NINE MONTHS

By BDHOSME

940K 8.1K 885

9 MONTHS Kaya mo bang magmahal ng isang taong hindi mo talaga kilala? Hindi nila akalain na ang kanilang un... More

NINE MONTHS
CHAPTER 2
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
EXTENSION: PART 2 (FINALE)
ABANGAN.....
NINE MONTHS AND BEYOND: ANG BAGONG UMAGA
2.1
2.2
2.3
2.4
2.5
2.6
2.7
2.8
2.9
2.10
2.11
2.12
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 1
NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 2 (FINALE)
VULCANIZING MY HEART (JANICA SIDE STORY)
ABANGAN...
Handa ka na ba?
ABANGAN SILA...
nine months and beyond (the second gen)
HEADLINE NO. 1
HEADLINE NO. 2
HEADLINE 3

CHAPTER ONE

45.9K 376 20
By BDHOSME

            Napanganga si Emy nang makita niya ang malaking bahay na iyon. Sa buong buhay niya ay doon lang siya nakakita ng ganon kalaki na bahay at ang di pa niya mapaniwalaan ay simula sa araw na iyon ay doon na siya maninirahan sa marangyang bahay na iyon.

            “ Emy? Ano pang tinatanga mo riyan? Halika na sa loob.” Ang sabi sa kanya ng kanyang ina na mag-isang nagpalaki sa kanya mula ng iwan sila ng kanyang ama.

            Agad na sumunod si Emy sa kanyang ina pero patuloy pa rin ang paglinga-linga niya sa kabuuan ng bahay na iyon.

            “Inang, ang ganda pala rito ano. Parang ganito yung mga napapanood ko sa TV eh. “

            Napangiti ang kanyang ina sa kanyang sinabi, “Siyempre naman. Bahay ng Senador ito kaya maganda.”

            “Inang ang babait siguro ng pamilya ni Senator.”

            “Mababait talaga ang mag-asawang iyon. Tignan mo nga at pinalipat ka nila rito sa Maynila upang maging skolar nila.”

            “Oo nga inang eh. Mababait din po ba yung mga anak nila?” tanong niya muli sa kanyang ina, tila tinitignan kung makakasundo niya ang mga nakatira sa loob ng mansion na iyon.

            “Mabait si Myleen, sweet yung bata na iyon at napakabibo.”

            “Ah yun ba yung highschool student? Eh yung kasing edad ko po?”

            “Ah si Nathan…” nagkibit balikat ang kanyang ina, “Simula kasi ng tumuntong yun ng college ay nag-sarili na iyong batang yon.”

            “Nagsarili? Eh di ba Nang pareho lang kami ng university na papasukan? Eh di naman kalayuan yung school na iyon dito ha, nagsarili pa siya?”

            “Eh alam mo naman yung kabataan dito, gusto bang maging independence…”

            Napangiti si Emy “ Independent Nang.”

            “Oo yun nga, gusto niyang maging ganon, yun bang hindi sila pinakikialaman ng mga magulang nila.”

            Napatango si Emy sa sinabi ng kanyang ina, “Sabagay, sabi nga nila iba na talaga ang mga kabataan dito sa Maynila.”

            “Siya na ba si Emy?” isang magandang ngiti ang isinalubong sa kanya ng isang may-edad na babae ngunit sa kabila ng edad nito ay taglay pa rin nito ang tinatawag nilang youthful beauty. Lumapit sa kanya ang babae at agad siyang niyakap, “Ang ganda-ganda mo pala.”

            Namula si Emy sa sinabi ng babae, “T-thank you po mam.”

            “No, don’t call me, Ma’m, call me Tita, Tita Zeny.”

            “Tita Zeny?” nahihiya niyang sinabi sa babae.

            “Hi!” patakbong lumapit sa kanila ang isang cute na babae na nakasuot pa ng pangschool uniform, “Are you Nanay Inday’s daughter? I’m Myleen, nice to meet you. “

            “Alam mo ba excited na excited kang makilala ng anak kong ito, palibhasa kasi gusto niyang magkaroon ng kausap dito sa bahay. Pagpasenyahan mo na iha, kung paminsan-minsan ay lagi kang kukulitin ng anak kong ito.”

            Tumango si Emy, “Okey lang po yun, sabik naman din po akong magkaroon ng kapatid na babae.”

            “Wow, that’s great. Teka can I call you Ate Emy?”

            “O-oo naman.”

            Mahigpit siyang niyakap ni Myleen, “Wow, thanks! Magkakaroon na ako ng ate!”

            Napangiti si Emy kay Myleen. Mukha ngang tama ang kanyang ina, napakasweet na teenager ni Myleen.

