(Enigma Trilogy) Linford Acad...

By Potato-sama29

530K 11.4K 810

Enigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witne... More

Author's note
Prologue
Main Character
Magic 1
Magic 2
Magic 3
Magic 4
Magic 5
Magic 6
Magic 7
Magic 8
Magic 9
Magic 10
Magic 11
Magic 12
Magic 13
Magic 14
Magic 15
Magic 16
Magic 17
Magic 18
Magic 19
Magic 20
Magic 21
Magic 22
Magic 23
Magic 24
Magic 25
Magic 26
Magic 27
Magic 28
Magic 29
Magic 30
Magic 31
Magic 32
Magic 33
Magic 34
Magic 35
Magic 36
Magic 37
Magic 38
Magic 39
Magic 40
Magic 41
Magic 42
Magic 43
Magic 44
Magic 45
Enigma Series 2
FaQs
Volume 2: Prologue
Volume 2 CH 1: Downcast
Volume 2 CH 2: Pain reliver
Volume 2 CH 3: look at me, Dont look at me
Volume 3 CH 4: The villian and superhero
Volume2 CH 5: Three seconds
Volume 2 CH 6: A storm disaster; Silver and Zack
Volume 2 CH 7: A storm disaster Silver and Zack part 2
Volume 2 CH 8: Unexpected event
Volume 2 CH 9: Nightmare
Volume 2 CH 10: Nightingale
Volume 2 CH 11: Silvercord
Volume 2 CH 12 : Silver trace
Volume 2 CH 13: In The Middle Of The Chaos
Volume 2 CH 14 Two Things
Important Announcement
Volume 2 CH 15 : Reason Why
Volume 2 CH 16: Chain Of The Past
Volume 2 CH 17 : Empathy
Volume 2 CH 18 : Sudden Attacks
Volume 2 CH 19 : Familyar Name
Volume 2 CH 20: Xandu Kingdom
Volume 2 CH 21: Just Go Arlea
Volume 2 CH 22 Sinha Forest
Volume 2 CH 23: The Olipo Tribe
Volume 2 CH 24 : Open Your Eyes
Volume 2 CH 24: You're Not A Monster
Volume 2 CH 25 :Beyond The Boundary
Volume 2 CH 26 : Eight Letters
Volume 2 CH 27 : Freedom
Volume 2 CH 28 Signal
Volume 2 CH 29 : Poison
Volume 2 CH 30 : I Decided
Volume 2 CH 31: Pitch Black
Volume 2 CH 32 : The Witch Queen
Volume 2 CH 33: The Queen In The Chess Board
Volume 2 CH 34: Untold Truth
Volume 2 CH 35: Reflection
Volume 2 CH 36: Spring Day
Volume 2 CH 37: This I Promise You
Volume 2 CH 38: Home Again
Volume 2 CH 39 : MEMORIES
Volume 2 CH 40: Flashback
Volume 2 CH 41: A Lie And Apple
Volume 2 CH 42 :the Difference Between Night And Light
Volume 2 CH 43 : Smile
Volume 2 CH 44: Feelings

Volume 2 CH 18 :Take Away

2.3K 56 0
By Potato-sama29

Zack's Pov

'Raven...!' sigaw ko habang sinusuong ko ang nagliliyab na pasilyo.

Kalat ang apoy sa buong paligid at sobrang kapal narin ng usok at hindi ito nakakatulong sa paghanap ko kay Raven.

'Tang*na Raven nasan ka na!' sigaw ko muli. Sinubukan kong controlin yun mga nadadaanan kong apoy para mawala ito ngunit sobrang kalat na nito kaya hindi ko na kaya.

Muli akong naglakad hanggang marating ko ang kwarto nina Raven. Hindi ko sure kung ito talaga yun ngunit pumasok ako roon ng makarinig ako ng boses.


'I'm here to take the late king's inheritance. I'm here to take you' ani ng isang boses ng lalaki kaya nagmadali akong pumasok roon.

Malakas ang kutob kong naroon si Raven.

