Will it be the same? (COMPLET...

By atemonghailey

58.8K 1.9K 866

Can love lead your heart back to the first one who broke it? More

A/N #1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55 (totoo na to 😂)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Encounter ✨♥️
Chapter 79
Chapter 80
Epilogue
Author's Gratitude
Visual Chapter I
Visual Chapter II
Visual Chapter III
Visual Chapter IV
Visual Chapter V
Visual Chapter VI
Visual Chapter VII
Visual Chapter VIII

Chapter 23

507 23 6
By atemonghailey

Cont. Vhong's POV

"Tol, yung mga materials pala na gagamitin natin sa booth kailangan na raw sa entrep.. pinapapasa na ni Ma'am Marceliano yung papers." Hay.. bat ba nung isang araw ko pa kayo tinitigan!

"Hoy! ano ba? kanino mo balak ibigay yang mga ticket na yan at titig na titig ka?! Alam mo tol.. 400 lang naman ang isa niyan, kung nanghihinayang ka.. pwede mo pa naman ibenta. Alam ko nagkakaubusan na ng ticket at marami pang naghahanap niyan!" sinarado ko yung libro kun nasan yung mga ticket at hinarap ko si Paul.

"Paul.." inakbayan ko siya, ay.. inilapit ko muna pala yung chair ko sa chair niya..

"Anong GWA mo?" tanong ko, napakunot naman ang noo niya.

"Hmm.. 2.12, tol" napa-face palm nalang ako..

"So.. ang taas diba, meaning.. matalino ka.. masipag!" ang gago, tumatango-tango pa siya.. mukhang di niya parin gets yung gusto kong sabihin..

"Matalino ka, so maiisip mo na binili ko tong ticket na to dahil.. gusto ko diba? so bat ko ibebenta?"

"Aray, gago!" siniko ako haha!!

"Tado! nakakainis! akala ko totoo na! pero seriously tol.. bakit mo ba kasi kanina pa tinititigan yang ticket na yan? kamuntik ka pang mahuli ni Lagdameo, mabuti nalang mabilis ka!" tinawag kasi ako ni Sir Lag kanina, bigla akong pinag answer sa board, ganon kasi yon.. tatawagin ka niya kapag feel niyang di ka nagpe-pay attention sa tinuturo niya.

"Tingin mo papayag siya tol?" tanong ko ulit. This time, si Paul naman ang umakbay sa akin..

"Alam mo, Vhong.. paano mo malalaman kung di mo tatanungin diba? sa pagkaalam ko, GWA mo 1.36 diba? so matalino ka.. dapat alam mo yon?" edi na back to you ako. Sira ulo talaga tong si Paul.

"Vhong! Paul!" nagulat kami ni Paul nang biglang pumasok si Hailey sa room, yung ibang kaklase namin ay natahimik rin. Kilala si Hailey sa campus, bukod sa officer siya sa student council ng college namin, sikat rin siya dahil.. wala eh.. chicks daw!

"Ui tol, eto pala yung inorder mo.. bwisit ka! nakipagtalo pa ako dun kay Tamayo dahil dyan, pano.. nauna na siya magpareserve, sinabi ko lang na naubos na para ibigay ko yan sayo!" inabot sakin ni Hailey yung isang brown paper bag.

"Sige na.. mukhang nageenjoy yung mga kaklase mo sa panunuod ng sine eh! makaalis na nga!" bago umalis si Hailey ay ginulo niya yung buhok ko. Bwisit talaga yun!

Light bracelet yon tska ilang merchandise like laptop stickers, tumbler, sleeveless shirt at yung pong bongs na inflatable.. lahat yun ay para sa darating na event, medyo pricey dahil 650 ang isang set pero sulit naman, marami naman yun eh tska remembrance talaga. Big event to kaya pinageffortan talaga ng council yung mga merchandise.

