Survivor

By Ms_Aquaphobia

20.4K 1.8K 1K

Krixtia and her co-scientist discovered a formula that can cure the current epidemic where human flesh was sl... More

Warning!
Work Of Fiction
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5 (THE REST IS UNDER EDITING)
Chapter 6 (THE REST IS UNDER EDITING)
Chapter 7 (UNDER EDITING)
Chapter 8 (UNDER EDITING)
Chapter 9 (UNDER EDITING)
Chapter 10 (UNDER EDITING)
Chapter 11 (UNDER EDITING)
Chapter 12 (UNDER EDITING)
Chapter 13 (UNDER EDITING)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 - New Beginning
Chapter 31 - Villain
Chapter 32 - Kidnapped
Chapter 33 - Mr. Jacobs
Chapter 34 - Savior
Chapter 35 - Happy Birthday
Chapter 36 - Escaped
Chapter 37 - The Last Survivors
Chapter 38 - If It is the End
Chapter 39 - Rescuer
Chapter 40 - Until The End
Epilouge
Greetings!
About The writer / Sequel / Questions

Chapter 4

607 93 80
By Ms_Aquaphobia


KRIXTIA NICOLE's POV


Nanging mabilis ang pag-lipas nang bawat minuto at Nang pumatak na ang oras na pinagplanuhan, nag-ayos na ang lahat ng kani-kanilang mga gagamitin. Nag-bihis na rin sila para daw ay makagalaw sila nang maayos.

Kami naman ni Maelee ay walang baong damit kaya't nanatili kaming naka-suot ng uniporme. Samantalang kahit hindi naman lalabas pa si Wency ay nag-palit pa din ito gawa nang hindi daw sya komportable sa una nyang suot.

Ayon sa planong ihinanda ni Wency, sinabi nyang mas mabuti kung aalis kami nang madilim, dahil makakagalaw kami ng maayos kung tulog ang mga taong nandito sa loob. Kaming dalawa ni Ren ang lalabas at mag-susundo sa kapatid ko. Bukod daw kasi sa may tiwala sya kapatid nya, mas mapapadali daw kung may lalaki akong kasama.

Samantalang silang dalawa ni Maelee naman daw ay mananatili sa loob. Nong una, pinapili nya pa ako kung mas gusto kong manatili sa loob at sila nalang mag-kapatid ang bahala sa pag-susundo pero hindi ko iyon sinang-ayunan. Ayoko lang talagang ipagka-tiwala sa ibang tao ang kaligtasan ng kapatid ko.

Ipinaliwanag nya din kung bakit kailangan mayroong maiwan sa loob. Baka daw kung sakaling magising ang mga guro at estudyanteng naririto ay mag-panic sila at dahil hindi maganda ang impresyon nito sa amin ay malamang hindi na kami papasukin pa sa loob. Kung may maiiwan daw ay  balewala kung mag-panic man sila dahil siguradong bubuksan at bubuksan nila ang pintuan.

Sinabi din ni Wency na kailangan namin tutunguin ng tahimik ang building na malapit sa entrance dahil ang gate daw doon ay nakabukas at hindi naisara. Kung matawag daw namin ng pansin ang mga infected na dito palang sa loob ng school, lalapitan din kami ng mga infected galing sa labas dahil matatawag daw ang pansin non.

"Hindi naman ba masyadong OA yung plano natin?" Maelee

"No! Why mo namang nasabi yon?" Nakangusong balik naman ni Wency.

"Eh kasi parang ginagawa mong zombie apocalyose eh hindi naman zombie yang mga iyan."

"Of course not! My point lang naman is Prevention is better than cure kasi no. Wala akong sinabi na this is a Zombie apocalypse!"

"Bakit pa? Eh may gamot naman dyan. Dapat ambulansya tinawagan nila hindi pulis. Mga bopols din yung ibang tumawag eh."

"Psh. If i know wala ka din namang ambag. Ikaw nakaisip tumawag ng ambulance pero hindi mo naman kayang gawin!" Inis na sigaw ni Wency.

