Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo

ionahgirl23 द्वारा

399K 6.9K 999

. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG D... अधिक

Busaw Book 2: LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
New Season of LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26
Chapter 27.
Author's Note!
Chapter 29- Ending Part 2.

Chapter 28- Ending Part 1.

9.3K 215 38
ionahgirl23 द्वारा



AGATHA...


"Ako ang may karapatan sa babaeng 'yan... utang niya sa akin ang buhay niya!" sigaw lamang ng estrangherong babae at mabilis na siyang nakalapit sa amin. "Hindi mo kilala ang babaeng 'yan!" sigaw pa rin niya pero agad rin kaming nakaiwas.

Nakakunot-noo lamang akong nakatingin sa kanya at hinahanap si Lorenzo, nasaan na ba siya? Palingon-lingon lang ako pero biglang dumilim ang paligid.

"Agatha... Agatha." sa wakas ay narinig ko ang boses niya. "Agatha...." tawag pa rin niya at parang may kinakausap. "Sino ka ba, akala mo'y ibibigay ko siya sa'yo... magkakamatayan muna."

Muli ay hinahanap ko siya, sila ng kasama niya hanggang sa makakita ako nang kakaunting sinag ng liwanag. Tumakbo ako, tumakbo hanggang sa mapahinto ako. Parang nanonood lamang ako ng pelikula sa isang malaking screen.

"Hindi mo kilala ang babaeng 'yan..." sagot ng babae mula sa nakakubli niyang mukha. "Napakaganda lamang sa labas pero... napakadumi ng kalooban niyan'!" sigaw niya at——

Dug! Dug dug!!!

Nakarinig ako nang kakaibang tunog hanggang sa napatakip na rin ako kagaya ni Lorenzo. Nakakabingi ang tunog na 'yun. Nakakatulig na nakakasakit ng ulo kaya nakikita ko ring napaluhod na si Lorenzo habang nabibitiwan ako.

Ha... ako?!

Napatingin ako sa mga kamay ko at napahawak sa magkabilang pisngi. Ibig sabihin ay wala ako sa katawang lupa ko!

"Hindi!" sigaw ko habang nakatingala pa rin kina Lorenzo. "Lorenzo... Lorenzo!" tawag ko pa rin sa kanya na nakapikit ngayon. "Nandito ako, tulungan mo'ko!" naiiyak kong sigaw pero napalingon ako sa paligid nang—-.

Tok! Tok tok!

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumilinaw ang paligid hanggang sa napansin kong nasa isang kwarto ako ngayon. Patuloy pa rin ang pagkatok kaya tiningala ko si Lorenzo pero wala na sila, hindi ko na sila nakikita.

"Lorenzo!" hindi pa rin ako makatiis, pasigaw ko pa ring tinawag si Lorenzo. Nagbabakasaling siya ang nasa labas ng pintuan. "Lorenzo... ikaw ba 'yan, please tulungan mo'ko...." umiiyak na akong tinatawag siya.

Tumakbo ako sa bintana ng kwarto para humingi ng tulong nang makita kong naglalakad sina Manuel at Lorenzo papalapit sa kwartong kinalalagyan ko. Natigilan ako, bakit nakikita ko na rin si Manuel at akala ko ba si Lorenzo ang kumakatok? 'Di ba iba ang kasama niya at parang pinagtatalunan nila ako?

Agad ko siyang sinilip sa bintana at sumigaw pero parang wala siyang naririnig. Sumigaw pa rin ako nang sumigaw hanggang sa mapagod ako at tinanaw na lamang siya na walang kaalam-alam sa nangyayari sa akin. Napahikbi at muli siyang sinilip pero sa pagkakataong ito'y wala na sila.

Tok! Tok tok!

Napalingon ako nang muling may kumatok sa labas ng pinto. Takot na takot na ako pero pinilit ko pa ring magsalita.

"Lorenzo... ikaw na ba 'yan?" mahina kong tanong at dahan-dahang lumalapit sa pintuan nang mamatay sindi ang ilaw na nasa gitna ng kwarto. Napapitlag ako at mabilis na sumampa sa kama. "Lorenzo!" sigaw ko pero walang sumasagot sa labas.

Umiiyak akong napalingon naman sa bintana nang may lumitaw na anino sa labas nito at unti-unting pumapasok. Nanginginig akong sumiksik sa sulok ng kama habang nakatingin sa pumapasok na katawan mula sa bintana. Akala ko'y ang babaeng kaharap ni Lorenzo kanina pero nagkamali ako. Napaiyak na ako ng tuluyan nang biglang naging apat ang tumayong matatandang babae sa tabi ng bintana habang hindi ko nakikita ang kani-kanilang mga mukha.

Sino sila?!

Pumikit ako at nanalangin.

"Dios ko... tulungan mo po ako..." sambit ko habang nanginginig na ang boses ko, totoo bang nangyayari ito o isang imagination o panaginip lamang?

Mula nang naging mambabarang ako'y ngayon palang akong natakot ng ganito.Nagpatuloy ako sa pananalangin at pilit na binubuhay ang kapangyarihan ko pero walang nangyayari. Napapitlag ako nang may humawak sa paa ko na napakalamig. Pagdilat ko'y halos isang pulgada na lang ang layo ng isang matandang babae sa mukha ko.

