Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo

By ionahgirl23

399K 6.9K 999

. . SA KANILANG KAKAIBANG KATAUHAN, KAKAIBANG MUNDO... MAY LUGAR PA BA ANG PAG-IBIG KUNG PAGDANAK LAMANG NG D... More

Busaw Book 2: LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
New Season of LORENZO, Ang Pagdayo
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26
Chapter 28- Ending Part 1.
Author's Note!
Chapter 29- Ending Part 2.

Chapter 27.

8.4K 201 19
By ionahgirl23



LORENZO...


Hemp!

Muli na naman akong nagtapon ng bato sa umaagos na tubig habang nagngingitngit pa rin ang kalooban ko. Bakit ganun' siya? Bakit nakalimutan niya ako o sinadya lamang ba niya? Dahil lang ba sa kasagutan ko sa tanong niya kagabi'y nagalit na agad?

Totoo naman ang sinabi ko ah, ano pa man ang gagawin ko'y kami pa rin ang magkakatuluyan. Magkarugtong ang tadhana namin, na siya ang makakasama ko, ang magiging asawa ko hanggang sa huling hininga ng aking buhay.

Pero totoo rin ang iniisip niya... ng gabing 'yun.

Hindi ko magagawang maialis sa sarili ko ang tungkol kay Airina, minsan ay minahal ko ang babaeng 'yun sa maikling sandali kahit 'di man lang kami nagkasama. Aminin ko rin o hindi, ang babaeng 'yun ang dahilan ng lahat pero dumating siya.

Siya na totoong para sa akin.

Nasa puso ko pa rin ang babaeng 'yun pero mahal ko na rin siya. Natutunang mahalin at wala akong balak na paglaruan ang kanyang damdamin lalo na ang saktan. Hindi ko ring naisip na iwan siya sakaling muli kong makita si Airina pero ngayon ay ako ang nakakaramdam ng salitang sakit.

Nagtatampo ang puso ko nang hanapin niya si Christian samantalang ako'y hindi man lang niya makilala. Hindi lang ang lalaking 'yun kundi silang lahat pero ako, ako na iniiyakan niya 'nung mawala, na mahal niya at ipinaglalaban ay nawala sa puso't isipan niya?

Imposible.

At ang pagdating pa ng totoong nagmamay-ari sa kanya. Magiging karibal ko pa ba 'yun? Nagmamay-ari ah, nakakainis lang na pakinggan. Pagmamay-ari ko rin naman si Agatha at ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Nasa akin ang puso niya, ang pag-ibig niya... pero hanggang ngayon ba?

Hemp!

L*ntek na, bakit kasi ganun' pa ang sagot ko? Totoo namang mahal ko na siya at si Airina ay isang alaala na lamang. Akala niya tuloy, akala niya'y--

"Huh!" napatayo ako mula sa pagkakaupo sa may kalakihang bato nang makarinig ako ng kaluskos sa kabilang parte ng ilog.

Tinanaw ko ito at nang wala akong makita ay parang butiki akong umakyat sa katabing puno at hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. Sinuyod ko nang tingin ang naaabot ng mga mata ko pero sa huli ay wala naman akong nakita. Agad rin akong bumaba at nawala na ang interes ko sa taong 'yun.

Oo mortal, alam kong mortal 'yun at hindi ibang nilalang o hayop. Ramdam ko, sinasabi ng sarili ko. Mortal 'yun at kilala ko.

"Anong tinitingnan mo diyan?"

Bigla akong napalingon nang makarinig ako ng boses.

"May nakita lang akong mortal sa kabilang banda, napupuntahan na pala nila ang parteng ito ng ilog..." sagot ko at muling tumingin sa mga kakahuyan. "Bakit ka pala nandito, baka hanapin ka ni Elvira..." seryoso kong puna sa kanya habang umuupo ulit ako.

Naramdaman kong umupo rin sa 'di kalayuan si Manuel.

"Kilala na natin ang isa't isa Lorenzo... bakit hindi mo sabihin sa akin baka matulungan kita, umiibig ka na yata nang totoo eh." napangiti na rin ako at napailing nang makita siyang ngumingiti. "Mahirap ang pumasok sa isang relasyon na hindi ka sigurado pero mas mahirap ang 'di ipaglaban ang isang pag-ibig na alam mong para sa'yo..."

