My Husband Next Door (PREVIEW...

By Mandie_Lee

6.2M 54.4K 60.4K

This is the first book of the My Husband duology. Read the complete story in my VIP Group. Search TheMandieL... More

Teaser
Part 1 (SPG)
Part 2
Part 3 (SPG)
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 15

Part 14

91.5K 3K 3.4K
By Mandie_Lee



TATLONG araw bago
ang kasal ni Sloane ay hindi naman nagpapigil ang kanyang kaibigan na bigyan siya nito ng surprise stag party sa kabila ng pagpo-protesta niya.

"Right. There was nothing to celebrate!" tatawa-tawang sabi ni Cole na nagdala ng kanilang mga kaibigan at kakilala sa kanyang bahay kasama ang mga babaeng sa tingin niya ay high-class escort girls o prostitutes.

"Hey, baby!" It was Alexa. Agad itong nangunyapit sa kanyang leeg.

Naaalibadbaran si Sloane na kinalas ang mga kamay ng babae. "We've already talked about this," matigas niyang sabi rito. "I am not gonna repeat myself again."

Alexa scoffed at him, hindi ito makapaniwala. "What, so natikman mo na 'yung pakakasalan mo—"

"I told you not to talk about her like that!" singhal niya rito. "And, you!" inis na baling niya kay Cole. "Tarantado ka talaga, Colberto. Sinabi ko nang ayaw ko ng stag party, hindi ba?"

"Kung ayaw mo, e 'di kami ang mag-e-enjoy!" tatawa-tawang sabi naman nito.

Ni hindi niya kilala ang ibang kalalakihang naroroon, o baka nakasalamuha na niya dati sa Alonte Talents, Inc., hindi lamang niya matandaan.

"Larkin was supposed to be here, kaso biglang na-move nang mas maaga 'yung photoshoot niya sa China," sabi pa ni Cole.

"Larkin?" kunot-noong usal ni Sloane. Sa pagkakatanda niya, dalawang beses na rin niyang nakahalubilo sa personal ang sikat na Fil-Am supermodel.

"Yes. Alam mo bang kilala niya pala si Helga? Kapitbahay daw niya dati."

"Whatever, man. Ikaw na'ng bahala dito. Lalabas lang ako." Dinampot ni Sloane ang susi ng kotse na nasa ibabaw ng console table.

"O, saan ka pupunta?" sita ni Cole.

"Sa bagong bahay ko."

"Saan 'yun?"

Hindi niya ito sinagot, tuloy-tuloy siyang lumabas ng kanyang bahay.

Three weeks nang mahigit. Putangina, kailangan na niyang bigyan ng trophy ang sarili dahil nakatagal siya nang ganoon na walang kinakatalik na babae. Hindi niya itatangging he was being sexually-frustrated. Hindi pa siya nagkakaroon ng blue balls nang ganito katagal. Ang pinakahabang pagkadiyeta niya sa sex ay isang linggo. At iyon ay dahil tinamaan siya ng trangkaso.

Pagkapasok niya sa bakuran ng bahay ni Helga ay natanaw niya ang babae na nasa lanai. Pagkaparada niya ng kanyang kotse sa harapan ng staff house ay pinuntahan niya ito.

"Good evening," nakangiting bati ni Sloane sa babae na nakaupo sa rattan lounge chair at nakahawak ng iPad.

"Good evening," bati naman nito pabalik na saglit sumulyap sa kanya.

"Are you busy? I can leave if you're working—"

"No, I'm just reading a book." Ibinaba ni Helga sa kandungan ang iPad. "What do you want, Sloane?"

"Nothing. I just want to spend the night with you, I guess," sagot niya saka umupo sa silyang kaharap ng lounge chair.

"You guess?"

Natatawang nagkamot ng batok si Sloane. "Sabi ko na sa iyo, hindi ako nagpaplano madalas."

"Kumain ka na ba?"

Shit. Concerned?

"Uh, yeah."

"Sloane, why are you here?" hanggang sa dudang tanong ni Helga.

Nakangiwi siyang sumagot. "Umalis ako sa stag party ko."
Hindi niya maipaliwanag ang facial expression ng dalaga. Nakatingin ito sa kanya na para bang isa siyang kakaibang nilalang.

"Nanuno ka na naman ba?" pagkuwa'y tanong nito.

Tumawa si Sloane. "Yeah, very funny," saka sarkastikong sabi niya. "I'm telling you the truth. 'Yung kaibigan ko, bigla na lang sumugod sa bahay ko kanina kasama mga iba pang kaibigan at kakilala namin."

