My Husband Next Door (PREVIEW...

By Mandie_Lee

6.2M 54.5K 60.4K

This is the first book of the My Husband duology. Read the complete story in my VIP Group. Search TheMandieL... More

Teaser
Part 1 (SPG)
Part 2
Part 3 (SPG)
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15

Part 9

104K 3.4K 4K
By Mandie_Lee



GUSTO sanang pumasok ni Helga sa restroom ng kanyang opisina ngunit ayaw niyang mahalata ni Sloane na natablan siya kanina sa pagkakapatong nito sa kanya. Ah, what the hell? This bastard knew! He must have seen her flushed. But nevertheless, ayaw niyang magkaroon ito ng idea na nabasa siya sa kanyang pagkababae. Yes, she felt wetness down there and now she was freaking out about it!

Hindi niya alam na may kakayahan pala siyang ma-arouse sa ganoong sitwasyon, parang ipinagkanulo siya ng katawan kahit umaayaw ang pagkatao niya. Sex for her was something that she needed like everyone else. Aware siya doon. Pero hindi lang simpleng pangangailangan ang naramdaman niya kanina sa paglalapat ng katawan nila ni Sloane. She felt extreme want. A crazy, sinful, dirty kind of wanting.

Up to now, she could still feel the sensation of his engorged cock being crushed against her sex. Hindi naging hadlang ang mga saplot na tumatabing sa kanilang kasarian upang hindi siya mag-init. Mas lalong hindi naging hadlang ang kanyang galit at inis upang hindi bumangon ang pagnanasa.

"'You okay?" nakangising tanong sa kanya ni Sloane habang hilot-hilot ang leeg na lumapit sa harapan ng mesa niya.

"What do you mean I'm okay? Ikaw ang hindi okay diyan, eh."

"Mukhang uneasy ka kasi."

God! Mahulaan lang nito na basa ang panty niya ngayon at pagugulungin niya ito palabas ng kanyang opisina!

Nagtaray si Helga. "Of course, I feel uneasy right now. Muntik lang naman akong makapatay ng tao!"

She was exaggerating. Gusto lang niyang takutin si Sloane para lumugar ito sa tama kaya pinatikman niya ito kanina ng mga natutunan niya sa self-defense. But everything had escalated quickly.

"By the way, hindi ko gusto 'yung ginawa mo," nakasimangot na sabi ni Sloane. "Madadaan mo naman ako sa mabuting usapan, hindi mo na kailangang gumamit pa ng dahas."

"Dahas? I even held back. I could've snapped your pitiful neck, you know? Bakit ka ba nandito kasi?"

"I wanted to see you. Hindi natapos 'yung date natin noong Friday, marami pa tayong dapat pag-usapan."

"That was not a date, that was just a meeting," pagtatama ni Helga.

Ngumiti naman ang lalaki. "Call it whatever you want, basta date para sa akin iyon."

"Naka-schedule na tayong makasal sa March nineteen. Ipinapaasikaso ko na rin sa assistant ko lahat ng mga papeles na kakailanganin at mabuti't nandito ka para mapirmahan mo ang mga iyon. Kilala ng pamilya ko ang Judge na magkakasal sa atin at may connection kami sa City Hall so hindi na natin kailangang personal na maglakad ng mga papeles doon. We just have to show up on the day of the wedding to make it official. Huwag kang mali-late."

Sumipol ito nang matapos siyang magsalita. "You have this planned already?"

"Alangan namang iasa ko sa iyo? Pag-usapan din pala natin ang prenuptial agreement."

Tumingin si Sloane sa wristwatch nito. "Can we go out for an early lunch? Nagugutom na ako." Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. "Ituloy na natin 'yung date natin."

Helga rolled her eyes. Hindi na niya mabilang kung makailang-ulit siyang nag-ikot ng eyeballs kung kasama ang lalaking ito.

"Please?" apela pa ni Sloane.

"Fine. At itigil mo nga 'yang pagpapa-cute mo. Hindi mo bagay!" Tumayo siya't nag-excuse na magsi-CR muna. Mabuti na lang at may locker siya sa loob ng banyo ng opisina. She could change her damp panties.

"You know, drinking cold water helps, too," pahabol sa kanya ni Sloane nang tunguhin niya ang pinto ng restroom.

"Gago!" bulyaw niya rito.

Dala-dala ni Helga ang purse at ang briefcase na linisan ang kanyang mesa. Nang tangkain ni Sloane na kunin ang briefcase mula sa kanya ay iniiwas niya iyon.

"It's not heavy, I carry this everyday."

