Mafia Boss: Gunner Mondego

By LynneLaxuel

528K 12.4K 897

Mondego Series #1 - On Going More

GUNNER MONDEGO
Writer's NOTE: Please Read
Synopsis
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19

KABANATA 20

10K 401 35
By LynneLaxuel

(UNEDITED)

Azariah's POV

Lunch na at nandito na kami ni Natalia sa cafeteria para kumain. Gutom narin ako dahil hindi ako nakakain kaninang umaga bago umalis ng bahay dahil nga nag-away kami ni Gunner.

Nagtataka akong luminga sa paligid ko. Mula pagpasok ko ay napapansin ko ang mga tingin nila at bulungan. Hindi ko masabing masama ang tingin nila sakin kasi parang normal lang naman? Pero nakakailang kasi.

"Nat, bakit nila ako tinitingnan? Kanina ko pa kasi napapansin. May mali ba sakin?" Sabi ko habang pinakikiramdaman ang paligid.

"Duh! Paanong hindi ka nila mapapansin eh ikaw lang naman ang nag-iisang asawa ng isang Gunner Mondego. The top 1 billionaire in Asia." Napaawang ang labi ko sa narinig. Paano nilang nalaman?

"How did they know? And you?" Naguguluhan kong tanong.

"Ay bruha! Naka-live ang kasal niyo sa buong Asia kaya paanong di ka makikilala ng lahat?" What? Ang alam ko pribado iyon, anong nangyari?

Hindi na ako kumibo at kumain na lamang. Baka magtanong pa siya ng magtanong tungkol sa amin ni Gunner, hindi ko siya kayang sagutin.

Naalala ko ang driver kong si Zeus. Luminga-linga ako para hanapin siya at pasabayin sa pagkain dahil alam kong hindi pa siya kumakain ng tanghalian. Imposible naman na may baon yun na pagkain.

Nang matanaw ko siya ay sinenyasan ko siyang lumapit na ginawa naman niya.

"Sumabay kana sa aming kumain." Nagulat siya sa sinabi ko at agad na umiling.

"Salamat Señorita pero busog na po ako. Kumain na po ako kanina nung nasa klase ka."

"Ah, ganu ba. Sige. Maupo kana lang dito sa table namin." Tumango siya at naupo nga sa gitna namin ni Natalia.

Napaangat ng tingin si Natalia na busy sa kanyang cellphone at agad napatingin kay Zeus.

"Who is this guy, Riah?"

"He's my bodyguard." Ayoko mang sambitin ay wala akong choice dahil mukhang iba na ang tumatakbo sa isip ng babaeng ito.

"Oh. Ang hot ng bodyguard mo huh? Pwedeng isalang sa mga modelo." Sambit nya bago humagikgik.

Napailing ako at nadako ang tingin kay Zeus na seryoso lamang nakatingin kay Natalia na natatawa parin. Nang makita niyang nakatingin ako ay nag-iwas siya ng tingin.

Natalia is beautiful. Morena beauty. Ang kanyang buhok na itim na itim at mahaba ay mas lalong bumagay sa kanya. Mahaba rin ang kanyang pilikmata katulad ko. Ang gusto ko sa kanya ay ang kanyang sexy lips. Kapag ngumiti iyon ay tila nang-aakit. Ang bilugan niyang mga mata na puno ng galak lagi. Ngumiti ako nang mahuli nya akong pinagmamasdan siya na ikinataas lamang nya ng kilay kaya napahagikgik ako.

"Riah, pasyal tayo mamayang uwian gusto mo? D'yan lang sa Happy Mountain Resort. Maganda doon."

Nag-isip muna ako bago bumaling kay Zeus.

"Pasyal muna tayo Zeus bago umuwi. Ako na bahala magsabi kay Gunner." Tumango lamang siya at muling pinagmasdan ang mga naglalaro ng volleyball.

"Yes!" Masayang sambit ni Natalia na ikina-ngiti ko.

Tahimik akong nagbabasa dahil wala pa naman ang professor namin nang maagaw ang atensyon ko ng katabi ko. Tahimik ito at nakapikit ang mga mata habang may earphone na nakasaksak sa tainga niya. Nagkibit-balikat ako atsaka bumalik sa pagbabasa.

"Riah malapit lang dun sa Happy Mountain Resort ang bahay nila Johnny." Kumunot ang noo ko at napalingon kay Natalia na nasa likuran ko lamang. E ano naman? Gusto kong sabihin pero inunahan na niya ako. Kinikilig pa siya at sinenyasan ako na wag maingay kaya napailing ako at natawa na lamang. "Picturan mo siya para sakin, Riah. Please?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Naka-earphone naman siya at mukhang naka-todo ang volume kaya hindi niya maririnig. Sige na, Riah. Isa lang. Please?" Nag-isip ako at tinitigang mabuti si Johnny na nakapikit at mukhang tulog naman.

