Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****

179K 1.2K 237
By iloveaxclu

*Ang hirap ng chapter na 'to

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]

[School]

"Charmieeee....", tawag ko kay Charm pagtapos ng morning class namin. Lunch time na.

"Yes?", flat na sagot ni Charm.

"Date naman tayo o", malambing na yaya ko sa kanya habang nakapangalumbaba ako sa mesa nya, nilapit ko kasi ang upuan ko sa kanya.

"Anong meron?", parang wala lang na tanong ni Charm.

"Wala naman", sabi ko sa kanya.

"Busy kasi ako eh", sabi ni Charms sa akin, "Next time na lang"

Pagkatapos ng pagtawag ko ng 'HON' kay Luigi sa harap ng buong barkada, hindi ako tinawagan ni Charms, hindi din nya ako kinukulit tungkol doon.

Walang tanong. Parang deadma lang.

Hindi ko tuloy alam kung satisfied lang sya sa explanations ni Jake, o kaya talagang ini-ignore nya lang dahil wala syang pakialam o hinihintay nya akong magsalita.

Feeling ko tuloy nire-reverse psychology nya ako. Dahil alam nyang pag mas makulit sya, mas hindi ako nagsasalita.

Pero one thing is for sure, kino-cold treatment ako ni Charms.

Ilang araw na syang ganyan.

"READY KA NA LAUREEN?", masayang sabi ni Julia sa akin na nasa likuran lang namin ni Charms.

Para siyang kinikilig sa pagtatanong nya kung READY NA BA AKO? Actually dapat ganon din ang reaction ni Charm, dahil ilang beses na din nila ako inaasar tungkol dyan sa READY-READY na yan.

Pero si Charms ngayon ay:

"Oo nga, ready ka na?", walang kabuhay-buhay na sabi ni Charms.

"AYOKO NAAAAAA!", napalakas ang pagkakasabi ko. Dahil sa halu-halong tense at frustrations kay Charm.

"Di ka na pwede mag-back out", flat na sabi pa ni Charms.

"HALA! HINDI NA PWEDE! BASTA IKAW NA! Hihihihihi", sabi ni Julia.

Sumimangot lang ako kay Julia.

"O sya, alis muna ako, puntahan ko si Billyboy. Kamustahin ko lang. Ewan ko don kay Billy, nagso-solo flight sa lunch. Bye girls. See you later", sabi nya pa, tapos kumaripas na ng alis.

Si Julia gaya pa din ng normal na kilos nya, paano walang alam. Lagi kasing umuuwi ng maaga.

Si Billy ilang araw na din hindi sumasabay ng lunch sa amin. Nalulungkot ako kasi alam kong umiiwas sya sa akin. At nami-miss ko na si Billy.

"Charm, kausapin mo naman ako o", malambing na sabi ko kay Charm pagkaalis ni Julia.

"Kinakausap naman kita ah", sabi nya sa akin.

Tumayo na ako sa upuan ko at hinawakan sa wrist si Charm, "MAGDE-DATE TAYO CHARMAINE ANDREA! SA AYAW AT SA GUSTO MO! MADAMI AKONG SASABIHIN SAYO!", sabi ko sa kanya.

Tinignan nya muna ako ng ilang segundo bago sya nagsalita, "Ok, fine!"

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"OH MY GOD! YOU DIDN'T!", sabi ni Charm, kasabay ng pagpalo ng menu sa braso ko.

"Ouch!" - Ako

"Are you serious?", sabi ni Charm, nanlalaki ang mga mata nya.

Sinabi ko na sa kanya ang part na hindi ko kinwento tungkol sa horse-back riding event na pinuntahan ko. Ang alam lang nya si Luigi ang naging-guide ko at inilayo nya ako kay Rob, yun lang. Kasi yun lang naman ang kinwento ko dati sa kanya. Don nya nga ako sinimulang itukso kay Luigi eh.

