Lily. Kaya umuwi ka nalang"

umiling sya.

"Anong gusto mo? Wala nga sila diba. Wag makulit, tandaan mo nasa village ka ng mga mafia, gusto mo bang mapano hah" pananakot ko. Please lang umuwi kana.

Umiling siya ulit. Potek!

" ok lang, andyan ka naman"

Bwisit..bwisit talaga. Mababaliw na talaga ko sa kanya.

"Hindi. Umuwi kana ihahatid na kita." sabi ko sabay ikot ng manibela para bumalik ulit sa daan papuntang gate.

" Wag. Please ayoko pang umuwi at tsaka... Ano diba sabi mo pag inaaway na ko ni Renz sabihin ko lang sayo...ito na yun"

Ako naman ang napailing. Ano pa bang magagawa ko? Bahala na...

"Geh.. Sabihin mo na. Makikinig ako habang nagddrive. Para maikot narin kita dito sa village"

"Nganga nga ko sa mga bahay na nakikita ko dito eh"

Napatingin lang ako sa kanya.

"Ok. Haist.... Ahmm.. Alam mo birthday ngayon ni Renz. Mga ilang araw kong sinubukang tawagan sya at nung sa wakas at sinagot na nya niyaya ko syang icelebrate yung birthday nya. Nag-oo naman sya. Tapos yun, tatlong oras akong nag-intay"

"TARANTADO PALA SYA EH!! ANONG KARAPATAN NYANG PAGHINTAYIN KA!! SABI KO KASI IBREAK MO NA YONG KUMAG NA YON!!"

"Ehh.. Ewan malay mo natrapik lang sya. Siguro dapat di muna ko umalis, dapat nag-antay pa ko ng onti pero ewan di ko alam ang gagawin ko." hanggang sa tumulo na nga ang luha nya na alam ko kanina pa nya pinipigilan at agad naman nyang pinunasan.

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Gigil na gigil kong binilisan ang takbo ng kotse ko. Buti pan 

g car racing yung nadala kong kotse kaya mas mabilis toh. Nakakairita kasi.

"WAAAH!! CHAD!!!!!!!!!!!!!!! SIRAAAA ULOOO KAAA!!!!" nagulat ako nawala sa isip ko na matatakot pala siya kaya pinreno ko agad, kinabahan ako nung makita syang muntik nang sumubsob.

"S-Sorry...di ko---"

"Wow!! Ano kaba? Bakit ka huminto ang saya kaya. Hehehe nagulat lang ako kaya ko napasigaw pero gumaan yung pakiramdam ko. Hehehe...isa pa bilis" excited na sabi nya. Napangiti naman ako at napansin ko nawala na yung namumuong luha sa kanya pero dahil muntik na sya masubsob kanina wag nalang.

"Wag na..don nalang tayo sa bahay. Dun mo gawin lahat ng gusto mo."

Pinatakbo ko na ulit yung kotse pero yung tama lang.

Pagdating sa bahay diretso agad syang garden.

"Grabe. Second time ko na pero di ko paring maiwasang maamaze" sabi nya habang naglilibot-libot kami.

"Oo nga eh.. Nilibot na nga kita dito dati tapos gusto mo libutin ulit ngayon, wala ka nabang ibang gustong gawin dito?"

"ehh..nakakaamaze parin ehh. Grabe mas malaki pa toh sa bahay namin dati" bigla syang nalungkot. Ano naalala na naman kaya nya yung hayop na yun?

"Alam mo may pool kami, may court, may billiard, may mini arcade at kung ano-ano pa. Mamili ka na lang ng gusto mong gawin natin" pag-iiba ko ng usapan.

"hmmm...." inantay ko lang ang sagot nya.

Ito na nga kung ano-ano ginawa namin. Nagbasketball, nagvideo games, nagbilliards at kung ano-ano pa. Parang swimming lang ang di namin ginawa. Ayaw nya kasi. Sa lahat ng ginagawa namin feeling ko nag-enjoy naman sya pero ako nasa likod parin ng isipan ko ang pagsugod sa hayop na yun.

"punta ka munang garden. Tatawagan ko lang yung chef namin para ipagluto tayo ng snack" aalis na sana ko pero pinigilan nya ko.

"wag na, may dala ako"

Andito kami ngayon sa garden nakaupo pero picnic style ayaw nya sa may table kahit meron namang table dito. Pinapanuod ko lang siyang nilalabas sa may malaking bag ang kung ano-anong pagkain. May fried chicken, chicken sandwich, chicken adobo,chicken salad at kung ano-ano pa. Gusto kong maexcite habang tinitigan ang mga pagkaing alam kong luto nya pero mas nananaig ang inis dahil nakikita kong unti-unti na naman syang nalulungkot.

"Sorry kung puro putahe na may chicken ang dala ko. Paborito nya kasi eh" mas lalo akong nainis.

Last nyang nilabas ang cake.

"naku.. nasira na. Haist..baka dahil sa pagharurot mo sa kotse kanina haist nahirapan pa man din ako sa pagbake nito" malungkot nyang sabi na mukang iiyak pa. Ako naman malamig lang na nakatingin sa kanya. Gusto kong itapon toh lahat pero alam kong luto nya toh.