At tama ng ang aking hinala. Naroon sya at hindi sya nagiisa dahil may kasama sya isang lalaking nakamaskara na medyo mahaba ang buhok.

Hawak nito ang kamay ni Raven at dahil ron ay kumunot ang noo ko.


'Raven' pasigaw kong tawag sa kanya ngunit hindi man lang nya inalis ang pagtitig nya dun sa lalaki na pawang walang naririnig. Imbis na si Raven yun lumingon sakin ay yung nakamaskara ang tumingin sa gawi ko.

Nakaramdam akong galit nung nagtama yung mga mata namin at lalo na at hawak nya ang kamay ni Raven. Hindi nya ba alam na ako lang ang may karapatan hawakan sya.


Papunta na dapat ako sa kinalalagyan nya para hablutin sya pabalik sakin ngunit nanlaki yung mata ko ng bigla sya hablutin nung lalaki papunta sa bisig nya si Raven sabay ng paglabas ng itim na usok na umakupa sa buong paligid ko.


Sinubukan kong hanapin sila sa  makapal na usok ngunit nabigo ako.

'Raven' tawag ko muli sa ngalan nya hanggang tuluyan ng mawala ang usok at bigla silang naglaho.

Napamura na lang akong ng sunod sunod ng napagtanto kong kinuha ng lalaking yun si Raven at wala akong nagawa. Tangna!

XXX


Silver's Pov


Kasaluyan pilit kong hinahanap sa paligid si Raven. Nabalitaan ko kasing may nakapasok sa loob ng Linford at nagsimula ng apoy sa girl's dormitories.

Kaya todo ang pagdadasal ko na sana nasa maayos na kalagayan si Raven. Ngunit hindi ko sya makita dito sa pinag relocation ng mga estudyante. Kaya binagtas ko ang daan papunta sa girl's dormitories at nakita kong maraming kawal na nakakalat sa paligid.

'Silver delikado pa sa loob. Ang grupo ko na lang muna ang pinapasok ko dito para iligtas yung isang binatang nagpumilit pumasok para iligtas yun isang babaeng na stuck ata sa loob' sabi sakin ni Ginoong Dante. Puno ng mga kawal dito sa loob ng paaralan.

'Binata? Kilala mo ba ito? At yun babae?' bigla tanong ko dahil nakaramdam na ko ng kaba.

'Yung anak ng punong tagapayo yun pumasok at yung estudyante babae ay hindi pa namin kilala' sagot nito. Bigla na kong napalunok ng laway ko sa aking napagtanto.

May mga kasunod pa itong sinabi ngunit hindi ko na ito binigyan pansin.

Si Zack ang tinutukoy nya at nakakasiguro akong si Raven yung gusto nyang iligtas sa loob kaya ganon na lang ang pilit nitong pumasok.


Hindi ko pinahalata ang kaba at pagaalala sumakop sa aking sistema at pasikreto akong pumasok sa loob ngunit bigla akong napatigil sa pagpasok ko ng nakita ko si Zack na hawak hawak ng tatlong kawal habang nakatungo.


Hindi ito kumikibo at pansin kong sobrang itim ng aura nito. Dumaan ito sa akin kinalalagyan ngunit inabaangan ko kung kasunod nito si Raven ngunit walang lumabas na Raven.

Kaya lumapit agad ako kay Zack.


'Where's Raven?' tanong ko at tumingin ito sakin. Bakas dito ang galit.


'Putang*na kinuha sya ng tarantadong nakamaskara yun!' biglang ani nito na napasuntok pa sa pader.


Nakuha si Raven? At hinayaan nyang makuha ito. Sya pala ang tarantado dito. Bakit hinayaan nyang kunin ng mga sibilyan si Raven.


Agad ko syang kinuwelyahan sa sobrang inis ko. Galit ako sa kanya ngunit mas galit ako sa sarili ko dahil maski ako ay walang nagawa. At yun ang nakakabaliw.


'Why do you fvckin allowed them to take her away?' bulalas ko dito dahilan para makuha namin ang atensyon ng mga tao sa paligid.