Ngayon sinabi ko na ang tungkol sa kissing spree namin ni Luigi at ang iba pang intimate na nangyari. 

"Oo, seryoso", sabi ko.

"Sure ka hindi masakit yung 'toot-toot' mo nung pag-gising mo kinabukasan?", nakakunot noong tanong ni Charm.

"Oo bes, hindi", sabi ko sa kanya ng mahina.

"Baka hindi natuloy bes", nag-aalangang sabi ni Charm.

"Ewan ko, basta hanggang don lang naaalala ko", sabi ko ng nakasimangot.

"Basta hindi talaga masakit?", mahinang tanong ni Charm.

Tumango ako kay Charm, hindi na ko makapagsalita dahil nahihiya na ako.

"Baka nga hanggang don lang. Baka hindi natuloy. Diba masakit daw yun. Unless........ toothpick yung kay Papa Luigi", sabi ni Charm, nagpipigil sya ng tawa.

"Gaga ka talaga Charm! Baliw ka!", sabi ko naman sa kanya. Natawa tuloy ako.

"Bakit kasi tinulugan mo bes?! Sobrang lasing ka ba? Napagod ka? O baka nagbyahe ka na papuntang heaven kaya nakatulog ka? Panigurado nabitin yun si Fafa Luigi! Bwahahaha! Yay! Ano ba 'tong pinagi-iisip ko? Nyahahaha", sabi ni Charm, namumula ang buong mukha nya.

"Charm!", saway ko sa kanya.

"Hahaha. Eh bakit kasi hindi mo tanungin si Luigi kung natuloy ba? Bwahahaha", sabi ni Charm.

"ADIK! Ang adik mo Charm! Ayoko nga syang kausapin tungkol don! Siraulo ka talaga Charm!", naiinis kong sabi sa kanya.

"Kaya pala ang weird nyong dalawa nung nagkita kayo sa school nung cheering try out, parang  kunwari hindi kayo magkakilala. AMPUPU! Hahaha" - Charm

Sarap ng tawa ni Charm.

"Oo, ewan ko don kay Luigi, pakulo nya yun eh! Sya yung unang umarte na hindi nya ako kilala. May saltik nga yung taong yon, minsan magsusungit, minsan maglalambing", sabi ko.

"Ayeeeehihihihi", sabi ni Charm.

I rolled my eyes, "Charmie!", saway ko sa kanya.

"Alright. Alright. Ano pa?", sabi nya.

Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa commotion sa kalsada kung saan muntik na kami maaksidente ni Luigi, pati yung nilinisan ko si Luigi ng sugat sa lips, atsaka yung breakfast namin sa condo ko.

"Aaaawww. Hangsweet naman! Hihihihi", sabi ni Charms.

Walang awat ang kilig nya.

Bumubuntong-hininga na lang ako.

"Ano pa bes?", excited na tanong nya, "Shet! LaureenGi for the win! Nyahahaha"

I rolled my eyes again.

"Nag-celebrate kami sa bahay nina Luigi one-time, tapos bes nagkaasaran kami", panimula ko.

"O tapos? Buti hindi ka binigwasan", sabi nya.

Natawa ako sa sinabi ni Charm, "Hahahahaha. Gaga ka Charm! Babae naman ako noh!", sabi ko sa kanya.

"Hehe. Malay mo pumapatol pala sa babae yon si Luigi. Hehehe. Hindi sya napikon?", tanong nya habang ngumunguya. Dumating na kasi ang order namin.

"Napikon.......Hinalikan ako", mahina kong sabi.

"Whaat? WAAAAAAAA. Ayeeeeee! WAHAHAHA", sabi ni Charm.

Sabi ko na nga ba eh. Ganyan na naman magiging reaction nya.

"Nahuli kami ni Lolo at ng daddy nya", sabi ko pa.

"WHAAAAT? OH MY GOD! HAHAHAHAHA", sabi ni Charms, "ANONG NANGYARI BES? BWAHAHAHAHA"

"Bestfriend ba talaga kita?", naiirita kong tanong kay Charm.

