Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

81(The hardest thing)

2.9K 72 42
By septemberoyal


JHO



"Tumayo ka nga dyan." utos ko kay bea.


"Please.....Mahalin mo rin ako." si bea na parang di narinig ang sinabe ko.



Nakaluhod pa rin ito sa harapan ko at nagsisipaglaglagan na ang kanyang mga luha na kanina ko pang napapansin na namumuo sa kanyang mga mata.



"Gagawin ko lahat....mahalin mo rin ako." si bea sa pagitan ng kanyang mga paghikbi. "...Mahalin mo lang ako."



Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. Mas dumoble pa ngayong nakikita kong lugmok, nakaluhod at nagmamakaawa na mahalin ko rin sya na kung tutuusin eh ay di na nya kelangan pang gawin yun pero sabe ko nga kelangan kong magpakatatag at matutong maging manhid sa harapan nya.....Sa harapan ng taong mahal ko.



"Wala ka ng magagawa pa bea---"



"Hindi. Meron pa....Meron pa kong magagawa...." mariing putol ni bea sa kin. "Kakausapin ko parents mo, kung kinakailangan kong manligaw sa kanila, gagawin ko....."



"Bea---"



"Buong angkan mo, liligawan ko....." putol pa nya sa kin.  "Lahat pakikisamahan ko. Nagawa ko naman na yun dati di ba. Halos lahat ng kamag anak mo kilala na ako kaya...."



"Hindi magugustuhan ni papa yan bea---"



"Ipapaintindi ko sa papa mo na pwede naman eh.....Pwedeng maging tayo." si bea pa rin.



"Ayaw nga ni papa di ba?" pilit ko. "Ayaw nga ni papa sa ganong relasyon. Kaya bea please lang....



"Alam kong babae pa rin ako pero kayang makipagsabayan!" giit ni bea. "Kaya kong makipagsabayan kay nico!"



"Bea....Wag mo ng ipilit." ako. "Nagsasayang ka lang ng panahon....di mo ba narinig at naiintindihan yung sinabe ko sayo kanina lang?.....LALAKE pa rin ang gusto ko---"



"Eh di magpapapalit ako ng gender ko!" mabilis na sagot ni bea sa kin. "Magpapa opera ako.....pagkatapos ng school year naten pupunta ako ng states. Kakausapin ko si tita para matulungan nya akong magpapalit ng ----"



"Ano ba yang pinagsasabe mo?!" nakakunot noo'ng tanong ko sa kanya.



Diretsong tumingin sa king mga mata si bea na nakaluhod pa rin sa harapan ko.



"Maiintindihan ako nila mom and dad, pati ni kuya.....Maiintindihan ako ng family ko.....kung gugustuhin ko mang magpapalit ng kasarian----"



"BEA, ANO BA!?!" mataas ang boses kong saway sa kanya. "Alam mo ba yang pinagsasabe mo? huh?"



"Oo!" mabilis na sabe ni bea at saka nakaluhod na lumapit sa kin. "Gagawin ko yun."



"Nababaliw ka na!" asik ko sa kanya.



"OO! Sige na! Baliw na kung baliw ako!" sagot ni bea sa kin. "Kung para sayo lang din naman, sige magpapakabaliw ako! Kaya kong gawin lahat, wag ka lang mawala ng tuluyan sa kin!..... Mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo....."



At muling parang falls na walang tigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata ang mga luha ni bea. Sabayan pa ang paghikbi neto....ang mabibigat na paghikbi neto na kanina pang tumatarak sa puso kong na sa tingin ko ay malapit ng bumigay sa kanya.



"Mahalin mo lang ako,  jhoana......Please lang po......Mahalin mo rin ako......" at napayuko na si bea at umiyak ng umiyak sa harapan ko.



Onteng onte na lang talaga.....Bibigay na ako sa kanya.



"Jhoana....." kinuha nya ang isa kong kamay at hinalik halikan yun at saka muling tumingala sa kin. "Mahalin mo rin ako....Please...."



Namalayan ko na lang ang pamumuo ng mga luha ko sa king mga mata. Ang bigat bigat din ng aking dibdib ngayon....Pinipigilan ko pero may tumakas na isang patak ng luha sa king mata kung kaya't nasundan at nasundan pa ang pagpatak nun hanggang sa tuluyan na rin akong naiyak.



"Bigyan mo ko ng chance at papakita ko sayo na karapat dapat ako sa pagmamahal mo....." si bea na kahit panay ang hikbi ay nagawa nyang sabihin yun sa kin. "Mahal na mahal na mahal kita...."