"Bakit ko naman gagawin yun?! Eh sila dapat ang gumawa tutal sila naman ang takot na takot!" Balik na sigaw ni Maelee.

Tumikhim naman ako ngunit parang hindi talaga natinag ang dalawa. Siniringan ng tingin ni Wency si Maelee at ganoon din ito sa kanya.

"Mag sisigawan nalang ba kayo dito? Inantay nating makatulog yung mga tao dito pero mukhang gusto nyo ulit gisingin? Kung lakasan nyo pa kaya para siguradong magising sila?"

Napa-yuko naman ang dalawa dahil sa sinabi ko at narinig ko ang munting halakhak ni Ren. "The Lady right here is right."

"Ang akin lang kasi, masyado nang OA. Masyadong nadadala sa mga zombie movie, minsan tuloy sumusobra na. Sakit yan, na kumakalat pero may gamot, hindi zombie. Kung makapag-plano tayo parang world war Z? Tao pa rin yang mga nasa labas na yan, dapat nga maawa pa tayo sa kanila dahil sa kalagayan nila." Inis na sabi ni Maelee.

"Whatever. Pero If talagang ganon ka-effective ang gamot na sinasabi mo, do you think na mag-papakalat kalat sila ng ganyan, that fast?!" Rebat naman ni Wency kaya't bahagya akong napaisip.

'Bakit nga ba ngayon ko lang naisip iyon? Kung mag-kataon sayang lahat ng pinag hirapan namin? Pero kahit isa man lang sanang gamot, hindi epektibo? Pero impossible kasi marami na nang gumaling nong mga nakaraang linggo!'

Nag-patuloy naman sa bangayan ang dalawang babae samantalang ako ay naka-tulala pa rin dahil sa pag-iisip. Ayokong isipin na hindi kami nag-tagumpay pero mas lalong ayokong isipin na may kinalaman kami sa nang-yayari.

"You're overthinking."

Bahagya naman akong nagulat sa boses ni Ren kaya't nilingon ko siya.
"A-ano?"

"I said you're overthinking."

"Thinking lang, hindi over." biro ko pero kunot noo lang ang sagot nito.

'tss. korni na nga hindi pa na-gets.'

"What are you thinking?"

"Wala ka na don."

"Why?"

"A-anong why?! Wag ka na ngang mag-tanong." Inis ko syang inirapan pero natawa lang ito at bumaling na naman sa dalawang babaeng nag-aaway at inawat nya naman ang ate nya na namumula na sa galit. Si Maelee naman ay ganoon din. Masama ang tingin nila sa isa't isa bagaman hindi namin narinig ang pinag-usapan nila.

Ren glance at me. "Just a minute, i got this." Sabi pa nito at inilayo ang dalawa mula sakin at ako naman ay nag-tataka lang silang pinanood mula sa malayo. Tanaw naman sila pero ang layo nila ay sapat lang para hindi ko sila marinig.

Curious din ako sa pinag-uusapan nila pero mas gugustuhin ko nalang manahimik kesa marinig ko na naman ang sigawan nila dahil nakakapika na. Gustong gusto ko nang makita at kutusan ang kapatid ko at gisahin ng maraming tanong pero nag-tatagal ang plano kong masundo ito ng dahil dito sa dalawa.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bumalik ang tatlo na kalmado na. Sa plano pa naman ay sila ng dalawa ang maiiwan para sigurado na makakabalik pa kami dito ng hindi nahaharang ng mga teacher at estudyanteng ayaw mag-papasok.

Tahimik silang nag-handa hanggang dumating na ang oras na pinagplanuhan namin.