"May kasamang mga babae?"

"Of course."

"At umalis ka?"

"Hindi ka pa rin naniniwala?"

"Sloane, hindi kita binabawalang makipag-sex sa ibang babae. I just want you to be discreet about it."

"Ayoko pa rin."

"Bahala ka." Tumayo na si Helga. "You don't really have anything in mind right now?"

Tumayo rin siya. "Wala. Basta gusto ko kasama lang kita."

Inirapan siya nito. "Well, we can go to the rec room."

"Hey, I was just about to say that!"

"Right."

Ini-on ni Helga ang TV doon at nang wala silang maisip na panoorin ay hinayaan na lang nitong mag-play doon ang Defenders sa Netflix.

"You wanna drink?" tanong pa nito sa kanya. "O, huwag mong sabihing hindi mo pinanghinayangan pati ang alak sa stag party mo?" tanong uli nito nang hindi siya agad nakasagot.

Lumapit si Sloane sa ref at naglabas siya doon ng bote ng Kingfisher Strong beer. Naghahalo naman ng cocktail drink si Helga. Hinintay niya itong matapos saka niya itinaas ang hawak na bote para makipag-toast dito.

"To the future Mr. and Mrs. Cartagena," nakangiting sabi ni Sloane.

"Whatever," sabi naman ng babae ngunit hindi naman siya nito binigo sa pakikipag-toast.

Nagsimula silang uminom habang pasulyap-sulyap sa TV. Nakaupo si Sloane sa harapan ng bar counter at nasa likod naman niyon si Helga. Sometimes they would talk, pero mas nakakalamang ang paghahari ng katahimikan sa kanilang pagitan na ginugugol na lamang nila sa panonood ng palabas.

Naka-apat na bote na siya ng beer at hindi na niya mabilang kung ilang baso kung anong mga hinalong cocktails ang naubos ni Helga nang magyaya itong i-raid daw nila ang kusina dahil sawa na ito sa kinakain nilang toasted peanuts. Nagbitbit pa ito ng six-pack canned beer.

"Easy," ani Sloane sa babae nang bahagya itong gumewang nang pababa na sila sa hagdanan.

Napahawak ito sa dibdib niya para suportahan ang katawan. God, there was a hot, beautiful woman touching him. And she was drunk.




"I'M fine, I'm fine..." sabi ni Helga kay Sloane at kumawala ito mula sa kanyang pagkakahawak.

"Ang lakas mo palang uminom," sabi niya rito habang nagpapatiuna itong bumaba sa hagdanan.

"Hindi lang diyan ako malakas," tumatawang sabi naman nito.

"Alam ko. Malakas ka ding sumuntok."

"Malakas din akong kumain," ani Helga nang marating na nila ang kusina at walang pakundangan itong naglabas ng mga tirang pagkain mula sa ref. Tinulungan niya itong initin ang mga iyon.

"You have to eat, too. Okay?" sabi nito sa kanya na nakaturo sa kanyang pagmumukha ang hawak nitong isang spare rib.

"Yes, boss."

Natawa si Sloane nang mag-umpisang kumain ang babae na nakakamay at madaming kalat sa paligid ng madaming platong nakahain sa harapan nito. Walang pagpipigil, wala nang poise-poise.

"Parang mamamatay ka na bukas kung makalamon," biro niya rito habang kumakain sila.

"You see, this is why I don't really drink often. Napaparami ang kain ko," sabi nito na may lamang pagkain ang bibig. "Look, I eat like a dinosaur!"

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Sloane ay hinahayaan ni Helga ang sarili nitong maging malaya. And he was liking it, minus the fact that she was already drunk. Nalulungkot siya para doon, na parang kinailangan pa nitong malasing para malayang magawa ang totoong gusto nito.

"You need to have coffee," maya-maya ay offer niya rito.

"No! Gusto ko pa uminom!" angal naman ni Helga na nakaubos na ng tatlong latang beer. Baluktot na rin ang dila nito.

"Babe, lasing ka na," mabining paalala niya rito.

"That's the point, silly! Bakit ka iinom kung hindi ka naman malalasing?" Nagpahid ito ng bibig. "Uhm, ayan. May alam ka nang sekreto ko. Malakas akong uminom at kumain."

"You gotta stop," awat na niya rito nang inaabot na naman nito ang isa pang lata ng beer.

Inilayo na niya mula rito ang dalawa pang natitirang lata saka lumapit dito't pinunasan ng table napkin ang mga kamay nito.

