The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Three

258K 6.5K 2K
By FGirlWriter

CHAPTER THREE

WALA nang pagdadalawang-isip si Sapphire na mabilis lumapit kay Johann. Nasa living room ito at nakikipagkuwentuhan sa mga pinsan nito.

            "Hindi nga, Johann? Kumusta ka na ba talaga? Dalawang linggo kaming walang balita sa'yo."

            Napakamot si Johann sa batok nito. "Ayos lang naman ako. Siyempre, may pinagdaanan. Hindi niyo naman ako masisisi na gusto ko rin mapag-isa. Masakit masaktan. Alam naman natin iyon."

            "Did Czarina really broke up with you?" naranig niyang seryosong tanong pa ng pinakamatandang pinsan ng mga ito na si Bari.

            "Broke up? Paano kami maghihiwalay kung hindi naman naging kami? Binasted niya 'ko, that's the truth. Nagpaliwanag naman siya. Inintindi ko. Wala naman akong magagawa kung hindi niya 'ko mahal."

            "Nasaktan ka?" tanong naman ni River.

            "Ikaw minsan ka na lang nagsasalita, ganyan pa tanong mo. Matagal kong hinintay na maligawan siya. Bata pa kami, minahal ko na. Tapos tatanungin mo kung nasaktan ako? Hindi, hindi! Sumaya ako! Nagpa-party ako!" sarkastikong sagot nito.

            Nagtawanan ang mga ito.

            "I was just asking. Because sometimes, we don't really get hurt. We're just obliged to feel it when our pride speaks. True pain comes from the heart."

            Walang nagsalita sa mga ito kaya doon na siya sumingit. Tumikhim siya at kinalabit si Johann. Kasabay nitong naglingunan sa kanya ang ibang lalaki. Ngunit ang mga mata niya ay diretso na agad ang tingin kay Johann.

            "Hi! Can I talk with you?" kaswal na tanong niya rito. Ngumiti pa siya rito. Hindi siya ngumingiti sa mga lalaki. Maliban na lang nga kung kamag-anak. Sa case ni Johann, ito ang kanyang future husband kaya hindi niya pagdadamutan ng ngiti.

            Tila nagkaroon ng question mark sa mga mata nito. "Ah... sure, sure!" Binalingan nito ang mga pinsan. "Excuse lang muna."

            Nauna na siyang tumalikod at lumabas papunta sa porch ng bahay. Sumunod ito sa kanya. "Ahm, Sapphire, right? Anong pag-uusapan natin?"

            Humarap siya rito. Nakangiti ito pati ang mga mata.

            Tumikhim siya. "P-Pasensya pala kaninang lunch. Na-snob kita. I was hungry at that time na kasi," pag-uumpisa niya.

            "Walang problema sa'kin iyon. Kalimutan mo na," cool na wika nito. "Iyon lang ba ang sasabihin mo?"

            "I have a proposal to make," mabilis niyang sabi. Ayaw niyang magsayang ang oras. Wala ng hiya-hiya. Wala naman siya noon kapag mga lalaki ang kaharap.

            "Tungkol ba sa business iyan? Nako po! Teacher kasi ako, eh. Hindi ako masyado interesado diyan," iiling-iling na sabi nito.

            "No, no. Hindi naman tungkol sa negosyo. Pero makakakuha ka ng malaking pera."

            Napangiwi ito. "Networking? Nako, mas lalong ayoko."

            "No. Wala itong kinalaman sa kahit anong business. Ang kailangan mo lang gawin ay maging mabait, faithful, at masunurin na asawa."

            "Huh?" gulung-gulong sambit nito. Lumukot ang buong mukha sa pagtataka.

            She smiled at him. "Will you be my husband?"

            Literal na nalaglag ang panga nito. Nanlaki din ang maliit nitong mga mata.

            Natawa siya dahil ang ewan ng itsura nito. She held his chin. Siya na ang nagsara ng bibig nito. "You look funny."

