Veiled Diaries #2: Mask of Th...

By cinnderella

3.5M 137K 61.7K

Veiled Diaries #2: Azcon-Zobel has always been one of the most influential families in Villa Terrazas but unl... More

Mask of The Blues
Trigger Warning
MOTB 0
MOTB 1
MOTB 2
MOTB 3
MOTB 4
MOTB 5
MOTB 6
MOTB 7
MOTB 8
MOTB 9
MOTB 10
MOTB 11
MOTB 12
MOTB 13
MOTB 14
MOTB 15
MOTB 16
MOTB 17
MOTB 18
MOTB 19
MOTB 20
MOTB 21
MOTB 22
MOTB 23
MOTB 24
MOTB 25
MOTB 26
MOTB 27
MOTB 28
MOTB 29
MOTB 30
MOTB 31
MOTB 33
MOTB 34
MOTB 35
MOTB 36
MOTB 37
MOTB 38
MOTB 39
MOTB 40
MOTB 41
MOTB 42
MOTB 43
MOTB 44
MOTB 45
MOTB 46
MOTB 47
MOTB 48
MOTB 49
MOTB 50
Last

MOTB 32

53K 2.2K 1.4K
By cinnderella

Double

#MOTB32

Habang naglalakad kaming dalawa patungo sa isang resto ay para akong nakalutang at sobrang gaan pero may mabigat na pakiramdam sa kalooban, it's painful to feel a love of contentment while having him around here. Contentment of two people who once loved each other and finally having the lives separately, we would talk for closure and settle down with the one we love.

May kabigatan iyong dala sa pakiramdam ko dahil sa naalalang mga pagsasama namin noong mga bata pa kami. I was fifteen when I met him where I was so innocent and very juvenile, we've been friends for years and had him at sixteen until eighteen... I left him. We broke apart without a proper closure, that was the most heartbreaking part of my first love at the young age.

Pagkapasok ng resto ay nagpaalam ako sa kanyang magbabanyo muna kaya iyon ang ginawa ko, sa banyo ay agad akong tahimik na umiyak at tinawagan si Shell. Siya siguro ang nagsabi kay Rekta ng lugar na ito, hindi ako naniniwala na wala siyang pakay at kay Ashiel ko lang sinabi ang lugar ko ngayon.

Walang alam si Clairvaux o Venz kaya malabong sila ang nakapagsabi, natawagan ko na si Ashiel tungkol sa madalas kong pagkakakita kay Rekta sa taong ito pero hindi ko inaasahan na talagang magkakasalubong kami ng landas ngayong araw na nasa gitna pa ako ng sakit tungkol sa asawa ko.

Shell didn't tell that but I can't believe that this is all accidental or it is... I don't know really. Ilang minuto akong nagpakalma pagtapos kausapin si Shell, palabas na sana ako nang makatanggap ng tawag mula kay Statice.

"Hello?" sagot ko, tumungo ako sa harapan ng sink at nagsalamin doon para punasan ang luha. Mabuti na lang at waterproof ang make up sa mga mata ko kaya hindi kumakalat.

"Umuwi ka na ba? Nandoon na si Zio sa inyo, baka kung anong ginawa sa asawa mo."

Kinabahan agad ako, mabilis akong lumabas ng banyo at natagpuan ng mga mata ko si Rekta sa puwestong pinag-iwanan ko. He's still there, nakatingin sa gawi ng banyo na tila nag-aabang. Suminghap ako nang makaramdam ng pilipit sa aking puso.

"What? Ano bang sinabi ni Venturi? Hindi mo man lang inawat si Zio!?" iritado kong sinabi.

"I don't know, Venturi confessed that he cheated on you many times reason why you went missing for days. Your husband is so honest, huh?"

"Manahimik ka, hindi nakakatuwa iyon! Pag sinaktan ni Zio si Venturi, masasaktan ka rin sa akin." mahina kong banta.

Bahaw siyang natawa. "Bakit mo ako dinadamay? Zio is just worried about your emotional health, and Venturi deserves to be punched for making you fool."

"Problema naming mag-asawa iyon." mariin kong sinabi habang nakatitig kay Rekta na nanonood sa aking paglapit.