Hindi ko na napigilan ay napasigaw ako.

"Ahhhyyyyy!"mabilis akong tumayo para takbuhin ang pintuan pero nahawakan niya ako sa paa at malakas na ibinalibag sa dingding ng banyo hanggang sa tumama ang noo ko sa gilid nito.

"Hi hihi!" matinis niyang halakhak habang ang tatlo pa niyang kasama ay nakatingin lamang sa akin, lahat sila ay nakangisi at mukhang nagugustuhan ang nangyayari sa akin. "Napakatigas ng ulo mo hi hihihi!" sigaw pa ng matandang lumalapit na sa akin.

"Hemmmm..." pinipilit ko siyang tingnan pero hindi ko na magawa dahil nalalagyan na ng dugo ang kaliwa kong mata. Ngayon ay naniningkit at umuusok na ang kanyang mga mata. Pinilit kong tumayo at tatakbuhin ko na naman sana ang pinto nang mahawakan niya uli ako sa kamay at hilahin palapit sa kanya. "Ahhhhhh 'wag, tulong!" sigaw ko habang nagpupumiglas.

Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko nang hawakan niya ako sa leeg at ilapit sa kanyang mukha.

"Gusto mong umalis...." nagbago ang kanyang boses, boses na kilalang-kilala ko. "Mamamatay ka, kayong lahat hi hihi..." humahalakhak siya nang malakas sabay kumidlat sa labas.

"B-Bitiwan mo'ko!" pinilit ko siyang sapakin sa mukha pero parang bulang naglalaho ito at bumabalik uli. Napaiyak na naman ako sa takot kaya humahagulgol na akong pumikit at nagsalita. "Parang awa mo na... pakawalan mo na ako.."

"Hi hihi, awa... wala kang utang na loob!" parang dumagundong ang buong kwarto sa lakas ng boses niya, "Matapos ko kayong alagaan, palakihin at ngayon ay iiwan niyo na lang ako ng ganun'-ganun' na lang... hindi maaari!" sigaw niya at bigla naman akong itinapon malapit sa bintana.

"Ina, tapusin mo na 'yan... may haharapin pa tayo." naaninag ko ang pinanggalingan ng boses at nagulat ako nang makilala ang tatlong babae.

Mga anak ni Nana Feliza sina Samantha at ibig sabihin ang matandang ito'y si Nana Feliza?!

Parang naghilamos na ako ng dugo dahil hindi pa rin tumitigil ang pag-agos nito. Nawawalan na ako ng lakas pero pinilit ko pa ring tumayo at humingi ng saklolo sa bintana. Pero wala na akong makita kahit sino, kadiliman na lamang ang nag-ookupa sa labas.

"T-Tulong...." gusto kong sumigaw pero impit na lang ang narinig sa boses ko. Bigla na naman akong napaimpit nang... "Ahh, tulungan niyo ako, tulong...!" naramdaman kong hinihila niya ang kaliwa kong paa.

Nilingon ko siya at nakita kong may umaagos ng dugo sa kanyang bibig. Lalo akong natakot sa itsura niya kaya pilit akong nagpupumiglas. Ngumisi ito sa akin at mukhang lalapitan ako nang bumukas ang pinto at—-.

Shhhhhhhhh!

Nakarinig ako ng kakaibang tunog at nakita ko na lamang ang isang magandang babae na nakikipaglaban ng kapangyarihan kay Nana Feliza. Nagpapalakasan sila, nagbubuno hanggang sa tumilapon ang dating nag-aruga sa akin.

Natitigilan lamang akong nanunuod. Sina Samantha naman ang nakikipaglaban sa babaeng dumating pero kagaya ng kanilang ina'y tumilapon rin sila.

Nang mawala ang apat ay napatingin ako sa kanya na nagmamadaling lumapit sa akin. Tunulungan niya akong makatayo hanggang sa nakakapit na ako sa kanya habang lumalabas kami ng pintuan.

"Bilisan mo, magsasara ang pinto..." narinig kong bulalas niya na halos buhatin na niya ang bigat ko.

Pagkalabas namin ay sumalubong na naman ang kadiliman pero nagpatuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa napaluhod na ako. Hindi ko na kaya, hindi na kaya kaya tiningala ko siya habang naiilawan kami ng kanyang magkabilang palad.

"A-ale, salamat pero hindi ko na kaya... i-ikaw na lang ang umalis." habol ko sa hininga ko. "S-salamat sa t-tulong..."

Nakatingin lamang siya sa akin hanggang sa lumuhod na rin siya at hinawakan ako sa kamay.

"Sa tingin ko'y ako ang nagsimula ng lahat, sa mga kaguluhang nangyayari sa mundo ngayon." dahan-dahan rin niyang tiningnan ang palad kong naglalaman ng ikatlong mundo. "Hindi pa oras para lumikas kayong lahat sa mundong ito, kapahamakan lang ang magiging resulta nito sa huli..."

