Senyth Academy: Immortal Hear...

Por FrostbittenTiger_

2.4K 734 1.5K

Start: 11/25/17 End: ON-GOING (But very slow updates) Everything was going well for Louise. A loving family a... Más

Prologue
Author's Note
Copyright
Chapter One: The Beginning
Chapter Two: Bothered
Chapter Three: The Warning
Chapter Four: Tragedy
Chapter Five: Aftermath
Chapter Six: Ellis Smith
Chapter Seven: Subtleness
Chapter Nine: Enlightened
Chapter Ten: Assurances

Chapter Eight: The Others

107 21 65
Por FrostbittenTiger_


Third Person's POV


"Not this one," Ellis muttered to himself as he flipped another page of the book that he was reading. Kanina pa ito nakakulong sa opisina niya at tila ba may hinahanap ito dahil nagkalat ang mga papel sa paanan niya. Napakarami ring mga libro na nakapatong sa mesa niya. May mga nakabukas magmula sa pinakahuling pahina at mayroong ilan na may mga tupi sa gilid ng pahina.



Naihilamos na lamang ni Ellis ang palad niya sa kanyang mukha at mariing tumingin sa mga kalat sa paligid niya. Napabuntong hininga na lang siya at binalik ang kaninang hawak na libro sa lalagyan nito.



"This is pointless," pagkasabi nito ay sinimulan niyang iligpit ang mga papel at mga libro. Ginamit niya ang kanyang ability para mas madali niyang matapos ang pagbalik sa mga ito. Wala pang isang minuto ay malinis na ulit ang kanyang opisina.



He sat down on one of the chairs and leaned back his head on its rest. Then he removed his glasses and closed his eyes for a bit and tried to clear his mind with whatever that's bothering him. These past few days has been really stressful for him though he's not showing it whenever he's accompanying Louise. He doesn't want her to ask more questions about this place.



Those questions.



He will have to answer them eventually. Actually, he wanted to answer them then and there but he stopped himself from freaking out the girl even more. She looked scared enough to be even more scared. And then there's the problem with her parents and her brother. He told the Headmaster about what happened that night when he found her. The Headmaster didn't say anything and he expected that which frustrated him even more.



Muling binuksan ni Ellis and mga mata niya at hinawakan niya ang kaniyang sentido. Pagkatapos ay wala sa sariling ginulo niya ang kanyang buhok. Nabalik lamang siya sa kanyang sarili nang biglang bumukas ang kanyang pinto at isa-isang pumasok ang tatlong taong matagal na niyang hinihintay. Isang babae at dalawang lalaki na nakasuot ng mga itim na travel cloaks. Tinitigan niya ang mga ito isa-isa at napailing na lang.



"Ever heard of knocking?" walang gana nitong tanong sa tatlo.



Tumawa naman yung babae at sinagot si Ellis. "Sir, bakit ganyan po ang itsura niyo. Mukha kayong stress na stress. Nag-aalala kayo sa amin, no?"



"Maybe." Maikling sagot ni Ellis at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos rin niya ang ginulong buhok para hindi na siya asarin ng mga ito. Narinig niya pang tinawanan ng isa sa mga lalaki yung babae at nakita niya kung paano ito mabatukan sa likod ng ulo.



"Sir, our mission is complete," sabi nung isa pang lalaki sa gitna. Pagkatapos ay may nilabas itong makulay na orb mula sa bulsa ng cloak nito at iniabot kay Ellis.



Kinuha ito ni Ellis at pinagmasdang maigi. "Mabuti na lamang at nasa pangangalaga na muli ng academy ang orb na ito. Kung napunta ito sa maling mga kamay, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin."



Ibinalik niya ang tingin sa tatlong taong kaharap niya ngayon. "Kailan pa kayo nakabalik?"



Ang muling sumagot ay ang lalaki sa gitna. "Kababalik lang namin kanina."



"Oo nga po eh, Sir Ellis," singit naman nung isa pang lalaki at saka dumiretso sa inupuan niya kanina. "Nakakapagod sobra. Pwede po ba akong makiupo?"



Napatitig lang si Ellis dito at saka tinaasan ng kilay. Nginitian lamang siya nito.



"Did you hurt anybody while retrieving the orb?" he asked all of a sudden and looked at the guy in the middle. Nakatitig lang din ito kay Ellis bago sumagot.



"There were no casualties but...," the guy answered but then he bit his lip. "I may have destroyed some... things."



Nanlaki na lang ang mata ni Ellis dahil doon at saka napailing na lang pagkatapos. "I guess that can't be helped. Anyway, excellent job for retrieving the orb that those bastards stole. You can go back to your rooms now so you can rest."



Pero parang walang narinig ang mga ito at hindi man lang gumalaw sa mga pwesto nila.



Instead, the guy who spoke earlier came closer to him and asked something. "Is the last elemental been found already?"



Napatingin naman si Ellis dito. At kagaya kanina ay blangko ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nakikita niya na may ibang sinasabi ang mga mata nito. Kuryosidad.



"How did you know about that?" pabalik naman na tanong ni Ellis dito. Malamang ay nalaman ng mga ito mula sa Headmaster.



"Before we got here, we went to the Headmaster's office first," sagot nito sa kanya.



Sabi na nga ba eh. Nasabi na lamang ni Ellis sa isipan niya.



"Yeah, as you may have heard from the Headmaster, the last elemental has been found," panimula niya. Pagkatapos ay lumapit siya sa isang book shelf at sumandal doon.