Hindi ako kumibo pero sumuot sa puso ko ang sinabi niya.

"Mahal ko naman siya eh, alam niya 'yun pero nagseselos siya kay Airina... bago kami pumunta sa pagtitipon kagabi ay masama ang loob niya sa akin..." muli akong tumapon ng bato sa ilog na parang isinasama ko na roon ang nararamdaman ko. "Y-yun ang naiisip kong dahilan kung bakit nakalimutan niya ako ngayon, nagkasabay pa sa pagiging wasiwan niya." ipinilig ko ang ulo ko at saglit na pumikit.

"Ang gawin mo na lang ay 'di lumayo sa kanya... mahal ka ni Agatha at kahit nakalimutan ka pa niya... ang puso at kapalaran ang magtutulak sa kanya na mahalin ka ulit." narinig kong sagot niya sa akin. "Hindi ko alam kung may paraan ba na muli kang makilala, lahat ng nilalang ngayon ay pawang mahihina kaya walang magagawa si ama para gumawa ng paraan..."

Tuluyan na akong humiga at ginawang unan ang magkabila kong kamay.

"Hayaan mo na, sabi nga ng Mulenluwa kami pa rin kahit anong mangyari..."

"Pero nagbabago ang kapalaran Lorenzo." giit pa rin niya. "Ngayon ba na isa na siyang wasiwan at ikaw ay isang busaw lamang... hindi mo ba panghihinayaang mawala siya sa'yo, sa atin... napakalaki ng tulong niya kung mapupunta siya sa lahi natin..."

Napakunot-noo ako sabay lingon sa kanyang sinabi.

"Hindi mo naman pala ako iniisip eh, iba ang tumatakbo sa isipan mo..."

"Hindi ganun', ang sinasabi ko lang ay ang magiging resulta kung kayo pa rin... hindi lang ikaw ang magiging masaya kundi' ang buong talindawang..." pagdadahilan pa rin niya. "Hindi ka ba magiging masaya kung masaya rin ang mga taong nakapaligid sa'yo dahil sa minamahal mo... magiging mapayapa ang lahi natin."

Napabuntong hininga ako sabay tingin sa sikat ng araw. Sa totoo lang ay nawalan ako ng gana, hindi sa kanya kundi sa nangyayari sa pagitan naming dalawa.

"So anong gagawin ko, ayaw niya sa akin kita mo naman..."

"Pagpasensyahan mo na lang muna si Agatha, hindi naman niya kasalanan ah..." nahagip ng mga mata ko na tumayo si Manuel at namulsa habang nakatingin sa ilog. "Kung kailangang ligawan mo siya ulit ay gawin mo... nakapag-usap na kami ni ama, samahan mo siya sa pag-uwi niya sa kabihasnan... pagkakataon mo na 'yun Lorenzo, kung naisip mo ang lalaking may gusto sa kanya ay ako nang bahala 'dun."

Bigla akong napabangon sa kanyang sinabi.

"Papatayin mo si Christian, Manuel naman kahit mapunta ulit sa akin si Agatha ay hindi ako magiging masaya..." tumayo na rin ako at lumapit sa kanya. "Hindi ako nakipaglaban ng patas kung ganun'..."

Siya naman ang napalingon sa akin at mukhang nagtataka.

"Kaya ko bang pumatay ng mortal na walang kalaban-laban, aalisin ko lang muna siya sa inyo ni Agatha." biglang nawala ang katabi ko at huli na nang makita kong kakalapag lang niya sa kabilang bahagi ng ilog. "Hahanapin ko lang ang nagmamasid sa atin!" sigaw niya at nawala na sa paningin ko.

"Tsk!" napailing lang ako at napangiti sa kanya.

Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang itinatago kahit kanino ang pagkatao niya at ng buong talindawang, taliwas sa akin na walang pakialam. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pabalik sa kabahayan nang maisip ko ang hinahanap ni Manuel.

Sino kaya 'yun, ha haha lagot ka kay Manuel.

Tiyak, ulam ang aabutin mo sa mga talindawang. Nasa batas na namin ang 'di pumatay ng mortal pero kung kusa naman itong gumawa nang malaking kasalanan eh sino bang aayaw sa minsanang masarap na pagkain, wala 'di ba...