Napapakunot-noo lamang ako sa kanyang sinasabi pero ngumiti siya at hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Kunin mo'to," nanlaki ang mga mata ko nang may isinuka siyang isang maliit na bato. "Ibigay mo 'yan sa lalaking iniibig mo dahil sa kanya 'yan kapalit nang pagkuha ko sa kanyang puso..." hinawakan niya ang kamay ko at idinantay sa kanyang dibdib. "Gusto ko mang bumalik sa mundo ay hindi ko na magawa, gusto ko lang humingi ng tawad sa mga damdaming nasaktan ko..."

Nagulat ako sa nalaman ko kaya pinilit kong tumayo pero lalo lamang akong napaupo.

"S-sumama ka sa akin, b-baka makabalik ka rin sa mundo..."

Pero nakita ko lamang na umiling siya at ngumiti habang dahan-dahang tumatayo.

"Imposible na, 'wag mong kalimutang ibigay 'yan... 'yan ang minumulusa ko." ngiti niya sa akin hanggang sa nakatayo na nang maayos. "Narinig ko lang ang pagsigaw mo at hindi kita natiis kaya pinuntahan kita dito, dahil siguro sa dinadala ko ang puso ng nagmamahal sa'yo kaya naramdaman kong na nasa panganib ka..." nakita kong dahan-dahan na siyang lumalayo sa akin. "Pakisabi na lang sa lahat na nakikilala mo ako, si Rosita at humihingi ako ng tawad..."

Napatango lamang ako habang tinatanaw siyang lumalayo hanggang sa bumalik na ulit ang kadiliman sa paligid ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko pa rin magawa. Ngayon ay lalo lamang akong nahihirapan dahil hindi na ako makahinga sa dilim ng paligid.

"Huh, Lorenzo..." hinahabol ko na naman ang hininga ko at hinahagod ko na ang dibdib ko. Ang dilim at kinakapos na ako ng hininga kaya pumikit ako at inisip siya. Hanggang sa nakakaramdam na ako ng pagkahilo at—-. "Lorenzo!!!!" huling sigaw.





LORENZO....


                Kanina pa ako nakikipaglaban sa babaeng pilit na inaagaw sa akin si Agatha pero ngayon ko lang naintindihan na isa pala siyang mambabarang. Muli ay sinulyapan ko si Agatha'ng wala pa ring malay sa sulok ng veranda. Alam kong may nangyayari sa kanya pero uunahin ko muna ang mambabarang na'to, hindi rin kami titigilan ng babaeng ito.

Papalundag na sana ako para maabot ang palutang-lutang lamang na mambabarang nang matigilan ako sa paparating na ugong.

"Hi hihi 'ayan na hi hihi!" lingon rin ng mambabarang sa kalangitan. "Mamamatay ka lang halimaw, mabuti pang ibigay mo na sa akin ang babaeng 'yan hi hihi!" Mula sa maliwanag na buwan ay may nakikita akong lumilipad hanggang sa bumababa na ito papunta sa amin.

Huh, nagtawag pa ng kasama!

Kumuyom ang mga kamay ko sa paghahanda habang nakayuko pa rin ako sa bubong ng bahay ngayon. Kahit wala akong kapangyarihan ay lalaban ako hanggang sa kamatayan. Pero napalingon ako sa 'di kalayuan nang may bumagsak na kung ano.

Bag!

Mula sa nahulog na bagay ay unti-unting bumangon ang isang nilalang. Nilalang na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Mabilis akong tumayo at naghanda na ako nang tuluyan. Tatlo na ngayon ang kakaharapin ko pero nang magsalita siya ay laking gulat ko—-.

"Akin ang isa, sa'yo ang isa..."

Napakurap-kurap ako sa narinig ko at huli na nang makita kong sinugod niya ang paparating na mambabarang. Lumundag na rin ako at sinalubong na rin ang isang mambabarang na mukhang mas malakas keysa sa nauna.

Nasaksak niya ako sa hita pero nasugatan ko rin naman siya sa pisngi pababa sa kanyang panga.

"Hemp!" bigla akong yumuko nang sasaksakin sana niya ako sa mukha pero agad rin niya akong nahablot at nasaksak na nga sa ibabang bahagi ng kaliwa kong balikat. "Aahhhh..." bulalas ko nang mawalan ako ng balanse at bumagsak sa ikalawang palapag ng bubong.

"Hi hihi... halimaw hi hihi!" mabilis niya akong sinundan kaya agad rin akong kumilos. Lumundag ako sa katabing puno ng bahay at mabilis na umakyat hanggang sa lundagin ko rin siya. "Ehhhh!!!" sigaw niya nang bumagsak ang bigat ko sa kanyang likuran at lalo siyang nagpupumiglas nang hilahin ko ang bigat naming dalawa palapit sa puno.

"Mamatay ka..." anas ko at lalo ko pang binigatan ang sarili ko hanggang sa—-.

Bag!

"Aahhhhh ahhhhhh!!!!" napapikit ako sa matinis niyang boses na pumuno uli sa katahimikan ng gabi.

Umaagos ang kanyang dugo mula sa kanyang bibig at dibdib na natusok ngayon ng nakausling sanga ng punong kahoy. Marahan kong hinawi ang talukbong na bahagyang nagtatakip sa mukha niya at napakunot noo ako nang masilayang isang magandang mambabarang ang napatay ko.