Huminga ako ng malalim at inabot ang cellphone ni Natalia at sumenyas sa kanya na isa lang. Tumango siya habang kilig na kilig. Napailing ako at hinarap na ang cellphone niya para ma-open ang camera.

Napalunok ako at muling tinitigan si Johnny na nakapikit parin. Ayokong mahuli niya ako na pini-picturan siya kundi lagot ako.

Itinutok ko kay Johnny ang cellphone at mabilisan siyang pinicturan. Napangiti ako nang makita ang kuha ko pero agad rin iyong napawi nang makita ko ito ng maayos. Nakadilat si Johnny at nakatingin sa camera ng matalim. Fuck.

Napaatras ako nang hablutin nya ang cellphone ni Natalia mula sa kamay ko at ihagis iyon sa kung saan. Lahat ng maingay sa classroom ay nakuha namin ang atensyon at mga natahimik. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko e.

"I.. i'm sorry. I just want to- "

"Fuck off!" Nakaramdam ako ng takot sa singhal nya sakin.

Marahas nyang kinuha ang bag nya sa kanyang upuan at dire-diretsong lumabas ng classroom. Napalunok ako at napahinga ng malalim bago bumaling kay Natalia na naka-peace sign na sakin. Inirapan ko lang siya at tumahimik na lamang. Hindi na ako uulit. Pangako.

Mangha akong luminga sa resort na aming pinuntahan. Kaya naman pala tinawag na Happy Mountain Resort ito ay dahil nasa baba ito ng bundok. Napakarami nitong mga slides at ilang mga disensyo na nakakaakit sa mga turista. Mula sa taas ng bundok ay may rumaragasang napakalinaw na tubig at bumabagsak ito dito sa resort. Makulay dito na talaga namang napakagandang tingnan. Napangiti ako sa kawalan. Ngayon lang ako ngumiti ulit ng ganito. Yung totoo.

"Oh diba, Riah? Ang ganda dito. Halika pasyal tayo banda doon." Hinila niya ako patungo sa napakadaming bulaklak.

Isa iyong garden at napakaraming halaman at mga bulaklak na iba't-ibang uri ang nakatanim.

"Dito ang paborito kong parte sa Happy Mountain Resort, Riah. Kasi ang gaan sa pakiramdam kapag nandito. Nakakawala ng mga problema." Nakangiti niyang sabi habang inaamoy ang kulay pulang rosas.

Tama siya, gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko palang ang mga bulaklak na makulay.

Lumakad pa ako para libutin ang buong garden habang kasunod si Zeus.

"Zeus?" Agad naman siyang lumapit sakin.

"Bakit ang daming tauhan ni Gunner sa bahay kanina?"

"Para iyon sa seguridad mo Señorita." Napatango ako.

Hindi ko kailangan ng maraming bodyguard dahil kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ko malaman kay Gunner kung bakit ganito siya ka-over protective sakin. Napailing na lamang ako at napatingin kay Natalia na tumatakbo papunta sakin.

"Ayaw na maayos ng cellphone ko, Riah. Sana pala hindi nalang kita inutusan kanina na picturan si Johnny e. Inaway ka pa niya tuloy at nawalan ako ng cellphone. Sorry ha?" Ngumisi lamang ako sa kanya.

Alas-siyete na ng gabi nang makauwi kami ni Zeus sa bahay. Dinaan nalang namin si Natalia sa kanilang bahay, tutal ay malapit lang naman ang kanila.

"Señorita may bisita ka po." Bungad sakin ng isang katulong. Sino naman ang magiging bisita ko sa ganitong oras?

Pumasok ako agad ng bahay at ang nabungaran ko ay isang babae. Nakatalikod siya sakin at tinitingnan ang mga picture namin ni Gunner na naka-display. Picture namin nung kinasal kami.

"Magandang gabi po. Ano pong kailangan ninyo sakin?" Agad siyang lumingon sa kinaroroonan ko.

"Hi, Belinda." Kumunot agad ang noo ko sa naging tawag niya sakin. Kailan pa naging Belinda ang Azariah?

"Nagkakamali po yata kayo ng napuntahan. Hindi po Belinda ang pangalan ko." Magalang kong sabi na ikinatawa niya ng bahagya bago lumapit sakin.

"Talagang kamukhang-kamukha mo ang iyong ina pero ang mga mata mo ay namana mo sa iyong ama." Sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko. "Malapit na malapit na, Belinda." Nakangiti niyang dagdag. Baliw ba 'to?

Umatras ako palayo sa kanya dahil pakiramdam ko ay parang may mali.

"Hindi po ako si Belinda. Azariah po ang pangalan ko. Pasensya na po pero makakaalis na po kayo." Magalang ko paring sabi.

Ngumiti siya sakin ng matamis bago lumakad papunta sa pintuan. Ang akala ko ay lalabas na siya ngunit huminto pa siya sa tapat ng pintuan at lumingon sakin. Nakangiti parin siya ng matamis sakin at nagbibigay iyon ng takot sa sistema ko.

"Ang kuya mo ang susundo sayo. Bye for now. Magkikita rin tayo."

Nakahiga na ako ay iniisip ko parin ang babaeng bumisita sakin kanina. Sino siya? Ang gulo-gulo na nga ng mga salita ni Gunner dadagdag pa siya. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko kakaisip.

Napalingon ako sa cellphone ko na nasa lamesita. Tumatawag si Gunner sa messenger ko. Sasagutin ko ba? Kung di ko 'to sasagutin mag-iinit na naman ang ulo nun.

Nang masagot ko ang tawag niya ay agad kong tinakpan ng unan ang kalahati ng mukha ko dahil naka-video call kami. Agad bumungad sakin ang gwapo niyang mukha. Naninigarilyo siya at may hawak na papel.

"Kamusta ang school? Nagpakabait ka ba?" Tanong niya na muntik ko nang ika-irap.

"Mabait talaga ako kumpara sayo." Pasuplada kong sagot na ikinataas ng kikay niya.

"Matulog kana. Mamaya ang lipad ko papuntang Russia naman."

"Mag-ingat ka." Tanging sabi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin at hindi ako sanay na magka-videocall kami.

"Ikaw ang mag-ingat dyan. Wag karin basta-basta makikipag-usap kung kani-kanino." Tumango na lamang ako at agad nang nawala ang tawag.

Naglalakad-lakad ako sa buong university dahil napaaga ang pasok ko. Wala pa si Natalia kaya ako lang mag-isa habang si Zeus ay naiwan sa sasakyan. Safe ako dito sa loob ng school kaya hindi na kailangan ng bodyguard.

Kakaunti palang ang mga istudyanteng nasasalubong ko. Mas maigi na ito para mas malibot ko ng husto ang iskwelahan.

Inuna ko ang mga parteng hindi ko pa napupuntahan. Kasama na ang rooftop. Minsan ay narinig ko ang dalawang classmate kong babae na hindi pwedeng puntahan ang rooftop ng kahit sino dahil pribado daw iyon. Pero dahil nangangati akong malaman kung ano ang meron dun ay tinahak ko ang direksyon papunta roon.

Mabuti nalang at sosyal itong university na ito. May elevator kaya hindi ako mapapagod maglakad sa hagdanan.

Nakatayo na ako sa harap ng pintuan ng rooftop. Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako o hindi. Kung pribado madali nalang naman makalusot. Sasabihin ko nalang na bago lang ako dito at wala akong alam na bawal pala dito. Yeah, ang galing mo Azariah.

Mabilis akong pumasok at agad bumungad sakin ang dalawang tent na nasa di kalayuan. Anong meron dito? May camping?

Lumakad ako palapit sa mga ito. Mga sarado iyon at ayoko namang basta nalang buksan at baka may tao sa loob. Lumapit na lamang ako kung saan matatanaw ko ang buong university. Napangiti ako nang humataw ang malamig na hangin sa mukha ko dahilan para magulo ng bahagya ang buhok ko.

Sana ganito na lang ang buhay. Payapa at tahimik.

Nalilibang na ako sa mga istudyanteng naglalakad at parami ng parami dahil 7AM na ng umaga. Ang pasok ko ay 8:30AM pa kaya pwede pa akong tumambay dito sa rooftop.


"What are you doing here?"

***

Hello everyone! The other chapters of this novel is in my VIP GROUP, including WAKAS and Special Chapters. If you want to continue you can purchase the VIP MEMBER.

You can message me on my facebook account for more questions:

Lynne Laxuel

M  U  S  T  R  E  A  D


HOW TO AVAIL VIP MEMBER?
• VIP 200PHP - 1 Month Plan
• VIP 550PHP - 3 Months Plan
• VIP 1,000PHP - 6 Months Plan

MOP: GCASH ONLY

Continue Reading

You'll Also Like

9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
1.6M 62.2K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
115K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.