"Heeey, do not tell me what to do, Cartagena!" asik naman nito sa kanya.

"C'mon, let me take you to your room," sabi niya rito at hinakawan ito sa braso upang itayo.

"Paano pag ayoko?" hamon pa ni Helga.

"Ang tigas ng ulo mo!" ani Sloane at walang pasintabing pinangko niya ang babae.

"Ibaba mo nga ako!" Nagpumiglas ito ngunit dahil sa kalasingan ay hindi ito makawala mula sa kanya.

"Might as well carry you as my bride now because you sure won't let me do this on our wedding day," nangingiting sabi naman niya.

Napansin niyang nakatitig sa kanyang mukha si Helga nang paakyat na sila sa hagdanan. Pagkuwan ay humaplos ang isang kamay nito sa kanyang mukha. Ngumiti ito at parang lalong namungay ang mga mata.

Helga let out a seemingly amused sigh. "Ang guwapo mo."

He chuckled awkwardly. Gusto niyang mahiya sa sarili. Madaming tao na ang nagsasabi niyon sa kanya pero parang ngayon lang siya nakaramdam ng matinding flattery.

"Alam ko, matagal na," pabirong sabi ni Sloane.

"Hindi ka ba talaga nag-aahit na... ahit na clean-shaven?" tanong nito.

"Lasing ka na talaga, pati facial hair ko pinapakialaman mo na."

Bumaba ang kamay ni Helga sa kanyang leeg. "I think I like it."

"Don't do that," banta niya naman dito.

"Don't do what?"

"Touching me like that."

She giggled. "Why? Tinatablan ka ba?"

Natumbok pa nito ang pinuproblema niya ngayon!

"Helga, just... don't," frustrated na sabi niya rito at mabilis itong ipinasok sa silid nito.

"I need... to use the bathroom."

Ibinaba ni Sloane ang dalaga sa harapan ng banyo ng master's bedroom at binuksan ang pinto niyon. Inalalayan niya itong pumasok doon.

"Hey, hey... bitiwan mo na ako, and get out. Out! I need to pee!" pagtataboy nito sa kanya nang mukhang lalapit ito sa toilet bowl.

"Baka matumba ka."

Pilit na iwinaksi ni Helga ang kamay niya mula sa braso nito. "Kaya ko ito. Labas ka na kasi!"

"I won't leave you here. Tatalikod ako," pagmamatigas naman niya at tumalikod nga siya rito.

"Huwag mo akong sisilipan, kukuryentehin kita ng blow dryer!"

"Oo na. Takot ko lang sa iyo."

Pagkatapos mag-flush ang inidoro ay narinig niyang napamura si Helga, she also sounded like she was struggling over something.

"What's wrong? Can I help?" tanong ni Sloane dito na pilit huwag lumingon.

"H-hindi ako makatayo."

Noon na siya humarap dito at bago pa ito maka-protesta ay maingat niya itong hinigit patayo at siya na rin ang nagtaas ng underwear at capri pants nito.

"Wala akong nakita, your shirt is long," ngingiti-ngiting sabi niya pagkatapos.

Mahina siyang sinuntok ng babae sa sikmura.

"Shut up!"

He then helped her washed her hands and face in the sink. Siya rin ang naglagay ng toothpaste sa sepilyo nito.

"Ready to sleep, boss?" ani Sloane nang ilabas niya si Helga sa banyo.

Pero ayaw matulog ng babae na hindi ito nagbibihis. Nagpilit itong pumasok sa walk-in closet nito at pumayag lang itong tulungan niya ito sa pagbibihis kung nakapikit ang kanyang mga mata. Nakailang kurot at hampas pa siya sa kanyang mga braso.

His hands were inadvertently touching a woman's bare body, natural lang na mag-init siya dahil doon. Pero sa kakatwang dahilan, mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa lasing na babae kaya hindi all-out ang libog niya. Man, this was crazy.

Tangina. Kung sino pa ang hindi maniniwalang gentleman siya ay sasapakin na niya.





Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 196K 68
Eros Jacinto and Sienna Velazquez story🖤 You can now order the physical book on shoppee or Lazada. Available also on National bookstore nationwide! ...
323K 3.9K 48
STAS To be on top, I had to maintain my strength. The brutal force I had to show everyone to make them kneel at my feet. The empire that was built be...
8.8K 130 7
El Paradiso is an elite nightclub that will share the story of seven seductive ladies with their underground businesses. Seven different stories of...
421K 8K 38
Wyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, g...