The Coldest Girl

By imagineyou2003

101K 4.5K 84

This is my first story ever. Kaya Hindi ko alam kung maayos ba sya. Kung gusto nyong basahin.. Thank you... More

Prologue
Chapter 01: The Cold Girl
Chapter 02:They Meet
Chapter 03:The Beginning
Chapter 04: Perry Stanford
Chapter 05: The Mysterious Guy
Chapter 07: Friends???
Chapter 08: Her Past about Friend
Chapter 09: C-2
Chapter 10: JERK
Chapter 11: Lunch with X-5
Chapter 12: Weird
Chapter 13: Bonding with my Kuya Hence
Chapter 14: Bar
Chapter 15: What?!
Chapter 16: Are they Couple?!
Chapter 17: Headbutt
Chapter 18: Trouble (Part 1)
Chapter 19: Trouble (Part 2)
Chapter 20: Bull's Eye
Chapter 21: Black Reaper
Chapter 22: Nightmare (Part 1)
Chapter 23: Nightmare (Part 2)
Chapter 24: The Report
Chapter 25: Friendship?!
Chapter 26: Encounter Agatha
Chapter 27: The Picture
Chapter 28: She's Missing
Chapter 29: Reveal!!!
Chapter 30: Forgive?!
A/N: Pls..Read!!!
Epilogue

Chapter 06: Goblin

3.1K 147 8
By imagineyou2003

THIRD PERSON POV

Papunta na sana sa gawi nila ang mga babaeng magtatanong ngunit napahinto ang mga ito.

"Ay! Mukang may moment sila ng boyfriend nya"

"oo nga, sa iba na lang tayo magtanong"

"Tara, dali baka mahanap pa natin sya, GOSH"

at mabilis na umalis ang mga ito sa pag aakalang mag kasintahan ang dalawa.

Dahan-dahang inalis ng lalake ang pagkakayakap kay Mahgie at Nakahinga ito ng maluwag dahil sa wakas ay umalis din ang mga babaeng humahabol sa kanya. Bakit nga ba sya hinahabol ng mga ito?

Tumingin ito kay Mahgie na hanggang ngayon ay tulala parin. Ngumite ito. At inaayos ang suot na cap, linapit ang bibig sa tenga ni Mahgie at bumulong.

"Thank you"

O___O

Mas lalong hindi nakagalaw si Mahgie dahil mabilis syang hinalikan sa pisngi ng lalake. At hindi nya namalayang wala na ito sa tabi nya at nakaalis na ito.

Nang bumalik sya sa reyalidad ay saka sya nakaramdam ng inis dahil sa taong yumakap at humalik sa kanya. Gusto nya itong bigyan ng ultimate headbutt at mega uppercut. Ngunit nakaalis na ito.

Tumayo na ito at napagpasyahang ubusin ang kanyang kinakain habang naglalakad. Ngayon nya lang napansin na hindi pa pala nya nauubos ang binili nyang pagkain dahil sa sitwasyon nya kanina. At hanggang ngayon ay pakiramdam nya nakayakap parin ito at nakadampi parin ang labi nito sa kanyang pisngi.

Napailing ito at hindi na muling inisip ang pangyayari kanina.

Pagkarating sa Goblin ay agad na naman itong nagtrabaho dahil marami parin ang costumer at parang Hindi ito nababawasan. Lakad dito, lakad dyan. Kuha dito, kuha dyan. Paulit ulit yan hanggang sa 5:00 pm na.

Tinanggal nya ang suot na sumbrero at nilagay ito sa loob ng kanyang bag. Naupo muna ito upang mag pahinga saglit.

"Mahgie, juice oh. inom ka muna"

Inabutan sya ni Ronald ng isang basong juice. Tinanggap nya naman ito ng hindi tumitingin kung sino ang nagbigay nito. Habang uminom ito ay biglang tumabi sa kanya si Ronald dahil napagod din ito sa trabaho.

"Patabi ha? "

Muntik ng maibuga ni Mahgie ang iniinom na juice kung Hindi nya lang napigilan . Naalala nya kase ang pangyayari kani kanina lamang dahil biglang nagtama ang siko nila. Bahagya naman syang lumayo ng kaunti.

"Mahgie! Ronald! Guys! Mauna na ako sa inyo. Alam nyo na"

"Sige ingat"-sigaw ng mga kasamahan nito.

