Killer Girlfriend (COMPLETED)

By QueenOfSpades23

87.7K 1.5K 93

The Killer is my girlfriend - Chip Torres More

QSPADE STORY
WRITER'S NOTE!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE
WRITER'S NOTE
NEW STORY!

CHAPTER 8

2.7K 55 4
By QueenOfSpades23

CHAPTER 8


Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap sa computer, lumang modelo na ito pero pinagtyatyagaan ko nalang.


Tinignan ko yung social media account ni Drey Corpuz para alamin kung saang university na ito lumipat pero bigo ako dahil nakaprivate ang profile nito.


Napasandal ako sa upuan at hinubad ang suot na salamin tapos ay hinilot ko ang sintido. Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa lamesa, sinuot ko ulit ang salamin at inabot yung cellphone.


Kinonekta ko sa computer yung cellphone at inupload ang bagong kuha kong picture, pinalitan ko yung profile picture ko na nakasalamin at mukhang tingting na ako. Pinalitan ko iyon ng half body picture na nakatopless ako habang nakaharap sa salamin.


Wala pang limang minuto ay napangiti ako ng sunod sunod ang pagpop up ng notification ganun din and friend request.


Lahat ng nakita kong sa tingin ko ay nag-aaral sa Hudson ay inaccept ko, mamaya pa ay natigilan ako ng makita ang Selene Vergara na nag-add sa akin. Hindi ko tinanggap ang request nito.


Habang nagtitingin sa newsfeed ay nakuha ang atensyon ko sa isang post ng kakaaccept ko lang na friend, napangisi ako ng makitang nakatag ito kay Drey Corpuz.


Wala pang isang minuto ng inupload iyon, kuha ang litrato sa entrance ng isang bar. Isang grupo sila sa picture at nandun si Drey Corpuz, napasandal ako sa upuan at napangisi.


Suot ang pantalon at itim na hoody ay lumabas ako ng bahay, sumakay ako sa jeep papunta sa bar kung nasaan sila Drey Corpuz.


Pagbaba ko ng jeep sa tapat ng bar ay inaayos ko ang pagkakasuot ng hood sa ulo ko, naglakad ako sa parking. Pinag aralan ko kung saan nakatutok ang mga CCTV cameras, habang nasa bulsa ng jacket ang mga kamay ay naglakad lakad ako sa parking area at hinanap ang kotse nito.


Alam ko ang model at plate number ng sasakyan nito dahil sinabi sa akin ni Devi iyon, napangiti ako ng makita iyon. Lumapit ako sa kotse na hindi ako mahahagip ng CCTV.


Yumuko at pumantay sa mga gulong ng kotse nito, tumingin muna ako sa paligid at siniguradong walang taong makakakita sa akin.


Nilabas ko ang dagger na nakaipit sa likod ko, inalis ko ang telang nakatakip don at malakas na sinaksak iyon sa gulong ng kotse. Nagpunta ako sa kabila at sinaksak din ang gulong don.Tinago ko ang dagger pagkatapos ko iyon gamitin, tumingin muna ako sa paligid bago umalis doon.


Habang naglalakad ay kinuha ko sa bulsa ng jacket na suot ko ang itim na face mask na dala ko, agad ko yun sinuot bago lumapit sa bata na nagtitinda ng sigarilyo sa labas ng bar.


"Bata."


Napalingon agad sa akin ang batang lalaki, nilabas ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang picture ni Drey Corpuz.


"Bibigyan kita ng limang daan, sabihin mo sa lalaki na to. Napagtripan yung gulong ng kotse niya." Tinuro ko sa bata kung saan nakapwesto sila Drey na nasa labas lang ng bar.


"Sige po kuya."


Inabot ko sa bata ang limang daan tapos ay tumakbo na ito palapit sa bar, napangiti ako at mabilis na naglakad, naghanap ako ng pwedeng taguan malapit sa kotse ni Drey.Kinuha ko na din ang dagger na dala ko at inalis ang nakabilot na tela don, napangisi ako ng makitang kinakausap na ng bata ang lalaki.


