Bound and Broken

By MindlessScripter

8.4K 269 47

I've never met anyone like her. She's way too different from all the girls that I've encountered. She's so se... More

Bound and Broken
Prologue
Bound One
Broken Two
Bound Three
Broken Four
Bound Five
Broken Six
Bound Seven
Broken Eight
Bound Nine
Broken Ten
Bound Eleven
Bound Thirteen
Broken Fourteen
Bound Fifteen
Broken Sixteen
Bound Seventeen
Broken Eighteen
Bound Nineteen
Broken Twenty
Bound Twenty-One
Broken Twenty-Two
Bound Twenty-Three
Broken Twenty-Four
Bound Twenty-Five
Broken Twenty-Six
Bound Twenty-Seven
Broken Twenty-Eight
Bound Twenty-Nine
Broken Thirty

Broken Twelve

241 9 1
By MindlessScripter

Sabrina

Tinangka kong buksan ang mga mata ko ngunit napapikit muli ako ng salubungin ito ng sikat ng araw.

Medyo nag-inat ako dahil parang nangangalay na yung kamay ko.

Naramdaman kong may braso na naka akbay sa akin at ako naman ay may niyayakap. Sandali... Nananaginip ba ako?

Nang nakayanan ko ng dumilat ay dahan-dahan kong nilingon kung sino ang nasa tabi ko.

Sumalubong naman sa akin ang mukha ng bagong gising na si Vince, nakangiti siya at gulo-gulo ang buhok.

"Good morning." Bati niya ng nakangiti at saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Good morning." Sabi ko at muling pumikit at niyakap siya ulit. Narinig ko siyang tumawa ng marahan.

Si Vince lang pala katabi ko eh.

Bigla akong napa-dilat at saka nanlaki ang mga mata. Sandali, mag katabi kami?!

Tinignan ko ulit  siya at nakita kong napakalapad ng ngiti niya, halatang natatawa pa ang loko pero pinipigilan lang.

Bigla naman akong napabalikwas at medyo umisod palayo sa kanya.

Hindi ko siya matignan, alam kong pulang-pula ako ngayon. Tapos may pa good morning-good morning at kiss sa noo pa! Shemay, bakit magkatabi kaming natulog?

"B-Bakit tayo magkatabi matulog?" Mahinang tanong ko. Nakakahiya talaga!!

"Nakatulog ka kagabi habang nagke-kwento." Nagkibit-balikat lang siya. "Napaka-disrespectful naman kung gigisingin pa kita para lang lumipat diba?" Nilingon ko siya at nakita kong nakasandal siya sa head board habang inuunan niya ang dalawa niyang kamay.

Oo nga pala, Nag-usap pala kami kagabi, sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.

Medyo bumaba ang tingin ko at nakita kong nakatanggal ang butones ng long sleeves niya tapos kita yung abs... Napalunok ako sa nakita ko. Juice colored! Nagiging mahalay na ako!

Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita kong nakatitig siya sa akin.

"Slept, well?" Pagtatanong niya.

"Yup. U-uhm Sige balik na ako ng kwarto ko." Tumango naman siya.

Papalabas na sana ako ng magsalita siya.

"Hey, thank you." Nilingon ko siya at saka ngumiti.

"You're welcome." Sabi ko at saka hinawakan na ang door knob.

"You look beautiful in that night dress." Napakagat labi ako sa sinabi niya. Bakit parang biglang naging husky ang boses niya. Shet.. Ang hot. Ay! Makalabas na nga!

"Ahaha.. T-thank you..?" Sabi ko saka nagmamadaling umalis ng kwarto niya.

Agad-agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at saka nag lock ng pinto.

Ang inet! My gosh! Halos di ako mapakali ngayon sa kinatatayuan ko!

Pumasok na ako ng banyo upang mag shower. Pero bago ko gawin yun ay tumingin  muna ako sa salamin.

Buti na lang hindi ako nag laway kundi jusko po, nakakahiya!

Napatingin ako sa labi ko. Dahan-dahan kong inangat ang isang kamay ko at nilapat it roon. Kumunot ang noo ko.

Umiling na lang ako at saka nag shower na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vince

Actually, kanina pa ako gising. Pinapanood ko lang siya matulog. Kung ano-ano nga pinag-gagagawa ko eh, pinaglalaruan ko buhok niya, kamay niya pati pisngi niya.

Natatawa ako pag naaalala ko yung expression niya kaninang umaga. Ang cute niyang tignan tapos nag blush pa. Napailing na lang ako sabay ngiti.

Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin ay naalala ko yung nangyari kagabi. Naramdaman niya kaya? Napakagat labi ako ng maisip ko ulit yun.

Paglabas ko ng kwarto ay sabay rin ng paglabas niya galing sa kwarto niya. Halatang medyo nagulat siya ng makita ako.

Naka-uniform na rin siya at ready ng umalis.

"Hatid na kita." Sabi ko.

"Wag na, baka ma-late ka pa sa mga appointments mo." Sabi niya saka ngumiti at tumalikod na.

Lumakad ako papalapit sa kanya at hinawakan ang wrist niya.

"Ihahatid kita." Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako pababa at pumunta sa kitchen.

May nakaready ng breakfast kaya nagsimula na akong kumain.

Narinig ko ang mga hakbang niya pababa ng hagdan at saka dumiretso rin sa kitchen at umupo sa tapat ko upang mag almusal kasabay ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

I don't know about her but I just figured, she didn't have a nightmare last night. And I was holding her all night and she was doing the same with me.

Maybe she just needs someone to make her feel safe. It's like another puzzle piece. When am I going to solve this mystery of hers?

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko na ang gamit ko at saka hinintay siya dahil nakalimutan niya daw yung bag niya.

Nang makuha na niya lahat ng kailangan niya ay sumakay na kami ng elevator. Kanina pa siya tahimik. Nahihiya pa rin ba to hanggang ngayon?

Kung yung tungkol naman sa appointments ko, Meron lang naman akong 4 at after lunch pa nakaschedule yung unang patient.

Nang makasakay na kami sa sasakyan ko ay pinaandar ko na agad patungo sa hotel kung saan siya nagtatrabaho.

"Hey, okay ka lang?" Hindi ko na nakayanan kaya nagsalita na ako.

"Huh?" Kumunot naman bigla ang noo ko.

"Sabi ko, okay ka lang?"

"Ah, haha oo. Okay lang ako." Nag thumbs up pa siya sabay salpak ng ear phones.

"Kaya naman pala.." Bulong ko. Umiling na lang ako at nag concentrate na sa pagmamaneho.

Pagkarating namin doon ay isa isa na niyang kinuha ang mga gamit niya.

Napansin ko namang kanina pa nakatingin samin ang isang lalaki doon sa loob ng hotel. O mas tama bang kay Sab lang siya nakatingin?

Humigpit ang hawak ko sa manibela ng nakita kong lumabas ito at parang inaantay niya pa si Sab.

"Hahatid kita sa loob." Halata namang nagulat siya.

"Sandali, bakit?"

Tinanggal ko na ang seatbelt ko saka lumabas ng sasakyan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sabrina

Ano na namang balak nito? Pumayag na nga akong ihatid niya ko hanggang dito, pero pati ba naman sa loob? Ano ako? Senior citizen?

Hindi na niya sinagot ang huling tanong ko, bumaba na siya at pinag-buksan ako ng pinto.

"Let's go." Inabot niya pa ang kamay niya sakin.

Dahil ayaw kong abutin ang kamay niya ay hinatak niya na lang ang kamay ko. Kaya ngayon HHWW ang peg namin.

Nakakahiya ka, Vince! Bwiset!

Where is he going with this?

Hinatid niya ako hanggang sa reception kung saan ako naka base.

"I'll pick you up, later. I want to see you here and not over there." Tinuro niya pa yung bar kung saan nagkaroon ng party yung boss namin last week. Geez. Para naman akong bata.

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Ngumiti siya tapos bigla niyang pinalupot ang braso niya sa bewang ko at saka ako hinigit palapit sa kanya.

Hindi agad ako nakapag react sa ginawa niya. Sobrang lapit niya. Naramdaman ko ang labi niya sa tainga ko, ramdam ko din pati paghinga niya. Parang nakikiliti ako. Amoy na amoy ko din ang pabango niya pati yung shower gel na ginamit niya kanina.

He smells, divine.

"Be careful okay?" He said. I nodded my head as a response.

"I want to hear it." What is it with him today? He's being bossy.

"Yes, I'll be careful." I said and with that I felt his lips on my cheek.

I was shocked by what he did and I know that I'm blushing right now.

"See you later, baby." He said then left.

My mouth dropped open as I realized what happened. Baby?! What the hell?