               Nakahiga ako ngayon sa sarili kong kwarto habang nagtatanghalian ang lahat kasama si Agatha. Sumalo ako kanina pero nang mawala ang pagkasigla niya'y si ama na ang nagtaboy sa akin, mamaya na lamang ako kumain dahil baka mawalan ng gana ang wasiwan.

Ayos ah, iniisip nila ang mararamdaman ni Agatha pero ako hindi.

Bumaling ako paharap sa bintana at tinitigan ang walang kaulap-ulap na langit. Ahhhh ngayon lang ako mawalan ng gana sa buong buhay ko. Pumikit ako at itutulog ko na lang ang nararamdaman ko nang--.

Tok! Tok tok!

"Ehmmm..." sagot ko at dumapa ako habang nakapikit pa rin.

"Pinapatawag ka ng ama mo Lorenzo.... tsaka may gusto yatang gawin ang wasiwan." pagbabalita ni Manolo. "Ngayon na raw Lorenzo..." sabi nito at nawala na.

Nakapikit pa rin ako at 'ayukong bumangon pero nang maisip ko ang sinabi ni Manuel ay pinilit ko na ang sarili ko.

Para kay Agatha.

Hindi na ako nag-ayos ng sarili, tuloy-tuloy na akong lumabas hanggang sa mabungaran ko ang nagkakasayahang mga talindawang.

Pagkakita ni ama sa akin ay kinawayan niya agad ako at tinawag.

"Anak, Lorenzo... halika, halika..." kaya napalingon na rin ang mga kumakain sa deriksyon ko. Pagtama ng mga mata namin ni Agatha ay bahagya siyang napahinto sa pagnguya at umiwas ng tingin. Tahimik naman akong lumapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuan na nakaalay talaga sa akin. "Ha haha ang binata ko... kain, kumain ka bago kayo lumuwas ng mahal na wasiwan."

Nagulat ako sa sinabi ni ama kaya bahagya kong ninakawan nang tingin ang nasa harapan ko. Uuwi na kami, paano ang pagdating sa nagmamay-ari raw sa kanya?

"Kailan 'yun ama... may gagawin pa kasi ako rito..." sabi ko at ginalaw ko na ang pagkaing inihain ni Klaressa. Napalingon naman ako sa katabi kong si Manuel nang tapakan niya ang paa ko sa ilalim ng mahabang mesa, tiningnan niya ako at tinapakan uli. "Sabagay, dahil hindi na muna babalik sila Manuel eh ako na lang ang gagawa..." ngiti ko kay ama at sa lahat na rin na tahimik nang kumakain. "Walang problema sa akin, para sa wasiwan... gagawin ko ang lahat." sabay lagok ko sa kakaibang inumin na para lang sa aming mga talindawang.

"Mabuti kong ganun'... kahit malayo sa atin ang wasiwan ay nakakasiguro tayong nasa maayos siyang kalagayan." sambit ni ama sa lahat. "Sige na, kumain kayo..." lahad pa niya sa kamay niya at nagpatuloy na rin sa pagkain. "Bago kayo umalis ay may ibibigay ako sa'yong muli... pandagdag sa 'yong kapangyarihan... ang minumulusa ni Lucas pero binabalaan kita Lorenzo, para lamang sa kabutihan ang batong 'yun..."

Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. Ibigay mo na ang lahat ng minumulusa ama, dami pang satsat eh.

"Mabait akong anak ama at masunurin... tsaka hindi nakakalimot kung saan ako nanggaling" sambit ko at nagpatuloy na sa pagkain pero nahagip kong tumigil ang nasa harapan ko. Tinamaan ba siya nang sinabi ko, oo malamang. "May problema ba Agatha, kumain ka na at aalis tayo mamaya..."

"Tapos na akong kumain," deritso rin niyang tingin sa akin at nilingon si ama. "Pagpaunmanhin niyo po Amang Amorsolo... tapos na ho ako at gusto kong makalanghap ng hangin." pagpapaalam niya.

Patuloy pa rin ako sa pagkain at hindi lingid sa akin ang nangyayari sa paligid.

"Oo, walang problema mahal na wasiwan... pasasamahan na lang kita sa mga kawal at kung matapos ang anak ko sa pagkain ay susunod siya." sagot ni ama sa kanyang kahilingan. "Hindi ba anak...?"

Bahagya akong tumingala at ngumiti sa kanila.