Muli nyang hinalikan ang likod ng aking palad at di pa nakuntento ay inilagay nya pa iyon sa kanyang pisngi at inihaplos nya yun dun.



Pumikit ako ng mariin at sapilitang pina kalma ko ang aking sarili....ang aking emosyon.....Pina alalahanan ko ang aking sarili na kelangan kong magpakamanhid. Kelangan kong gawin ito para sa  ikakabuti ng lahat....Ayoko ng gulo....Ayoko ng gantong ka komplikado.



Hindi baleng magsakripisyo ako sa ngayon.....hindi baleng hindi ko sya makasama.....Kung ang kapalit nun ay pwede ko naman syang makita araw araw.....Magkakasya na lang ako na mahalin sya kahit sa malayuang tanaw.



Magdedesisyon ako na sa tingin ko mas magandang option ito para sa ming dalawa.....



Pinahiran ko muna yung luhang pumatak sa king pisngi bago magsalitang muli. "Wag mo ng pang komplikaduhin ang sitwasyon naten.....Bea.....Wala ka ng aasahan sa kin....." malumanay kong sabe sa kanya. "Mahal kita.....pero pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo pero yung gusto mong mangyare?....." Umiling ako sa kanya. "Sorry....Pero hindi po...." 



Huminga ako ng malalim at alam kong sa sasabihin kong ito tuluyang madudurog ko ang puso ng taong mahal ko. Lumuhod din ako para magpantay kame sa isat isa....Na parang mali kong desisyon kase harapan kong nakikita ngayon kung gano kamisarable ang itsura ng taong mahal na mahal ko.



Nagawa pang hawakan ni bea ang aking magkabilang mga pisngi at inihimlay sandali ang kanyang noo sa king noo habang paulit ulit na sinasabeng mahal nya ako.



Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nasa mga pisngi ko at dahan dahan inihiwalay ko ang aking noo sa kanya. Ngayon muli kameng magkaharapan.....Magkatitigan..... Nagtatalo ang isipan at puso ko ngayon. Sigaw ng utak ko na tapusin na ang dapat tapusin ngunit ang puso kong nasasaktan ngayon na sinasabeng piliin ang taong mahal ko.



"I love you, jhoana....." malamyos na sabe ni bea sa kin.



"I.....I......" ilang beses akong lumunok dahil hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang isipan at puso ko.



Pumikit ako pero agad ding napadilat ng magring ang phone ko....sinilip ko kung sino yun at parang napadali pa ang pagdedesisyon ko ngayon.



"Bea......Im sorry......" ako. "Pero......Si nico......" humugot ako ng napakalalim na hininga. "Tumatawag na yung boyfriend ko....."



Napakunot noo si bea.



"Tama ang narinig mo.....B-boyfriend ko na si.....si n-nico....." mahina kong sabe sabay lihis ng tingin at tayo sa kinaluluhuran ko.



Naramdaman ko ang paghawak muli ni bea sa isa kong kamay na nagpahinto sa kin. Hindi ko sya nilingon, hindi ko kayang makita na wasak at durog ang babaeng ito.



"Sabihin mo......Sabihin mong nagbibiro ka lang...." si bea. "Na hindi totoo yun......"



Naramdaman ko ang pagtayo ni bea at pinaharap nya ako sa kanya. Pagkatapos ay pinatingin nya ako sa kanya na ginawa ko naman. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.



"Sabihin mo." si bea na diretsong nakatingin sa kin.



"Boyfriend ko na si nico." matatag kong sabe sa mukha nya. "Kanina ko lang sya sinagot kaya please lang....tantanan mo na ang pagpupumilit na maging tayo."



Umiling iling ito habang natulo pa rin ang mga luha neto. Magang maga na ang mga mata neto sa kakaiyak kanina pa.



"Kung talagang mahal mo ko....hahayaan mo kong sumaya sa taong mahal ko...." mahina kong sabe sa kanya. "Nagmamahalan kame....M-mahal ko si nico....."



Di ko inaasahang pabigla nya akong niyakap ng mahigpit at umiyak ng umiyak sa balikat ko. Gusto kong tugunan ang pagyakap nyang yun sa kin pero nakinig ako sa utak kong nagsasabeng wag kong gawin kaya nakalaylay lang ang dalawa kong braso ngayon habang mahigpit nya akong yapos yapos.



Halos di ko na maintindihan ang ibang sinasabe neto dahil nakasubsob ito sa balikat ko. Ang tanging malinaw at paulit ulit nyang sinasabe ay ang "mahal kita".