            Napakurap-kurap ito. "T-Tama ba ang dinig ko? I-Inaalok mo 'kong maging a-asawa mo?"

            Natawa na naman siya. "You sound funny."

            "Ikaw ang funny! Crazy pa! Anong meron sa utak mo at inaalok mo kong maging asawa?" Sa gulat niya ay tumawa ito ng malakas.

            Tinawag siya nitong baliw at pinagtawanan ang proposal niya!

            "Hey, stop laughing!" Hinampas niya ito sa tiyan na medyo malaki dahil kakakain lang.

            Napahawak ito doon. "Aray! Ang bigat naman ng kamay mo."

            "Hah! Wala kang abs!"

            "Bakit ikababagsak ba ng lipunan kung wala akong abs?" biglang depensa nito. Halatang sensitibo ang topic rito kapag tungkol sa abs.

            Lihim siyang napangisi. May isa na agad siyang kahinaan na alam mula rito. Humalukipkip siya. "Let me explain everything to you, okay? Basta kailangan ko ng asawa ng isang taon. At ikaw ang gusto ko."

            He looked at her intently. "Wala akong abs."

            "Mapagtitiyagaan ka na."

            Nanlaki ang mg mata nito at biglang pinagkrus ang kamay sa harap ng dibdib. "Katawan ko lang ang habol mo?"

            She rolled her eyeballs. "I don't care about your body. Pogi ka naman."

            "Uy, thanks."

            "Isa ka pang Anderson. Anak ka ng isang maimpluwensiyang negosyante dito sa bansa. Marangal ang trabaho mo. Maganda kang iharap sa mga tao, sa alta-sosyedad. I will never get embarassed kung ikaw ang mapapakita kong asawa sa maraming tao. Mas kapani-kapaniwala pa na hindi imposibleng nagkagustuhan tayo at agad na nagpakasal."

            "Sandali, sandali. Ang bilis mo naman." Napailing-iling ito. "Kailangan mo lang pala ng trophy husband? Napakababaw naman ng rason mo."

            "No! Hindi kasi iyon lang iyon! I need your help, okay?" pag-amin na rin niya. Ayaw niyang humihingi ng tulong sa lalaki, pero kailangan talaga ng cooperation sa plano niya. "Siguro naman, alam mo ang pagkamatay ng lola namin nina Reeve two months ago? You even attended her wake, right?"

            "What about it?"

            Napabuga siya ng hangin at napayuko. "Nag-iwan kasi si Lola ng kondisyon sa last will and testament niya. Kaming mga apo niya, iniwanan niya kami ng mga malalaking mana. Mga lupa, kotse, bahay, at pera! Pero, hindi namin makukuha iyon hanggang sa hindi kami nagkakaroon ng asawa. Ang deadline namin hanggang sa 28th birthday lang namin. Kapag 28 na kami at wala pang asawa, lupa at bahay lang ang iiwan sa'min. Ang pera, sa charity na mapupunta.

            "Sina Haley, matagal pa ang deadline nila. Pero ako, hanggang next month na lang! I'm turning twenty-eight next month at wala akong balak mag-asawa, as in never! But, I need to get my inheritance. Lalo na ang pera." Tiningala niya ito at sinalubong ang mga mata. "Gusto kong makapagpatayo kasi ng malaking bookstore. Pangarap ko na iyon noong bata pa'ko."

            "Makukuha mo ang buong mana mo, basta magkaasawa ka lang?"

            "Half lang muna ang makukuha ko sa pera pagkatapos kong makasal. Iyong kalahati, makukuha ko lang kapag lumipas ang one year and I'm still married."

            Napakamot ito sa batok. "Kasal sa papel lang tayo, ganoon?"

            "Yep!"

            Tinitigan ulit siya nito. "Ganoon ka kadesperada sa mana mo?"

            "Medyo," pag-amin niya. "Sino bang hindi gustong maabot ang pangarap? Makapagpatayo lang naman ng malaking-malaking bookstore, masaya na 'ko."

