My Bestfriend or My Lover

By TheGoldenBuddha

743 56 8

More

Prologue
Chapter 1 *First Day*
Chapter 2 *First day part two*
Chapter 3 *One Thing We Have in Common*
Chapter 4 *Senior King Part One*
Chapter 5 *Bituing Nagsisibabaan sa Langit*
Chapter 7 *Senior King Part Three*
Chapter 8 *The Vile Bully (Part One)*
Chapter 9 *The Vile Bully (Part Two)*
Chapter 10 *Date Date or Date date? (part one)*
Chapter 11*Date Date or Date date Part Two*
Chapter 12 *Something About the Junior King's Past*

Chapter 6 *Senior King Part Two*

22 6 1
By TheGoldenBuddha

Kenzo’s POV

*beeeeep**beeeeep**beeeeep*

Binaba ko yung bintana sa katabi kong passengers seat at nginitian ko siya.

“Sakay na!”

Ngumiti at umiling siya pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto atsaka sumakay sa kotse ko. Tong babaeng to, siguro ayaw nanaman magpahatid sa driver nila. Mas gusto kasi niyang Mamita niya ang naghahatid sa kanya. Ayaw kasi niyang nagpapahatid sa driver nila pero pag wala na siyang choice, wala na nga ngang siyang choice o di nagpapahatid siya sa driver nila.

“Sa susunod nga magpahatid ka sa driver niyo. Anlayo pa ng lalakarin mo para lang makarating ng labas ng subdivision! Hindi ka ba naawa sa katawan mo? Ang payat payat mo na nga—”

“Parang hindi ka payat Kenzo ha?!” tumingin siya sa’kin.

Natawa ako sa sinabi niya. Oo ng naman kasi! Parehas nga naman kasi kaming payat! Hahaha!

“Oo na! Okay na! Parehas na tayong payat! Pataba tayo?”

“Ayoko! Okay na ako sa katawan ko.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at saka pinatakbo na ulit yung kotse.

“Ah Kenzo! Daan tayo sa may bakery shop malapit sa school.” Napatingin ako sa kanya ng onti. Tumingin siya sa may relo niya. “Maaga pa naman eh.”

“Hindi ka nanaman ba kumain?! Naku naman Bianca! Kaya naman pala namamayat ka eh!”

“Ang OA mo naman Kenzo! Kumain ako noh!”

Nangatwiran pa talaga siya.

“Kung kumain ka nga bakit gusto mong dumaan sa bakery shop na yun?”

Ngumiti siya ng nakakaloko sa’kin. “Malalaman mo din!”

Tong babaeng to talaga!

Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun. Bukod kasi sa may ginagawa siya sa may cellphone niya eh nag babasa pa siya ng notes niya. Japanese Literature yung binabasa niyang note. Pano ko nalaman? Kasi may specific color ang subjects para sa mga notebook namin. Mapa first to fourth year pa man yan parehas lahat ng kulay ng bawat subject. Nagkataong violet ang kulay ng JL kaya alam ko kung anong subject ang binabasa niya. May quiz siguro sila mamaya. Ayaw niya kasi ng mababa ang mga scores na nakukuha niya sa quiz o exam.

Sabi niya kahit lang man daw sa mataas na grade makabawi siya sa lahat ng sakripisyo ng Mommy, Daddy at Mamita niya sa kanya.

“Kenzo nalampasan mo na!”

Agad akong napapreno ng sumigaw siya.

Muntik muntikan pa siyang napasubsob nang dahil sa pagpreno ko buti na lang at naka seat belt siya. Kasi naman eh! Bigla bigla na lang kung sumigaw!

“Diba sabi ko daan tayong bakery?!” at ngayon sinisigawan pa niya ako.

Tsk. Tsk. Tsk.

Pinaandar ko ulit yung sasakyan paatras ng bakery na sinasabi niya. Ano kayang meron sa bakery na yun eh napaka low class nung bakery na yun. Akalain niyo ha mga pandesal at monay ang mga tinitinda dun! Ang cheap lang! Wala pa atang cake. Yun ba talaga ang matatawag na bakery?

“Hoy Kenzo?! Hindi ka ba bababa? Libre ko!” napatingin ako sa kanya.

