Magical Tale: Pure De Luxe (o...

By simplegorgss

17K 429 45

She's no one to someone, she's no where to be found and she's out of love by all. A girl wants to find hersel... More

Author's Note (Read)
Prologue
Introduction of the 5 castle
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 5.1
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.1
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12 Real
Chapter 13

Chapter 14

513 15 4
By simplegorgss

3rd person POV

"Wala na bang pag asang mahanap ang aking anak?" sambit ng reyna ng De Luxe Kingdom sa pinagkakatiwalaan niyang witch.

"Mahal na reyna, matagal ng wala ang anak nyo at ang Godmother. Simula ng gabing iyon, wala na tayong balita kung saan sila nagtungo" sabi naman ni Mira kay Reyna Victoria. Kitang kita sa mukha ng reyna ang lungkot, at ang pag asang sana makita niya ang kanyang nag iisang anak.

Umupo sa higaan ang reyna at nagsimulang umiyak. Gabi-gabi ay iniisip niya ito. Wala ding araw ang nagdaan na hindi niya iniiyakan ang pagkawala ng kanyang anak. Sinisi niya ang sarili niya kung bakit nawalay ang kanyang anak sakanya lalo na't ang kanyang kapatid na si Akasha na nagsabi ng propesiya kaya't napilitan itong ibigay sa isang Godmother at lumayo sa Madrinadia.

Tumayo ang reyna at lumabas sa silid niya.

"Ipatawag ang buong kawal" sabi ng Reyna kay Hiro, ang pinuno ng mga kawal. Sinunod agad siya neto at di nagtagal lahat ng kawal ay nasa harapan na ng reyna, sabay sabay silang yumuko upang magbigay galang kay Victoria.

"Ako'y umaasa sa inyong lahat na matatagpuan niyo ang aking prinsesa" panimula ni Victoria sa mga kawal. Kung tutuusin alam na ng mga kawal ang gustong iparating ng mahal na reyna.

"Gusto kong hanapin niyo siya, pumunta kayo sa iba't ibang mundo. Hindi tayo susuko sa paghahanap." malakas na sabi ng Reyna.

"Hiro, gusto kong maayos mong ipag sama sama ang mga kawal kung saang mundo ang tungo nila. Maliwanag ba?" utos ni Victoria sa pinuno ng mga kawal.

"Opo mahal na reyna" yumuko ito at umalis na. Aalis na rin sana ang Reyna ngunit my isang taobg naglakas loob na sumigaw at kwestyunin ang mahal na reyna.

"Paano tayo, mamatay tayong lahat kung siya ay babalik. Paano ang propesiya!"

"Hindi totoo yun!" sigaw ng reyna na kinatahimik ng buong kawal. Pinapaniwala na lamang ng mahal na reyna ang sarili niya na di totoo ang propesiyang yun. Kayang kaya niyang tiisin lahat makasama lamang ulit ang kanyang anak.

"Ginawa lang ng aking kapatid ang propesiyang yun, hindi totoo yun! Gusto lamang niya akong saktan" pagsisinungaling ni Victoria. Iba't ibang reaksyon ang nasa mukha ng mga kawal, may mga di naniniwala at ang mga sumasang ayon sa reyna.

"Ngayon, sundin nyo ang aking kahilingan. Ang susuway sa aking pinag uutos ay mapaparusahan o ipapakain sa mga tigre. Lahat kayo'y responsibilidad hanapin ang prinsesa." tuluyan ng umalis ang reyna at nagtungo sa kanilang silid mag-asawa. Ganyan na lamang kadesperada ang reyna sa paghahanap at kinakailangan pang takutin ang mga kawal para sumunod dahil alam niyang ang iba ay nagdadalawang isip dahil sa propesiyang nasambit ni Akasha.

Di magkanda ugaga ang reyna sa paghahanap sakanyang anak. Gusto man niyang umalis at siya maghanap ngunit di niya maiwan ang kanyang kabiyak na my sakit. Malubhang sakit sa kadahilanang pagkawala ng kanilang anak. Dinadamdam ng mahal na hari ang pagkawala ng kanyang anak hanggat sa ito'y humina ang pangangatawan.

Umupo ito sa tabi ng kabiyak niya at hinawakan ang kaliwang kamay.

"Mahahanap din natin si Rafah. Pangako"

Aliyah's POV

Di ko alam kung anong problema niya at sinusungitan nanaman niya ako kahit sanay na naman ako pero di ba dapat di siya ganun, dapat magtulungan kami kasi hawak ni Akasha si Lolo. Hmm? Baka naman.. OMG! napag isip isip na niya kayang ako talaga my kasalanan ng lahat ng ito? Hayy. Dapat lang talaga ako sungitan.