"Walang problema..." sagot ko habang punong-puno ang bibig ko ng pagkain. Alam kong 'di magandang asal ang ipinapakita ko pero naiinis ako, naiinis na 'di ko matukoy kung kanino. "Paolo, mauna na kayo... susunod na lang ako." tawag ko sa isang pinuno ng kawal na kumakain rin 'di kalayuan sa amin.

Nakita ko lang siyang yumuko at tumango sa sinabi ko.

"Alis na ho kami Amang Amorsolo..." hindi pa ako nakakalunok ay tumayo na si Agatha at hindi man lang ako tiningnan. "Kahit tayo lang ate..." pigil niya sa limang babae na sasama sana. "Andiyan naman sila 'di ba?" tukoy niya sa iilang kawal na tumayo na rin.

Walang nagawa si ama kundi' ang tumango sa kanyang gusto. Tumango rin siya sa lahat at lumabas na ng bahay.

Nang kami na lang ay umanas agad si Manuel.

"Bakit ganyan' ang ipinapakita mo sa kanya... paano kayo magkakabalikan kung ganyan' ka." pagsasabihan na naman ako nito kaya nilingon ko siya at nagsenyas ng "tama na". "Siguraduhin mo lang na magiging maayos ang kalagayan ng wasiwan Lorenzo, pati ako'y magagalit sa'yo..."

Napahinto ako sa pagnguya at tumaas ang kilay ko. Ganun', ganun' na ba kahalaga ang wasiwan sa kanila?

"Ha?" napalakas yata ang pagtanong ko. Nasa isang kwarto kami ngayong mag-anak habang naghihintay lamang sa pag-alis namin. "Manuel, ipaliwanag mo kung paano tayo maglakbay." sulyap ko sa kanyang likuran na kasalukuyang namimintana.

May nakita kasi siyang lumilipad at gusto raw niyang maranasan 'yun. Bumalik yata siya pagiging isip bata eh alam niyang 'di pa kami lubusang nagkakaintindihan, kung anu-ano naman ang gustong gawin.

Pero nakita ko lamang na kumunot ang noo ni Manuel bilang pagtanggi. Tiningnan ko si ama para siya na lang ang magsabi pero abala naman sa pakikipaglaro kay Abraham.

"Hayaan mo na..." nangingiting senyas naman ni Elvira na nakaupo lamang sa isang upuan habang kinakandong si Althea.

"Intindihin niyo na lamang ako... parang bago sa akin ang lahat at gusto ko lang talagang maranasan." sabay harap niya sa aming lahat. "Ok lang ba sa'yo Lorenzo... kung ayaw mo eh ok lang, 'di naman mahalaga 'yun." ngiti niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at umiling, pinilit ko na ring ngumiti sa kanya.

"Walang problema, mas gusto ko rin 'yun keysa sumakay pa... matatagalan tayo sa daan." sabi ko sa kanya. "Kung gagawin natin ang pamamaraan namin ay bukas ng madaling araw ay nasa Manila na tayo ulit."

Nakita kong lalo siyang napangiti at halatang-halata na nasasabik siya.

"Kung ganun' ay hintayin lang natin ang saktong ikapito ng gabi... maganda ang sandaling 'yun, wala kayong masasalubong na sakuna o magiging problema sa daan." singit ni ama at tumayo ito. "Anak, halika muna..." sabi niya.

Si Manuel naman ay kinuha si Abraham kay ama at hindi na sumama sa labas. Alam ko ang nabanggit niya kanina, ang punto nang pag-uusapan namin ngayon. Tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa likod. 'Di nga nagtagal ay pumasok na kami sa sarili niyang kwarto.

Walang nakakapasok dito kundi kami lang ni Manuel at si Elvira na rin.

Pagsara ko sa pinto ay biglang kuminang ang paligid at halos mapapikit na ako sa sinag nito. Ilang sandali pa nga ay may lumitaw nang nakalahad na kamay na may batong kulay pula na kumikinang rin.

"Kunin mo..."

Dahan-dahan ko na ngang kinuha at nang mahawakan ko'y tinitigan ko ito. Ahhh ang minumulusa ni Lucas, ang dating hari ng talindawang...




                   Naghihintay na ako sa labas habang si Agatha ay nagpapaalam pa sa loob. Nag-uusap na kami pero wala pa 'yung pakiramdam na nararamdaman ang pagmamahal ng bawat isa. Hindi ko man mapantayan ang kanyang nararamdaman para sa akin pero tinutumbasan ko naman ng pagpapahalaga, ng pag-aalaga.