"Di ko favorite ang chicken, seafoods ang paborito ko at lalong ayoko ng cake na mukang ginahasa" malamig na sabi ko sa kanya.

" Ang sama mo! Pagkain parin naman yan ahh. Tsaka kung laitin mo yung cake tsk..gawa ko parin naman yan ahh" mas lalo akong naiinis. Gusto ko talagang itapon yan pero di ko magawa. Aha. Siya nalang gumawa.

Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa kanya para yayain syang tumayo at napatingin lang sya sakin

"Bakit di mo itapon ang lahat nang yan at ipagluto mo ko ng bago. Tara sa kusina." nakangiting sabi ko sa kanya at napangiti din sya.

" adik ka. Kung magpacute ka wagas ah.. Sige pero sayang toh noh"

"Bilis na." sabi ko habang ginalaw-galaw ang palad kong nakalahad sa kanya. Napangiti ulit sya at hinawakan na ang kamay ko at tumayo na sya.

"Sige basta ipakain mo toh sa mga aso nyo, sayang kasi" nagsimula na kaming maglakad

"tsk. Binibilhan namin sila ng dogfood noh tsaka baka malason pa sila" sabi ko tapos bigla naman siyang bumitiw sa kamay ko at tumigil sa paglalakad. Napahinto din tuloy ako

"joke lang. Hehe.. Sasabihan ko yung mga taga alaga ng aso namin mamaya" pero ang totoo nyan hindi yun joke.

Ayun. Ginawa nga nya ang sinabi ko. Nagluluto sya ng kahit ano na puro seafood. Provided ko ang ingredients syempre. Ako, pinapanuod ko lang sya habang nakangiti.

Kumain na kami at inubos ko I mean inubos naming dalawa ang niluto nya at busog na busog na kami. Tinanong ko ulit sya kung anong gusto nyang gawin basta dito lang sa bahay namin. Mas safe kasi dito eh. Naglakad-lakad lang kami ng onti tapos nagtennis at nagdance revo tapos kung ano-ano pa.

Dito kami ngayon sa gameroom nang bigla syang mapahiga sa sahig kaya napatingin ako sa kanya. Pagod na toh.

" kung hihiga ka wag dito. Ahh..ano..hehe Sa kwarto ko gusto mo?" pabiro kong sabi sa kanya..hehehe

"waah..sige, sige" nanlaki ang mata ko sa gulat dahil ganadong pumayag sya

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at diretso higa agad sya parang excited pa. Medyo di ako mapakali, wala pang nakakahiga sa kama ko noh ngayon palang. Nakatayo lang ako medyo malapit sa pinto at pinapanuod sya di ko alam ang gagawin ko eh.

"alam mo ang sarap talaga mahiga sa kama mo" biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at napaatras ng onti. Kelan? Ang alam ko matino akong lalaki eh, bwisit.

"A-at kelan ka naman N-napahiga dyan? Sa guestroom ka natulog non noh"

"Ai. Di mo ata nakita yun nung iniwan mo ko dito, nahiga ako non tapos sinugod na ko ni Jass parang ewan nga lang eh. Nakahiga lang naman ako non"

Napangiti ako bigla. Alam ko inisip ni Jass nun hehehe.

"Patulog, ok lang?"

"Geh lang basta ikaw" naupo na ko sa sala ko at kinuha ulit yung gitara na naiwan ko kanina. Nagstrum ulit ako.

"ehhh.. Marunong ka ding maggitara?"

Din?? Bakit din?

"Bakit marunong ka din ba?"

"Hehehe..hindi ako marunong noh. Di ko alam na may gitara ka pala bakit di ko napansin yan nung una kong punta?' sabi nya habang nakahiga sya at ako naman nandito sa sala kaya medyo malakas yung pag-uusap namin.

"Nakatago lang toh sa music room ko" sabi ko habang naggigitara

"ahh..." di na ko sumagot kasi feeling ko inaantok na sya.

Mga 30 minutes na din mula nang maupo ako dito at nagsisimula naman akong maboring. Tumingin ako sa may glasswall, yung isang side ng pader ko kasi made sa glass na bullet proof syempre para kita ko buong labas. Dun ko lang napansin na lumubog na pala ang araw. Tumayo ako dala ang gitara ko para gisingin si Rose kailangan na nyang umuwi. Paglapit ko nakita kong ang sarap ng tulog nya kaya nilapag ko muna sa tabi yung gitara at umupo ako sa kama sa space malapit kay Rose.

"Tingnan mo toh kung makatulog parang walang problema" ang sarap kasi talaga ng tulog nya parang nanaginip pa nga eh.Napangiti ako habang pinapanupd siya. Buti naman at di nya iniisip ang problema nya parang nairita tuloy ako sa sarili ko kasi muka pang ako ang mas problemado, tsk.

Bigla ko na lang hinawakan ng marahan ang pisngi nya. Hindi ko alam pero kusang lumalapit ang muka ko sa kanya.....

Ang iniingatang FIRST KISS ni Rose makukuha na ata ni Chad nang di nya namamalayan!? PATAY 

Sorry sa superduper late update. Sana may sumusuporta parin nito kahit di ako masyadong confident sa gawa ko. Pero sana po be a fan, hit vote at comment po pag po nagustuhan. Salamat po ng marami.

^_____^ BrashHeart ♥

Continue Reading