Tinitigan ko muna siya bago ko tinabig ang katawan niya hanggang sa tuluyan na itong nahulog.

"Hemmmm...." napangiwi ako nang kumirot ang sugat ko sa hita. Nasaan na ba ang tumulong sa akin? Hanap ko habang tinitingala sila sa kawalan. "Ahhhh..." nagbubuno pa rin at mukhang natatalo ang mambabarang.

Pinagmasdan ko lang ang mga kilos ng nilalang bago ako lumundag pababa. Kailangang mahawakan ko ulit si Agatha at aalis na kami dito.

Pagkababa ko nga'y agad ko siyang nilapitan. Kumikirot pa rin ang sugat ko nang yumuko ako para damhin ang tibok ng puso niya. Hindi na siya natutulog lang kundi' may nangyayari na sa kanya.

Nakahinga ako ng maayos nang maramdaman ang kaniyang paghinga. Marahan ko na siyang binuhat habang napapangiwi ako. Pagkatayo ko nang maayos ay tiningala ko ang nagbubuno pa rin sa itaas at ngayon ay tumilapon na ang mambabarang.

"Ehhhhhh!!!!" narinig ko lamang na sigaw niya.

Ngayon ay papalapag na sa gilid ng bubong ang nilalang na tumulong sa akin. Pumikit ako at umihip sa hangin, salamat sa'yo .Pagpapasalamat ng isipan ko at pagdilat ko'y nagsimula na akong naglakad papasok nang makarinig na naman ako ng kalabog sa likuran ko.

Marahan akong humarap dahil alam ko na kung sino 'yun, ang nilalang na tumulong sa akin.

"Salamat sa'yo kaibigan." bahagya pa akong yumuko para magbigay galang sa kanya. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan at may naiisip akong isang lahi pero imposibleng lumabas 'yun sa kani-kanilang mga lungga tsaka hindi naman ganito ang kompletong itsura nila. "Mawalang galang na kaibigan pero anong lahi ka at saan ka nanggaling, sadyang ngayon lang kita nakita o ng kagaya mo..."

Mula sa pagkakadapa niya nang bahagya sa sahig ay dahan-dahan siyang tumayo hanggang sa humarap na siya nang maayos sa akin. Gusto ko mang makita ang kabuuhan ng kanyang mukha'y natatabunan naman ng kanyang anino.

Hindi siya umiimik, parang tinititigan lamang niya ako hanggang sa lumipat ang mga mata niya sa walang malay pa ring si Agatha. Napakunot noo ako at humigpit ang pagkakabuhat ko sa kanya nang mapansing tinititigan ito ng estrangherong nilalang.

"Hindi siya magigising dahil nasa ilalim siya ng mahika ng pinakamakapangyarihang Pulestan..." hindi ako nakakibo sa sinabi ng estranghero, mataman ko lang siyang tinitigan nang mapatingala ako at mapatingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko sa naririning kong malakas na ugong hanggang sa mapatingala ako sa langit. Biglang dumilim ang paligid dahil natakpan ang buwan at ang sinag nito. Bigla ring lumapit sa akin ang estranghero at tumingala rin sa langit. "Ahhhh grrreerrrr... mgah pulestannnnn..."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Napatingin ako sa kanya at kay Agatha, anong gagawin namin?!

Ilang beses ko nang sinubukang gamitin ang minumulusa ng dating Seneor Lucas pero ayaw bumisa at kusang nawawala sa akin!

Muli akong tumingala at ang kakaibang ugong ay unti-unti nang lumalakas, ibig sabihin ay malapit na sila!

"Anong gagawin natin?!" tanong ko sa kasama kong nagposisyon na ng lalaban.

"Hindih koh alam... ang s-salitang umurong k-kaibigan..." sagot niya habang nakatingala lamang.

Napakunot-noo ako at nagpasya na lang na pumikit. Susubukan kong tawagin sina Manuel at ng buong talindawang. Kung gusto nila ng labanan, hindi rin alam ng mga talindawang ang salitang umurong lalo na ang tumakbo sa labanan.

Pagpikit ko'y inisip ko ang pamilya ko at ng buong lahi namin. Isip, isip hanggang sa—-

"Ahhhhh bakit hindi ko magawa?!" napasigaw ako sa galit at kaba hindi para sa sarili ko kundi para kay Agatha!

Nang naaaninag ko na ang mga mambabarang ay dahan-dahan ko nang inilapag ulit si Agatha sa isang tabi. 'Ayukong ipasok siya dahil mas hindi mapapanatag ang loob ko kung hindi siya makita, mawala man kaming dalawa. Alam ng mga Dios, ng mga pinuno na ginawa ko ang lahat.

"Greerrrr..." narinig ko nang nagiging madalas ang pag-ungol ng naging kasama ko at iisa lang ang ibig sabihin 'nun.

Malapit na sila, malapit na!

Nakayuko pa rin ako at inaninag ang mukha ni Agatha. Marahan ko siyang hinalikan sa labi at tuluyan nang niyakap.