Nagpigil sya bigla ng tawa nya, "Anong nangyari bes?", painosenteng tanong ni Charm.

At ang galing nya ha, ambilis mag-switch ng character.

Haynaku talaga....Sarap kutusan ng babaeng 'to.

"Yun", sabi ko.

"Anong YUN?", tanong nya.

"Yun.....", sabi ko ulit.

Hinablot nya ang iphone ko na nasa ibabaw ng table at hinampas sa braso ko, "WAG MO KO BINIBITIN!", sabi ni Charm sa akin.

"Araaaay!" - Ako

"BILISAN MO NA MAGKWENTO! ANONG SINABI NYONG EXPLANATION SA KANILA!", sabi ni Charm, parang nagu-utos lang sya.

ATAT!

"Atat? Kanina tawa ka ng tawa ngayon nananakit ka naman, nababaliw ka na Charms!", sabi ko sa kanya, nilakihan ko sya ng mata.

"ANO NA NGA?", naiinip na sab ni Charm, "MASASAKTAN KA LALO SA AKIN!"

NABABALIW na ata ang bestfriend ko!

"Wala naman kaming sinabi. Sila nga ang nagsabi eh", panimula ko.

"Sila nga ang nagsabi ng ANO? Suspense teh? Pa-suspense pa?", kinuha na naman nya ang iphone ko at hinampas sa akin.

Lord, bakit nyo ko binigyan ng bestfriend na baliw?

"Araay..Oo na, sabi nila we're a couple", sabi ko kay Charm.

"Ko-pol?", mabagal na sabi ni Charm, mukhang nagpa-process pa sya.

Tumango ako.

"Ko-pol? COUPLE?!?", napatakip ang kamay nya sa bibig nya.

Tumango ulit ako. At nag-pout sa kanya.

"OH MY!", she finally said.

Nangalumbaba ako sa ibabaw ng table.

"So akala nila KAYO!", mahinang sabi ni Charm.

"Yes...At pag kasama namin ni Luigi ang Lolo ko at daddy nya, we act like we're a couple", sabi ko.

"Oooooohhhhhhhhhhhh", sabi ni Charm.

Ang haba ng 'Oh' nya.

"Yep", sabi ko.

"Sabi ko na may nangyayari sa inyong dalawa eh. Sa school para kayong laging magsasalpukan. Selosan kayo ng selosan. Tapos lately ngitian naman kayo ng ngitian", sabi ni Charm sa akin.

"Anong selosan?", sabi ko. Kumunot ang noo ko at nagsalubong pa ang mga kilay ko.

"Wag ng mag-deny! Kilala kita Laureen Eunice", sabi ni Charm sa akin ng nakangiti.

"Ewan ko sayo", sabi ko sa kanya, sabay inom ng juice.

"Asush! Hihihihi", sabi nya.

"And remember Luigi's cousin's engagement party? Yung pinaguusapan nina Jake at Aaron nung nag-coffee tayo after ng pustahan nilang magbabarkada dun sa color blue na hair?", tanong ko sa kanya.

Nag-pout si Charms, "Malamang natatandaan ko yun. Kasali ako don eh at natalo din ako", sabi nya.

"I was there. Luigi and I went together. Jake was there as well", sabi ko.

"ALAM NI JAKE????", malakas na sabi ni Charm at nilakihan nya ako ng mga mata.

"Sorry na bes", sincere kong sabi, "Nasa circle of friends si Jake nung pinsan ni Luigi, kaya kinausap ni Luigi si Jake, kaya din tinutulungan kami ni Jake lumusot minsan", I added.

Inisnaban ako ni Charm pero mukha naman syang mahinahon.

"Sorry na bes. I love you!", sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Tumango-tango si Charm.