"Ang lakas mo talaga dyan kay Maniego! biruin mo, nakakuha ka niyang merchandise e sobrang daming nagkakandarapa dyan!" Limited lang kasi yung merchandise na pinagawa ng council dahil eto yung first time sila nagtry na magbenta, maraming nagkagusto sa design kaya nagkaubusan. Buti nalang ay nareserve ako ni Hailey ng dalawang set. Medyo mahal plus yung dalawang tix pa pero okay lang dahil may extra naman ako, naka close kasi kami ng deal sa shop kaya binigyan kami ni Sir Rex ng bonus nung nagbayad yung cliente namin, saktong sakto para sa event.

Nakatambay lang kami sa garden, sinasamahan namin ni Paul si Hailey dahil nagpepainting siya, kailangan niya raw ng kausap. Nilibre naman niya kami ng pagkain kaya okay na rin, tska maaga pa naman.. nasa time frame pa naman ako ng araw ko.

"Paul, gago.. wag ka ngang gumalaw!" sigaw ni Hailey, si Paul kasi yung ginawa niyang model para dun sa isang ginagawa niyang sketch

"Hale.. yung event ba.. masaya yon?" tanong ko kay Hailey habang busy siya sa pag karkula ng pwesto ni Paul sa sketchpad niya.

"Ulok! depende sa pupunta no?! pero I'm sure masaya yon! first time ng CFA na magpaganon na event e! mabuti na nga lang at naaprove ng student council at ng dean kaya na-push yung plano." Isa kasi si Hailey sa mga organizer nun dahil officer siya, secretary siya ng CFA council kaya alam niya yung tungkol sa event.

"Siguro may date ka no? Hulaan ko kung sino?! haha! lilibre mo ako ng isang shirt sa booth niyo kapag tama ako ha?!" napatingin sa amin yung mga ibang nakatambay sa garden dahil sa lakas ng boses ni Hailey, pero dedma lang siya.. tuloy pa rin sa pag sasalita.

"Ano ka ba, sa isang araw ko siyang nakasama.. napakasimple nga lang nun eh! sigurado akong maappreciate niya yung effort mo, Vhong. Mabait naman yun eh" napatingin ako kay Hailey, parang kilalang kilala niya kung sino yung tinutukoy ko.

"Kailangan, magpapogi ka pag tinanong mo siya a? baka naman.. ganyan ka nanaman niya makita? naka school uniform nanaman na gusot-gusot, nakabackpack habang may nakasukbit na meterstick at tube case ha? mag-ayos ka naman tol! di sapat yung pogi ka lang no!" Iba rin tong si Maniego eh, magka wave length talaga ang utak namin. Basang basa niya ang nasa isip ko.

Minsan, nagiguilty rin ako kapag kasama ko sila ni Paul.. close kaming tatlo pero, nasheshare nila kung anong meron sa mga buhay nila sa akin, pero ako.. meron parin akong di magawang ibahagi sakanila, di pa nila ako lubos na kilala, kung sino ako at ang nakaraan ko. Nakakguilty dahil sila, nagagawa nila akong pagkatiwalaan, ang dami na nilang nagawang tulong sa akin at sa pagaaral ko pero bakit di ko parin magawang buksan ang sarili ko sakanila?

"Huy! natatameme ka nanaman!"

"Ay.. hehe.. salamat, Hale!" tumayo na ako mula sa kinauupuan naming damuhan, 11am palang, may time pa ako makapag-prepare.

Bago ako umuwi ay nagpunta muna ako sa mall, bibili ako ng bagong damit.. syempre! tama si Hailey, di pwede yung basta pogi lang. Dapat, pangmalakasan rin!

"Ah.. sir, how may I help you?" nilapitan ako nung isang saleslady, nasa department store kasi ako. Dito nalang muna ako bibili ng damit para pasok parin sa budget ko, tska nalang sa botique kapag medyo nakaluwag-luwag na.

"Miss, may large ba nito?" inabot ko sakanya yung hawak kong polo shirt.

"Para sainyo po ba sir?"

"Ahh.. oo.. sa akin" nginitian ko siya

"Sir, parang medium lang po kayo e.. or small" seryoso ba siya? eh ang taba ko na! Inabot niya sakin yung dalawang polo shirt, isang medium at isang small. Parang mas okay yug fitting sakin nung medium, yung small kasi.. tho okay lang kaso parang bitin ng kaunti, kaya sa medium nalang ako.