Umiling-iling na lang ako at pumunta na sa pwesto ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mabilis na lumipas ang oras. Halos di rin naman ako nakapag concentrate sa trabaho dahil sa ginawa niya. Ano bang pumasok sa utak nung Vince na yun at ginawa niya.

At talagang pinarinig niya pa sa mga katabraho ko. Puro pang aasar tuloy inabot ko kanina.

Tapos na ang shift ko, paglingon ko sa orasan ay 20:45 na. Maaga pa pala.

Nanjan na kaya si Vince?

"Sab! Tara bar tayo!" Pagyayaya ni Alice.

"Ah hindi na. Kayo nalang."

"Ano ba yan! Ang KJ mo! Libre naman ni Sir Kyle eh, tara na kahit sandali lang!" Napakagat labi ako. Alam kongmahirap para sa akin ang tumanggi pero kasi...

"Come on, Sabrina. Just a quick drink." Narinig kong sabi ni Sir.

Bigla naman akong hinatak ni Alice. "Tara na! 30 minutes lang."

Nang makarating kami sa bar ay pumwesto na kami sa lamesang nakareserve para sa amin.

Pagka-upo ko ay tumabi sa akin si Sir Kyle. Aaminin ko, ang uneasy ng feeling pag kasama siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Order anything you like, Sabrina." Bulong niya sa tainga ko. Naramdaman kong parang sobrang lapit niya. Medyo umisod ako palayo sa kanya.

Lumipas na ang 30 minutes. Isa lang ang ininom ko pero yung iba kong kasama, halos ubusin na yung alak dito. Kahit si Sir Kyle medyo lasing na.

Kailangan ko ng umalis.

"Excuse me, punta lang ako ng restroom" Sabi ko at saka tumayo na.

Pagkatapos ko ay agad na akong lumabas. Aalis na ako sa ayaw at sa gusto nila.

Nagulat ako ng makita ko si Sir Kyle na nakatayo sa harap ng pinto na parang hinihintay akong lumabas.

"Ang tagal mo ha. Tara na." Sabi niya saka ako hinigit. Pumiglas naman ako mula sa kanya at saka lumayo.

"Sir, uuwi na po ako. Late na tsaka may mag susundo sa akin."

"Mag susundo? Yung boyfriend mo ba? Hindi ka susunduin nun, tara na!" Ngayon naman ay tinulak ko na siya.

"Uuwi na ako." Sabi ko at saka tinalikuran siya. Pero nabigla ako ng bigla niya akong hatakin at kinorner sa pader.

Shit! Ano na naman ba tong pinasok ko?

"You're not going anywhere, Sabrina." Sabi niya at saka sinimulang halikan ako sa leeg, sa pisngi.

Shit! This man is a maniac!

Pilit ko siyang tinutulak pero ako mismo ay nanghihina dahil sobrang lakas niya. Mariin akong napapikit. Kailangan kong makaalis dito.

Isa lang ang naisip ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. Halos maiyak na ako sa ginagawa niya. Hindi ako makalaban. Shit!

Vince.. Where are you..?

Naramdaman kong tumigil ang paghalik ni Sir Kyle sa akin.

Pagdilat ko ay nakita kong nakabulagta sa sahig si Sir at bugbog sarado.

Napalingon naman ako sa taong tumulong sa akin.

Para siyang papatay ng tao. Nanginginig pa ang mga kamay niya at napakadilim ng aura niya.

Lumingon siya sa akin at tinitigan niya ako. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Parang napapaso ako sa tingin niya.

"Vince.."

NOTE: Please share your thoughts about the story for every update. Your reactions are highly appreciated! Thanks. 

P.S. I'm open for any comments, suggestions or violent reactions.

-Scripter

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 45.9K 61
Myanmar × BL Uni/Zaw [ 2 ] Warning..... Start Date: 29.9.2023 End Date: 20.11.2023 Photo Crd
91.9K 11.7K 74
English title - The Green Tea's Crushing Victories in the '70s [ လက်ဖက်စိမ်းမလေး၏ ၇၀ပြည့်နှစ်များဆီက အောင်ပွဲများ ] translation novel
627K 60.1K 88
ရုန်းမထွက်ချင်မိတဲ့ မျက်ဝန်းသေတွေ၊ လှုပ်ရုံမျှပြောသည့် နီဆွေးဆွေးနှုတ်ခမ်းလေးနှင့်အတူ ထွက်ပေါ်လာသော နွေးထွေးနူးညံ့သံ။ မမလွမ်းကို တွယ်တာမိတဲ့ခဏတာမှာ ဖ...