Nasa labas na pala siya. Buti nasisikmura niyang kumain dito sa bakery na to eh mukha ring hindi malinis. Maliit pa at siguradong masikip din at madilim sa loob.

“Sigurado ka bang kakainin ka dyan sa bakery na yan?” kunot noong tanong ko sa kanya.

“Bumaba ka na lang! Bilisan mo kaya!”

Bumaba naman ako. Bakit ba pagdating sa kanya parang ang hirap tumanggi?

Pagdating ko sa harap niya agad niya akong hinila papasok sa loob. Hindi lang pala bakery to karinderya din pala.

“Ate! Meron na ba yung in-order ko kanina?” tanong niya sa may babae sa may parang counter.

Hindi ko alam tawag dun eh. Para siyang counter pero ang economy ng dating. Parang ganun nga ata yun. Gawa kasi siya sa kahoy tapos basta! Para siyang counter!

“Ah meron na hija! Maupo ka na muna at ilalabas ko na.”

“Salamat po!” nginitian niya ng matamis yung medyo matabang babae na yun sa may parang counter.

Siya siguro ang may-ari nitong bakery-karinderya na to.

Hinila nanaman niya ako paupo sa ilang mga upuan dun. Hinihila na lang pala ako ngayon.

“Haaay!” buntong hininga niya ng maka-upo siya.

“Bianca, kakain ka ba talaga dito?” tanong ko sa kanya.

“Bakit ba mukha kang ewan diyan? Masarap kaya ang pagkain dito. Minsan nga dito ako kumakain ng tanghalian eh.”

“At panong nangyari yun eh bawal ang lumabas pag tanghali?!”

Ngumiti lang siya atsaka nagkibit balikat. Ano ba tong babaeng to! Ibang klase talaga siya!

“Hija ito na yung order mo,” sabi nung babaeng kausap niya kanina habang may nilapag siyang dalawang paper bags.

“Salamat ate!”

Nilabas ko na yung wallet ko at magbabayad na sana kaso pinigilan niya ako.

“Bayad na yan Ken! Tara na sa school!”  tumayo na siya at umalis naman na yung babae.

Sinundan ko naman siya palabas.

Pagkalabas namin ng bakery tumingin siya sa may kalangitan. Hindi pa masyadong mataas yung araw. Maganda din yung panahon ngayon. Bughaw ang kalangitan.

“Gusto kong maglakad Kenzo. Okay lang ba yun sayo?” nakangiting tanong niya sa’kin.

“Basta ikaw.”

“Pero pano yung kotse mo?”

Humarap ako sa kanya at saka ngumiti. “Para san pa’t naging Junior King ako kung wala akong mauutusan para ipasok ang kotse ko?”

Nakita ko siyang ngumiti matapos ay naglakad na kami papunta ng school. Malapit na lang din naman eh.

Habang naglalakad kami napansin ko yung dalawang paper bag na hawak-hawak niya. Na-curious ako bigla. Ano kayang laman nun? Hindi pa niya nasasabi kung ano yun eh. Pero hindi pa din ako nagtatanong kung ano yun.

“Bianca ano ba talagang laman niyan?”

Tumingin siya sa’kin. “Gusto mong malaman?”

“Oo. Ano nga kasi yan?”

“Ah…” umakto siyang parang nag-iisip. “Habulin mo muna ako!” pagkasabi niya nun kumaripas na siya ng takbo.

Ang bilis niya tumakbo! Naman tong babaeng to oh!

“Hoy Bianca! Bumalik ka nga dito! Ano bang iniisp mo?!”

Lumingon siya sa’kin tapos binelatan niya ako!

Aba! Lokong Bianca yun ah!

Habang tumatakbo siya, nakita kong nilalagay niya sa bag niya yung dalawang paper bag. Pano niya nagawa yun?

“Bianca!” sinigaw ko yung pangalan niya habang tumatakbo pa rin siya. “Bianca! Bumalik ka nga dito!” tumakbo na din ako pagkasabi ko nun.

Nagtatakbuhan kami hanggang sa makarating kami ng school. Ang bilis niyang tumakbo!

Ano bang kinakain nito at ang bilis niyang tumakbo?

“Bianca! Tumigil ka na nga sa kakatakbo! Andito na nga tayo sa school eh!”