Nakita niyang nakuha rin ang atensyon ng dalawa pa nang mabanggit niya yun. Lalo na ang babae na tumayo at nilapitan pa siya.



"Talaga po, Sir Ellis?" tanong nito sa kanya. "Nasaan na po siya? Nakaka-excite naman!"



Ellis scratched his forehead before answering. "She's staying in her room for the meantime because she's still not okay."



Nanlaki ang mga mata ng babae nang marinig yun. "Babae po yung last elemental?!"



Pinigilan ni Ellis na matawa sa itsura nito dahil alam niyang seryosong usapan ito pero hindi niya mapigilang mapangiti at saka ito tinanguan. Lalo namang na-excite ang babae at nagtatalon pa ito sa pwesto nito.



"Hindi na lang ako yung babae sa grupo! Finally!" sabi nito sa kanya habang nakangiti ng malapad. "Nasaan po yung kwarto niya? Gusto ko po siyang pumuntahan para makapagpakilala na po ako." Pagkatapos ay dumiretso na ito sa may pintuan at akmang lalabas na. Agad namang pinigilan ni Ellis ang babae bago ito makalabas.



Nalungkot naman ang babae dahil dun at tinanong kung bakit siya pinigilan ni Ellis. Napabuntong-hininga na lang ang guro bago niya napagdesisyonang ikwento ang nangyari rito.



"You know, she was in a really bad state when I found her together with her brother," panimula ni Ellis. "They were attacked by a minotaur. They were with their parents when that happened but too bad, I can't do anything to save them. Hindi ko alam kung paano nangyaring may nakahanap agad sa kanya pero isa lang ang alam ko," tinitigan niya ang tatlo isa-isa. "Nagsisimula na ring kumilos ang mga kalaban natin."



"Kawawa naman siya," narinig ni Ellis na sabi ng babae at nakita niya itong nagpupunas ng luha. "It must be really hard for her and her brother."



Tumango naman si Ellis. "That's why you should understand na hindi pa siya pwedeng magpakilala sa inyo. She's still adjusting and I haven't told her everything yet. But don't worry, you will eventually meet her when classes start so you shouldn't be worried."



Dahil sa sinabing yun ni Ellis ay nagliwanag muli ang mukha ng babae at nginitian siya nito. Bigla naman nagsalita ang lalaking nakaupo kaya napalingon ang babae rito at saka nilapitan.



"Anong sinabi mo?" tanong ng babae habang nakatingin ng masama sa lalaki.



"Ang sabi ko ang ingay mo tapos napaka-O.A mo pa," sabi ng lalaki tapos ay nginisihan niya pa ito dahilan para mas lalong mainis ang babae. Pero maya't maya ay tumigil din ito at itinuon ang atensyon kay Ellis. Tila wala lang dito ang masamang tingin ng kasama.



"Totoo po bang babae yung last elemental?" tanong nito kay Ellis tapos ay ngumiti ito. "Ano pong itsura niya, Sir Ellis? Maganda po ba siya?"



Ellis looked at the guy disapprovingly pero tumango siya na lalong nagpalapad sa ngiti ng lalaki. Napatingin naman si Ellis sa isa pang lalaki na kanina pa tahimik ngunit pansin niyang interesado rin ito sa pinag-uusupan nila.



"You three, go back to your rooms now and rest. I know it's been a long journey for all of you," maya't maya ay nasabi ni Ellis sa kanila. Tumango naman ang babae at nagpaalam na sa kanya saka naunang lumabas. Tumayo na rin ang lalaki mula sa kanyang upuan at nagpaalam kay Ellis bago lumabas. Ang naiwan na lang ay ang lalaking kanina pa tahimik kaya napatingin si Ellis dito.



"What about you? Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong niya rito pero nanatili lang ito sa pwesto niya habang nakatitig sa kanya.



Ellis can't help but feel really intimidated by this student of his. The way he stared at him and all is really unnerving. It felt like he was trying to read his mind pero hindi naman ito pwedeng magkaroon ng telepathic ability dahil isa itong elemental. Ellis remembered that an elemental cannot have two abilities but their abilities can evolve.



Mga ilang segundo din silang nagtitigan nang magsalita ang lalaki. "What's her name?"



Nagulat naman si Ellis nang marinig ang tanong nito kaya napatitig lang siya sa lalaki na seryoso pa rin ang mukha tapos ay hindi na niya napigilan at tinawanan niya ito. "Really? I knew you're also interested. Inantay mo pang makaalis yung mga kasama mo bago ka magtanong ha."



He seems to have a death wish dahil sa pagtawa at pag-asar niya sa estudyante na pero hindi na lang niya inalintana dahil bihira niya itong makita na magkaroon ng interes sa kahit na ano maliban sa mga bagay na may kinalaman sa ability nito.



Unti-unting napatigil si Ellis sa pagtawa nang makita na masama na ang tingin ng lalaki sa kanya. Alam niyang maiksi ang pasensya nito and just like the element that he posseses, he has a bit of a temper.



Walang sabing tumalikod ang lalaki at mabilis na tinungo ang pintuan at saka malakas na ibinalibag ang pinto nito. Tatawa pa sana ulit si Ellis nang makita niyang magliyab ang mga papel at libro sa mesa niya. Agad siyang nag-teleport papunta sa mesa niya at pinagmasdan ang mga ito na nilalamon ng apoy.



"SHIT!!!!"



************

I haven't mentioned their names yet and instead, gave you an overview about their personalities. Next update is tomorrow! Thank you for reading po. :))


April 27, 2020

Seguir leyendo

También te gustarán

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...