            “Asan po si Senator?” tanong niya kay Zeny, “Gusto ko po kasing personal na magpasalamat sa kanya sa pagbibigay niya sa akin ng scholarship. Sobrang malaking tulong po talaga ito sa amin ni Inang.”

            “He’s in the Senate right now, pero don’t worry, mamaya lang ay andito siya. We prepared a special dinner as our welcome treat for you.”

            “Naku mam nakakahiya na po.” ang sabi ng kanyang ina kay Zeny.

            “Don’t mind it, Rosa, masayang-masaya lang talaga kami at may bago tayong makakasama sa bahay.” Ang sagot ni Zeny sa kanya.

            “So HRM ang kinukuha mo?” ang tanong ni Senator Francisco De Silva, isang magaling at tanyag na senador ng bansa. Ilang beses na itong naging cabinet member ng mga nakaraang administrasyon at dahil sa di matawarang galing at magandang imahe ay nanguna ito nong nakaraang eleksyon sa pagiging senador.

            “Opo.”

            “Siguro gusto mo ring mangibang bansa katulad ng iba.”

            “Sa ganong paraan po kasi kami makakaahon sa kahirapan ni Inang.” At ningitian niya ang kanyang ina na kasalukuyan kasabay nilang kumakain kasama ang pamilya ng Senador.

            Napailing ang Senador  “ Hay, maganda sana kung dito ka maglilingkod sa sarili mong bayan, pero ano bang magagawa natin? Hindi rin naman namin masisisi ang mga Filipinong gustong mag-abroad, mahina talaga ang kita rito sa Pinas at minsan pa, kung mamalasin ka ay wala ka talagang makikitang trabaho.”

            “Oo nga po.”

            “Sige iha, pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha. Ang pakiusap ko lang naman sayo iha ay wag mong sasayangin ang scholarship na ibinigay namin sayo. Isang malaking privilege din ang makapag-aral ka sa university na iyon.”

            “Alam ko po Senator. Wag po kayong mag-alala, kahit na anong mangyari ay pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko.”

            “Aasahan ko talaga yan, iha.” Ang sabi ng Senador sa kanya.

            Pagbaba niya sa jeep ay laking tuwa niya nang makita niya ang kanyang papasukan na University. Ni sa panaginip ay di niya akalain na makakapag-aral siya sa prominenteng University na iyon. Pumasok siya sa gate ng University at di niya mapigilan ang mapangiti sa kanyang mga nakikita. Mga Englishan ng Englishan na mga estudyante, mga pamilyar na mukha na mukhang nakita niya ng lumalabas sa TV, may mga kilalang artista rin siyang nakakasalubong sa paglalakad. Gustong-gusto na niyang humingi ng autograph ngunit nakakahiya naman kung hihingi siya. Napanganga rin siya sa mga nakikita niyang Chanel, Hermes at LV na bags na dala-dala ng mga Socialite na estudyante. Nagugulat siya sa mga magagarang sasakyan na nakapark sa parking ng university na iyon.

            “Grabe, totoo nga ang sabi nila. Bigatin talaga ang eskwelahan na ito.”

            Nagulat siya ng may biglang bumusina sa likuran niya at agad siyang napalingon dito.

            “Hey Miss! Tumabi-tabi ka nga.” Sabi ng lalaking nagmamaneho at may suot na shades.

            “S-sorry.” Ang sabi niya rito.

            “Hey Nats!” ang sabi ng isang grupo ng lalaki sa lalaking tumawag sa kanya. Nakita niyang kinawayan rin ng lalaki ang grupong iyon at nagpark ng kotse malapit sa kinatatayuan ng grupong iyon.

            “Hmp! Ang sungit naman ng lalaking iyon!”

            “Hi! Scholar ka rin pala.” Napalingon si Emy sa boses na iyon habang inaayos ang kanyang scholarship sa may Dean’s Office ng University.

            “Ah oo, di ba classmate kita sa English?”

            Tumango siya rito, “Oo, HRM ka rin noh.”

            “Oo, transferee ako rito. Sa may amin sa Isabela ako nag-first year at second year.”

            “Ah talaga. Siya nga pala ako si Berna.”

            “Emilia, pero tawagin mo na lang akong Emy.”

            “Nice meeting you Emy.”

            “Ikaw din.”

            Naging si Emy at Berna ang magkasama palagi sa school dahil din siguro parehas sila ng katayuan sa buhay ni Berna na probinsyana at laking mahirap. Naiilang din kasi si Emy sa mga ibang estudyante sa school na iyon kaya naman napakasaya niya at nakilala niya si Berna.