"Mahal ko... kung mawawala man ako'y sana maalala mo pa rin ako, na sana makabalik ako sa isipan mo. Hindi man ikaw ang unang bumuo sa puso ko pero ikaw at ikaw lang ang huling mamahalin nito..." muli ko siyang hinalikan nang marahan at sinamyo ang kanyang mabangong hininga. "Patawad Agatha kung may nagawa man akong mali o hindi mo nagustuhan..." bumuntong hininga ako para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Nagpasya na akong tumayo at sinulyapan sa huling pagkakataon si Agatha. Alam ko, ramdam kong ito na ang katapusan ko.

Anong laban ko sa lahing Pulestan kung isa lamang akong ordinaryong busaw. Busaw na walang puso at mahina. Na kahit nasa akin ang minumulusa ng isang maharlika'y sadyang lumalabas siya sa katawan ko.

Tanging tadhana na lamang ang pinanghahawakan kong lakas ngayon...

Bumuntong hininga ako ulit at nilingon ang kasama ko.

"Umalis ka na... hindi natin kaya ang buong lahi nila, madadamay ka lamang..." pagtataboy ko sa kanya. "Tanggap ko na sa sarili kong talo ako sa labanang ito, hinihingi ko lamang ay dalhin mo ang kasama ko sa Palao Maturdi, ang pinagmulan ko..." muli akong tumingala at kinuyom ko na ang magkabila kong kamay. "Pakiusap kaibigan, umalis na kayo hanggang may oras pa..."

Pero narinig ko lamang siyang umatungal.

"H-hindi... k-kung gusto mong umalis, u-umalis ka nah..." Sagot niya sa akin. "K-kakayanin ko sila..."

Napalingon ako sa kanya sa sinabi niya at parang nakaramdam ako ng kakaiba sa tono ng boses niya ngayon. Parang may naiisip na naman akong isang kakilala ko pero kinupkop ko na lamang sa puso ko. Wala na akong oras para linawin ang lahat, parating na sila!

"Ehhhhhh!"

"Hi hihihihi.... ehhhh!"

Napuno ng mga matitinis na sigaw at halakhak ang simoy ng madaling araw. Parang mga alitaptap na nagkalat sa kalangitan at ang iba'y papalapit na sa amin.

"Grrrr...... ahhhh..." lumakas na ang atungal ng kasama ko habang ako'y nanginginig na ang nakakuyom kong mga kamay.

Humugot ako ng lakas habang papalapit na papalapit na ang unang kumpol ng mga mamababarang.

"Ngayon na!" sigaw ko sabay lundag sa kalawakan nang makarinig ako nang malakas na pagsabog at masalubong ang nakakasilaw nitong liwanag. "Ahhhhhh....!" sigaw ko at huling naramdaman ko na lamang ay parang tumilapon ako sa napakalayong lugar.




"Ahhhhhh!" sigaw ko habang nakapikit at nang dumilat ako'y—-. "Huh!?" nagulat ako sa madilim na paligid at sa mga mambabarang na nakahelirang nakatayo sa harapan ko ngayon.

Anong nangyari, akala ko ba'y may sumabog?!

"Hindi kami nag-aanyaya ng laban Haring Pluwidun, ang tinutukoy niyong Ashanta ay ang wasiwan..." napalingon ako nang marinig ko ang boses ni ama at lalo akong nagulat nang makitang nakahilera rin sa likuran ko ang buong talindawang. Sinulyapan lamang ako ni ama at muling tumingin sa hari ng kabilang grupo. "Ni' isa sa atin ay walang nagmamay-ari sa kanya kundi ang Mahal na Clevos lamang... kaya sa tingin ko'y walang dahilan para magkaroon ng hidwaan ang lahi natin, tungkol naman sa anak ko'y hindi ko na rin hawak pa ang tinitibok ng puso niya... masasabi kong maswerte siya at siya ang napusuan ng wasiwan noong isa pa siyang ordinaryong nilalang."

Nakita kong hindi kumibo ang kinikilalang hari ng mga Pulestan. Nakatingin lamang ito kay ama pero ang isang magandang babae sa tabi nito'y mukhang galit na galit hanggang sa nagsalita na nga.

"Wala kaming pakialam sa ikatlong mundong sinasabi niyo!" sigaw niya at inawat siya ng hari pero umiling lamang ito. "Hindi ama, hayaan mo'kong magsalita ngayon..." umiiling pa rin ang babae hanggang sa nagsalita ulit ang hari.

"Samantha... hindi mo ba naririnig, hindi siya ordinaryong mambabarang... siya ang wasiwan."

Tumango lamang ang babae sa kanyang ama at humarap na ito sa amin.

"Tulad nang sinasabi ko, hindi mahalaga sa amin ang wasiwan at ang ikatlong mundo dahil wala 'yan sa kasaysayan namin, ng lahi namin!" taas noo itong nagsasalita habang inililibot niya ang kanyang paningin sa aming lahat. "Ang ipinaglalaban namin dito ay ang pagkamatay ng kapatid kong si Athena at ang ina naming kakabalik lang muli sa Zelension, si Inang Feliza namin na namuhay ng matagal na panahon sa mundo ng mga mortal dahil sa kagagawan ng impostor niyong anak-anakan!" biglang kumulog ang langit sa kanyang matinis na boses.