Nagbiro naman si Sloane. "Baka may lamang IED kaya ayaw mong ipahawak?"

Inirapan niya lang ito.

Nagpumilit ang lalaki na ang kotse nito ang gamitin nila. Inunahan siya talaga nito sa pagbubukas ng passenger's door ng kulay asul nitong Porsche Macan Turbo.

"Thank you, but you don't have to do that, you know?" sabi ni Helga rito.

Parang awkward at napahiyang nagkamot ng batok si Sloane. "Ang hirap ninyong intindihing mga babae. Pag tinutulungan namin kayo, inaakala ninyong iniisip naming mga lalaki na mahina kayo. Pero pag hinahayaan naman namin kayo, sasabihin ninyong wala nang gentleman sa mundo. Tapos ipapa-trending n'yo pa kami sa Facebook. Ang labo!"

Gustong matawa ni Helga ngunit nagpigil siya. May point naman ang loko, in fairness.

"Well, you won't be having that problem with me. Hindi ko kailangan ng tulong o alalay mo and it's not because nagpapaka-feminist ako or something. Ganoon lang ako talaga, no offense."

Nagliwanag naman ang mukha nito. "Okay! Point taken. Mabuti nang nagkakalinawan tayo."

Nang kotse na sila ay nag-umpisang mangulit na naman ang lalaki. "Saan mo pala natutunan 'yung fighting abilities mo?"

"Simpleng self-defense lang ang pinatikim ko sa iyo."

"That was not a self-defense. You attacked me!"

Lahat talaga ng sasabihin niya ay may nakahandang pangtapat ang taong ito. She didn't think he would back down, ever. Kahit pa siguro tutukan niya ito ng baril sa ulo.

"Actually, I am living a secret life, Sloane. Cover ko lang ang pagiging COO ng bangko. I was trained in Russia to be a secret agent of an underground organization of world-class assassins. Nasa Pilipinas ako ngayon para sa isang misyon, and I need to get married para mas kumapal ang cover ko. Now, I need to know if you're still with me or not. Oh, wait, hindi ka na pala makakawala dahil kailangan kitang patayin since alam mo na ang totoong pagkatao ko."

Helga saw her fiance's jaw dropped and that was the most hilarious thing ever.

"You're... you're joking, right?" naguguluhang tanong ni Sloane.

Noon na siya napatawa.

Napasipol naman ito. "Jesus Christ, Helga! I almost bought it."

Lumakas ang tawa niya. Halakhak, to be exact. And she never remembered laughing out so loud like this. "Oh, my God. I was right. You're watching too much TV!"

"Masisisi mo ba ako? You should've seen your face while talking. Napakaseryoso mo habang nagkukuwento ka, your voice was very calm. There was no trace of lying at all. How are you able to do that?"

Balik-seryoso si Helga. "Being emotionless, you mean?"

"Exactly."

"Well, I run a huge business, Sloane. I had to learn how to turn my emotions on and off."

"I like your laugh, by the way. At least marunong ka rin palang tumawa. Akala ko nga biglang kikidlat noong humalakhak ka."




NANG nasa restaurant na sila ay hindi nag-aksaya ng panahon si Helga. Agad niyang ipinabasa kay Sloane ang kanilang prenuptial agreement.

"Ano itong walang makukuha sa kayamananan natin ang mga illegitimate children?" iiling-iling nitong tanong nang nakarating sa ikalawang pahina ng mga papeles. "And why even put this in here, don't tell me—... May balak kang magkapamilya sa iba?"

"That clause is for you, Sloane," paglilinaw niya rito. "Wala akong balak magkaroon ng pamilya sa labas."

"Wala rin akong balak."

Kinunutan niya ito ng noo.

Bahagyang inilapit ni Sloane ang mukha sa kanya. "Hindi ka naniniwala?"

Bumuntonghininga si Helga. "Hindi mo pa rin ba lubos na naiintindihan hanggang ngayon kung ano itong pinapasok mo? Magpapakasal tayo para mapanatili ang kayamanan sa angkan natin. Kung gusto mong magkapamilya sa labas ay puwede mo silang tustusan but they are not allowed to have their own shares from our wealth."

"Ganito rin ba ang set-up ng ibang pamilya ng Papa mo? Kaya ba hindi niya pinakasalan si Leslie kahit patay na ang Mama mo?"

"Yes. This marriage of ours is going to be beyond grave, Sloane. Kahit patay na ang isa sa atin ay hindi pa rin tayo puwedeng mag-asawa ng iba. Maliwanag na ba?"