Tanging ang hinihiling ko lamang ay panahon para tuluyan nang huminog ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi niya 'yun maintindihan. Nagsara na ang isipan niya na hindi ko raw siya mahal.

Ahhh Agatha, sana makita mo ang nasa puso ko.

"Sige ho, alis na kami..." napalingon ako nang marinig ko ang boses niya.

Natapos rin sa wakas ang pagkahaba-habang pamamaalam.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya at tiningnan lamang ang pamilya ko na nakatayo sa may pintuan. Hindi ako nagsalita kundi' tumango lamang at sinulyapan ang kasama ko. "Halika na..." nauna na akong maglakad papunta sa kakahuyan pero tinawag niya ako.

"Uy, teka... saan ba tayo pupunta?" paglingon ko'y nakatayo lamang siya. "Akala ko ba lilipad tayo 'gaya nang nakita ko..."

Hindi ako nagsalita, tumango lamang ako at nagsimulang maglakad ulit.

"Dito... 'di ako pwedeng magbagong anyo sa liwanag..." pagdadahilan ko at sumuot na nga ako sa kakahuyan. Napangiti ako nang marinig pa siyang nagrereklamo kaya nang makahanap ako ng magandang pwesto ay hinintay ko na siyang mabagal pa rin sa paglalakad. "Ahhhh Agatha..." anas ko sa pangalan niya.

'Di nga umabot ang ilang sandali ay nasa tabi ko na siya. Sinulyapan ko muna siya bago ako nagsimulang maghubad at 'di nga ako nagkakamali.

Naalarma siya at natakot.

"Teka teka... 'di ba uuwi tayo sa Manila?" tanong niya sa akin at sinulyapan ang tiyan ko samantalang ako'y nakahawak lang sa sinturon ko. "Eh bakit ka gumaganyan, bakit ka naghuhubad?" sabay nguso niya sa tinatanggal kong maong.

Kumunot ang noo ko at tuluyan nang hinubad ang pang-ibaba ko habang siya ay napatalikod sa akin.

Natatawa ako sa naiisip ko.

"Ikaw na ang maghubad, tapos na ako..." sambit ko sa kanya habang naiisip ko ang pagkalimot niya sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko at huminto sa pag-iisip. "Pst... ikaw na, hindi tayo makakaalis nito."

"Anong ako na?"

"Sabi ko'y maghubad ka na at nang makaalis na tayo... panu' tayo lilipad kung may damit ka pa?" sabay lingon ko sa paligid. Nakaramdam na naman ako na parang may nagmamasid sa amin. "Agatha, babalik ako sa bahay kung hindi ka pa kikilos diyan." pagbabanta ko.

Sa wakas ay dahan-dahan siyang humarap sa akin na parang nanginginig.

"K-kailangan pa bang maghubad?" ulit na naman niya.

Bumuntong hininga na ako at nameywang sa harapan niya. Alam kong sa gitna ng kadiliman ay inaaninag niya ang kahubaran ko.

"Ganito kami kung maglakbay, kailangang walang nakakapit na anomang bagay sa katawan namin kung hindi'y... hindi kami makakalipad." pagpapaliwanag ko. "Ngayon na sasama ka sa akin ay kailangan mo ring maghubad... maghubad na kahit isa'y wala kang ititira, maliwanag na ba?"

"B-bumalik na lang tayo sa bahay... h-hindi ko kaya." tumalikod na siya at naglakad na nang sadyaing kong hipan siya. At sa kapangyarihan ko'y bigla siyang bumalik. "Pati ba panty at bra ko'y kailangang alisin?" tanong niya sa akin habang naghuhubad.

Pumikit ako at sa muli kong pagdilat ay kasing liwanag na ng umaga ang paningin ko. Buong laya kong tinitigan ang bawat sulok ng katawan niya. Lalo na nang hubarin niya ang pang-ibabang saplot niya, nakahinga ako nang malalim at iniiwas ang mga mata.

Tumalikod ako at pumikit ulit, baka 'di ako makapagpigil nito...

"Kung tapos ka na'y sumampa ka lang sa likod at nang makaalis na tayo..." paluhod akong umupo sa lupa habang hinihintay siya.

"Saan nga ako pupunta?" narinig ko na ang kanyang boses kaya bahagya akong lumingon.