After ko magsukat ay binayaran ko na. Palabas na sana ako ng mall nang mapadaan ako dun sa barber shop na malapit sa gate, pagupit kaya ako? Last month pa huling pagupit ko, sige na nga, mura lang naman yung gupit nila, 200 lang.. pwede na to!

"Pogi, pwede ba kitang picturan? ang ganda kasi ng gupit ko sayo eh, tska ngayon lang may nagpagupit sakin ng ganyang style, lalagay ko lang sa instagram ko" ang cool nung barbero, kaya pumayag na rin ako dahil nabaitan ako sakanya.

Damit, check..

Buhok, check..

Kailangan ko nalang daanan yung cupcake na pinagawa ko. Nasa cafe yun, day-off ko ngayon kaya smooth lang ang araw ko. Nag overtime narin ako nung isang araw sa shop kaya kahit di na ako pumasok ngayon ay okay lang. Nilaan ko talaga tong araw na to para dito sa gagawin ko, kaya dapat di ako pumalpak.

"Ate, masarap to ha?" pumasok ako sa loob ng pantry para kunin yung pinagawa kong cupcake.

"Oo naman! natikman mo na iyan diba?" Si Ate Macy, katrabaho ko.. nagbebake kasi siya ng mga kung ano-ano at binebenta niya sa amin kaya natikman ko na rin to.

"Mukhang aakyat ng ligaw ang Dindin ha?" Maya maya ay lahat na sila nasa loob ng locker room, kahit kailan talaga tong mga to!

"Tignan niyo, bagong gupit pa.. tsaka mukhang nagshopping ka, Din ha!" dagdag pa ni Carlo, tinignan ko yung relo ko.. 2pm na pala, kailangan ko nang makuwi

Buhok, check..

Damit, check..

Sapatos,.. check..

Pabango,.. teka? nasan ba yon? tinago ko pala yun sa cabinet, ginagamit ko lang kapag may special akong pupuntahan, usually naman tuwing may presentation lang sa school ko nagagamit to o kaya kapag may bigating event sa iCAds

So check na ang pabango, ang kailangan ko ngayon ay.. maligo na!

After ko maligo, syempre.. the usual rituals.. lotion sa katawan.. sunblock sa mukha, wax ng buhok.. at pabango.

"Gwapo!" sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Misan talaga,wala na akong magawa eh.. pogi talaga tol! haha!

As usual, kanchawan nanaman sa tindahan! tuwing nakaayos kasi ako at nadadaan ako don nakikita ng mga tambay, palagi akong kinakanchawan ng mga yon.

"Hoy Vhong! galingan mo sa pagakyat ng ligaw ha! sayang pabango!" napailing nalang ko, mga tao nga naman! pero ayos lang.. mababait naman yung mga yon kahit na palaging nangaalaska.

Nag-grab nalang ako para di ako maglapot sa biyahe, nagayos ako sabay mauusukan lang sa jeep at makikipagsik-sikan sa MRT papuntang Makati. Minsan lang naman 'to eh.

"Miss, sa A&C po." inabot ko yung i.d ko sa front desk para makapasok ako sa building. Eto na! this is it. Galingan mo, Din! Pag akyat ko sa office nila, eto nanaman ang mega inspection ng guard, kung makakapkap talaga eh!

"Miss, nandyan ba si Ms. Anne?" tanong ko. Sana di pa siya umuuwi. 5pm palang naman eh!

"Yes, Mr. Navarro.. pls proceed to her office" kahit kailan talaga napaka pormal dito. Mga english-speaking ang mga tao. Pagpasok ko sa office ni Anne, busy siya.. may kausap sa telepono at mukhang paalis na dahil nakasukbit na ang bag niya.

"Ah.. Hi!" naghintay ako ng ilang minuto, nang mababa na niya yung phone ay nagsalita na ko.. halata naman na nagulat siya sa presensya ko.

"Vhong? wa..why are you here?"

"Pauwi ka na ba?" nako! mukhang wrong timing ata ako.

"Ah.. sana, why?" Puta, Vhong! kumalma ka nga!

"A..ano kasi.. dinalhan kita ng cupcake.. oo! eto cupcake.." inabot ko sakanya yung dala kong paperbag, shit! umuurong ata dila ko!

"Ow..sa..salamat!" kinuha niya iyon at nginitian ako.

"Nagmamadali ka..ba?" Hayop, nauutal talaga ako! ano ba?!!

"Not so.. pero pauwi na ko, nandyan na si Kuya Roger at King sa baba eh" okay.. hinga, Vhong.. hinga!

"What are these for pala?" sinilip nya yung laman ng paper bag at inilabas yung box.

"Ah.. pa-thank you ko sana sayo.. sa pag punta mo sa tenement nung isang araw" Langya! sabihin mo kaya yung pakay mo!

"Kainin ko na ha?!" kumuha siya ng isang cupcake at kinagatan iyon habang nakandal siya sa may desk niya.

"Sarap! omg! sira nanaman ang diet ko nito!" nginitian niya ako at inalok ng cupcake na kinakain niya. Di ka naman gutom ano, Anne?!

"Ahh.. Anne may gagawin ka ba sa Saturday?" okay eto na!

"Hmm.. Saturday.. Let me see.. why ba?" mukhang sarap na sarap siya sa kinakain niya, pati ilong niya ay may icing na kaya ginawa ko.. inabutan ko siya ng tissue na nandon sa table

"Ay.. hehe salamat! bakit ba kasi?" tanong niya ulit sakin habang kumukuha ng inumin dun sa may mini fridge niya.

"Kasi ano.. ahm.."

"Vhong, utal ka ba? kanina ka pa eh!" tinawanan niya lang ako at kumuha pa ulit ng cupcake

"Kasi, may college fair kami tapos.. may alam mo na.. mga booth.. tapos.. may concert, baka gusto mong manuod?" nasamid siya ng slight. Patay kang bata ka!

"Ha? concert?" Kagabi ko pa iniisip kung trip nga ba ni Anne yung mga ganitong bagay kaya medyo kinakabahan din ako.

"Oo.. may concert yung Parokya ni Edgar.. tapos may iba pa atang bands.. aayain sana kita manuod if gusto mo" saglit siyang natahimik at nagisip.

"Pano kung ayaw ko?"

"Ay.. ga..ganon ba? si..sige okay lang" nalungkot ako ng slight, baka nga di niya talaga trip tong mga ganitong bagay.

"Joke! eto naman, patola! sige.. che-check ko sa schedule ko if I have prior commitments.. text nalang kita ha?" putcha! parang may nagkikislot sa loob ng tyan ko, Jusko, Vhong! wag kang papahalata!

"Si..sige.. una na ko... dinala ko lang talaga yan at para tanungin ka rin hehe" medyo awkward pero I managed not to show that I am really excited, sana free siya!

"Vhong!! ingat ka! salamat sa cupcakes! they're so good!" ngnitian niya ako, and in return.. I smiled back at her. Putcha napapaenglish ako! Napakagat labi nalang ako habang palabas ako sa office niya. Di ko akalaing magagawa ko yon. Sa wakas, di ka na torpe, Ferdinand Navarro!

Nakasakay na ulit ako sa grab pauwi nang makatanggap ako ng text, dali dali kong tinignan kung sino yon.. Bumilis yung tibok ng puso ko, nasipat palang ng mata ko kung sino, kinabahan na agad ako.


Kung pwede lang magreact nang todo dito sa loob ng grab ay ginawa ko na. Putcha! Mission accomplished, tol! napakagaling mo, Architect Navarro!










A/N

Hi guys!! hahaha halata bang bored ako? chos! Eto na, UD ule! bwahahahaha! I must say, out of all the chapters that I wrote.. this is one of my favorites, or probably.. my fave so far haha! ramdam niyo ba? LOL! Mag comment kayo ha, para ganahan ule ako! chos!

SALAMAT!

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
175K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
120K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
814K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...