Hindi na rin ako nakatiis ay sumigaw rin ako.

"Dahil pilit nilang kinukuha sa akin si Ag—-, ang wasiwan!" sigaw ko at tinitigan ang mambabarang na may magandang mukha.

"Kumuha ka ng buhay kaya buhay rin ang kapalit!" pilit pa rin ng babae at nagsimula na ngang umingay ang paligid. "Batas 'yan ng buong nilalang, alam niyo 'yan!"

Nakita ko nang kumilos at tumayo si ama sa unahan ko habang pilit na pinapatahimik ang paligid.

"Sandali, sandali mga kaibigan... 'wag nating idaan sa gulo, maari nating pag-usap—-."

"Wala ng dapat pag-usapan!" hindi na niya pinakinggan ang sinasabi ni ama. "Ehhhhhhh...!" sumigaw na ulit ang mambabarang at sa isang iglap lamang ay papalundag na siya sa akin, pero—-.

Bogs!

Nagulat ako nang sabay silang bumagsak ni Elvira pero bigla ring tumayo ang isa't isa. Lumingon si Elvira sa likuran ko hanggang sa huminto ang mga mata niya sa akin. Pagkatango ko'y agad niyang sinugod ang nagngangalang Samantha.

"Hindi kita hahayaang saktan ang kahit sino sa pamilya ko..." nahablot niya ang kamay nito at biglang hinila palapit sa kanya tsaka mabilis na siniko sabay kalmot ng mahahaba niyang kuko sa mukha ng babae. "Dati akong mortal at nakilala ko ang tunay na mga busaw, mali ang inaakala ng mga mortal lalo na ang tumatakbo sa isipan mo!" siya naman ang nahawakan ng babae ngayon at ibinalibag sa lupa gamit ang mahaba niyang buhok.

Alam kong nasaktan man si Elvira pero mabilis pa rin siyang nakabangon.

Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari. May ibang mambabarang ang sumaklolo sa kasamahan nito at napuruhan nila si Elvira.

Mga babae ang naglalaban pero hindi ko matiis na pabayaan na lamang si Elvira. Huminga ako nang malalim at unti-unti nang lumalabas ang mga kuko ko nang makita ko na lamang na tumilapon ang isang mambabarang.

"Ehhhhhhhh....!"

"Paunmanhin sa inyo mga binibini pero asawa ko ang kinakalaban niyo..." napakurap-kurap ako nang makilala si Manuel na nasa tabi na ng asawa niya habang sinasakal nito ng kanyang matutulis na kuko si Samantha. "Wala pang nakakasakit sa kanya kaya malaking pagkakamali ang ginawa mong ito..." malumanay pa rin ang boses ng kapatid ko at kahit nasa ganito kaming pangyayari ngayon ay hindi ko maiwasang 'di mapangiti.

Kakaiba talaga ang kapatid ko, si Manuel...

Pero ang mga ngiting 'yun ay agad ring nawala nang makita ko na lamang na nasa likuran naman ni Manuel ang hari ng mga Pulestan.

"Hindi na ako makakapayag na may mangyari pa sa mga anak ko busaw..." ang magandang mukha ng hari ay napalitan ngayon ng nakakatakot na itsura at tripling lumaki keysa sa karaniwan niyang laki.

Napatingin na rin ako sa mambabarang na nag-aabang na lamang at alam kong ganoon na rin ang mga kalahi ko. Umusbong ang galit at tapang sa puso ko, ako ang dapat tumapos sa kaguluhang ito dahil ako naman ang nagsimula nito.

Pumikit ako at sa huling pagkakataon ay hiniling ko ang kapangyarihang tinataglay ko. Pumikit ako at nag-isip hanggang sa makaramdam na nga ako ng pag-iinit hanggang——.

"Ahhhhhh!!!!" sigaw ko na para bang nakalaya ang sarili ko sa mundo. Nang humupa ang iba't ibang nararamdaman ko'y tiningnan ko ang mga nasa harapan ko. Lahat sila ay nagulat sa pagbabagong anyo ko at nang makitang kikilos ang haring nasa likuran ni Manuel ay bigla akong yumuko at buong lakas na sinuntok ang lupa. "Ahhhhhh!" sigaw ko at unti-unti na ngang lumilindol ang paligid.

"Ehhhhh ahhhhhh!" nagkagulo ang mga mambabarang hanggang sa nagliparan na ang iba. "Ehhhhhhhehhhhe wahhhhh!" humuni ang napakaraming matitinis na boses hanggang sa sumigaw na ang hari nilang hinihila na ng mga anak. "Tatandaan ko ang araw na itohhhhh!" 'yun lang ang narinig ko at parang nawalan naman ako ng lakas.

Napaluhod ako sa harapan ni ama.

"Ama..." anas ko at tuluyan na nga akong nanghina at nawalan ng malay.