Una naming pinuntahan ang teacher na laging hadlang tuwing sa lahat. Medyo malayo siya sa ibang estudyante. Buti na lamang at mag-isa lang siyang natutulog sa malayo kaya hindi kami mahihirapan. Dahan-dahang hinawakan ni Ren ang dalawang kamay nang Teacher at tinakpan naman ni Wency ang muka nito. Nagpumiglas ito pero hindi na naka-sigaw pa dahil sa diin nang pag-kakabaon nang unan sa kaniyang mukha. Nag-papapadyak pa ito na parang hirap na hirap na. Lumapit si Maelee at dagliang itinalikod ito bago hinampas sa batok making it lost its conciousness.

Binalik nila sa dati ang posisyon nang guro na parang himbing na himbing na natutulog. Siniguro naman ni Wency na natakpan nya ang muka nito kanina nang maayos kaya't hindi kami nito makikilala pag nagka-malay na ito.

Kami naman ni Ren ay nag-mamadaling lumabas, siniguro naming hindi maka-gawa ng ingay ang pinto para hindi magising ang iba pang malapit na natutulog dito. Hindi naman ganoon karami ang estudyanteng gustong matulog malapit sa pinto dahil sa takot kaya naman hindi na kami nahirapan.

Pag-labas na pagkalabas namin ay agad naming pinakirdaman ang paligid. Madilim at walang ilaw na nag-tatanglaw sa lahat ng hallway. Marahil ay wala nang tao na maglalakas loob na mag-bubukas isa-isa ng ilaw sa bawat room at building sa ganitong sitwasyon.

Agad namang hinanap ng mata ko ang mga infected na kanina'y humabol sa amin. Madilim ang lahat ng pasilyo pero puti naman ang tiles, at ang liwanag na galing sa buwan lang ang nag-sisilbi naming tanglaw upang maaninag ang isa't isa.

Mula sa 2nd floor na hallway na kinaroroonan namin ay matatanaw ang front building na syang destinasyon namin. Matatanaw din ang gate na bahagyang naka-bukas, at mula dito sa kinatatayuan namin ay may dalawang daan. Isa sa kanan, kung saan kami galing ni Maelee kanina, at sa kaliwa naman, ay ang daan pababa sa cafeteria.

Kung tutuusin namin ay mas madali kaming makakarating sa front bldg kung ang tatahakin namin ay sa kanan. Ang pasilyong nito ay nag-dudugtong sa isa pang building at pag nakababa na roon ay ilang metro nalang ang layo mula sa front building pero doon nag-mula kanina ang mga infected na sumalubong samin pag akyat namin dito sa ikalawang palapag.

Sa dulong hagdanan naman nito ay naka-konekta ang palikuran ng mga lalaki at nasa tago at kulob iyong parte kung kayat bawat tunog na magagawa ng kahit sino ay mag-eecho sa buong pasilyo.

Ayon sa plano, sa kaliwa ang daan namin. Bagaman may kalayuan ang distansya nito sa front building, mas magiging tago kami sa oras na makalampas kami sa pasilyong ito. Sa hagdan kasi ay tanaw ang buong field, maging ang buong lawak ng campus kaya't magiging aware kami at makikita agad namin kung mayroong infected na malapit.

Tahimik naming tinahak ang madilim na pasilyo at nang makababa kami ay agad kong inilibot ang paningin ko kung mayroong infected na malapit pero nabigo ako dahil masyadong madilim. Si Ren naman ay hinatak ako para makatawid kami sa kabilang building na katapat ng water tank room. Malaki iyon kaya't sigurado akong matatakpan kami hanggang sa makatawid kami papuntang front building.

May dalawang room din akong napansin na mayroong kakarampot na ilaw sa loob. Marahil ay may mga tao doon; mga estudyante at gurong na trap din katulad namin. Hindi namin iyon pinagtuunan ng pansin at mabilis ngunit maingat na tinahak ang daan papunta sa front building.

Nang marating namin ang entrance nang nasabing building, unti-unting umalingawngaw ang pamilyar na sigaw ng mga infected mula sa malayo. Nasisiguro kong mula ito sa labas ng campus ngunit nanatili kaming alerto ni Ren kung sakaling may lilitaw na infected mula sa nakabukas na gate dito sa entrance.