Lalong napahigpit ang hawak ko sa dagger ng makita itong lumabas na sa nakaharang na railings kung saan sila nakapwesto, mag-isa lang itong naglakad papunta sa kotse nito.


"Shit!"


Napayuko siya habang tinitignan ang butas na gulong ng sasakyan niya, bakas na bakas ang pagkainis sa mukha nito.


Humakbang ako ng isa para umalis sa pinagtataguan ko, handa na din ang kamay kong may hawak na dagger para gamitin iyon sa lalaking ito.


Napalingon ako ng makarinig ng yabag, mabilis akong bumalik sa pinagtataguan ng makita ang isang babae na palapit sa pwesto ni Drey.


"Hey, babe. Why are you here?" Sumilip ako at nakitang magkaharap na ang dalawa, nakaramdam ako ng inis dahil sa babaeng dumating."


May bumutas ng gulong ko, bwisit!" Hinawakan ng babae ang mukha ni Drey at iniharap ito sa kanya.


"Hey, relax. You can ride in my car, papakuha nalang natin yan." Nagtangis lalo ang panga ko ng makitang naghahalikan ang dalawa, papatayin ko na din ba ang babae?Napaigtad ako ng maramdamang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa, hindi ko sana iyon papansinin ng maramdaman na matagal ang pagbavibrate nito.


Sumandal ako sa pader na pinagtataguan at inilabas ang cellphone kong kanina pa nagbavibrate.


"Hello? Hello Chip! Si tita esme mo ito, ang nanay mo!"Parang tinakasan ako ng lakas ng marinig ang sinabi ni tita, ano nanaman nangyari kay nanay?Mabilis kong pinatay ang cellphone, mas lalong napahigpit ang hawak kong dagger habang iniisip ang mukha ni papa. Anong kahayupan nanaman ang ginawa nito kay nanay.


Binalot ko ulit iyon sa tela at inipit sa likod ko, sinilip ko ulit si Drey na ngayon ay sapo sapo na ang dibdib ng babaeng kahalikan. Babalikan kitang hayop ka.


Umalis ako sa lugar at sa kabilang direksyon dumaan. Bago sumakay sa jeep ay inalis ko ang suot kong face mask at sumakay pauwi sa bahay.


Pagdating ko sa bahay ay walang katao tao, dumaretso ako sa kwarto at nagbihis tapos ay mabilis akong lumabas, tinext sa akin ni tita kung nasaan sila ni nanay.


Bawat hakbang ko papasok ng ospital ay kasabay nun ang malalakas na kabog ng dibdib ko, nanlalamig din ang kamay ko.


Nakita ko sa may information desk si tita at halata ang pagkabalisa nito, napatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.


"T-tita, si nanay?"


"Chip." Para akong tinakasan ng lakas ng makita ang pag iling nito at nagsimula na itong lumuha. Napatulala ako sa kanya, naramdaman ko nalang yung pagtulo ng luha ko.


"N-nasaan si nanay tita?" Tinuyo ko yung pisnge ko at tumingin sa kanya ng daretso.Habang naglalakad kasunod ni tita ay parang unti unting nadudurog ang puso ko, wala akong makitang ward o operating room sa dinadaanan namin.


Parang huminto ang tibok ng puso ko ng makita ang sign sa hinintuan naming pinto ni tita, tuluyan ng umagos sa mata ko ang kanina ko pa pinipigilan na luha.


"T-tita bakit tayo nasa morgue? Anong gagawin natin jan?" Halos mapiyok ako sa pagsasalita dahil walang patid ang luhang umaagos sa mata ko.


"W-wala na ang nanay mo Chip, patay na siya. Dinala siya dito ng papa mo, sabi niya ay inatake daw ito sa puso. Hindi na umabot ng buhay ang nanay mo, wala na siyang buhay ng makarating sila dito."


Natulala ako kay tita, parang namatay din ako sa sinabi nito. Wala sa sariling binuksan ko ang pintong nasa harap namin, pumasok ako sa loob. Wala akong nakitang ibang stainless bed dun kundi ang nasa gitna ng kwarto.