                 Umaga na ulit at sumikat na naman ang isang magandang araw. Na tila'y walang alam sa nangyari kagabi. Katulad rin ng buong talindawang, lahat ay bumalik na sa kani-kanilang normal na buhay. Parang 'di sila nakaranas ng kababalaghan kagabi at 'ni wala man lang nakikitaan ng kalungkutan pero si Ama, Manuel at Elvira ay nasa kwarto ko. Lahat kami ay tahimik na magkakaharap at iniisip ang tungkol kay Agatha. Oo, tungkol sa kanya at hindi na namin alam kung nasaan na siya ngayon. Huling naaalala ko'y naiwan ko siya sa veranda nang may biglang lumiwanag.

Ahhh alam ko, nararamdaman ko na wala na siya 'dun. Saan ko siya hahanapin ngayon, napabuntong hininga ako at hindi 'yun nakaligtas kay ama.

"Pakiramdam ko'y nasa pangangalaga na siya ng Clevos." tahimik na tumayo si ama at lumapit sa bintana. "Ang pagbubukas ng ikatlong mundo ay mukhang hindi na matutuloy..."

Ako'y nakatingin lamang kay ama habang si Manuel ay napakunot noo sa kanyang sinabi.

"Ibig sabihin ay babalik ang lahat sa dati ama, paano ang mga nasawing buhay sa labanan ng mga Dustima at Lindimo ngayon... sa tingin ko'y hindi na 'yun maibabalik." turan ni Manuel.

Nakita kong bumuntong hininga si ama habang nakatalikod pa rin.

"Ang lahat ng nangyari ay hindi na maibabalik, ang lahat ng nasawi ay tuluyan nang magpapahinga at ang paglaho ng ikatlong mundo'y tuluyan na ring maglalaho... walang sino man ang nakakaalam sa muling pagbubukas ng lagusan." sagot ni ama at tumingala sa maaliwalas na langit. "Lalo lamang magbubunyi ang mga masasamang nilalang at dito sila sa mundo ng mga mortal maghahasik ng lagim..."

Nagkatinginan lamang kami ni Manuel, tungkol sa ibang lahi ay wala na kaming pakialam. May batas na sinusunod ang lahat na walang mangingialam hangga't hindi pinapakialaman ang isang lahi.

Bigla kong naisip ang minumulusa nang namayapang si Lucas kaya tumayo ako at lumapit kay ama.

"Ang minumulusa pala ay hindi ko na maibabalik sa'yo ama, bigla na lamang nawala sa aking pag-iingat." pagbabalita ko pero nilingon lamang niya ako at inilahad ang isang kamay. Nang wala man lang itong laman ay nakita kong bigla siyang kinabahan. "Bakit ama?"

Hindi siya kumibo, ilang ulit niyang ikinuyom at binubuksan ang kanyang palad pero nakikita ko namang wala itong laman.

"Ang minumulusa..." anas niya at nilingon ako. "Hindi mo alam pero hindi nagtatagal ang minumulusa sa'yo dahil... dahil sa..."

"Dahil sa hindi ako tunay na maharlika ama?" mapait kong ngiti sa kanya pero hindi na ako nasasaktan. Ito ang totoo kong pagkatao, anong magagawa ko? "Wag niyo ho akong intindihin, ang importante ay kung nasaan ang minumulusa ngayon..."

Nakita kong ngumiti si ama at tinapik niya ako sa balikat.

"Higit pa sa laman at dugo ang turing ko sa'yo Lorenzo kaya 'wag mo 'yang isipin... anak kita." pisil niya sa balikat ko. "Ang iniisip ko ngayon ay kung saan napunta ang minumulusa, sa pagkakaintindi ko'y wala ng ibang magmamay-ari 'nun kundi ako o si Manuel." sabay lingon niya dito kaya pati ako'y napalingon na rin.

Umiling naman si Manuel at tumayo na kasama ang binubuhat na anak.

"Hindi ko na kailangan ang minumulusa ni Lucas, kontento na ako sa kung anong meyron ako." tingin niya sa asawa niyang tumayo na rin. "Magpapahinga muna kami, hindi pa nakakatulog nang maayos ang mga bata..." paalam nito.

Nang mawala na sila ay hinarap ko si ama.

"Hahanapin ko ba ang minumulusa ama?" tanong ko habang naiisip ang maaring maidulot ng pagkawala nito. "Naiisip ko lang ho ay baka gamitin sa kasamaan ng sino mang makakakuha nun'."

Pero umiling lamang si ama.

"Hindi basta-basta 'yun magagamit, namimili ito." sagot niya at lumingon uli sa labas. "Mabuti pang magpahinga ka dahil sunod-sunod ang nangyari sa'yo anak... saka mo na hanapin ang minumulusa at tungkol kay Agatha ay malakas ang pakiramdam kong bumalik na siya sa kung saan man siya nanggaling..."

Napayuko ako at pilit na itinago kay ama ang lungkot na nararamdaman ko.

"Isa na lamang siyang alaala ama, magandang alaala..." pinilit kong ngumiti. "Nalulungkot lamang ako dahil nagkahiwalay kami na hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya, mahal ko siya kahit kanino man.... lalo ko itong nararamdaman ngayong wala na siya..."

Tinapik-tapik ulit niya ang balikat ko.