"At nakita ko si Jeff don, kasama ang girlfriend nya........buntis", sabi ko ng hindi tumitingin kay Charm. Kinwento ko pa sa kanya yung inuman namin ni Luigi nung gabing yon. Pati na din yung unang labas naming tatlo nina Jake at Luigi. Sinama ko na din yung pagtuloy ni Luigi sa bahay namin ngayon.

Nakinig lang si Charm sa akin.

"Pwede na....", sabi ni Charm, tumango-tango pa sya.

"Pwede ng ano?", tanong ko sa kanya.

"Pwede ng matuloy", sabi nya.

"Ang alin?", tanong ko sa kanya ulit.

"Yung toot-toot niyo ni Luigi kasi magkasama kayo sa kwarto eh. Hahaha. YIHEEEEE!" - Charm

"Ano ba Charm! Ano bang tinira mo?" - Ako

"Hahaha" - Charm

"Ang adik mo! Kakadikit mo kay Aaron!" - Ako

Tumigil si Charm sa pagtawa, "Mmm. Hihi", sabi nya.

"Anong meron sa inyo ni Aaron?" - Ako

"O, ikaw ang pinagu-usapan dito ah. Tsaka na lang natin pagusapan si Aaron, baka maudlot. Hihi" - Charm 

"Fine. Ewan ko sayo" - Ako

"Pero bes........yung kay Jeff....", mahinang sabi ni Charm.

"I'm ok", sabi ko sa kanya, "Nung gabing yon, of course nagalit ako, nakita mo naman naging ok na ko diba, tapos biglang may ganon. Buti na lang andon si Luigi. Di naman nya ako pinabayaan", sabi ko.

"Yan ba ang dahilan bakit nagkaka-ganyan ka?", tanong sa akin ni Charm.

"Anong nagkaka-ganyan? What do you mean?", tanong ko.

"These sudden changes, bar nights, entertaining boys", sabi nya pa.

"Anong entertaining boys dyan?", sabi ko sa kanya.

"Nagkakaganyan ka ba dahil nagalit ka kay Jeff? O binabaling mo ang atensyon mo sa iba't-ibang tao para hindi ka lalong mapa-mahal kay Luigi? Dahil natatakot kang maulit ulit yung kay Jeff? Teka, kay Luigi nga ba? O baka naman kay Billy?", sabi ni Charms.

Di ako nakasagot kay Charms. Yumuko lang ako at pinaglaruan ang pagkain ko.

Narinig ko na lang si Charm na nag "Haaay"

  

"Ewan ko Charms, naguguluhan na din ako. Ewan ko!", sabi ko.

"Gusto mo na ba sya?", tanong ni Charm sa akin.

"Ha?" - Ako

"Gusto mo na ba si Luigi?", sabi ni Charms.

Hindi ako nakasagot. Tumingin lang ako kay Charm.

"The fact na hindi ka nakasagot agad....you must be feeling something for him. Pwedeng sobrang liit lang or growing na... Ikaw lang ang makaka-confirm", sabi ni Charms.

Yumuko ako.

Nagsalita ulit si Charms kaya napatingin ako ulit sa kanya, "Don't worry. You'll figure it out", sabi ni Charms with an understanding smile.

"Ok, ok. Too much information bes!", sabi ko kay Charm.

"Ako nga dapat nagsasabi nyan eh", sabi ni Charms sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. I felt relieved, wala na akong tinatago kay Charm.

"Si papa Luigi talaga, lumevel up na pala ng ganon! Paano na si Billy?", sabi ni Charm.

Tumingin lang ulit ako kay Charm, hindi ako nakasagot.

"Ano bang lugar ni Billy sa'yo?", sabi ni Charms.

"Mahalaga sa akin si Billy bes. Sobrang mahalaga sya sa akin. Alam mo naman yun diba? Si Billy, pinaparamdam nyang mahalaga ako, hindi nya ko pinababayaan at sobrang maalaga sya"

"Bakit ba kasi hindi na lang si Billy ang pinili mo dati pa? Bakit si Jeff pa? Haaay. Bakit ba kasi may pa 'sayang ang friendship' ka pang nalalaman dati", sabi ni Charm.