Nang makalapit ako sa stainless bed kung saan ay may nakatakip na puting tela sa kung ano ang nandun, dahan dahan kong inalis ang pagkakatakip non.


Nabitawan ko agad ang tela at napaupo sa sahig ng makita ang mukha ni nanay, sobrang sakit ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mata ko.


"Condolence."


Maya't mayang pakikiramay ng mga kamag-anak, kapitbahay at mga kakilala. Pero ni isa sa kanila ay walang akong kinibo o kinausap, nakatitig lang ako sa kabaong ni nanay.


Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, ang lakas lakas pa nito. Ni hindi nga siya nagkakasakit o ano pa man, naoospital lang siya matapos ng pagbubugbog sa kanya ni papa, hindi ako makapaniwala na atake sa puso ang ikinamatay nito.


"Babe, kumain kana please." Hindi ko siya sinagot bagkus ay inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya, nakatitig lang ako sa puting kabaong ni nanay.


Simula nung unang araw ay laging nasa tabi ko si Devi, hindi siya umalis maliban nalang kung papasok ito sa university.


"Mamaya na." Inabot ko ang kamay ito at pinagsalikop ang mga daliri namin.


"Chip naman, puro ka nalang mamaya e." Napangiti ako ng makitang nakanguso ito, kahit papaano ay nakakangiti ako ng dahil sa kanya.


Siya nalang ang meron ako, wala na si nanay. Hindi ko yata alam ang gagawin kung pati si Devi ay mawawala sa akin.


"Devi.."


"Yes babe?"


"Wag mo akong iiwan." Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya, inihilig niya din ang ulo niya sa ulo kong nakapatong sa balikat niya.


"Hindi kita iiwan Chip."


Matapos ang libing ni nanay ay nagmukhang malungkot ang bahay, sobrang tahimik at walang buhay.


Napahinto ako sa hambana ng pinto at pinakatitigan ang buong sala, parang nakikita ko si nanay na nagwawalis don. Napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili sa pagluha nanaman, napababa ang tingin ko sa hawak kong sobre.


Sobrang daming pera ang natira mula sa tulong at abuloy ng mga tao. Hindi ko alam kung saan ito gagamitin.


Naalala ko si papa, ang hayop ni isang beses ay hindi man lang nito sinilip si nanay sa isang linggong burol nito. Napakawalang hiya talaga ng lalaking iyon.


Hindi ko namalayan na napahigpit na pala ang hawak ko sa sobra at nalukot na iyon. Naglakad ako papunta sa kusina ng makaramdaman ng pagkauhaw.


Nasa bukana palang ako ng kusina ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay, napalingon ako dun at agad na nagtangis ang bagang ko ng makita ang magaling kong papa don.


"Hoy ikaw! Nasan na ang natirang pera? Akin na, ibigay mo sa akin!" Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya, siya pa ang may ganang kunin ang pera ni hindi nga siya tumulong o nag asikaso sa burol at libing.


Hindi ko ito inimikan, tinapunan ko lang ito ng walang emosyong tingin at nagsimula ulit na maglakad papuntang kusina, kailangan ko itong iwasan dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.


Sobra sobrang galit na ang nararamdaman ko sa kanya at baka sumabog na ko kapag kinausap ko siya.


Lumapit ako sa ref at kumuha ng pitchel, dinala ko iyon sa lababo tapos ay nagsalin sa baso, habang umiinom ay narinig ko ang yabag ni papa na papasok din sa kusina.


"Ikaw na lampa ka! Wag na wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita!"


Matapos uminom ay napahigpit ang hawak ko sa baso na nakapatong na ngayon sa lababo, hindi ulit ako nagsalita.


"Kapag sinabi ko sayong ibigay mo sa akin ang pera, ibigay mo agad!!" Napailing ako at inilagay sa lababo ang baso tapos ay humarap ako kay papa. Nakipagtitigan ako sa kanya, namumula ang mata nito at halatang nakabatak nanaman ng droga.


