I'm Dating The Frat Master (C...

By GurongHoyce

277K 5.2K 103

Ang kwentong isang pahina ang haba. More

PREAMBLE
Article I
Article II
Article III
Article IV
Article V
Article VI
Article VII
Article VIII
Article IX
Article X
Article XI
Article XII
Article XIII
Article XIV
Article XV
Article XVI
Article XVII
Article XVIII
Article XIX
Article XX
Article XXI
Article XXII
Article XXIII
Article XXIV
Article XXV
Article XXVI
Article XXVII
Article XXVIII
Article XXVIX
Article XXX
Article XXXI
Article XXXII
Article XXXIII
Article XXXIV
Article XXXV
Article XXXVI
Article XXXVII
Article XXXVIII
Article XXXIX
Article XL
Article XLI
Article XLII
Article XLIII
Article XLIV
Article XLV
Article XLVI
Article XLVIII
Article XLIX
Article L
Article LI
Article LII
Article LIII
Article LIV
Article LV
Article LVI
Article LVII
Article LVIII
Article LIX
Article LX
Article LXI
Article LXII
Article LXIII
Article LXIV
Article LXV
Article LXVI
Article LXVII
Article LXVIII
Article LXIX
Article LXX
Article LXXI
Article LXXII
Article LXXIII
Article LXXIV
Article LXXV
Article LXXVI
Article LXXVII
Article LXXVIII
Article LXXIX
Article LXXX
Article LXXXI
Article LXXXII
Article LXXXIII
Article LXXXIV
Article LXXXV
Article LXXXVI
Article LXXXVII
Article LXXXIII
Article LXXXIX
Article XC
Article XCI
Article XCII
Article XCIII
Article XCIV
Article XCV
Articlee XCVI
Article XCVII
Article XCVIII
Article XCIX
Article C
Epilogue
Epilogue Part 2
Special Chapter 1
Last Special Chapter

Article XLVII

2.2K 41 1
By GurongHoyce

Pinagmasdan ko ang mga estudyante habang abala sila sa kani-kanila nilang mga gawain. May masaya lang na nagkukwentuhan. Nagbabasa. Nagsusulat. Nakahiga. Magkaholding hands. LQ. At tulad kong wala lang magawa at nakatanga. Napahugot ako ng isang malalim na hininga.

Ang tagal na rin simula nung umalis si King. At ang tagal tagal nyang bumalik. Nang  dumating ako nung araw na yon sa Maynila ay nagsimula na agad akong maghanap sa kanya. Pero mahirap nga pala talagang hanapin yung taong nagtatago. Sinabi ko na naman umpisa pa lang na hindi ako matyagang tao. Hinanap ko naman sya hanggang sa napagod na lang ako. Pero hindi ako sumusuko ah. Nagpapahinga lang. Sabi ko na lang sa sarili ko na babalik din yon oras na tapos na syang mag-inarte. Alam ko namang malaki ang kasalanan ko sakanya at niloko ko sya pero handa naman akong pagbayaran ang lahat ng yon basta bibigyan nya ko ng pagkakataon. Tinamaan naman kasi ng magaling na lalakeng yon! Mas maarte pa saken. Napairap na lang ako sa hangin. Buset. Isang taon. Anak ng. ISANG TAON NA KONG NAGHIHINTAY SA KANYA. WALA PA RIN?!!!

“Umiikot na naman yang eyeballs mo dyan. Sino na namang kaaway mo?” tukso sa akin ni Mirai. Inirapan ko lang din naman sya at sumimangot.

Tumawa naman sya mula sa ibaba ng puno kung saan ako nakaupo.

“Iniisip mo na naman ba yung King na yon? Tsk. Sabi na kasing ako na lang e! kung babalik man yun, magpapahard to get pa yon hanggang sa hindi mo na lang namamalayan na gurang ka na kakaintay!” pang-aasar nya sakin. Dali dali naman akong bumaba para kutusan sya.

Wala pa rin namang nagbabago sa samahan namin ni Mirai. Mapang-asar pa rin sya at palagi pa rin syang nasasaktan sa kin. Si Draven? Ok na kami. Pinagtatawanan na lang nya ko pag nakikita nyang tulala ako. Kapag nga may bagong sumasali sa grupo ako na lang lagi ang ginagawang taga-tanong. Mabagsik daw kasi ako. Walang puso at nakakatakot. Ewan ko. Bored lang din siguro ako kaya pumapayag ako sa gusto nya.

Habang naglalakad kami ni Mirai ay may humahangos na humarang sa dinadaanan namin. Napatingin ako kay Mirai habang nagkibit balikat lang naman sya.

“May biglaang pagpupulong mamaya. May mahalaga daw na sasabihin ang Supremo.” Wika nito habang humihingal pa rin.

Napakunot naman ang noo ko.

“Tungol saan?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Ayon sa mga naririnig kong balita ay dumating na ang Frat Master at iaanunsiyo na ang pagpapasa ng posisyon sa kanya ng Supremo mamaya.” Wika nito.

Sukat noon ay bigla na lang pagkabog ng dibdib ko. Bumalik na sya? Totoo kaya? Bigla na lang ang pagkonsulta ko sa sarili ko. Maigsi pa rin ang buhok ko katulad ng buhok ko isang taon na ang nakararaan bago sya umalis. Maraming nagsasabi na nagmature daw ang itsura. Kung dati daw ay mukha pa kong NENE, ngayon daw ay mukha na talaga akong dalaga. Marahil dahil natutunan ko ng gumamit ng face powder at lipstick. Pero sapat na kaya ang lahat ng ito para bumalik sya sa kin? O di kaya’y kahit mapansin lang nya kong muli?

Teka nga. Kelan pa ko naging self-conscious?

Continue Reading

You'll Also Like

63.7K 1.4K 36
Masungit si Gray, matalino at may pagka-bipolar. Samantalang si Ysha naman ay may pagkabobo at tanga. How should Ysha's foolishness deal with Gray's...
84.9K 1.5K 18
**EDITING the wrong spellings & shortcut words :D** this is a story of my imagination... hope you enjoy reading! #96 Vampire -July,16,2016
81.7K 1.6K 29
Christella Mae Maralla, also known as Ella. She's almost perfect daw pero maarte, mataray at mahilig mamahiya. She really don't care if they don't li...
33.3K 2.1K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