"Charm naman eh!", sabi ko.

Nag-smile si Charm, "Hindi mo pwedeng hindi kausapin si Billy, GUSTO ka pa din nung tao bes, hindi ka naman siguro manhid diba?", sabi pa ni Charms, "Akala nya siguro talagang KAYO na ni Luigi, kaya ayun lumalayo na naman sa atin ULIT"

Pinaglaruan ko na lang yung pagkain sa plato ko, "Ayoko ng mawala ulit si Billy, bes. Mahalaga sya sa akin. Hindi ko na hahayaang mawala sya ulit", sabi ko, "Miss ko na nga si Billy eh", sabi ko pa.

"Hmm, parang ang sakit sa ulo ng sinabi mo bessie", umiling si Charm, "Nami-miss mo si Billy?", tanong nya pa sa akin.

"Oo namimiss ko si Billy", sabi ko sa kanya.

Naalala ko tuloy yung ininvite ako ni Eric na mag-dinner, naalala ko bigla si Billy nung pinansin ni Eric na parehas pala kaming dalawa na naka-dark blue na top. Terno daw kami. Nangyari na yun sa amin ni Billy nung umattend kami sa birthday party ni Benj........'Blue Team'.

Tapos nung pauwi na kami ni Eric, nagpasama si Eric pumunta sa yogurt stall kasi naglalambing daw sa text ang younger sister nya, nagpapabili. Ok lang daw kahit tunaw-tunaw na basta pasalubungan lang daw sya. Bumili sya ng yogurt topped with strawberries para sa kapatid nya. Bumili naman sya ng yougurt with chocolate syrrup and powder para sa kanya. 'Favorite ni Billy', naisip ko nung mga time na yun. Napangiti pa ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumalik kami ni Charms sa school.

May briefing kasi ako ng 3:00pm.

"READY ka na ba bes?", bumalik na ang saya ni Charm. Kinikilig na sya ulit sa pagsasabi ng 'READY KA NA BA?'

"Che!"

"Bes, nga pala baka pilitin tayong isama nina kuya Gelo at kuya Bryan sa aatendan nilang kasal. Nasabi ko na sayo yun dati diba? Baka lang naman. Di pa naman sure", pahabol ni Charm.

Hinatid na nya ako sa room kung saan gagawin ang briefing.

Pagbukas ko ng pinto:

"There you are!", lumapit sa akin si Ms. Karen sa may pinto, yung prof namin, "Nandito na ang Ms. IT namin", sabi nya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sinalubong ako ni Charm sa labas ng pinto pagkatapos ng briefing.

"Anong nangyari?", sabi nya smiling widely.

"Eeeeeeh! Charmie, ikaw na lang sige na", sabi ko.

"Ayoko nga! Saka ikaw nga ang apple of the eye ng IT ngayon because of your transformation diba? Yiheee", sabi ni Charm.

"Haaaay, asan ba yun si Jaycee?", si Jaycee, yung classmate ko, na sya namang magiging Mr. IT.

Ako talaga ang pumili sa kanya, dahil sya naman ang may kasalanan kung bakit ako ang pinagkaisahang maging Ms. IT. Sya kasi ang nagsabing ako na lang daw.

"Ewan, wala ba sa loob?", sabi ni Charm.

"Wala eh. Ako lang walang partner. Loko talaga 'to si Jaycee! Pero di rin kami kumpleto kasi yung Engineering daw, busy-busyhan pa. Dapat daw sa practice ng opening dance andon na daw yung mga reps. Si Lance at Benj nakita ko sa loob pero kinakausap pa nila yung prof nila eh", sabi ko.

"Aaah", sabi ni Charms.

"Busy din kaya si Billy ngayon?", sabi ko kay Charm.

"Tawagan mo", sabi nya.