            "Bakit bookstore?" usisa pa nito. Pero alam ni Sapphire that Johann's just buying time. Pinag-iisipan nito ang proposal niya!

            "Mahilig akong magbasa ng libro, eh."

            "Magtayo ka na lang ng library. Tapos free reading sa mga kabataan na walang pambili ng libro."

            "May magiging ganyang area sa bookstore na pinaplano ko. May free reading area doon. Pero siyempre, para hindi rin ako lugi, magbebenta na rin ang ng books para sa mga may pambili." Wait, bakit kinukuwento niya ang mga future plans niya sa isang lalaki?

            Hayaan mo na, Saphi. Si Johann ang key sa future plans mo, so it's just okay to explain everything to him.

            "Okay."

            "Ha?"

            Nagkibit balikat ito. "Okay. No problem. Payag na 'ko maging asawa mo ng isang taon. Hindi naman ako masyadong busy sa buhay ko," he said in a very light tone.

            "OMG!" singhap niya at saka napatakip pa sa bibig. Maya-maya ay tumili siya ng malakas. Hindi niya na rin mapigilan ang sariling yakapin ito.

            Yes! Yes! Makukuha niya na ang mana niya! Ang bookstore niya, very soon na ang opening! Tama nga si Reeve at Agatha sa choice nang mga ito na si Johann ang gawin niyang first prospect. At bumigay agad!

            "Anong meron?" nag-aalalang tanong ni Agatha nang makita sila na magkayakap. "Narinig kong tumili si Sapphire." Napahawak pa ito sa malaking tiyan.

            "Oo nga, what happened?" pakiki-isyuso na rin nina Lavender.

            Masayang-masaya si Sapphire. Oh, she could jump for joy. At ginawa niya nga iyon habang pumapalakpak.

            Tumawa si Johann. "Ibang klase pala mapapangasawa ko kapag masaya."

            Natulala ang mga tao.

            "Mapapangasawa?" biglang singit ng pinsan nitong si Dylan. "Seriously?"

            "Ganoon na kabilis ngayon ang ligawan, after a few seconds pakasal na agad. Life is short. Kayo nga ni Lana, married overnight." Hinawakan siya ni Johann sa braso at pinakalma. "Ganyan ba talaga kasaya kapag maikakasal sa poging tulad ko?"

            Wala nang pakialam si Sapphire sa mga tao sa harap nila na hindi pa rin makapag-react. Wala na siyang time magpaliwang sa mga tao doon. Bahala na ang mga ito. Ang mahalaga ay makasal sila ni Johann.

            Walang papaalam na hinila niya si Johann paalis doon. At nagpahila naman ito.

            "Iuuwi mo na ba 'ko? Sandali, hindi ako prepared," biro nito nang pinasakay niya ito sa kotse niya.

            "No. We're going to celebrate. My treat." Ini-start niya ang makina ng kotse. Pagkuwa'y humarap siya rito. Dahil hindi siya pinahirapan ng lalaki, exemption na ito sa galit niya sa mga kabaro nito. "Let's be friends?" sabay abot ng palad rito

            "Inalok mo na 'ko ng kasal, ngayon mo pa tinanong iyan? Aba matinde," angal muna nito pero inabot naman ang kamay niya. "Pero dahil ikakasal tayo, sige. Friends na tayo!" Napakaluwang pa ng ngiti nito habang nagshe-shake hands sila.

            Napangiti si Sapphire ng malapad. Hindi lang dahil solved na solved na ang problema niya sa makukuhang pamana ng kanyang lola. Because, finally... she has a friend.

***

HONESTY is the best policy. Sabi 'yun sa kanya ni Johann. At tutal naman daw, ang kailangan lang nilang paniwalain na totoong nagmamahalan sila kaya ikakasal sila—ay ang abogado ng yumao niyang Lola, so, there's no need to lie to their respective parents.