My heart was torn. I don't know, puro mura na lang ang nagagawa ko sa aking isip. Binabaan ko ng tawag si Statice at hinarap si Rekta, hindi ako naupo roon.

"U-Uh, something came up at home. I need to go now, I'm sorry." iyon ang sinabi ko sa maingat na tono.

His forehead wrinkled while looking at me, ang sakit na makita siyang puno ng pait habang nakatitig sa akin ng mariin. Gayunpaman ay kailangan ko na talagang umuwi para kay Venturi, mainitin ang ulo ni Kuya Zio at nananapak lang bigla. Hindi ko alam kung ilang beses na silang nagsuntukan ni Venturi sa taong ito pero ayaw ko nang mangyari iyon ulit.

"Sorry, Rekta. May nangyari kasi." sambit ko, it feels strange to call him like it was a first time again.

He nodded a bit, nilabas niya ang cellphone at tinulak iyon sa lamesa patungo sa harapan ko. My heart skipped.

"Please..." he said like a quiet prayer.

My heart wrenched rigidly, tipid ko iyong nginitian at tinipa ang numero roon. Mabilis kong nilapag ulit sa lamesa at nagkatinginan kami, his lips sided a bit but it didn't reach his sad eyes.

"Y-You need a ride h-home?" he asked weakly.

I shook my head immediately and pulled myself, kumaway na ako para makaalis.

"Let's just talk some other time," nagyuko ako ng ulo. "I-I'm really sorry..."

Hindi siya nagsalita at pinanood lang ang pagtalikod ko, iyon din ang siyang pagkadurog ng puso ko habang naglalakad palayo. I feel so torn, I don't know what's happening inside my chest but it's so fucking unrealistically painful that I had to leave him for my new priority.

Umiiyak ako sa cab habang pauwi, pagkapasok ko sa bahay namin ay agad kong nakita si Venturi na nagmamasahe ng kanyang panga. He has a bruise on his cheekbone, a cut on his lips and his face was red, my heart shattered. Pagkabukas pa lang ng pinto ay napalingon siya sa akin agad, nang makita ako ay lumiwanag ang mga mata niya at tumayo na may malapad na ngiti. Napangiwi siya sa pagkabanat ng labi niya.

"Nasaan si Zio?" nanggigigil kong tanong habang sinasalubong niya ang paglalakad ko palapit.

"Nagpunta sa bahay ni Mommy." he chuckled. "I guess he's now forcing Mommy to file an annulment for us."

What the hell?

Tumalikod ako at naglakad para lumabas ulit pero hinila na niya ako.

"It's okay, sabi mo naman maghiwalay na tayo, 'di ba?"

I can't believe he's fucking acting like this is all a joke!

Nanlabo ang mga mata ko at hinampas siya sa dibdib. His white shirt has a stain of blood from the wounds he got, mukhang nagdugo pa ang ilong niya. Suminghap ako at tiningala siya para titigan.

"Nakakainis ka talaga! Sinabi ko lang iyon para tigilan mo na ang pag-alis at pambababae! Bakit ba hindi mo naiisip 'yon, Venturi!? Ginagalit mo ako parati! Anong akala mo sa akin bato? Hindi nasasaktan sa mga pinaggagawa ng asawa ko!?" naiiyak kong tanong. "Damn you, ilang beses na kitang nahuhuling may babae pero nandito pa rin ako at niyaya ka pang lumipat ng Greece! Ewan ko kung anong stage ng kabobohan ang mayroon ka!"

"Stage four." halakhak niya at mabilis akong kinulong sa kanyang bisig, he kissed my cheeks tightly. "I deserve the punches, I accepted it. I confessed it on purpose because I wanted to get hurt for hurting you. I'm fucking sorry, Embry."

I cried quietly, hinila ko siya patungo sa sofa para paupuin at suriin ang kanyang mga sugat na natamo. Humawak siya sa baywang ko at yumakap doon, he gently buried his face on my stomach as I took my phone out to call Zio. He answered it immediately.

"Embry! Where are you now?" he asked worriedly.

"I hate you, Zio! Why did you punch Venturi again!? I already told you to stop being so protective of me!"