“Bleeeh! Habulin mo muna ako!”

Parang bata!

Patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung nakita ba niya yung kumpulan ng mga tao dun at sinubukan pa rin niyang sumiksik dun.

Agad din namang nahawi yung kumpulan na yun at sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t!

Anong ginagawa niya dito?! Kailan pa siya dumating?!

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t! Sh*t!

Bianca’s POV

Ang tagal tumakbo ni Kenzo. Hindi ba yun nag agahan?

Nilingon ko siya.

Teka?! Bakit yun natulala at natigil? Ano bang tinitigan niya?

Hayaan na siya. Mamaya niyan umaarte lang yan para mahabulan niya ako.

*booooooooooooggggsssh*

Napa upo ako sa may sahig at narinig kong napasinghap yung mga nakapaligid sa’min.

Aray ko! Ang sakit ng ulo ko.

“Bianca!” narinig ko yung boses ni Natsumi sa may crowd.

Sigurado akong siya yun pero hindi ko siya makita. Wala akong makita.

Yung ulo ko! Masakit talaga! San ba talaga ako nabangga? Wala rin akong makita. Blurred yung paligid ko.

Teka?! Asan yung salamin ko? Bat ko nakalimutang nakasalamin pala ako?

*craaaasssh*

Y-yun ba yung salamin ko? P-parang may tumapak ata?!

“Bianca!” ngayon naman yung boses ni Kenzo yung narinig ko.

Malapit na siya sa’kin. Naramdaman ko din yung kamay niya sa may bandang noo ko. Hindi ko siya makita. Hindi ko din siya maaninag! Blur! Malabo! Ano bang nangyayari?

“Bianca okay ka lang?” rinig kong sabi ni Kenzo.

Pumikit-pikit ako tapos naramdaman kong tinayo ako ni Kenzo.

“Bianca?”

Minulat ko yung mata ko. Okay na. Medyo lumilinaw na yung paningin ko tapos nagblur ulit kasi nga malabo na talaga yung mga mata ko. Pero sa mga ganitong lagay alam kong okay na yung mata ko. Yun nga lang yung salamin ko. Hindi ko ata kayang magsuot ng contacts ngayon kasi mahapdi yung mga mata ko ngayong umaga kaya nga ako nagsalamin eh.

“Bianca may masakit ba? Okay ka lang?”

Tinignan ko si Kenzo. Malabo pa din pero alam kong siya yun.

“Okay lang ako. Medyo sumakit lang yung mga mata ko kasi nga wala yung salamin ko pero okay na ako.”

“Sigurado kang walang masakit? Sigurado kang okay ka lang?”

Alam kong sobrang nag-aalala siya sa’kin sa tono pa lang ng boses niya.

Tumango ako sa kanya. “Sigurado ako. Okay lang ako.”

*CLAP**CLAP**CLAP*

Napatingin ako sa taong pumapalakpak. Sa kanya ata ako nabangga. Hindi ko masyado maaninga yung mukha niya. Halos hindi ko siya makita kung tutuusin.

“Shota mo Kenzo?”

“Wala kang pake alam kung ano ko siya!” tumingin sa’kin si Kenzo. “Dalhin na kita sa clinic. May sugat ka sa noo mo.”

“Ha?” napahwak ako sa may noo ko at sh!t ang hapdi!

Bakit ngayon ko lang naramdaman na may sugat pala ako? At ngayong nalaman ko ng may sugat ako ngayon ko na lang din naramdaman yung sakit.

“Nahawakan mo na yung sugat mo. Tara na.”

Tinanggal niya yung kamay ko sa may noo ko at hinila papaalis. Aalis na sana kami kaso pinigilan kami nung lalaking kasuap ni Kenzo kanina.

“Teka lang Kenzo! Nagmamadali ka ata? Hindi mo ba ako namiss?”

Nakita kong ngumisi si Kenzo. Medyo malabo pero sigurado akong ngisi nga yun.

“Miss? Bat naman kita mamimiss? At nagmamadali? Oo.”

“Bakit? Natatakot ka na ba sa’kin?”

Sa tono ng pananalita nung lalaki alam kong inaasar niya si Kenzo. Sino ba siya?