*poke *poke

"Ano?"

"Patawad z-" di pa ko tapos magsalita, eh hinalikan na ako ni Zoren. Aba't lintek! Nagsimula naman ulit siya maglakad at ganun din ako, aba di pwedeng halikan niya ko ng basta basta! Susugurin ko siya!!

"At sino ka s-" biglang humarap sakin si Zoren at ayun nga di nanaman ako pinatapos sa pagsasalita dahil hinalikan niya ulit ako. Sumusobra na siya.

"Isang salita katumbas isang halik" sabi niya at nakuha pang mag smirked. Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad na!

Habang naglalakad, nafifeel kong parang my naka masid sa aming dalawa. Humigpit ang hawak ko kay Zoren at lumapit pa ng kaunti sakanya. Naramdaman ata ni Zoren ang takot ko kaya inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at niyakap ako.

"Shh. Mga puno ang nakatingin sayo. Wag ka mag alala, di ka na nila ulit gagalawin." ohh, so andito pala kami sa gubat kung saan bawal mag ingay kundi gagawin kang isang puno. Well, subukan nila akong galawin, baka bigla silang matusta sa gagawin nila. Haha.

Ngumiti ito sakin at tuloy tuloy naglakad. Aba kanina ang sungit neto ngayon nakangiti na. Porke bang nakascore siya sakin ngayon? Grabe. Dalawang halik ang nanakaw niya sakin. Unbelievable!!

3rd person POV

Tumigil sa paglalakad si Zoren at Aliyah ng may marinig silang kalampag malapit sa kanila. Tumago pa ito sa likod ng puno.

"Hindi sila kalaban Zoren" nagulat ang dalawa sa biglang pagsalita ng puno lalo na si Aliyah.

Lumiyab naman ang mga kamay ni Zoren at tinutok sa punong iyon.

"Huminahon ka. Ikaw na nga tong sinabihan ikaw pa mananakit" sambit ulit ng puno.

"Sino ang mga iyon?" tanong ni Zoren sa puno, agad namang sinagot ito ng puno.

"ang dalawang prinsesa at ang prinsipe." naglakad na muli si Aliyah at Zoren patungo sa kinaroroonan ng mga prinsesa at prinsipe.

"Prinsesa Dayna! Prinsesa Aeya!" tawag niya sa mga to.  "At at at..P-prinsipe sky" nauutal pa na sabi ni Aliyah. Hindi pa rin maalis sa isipan nito ang unang tagpo nilang dalawa, at ang pagtulong nito sakanya.

Lumingon sabay sabay ang mga maharlika na my kanya kanyang expression, si Dayna na walang expression, si Aeya na nakastraight face at si Sky na nakangiti kay Aliyah.

Naglakad si Sky papunta kay Aliyah at hahalikan sana ang kamay nang itaas ni Zoren ang magkahawak nilang kamay ni Aliyah.

*ubo *ubo (ni zoren [kunwari]) bahagyang napaatras si Sky at ngumiting tago. Napatingin naman si Aliyah kay Zoren at inirapan ito.

"Bat nga pala kayo naririto?" tanong ni Aliyah sakanila. Sinagot naman ito ni Dayna.

"My hinahanap kaming my atraso samin."

"Ganun ba. Kami din e. My hinahanap. Db Zoren?" sabi nito ng nakasimangot ang mukha sabay umangat ang ulo para tumingin kay Zoren.

"Anong bang ginawa sainyo ng nilalang na yun?" tanong pa ni Aliyah.

"Sinunog niya ang mga puno sa hilagang kanluran kaya kailangan naman siya mahanap at pa..."

"parasuhan" patuloy ni Aeya sabay ngumiti. Napaisip isip ni Aliyah na ang ganda ni Aeya pag ngumingiti. Tila walang problemang kinakaharap. Mukhang wala naman talaga, sa isip ni Aliyah.

"Maari ko bang malaman kung sino ang hinahanap nyo?" sambit ni Zoren na nakastraight face.

"At bakit gusto mong malaman?" tanong ni Sky sakanya na siyang kinakunit ng noo ni Zoren. Talagang mainit ang dugo ng dalawang iyan sa isa't isa.

"Di din namin alam kung sino siya. Isa lang mayroon kami galing sakanya, ang kwintas na napulot namin." itinaas ni Dayna ang kwintas na sinasabi niya. Hindi mapakali si Zoren ng makita ang symbolo ng kwintas na yon, dahil siya ay mayroon ding ganoong kwintas. Nagulat siya dahil magkaparehas ang kulay at disenyo na mayroon siya.

"Paanong.."