"I couldn't help it, he just confessed what he's been doing all along! He deserves it, alam niya iyan! Stop covering that asshole, sugat lang iyan at gumagaling pero hindi ang sakit na binibigay niya sayo!"

Hindi ako nakapagsalita sa emosyong bumabalot sa aking sistema, mabilis ko iyong binabaan ng tawag para mabalingan ulit si Venturi na tatawa-tawa pa sa nangyari. He really likes setting up himself everytime I was crying because of him, pag nilalayasan ko siya ay may mga pasa na siya sa mukha pagbalik ko dahil sa mga suntok ni Zio.

Inis akong napakamot sa aking ulo at tinulak siya.

"See what you did!? Ang pangit mo na naman! Ewan ko kung anong mga naiisip mo at bakit puro ka kagaguhan, ang labo mo. Parang hindi ka na normal!" pagalit kong anas at tinulak siya sa balikat ulit.

Suminghap siya na tila kay luwag sa kanyang paghinga ang pag-uwi ko ngayon, humigpit ang yakap niya sa aking baywang at mas lalong binaon ang pisngi niya sa aking tiyan.

"I have a confession," he said lowly. "I've never had sex with anyone, iyong nakita mo sa bahay natin sa Spain. It was an act. I just wanted you to hate me because..." he sighs massively and shrugs. "That's it, I wanted you to hate me and file an annulment so you can freely choose who you love outside the tradition."

I started crying in silence. Hindi ko alam kung bakit kahit kailan ay hindi ako naniwala sa kanyang panggagago sa akin at heto ang maririnig ko ngayon. Masakit iyon pero hindi ko masyadong pinaniwalaan na wala siyang dahilan kung bakit niya ako sinasaktan. Dahil pala sa pagkawala sa tradisyon?

"And the hickeys... well, yeah. Those are from some girls around but I've never had sex with them nor kissing on the lips because I couldn't do that. I'm just really an ass, I wanted you to leave me and be free from the marriage. I want you to be happy out of this fucked up tradition that deprived you from loving someone you truly wanted to marry, alam ko namang hindi mo ako mahal. Nagtitiis ka lang at naghihintay na mawalan ng saysay ang kasal natin para makawala sa tradisyon at... makabalik na sa totoo mong mahal." he confessed it in a low raspy voice.

My heart is wrenching in too much pain and relief, hearing everything from him makes me want to cry all day. Suminghap ako at nagyuko ng ulo, tinakpan ko ng mga palad ang mukha ko para itago. Umalog ang mga balikat ko sa pag-iyak.

"T-Totoo ba 'yan? I saw you naked with a woman on top of you, she was riding you!"

I hate this kind of drama but I'm here now, I want to unleash the pain I've been feeling these past weeks because of everything's happening in our relationship.

"She was just straddling on me, part of what I told her to do. Well, not yet happening I think." humalakhak siya. "Buti dumating ka agad."

Tinadyakan ko siya sa paa, he groaned in pain and laughed more.

"Walanghiya ka, Venturi! Baliw ka na! Ang kapal ng mukha mong saktan ako sa pekeng mga akto mo! Anong mayroon? Bakit mo ginawa 'yon? At saan ka nagpupunta pag nawawala ka sa bahay!?" nanggagalaiti kong asik.

I pushed him forcefully and stepped back from him, sumandal siya sa back rest at tinitigan ako habang ngumingisi na tila naaaliw pa sa aking pag-iyak. Umiling siya, lumambot ang ekspresyon.

"I was just around, drinking with friends or doing anything could help me out. Basta, hindi ako totoong nambababae. Ikaw ang mahal ko, Embry. Kahit wala 'masyadong' nangyayari sa atin, hindi naman ako naghahanap ng iba." humalakhak siya roon sa inemphasized niyang salita. "Kissing you everynight is enough."

"Hayop ka!" gitil kong sigaw sa kanya. "Anong dahilan, Venturi!? Hindi ako naniniwala sayo na 'yan lang ang dahilan! Gusto mo lang akong makipaghiwalay? Ganoon kasakit? Puwede mo namang sabihing maghiwalay na tayo!"

Tumayo siya at hinila ako sa batok para ibaon sa kanyang dibdib, he caressed my back gently while kissing my head.