Bahagya akong nagulat nong hawakan ni Ren ang kanang braso ko at hinila sa likuran nya. "I'll go first, stay at my back." he commanded and even though i barely see his face due to the darkness, sigurado akong seryoso sya dahil sa tono ng kanyang pananalita, bagay na ngayon ko lang nakita sa kanya.

Masyado akong nasanay sa weirdo at palatawang Ren kanina lang.

Pinangunahan ni Ren ang pag-pasok sa madilim na entrada ng matayog na building. Hawak ang braso ko, tinahak namin ng tahimik ang daan paakyat sa ikalawang palapag, kunh saan naroroon ang tinutukoy na kwarto ni Wency.

Si Ren ang kumatok ng kumatok habang ako naman ay nakikiramdam kung may kakaiba ba kong maririnig na malapit sa paligid.

Ngunit ilang minuto pa kaming nag-intay at kumatok ay wala pa ring kahit anong signal na bumabalik sa aming pag-katok kaya't nagsalita na si Ren.

"Is anybody here? We're here to help." Wika ni Ren.

Sa puntong iyon ay agad nang bumukas na ang pinto, tinitigan kami nang isang lalaking kilalang-kilala ko. At kung hindi ako nag-kakamali ay siya si....

"Hi? Can we come in? Were here to talk and rescue someone." Tanong ni Ren.

Agad namang nangunot ang noo ng lalaking nasalukuyang nasa harapan ko. Pamilyar na pamilyar ang mukha pero wala talaga akong mantadaan na pangalan.

He just stare at us with confusion and suddenly, another guy appeard. Mas matangkad ito at mayroong kulay tsokolateng buhok. Tumingin ito samin ng may halong pag-aalala.

"Papasukin natin sila brad? Bilisan mo, baka madisgrasya pa pag nakita yan nong mga abnormal." Wika nito.

Sinong abnormal naman kaya?

Hindi na ko mag-intay ng permiso sa isa sa kanila at mabilis na pumasok. Wala naman ni isang pumigil sa kanila nong pumasok ako kaya't nag-patuloy ako at nilibot ang paningin sa lahat ng taong kasalukuyang naroroon na natitig samin ng may halong pagtataka.

Naramdaman ko namang sumara ang pintuan sa likod kaya't nilingon ko ang dalawang lalaki kanina na ngayon ay busy sa pakikipag-usap kay Ren.

"Magtatanong sana ako kung may napansin kayong-"

"Hoy ate."

Mabilis kong nilingon ang pamilyar na boses na nanggaling sa gilid ko at hindi nga ko nag kamali. Nakita ko ang kapatid kong kunot noong nakatingin sakin habang ngumunguya ng tinapay. Agad ko syang nilapitan at tiningnan mula ulo hanggang paa, nagtataka sa marungis nyang itsura.

"At Pano ka naman nakarating dito?"

"Secret."

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Gago ka ah?"

"Gago ka din."

Inirapan ko nalang sya muling inilibot ang paningin ko. Base sa pakikipag-usap sakin ng kapatid ko, hindi ko na kailangan itanong ang kalagayan nya dahil nasisiguro kong ayos lang sya. Ang inaalala ko nalang ngayon ay ang kalagayan nila Mama at Papa na kasalukuyang nasa Hospital.

Isa sa mga plano ko ang puntahan sila at tanungin ukol sa nang-yayari ngayon sa school. Masyadong big deal ito para sa marami dahil bukod sa delikadong sakit na, nakakadiri pa at nakakahawa. Walang sinumang matinong tao ang may gustong maagnas ang balat nila hanggang mamatay. Buhay ka pa, naaagnas ka na.

Kaya hindi pwedeng mag-sama ng maraming tao dahil mahihirapan kami ako sa kanila at mas magiging delikado ang magiging lagay namin pare-pareho pag nagkataon. Bagay na hindi ko masabi sa karamihan dahil ayokong isipin nila na pinapalabas kong magiging pabigat sila.

"San' ang punta mo, ate?" Tanong nong kapatid kong abnoy.