"Sumakay ka sa likod ko..." utos ko sa kanya at nang maramdaman ang kanyang kamay ay napapikit ako. Bigla akong nangulila sa dating Agatha, na kahit anong oras ay malaya ko siyang nahahalikan at nayayakap. "Kumapit kang mabuti... kapit." sabi ko habang dahan-dahang tumatayo.

Pagkatayo ko'y kumuha lang ako ng lakas at lumundag na sa punong malapit lang sa amin. Sa bawat lundag ko ay lalong humihigpit ang pagyakap niya sa akin.

"Wag kang pumikit... 'di ba gusto mong maranasan ito... tingnan mo ang paligid, ang mundo Agatha." sambit ko habang nakatayo ako ngayon sa isang sanga. "Ito ang buhay namin..." anas ko at lumundag na hanggang sa lumipad na kami sa kalawakan.

"Hemmmm... ang lamig..." narinig kong bulong niya habang nakayakap pa rin sa likuran ko. "Nakakalula.... ang taas na..."

Napangiti ako sa pagsasalita niya habang bumababa na naman ako. Ganito na ang paraan nang paglalakbay namin, takbo lundag at lipad.




               Talagang malamig na ang simoy ng hangin kaya nahirapan akong lumipad, ganito pang nakatulog ang kasama ko. Nasa kalagitnaan na kami ng Maynila at ilang kilometro na lamang ay makakarating na kami. Pagod na ako, pagod na ang mga kamay ko at paa dahil kanina pa ako hindi nakalapag.

Pumikit ako at pinilit pa ring lumipad ng mataas.

Malapit na malapit na hanggang sa makita ko na ang kanilang bahay. Nagkaroon ako ng lakas at pag-asa dahil sa kaalamang nakarating na kami. 'Di nga nagtagal ay lumapag kami sa veranda ng ikalawang palapag ng kanilang bahay.

"Agatha... gising, nandito na tayo..." panggigising ko habang magkakasunod ang malalim kong paghinga. "Agatha..." mahina ko pa rin siyang niyuyugyog pero tulog na tulog pa rin.

Ano bang gagawin ko?

Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makarinig ako ng mga yabag sa loob ng bahay. Napakunot-noo ako, may mga tao ba dito? Sa pagkakaalam ko'y sa bahay muna ni Christian pansamantalang matutulog ang kapatid niya.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig na naman ang mga yabag na 'yun. Tila papalapit sa amin kaya mabilis kong binuhat ulit si Agatha at muli kaming lumipad. Tutuloy na lang muna kami sa tinutuluyan naming bahay nila Manuel at aalamin ko muna ang nangyayari doon.

Muli ay sa veranda rin kami lumapag at dahil sarili namin itong tinutuluyan ay alam ko na ang pasikot-sikot nito. Pagkabukas ko sa pinto ay nagmamadali kong binalikan si Agatha na nakahiga sa sahig.

Maingat ko siyang binuhat at papasok na sana kami sa loob nang makarinig ako ng isang boses.

"Nandito lang pala ang babaeng 'yan..."

Napakunot-noo ako at kinilala ang babaeng nakadamit ng mahaba at nakatalukbong ang ulo. Nakatayo siya sa ibabaw ng haligi ng veranda habang nakatalikod sa sinag ng buwan.

"Sino ka?" lalong humigpit ang pagkakabuhat ko kay Agatha. Ano man ang mangyari ay mamamatay muna ako bago siya mahawakan ng iba. "Inuulit ko, sino ka?"

Pero hindi pa rin kumibo ang babae. Bigla lang siyang lumundag pababa ng sahig at tuloy- tuloy na ito sa amin.

"Ako ang may karapatan sa babaeng 'yan... utang niya sa akin ang buhay niya!"



.


Continue Reading

You'll Also Like

86.2K 2.3K 31
Isang trahedya ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala ni Arianna. Ngunit sa pagbabalik niya sa dating bahay nila ng asawa niyang si Ricardo ay unt...
14.6K 566 23
in one summer vacation. you will meet the person who would make your heart beat fast. the one who will teach you how to love that you didn't expect t...
2.7M 53.5K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
759 270 54
Daila sworn to herself na hindi niya hahayaang mangyari ang propesiya na nakaambang kay Dirk Izunia Salvatorie. Kaya nga halos gawin na niya ang laha...