Sh*t wala na kong kontrol sa sarili ko. Naghahalo halo na ang nararamdaman ko.

'Where are they? Zack nasan ni dinala si Raven?' bulalas ko pa.


'Kala mo ba ginusto ko yun? Tangna gago ka pala e' sigaw nito pabalik sakin.


Hinawi nito ang pagkakahawak ko sa kanya. Ngunit hindi ko sya binitiwan'Hindi ko alam kung sang nila dinala si Raven. At kung alam ko baka kanina ko pa sila sinundan'

Lalo akong nainis sa mga sinabi nya. Maghahalo halo na yung nararamdaman ko. Sobrang dami ko ng iniisip dumagdag pa itong nangyari.

'Bitawan mo Silver. Hahanapin ko si Raven!' utos nito sakin.

Naramdaman kong may mga humawak samin mga kawal na pilit kaming pinaghihiwalay. Ngunit hindi ko talaga makontrol ang sarili ko. For holy sake nakuha ng mga kalaban si Raven.


'Magawat nga kayong dalawa. At sino ang kinuha ng mga sibilyan?' tanong samin ni Ginong dante na nagtataka sa mga nangyari.

'Bitawan nyo nga ako baka kayo ang makatikim sakin e. Kung pinapasok nyo sana agad ako hindi sya makukuha na tarantadong yun!' ani ni ni Zack na nagwawala.

'Huminahon muna kayo pakiusap. Hindi nakakatulong ang init ng ulo nyo dito' sayaw muli ni Ginoong Dante.

'let me go!' madiin kong utos ngunit hindi ako binitawan nun may hawak sakin

'Maliligtas ba ng pagaayaw nyo ang babaeng nakuha ha? Mas magandaKung tumahimik kayo at kumalma. Silver Sino ang nakuha ng sibilyan? galit na bulalas ni Ginong Dante.

'R-Raven Spade Martel. Kinuha daw ito ng isang nakamaskara ' sagot ko nya .

XXX


Third Person's Pov

'Who's that girl Crow?' tanong ng kasamahan ng binatang nakamaskara.

Napansin kasi ng mga ito na may dala dalang isang babaeng estudyante ata ang puno kanilang pangkat na sumugod at nagdulot ng sigalot sa Linford Academy.

Ngunit parang walang narinig ang binata at isinakay lang nito ang dalaga sa kabayo nya. Sanay na naman ang mga kasamahan nya sa gantong pakikitungo sa kanila ng lider nila ngunit lubha silang nagtatak kung bakit may dala itong dalaga e sa wala ito sa plano nila.

'Let's go' malamig na utos nito sabay patakbo ng sinasakyan nyang kabayo. Nilisan nila ang paaralan na kasaluyuang nagpapanic parin sa mga nangyari.

Sinuong nila ang kagubatan upang makauwi sa kanilang kaharian. Ang Xanadu Kingdom.

'Crow sino yan? Bakit mo yan dadalhin sa bayan natin?' tanong ni Xyprus ang kanan kamay ng binata at ang tanging kinakausap ng binata ng matagal.

Tumingin sya sa dalagang nasa harapan nyang nawalan ng malay. Ilang beses kumurap ang mga mata nya at kasabay ng pagiisip nito ngunit maski sya ay walang makuhang rason sa isip nya kung bakit nya kinuha ang dalaga ganon na hindi ito kasama sa plano.

'Nakita nya yung mukha ko' matipid na sagot ng binata at napataas na lang ang kilay ng kanan kamay nya sa kanyang sinagot.

'Anong gagawin mo dyan? Papatayin mo katulad ng ginawa mo sa ibang nakakita sayo?' usisa pa nito.

Napunta ulit ang tingin ng binatang si Crow sa natutulog na dalaga. Alam nya sa sarili nya na lahat ng ibang taong nakakakita ng mukha nya ay pinapatay nya ngunit nagtataka sya ng wala bakal ang isip nyang patayin ito o saktan man lang ito.