"Walang natira." Walang ganang sabi ko, nakita ko ang pagtangis ng bagang nito at ang mata niya na nanlilisik na nakatingin sa akin.


"Sinungaling kang hayop ka! Manang mana ka sa walang kwenta mong ina!" Napakuyom ko ang kamay ko at tumalikod sa kanya, napahawak ako sa dulo ng lababo dahil nanginginig na ang kamay ko sa galit.


Ang lakas ng loob niyang sabihan ng walang kwenta si nanay samantalang ito ang nagbibigay sa kanya ng pera at bumubuhay sa kanya.


Natigilan ako ng marinig ko itong humalakhak, parang baliw ang pagtawa nito. Napailing ako habang nakaharap pa din sa lababo, kilalang adik ito dito sa lugar namin pero kahit na ganon ay pinatulan pa din ito ni nanay.


"Mabuti nalang talaga at wala na yang nanay mo! Napakaingay niya, wala pang kwenta! Ngayon ibebenta ko na tong bulok niyong bahay para mapakinabangan naman."Parang nagpantig ang tenga ko sa sinabe niya, ibebenta niya ang bahay namin na pinundar ng totoo kong ama?


"Papa wala kang karapatan ibenta ang bahay namin, sa amin ito. Sa akin!" Nakapatong sa pasimano ng lababo ang mga kamay kong nakakuyom at kanina pa nanginginig sa galit.


"Hoy! Sa akin na to ngayon at wala kang magagawa, sa kalye ka tumira kung gusto mo ibebenta ko itong bahay na ito." Humalakhak pa ito na parang demonyo.


"Mabuti nalang at wala na ang babaeng yon, may pakinabang din pala ang pagtatyaga ko sa kanya. May bahay na iniwan pa sa akin, tama lang sa kanya ang mamatay."


Tumalim ang tingin ko at napadako iyon sa kutsilyong nasa tabi ng lababo, biglang nagblankong ang utak at isip ko. Kinuha ko iyon at hinawakan ng napakahigpit.


Mabibigat ang hininga akong dahan dahan na humarap sa kanya, matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.


Nakatitig din sa akin ang namumula nitong mata habang may kakaibang ngisi sa labi na para talaga itong tunay na demonyo.


"Bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo bang sumunod sa nanay mo? Madali lang naman sabihin mo lang."


Matiim pa din akong nakatitig sa kanya, pasimple kong tinago sa likuran ko ang kamay kong may hawak na kutsilyo.


"Bakit papa? Anong gagawin mo?" Ngumisi ito at mabilis na naglakad palapit sa akin sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.


Napadaing ako ng bigla niya akong sakalin, gamit ang kamay nito ay gigil na gigil na ito habang sinasakal ang leeg ko.


"Wag mo akong sinusubukan bata, kung ang nanay mo ay nagawa kong patayin hindi ako magdadalawang isip na isunod ka. Tutal hadlang ka naman sa gagawin kong pagbebenta ng bahay na ito, mabuti pa at isunod na kita sa nanay mo."


Napaawang ang labi ko at nagpantig ang tenga ko sa narinig niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


Tama nga ako, hindi atake sa puso ang ikinamatay ni nanay. Ang demonyong ito ang pumatay sa nanay ko. Sa nag iisa kong kapamilya, pinatay niya.


Kinakapos na ako ng hininga pero pinilit kong igalaw ang kamay kong mahigpit pa din ang pagkakahawak sa kutsilyo, hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa isang mata ko.


"D-demonyo k-ka."


Lumuwag ang pagkakahawak ng kamay niya sa leeg ko, nanlalaki din ang mata niyang nakatingin sa akin. Napangisi ako at mas diniinan ang kutsilyong sinaksak ko sa dibdib niya.Napaatras ito sa akin na nanlalaki pa din ang mata, dahan dahan siyang napatingin sa dibdib niyang nakatarak ang kutsilyong hawak ko. Mabilis ko yung hinugot sa dibdib niya na agad naman niyang hinawakan.