"I just really want us to break apart, that's all. I thought it would somehow make you happy that I'm cheating so you'd have reasons to leave me and break the marriage."

My heart is breaking for his reasons why. Para sa kalayaan ko gusto niya akong magalit sa kanya at sirain ang kasal namin kahit mahal niya ako dahil lang sa nalaman niyang may iba akong mahal.

"K-Kanino mo narinig ang tungkol sa u-una?"

He shrugs. "Not important."

Humikbi ako at yumakap sa kanya, I hugged him tightly and kissed his chest twice. His chuckle vibrated, he instantly carried me up like a kid. I wrapped my legs around his waist and clung my arms around his nape, tinitigan ko ang mukha niya. He arched a brow and smirked, iyong isang kamay niya ay umangat para pahiran ang mga luha ko. He kissed my nose and lips.

"I love you." he whispered and made a face.

Suminghot ako at binaon ang mukha ko sa gilid ng leeg niya.

"I love you, too." I mumbled timidly. "I don't like the fake acts, I won't leave you for that."

I won't tell him to change his hobbies because I want him to change for himself, to change for this relationship willingly. Iyong siya ang kusang magbabago at hindi na kailangan pang sabihin ko. I want it to be natural, alam ko namang hindi iyon magbabago agad-agad dahil nakasanayan na niya pero umaasa ako na kaya niya para sa sarili at para sa ikabubuti ng pagsasama namin.

The next days were pretty good, palagi lang kaming magkasama kung saan-saan. We went swimming and some extra outdoor activities around Greece, kalaunan kaming bumalik sa Barcelo nang buwan ding iyon. Doon kasi ako mas sanay kaysa sa puder ng Mommy niya, Auntie Celine reminded us so many things. Panay ang paalala niya sa akin na baguhin si Venturi sa mga gawain nito gaya ng pagsisigarilyo at pag-inom. Also I received texts from Rekta, hindi ko na napabulaanan dahil baka magkagulo pa kami ni Venturi ulit gayong inaayos pa lang namin ang pagsasama muli.

Venturi is jealous about my first love, that's the clear side of him. However, he's not telling it. Halata lang sa kanya lalo pa roon sa bracelet na pinatattoo ko, hindi ko alam kung paano niya nalaman pero kahit ganoon ay hindi naman niya ako kinukumpronta. Puro pasaring lang minsan.

My phone beeped while washing the dishes, sumulyap ako sa labas ng sliding door kung nasaan si Venturi at abala sa pagkuha ng mga sinampay. I smiled. Kinuha ko ang cellphone sa counter table para basahin ang text.

Unknown Number: Bryleigh.

Nagulat ako nang nasundan agad iyon ng tawag, alam kong si Rekta iyon dahil nakabisa ko na ang numero. Hindi ko lang sini-save. Sinagot ko ng tahimik ang tawag habang nakatingin kay Venturi.

"Bryleigh, I want to talk to you." he said groggily. "Please, I can't fucking stop this."

Pumikit ako ng mariin at nagbuga ng hangin.

"Rekta, lasing ka ba?" banayad kong tanong.

Suminghap siya. "N-No, I mean. Hindi masyado, kausapin mo ako..."

"Rekta, pare." I heard Venz' voice on the background. "Tama na 'yan."

"What? Wait, I'm talking to Bryleigh."

His voice was strained and very uncertain that twisted my heart. Kumunot ang noo ko nang marinig ang malakas na kalabog, mukhang nabagsak ang cellphone.

"You can't talk to her now, she's already married and all right!" anang boses ni Charde. 

"No, she's not yet twenty one! That's their fucked up tradition! Twenty one will marry! She still has 20 days!"

"Come on. Stop being desperate, man." ani Venz.

My heart wrenched, mabilis nawala ang linya nang marinig ko ang murahan doon. Kinabahan ako, alam kong nasa Barcelona sila ngayon at kasama si Chartreuse. I heard from Statice that Annunzio went out with them, too. He's friends with Chart.

I swallowed hard and dialed Zio's number, he wasn't answering it. Si Tatty ang tinawagan ko, agad naman iyong rumisponde habang may hagikgik ni Arki sa kabilang linya.

"Tatty, si Zio? Kasama ba nila C-Chart?"