"Babalik sa library. Mag-ayos ayos ka na at isasama kita. Pupuntahan natin sila mama."

"Bakit pa? Ayoko nga."

"Ano ba naman?! Makinig ka naman kahit minsan!"

"Bat pa pupunta kela mama? Kita mong busy sila."

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hindi ka ba natatakot sa nangyayari ngayon?"

"Hindi. Ikaw ba te, wala ka bang tiwala sa sarili mo? Kasama ka sa mga bayaning gumawa ng gamot---" Bago pa nya maituloy ang sinasabi ay agad kong tinakluban ng kamay ko ang bibig nya. Dahil don ay nakuha namin ang atensyon ng karamihan at nagtataka itong tumingin sa gawi namin.

"Kilala ba kita?" anang pamilyar na boses na agad kong nilingon.

"Jamie." Ang tropa ni Maelee na tinutukoy nya.

"Buti naman at nakarating ka, nasan nga pala si Bem?" Tanong ni Jamie.

Bem ang palayaw na madalas itawag kay Maelee lalo na ng mga matatalik niyang kaibigan. Samantala kakaunti naman ang tumatawag sa kanya non dito sa school.

"Hindi sumama. Mahabang kwento. Naiwan sila nong isa pa naming kasamahan sa library. Pupunta tayo don bago tayo umalis dito sa campus." Maikling paliwanag ko at tumango naman ito.

"Sige. Saan naman kaya tayo pupunta? Naihanda ko na rin ang mga gamit ko. Tara na?"

Bago ako sumagot ay binalingan ko ang kapatid ko na kasalukuyang masama ang tingin samin. Inaasahan ko namang may pag-kakataong hindi kami mag-kakasundo sa mga bagay pero hindi lang talaga ako natutuwa na ngayon pa nangyayari iyon. Binigyan ko sya ng isang nag-babadyang tingin bago hinarap si Jamie.

"Ipapaliwanag ko nalang sayo kapag nakabalik na sa Library. Sa ngayon, limitado lang ang oras namin dahil baka may hindi magandang mang-yari don kung hindi agad kami makakabalik." Pagtukoy ko kina Wency at Maelee na laging hindi nag-kakasundo.

Pag nagkataon, baka walang tumulong samin dahil sa kababawan nilang dalawa.

Pinagmasdan kong kunin ni Jamie ang bag niya at saka kami nag-lakad papunta sa lokasyon nila Ren. May mga kasama syang iba pang kalalakihan.

Sabay-sabay kaming lumakad papuntang library. Halos sobrang bagal nang lakad namin para lang hindi kami makagawa nang anomang ingay. Nakisama naman ang lahat kaya't tahimik at payapa naming narating ang library.
Nang makarating na kami sa library, dahan-dahang kumatok si Ren. Bumukas naman agad ang pinto at pumasok kami. Himbing parin nang tulog yung mga nandoon.

"Mas maayos pala dito, may kalayuan lang sa emtrance."

"Oo nga. Medyo tahimik pa."

"Makakapag-pahinga na din tayo ng maayos sa wakas."

Itinuro namin sa kanila ang pwesto namin at nag handa kami nang pagkain para sa Hapunan. Pinag-sama sama namin ang mga itinira naming pag kain para kumasya sa lahat ng nandoon.

"Yari na, pano na kaya kakasya satin yan para bukas? Dami natin oh." Sabi nong lalaking tinatawag nilang Neithan. Isa sa kasamahan nila kanina sa library.

"Pasensya na talaga kayo ah? Nakadagdag pa tuloy kami sa problema." Ika pa nong isa. Kris ang pangalan.

"Sus, wala yon." Si Maelee ang sumagot.

"Hayaan nyo, babawi kami at tutulong sa pag-kuha kuha ng mga pag-kain."

Pagkatapos namin kumain, in-estimate namin yung mga kailangan at ang mga maaaring kailanganin. Maraming options pero medyo komplikado pa din gawa ng sitwasyon ngayon. Pwedeng kumuha ng tira sa cafeteria, tubig sa water tank at Prutas sa garden.