Ilang minuto na kameng nasa gantong posisyon at nakakangawit na at pansin kong papatigil na sa pag iyak sa balikat si beatriz pero andun pa rin ang paghikbi neto at pahina ng pahina na ang pagsasabe neto sa kin.



Naramdaman ko rin na parang bumibigat sya sa pagkakayapos sa kin hanggang sa napayakap na ko sa kanya dahil matutumba na kame sa bigat nya. Saka ko lang napansin na nakatulog na to sa king balikat. Inalalayan ko sya hanggang sa magpasya akong ihiga na muna sya bench na inupuan namen kanina lang.



Muling nag ring ang phone ko kaya sinagot ko to kahit di ko na napansin kung sino yung natawag sa kin.



"Hello?" ako. Habang inaayos ko ang pagkakapwesto ni beah sa makitid na upuan.



"Hello....Jho?....Andyan ba si bea?"



Kilala ko ang boses na natawag sa kin. Si maki to.



"Oo." sagot ko.



"Wala bang ginawang kabulastugan ang babaeng yun?" si maki sa kabilang linya. "Nakainom kase ang pasaway kaya lalong makulit ngayon..."



"U-uhm......" di ko lam kung sasabihin ko ba o hindi na lang.



"Actually jho papunta na kame dyan sa inyo. Wag mo na muna paalisin ang pasaway na yan ha." si maki. "Medyo malapit na kame....Pake pakisamahan mo muna ang lokong yan ha. Utuin mo muna sya hanggang sa makarating kame dyan. Sige bye."



Hindi na ko nakasagot. Itinago ko phone ko sa bulsa ng suot kong short. Nakatingin lang ako sa tulog ng si beatriz. Bahagya kong itinaas sa may ulo neto at umupo, ginawa kong unan nya ang lap ko.



Nakatingin lang ako sa kanya. Inayos ko ang mga buhok na nakatakip sa mukha neto nakita ko na naman ang kanyang mukhang namumula, ilong at labe netong namamaga sa pagkapula na halatang kagagaling sa iyak. Ang mata netong kahit nakapikit ay halatang namamaga, naringgan ko sya ng mahinang paghikbi neto at maya maya ay may napansin akong luha na namuo sa kanyang mata kahit nakapikit ito.



Pinunasan ko yun. May napansin akong basa sa bandang noo ni bea kaya pinunasan ko yun, kakapunas ko lang pero may nakita na naman akong basa dun at hindi lang pala dun, Meron rin pala sa ibabang bahagi ng mata neto sa ilong at sa pisngi.



Napakunot noo ako kaya pinunasan ko lahat ng yun. Nang makita kong wala ng basa ulit ay muli ko syang pinagmasdan hinaplos haplos ko ang kanyang pisngi.



May mainit na likido na nagbabadyang namumuo sa kin, ng tuluyan itong namuo at di na kayanin ang pagkapit nya dun ay kusa itong nanulay sa ilong ko at parang slow mo na bumagsak ang patak na yun sa matang nakapikit ni beatriz.



Isang patak....dumalawa at tumatlo pa.....nakita ko ang pagkunot noo ni bea kahit walang malay ito at tulog pa.



Suminghot ako dahil di na ko makahinga saka ko napansin na basang basa na ang pisngi ko at mata. Mga patak ng luha ko pala ang bumabasa sa mukha ni bea.



Umiiyak na pala ako.....Tahimik na umiiyak....



Muli kong hinaplos ang pisngi ng babaeng nakahimlay sa aking kandungan ngayon. Kung kanina ay pigil na pigil ang pag iyak ko ngayon ay hinayaan ko na tutal mahimbing ng nakatulog si beatriz.



Panay na lang ang punas ko sa mga pisngi kong dinadaluyan kanina pa ng mga nagsisipaghulugang luha sa king mga mata. Lumalakas na rin ang paghikbi ko....ang hikbi kong puno ng hinanakit at sakit sa mga nangyayare ngayon sa buhay ko.



Bakit ang komplikado ng napasok ko? Bakit ako nakaramdam ng ganto sa bestfriend ko? Bakit ako nakaramdam ng pagmamahal sa kapwa ko babae? Bakit ko hinayaan sarili kong mahulog kay bea? Bakit kame nagmahalan ng bawal? Bakit....Bakit....



Wala akong mahagilap na sagot. Iyak na naman ako ng iyak....Nanginginig ang aking labe sa bawat paghikbi ko....haplos lang din ang nagagawa ko sa kanya.



"I-im sorry.....S-sorry po...." ako habang haplos at nakatingin sa tulog pa ring si bea. "W-wala akong magawa ngayon....Wala akong magawa...."