Kaya naman ngayon ay nakaharap silang dalawa kay Mr. Philip Anderson--ang ama ng mapapangasawa niya. Masusing ipinaliwanag nila rito kung bakit kailangan nilang magpakasal ng anak nito sa madaling panahon. As in, next week na. Hindi na siya maghihintay ng birthday niya next month at baka magbago pa ang isip ni Johann.

"I see," tumatangu-tangong sabi ng future father-in-law niya nang matapos siya sa pagkukuwento. "Marriage for convenience."

"Yes, Sir. Let's just put it that way."

Bumaling ito kay Johann. "Is this your way to be able to move on?"

"Move on saan, Daddy?"

Oh, he's still indenial. Poor Johann. Nabasa minsan ni Sapphire na may mga stages daw ang pagmo-move on. At nasa first stage pa lang ang groom niya.

Napailing-iling ang ama nito. "Where do broken hearts go?"

"Sa kanya." Sabay turo sa kanya ni Johann. "Sa babaeng gustong magtayo ng bookstore."

Napangiti ang matandang lalaki. Magkatulad na magkatulad ang ngiti nito at ni Johann. Siyempre, mag-ama nga kasi.

"Mag-merienda muna kayo, o," pasok ni Mrs. Ria Anderson--asawa ng tatay ni Johann at ina ni Agatha. Magkaiba ng ina sina Johann at Agatha. Ang alam niya lang, anak si Johann sa dating girlfriend ng totoong ama nito.

"Wow! Ikaw nag-bake nito, Mommy Ria?" Mabilis na kumuha si Johann ng cake mula sa malaking tray nang ibaba iyon sa mesita ng ginang. Akala niya ay ito ang kakain pero ibinigay nito ang platito ng cake sa kanya. Inabutan pa siya ng tinidor at ito na ang nagsalin ng juice sa baso para sa kanya.

"Oo. Kaya ka kumain ka na rin, Johann. At sana magustuhan mo rin, hija," nakangiting sabi sa kanya ng ginang. Napaka-warm ng ngiti nito. Bigla niya tuloy na-miss ang Mommy niya na busy pa kasama ang mga amiga nito sa Asian Cruise. Next mext month pa ang uwi ng Mommy niyang lakwatsera dahil magla-Las Vegas pa daw ito kasama ang bagong boyfriend.

Hmp. Tapos pag-uwi dito sa Pilipinas, umiiyak na naman dahil iniwan ng boyfriend. Hindi na nadala.

Pagtikim niya sa cake ay sobrang sarap nga niyon. Nagme-melt sa dila niya ang caramel na filling ng cake. Parang gusto niyang mapapikit sa sobrang tamis pero hindi nakakaumay.

"Ang sarap!" Johann enthusiastically said. Naunahan siya nito sa pagpuri. "Sa sobrang sarap, makakalimutan ng broken hearted na broken siya," natatawang sabi nito.

Mrs. Anderson looked pleased. Maya-maya ay inasikaso na nito ang asawa. Ito na ang nag-abot ng cake sa esposo. In return, Mr. Anderson was the one to get the glass of juice for his wife.

Ganoon pala ang mag-asawa? Nagsisilbihan?

Palibhasa, hindi pa siya pinapanganak ay patay na ang lolo niya kaya laking-Lola lang siya at hindi niya alam paano ba magtratuhan ang grandparents niya. Iyong mga naging boyfriends naman ng Mommy niya dati, puro Mommy niya lang nagsisilbi sa mga ito.

"Buo na ba talaga ang desisyon niyo sa pagpapaksal?"

"Well, I want to help her," sagot ni Johann. "And I think being married in more than a year is not quite a bad idea."

"And Mr. Anderson, hindi naman na bago sa mundo natin ang mga ganito. I know you can understand me. I'll be a good and faithful wife naman po sa anak niyo. Mag-uusap pa lang kami sa magiging set-up namin but more or less, I won't bring any shame to your family's name."