Nagpaalam na si Cassy na mauna dahil may date ito. Napailing iling na lang ang mga kasamahan nito. Dahil araw araw ay laging may date si Cassy at hindi lang yon. Iba ibang lalake ang dinidate nito. Dahil wala syang balak mag seryoso sa relasyon. Sa madaling salita playgirl si Cassy.

Pagkalipas ng minuto ay tumayo na rin si Mahgie para umuwi at makapagpahinga ng maaga sa apartment nya.

"Bye Mahgie, ingat ka"

Sigaw din ng mga kasamahan nito ng mapansin nilang palabas na rin ito para umuwi.

As usual. Hindi nya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa paglalakad palabas na parang walang narinig.

Sumakay ito sa kanyang bisekleta at nagpidal pauwi ng kanyang apartment ngunit bago yun ay dumaan muna sya sa Department Store para bumili ng cup noodles.

Tinabi nya ang bisekleta sa gilid at pumasok na sa loob. Bumili ito ng 3 cup noodles. Nagtungong counter upang bayaran ang binili. Pagkatapos nitong mabayaran ay umalis ito at agad na umuwi dahil nagugutom ito .

Nilagyan nya ng mainit na tubig iyong cup noodles at sinimulang kainin. Gusto nya sanang kumain ng kanin ngunit hindi nya na kayang mag saing dahil napagod sya sa trabaho at masakit ang kangyang mga palad dahil sa kabubuhat ng mga tray ng may laman na pagkain.

Pagkaubos nya ng isa ay sinimulan nya ulit buksan ang isa pa dahil nagugutom pa ito.

Sinimulan nya ulit itong kainin. Napatingin ito sa orasan na nasa wall.

6:46 pm...

Maaga pa. Ngunit gusto nya na talagang magpahinga at kahit na gusto nya pang kainin ulit yung isa pang cup noodles ay pinigilan nya na dahil marami na syang nakain. Ngunit para sa kanya ay Hindi pa sya busog. At hinahanap niya ay kanin.

Pagkapasok sa kanyang kwarto ay pumunta itong banyo upang mag shower bago matulog.

Habang nakahiga ito sa kanyang kama at nag iisip isip ng mga bagay ( dahil Hindi ito makatulog sapagkat gusto nyang kumain ng kanin ) biglang sumagi sa isip nya ang lalake kanina.

Napayakap ito sa sarili at napahawak sa kanang pisngi nya kung saan sya hinalikan.

Tss! Sino kaya ang lalakeng yon? Humanda sya sa akin kapag nakita ko syang muli. Tss - sa isip nito

Agad naman nyang naalala na hindi nya nakita ang mukha nito dahil sa suot na sumbrero . Ang natatandaan lang nito ay yung hikaw na kulay silver sa kaliwang tenga ng lalake. At tatlo itong mag katatabi. Natitigan nya ito ng malapitan nung niyakap sya nito.

Silver ring ----

*Ding-Dong*

Natigil sya sa pag iisip ng bigla nyang narinig na may nag doorbell .

As usual. Nanatili itong nakahiga at walang balak na pagbuksan kung sino man ang nag doorbell. Bagkus ay nagtalukbong pa ito ng kumot at pumikit.

*Ding-Dong*

Ngunit hindi sya makatulog dahil sa taong nag doorbell sa labas.

"Baby Gie! Nandito ka na ba?"

Narinig nya ang boses ng Kuya Acer nya. Ngunit Nanatili itong nakatalubong ng kumot. At wala pa ring balak na tumayo.

"May pinabibigay si Mama sayo. Itong paborito mo------whoaaa"

Nagulat ito ng biglang sumulpot sa harap nya ang kapatid at agad na kinuha ang dala nito.

"Ang dami naman nito Kuya"

Pumunta itong kusina at sinimulang kainin yung padala ng kanyang Nanay Rosa. Dahil nga Hindi ito nakakain ng kanin.

"Oh hinay hinay lang sa pagkain, walang aagaw sayo dyan. "

Natatawang sabi ng kanyang Kuya na pinapanood sya kumain.

Kinabukasan...

Nagising si Mahgie ng 5:00 am at dahil nga linggo ngayon at wala syang pasok sa trabaho ay kailangan nyang sumama sa practice nila ng kanta.

Nagprito ito ng bacon at nag sangag ng kanin para sa kanyang breakfast. Nagtimpla rin ito ng kape.

Habang sya ay kumakain Nakarinig syang may nag doorbell sa labas. Napakunoot noo at tumingin sa orasan.

6:19am...

Tss. Ang aga naman nila. Kumakain pa ang tao.