Binunot ko ang iphone ko at tinawagan si Billy.

Two rings at sinagot na nya ang call.

"Billybooooy", malambing na sabi ko.

"Mmm?", sabi nya sa kabilang linya.

"Asan ka ngayon?", tanong ko sa kanya.

"Hmmm", sabi nya, mukhang nagiisip pa.

"Billyboooy, wag ka naman ganyan, sige naaaa. Puntahan kita, usap tayo", sabi ko pa nilambingan ko ang boses ko.

Not again! Hindi na ko papayag na mawalan ulit ng gaya ni Billy.

"Ok, caf", sabi nya.

"I'll be there", masayang sabi ko sa kanya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumunta kami ni Charms sa caf para i-meet si Billy.

Kasama nya si Jake at si Aaron.

Lumapit na kami sa table nila at umikot ako sa likod ni Billy. Niyakap ko sya sa may balikat, "Billybooooy", sabi ko.

Tinapik-tapik nya ng marahan ang kamay ko, "Lambing ah", sabi ni Billy, natawa sya ng mahina.

"Upo, Gi!", sabi ni Jake.

Magkasunod lang pala kaming dumating ni Luigi, at nakatingin sya sa amin ni Billy.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Billy, "Pwede ba kitang makausap?", sabi ko sa kanya.

"Ok", sabi ni Billy at tumayo na sya sa upuan nya at lumakad kaming dalawa papalayo sa table.

Pumunta kami sa food counter para tumingin ng dessert, "Gusto mo nito?", tinuro ko ang leche flan.

"Libre mo?", tanong ni Billy sa akin.

"Oo naman! Kahit ilan pa kung gusto mo!", sabi ko, tapos tumingin ako sa kanya, "Wag ka na magtampo"

"Di naman ako nagtatampo ah", sabi nya.

"Weh!" - Ako

  

"Busy lang kami, kasi nga tinatapos na namin yung ginagawa namin for interschool competition. Para pe-petiks na lang din kami for College Week", sabi nya pa.

"Billy naman eeeeh", sabi ko. Alam kong nagtatampo sya. At nagpapaka-gentleman na naman sya ngayon.

"Haha. Don't worry Nice, if you're happy with him, happy na din ako for you", sabi nya.

"Hindi naman kami eh", mahinang sabi ko. Alam ko na yun ang tinutukoy nya. Yung tungkol sa amin yun ni Luigi.

Kinwento ko ng mabilisan na akala lang yun ng Lolo ko at daddy ni Luigi.

"Seryoso?", mahina pero nakangiting tanong ni Billy.

"Oo", sabi ko sa kanya at sinubuan ko sya ng leche flan dahil binigay na sa akin ang inorder ko.

Sinubo naman yun ni Billy at bigla nya akong niyakap.

*dug-dug dug-dug dug-dug* Amoy ko ang mabangong male scent ni Billy at ramdam ko ang pagkakalapat at pagkakayapos ng mga braso nya sa akin.

Nabigla ako sa pagyakap ni Billy sa akin kaya napa-nganga ako at nakalutang sa ere ang mga kamay ko at ang leche flan na hawak ko.

"Buti naman kung ganon", mahinang sabi ni Billy, "Na-miss kita Nice. Miss na miss", bulong nya sa may tenga ko.

*dug-dug dug-dug dug-dug* Ang puso ko kumakabog ng malakas.

"N-na m-miss din kita Billy. Na-miss kita", sabi ko ng mahina, nag-stutter ako, pero hindi ko napigilang sabihin. Na-miss ko sya. Na-miss ko si Billy.

Bumitaw si Billy sa pagkakayakap nya sa akin at ngumiti sya sa akin, "Ang ganda-ganda mo naman ngayon Ms. IT", sabi nya sa akin, parang seryoso sya na hindi ko maintindihan.