"Ganyan ang nagmamahal, patuloy pa rin kahit na nasasaktan at kahit na wala ang kanyang minamahal..." ngiti niya sa akin. "Kung nasaan man si Ina Lucita mo ngayon at si Agatha alam kong nararamdaman nila ang pagmamahal natin sa kanila..."

Bumuntong hininga ako sa huling pagkakataon na para bang pinapalaya ko ang sarili ko. Ang pagtanggap na wala na talaga si Agatha.

"Magpahinga ka rin ama, alam kong marami ka pang iniisip sa buong talindawang..." ngiti ko sa kanya. "Gusto ko ring magpalamig muna sa ilog..." hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

Tumango lamang si ama at magkasabay na kaming lumabas ng kwarto ko. Paglabas namin ay bumungad sa amin ang mga nakatira rin sa bahay. Lahat ay yumuko para magbigay galang kay ama.

"Hindi ka na ba kakain?" nasa pintuan na ako nang tawagin ako ulit ni ama.

Ngumiti ulit ako at umiling kaya hindi na nagsalita ito. Ako naman ay tumuloy na sa labas at tinunton ang daang papunta sa ilog. Pagkatanaw ko palang dito ay bigla akong tumakbo hanggang sa lumundag ako sa malalim na parte.

Gusto kong malunod, kasama ang 'di ko maipaliwanag na nararamdaman ngayon. Sumisid ako nang sumisid at pinagod ang sarili sa paglangoy hanggang sa makaramdam na nga ako ng pagod. Pag-ahon ko'y umupo ako sa isang bato at pinagmasdan ang tahimik na pagdaloy ng tubig.

Ako, saan na kaya patungo ang buhay ko?

Naniwala ako sa pahayag ng Mulenluwa na may patutunguhan ang buhay ko kasama si Agatha. Pero hindi yata 'yun mangyayari, ngayon pa na wala na siya. Napayuko ako at hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko.

Pinaiyak ko si Agatha dati at ngayon naman ay ako ang nasasaktan...

Pumikit ako at pinilit na pinigilan ang nararamdaman ko. Nang humupa ang damdamin ko'y tumingala ako at pumikit. Hanggang kailan ko ba 'to mararamdaman, akala ko ba hindi na nakakaramdam ang sarili ko?

Krerkakrekkkkkkk....

Napadilat ako at hinanap ang kaluskos, nangyari na 'to ah. Nagpasya na akong tumayo at lumundag sa kabilang parte ng ilog. Ako talaga ang pakay ng sinomang nilalang na'to kaya mabilis na akong tumatakbo sa mga kakahuyan habang sinasamyo ang naiibang amoy na naiwan sa mga dahon.

Tumakbo pa ako nang tumakbo hanggang sa masilayan ko ang isang nilalang na nakita ko na. Bumagal ang pagtakbo ko at naisip ang nangyari kagabi, oo nga pala. Nang bumalik ako sa Palao Maturdi kasama ng mga Pulestan ay hindi ko na siya nakita.

Kailangan ko siyang makilala!

Binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa naaabot ko na siya.

Naaabot na hanggang—-.

"Ahhhhh!" sigaw nito at nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang nagbago. "Pakawalan mo'ko ano ba?!" pagmumupiglas pa niya.

Nabitiwan ko naman siya hindi sa pagsunod sa kanyang sinabi kundi sa pagkagulat. May itinatago palang lihim si Airina? Sa anong nilalang siya nabibilang?

Muli ko siyang tiningala habang ako'y nakaupo na ngayon.

"Wag kang mag-alala, hindi kita aanuhin pati ng mga kalahi mo...." sulyap niya sa akin habang tinatakpan ang kahubaran. "N-nakikibalita lamang ako k-kay A-Agatha..."

"Wala na siya, bumalik na sa ikatlong mundo..." mahina kong sagot habang natitigilan pa rin. Bakit tinulungan niya ako kagabi, bakit alam niya kung nasaan kami? Napakurap ako at napatingin sa kanyang mukha nang tumalikod siya at naglakad. "Hintay!" napatayo agad ako.

Huminto naman siya at nilingon ako.

"Ngayong alam mo na ang totoong ako... ito na ang katapusan nang pagkakilala natin at simula ng bagong yugto bilang mga kakaibang nilalang." sambit niya at naglakad ulit. "Hanggang sa muli Lorenzo..." ngiti niya at biglang lumundag sa mga matataas na damong ligaw.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig pa rin sa direksyon niya.

Ahhhh ang mundo talaga puno ng kababalaghan.

Tahimik akong naglakad pabalik at inisip ang gagawin ko bukas. Luluwas ako ng syudad para mabisita ang kapatid niya at ni Christian na rin. Pareho lang kami ng lalaking 'nun, hindi na nagkausap pa nang maayos bago siya nawala...



.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

150K 3.5K 26
Hindi inaasahan ng limang magkakaibigan na mapapadpad sila sa baryo Santa Josefa, bagama't hindi nila inaakala na sa kalagitnaan ng kanilang paglalak...
374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...
1.3M 14.3K 43
What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe? Will they be attracted to each other...
759 270 54
Daila sworn to herself na hindi niya hahayaang mangyari ang propesiya na nakaambang kay Dirk Izunia Salvatorie. Kaya nga halos gawin na niya ang laha...