"Nasa biyahe na pauwi ng Pilipinas si Zio,"

Suminghap ako. "Can you contact Chart?"

She sighed massively.

"Can you make up your mind?"

"What?" I asked lowly.

"If you don't love the first anymore, stop caring. Ganoon lang ang gagawin mo, Embry." malamig niyang tugon.

"I-I just wanna make sure he's f-fine. Nasa Barcelona rin siya, natatakot ako na baka may mangyaring—"

"He's with friends, you think they'll let him die?"

"Die agad!?" inis kong asik. "Wala kang kuwentang kausap, sige na."

"Tsk, mas wala kang kuwentang pumili. Pinili mo ang isa tas ngayon mag-aalala ka sa isa."

Iritado kong binaba ang tawag.

Nakita ko ang pagpasok ni Venturi sa sliding door dala ang basket ng mga sinampay. Agad kong binulsa ang cellphone ko at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan, narinig ko ang pagsipol niya sa isang tono ng kanta habang lumalakad patungo sa akin. His hand gently caressed my waist as he walked past me. Napangiti lang ako roon at nilingon siya para sundan ng tingin.

He's barefooted, only in his Calvin Klein boxer shorts and a crumpled gray muscle t-shirt. His butt was proudly fitting the shorts, mabalbon din ang kanyang mga hita.

Venturi has a Brazilian blood that made him look so handsome in dark thick brows, sharp jawlines, pointed nose and set of deep eyes. He's 6'4 tall and body is natural worked out with enough muscles around and broad shoulders. Halos puno ang isang braso niya ng tattoo at ang isang binti rin ay may ilang tattoo, sa katawan ay marami pero hindi naman palaging nakikita dahil madalas siyang may damit sa labas at sa bahay lang topless.

"I'm planning to live in the Philippines since then, do you wanna have your birthday there?" he asked roughly.

I sat down on his lap and crooned like a kid, ngumuso ako at nagkibit balikat.

"Bakit hindi ka roon tumira dati?"

"Mahabang kuwento."

"I'll listen all day." I said sweetly and kissed his cheek.

Gusto ko rin naman na doon na lang kami magpapatuloy, kahit sa Villa Terrazas para mas fresh ang ambiance at walang night life. Tingnan ko lang kung makatiis si Venturi roon, mas maganda naman na maiwas ko siya sa mga bars at bisyo niya kaya sang-ayon na rin akong bumalik ng Villa Terrazas.

He made a face and squished me in his arms, nahiga siya sa sofa at umunan sa armrest noon habang ako'y nakaupo sa kanyang matigas na tiyan. Pinatong niya ang isang braso sa kanyang noo at tinitigan ako.

"May sakit si Papa at ayaw niya sa Pinas dahil kaaway niya ang isa sa mga tunay na Zobel, ayun."

Humagalpak ako sa tawa. "Ayan na 'yung mahabang kuwento? Grabe ang haba nga, inabot ka ng isang linggo."

Humalakhak siya at tinaliman ako ng tingin, humagikgik ako at at yumuko para ituko ang ilong sa kanya baba. I kissed his cheek tight that made him laugh more.

"Niyayaya mo ba ako?"

Namilog ang mga mata ko at kinurot siya sa dibdib. "What the fuck, pervert!"

Humagalpak siya sa tawa at umalog ang balikat, hinapit niya ang baywang ko para lalo akong mapayuko at mahalikan niya. I ended up moaning his name as he tasted me that day, Venturi wasn't asking for intimacy anymore. It's just happening naturally between us, I just can't understand why he's not taking me completely. Katulad sa normal na gawain ay puro lang make out ang nangyayari.

Siya na yata ang pabebe ngayon sa amin.

"Hi, Arki!" I giggled as I went into their house, ngayon ko lang siya ulit nabisita simula nang makauwi sa Barcelona three days ago.

Agad ko siyang kinuhanan ng litrato at sinend kay Venturi.

Ako: Babe, here's the kid. Isn't he too handsome?

Venturi: You going out with him today?

Ako: Dito lang kami sa kanila.

Ang sabi ko lang kay Venturi ay anak si Arki ng isang kaklase ko, hindi naman siya nagtatanong ng marami tungkol doon simula pa noon pero nag-away na kami sa dahilang parati akong na kila Fab noon.