"Okay."

"You are willing to fully submit yourself to this marriage?"

"Oo. May forever daw, eh."

Umikot na naman ang eyeballs ni Helga.

"Living arrangements..." usal ni Sloane nang itinuloy ang pagbabasa.

"Bakante pa ang clause na 'yan dahil hindi pa natin napag-uusapan."

"Oo nga. Saan tayo titira?"

"May kanya-kanya naman tayong bahay—"

"Maghihiwalay tayo ng tirahan?"

"I told you already, hindi kailangang umakto tayong tunay na mag-asawa."

"Paano tayo magkakaanak kung hiwalay tayo ng tirahan?"

Exasperated na nagbuga ng hangin si Helga. "Ipinaglihi ka ba sa goldfish para magkaroon lang ng three-second memory?"

"Helga, ikaw yata ang nakalimot. Sinabi ko na sa iyong ayokong magkaanak via artificial insemination. And, by the way, myth lang 'yang tungkol sa goldfish short memory span na 'yan, they can actually remember things from five months ago. Yeah, I'm watching too much TV."

"At sinabi ko rin sa iyong hindi ako papayag makipag-sex sa iyo. And, obviously I was exaggerating about goldfish."

Sloane flashed a small grin. "Hindi puwedeng ang gusto mo lang ang masunod sa marriage na ito, Helga. I want us to make babies from the most natural way."

May goal talaga ang lalaking ito na maikama siya?

Nagtaka pa siya, pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina. This man was undeniably craving for her and he had managed to stir up something inside her to give in just like that. Nahihiya pa rin siya sa sarili niya hanggang ngayon dahil doon!

"Well, obviously ay hindi pa tayo nagkakasundo tungkol sa pagkakaroon ng anak. Good thing I didn't put it in the agreement."

"Lagay mo na lang na 'work in progress'." Kinindatan siya ng binata. "Anyway, gusto kong tumira tayo sa isang bahay. You can move in my house if you want."

"Us, living together?" Umismid si Helga. "As if kaya mong tumagal sa ganyang set-up."

"Try me," paninindigan naman ni Sloane.

Sumasakit na ang ulo niya sa usapang ito, sa totoo lang. "I have a house, it's big. Mas madali pag ikaw na lang ang lilipat doon. You can stay on one of the rooms. I don't really care."

Muli itong ngumisi. "Bakit hindi puwedeng magtabi tayo sa kama mo?"

"Dahil ayoko, okay? There's no need or reason for that."

"But—"

"Don't even try to push it, Sloane," mabilis na putol ni Helga sa hirit ng binata. "Besides, I want my privacy and I'm sure you would want yours, too. Hindi mo gugustuhing makasama ako sa iisang bubong, trust me. You know what, I have a better idea. Why don't you stay at the staff house?"

"Staff house?"

"Pag-aari dati ng isang senador ang bahay ko. May ipinatayong separate na tirahan para sa mga househelpers, drivers at bodyguards niya. Bakante iyon, puwede kong ipa-renovate kung gusto mo."

Hindi na kumontra si Sloane. "Can I take a look first?"

"Okay, but not today. May meeting ako mamayang alas-dos." Inilabas ni Helga ang isa pang folder mula sa dala niyang briefcase at iniabot iyon kay Sloane. "Ayan ang mga papeles for the wedding, pakipirmahan para mai-file na. As of the prenup, tawagan na lang kita pag na-finalize na at ready na mapirmahan," sabi niya saka sunod na ibinigay sa lalaki ang kanyang Caran D'ache Leman fountain pen.

"Wala ka nang itatanong sa akin?" tanong naman ni Sloane at inumpisahang pirmahan ang mga papeles.

"Wala pa akong maisip sa ngayon. I just want this meeting to be over."

"Hindi pa tayo nagdi-dessert."

"Sinabi ko na sa iyo kanina, ayaw ko ng dessert."

"Gusto mong malaman ang size ng paa ko?"

"Sloane!" halos tili ni Helga. "Nagdidilim na naman ang paningin ko sa iyo."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 21.8K 31
"You're mine, Rizon. I am willing to be your dirty secret just to be with you" Benjamin Series #1: Uno Rizon Benjamin Cover by: @aiarts If you want...
8.1K 150 7
Maya, a typical probinsyana girl, went to the city to find work. Her parents don't have a stable job to sustain their needs; that's why she decided t...
17.4K 549 40
THIS STORY CONTAINS SEXUAL/MATURE CONTENT THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. BE WARNED. Harriet Wade's father is dead and left her half of his...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson