Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C13: Freya
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C42: The monster inside
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C41: Beginning of an end

167K 3.6K 1.3K
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


Hinawi ko ang buhok ko bago pumasok sa main gate ng school. Pinakita ko sa guard ang I.D ko bago para makapasok. Nilabas ko ang cellphone sa maliit na bulsa ng bag ko upang tignan ko ang oras, 6:10 AM. Maliit lang na bag ang dala ko. Tanging reviewer at pagkain ang laman. Balak ko kasing hindi lumabas ng classroom sa snacks at manatili na lamang sa loob para mag-review. Hindi rin kasi ako nakapag-review nang maayos, sa sobrang pag-iisip ng kung ano anong bagay na dapat ko na lang ipagwalang bahala.

Ang tanga mo Denise.

Iyan ang ilang beses kong sinabi sa sarili ko. Napa-buntong hininga ako.

"Anong nangyari?" Bigla kong nakita si Lilith sa tabi ko. Muntik na kong mapasigaw sa gulat dahil sa biglaan niyang paglitaw. Para siyang kabute, kung san san sumusulpot.

"A-Ah wala naman." Tugon ko sa tanong niya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong niya ngunit nakatingin lang siya nang diretso sa dinadaanan namin.

"Nagulat lang ako sayo," sambit ko.

"Wirdo." Narinig kong binulong niya pero hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Siguro dahil ito ang unang beses na kinausap niya ako nang ganito.

"Ang cute naman ng teddy bear mo." Sabi ko nang napansin ko ang yakap yakap niyang kulay brown na teddy bear. "San mo nabili yan? Sa Blue magic?" Tanong ko pa.

"Si Andy to." Biglang tugon ni Lilith.

Napatigil ako nang ilang sandali sa sinabi niya. Na tila ba'y kinakalikot ko ang isipan ko kung ano sa mga tanong ko ang sinagot niya.

"Andy?" Tanong ko muli sa kanya.

"Oo, si Andy. Bingi ka?" Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya sa tabi ko at tuloy tuloy sa third floor habang yakap pa rin ang teddy bear niya. Ngumiti ako bago magpatuloy sa paglalakad.

Sobra ko nang namimiss ang best friend ko.

Binuksan ko ang pinto ng classroom at pumasok sa loob. Punong-puno ang isipan ko. Ni hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong intindihin. Maraming bumabagabag sa akin. Siguro mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang nanyayari sa klase kaysa sa mga ganito...

"Fvck!" Sigaw ni Amanda.

Nakita ko na lang ang sarili ko na halos sumubsob sa sahig. Tinignan ko si Amanda na masama ang tingin sa akin. Hindi ko namalayan na nabangga ko pala siya. Pinagpag ko ang palda ko hanggang sa tuhod nang nakatayo ako.

"Sorry, Amanda." Sambit ko bago umalis.

"Hoy babae!" Rinig ko ang pagsigaw niya muli.

"Halika nga rito."

Lumingon ako at tinuro ang sarili ko. Ako ba ang tinatawag niya?

"Oo, ikaw. Huwag mong dalhin ang katangahan mo rito sa school. Maglalakad ka na nga lang, tatanga-tanga ka pa." Nakangising sinabi ni Amanda sa akin.

"Nag-sorry naman ako di'ba?"

Naalala ko muli ang mga paalala sa akin nila Mama't Papa. Na huwag na akong basta tumahimik na lang. Na magsalita ako para sa sarili ko at huwag kong hayaan na basta na lang nila akong pagtulungan.

"Wow! Lalaban!" Sigawng isa sa mga kasama ni Amanda. Nakita kong ngumisi muli si Amanda bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hoy babaeng tanga, diba sabi ko lumapit ka rito?"

Para wala nang gulo lumapit ako sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng ilang beses.

"Pulutin mo." Wika niya.

"Pulutin ko? Ang ano?"

"Tanga! Ano pa ba ang pinupulot? Edi yung nalaglag!"

Sabay-sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Amanda. Kahit na nakaramdam ako ng inis pinabayaan ko na lang. Dahan-dahan akong umupo upang pulutin ang notebook na nalaglag siguro nang nabangga ko siya.

"Ayos pala to ano? Para siyang lumuluhod sa harap ko." Narinig kong sinabi muli ni Amanda kasabay ng nakakabingi nilang tawanan.

Tumayo ako agad at pinatong sa katabi kong upuan ang notebook niya.

Kinuha ni Amanda ang notebook niya at bigla itong binitawan sa harap ko.

"Oops. Nalaglag ulit." Kahit mahina naririnig ko ang mga bungisngis nila.

Sobra na.

Hindi ko na kaya.

Sisigawan ko sana sila nang biglang nagsalita si Lilith na nasa likod lang nila Amanda.

"Hindi ba kayo tatabi?" Matigas na pagkakasabi niya kina Amanda.

"At bakit?" Nakataas ang kilay ni Amanda noong tumugon siya kay Lilith.

"Siguro dahil nakaharang ka sa daan." Sarkastikong tugon ni Lilith sa kanya.

Nakita kong umirap si Amanda at tila ba nawalan ng sasabihin.

"Lalabas ako kaya tumabi na kayo. Hindi nyo ba alam na ang iingay nyo, kitang nagre-review ang mga kaklase natin." Napatingin ang buong klase kina Amanda dahil sa napalakas ang boses ni Lilith. Pipigilan na dapat ni Nichole ang nangyayaring sagutan dito sa harap ngunit napigilan siya ng mga kasama ni Amanda.

"Sino ka ba dito? Nagbago lang ang itsura mo, lumakas na ang loob mo. Gusto mo bang makatikim sa akin?"

Naroon lang ako, nakatayo sa pagitan nila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mukhang kapag hindi naagapan ay magkakaron ng away sa pagitan nilang dalawa.

"Hindi ako gutom." Malakas na pagkakasabi ni Lilith.

Narinig kong nagtawanan ang grupo nila Amanda.

"May sinabi ba kong nakakatawa? Wala akong sinabing pwede nyo akong tawanan," dagdag ni Lilith.

Lumapit sa kanya si Amanda at hinawakan si Lilith sa magkabilang pisngi. Agad namang inalis ni Lilith ang pagkakahawak ni Amanda sa pisngi niya.

"Wala akong sinabing pwede mo kong hawakan." Pagkatapos niyang sabihin yon ay dere-deretso siya sa labas.

Natameme ang grupo ni Amanda.

Kahit papano, niligtas rin ako ni Lilith. Umalis na rin ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa upuan ko na nasa dulo ng silid.

Napabuntong-hininga ako. Akala ko talaga magkakaroon ng away.

Binuklat ko ang ginawa kong reviewer. Agad ko naman itong nilapag dahil pakiramdam ko ay wala akong maintindihan na kahit ano.

"Balita ko, patay na si Camille."

Hindi ko sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila Amanda. Sadyang malalakas ang mga boses nila kaya hanggang dito sa puwesto ko, naririnig.

Nabalitaan ko nga ang pagkamatay ni Camille sa ospital.

"Yup." Simpleng tugon ni Amanda.

"Kailan ka pupunta sa lamay?"

"Ako? Pupunta? No way." Nakangiti na wika naman nito.

Nagtaka ako sa mga sinabi ni Amanda. Sa pagkakaalam ko, isa si Camille sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan.

"Hindi ako makikiramay lalo na sa taong napakalaki ang kasalanan sa akin."

"Pero di'ba, sobrang close kayo?"

"Hindi lahat ng nakikita ay dapat paniwalaan at lalong-lalong hindi lahat ng naririnig ay dapat pakinggan." Sabi niya habang umuupo sa pinakamalapit na upuan.

Natahimik ang mga kasama niya katulad ko kasabay ng pagpasok ni Lilith at Andy sa classroom. Tumatawa si Andy habang si Lilith ay blanko pa rin ang mukha.

"Good Morning, Class 3-C."

Natuon ang atensyon ng buong klase nang may pumasok na isang lalaki na masasabi kong matanda na ngunit hindi ganun katanda. Kitang-kita na nakakaangat siya sa buhay. Ang mga mata niya, ang pagsasalita pati na rin ang pagkilos, napakaelegante.

Nagulat ako nang tumayo ang buong klase at sabay-sabay na nagsalita.

"Good Morning, Mr. Laketon."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.Ibig sabihin, siya ang may-ari nitong school?

Ito ang unang beses na nakita ko siya.

"Pwede na kayong umupo." Sambit niya na kasunod ay isang mahinang tawa.

"Alam nyo naman siguro na every finals ay pumipili ako ng klase para bantayan. Tutal walang teacher ang gustong magbantay sa inyo at madami akong nababalitaan tungkol sa klase nyo, kayo ang napili ko."

Madami akong naririnig na nagbu-bulungan sa loob ng silid.

"Karamihan sa inyo--" Japatingin si Mr. Laketon sa pumasok.

Yumuko naman si Summer at Ash na kakapasok lang.

"Good Morning, Mr. Laketon." Sabay nilang sinabi.

"Good Morning, Mr. Flores and Ms. Dela Vega. Hanggang ngayon late ka pa rin sa exams, Mr. Flores."

Natawa ang iba naming kaklase. Ngunit diretso lang akong nakatingin kay Ash na kinakamot ang ulo habang nagpapaliwanag kay Mr. Laketon tungkol sa pagka-late niya.

Tawanan muli ang narinig ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Mr. Flores." Muling natuon ang atensyon ko kay Mr. Laketon. "O siya, gusto ko sanang simulan ang pre-testing procedure ngunit.." itinaas niya ang kaliwa niyang kamay upang tignan ang relo. "Wala na tayong sapat na oras. Kaya sa tingin ko dapat na nating simulan exam."

Pinagpasa-pasa ang mga test papers. Huminga ako nang malalim bago ko ito sagutan ngunit kahit anong gawin kong pag-iisip tungkol sa mga tanong sa exams, hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Ash at Summer. Naalala ko noong una kong nakita si Summer. Noong nagpakilala siya sa harap. Isa lang ang nasabi ko tungkol sa kanila ni Ash.

Bagay na bagay sila.

Napapikit ako.

--

"Okay, snacks na 3-C. You only have 30 minutes ." Masigla na pagkakasabi ni Mr. Laketon bago siya umalis.

Nagpaalam ang buong klase at umupo na rin pagkalabas na pagkalabas niya. Ang iba ay pumunta sa cafeteria upang kumain at nabibilang lamang ang mga nanatili sa classroom, isa na ko dun.

Kinuha ko sa bag ang sandwich na ginawa ko kaninang madaling araw nang hindi ako nakatulog. Dahan-dahan ko itong kinain. Muli kong naramdaman ang pakiramdam na nag-iisa, wala si Ash sa tabi ko, wala si Andy sa tabi ko.

"Denise." Tumingala ako at nakita ko si Ash.

"Galit ka ba sa akin?"

Umiling ako.

"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko pati na rin ang mga text ko?" Muli niyang tanong sa akin.

Nag-kibit balikat ako.

"Kausapin mo naman ako, oh." Pagpupumilit niya.

Madami akong gustong sabihin sa kanya, madami akong gustong itanong pero tila ba nakalimutan ko lahat ng iyon.

Sinundan ng mga mata ko si Ash habang papunta siya sa upuan niya. Nilapitan siya ni Summer at nakita kong nag-usap sila. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil sa madalas na pagtingin sa akin ni Summer. Hinawakan ni Summer ang kamay ni Ash bago bumalik sa upuan niya na nakangisi.

Summer, ano ba talaga ang pakay mo?



Summer's POV


Binulsa ko ang phone ko habang papalapit kay Denise .

"Bye, Ate Summer!" Bati sa akin ng isa sa mga freshman.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Kaunti lamang ang tao dito sa cafeteria. Siguro dahil uwian na rin naman at wala nang masyadong tao sa school.

Tumingin sa akin si Denise nang napansin niya na papalapit ako sa kanya ngunit tumingin rin siya palayo. Isang ngiti ang napinta sa labi ko nang umupo ako sa harap niya.

"Hi Denise." Bati ko ngunit hindi pa naalis ang atensyon niya sa binabasa niyang libro.

Hindi niya ako kinibo.

"I don't want to add fuel to the fire kaya ie-explain ko ang side ni Ash."

Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin. Kita ko na interesado siya sa sasabihin ko. Alam ko namang hindi ko na kailangang gawin ito pero gusto ko lang itama ang isang pagkakamali. Mahirap na.

"Niligtas lang ako ni Ash sa lalaking pilit akong hinahalikan."

Halata sa mga mata ni Denise ang pagkagulat.

"Hindi ko alam na kaya niyang gawin yon sa akin. Akala ko wala siyang ibang dahilan nang niyaya niya akong kumain pero nagkamali ako. Nagpapasalamat ako na napansin ni Ash ang sitwasyon kundi baka kung ano ang nanyari sa akin." Dagdag ko pa.

"Sorry. H-Hindi ko alam." Narinig kong mahina niyang sinabi.

Tumayo ako bago magsalita, "Okay lang. I have to go na, hinihintay na ko ng Dad ko sa parking lot." Nginitian ko si Denise at tumalikod sa kanya.

Tama.

Siguro nga sayo si Ash ngayon. Pero Denise, akin lang si Ash. Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya sa akin. Maaring kailangan kong magparaya ngayon, pero si Ash ay para kay Summer lang.

Pagdating ng tamang panahon, kung kailan maayos na ang lahat, alam kong babalik siya sa akin at mamahalin na niya ako.

Kinuha ko muli ang phone ko at tinawagan ko siya.

"Magkita tayo. Ngayon na." Sabi ko.



Denise's POV


Umupo ako sa gilid ng kama. Ilang beses kong narinig na tinawag ako ni mama ngunit hindi ako sumasagot. Hindi pa rin kasi nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Summer.

Nakakahiya.

Kung anu-ano pa ang inisip ko tungkol sa nangyari. Masyadong madumi ang isipan ko. Tumayo ako at nakita ko na naman ang sarili ko na palakad-lakad sa loob ng kwarto.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kung tawagan ko kaya siya? O kaya i-text?

Pero ano namang sasabihin ko?

Pumikit ako kasabay ng isang buntong hininga. Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nakaharap ako sa isang malaking salamin. Blanko ang pagtingin ko sa sarili ko sa salamin na para bang isang estranghero ang nasa harap ko.

Sa loob ng ilang buwan, nakabangon ako sa pagkakadapa ko. Pero noong lumipat ako sa Laketon, sa tingin ko nahulog ako sa isang malaki at malalim na balon. Hindi ako makaakyat sa taas. Walang kamay ang handang magtaas sa akin.

"Anak may bisita ka." Wika ni Mama sa may labas ng kwarto ko.

"Opo, lalabas na po." Tugon ko.

Sakto naman na pagring ng phone ko. Isang message galing kay Ash. At sinabi niya roon, na nasa sala siya ng bahay namin.

Siya ang bisita ko.

Agad ako nataranta. Inayos ko ang sarili ko. Nagpalit ako ng damit ko sa pang-ibaba ko.

Nakalipas ang ilang minuto bago ako makababa ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako ng hagdan ay narinig ko angboses ni Ash. Mukhang kausap niya sina Mama't Papa.

Hindi ako makapaniwala.

Tila ba'y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Tama ba ang narinig ko? O guni-guni lamang ito?

"Ako po si Ash Flores at handa ko pong ligawan ang anak nyo."



Akira's POV


Umupo ako sa nag-iisang upuan sa kwarto. Ang paborito kong kulay pulang upuan. Kinuha ko ang flute na nakapatong lamang sa isang lamesa. Tinignan ko itong mabuti. Wala pa ring pinagbago. Ito pa rin ang Akira ni Freya.

Napangiti ako.

Pinatong ko ito sa labi ko upang tumugtog ng ilang nota ngunit pumasok na siya.

"Kamusta?" Bati niya sa akin.

Sa nakaraan na mga araw, naging kahina-hinala ang kilos niya pati ang pagtitig niya sa akin. Lahat lahat. Ang titig na para bang gusto na niyang kumuha ng kutsilyo at isaksak na lang sa akin.

"Lahat ay umaayon sa napagplanuhan. May kaunting problema lang na nangyari pero sa tingin ko magiging maayos naman ang takbo." Ngumiti ako sa kanya. "Malapit na ang katapusan." Dagdag ko pa.

"Malapit na talaga." Nakangiting tugon niya.

Muli, napansin ko na naman ang titig niya sa akin.

"Galit ka ba sa akin?"

"Hindi. Bakit naman?" Ngumiti na naman siya ngunit alam kong nagsisinungaling lang siya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha ng kustilyo sa lamesa bago ako humarap sa kanya. Inabot ko sa kanya ang kutsilyo ngunit hindi niya ito tinatanggap.

"Ayaw mo? Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Gusto mo kong patayin di'ba?" Tuloy-tuloy kong sinabi sa kanya.

Lumapit pa ko sa kinatatayuan niya at umikot-ikot sa kanya habang dinadaanan ng pinakadulo ng kutsilyo ang balikat hanggang sa likod niya.

"Napakadali mong basahin. Para kang salamin kung tignan. Kung papatayin mo ko, gusto ko yung marahas, yung nakakakilabot. Kapag hindi mo nagawa yon nang maayos...." Pumunta ako sa likod niya at tinapat ang kutsilyo sa leeg niya. "Babalikan kita." Isang ngiti ang napinta sa mga labi ko nang nakita kong nanginginig siya sa kinatatayuan niya.

Ayoko sa lahat ay yung mga traydor dahil sila ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito.

---------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 343K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
3.8K 178 10
Nawala ng parang bula ang saya sa buhay ni Anastasia nang pumanaw ang kanyang kasintahan na si Florentino. Lalong mas nawala ang rason niya para mabu...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)