            Kasama sa pagiging prominenteng University na iyon ay ang matinding pressure sa pag-aaral ng kanilang mga estudyante. Halos lahat ng mga nag-aaral don ay magagaling at may sinabi kaya hindi pwede ang basta simpleng aral kundi sobrang tinding pag-aaral ang kailangan niyang gawin upang maka-adjust sa school na iyon.

            Kung sa dating niyang school ay sisiw lang kay Emy ang maging number one, sa eskwelahan na iyon ay iba, halos lahat sila ay nag-aagawan sa pagiging number one. Feeling niya ay para siyang nasa isang matinding competition ng track and field kung saan ang lahat ay gustong mangunang makarating sa finish line.

            Pagdating galing ng school ni Emy ay nagshower lang siyang kaunti, nagsuot ng duster at muling binalikan ang kanyang mga hiniram na libro sa library upang gawin na agad ang kanyang mga assignments sa eskwelahan.

            Magsisimula na siyang magbasa ng libro nang pumasok sa kuwarto nila ang kanyang ina.

            “Hay nakakapagod…” at bumagsak sa kanyang kama ang kanyang ina, “Anak mag-aaral ka pa ba?”

            “Eh, Inang ang daming assignments sa school eh.”

            “Mauna na ako sa iyong matulog ha, nakakapagod maglaba eh.”

            “Am… sige po inang, sa kusina na lang po ako mag-aaral.” Kinuha ni Emy ang kanyang mga gamit at lumabas ng kuwartong iyon.

            Agad nagtungo si Emy sa kusina ng mansion na iyon. Tinignan niya ang orasan na nakasabit ron, eleven o’ clock na, dapat ay natutulog na siya pero yun ang best time upang makapagsarili siya at makapagconcentrate sa pag-aaral.

            Napansin niyang tahimik sa kusina, best place upang makapag-aral siya. Inilapag niya ang kanyang mga dala-dala sa kitchen table at sinumulan niya ng gumawa ng assignments.

            Sa kalagitnaan ng kanyang paggawa ng assignments ay nakarinig siya ng mga kaluskos sa labas ng kusina. Kinabahan siya, “Ano yun?”

            Sinilip niya ang bintana mula sa kusina kung saan nakita niya ang isang lalaki na pumasok ng gate at parang pasuray-suray sa paglalakad.

            “Hala sino yun?”

            Lumapit ang aninong iyon sa may pintuan ng kusina at kumatok, “Anybody hear me? Could you please open the door for me?”

            “Am… sino po sila?”

            “ Damn! Nagtatanong ka pa kung sino? Si Nathan ito hoy! Buksan mo nga itong pinto…”

            Nathan, ang anak na lalaki ng Senador. Agad binuksan ni Emy ang pintuan at bumulaga sa kanya ang lalaking iyon, amoy alak, bukas ang butones ng suot niyang polo at tila wala sa sarili. Hindi siya makapagsalita nang makita ang lalaki. Pamilyar ang mukha niya sa akin…

            Bukod sa mga family pictures na nakadisplay sa bahay na iyon kung saan niya nakita ang mukhang iyon ay naalala niya ang lalaking bumisina sa kanya sa unang araw niya sa school, “Ha? Siya nga yun?”

            “Hey you? Anong tinatanga-tanga mo pa riyan? Dali, samahan mo ako papunta sa kuwarto ko.” Ang sabi ng lalaki sa kanya.

            “S-sa kuwarto niyo po?”

            “Huh, saan mo ba gusto sa kuwarto mo? Dali!”

            Agad inalalayan ni Emy ang lalaki patungo sa pintuan ng kuwarto nito. Marahan niyang ipinihit ang knob ng pintuan at baka magising ang kapatid nitong si Myleen na nasa kabilang kuwarto lang ng lalaki.

            “Am, andito na po tayo sa kuwarto niyo.”

            “Ganon ba, halika samahan ko…”

            Nagulat si Emy nang biglang siyang hinila nito, napatumba siya at napahiga sa kama nito at napaibabaw naman sa kanya ang lumong-lumong katawan ng lalaki.

Continue Reading

You'll Also Like

626K 3.8K 8
"Wag mong susubukang magbitaw nang salitang sa huli ikaw din ang lulunok at kakain ng mga sinabi mo.. Dahil maaring ngayon kinamumuhian mo sya, bukas...
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
61.3K 1.3K 16
Sabi nila, true love is worth the wait! Magkaron kaya ng Happy Ending ang story ni Dave and Crystel na 9 yrs. in the making? Makakapaghintay ba talag...