Naramdam kong uminit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi nya, *dug-dug dug-dug dug-dug*, walang awat ang kaba sa dibdib ko, "Bolero", sabi ko sa kanya. Ewan ko pero nangingiti ako.

Natawa ng mahina si Billy, "Hindi ako mahilig mambola", sabi nya sa akin at pinisil ang kaliwang pisngi ko.

Lalong uminit ang pakiramdam ng mga pisngi ko.

Ngumiti ako kay Billy. Pagkatapos ay naglakad na din kami pabalik sa table namin.

Pag-upo ni Billy sinubuan nya agad si Charm ng leche flan, "Charmaine o leche flan", sabi ni Billy sa kanya ng nakangiti.

Sinubo naman yun ni Charm, "Tamis Billy!", sabi ni Charm, "....Ng ngiti", pabulong nyang sinabi yung huli. Kinurot ko si Charm.

"Ha?", tanong ni Billy.

"Wala! Tamis ng leche flan", sabi ni Charm.

"Aaah, o kamusta nga pala ang briefing?", tanong ni Billy sa akin.

"Ayun, ok lang. Inindian ako ni Jaycee. Lokong 'yon", sabi ko.

"Oo nga pala, wala daw reps ang Engineering don kanina ah", sabi ni Charm, "Sino ba sa inyo?"

"Saan?", sabi ni Jake.

"Mr&Ms ----", sabi ni Charm, "Si Laureen ang Ms. IT eh!"

Pinalo ko si Charm sa braso. Ang daldal kasi,  "Aray", sabi ni Charm.

"Ikaw ang Ms. IT?!", tanong ni Jake.

Tumango ako.

Tinignan lang ako ni Luigi.

"Oo sya nga! Kaya nung inalok ako ni Aaron dati na mag Mr. Eng, tumanggi ako, magpi-P.A. ako kay Laureen eh", sabi ni Billy habang tinuturo ako.

"Aah, yun pala yung sinasabi mo na magpe-personal alalay ka", sabi pa ni Jake.

"Hahahaha", tumawa si Aaron, "Magbabanggan na naman sila ni Kara. World War II! Panalo!"

"Si Kara ang Ms. Eng?", gulat na tanong ni Charm.

Ako cool lang, nagulat ako syempre, pero di ko pinahalata.

"Yep yep!", sabi ni Aaron.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin", sabi ni Charm, "Sinong Mr. Eng?"

"Si Luigi!", sabi ni Aaron.

O_O

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

"Sinong Mr. Eng?", tanong ni Charm.

"Si Luigi!", sagot ni Aaron.

Sinipa ko ang paa ni Aaron na nasa ilalim ng mesa.

"Ikaw?", sabi ni Charm sa akin, "Naks! Nakanang naman papa Luigi! Pwede!", sabi nya pa.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Yezzz!", masayang sabi ni Aaron. "Bayad sa pustahan. Sinalo nya yung consequence ko for Jake! Ewan ko kung anong ginawa ni Jake para kay Luigi at sinalo sya ni Luigi", sabi pa ni Aaron.

Sa dami ng ginawa ni Jake para sa akin, walang-wala 'tong pagsalo ko sa kanya. Isa pa, si Kara naman yun.

"Sabi ko naman sayo ang weird kung papartneran ko si Kara eh. Pinsan ko sya, for God's sake! Ang sagwa naman magpakilig ng mga tao sa Mr&Ms kung si Kara ang partner ko!", sabi pa ni Jake.

"Eh wala na kong choice eh, kinukulit na ako ng faculty, hehe. Pero ayos naman na diba Jake? Si Luigi na nga eh! Laureen-Hon, wag ka magselos ha, partner lang naman eh", sabi pa ni Aaron.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*dedicated to yougotme_baby :)

Continue Reading

You'll Also Like

234K 1.3K 189
Yes, I'm a sidechick. Kirida, kabit, number two, mistress, sidechick! You can call me by any names you want but I don't care! At least I'm an expensi...
142K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
659K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...