My Husband Next Door (PREVIEW...

By Mandie_Lee

6.2M 54.4K 60.4K

This is the first book of the My Husband duology. Read the complete story in my VIP Group. Search TheMandieL... More

Teaser
Part 1 (SPG)
Part 2
Part 3 (SPG)
Part 4
Part 5
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15

Part 6

112K 3.2K 3.7K
By Mandie_Lee



"CALL me Sloane, sweetheart. What's with calling me by my last name? Magiging asawa mo na ako very soon."

Napanganga si Helga. Sa haba ng sinabi niya sa lalaking ito, ang tanging nag-sink in lang yata sa utak nito ay ang pagtawag niya rito ng 'Mr. Cartagena'. Unbelievable.

"Okay." Huminga siya ng malalim. Mukhang mapapasubok yata ang kontroladong pasensiya niya. And this was just their first meeting! "Sloane."

"Yes?"

God, here he goes with that stupid grin again!

"Don't call me sweetheart." May pagbabanta na ang boses niya.

"Okay, babe."

Wow. Ni hindi man natablan ng kasungitan niya?!

Gusto niya tuloy ihampas ang sariling mukha sa ibabaw ng mesa sa tindi ng frustration.

"Don't call me babe either. Tawagin mo lang ako sa pangalan ko."

"Why, what's wrong with calling you endearments?"

"Hindi ko gusto, okay? Hindi ba puwedeng sumunod ka na lang sa sinasabi ko?"

Sarcastic itong tumawa. "Honey, not everybody is your employee or business collegue. You can't just dictate us what to do."

Tumataas yata bigla ang presyon niya! "One more use of endearment and this meeting is over."

"And, now you're trying to scare me?" tila amazed pang sabi ni Sloane.

"I don't scare people, Sloane. I don't give them the chance to feel fear. Bago pa sila matakot ay nagawa ko na ang gusto kong mangyari sa kanila."

Sumeryoso naman ito. "Paano kung sabihin kong ayaw ko ng tinatawag mo lang akong Sloane? Paano kung mas gusto ko ng endearment? Pagbibigyan mo rin ba ako gaya ng gusto mong pagbigyan kita sa demand mo?"

For real?!

Helga scoffed and shook her head in disbelief and irritation. Goodness, hindi pa siya nakakakilala ng taong may kakayahang magbigay sa kanya ng sari-saring negatibong pakiramdam, lalo pa't sa unang pagkikita pa lang.

Presko at mayabang ang dating sa kanya ng mapapangasawa. Palibhasa siguro ay aware itong guwapo ito. Sloane's father was dark and tall but not really a good-looking man, pero ang genes ng half-American na ina ang namana nito pagdating sa facial features. He carried himself well with his sleek business casual attire, too. Helga normally disliked men with facial hair dahil untidy iyong tingnan para sa kanya. But Sloane's perfectly-groomed short stubble beard seemed to add maturity and substance to his face. He reminded her of those hot male models of high-end men's perfumes, except maybe that Sloane possessed both boyish and masculine features.

But, hey, that's beside the point! Hot or not, this sorry excuse of the male specie was irritating the hell out of her!

"Can we just call each other on first name basis?" Sinikap niyang magtunog pakiusap ang boses niya't hindi nag-uutos lang.

Muling ngumiti si Sloane. "See? Pag ganyan tayo lagi, 'di magkakasundo tayo."

"I told you already, hindi natin kailangang magkasundo. This marriage is nothing but a business," matiim niyang paalala.

"Paano tayo magkakaanak kung hindi tayo magkakasundo? I can't have sex with a woman who despise me."

"Sex?" She let out a soft sarcastic laugh before she sipped on her blood orange juice. "No, we're not gonna have sex, Sloane."

Napamaang ito sa kanya. "What do you mean? Malinaw ang sinabi sa atin na kailangan nating magkaanak."

"Magkakaanak tayo, oo. But I want it via AI."

"AI? Artificial Intelligence?"

"Really?" Ngumiwi siya rito.

My God, was she marrying an imbecile? Sabi na nga ba, sa gupit pa lang nitong halos shaved ang side ng ulo tapos mahaba ang buhok sa bandang ituktok ay may duda na siyang isa itong male bimbo!

Tumawa naman si Sloane. "That was a joke, babe. Geez, lighten up!"

Babe. Tinawag na naman siyang babe. Hindi ba talaga marunong tumupad sa usapan ang lalaking ito?!

"Pero seryoso ka diyan sa artificial insemination? Ayaw mo nu'ng mas masarap na alternative?"