Nagpatuloy lamang ito sa pagkain at ng matapos ay saka lamang sya tumayo at pinagbuksan ng pinto ang mga ito.

"Hello Mahgie "-nakangiteng bati sa kanya ni Perry na kasama pala nila "Sasama kang practice? "

Tumango ito "Ang tagal mo kaming pagbuksan ng pinto ha? "-nakasimangot na sabi ni Ark. At may kain kain na naman itong fries...

Napairap nalang ito at lumabas ng pinto "Saan ba mag prapractice? "-bored na sabi nito

"Dun na lang sa Bahay namin..."-presinta ni Perry na nagtaas pa ng kamay.

"Hindi. Ayaw ko dun. Sa bahay na lang namin"-Ark

Namula naman ang pisngi ni Perry at hindi nakaimik. Dahil may crush ito kay Ark. At ayaw nyang makipagtalo rito.

"Tsk. Dun na lang tayo sa park"-Wika naman ni Jaxell dahil ayaw nitong pumunta sa bahay ni Ark sapagkat may iniiwasan sya dun. At yun ang bestfriend ni Ark na patay na patay sa kanya. Hindi sya sigurado Kung nandoon yun ngunit ayaw nya parin pumunta. Kaya naisip nyang sa park na lamang.

"ihhhhh sa bahay na lang namin"-pagmamaktol ni Ark

"Sige pare, sa park na lang tayo guys?"-sabi ni Red na hindi pinansin ang pagmamaktol ni Ark.

"Okay"

Naglakad na lamang sila papunta roon dahil malapit lang naman ang park mula sa apartment ni Mahgie.

Nag uusap usap yung apat na magka tropa.

"Ano bang kakantahin namin? "-Ark

Napahinto sa paglalakad si Mahgie sa narinig. Naisip nyang hindi din ito nagpractice kahapon dahil wala pa itong kakantahin.

"Hindi kayo nagpractice kahapon? "-tanong nito

Napatingin sa kanya yung apat "H-hindi eh, may emergency "-napapakamot sa batok na sabi ni Ark.

Wala naman talagang emergency Hindi sila nagpractice dahil hindi nila magagawa yung plano nila na makipagkaibigan kay Mahgie dahil nga wala ito kahapon. At ngayon nila balak gawin yun. Sisimulan nilang makipagkaibigan dito.

"Ikaw Sike may naisip kana ba? "-Ark

Naupo si Perry at Ark sa bench Samantalang sa lapag naupo si Jaxell, Red, Sike at Mahgie na nag indian sit. Malinis naman sa inuupuan nila. Hindi naman sila magkasya sa bench dahil pangdalawahan ito.

"Hanggang Ngayon na lang kaya"-Red

"Ikaw ba tinatanong ko?"-pangbabara ni Ark kay Red

"Hindi ikaw kinakausap ko"-bumaling ito kay Mahgie na tinutono ang gitara na dala ni Jaxell. "Si Mahgie, right Mahgie kung hanggang ngayon na lang kaya ang kantahin nila diba duet yun? "-Red, Hindi naman sya pinansin nito, at kahit na lingunin ay wala kaya nagtawanan ang tropa nito pati si Perry na kanina pa tahimik ay tumawa rin.

"Tumigil nga kayo, nag susugest lang eh"-Red

"Paano ba ang magmahal na lang ang kantahin nyo"-Sike, nagkatinginan naman si Ark at Perry. Pati yung tatlo si Mahgie ay nanatiling busy sa gitara nakikinig naman ito sa pinaguusap nila.

"Okay! Ark! Perry! Alam nyo naman siguro yung kanta na yun diba? "-Tanong ni Jaxell sa dalawa. Tumango naman sila Samantalang si Perry ay kanina pa namumula.

"Mahgie alam mo ba tugtugin yung kanta nila? "-bumaling ito kay Mahgie na nagsisimula mag strum.

"Subukan ko"-sagot nya . Hindi nya alam kung alam nya pa itong tugutugin dahil nga matagal na din syang hindi tumutugtog na gitara.

Napangisi naman ng lihim si Jaxell dahil kung hindi nito alam ay maari nitong turuan si Mahgie at Pagkatapos ay makikipagkaibigan na ito sa kanya .

Lumapit si Jaxell kay Mahgie at naupo sa tapat nito.

Pinanood nya si Mahgie na mag strum Ngunit hindi nya makuha ang tunog nung kanta.

Tss. Nakalimutan ko- sa isip nito

"Turuan kita "-Jaxell, kinuha nito ang gitara kay Mahgie at nag strum . Pinakita nya kay Mahgie kung paano tugtugin yung Intro, Verse at Chorus. Tumango tango naman ito. Binigay nya ulit kay Mahgie yung gitara.

"Subukan mo ulit"-Jaxell

Simulan ulit ni Mahgie at natugtog nya naman ngunit napansin ni Jaxell na wala sa posisyon yung kamay ni Mahgie pagdating sa isang chords. Nagdalawang isip syang sabihin ito. Ngunit mas pinili nyang sabihin ito dahil hindi maganda yung tunog.

"Okay na ba? "-tanong ni Mahgie Pagkatapos nyang maitugtog yung kanta.

"Pwede isa pa? Para makita ko kung may mali"

Agad naman sumunod si Mahgie at nung chorus na "Wait "-pigil nya rito.

Huminto naman sya at nagtatakang napatingin sa kanya si Mahgie "Mali yung posisyon ng kamay mo"

"Saan ba dapat? Mukang tama naman ah"

Hinawakan ni Jaxell yung daliri nito at nilagay sa tamang ayos para maganda yung tunog. Kahit na medyo nailang si Mahgie ay hindi sya nagpahalata.

"Ganyan! Subukan mo ulit"

Natugtog naman ni Mahgie ng maayos. Tumayo si Jaxell at naglakad palapit sa tropa nyang pinapractice yung dalawang kumanta.

"Okay na? Alam nyo na yung kanta?"-tanong nito

"Yeah. Konting practice pa Hindi pa namin gaano kabisado "-Ark

"Guys kain muna tayo kanina pa ako nagugutom eh"-sigaw ni Red

"Sige"

Lumapit naman si Perry kay Mahgie para yayain kumain ito.

"Mahgie kain daw muna tayo. Maya ulit practice "-Perry

Agad naman syang tumanggi "busog pa ako. Kayo na lang dito muna ako"

"Sigee na pls. Nakakahiya naman kung mag isa lang akong babae na kasama nila. Baka mamaya makalbo na ako ng mga babae dito. Look! Ang sasama ng tingin nila"-maktol ni Perry at tinignan yung mga babae sa paligid na ang sama ng tingin sa kanilang dalawa.

Napairap si Mahgie dahil halos lahat ng babae ay ang sama nga ng tingib sa kanila.

"Girls! Dalian nyo"-tawag ni Red

"Mahgie plssssss"-halos maglupasay na sa harap nya si Perry.

"Tss"

Kahit labag sa loob nya ay tumayo ito . Tuwang tuwa naman si Perry. At sabay silang naglakad palapit dun sa apat at nagsimula silang pumunta sa malapit na Restuarant.

Nakahinga sya ng maluwag dahil hindi sila sa Goblin kakain. At kung duon sila kakain ay hindi sya Mag dadalawang isip na iwanan ang mga ito.

Napahinto si Ark sa paglalakad kaya Napahinto rin ang mga kasama nito at Nagtatakang tumingin sa kanya.

Tinuro nya yung entrance at.
.
.
.
"Closed"-Ark

"Saan tayo kakain nyan"-Jaxell

"Aha! Alam ko na"-Ark

Ngumisi si Ark at lihim na tumingin sa mga tropa nito Pagkatapos ay kay Mahgie. Habang si Perry naman ay naghihintay ng Sasabihin nila.

"Goblin"

Continue Reading

You'll Also Like

370K 10.4K 68
πΌπ‘›β€’π‘ π‘Žβ€’π‘‘π‘–π‘Žβ€’π‘π‘™π‘’ [π‘Žπ‘‘π‘—π‘’π‘π‘‘π‘–π‘£π‘’] - π‘Žπ‘› π‘Žπ‘π‘π‘’π‘‘π‘–π‘‘π‘’ π‘œπ‘Ÿ π‘‘π‘’π‘ π‘–π‘Ÿπ‘’ π‘‘π‘œ π‘ π‘Žπ‘‘π‘–π‘ π‘“π‘¦. in which Johnny Lawrence's daughter follo...
4K 66 23
DEVI HELLIANA FROST A.K.A DEMON QUEEN IS THE STRONGEST GANGSTER/MAFIA LEADER IN THE WHOLE WORLD.SHE'S KNOWN AS MERCILESS, FEARLESS,AND HEARTLESS QU...
524K 15K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
225K 7.2K 81
She's cold like ice She's hot like fire She's Powerful No one can defeat her "Welcome to the hell and be my Guest cause i am the Queen" Hell Helli...