"Parang nangingitim na ang anit ng buhok mo, ah? Hindi ka na nagkukulay?" tanong agad ni Fab nang mamataan ako sa sala nila.

Ngumuso ako at tinitigan siya.

"Parang nagiging fresh at blooming ka, ah? May fuck buddy ka na Spanish?" I shot back with a laugh.

"You brute mouth! Nandito ang anak ko!" pinandilatan niya ako.

"Hindi pa 'yan nakakaintindi, huwag kang OA." halakhak ko.

"Wala akong fuck buddy, duh?" she rolled eyes.

"Bakit? Hindi ka naman madidisappoint, hanap ka lang ng mabubulunan ka."

Suminghap siya at agad akong nilapitan para sabunutan, humagalpak ako sa tawa. Nakitawa rin siya.

"Hanap mo ako, gusto ko dugong Brazilian. Balita ko jumbo footlong 'yon." pabulong at pabiro niyang sinabi.

Ngumiwi ako, naisip ko agad si Venturi. Oo nga, hindi siya nagkakamali pero si Venturi pa lang ang nakilala kong may Brazilian blood kaya hindi ko alam ang iba at hindi ko pa naman nakikita, nakakapa lang.

"Try mo na kaso huwag mo munang dadagdagan si Arki, bata pa siya."

"Hunghang, hindi ko iyan dadagdagan. Tama na si Arki sa akin."

"Bakit? Mas masaya kaya pag may dalawang hanggang apat na anak para magkakalaro sila." suhestiyon ko.

I'm planning to have one girl and one boy, I just don't know if it'll work like that. Hindi naman kasi mapipili ang magiging gender ng anak. Kahit ano pa iyon ay ayos na ayos sa akin, iyon lang ay nag-aalangan pa ako dahil ayaw kong lumaki ang anak ko sa loob ng tradisyon. Kakausapin ko si Venturi tungkol doon, baka puwede kaming bumukod at lumayo sa mga Zobel at Azcon para hindi masama ang magiging pamilya namin sa tradisyon. I want my children to have their freedom to choose and love who they want, I want them to fly high like a bird without a string of connection to the family we have here. Ayaw kong magaya sila sa amin na may magkakaparehong apelyido, ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng magandang dahilan kung bakit pareha kami ng surnames ni Venturi.

"Ayaw ko ng marami, gusto ko isa lang dahil mag-isa lang din naman ako." ani Fab at ngumiti. "Hindi ko na kakayanin pa magdalawa."

"Tanga ka pala. Malamang, mag-aasawa ka at magkakaanak ka ulit. Sabay n'yong aalagaan ang pamilyang bubuuin niyo."

"Tsk, mahirap nga!"

"Bakit mahirap? Don't tell me, hindi ka pa nakakamove on sa ama ni Arki? Magdadalawang taon na 'yung bata! Dalawang taon ka na ring walang dilig." humalakhak ako.

"Siraulo ka, ayos lang. Ayaw ko namang magpadilig lang kung kani-kanino, that's ew."

"So, you're still hoping for his father?" gulantang ko tanong. "Naku! Huwag kang umasa masyado, baka iyong inaasahan mo ay may iba ng inaasahan ngayon. Mahirap 'yang tanggapin."

My phone rang before she could talk back, sinagot ko agad ang tawag ng numero ni Mommy.

"Embry," umiiyak niyang sambit ang mabilis nagpakaba sa akin. "Your Dad and A-Annunzio..."

"What!? Mommy, what's happening!?" mabilis kong tanong at hindi mapakali sa kinatatayuan ko.

Humagulgol siya, hagulgol niyang ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko.

"P-Please, si Amadeo... si A-Annunzio." she cried tearfully. "Go home with Statice. I can't do—"

Her line went off as my tears began to fall.

Continue Reading

You'll Also Like

397K 12.6K 60
Ongpauco Series #4 I knew it from the start. We were never really meant to be together... We just happened. *** Epilogues II, III, & IV are availab...
280K 14.4K 49
Mahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a prev...
6.2K 771 12
an epistolary. Kaia Swift is the most popular pop singer of all time and the most controversial as well. From dating several famous male celebrities...