“Takutin mo mukha mo! Nakita mo ba tung ginawa mo sa kanya? Sa tingin mo hindi ako magmamadali para dalhin siya sa clinic!?”

“Nakaka intriga naman! Ano mo ba siya?”

“Sinabi ko nang wala kang pake alam kung ano ko siya! Alamin mo kung gusto mong malaman! At nga pala, welcome back. Pero alam mo? Mas mabuti sa kung hindi ka na bumalik. Mas tahimik kasi ang school pag wala ka. Mas maganda kasi tamang tama lang yon para sa’ming mga nag-aaral ng mabuti.”

“Anong sabi mo?!”

“Oh! Chill ka lang! Wag kang masyadong pikon. Napaghahalataan ka kasi eh.”

Ngumisi yung kausap ni Kenzo. “Kung ganun mukhang importante sayo yang babaeng yan. Ano kaya kung—”

“Subukan mo lang Patrick hindi lang ako ang makakalaban mo kungdi pati na rin si Miss—”

Hinawakan ko yung braso niya bago pa niya matapos yung sasabihin niya. Ayokong malaman nila na Lola ko si Nathanniella Alejandrino.

“Tara na Kenzo. Mahapdi na kasi yung sugat ko eh.”

Tumango naman siya at saka ngumiti ng bahagya sa’kin. “Tara na.”

Patrick. Siya si Patrick Mariano? Siya ba yung kapatid ni Kenzo? Siya ba yung Senior King?

 Amarie’s POV

“Gosh! Si Bianca. Okay lang kaya yun?” tanong ni Rach kay Karah.

“Okay?! Kailan pa naging okay ang pagkakaroon ng sugat sa ulo? Konting common sense naman Rach!” sagot naman ni Karah sa kanya.

“Sino yung babaeng yun?” tanong ni Patrick sa kanila.

Naiinis ako sa kanya ngayon.

“Alam mo minsan kasi yang name tag mo ayos ayusin mo naman! Kita mo na lang nangyari kay Bianca! Nakabangga ka na nga nakasugat ka pa ng ulo!” nanggagalaiting sigaw ni Nats sa kanya.

“Anong ginawa ko? Kasalan ko bang andyan yang name tag ko?”

“Patrick! Ang name tag nilalagay sa may LEFT side ng polo mo hindi sa RIGHT side!” pikong sabi ni Rach sa kanya.

“Bat ba kayo nanggagalaiti sa’kin eh ni hindi ko nga kilala yung babaeng yun? At kailan pa tumanggap ng lampang transferee ang school ko?!”

“Correction lang Patrick ha,” sabi ko naman sa kanya. “Alam mong HINDI PA sayo tong school na to. Kung tutuusin WALA pa talagang may ari nito. Kaya wag mo na munang angkinin dahil baka magsisi ka lan.”

“Wow! Salamat sa suporta ha insan!” sarkastik na sabi niya sa’kin.

“Walang anuman.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

Alam kong napikon ko siya. Ano naman ngayon? Tama lang yun sa kanya. He deserves it anyway.

Iniwan ko na siya dun pagkatapos. Tama si Kenzo eh, minsan talaga mas magandang wala si Patrick dito sa school.

Hindi sa kampi ako kay Kenzo mas maganda lang talaga ang patakaran niya kung minsan.

Kamusta na nga kaya si Bianca? Okay lang kaya siya? Medyo malakas din yung impact nung pagkabangga niya kay Patrick.

Nakaka asar talaga yung lalaking yun? Pano ko ba kasi yun naging pinsan? Minsan talaga tinatanong ko ang sarili ko kung bakit, of all people, siya pa ang naging pinsan ko?

Habang naglalakad ako may natapakan ako. Tumingin ako sa may baba.

Ito yung suot na salamin ni Bianca kanina! Pinulot ko ito.

Basag na yung dalawang lens niya kasi nga tinapakan ni Patrick ito kanina. Tsk. Tsk. Tsk.

Tinignan ko yung lens niya at halos mahilo ako sa pagtingin dito. Ang lakas kasi ng grado. Hindi ko alam na may sira pala siya sa mata. Grabeng lakas kasi ng grado niya sa mata eh. Nakakakita pa kaya siya pagwala na to?