Naglatag na si Wency para sa higaan. Bale' mag-kakatabi mula sa dulo ay si; Jamie, si Wency, Maelee at Ako. Sa kabila naman ay ang kapatid ko ag sina Ren, Aaron, Kris, and Neithan. Nagpakilala sila samin kanina kaya nalaman namin yung pangalan nila.

Dahil sa dami ng iniisip ay ko ay nanatili akong tulala at hindi maka-tulog. Ilang minuto pa ay bumangon na ko at naisipang mag-lakad lakad muna sa loob hanggang sa hindi ko namalayan ang sarili ko sa kabilang sulok na parte ng library, kung saan walang katao-tao.

May malaking bintana na naka-tapat sa likod na parte ng school. Tabi ng dagat kasi ang kinatatayuan ng school namin. Payapa, tahimik at hangin lang ang ingay na maririnig. Patay man ang ilaw sa library ay sapat na ang liwanag ng buwan para tanglawan ang buong dagat.

"Makaka-istorbo ba ko kung makikisilip ako dito?"

Sa boses palang ay alam ko na kung sino sya. Hindi ko inalis ang paningin ko sa karagatan at nanatiling tahimik.

"Ang lamig 'no?"

Hindi ko na naman sya inimikan.

Hanggang sa ilang minuto pa syang nanahimik at tumitig nalang din sa malawak na dagat.

"Ano sa tingin mo ang mang-yayari satin no? Naiisip ko nga magulang ko. eh."

Hindi ko na naman sya pinansin.

"Huy? Salita ka naman dyan' hehe."

I sigh. "Siguro gobyerno na bahala satin." napaka-random na sagot ko.

Ewan ko ba kung ba't nga ba yun ang pumasok sa isip ko. Peste kasi tong lalaki na to e, nag-eemote ako dito tapos susulpot nalang bigla.

"Siguro nga. Bakit kaya walang police no? Teka, ako nga pala si Aaron. Ngayon lang yata kita naka-usap ng medyo matagal no? Nakakasama kita sa event pero hindi man lang tayo nakapag-picture."

Oh e ano naman?

"Ahh, oo nga."

"Sikat ka nga sa section namin e." Naka-ngiting saad nya pa.

Hindi man lang ba to makahalata na ayoko nga ng kausap? Imbes na iisipin ko muna sana kung pano ako makakapunta sa lungga ni Mr. Jacobs, naudlot pa dahil sa kanya. E hindi naman sya mahalaga.

"Ang tahimik mo naman haha. Para akong nakikipag-usap sa hangin nyan." Biro nya na hindi ko nagustuhan kahit konti.

I yawned. Sinadya ko pag-mukaing antok na antok na ko at humarap sa kanya. "Ah, dito muna ako ah? Medyo inantok na e." paalam ko at nag-lakad pabalik kung saan ako nanggaling.

Hindi pa ko masyadong nakakalayo ay namataan kong nanonood sa eksena namin kanina si Maelee at may nakakalokong ngiti habang naka-tingin sakin.

Binalewala ko iyon at dahil wala ako sa mood makipag-asaran pa sa kanya.

@Ms_Aquaphobia

****** Please Tap the star below and leave a comments . I badly need your feedbacks LOL********

Continue Reading

You'll Also Like

22 2 7
Naomi Carter is a student in starford high school. Final exams are just around the corner, but what happens if mathematics is the enemy. What if ther...
34.4K 516 19
Very gay, mainly bakudeku/dekubaku. Any requests are welcome! Just send me a message through Wattpad. Disclaimer: I do not own the mha universe or an...
527 79 23
Sofia, a curious 20-year-old with a deep fascination for her multiracial background, has always had a passion for history. She sets out to make a doc...
8 0 1
War is coming to the human kingdoms in the stars. A nascent empire threatens its closest rival for supremacy. Moria is one of the few warriors with...