Pinili na lang ng binatang wag sagutin ang tanong ng kanan kamay nya. Nanatili na lang syang walang imik hanggang makarating sila sa kanilang kaharian.

Sa tarangkahan agad ay nagsitunguan ang mga taong nadadaanan nila sa kanila. Sanay na ang binatang si Crow na ganto ang turing sa kanya ng mga tao dito sa bayan nila.

'Crow san ka pupunta? Diba pinapadaan muna tayo ni Prime Minister Quebec sa kanya silid.' pigil sa kanya ng kanan kamay nya sa pagpasok sa bulwagan.

'Just wait me there' sagot nito sabay baba sa kanyang kabayo at muling binitbit ang dalaga.

Maglalakad na sana ito papasok sa bulwagan para dalhin ang dalaga sa silid nya ng pinigilan sya ni Xyprus kaya napalingo sya dito.

'Anong gagawin mo Crow? Bakit hindi mo na lang patayin ang babaeng yan. Ani nito sabay turo dun sa dalagang bitbit nya.

'this is not your business Xyprus so back off' sagot ng binata at muling pinahpatuloy ang paglalakad nya patungo sa kanyang silid.

Ng marating nya na ang kanyang silid at marahan nyang inihiga ang dalaga sa kanyang kama. Tinitigan nya ang mukha nito at muli nagtalo ang isip nya.

Kumunot ang noo nya dahil lubha syang nagtataka sa kanya mga ginawa. Hindi nya pa sigurado ang kanyang hinala ukol dito ngunit ganon paman ay dinala nya ito sa bayan nila at ipinasok pa sa silid nya.

Hinaplos ng binata ang maamong mukha ng dalaga. Ilang beses kumotra ang isip nya sa kanyang ginawa ngunit may tumutulak sa kanyang gawin ito.

Sa isip isip ng binata na unang kita nya palang dito habang umiiyak ay may kakaibang koneksyon na syang naramdaman dito. At hindi nya napigilan yun sarili nyang iligtas ito at punasan ang mga luha nito.

Napatigil sya sa ginagawa ng paghaplos sa mukha ng dalaga ng  lang sya napalingon sa pintuan ng kwarto ng may nagsalita dito.

'Sino ba ang babaeng yan Crow? At bakit idinala mo pa sya dito sa kwarto mo. For Pete sake dito sa loob ng kwarto mo na maski akong kaibigan mo hindi mo pinapapasok' ani ni Xyprus na kanina pa sya pinapanood. Lubha kasing nagtataka ito sa kinilos ng kaibigan. Hindi kasi normal na hindi agad patayin ng isang Crow ang isang nilalang na nakakita ng mukha nya.

'I said wait me there Xyprus.' sagot nito. Ngunit nagsmirk lang sa kanya ang kaibigan nya at pibagcross ang braso nito.

'Tch. May balak ka bang sabihin sa mga ministro at sa tatay mong may dinala kang babaeng taga ibang kaharian at take note taga Arzena kingdom pa dito satin?' tanong muli ni Xyprus.

Ngunit umiling iling ang binatang si Crow na nagpabuntong hininga sa kaibigan nya.

'She is my business so shut up' ani nito na lalong nagpasakit ng ulo ng kaibigan nya.

'Payong kaibigan lang Crow. Pag nalaman ng tatay mong may dinala ka dito taga Arzena kingdom ipapapatay nya ito sa pinaka malupit na paraan na alam nya. At maski ikaw ang malalagay sa alanganin. Kaya dispatsyahin mo na yan' sabi nito at tuluyan ng lumisan.

Ngunit na natiling kalmado ang binatang si Crow at muling pinagmasdan ang dalaga bago sya lumabas sa kwarto nya at sumunod sa kaibigan nya.

XXX

Magkasunod na Upadate with new characters. Sinipag ang lola nyo kaya enjoy (once in the blue moon lang yan sipagin. Kaya lubusin na) Enjoy guys labyah.

Legal wife ni Kim taehyung V

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...