Nag ring ang phone ko, sinilip ko yun at nakita ko ang name ni maki sa screen ng phone ko. Pinakalma ko ang aking sarili, ilang beses akong
lumunok para malinis ang lalamunan ko.



"Hello.." ako.



"Andito na kame." si maki.



"A-ahhh...." sagot ko. "Pasok ka na lang maks, andito kame sa backyard. Ikot ka na lang sa gilid ng bahay namen ah. Di ako makatayo kase si bea...." nahihiya akong sabihing nasa kandungan ko si bea at naka tulog.



Umokay naman si maki at hinintay ko na lang ang pagpasok ni nya. Sa onteng  minuto ay nagawa kong i-compose ang sarili ko para maging okay sa harapan nya.



"Jho..."



Napalingon ako at ayun nga si maki na palakad palapit kung san kame ni bea naroon.



"Uhm....Maks....Nakatulog ang damulag eh....Hehehe..." ani ko.



"Gumawa ba ng gulo ang pasaway na yan?" si maki ng tuluyang makalapit sa min.



Napangiti na lang ako. "Ano? Iuuwi mo na ba sya?....Wait lang ha..." At sinubukan kong itayo sa pagkakahimlay nya sa lap ko. "Hindi kase pede dito sa min matulog si beatriz....Lam mo naman di ba?" pagpapatuloy ko.



"Oo. Alam ko." si maki at tinulungan na nya akong iayos ng upo ang tulog na tulog pa ring si bea.



"Pasensya na ha." hingi despensa ko sa kanya. "Gustuhin ko man pero...."



"Hindi na pede." si maki na nagpatuloy sa sasabihin ko. Tumango naman ako bilang sagot.



"Tulungan na kita sa pag alalay sa kanya." sabe ko.



"No need na jho....May kasama ako." si maki.



"Maki?....Ano? Tara na?"



Sabay kameng napalingon ni maki kung san nanggaling ang boses na yun. Napakunot noo ako ng makita si maddie na nakatayo isang dipa ang layo sa ming tatlo.



Nagkatinginan kame ni madayag, isang tipid na ngiti ang ibinigay nya sa kin bago tuluyang lumapit sa min.



"Jusko! Pawis na pawis na ang gaga!" si maddie. At pinunasan ang pawisang noo ni bea gamit muna ang mga palad neto. Si maki nag paalam muna na aayusin lang ang paghihigaan ni bea sa kotse nya kaya naiwan kameng tatlo.



Walang kibuan kame ni maddie na busy sa pag aasikaso sa tulog pa ring si beatriz. Ngayon gamit amg kanyang panyo ay panay punas pa rin ito sa mga pawis ni bea sa buong mukha. Maski leeg at batok  neto ay pinunasan din nya. Inayos din ni maddie ang pagkakatali ng buhok neto.



"Ang dungis dungis mo na, lam mo ba yun?" si maddie na ang kausap ay si bea na tulog. "Ayaw mo ng madungis di ba? Eh anyare sayo ngayon?"



Pinapanood ko lang si maddie kung pano nya asikasuhin si beatriz.



"Maddie, okay na." si maki. "Lets go."



"Ahh....Okay." si maddie.



Dahil mabigat si bea ay pinagtulungan namen na itayo ito. Ipinaakbay ni maddie si bea sa kanya at hawak naman ng mahigpit neto ang bewang nu damulag. Ganun din ang ginawa ko, ang isang braso neto ay pinaakbay ko din sa balikat ko. Gusto kong tulungan si maddie sa pag alalay sa laseng na si beatriz.



Nakaka ilang hakbang na kame ng biglang tumigil si maddie. Napalingon ako sa gawi nya.



"U-uhm....Jho....Ako na lang...." si maddie.



"Huh?" ako.



"I mean....A-ako na lang aalalay kay bei." si maddie. "Baka may makakakita sayo and kaya ko naman eh." sabay alanganing ngiti.



Gets ko naman ang gusto nyang iparating. Kaya bago muki syang makapagpaliwanag ay kumalas na ko at hinayaan ko na syang umalalay kay bea. Nakasunod naman ako sa likuran nila.



"Sorry sa pang iistorbo at panggugulo ng babaeng to." si maki at ininguso si bea na nakaupo na sa backseat at katabe si maddie na asikasong asikaso naman neto ang damulag.



"Walang pang gugulo na naganap maki." sabe ko at muling tumingin sa kausap. "Nag usap lang kame and sa tingin ko nag kaliwanagan na kameng dalawa."