"Naiintindihan kita, hija. Ang iniisip ko lang, paano kung isa sa inyo ay may mahulog ang loob? Anong gagawin niyo?"

Nagkatinginan sila ni Johann. At sabay pa silang natawa. Imposibleng ma-fall in love siya sa lalaki. Aba't kahit friends na sila, hanggang doon lang naman iyon. She still hated men and she does not want to fall in love with them. Lalo na kay Johann na halata naman bigo talaga sa pag-ibig.

            Ayaw naman niyang maging... ah, ano nga bang tawag doon? Panakip-butas?

            "Daddy, man-hater si Sapphire," imporma ni Johann sa ama. "Kaya nga bigla na lang nanghugot ng magiging groom dahil walang boyfriend since birth."

Halatang nagulat ang huli nang mapatingin sa kanya. "Is that true, hija? Man-hater?"

Alanganing ngumiti siya. Pasimpleng sinamaan niya ito ng tingin pero hindi siya pinansin at aliw na aliw ito sa pagkain ng cake.

"Ahh... ganoon nga po. I grew up without a father and I saw a lot of times how my mother got hurt by her past boyfriends." Bata pa lang siya, ang pangit na ng image sa kanya ng mga lalaki. Kaya nakatatak talaga iyon sa utak niya.

Hindi na nagkomento pa ang ama ni Johann. Nakakaintinding tumango lang ito. Lumapit naman sa kanya ang asawa nito at nagulat siya ng niyakap siya ng ginang. Kung yakapin siya nito ay naramdaman niyang parang anak siya nito.

Kaya pala ang lambing-lambing ng asawa ni Reeve na si Agatha. Lumaki ba naman sa ganito kalambing na nanay at pamilya?

Pero kusang niyakap niya rin ito pabalik. She was touched. She felt safe inside a true mother's arms.

"You will marry the right man," bulong nito sa kanya habang hinahagod ang likod niya. Lumayo ito at hinaplos ang mukha niya. "I can see that you have a good heart. Sooner or later, you'll learn to forgive." Matamis pa siya nitong nginitian.

Nagtaka naman siya. Forgive saan? Anong kailangan niyang patawarin? Wala namang may kasalanan sa kanya. Walang umaaway sa kanya. No one dared to provoke a Monteverde.

Magtatanong sana siya sa ginang ngunit natagpuan niya na lang ang sarili na nagpapaalam na sa mag-asawa na hindi naman tinutulan ang plano nila ni Johann na magpakasal. Maya-maya ay nasa loob na siya ng kotse ni Johann na lumang modelo ng Toyota Vios. 2007 model pa yata ang kotse. Outdated ang lalaki pero halatang well-maintained ang kotse nito kahit luma na.

"Ah, saan tayo pupunta?"

"Sa bahay ko. Bungalow lang iyon sa isang subdivision malapit sa trabaho ko. Doon kita ititira, okay?"

Napataas ang kilay niya. "Ako? Patitirahin mo sa bungalow?" gulat na wika niya. Isa itong Anderson kaya inaasahan niya na titira sila sa isang condo unit, or sa isang town house, or sa mansion!

Napasulyap ito sa kanya. "Bakit hindi? Dalawa lang naman tayo. Kasya naman tayo sa bahay ko, ano. Saka kahit hindi exclusive village iyong subdivision na pupuntahan natin, mababait tao doon. Lalo na ang mga magiging kapitbahay natin."

Napahalukipkip siya. "I can't believe this! Ako si Sapphire Monteverde patitirahin mo sa isang bungalow? Doon na lang tayo sa makukuha kong pamana na town house sa Marikina tumira. Exclusive pa ang village. Maganda ang security."

"Ang yabang mo naman. Kahit si Sapphire Monteverde ka," binigyang diin nito ang 'Monteverde'. "Tao ka pa rin. Prinsesa ka sa inyo, okay. Pero, mag-aasawa ka na. At ako ang magiging asawa mo. Gagawin kitang reyna sa sarili kong palasyo. Tuturuan kitang maglaba, magluto, maghugas ng plato, mamlantsa, maglinis ng bahay—"

Matinis siyang napatili.