Nag-init ang mga pisngi ni Helga sa tanong ni Sloane. Ewan niya, pero awtomatikong nag-play sa kanyang imagination ang sinabi nitong 'alternative'. Him, grabbing her and shoving her face down on the table and taking her from behind. Yes, she just had a thought of being fucked by this man. God, she wanted to disappear.

Naingat niya tuloy nang di-oras ang baso ng iniinom na juice. She ordered pure juice, walang halong alak. Ano ito't nag-iisip siya ng madumi ngayon?

Sa madumi naman kasi ang bibig ng lalaking ito, paanong hindi siya mag-iisip ng madumi rin? Dagdag pa na nakita na niya ang pagkalalaki nito sa video!

Sinikap niyang huwag ipahalata sa kausap na nabubulabog siya ng kabulgaran nito. "Wala ka na ba talagang nasa isip kundi sex?"

"Hey, just saying. Ayokong gumawa tayo ng anak sa hindi natural na paraan."

"I am not going to have sex with you, Sloane. Ever." Punong-puno ng conviction ang pagkakasabi ni Helga.

Uminom ng tubig ang lalaki bago nagsalita. "We'll see."

"Hindi mo ako mapipilit."

"Pilit?" Humalakhak ito. "Fact number one about me, wala pa akong babaeng pinilit na makipag-sex sa akin. So, no. Hinding-hindi kita pipilitin. So, when's the wedding?"

"Two weeks to a month from now would be ideal. Walang preparasyong gagawin dahil walang party. Literal na magpipirmahan lang tayo."

Umapela si Sloane. "Next month na lang."

"How about March the twelfth?"

"Sa nineteen na lang."

"May gagawin ka sa twelve?"

"Gusto ko lang mas ma-enjoy pa ang pagkabinata ko."

This whole marriage thing must be very, very hard for this jerk.

Tumuwid si Helga ng upo nang ihatid sa kanilang mesa ang appetizer. O kung may itutuwid pa ba ang pag-upo niya. Dahil sa pagpuwesto pa lang ni Sloane kanina sa kanyang harapan kanina ay parang may parte ng kanyang katauhan ang bahagyang nabuway. She had been struggling a bit to sit straight.

"Buti pala pinaalala mo ang facts about you," kaswal niyang sabi nang mag-umpisang kumain ang lalaki.

"Do you have questions? Fire away," sabi naman nito na naghahamon ang boses.

Humalukipkip siya. "Do you smoke?"

"I used to. I stopped three years ago."

"How often do you drink?"

"Occasionally."

"Occasionally, you mean gabi-gabi sa clubs?"

He sniggered before answering her. "I'm not a heavy drinker, Helga. Hindi ako 'yung taong umuuwing lasing."

"How about drugs?"

Tumawa ito. "Mukha ba akong drug addict?"

"Just asking."

"No." Sloane shrugged his shoulders. "I tried smoking weed one time, I didn't like it. Hindi rin ako sumubok ng ibang prohibited drugs. Takot ako sa nanay ko."

Mataman siyang tumingin sa mukha nito, he seemed to be telling the truth. Sa palagay niya, si Sloane ay iyong klase ng taong hindi matatakot magsabi ng totoo kasi wala itong pakialam sa consequences.

"Why are you asking me these? Akala ko ba hindi kailangang magkagustuhan tayo?" hanggang sa naiintrigang tanong nito sa kanya.

"Gusto ko lang malaman ang background mo. Malay ko ba kung serial killer ka pala. Nag-iingat lang ako."

Amused na napatawa si Sloane. "Last I checked, walang serial killer talaga sa Pilipinas. Alam mo kung bakit? Madami daw kasi tsismosa sa bansa natin, kaya hindi magkakaroon ng chance ang isang killer na magsagawa ng paulit-ulit at patterned na pagpatay kasi mabubuking siya agad ng mga kapitbahay niya."

Honestly, na-amuse din siya sa sagot nito. Pero hindi nagpahalata si Helga.

"Did you ever contract STD's?" tanong niya na lang.

"Whoa! Akala ko ba ayaw mong makipag-sex sa akin?"

"I'm just curious." Bakit defensive yata ang boses niya? Gusto lang niya iyong tanungin, nothing more.

"Nope, not ever. I'm clean and I'm always careful. Up to date din ako sa medical check-ups. Hindi ako basta-basta nakikipag-sex lang sa mga babaeng hindi ako siguradong malinis."

"May nabuntis ka na ba?"

"I told you, I'm always careful."

"You're aware that no contraceptive is a hundred percent effective, right?"