Tumango tango naman si maki. "So....Alis na kame."



Tumango rin ako. "Ingat kayo."



Pumasok na sa kotse nya si maki at pina andar na ito. Muli kong sinilip ang ang backseat, hindi naman kase tinted ang salamin ng kotseng gamit nila kaya kita ko mula sa loob ang pag lagay ni maddie sa balikat nya ang ulong ngumunguyngoy ni bea.



Bumusina si maki bago tuluyang umalis. Inihatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan nila at ng mawala na sa paningin ko ay saka pa lamang ako pumasok at nag lock ng pinto.



Mabigat ang damdamin kong muling pumasok sa silid ko, pagkasara kong pinto ay di ko na magawang ihakbang pa ang mga paa ko at tuluyan akong napa upo dun. Napahawak ako sa dibdib kong ang bigat bigat at maya maya pa ang pag bagsak ng mga luha kong pigil na pigil kanina pa.



Nagpalahaw na ko sa iyak ngayon, di ko na mapigilan talaga. Sobrang sakit at ang hirap hirap sa parte ko ang ginawa kong desisyon. Wala na kong magawa kundi iiyak at isigaw sa silid ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.



Parang gusto kong magkapira piraso ngayon. Gusto kong maging alikabok na lang at di na mag exist muna. Gusto kong  mawala kahit sandali. Ayoko muna dito. Nakaka tang ina ang sakit na to!



"I-im so-sorry....." paulit ulit kong sabe kahit hirap ako dahil sa mga mabibigat kong pag hikbi. "Im so sorry bea...kelangan kong gawin to...."



Niyakap ko ang aking mga tuhod at yumukod dun habang iyak ng iyak.
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakaupo at umiiyak dito sa nakapinid na pinto ng silid ko. Parang di maubos ubos ang mga luha kong natulo sa king mga mata. Napa tingin ako sa itsura ko sa salamin ng aking kwarto na nakatapat pala sa kin ngayon. Naghalo na sa king mukha ang pawis at luha ko.



Kinuha ko ang phone kong kanina pang nagriring. Hindi ko na pinag kaabalahan na tingnan pa kung sino yung natawag basta pinindot ko lang at saka idinikit ko sa tenga ko.



"Thank god jho at sinagot mo rin." sabe nung boses ng nasa kabilang linya.



Lalong namuo ang mga luha sa mata ko at nagsituluan na naman sila pagka rinig ko ng boses na yun.



"Kanina pa kita kino contact ah...Nag aalala na ko sayo." dagdag pa ng boses na yun sa kabilang linya.


Saka ko nalala na tumatawag nga pala sya kaninang nasa kasagsagan kame ng emosyon ni bea. Hindi ko na nga pala sya nasagot nun dahil nakafocus ako sa pagpapaintindi kay bea sa kasinungalingan  ko.



Napatakip na naman ako sa king bibig dahil humihikbi na naman ako at ayokong malaman nyang umiiyak ako. Pero huli na dahil nagtanong sya agad ng marinig nya ang aking paghikbi.



"Anong nangyare???" halata sa boses neto ang lalong pag aalala. "Hello jho?"



Hindi ko magawang sumagot dahil lumalakas pa ang paghikbi at pag iyak ko.



"Wag kang aalis dyan ha. Papunta na ko dyan." si nico.























































































AN:

Uhm....Hi? 😊

Im baaaaaaaccckkkkk!!!!!!

Sensya na po sa mga nabitin at naghintay ng napaka tagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaalllllllllllll na pag update ko po. Again mga dude, SORRY.🙏🙏🙏

Na off track si author po eh. Sinunod si puso (chos!) hahahahha....😅😅😅

Sa totoo lang po matagal ng nasa draft ko to and pa onte onte ang pag dugtong ko sa chapter na to kase di talaga ako makafocus and wala akong maisip na mga lines nila eh. Okay lang ba yung flow ng story dito sa chapter na to? Parang di ako ako satisfied eh. Nakukulangan ako.

Medyo mahaba na mga sinabe ko hehehe....Sa ngayon po pag pasensyahan nyo na po muna ang latest ud ko sa nyo. Natanggap po ako ng mga puna at suhestyon din. Okay lang po sa kin yun. 😊😊😊

Ps:

Back to the finals ang mga agila naten. Woohoo!
Obf!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 58.2K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
950K 21.7K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1.1M 20.1K 44
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
599K 12.8K 43
i should've known that i'm not a princess, this ain't a fairytale mattheo riddle x fem oc social media x real life lowercase intended started: 08.27...