"Patingin naman niyan. Ang ganda!" sambit ni Aliyah. Di na nasabi ni Zoren ang gusto niyang sabihin dahil sa eksena ni Aliyah. Si Dayna naman ay agad inabot kay Aliyah ang kwintas na tila kusang itong inabot at wala ng magawa. Pakiramdam niya kailangan niyang respetuhin ang bawat salita ni Aliyah.

******

Umalis na si Zoren at Aliyah kasama sina Dayna, Aeya at Sky. Napagpasyahan ng mga maharlika na sumama sa pupuntahan ni Aliyah at Zoren. Di man nila gusto itong isama ngunit si Dayna ang nagpumilit para na din daw matulungan sila kung sakaling my mga kaaway na darating.

"San ba kasi kayo pupunta? Bat ayaw nyong sabihin?" inis na sabi ni Sky.

"Di din namin alam. Basta hahanapin namin si Lolo, si Master Mines" napatigil si Dayna sa paglalakad ng marinig ang pangalang iyon.

"Master Mines? Ang matalik na kaibigan ni Master Moris? Bakit anong nangyari sakanya?" sunod sunod na tanong ni Dayna sa dalawa. Tumigil ang lahat sa paglalakad para sagutin ang tanong ni Dayna.

"Easy! Relax!" sambit ni Aliyah kaya gumulo utak ng apat. "Easy lang kayo. Una Prinsesa Dayna"

"Dayna nalang"

"Una Dayna, Oo si Master Mines ang matalik ni kaibigan ni Master Moris. At oo hinahanap namin siya dahil di namin alam kung san siya tinago ng bruhang Akasha na yun!" nagulat ang tatlong maharlika sa sinabi ni Aliyah at sa nabanggit niyang pangalan.

"Si Akasha?! Ang kapatid ng Reyna ng De Luxe Kingdom. Napakasama niya talaga!" sambit ni Aeya. Ngayon lamang nakita ni Zoren at Aliyah lalo na si Dayna at Sky ang paglaki ng boses ni Aeya, nakakatakot ito na tila malulunod ka sa bawat salita.

"Tutulungan namin kayo mahanap sila." sabi ni Dayna sakanila.

Biglang umihip ang hangin ng malakas at my isang bagay ang tumama sa puno. Isang maliit na dagger. Napapitlag si Dayna at Aeya, naramdaman nilang my sumusunod sakanilang lima.

"Ikaw ang puntirya Aliyah kaya ginamit ko na ang kapangyarihan ko upang umiba ang direksyon na dapat tatama sayo" sabi ni Sky kay Aliyah. Nagthank you si Aliyah sakanya. Umalis si Zoren sa pagkakatabi kay Aliyah at kinuha ang dagger nakasaksak sa puno.

Agad netong pinaapoy sa kamay niya at sa di inaasahang naging abo ito. Hanga ang apat na ugok sa ginawa ni Zoren dahil di nila inakala ang makikita nila.

"Umalis na tayo" sambit ni Aeya. Bago pa man umalis ang lima ay my mga enemigo ang lumabas sa mga puno, nakatago lang pala ito.

Pumwesto ang lahat para sa laban na magaganap liban lamang kay Aliyah na nasa likod lang ni Zoren.

Inutusan ni Dayna ang mga ugat na lumabas sa lupa at sinunggaban ang mga enemigong nakatapat sakanya, pinulupot ang mga ito hangga't sa mawalang ito ng hininga at mamatay.

Sa katabing bahagi ay gumawa si Sky ng isang tornado na my mga spikes sa loob nito at inutusang ubusin ang mga enemigong sumasalakay sakaniya. Gumawa din siya ng isang malaking shield upang di makapinsala pa ang ginawa niyang tornado.

Si Zoren at Aliyah namin ang magkasamang pumapatay sa mga enemigo. Pinalibutan ni Zoren ang mga enemigo ng apoy hanggang wala na sila mahinga. Sinunog din ito ni Zoren bago pa mawalan ng hininga. Biglang hinila ni Zoren si Aliyah patalikod at hinawakan bigla sa leeg ang isang enemigong sasaksakin sana si Aliyah. Malakas ang pakiramdam ni Zoren kaya ganun na lamang siya kaalerto.

Hinawakan niya ang leeg ng enemigo habang ito'y lumiliyab. Nagsisigaw pa ito na parang baboy na kinakatay.

To be continued.

~~

Si author antok na. Bukas ulit guys. Thank you sa mga nagcocomment at nagvovote dito. Sobrang naappreciate ko lahat ng mga nagcocoment at nagvovote sa story na ito. Thank you guys ulit. The end. HAHA Joke.

~simplegorgs

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...