"Yes. And, so far, wala pa namang babaeng nagsabi sa akin na naanakan ko sila." Ipinatong nito ang mga braso sa mesa at ngumiti sa kanya. "So, don't worry, sa iyo lang ako magkakaanak. And definitely not via AI."

Gusto niyang mapalunok sa huling sinabi nito. Ayun na naman iyong nabubuway sa kalooban niya. What was that exactly, anyway? At bakit niya iyon nararamdaman sa lalaking ito?

"Ako naman ang magtatanong," sabi ni Sloane pagkalapag ng waiter ng kanilang mga in-oder na main dish.

Kinibitan niya lang ito ng balikat saka dinampot ang steak knife.

"Why are you doing this?"

Nagtaas ng mukha si Helga sa hindi niya inasahang tanong. "What do you mean?"

"Bakit ka pumayag na magpakasal dahil sa negosyo? You don't look happy to do it."

"I'd do anything to keep my family's business."

"I reckon you don't have a boyfriend at the moment?"

Natigilan siya saglit sa tanong na iyon. "No," pagkuwan ay tugon niya saka nagtungo siya ng ulo habang naghihiwa ng steak.

"Okay."

Ibinaba ni Sloane ang hawak na kubyertos. Nang tingnan ito ni Helga ay mas seryoso kaysa kanina ang itsura ng mukha nito. Uminom siya ng juice habang hinihintay ang sunod na itatanong nito.

"What is your favorite sexual position?"

Bigla siyang nasamid sa iniinom at lumabas ang likido sa kanyang ilong.

"You dirty bastard!" hindi niya napigilang sabihin kahit nasa hapagkainan sila. Nawalan na rin lang siya ng poise, lulubos-lubusin na niya, pati manners ay kakalimutan na rin niya.

"I was just joking," tatawa-tawa namang sabi nito ngunit maingat namang pinunasan nito ng table napkin ang kanyang mukha. "Sorry about that."

Padarag niyang pinalis ang kamay nito. "Do not touch me!" she hissed at him. She stood up and straightened her dress. "This meeting is over, you asshole."

Sa matinding inis ay halos hindi na namalayan ni Helga kung paano siya nakarating sa parking lot kung saan naghihintay sa kanya ang kanyang driver. Umusok yata ang bumbunan niya kanina sa lalaking iyon!

Ngunit hindi pa siya nakakalapit sa kanyang sasakyan nang may humawak sa kanyang braso.

"I'm sorry." Si Sloane.

She could swear, if it was only legal to kill, sisiguraduhin niyang bubulagta sa parking lot ang taong ito!

Oh, my God! Did she just have a homicidal thought?

"You... you're too impossible. I can't stand you!" asik niya sa pagmumukha nito sabay hila ng kanyang brasong hawak nito.

"Sorry na. Nagbibiro lang talaga ako. Napakaseryoso kasi ng usapan, hindi lang ako sanay," apologetic namang sabi nito.

"This marriage is not going to be a joke, Sloane. Itatak mo iyan sa utak mo, o kung meron ka mang utak."

"Hey, what's with the insult? Ako na nga itong nagpapakumbaba at naghabol sa iyo."

Aba't, nangonsensiya pa? Ibang klase!

"C'mon, let's get back inside. I kinda like talking to you." Lambing ba iyong kahalo ng boses nito?

Nagmatigas naman si Helga. "I said this meeting is over. Magkita na lang tayo sa ibang araw."

Humihirit pa rin ito. "Please—"

"You will have to drag me to get back in there, and if ever you will succeed, I swear to all gods and other supernatural, mythical beings in this universe... I will shove that steak knife into your throat!"

She just made a death threat! Hindi siya 'yung tipo ng taong nananakot o naninigaw. Pero sa lalaking ito, parang nawawalan siya ng kontrol at nagiging palengkera at basagulera siya!

Hindi nakapagsalita si Sloane, pero tumawa naman ito. Ni hindi natinag kahit kaunti sa threat niyang iyon. In fact, 'yung tawa nito ay parang sinasabing, "Okay, I will let you win this time."

Inirapan niya ito bago tinalikuran. Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na ito sumunod pa sa kanya. Diyos ko, nabawasan yata ng tatlong taon ang lifespan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 121 18
THIS STORY CONTAINS SEXUAL/MATURE CONTENT THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. BE WARNED. Harriet Wade's father is dead and left her half of his...
421K 8.1K 38
Wyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, g...
13.3M 196K 68
Eros Jacinto and Sienna Velazquez story🖤 You can now order the physical book on shoppee or Lazada. Available also on National bookstore nationwide! ...
8.8K 130 7
El Paradiso is an elite nightclub that will share the story of seven seductive ladies with their underground businesses. Seven different stories of...