Nilagay ko na lang yun sa bag ko. Ibabalik ko na lang sa kanya mamaya.

*kring**kring**kring*

“Ano?!” agad kong bungad sa tumatawag sa’kin. Hindi ko pa nakikita kung sino yung tumatawag at wala akong pake alam kung sino man yun.

“Prince of the Princes, your highness! Do you really have to shout everytime your pissed off?!”

“Ano bang kailangan mo? Alam ko naman na nakita mo na si Patrick at alam mo na ring bumalik na siya. So ano pa bang gusto mo?”

“Ayaw mong makita ang taong mahal mo kasama ang bago mong kaibigan?”

Natigil ako sa sinabi niya. TAONG MAHAL KO?

“Let me guess—”

“Tama na Ryan! Just cut the chase! Ano bang kailangan mo?”

“Gusto ko lang malaman kung anong iniisip mo ngayon. Ngayong mukhang may bagong laruan si Kenzo at bagong target si Patrick. Lalo na pag nalaman niyang close si Bianca kay Kenzo. One piece of advice, your highness, kung ayaw mong masangkot sa anumang gulo si Bianca ayusin mo ang relasyon mo kay Patrick at kay Kenzo. *toot**toot**toot*”

Ryan! Ginugulo mo ang utak ko!

Huminga ako ng malalim.

Tama siya. Paniguradong titirahin at titirahin siya ni Patrick. Paniguradong sasaktan ni Patrick si Bianca.

Hindi pwede. Hindi ko pwedeng hayaang manyari yun.

Tama na ang isa, Pat. Hindi na ako papayag na madagdagan pa yon.

Bianca’s POV

“Tatawagan ko na si Lola Ella. Kailangan niyang malaman to.” Nilalabas na niya yung phone niya mula sa bulsa niya.

“Wag!” agad kong hinawakan yung kamay niya pagka react ko. “Wag Kenzoz! Ayokong mag alala si Mamita. Siguradong sasabihin niya yun kina Daddy. Ayoko namang pati sila mag alala pa. Lalo na ngayon, alam kong may pinagdadaan si Mommy. Hindi man nila sabihin sa’kin alam kong may nangyayaring hindi maganda kay grandpa. Alam mo naman kung gano kaimportante sa’kin ang pamilya ni Mommy diba? Tinaggap din nila ako kaya ayoko silang pagalalahain ngayon dahil lang sa nagkasugat ako sa noo.”

“Makikita din naman ni Lola Ella yan eh.”

“Kahit na. Magpapaliwanag na lang ako. Tara na sa klase. Malalate na ako eh. Pati din ikaw.”

Tumango siya. Kinuha niya yung bag ko atsaka kami lumabas ng clinic. Katatapos lang din kasing linisan at gamutin nung school doctor yung sugat ko.

Buti na lang at siya ang andito at hindi yung nurse. Wala kasi akong masyadong tiwala sa mga school nurses eh. Minsan kasi hanggang linis lang sila kaya mas okay kung meron at available yung doctor para masigurado kong magagamot nila yung sugat ko.

“Bianca sigurado kang okay ka lang? Kanina ko pa kasi napapansin na namumula na yang mata mo. Naluluha ka pa sigurado ka bang wala talagang masakit?”

Tumingin ako sa kanya. Andito na kami sa may second floor. Hindi ko man lang nalaman agad. Medyo tahimik kasi kami ngayon eh. Hindi din kasi ako masyadong makapagsalita kasi masakit yung mata ko. Mahapdi.

“Y-yung mata ko kasi. M-medyo mahapdi. Y—”

“Bianca!”

“Y-yung contacts ko kasi Ken. M-masyad-dong mahapdi.”

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Medyo mahapdi na din kasi yung mata ko at medyo pumipikit na rin yung mga mata ko.

Patrick’s POV

“Y-yung contacts ko kasi Ken. M-masyad-dong mahapdi.”

Pagkasabi nun ni transferee agad na kinuha ni Kenzo yung kamay niya atsaka sila pumasok sa CR ng mga babae na hindi kalayuan sa may pinagtatayuan nila.

Nakaka intriga talaga. Ano kaya ni Kenzo ang babaeng yun? Mukhang importante yung babaeng yun sa kanya ha.

Napangisi ako sa naisip ko.