Napangiwi ito at napahawak sa isang tainga. "Ang OA, ah."

"Hindi mo 'ko gagawing reyna! You'll turn me into a maid! Wala iyan sa kasunduan natin!"

"Wala pa tayong kasunduang ginagawa."

"Wala iyan sa magiging kasunduan natin!"

"Eh di, ilagay."

Gustong magwala ni Sapphire sa loob ng kotse. Kaso baka ma-distract si Johann sa pagmamaneho at parehas silang madisgrasya. Kaya tumili na lang ulit siya ng malakas.

Huminto ang kotse. Naka-stop light kasi. "Isa pang tili mo, hahalikan kita," banta nito.

"Johann, hindi mo 'ko mapapasunod sa mga gusto mo. Pakakasalan lang kita but it does not mean na I will let you manipulate me. Ikakasal lang tayo para may maiharap akong authentic marriage contract sa lawyer ni Lola. And that's it! I won't be your wife in the true sense of it! We will live our own lives kahit kasal na tayo!" mariin na mariing saad niya. She can't let herself be under Johann. Dapat siya ang naka-kontrol sa sitwasyon.

"Uy, hindi ako informed diyan."

"Alam mo na ngayon!" singhal niya rito.

Napangiwi ito. Nagsimula na ulit umandar ang kotse. "Ibig sabihin, kahit mag-asawa na tayo, puwede pa ring makipag-date sa iba?"

"No! Dapat faithful. If you're not aware, matunog ang mga apelyido natin. Ayokong makarinig sa news isang araw na ang asawa ng isang Sapphire Monteverde ay may ibang babaeng kasama sa hotel! Ikaw naman siguro, ayaw mong malagay sa diyaryo na isang taksil ang isang Anderson?"

"Bakit ako ang example mo ng nagtaksil? Bakit hindi ikaw?"

"Eh, ikaw ang lalaki!"

Napakamot ito sa sentido. "Faithful ako. Mahigit isang dekada nga akong nagmahal ng isang babae lang. Basted pa 'ko."

"Ah, basta! Ayan na ang unang kasunduan natin."

"Wala akong problema diyan. Pero, ititira pa rin kita sa bahay ko."

"Ayoko! Doon na lang tayo sa town house na mamanahin ko!"

"Ako ang lalaki. Obligasyon kong iuwi ka sa pamamahay ko kapag mag-asawa na tayo."

Napapadyak siya. Hindi kasi siya makapagkomento. Alam nito ang mga obligasyon bilang lalaki at wala naman siyang balak tutulan ang ganoon. Galit lang siya sa mga lalaking hindi alam kung paano maging tunay na lalaki.

"Ang yaman-yaman mo, Johann. Hindi mo ba 'ko ititira man lang sa mansyon? Or sa isang mamamahaling condo unit?"

"Tatay ko lang ang mayaman. Ako, lumaki ako sa hirap. Nakuwento ko naman sa'yo na last year lang kami nagkakilala ng Daddy ko. Kaya lahat ng makikita mong akin, pinaghirapan ko. Itong kotse ko, ilang taon ko ring hinulugan. Iyong bahay ko na titirhan natin, marami akong dinaanan na proseso para lang makakuha ako ng loan para doon."

Napalabi siya. Bumilib kasi siya sa sinabi nito. Unang beses niyang bumilib sa isang lalaki. Exemption ang mga kamag-anak niya.

"Kaya nga iyong bungalow ko, huwag mong nila-'lang' lang iyon. Ikaw ang unang babaeng ititira ko doon. Be proud, Monteverde," nagmamalaking sabi nito sabay baling sa kanya. "At naniniwala ako sa kasabihang, ang tunay na pogi ay nakatira sa bungalow house."

Wala nang masabi si Sapphire. Natawa na lang siya sa kalokohan ng husband-to-be niya.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...