"I-ikaw.."


"Pinatay mo si nanay!" Nanlilisik pa din ang mga mata ko, walang ibang nasa isip ko kundi ang patayin din ang hayop na to na pumatay sa nanay ko.


Humakbang ako palapit sa kanya habang hawak hawak pa din ang kutsilyo, napaatras naman siya at napababa ang tingin sa hawak ko. Bumaba din ang tingin ko sa hawak kong kutsilyo na puno ng dugo niya, napangisi ako ng may pumapatak sa sahig na dugo galing sa kutsilyo.


"Sa kabilang buhay ka nalang humingi ng tawad sa nanay ko." Nakangising sabi ko at lumapit sa kanya, akmang tatakbo na ito pero dahil nanghihina na ay napadapa ito sa sahig at pilit na ginagalaw ang katawan upang makagapang.


"Saan ka pupunta papa? Hindi pa tayo tapos." Nakangising sabi ko habang mabagal na sinusundan siya na gumagapang sa sahig.


"H-hayop k-ka C-chip.." Nanghihina na ang boses nito na para bang musika sa pandinig ko.


"Mas hayop ka! Pinatay mo si nanay!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtaas ng boses. Tumigil ako sa paglalakad ng huminto siya sa paggapang, dahan dahan itong humarap sa akin. Takot na takot ang mukha nito na ikinasaya ko.


"W-wag m-mo a-akong patayin.. S-susuko na a-ako sa m-mga p-pulis.." Nagmamakaawang sabi nito, biglang pumasok sa isip ko si nanay.


Nagmakaawa din ba siya hayop na to noong sinasakal siya nito? Hindi man lang naawa sa asawa niya, bakit ko siya kakaawaan.


"Ikamusta mo nalang ako kay kuya Erik." Matapos sabihin iyon ay nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa akin ng itaas ko hawak kong kutsilyo.


"Ahh!"


Buong pwersa kong ibinaon sa katawan niya ang hawak kong kutsilyo, sa sikmura, sa dibdib, sa balikat, sa hita, sa braso, sa leeg. Isa, lima, sampo, labing lima.


Hindi ko mabilang kung ilang beses ko paulit ulit na binaon at sinaksak sa katawan niya ang hawak kong kutsilyo, hindi ko alam kung saang parte pa ng katawan niya bumaon ang kutsilyo.


Tumatalsik ang dugo niya sa mukha ko, napupuno na ng tinalsik ng dugo ang salaming suot ko pero hindi ako huminto hanggang sa mapansin kong hindi na ito gumagalaw.


Hinihingal na lumayo ako sa kanya, tumayo ako at tinitigan ito. Napaawang ang labi ko ng pasadahan ng tingin ang katawan nito, nabitawan ko ang kutsilyong hawak at napatingin ako sa kamay kong punong puno ng dugo.


May tumutulo na ding luha mula sa mata ko, napailing iling ako habang lumuluhang nakatingin sa mga kamay ko.


"H-hindi.."


Nanginginig ang mga kamay kong punong puno ng dugo ni papa, napasulyap ulit ako sa kanya at hindi ko mapigilang mas lalong mapaluha.


"P-pinatay ko siya."





-QSpades

Thank you for reading Killer Girlfriend, please leave a comment and don't forget to vote.

Continue Reading

You'll Also Like

442K 2.6K 148
Paanu kung ang tukso ang mismong lumapit sa iyo paAnu mO pa kaya malalayuan kung ang init na dala nito ang mismong bibihag sayo
61K 410 13
[Rated SPG] Paano kung mawala sayo ang pinakamamahal mo? Magagawa mo ba mapaghigantihan ang dahilan nang pagkawala nang pinakamamahal mo kung di p...
42.2K 672 24
Naranasan muna bang magmahal? MAGMAHAL SA MISMONG KADUGO MO? Hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo sa pinsan ko pa ako nagkagusto...
135K 3.7K 70
MAGPAPAAPI O MANG-AAPI [UNEDITED VERSION,typographical errors and grammatically errors ahead!! ]