Sa wakas! Sa tingin ko, sa kamay ko na nga talaga ang bagsak ng Sakura.

Kenzo’s POV

“Tanggalin mo na yang contacts mo. Ito na lang gamitin mo.” Binigay ko sa kanya yung bagong set ng contacts.

Lagi kong dala yung contacts na yun sa bag ko. Alam ko kasing may sira ang mga mata niya at kung minsan hindi siya gumagamit ng salamin actually palagian pala. Minsan lang siya nag sasalamin pero just incase any emergency lagi kong dala tung contacts na to para sa kanya.

“Pano ka nagkaron niyan?”

“Hindi na yun mahalaga. Sige na ihahatid pa kita sa klase mo.”

Ngumiti siya sa’kin. “Thank you, Kenzo. Thank you talaga.”

Nginitian ko na lang siya. Pinanood ko siyang tanggalin niya yung contacts na gamit niya kanina at pinanood ko din siyang ilagay yung contacts na binigay ko sa kanya. Hindi nagtagal tapos na din siya sa paglalagay ng contacts sa mata niya.

“Okay na?”

“Sobrang okay na!”

Ngumiti siya ng matamis na ngiti sa’kin kaya naman napangiti na rin ako sa kanya.

Lumabas kami ng CR at halos lahat mapatingin sa’min. Lahat ng napapadaan sa’min halos tumigil at nagbubulung bulungan.

Sana kung kami ang pag-uusapan nila, wag nila masyadong ipahalatang nagbubulungan sila sa may harap ko! Sobrang obvious nila! Mga tanga talaga!

“Mr. Alquino! Ms. Alejandrino principal’s office now!”

Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses.

Yung matandang may malaking salamin at makapal na pulang lipstick sa labi. Yung matandang alam mong sobrang sungit na sa tingin pa lang matatakot ka na.

Patay kang tokneneng ka!

*****A/N:

Waaahhhh!!!

Pasensorry sa sobrang late at tagal na update (late na nga tagal pa! REDUNDANCY!) Sobrang busy ko kasi. Maraming dapat gawin kaya hindi ko maasikasong i-edit ang part na to.

Pero kahit na busy ako ginawan ko talaga ng paraan para magka-oras para mai-edit ko to nang makapag update na ako. Sorry talaga.

Susubukan ko ulit na i-edit ang susunod na chapter para sa inyo at ng ma-i-pose ko na ulit siya bukas pero wag niyo masyadong asahan yun. Depende pa rin kasi yun sa schedule ko.

Alam niyo bang ine-edit ko to habang nanood ako ng BigBang fave sa M TUNES at pagkatapos naman nun nakikinig/nanonood ako ng songs/videos ng EXO? Ang ganda ng song ni Taeyang na 1AM at syempre papahuli ba naman si GD sa kanyang One of A Kind? Wahahahaha!!!

Adik ako sa BigBang! Bias ko si GD! Astig siya eh. Tapos She’s Gone ng BigBang! Waaaaahhh!!! Mukhang adik dun si GD pero hindi nawala yung charm niya! Hahaha!!!

And E-X-O! Hah! Moonlight at Blackpearl. Ilan lang yan sa mga paborito kong kanta g EXO! At pinapanood ko nga rin pala yung video ni BoA at ni Sehun nung sinasayaw nila yung ONLY ONE!

Okay! Ako na palang adik sakanila. Bagay si BoA at Sehun! Aminin niyo yun may spark silang dalawa!

Hahaha! sorry sa mga HunHan fans diyan pero sa tingin ko talaga bagay sila. Pati nga rin si Baekhyun at Taeyeon eh. Sayang at over na sila. Over na sila right? Saklap!

So tama na yung sharing na yun. Mahaba na masyado.

Continue reading na lang at wag kalimutan mag COMMENT!!! Hahaha!

Qualified na ba ako sa title na COMMENT AUTHOR? Hahaha!

Bye-bye na po! See you sa next update!

XOXO,

—TheGoldenBuddha(DagulenBuddha) (Wahahaha!!! Chos lang yun! Ginagaya ko lang sabi ni Johlie! Hahaha)

Continue Reading

You'll Also Like

310K 21.5K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7.2K 466 20
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
1M 83.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...