200 Stamps

By LeeNaree

17.2K 363 7

Ang kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay... More

200 Stamps
1st Stamp
2nd Stamp
3rd Stamp
4th Stamp
5th Stamp
6th Stamp
7th Stamp
8th Stamp
9th Stamp
10th Stamp
11th Stamp
12th Stamp
13th Stamp
14th Stamp
15th Stamp
17th Stamp
18th Stamp
19th Stamp
20th Stamp
21st Stamp
22nd Stamp
23rd Stamp
24th Stamp
25th Stamp
26th Stamp
27th Stamp
28th Stamp
29th Stamp
30th Stamp
31st Stamp
32nd Stamp
33rd Stamp
34th Stamp
35th Stamp
Final Stamp

16th Stamp

472 12 0
By LeeNaree

16TH STAMP

 

 

Pagdating ko sa apartment ko, nagulat ako dahil may itim na sasakyang nakapark sa gate. May sasakyan na kaya ang kapitbahay? Pumasok ako at pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay. Bakit? Anong meron? Nalaman ba nila na ako yung hinalikan ni Benj? Pero hindi naman siguro ganun. Nevertheless, dumiretso na ako papasok ng bahay.

"You disobeyed me." Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Yuri, you freakin disobeyed me."

"I did not disobey you." Sabi ko lang sa kanya at umakyat sa kwarto ko. Sumunod naman siya. Pumasok ako sa walk-in closet ko at doon nagbihis.

"You did what I exactly told you not to! How is that not disobeying?" He is raising his voice. Mabuti na lang at soundproof itong bahay. Lumabas ako ng closet matapos kong magbihis. Hinagis niya yung magazine sa kama. Nakabukas ito sa pahina kung saan naroon ang picture ni Benj na hinahalikan ang isang babae sa isang bistro. Alam kong ako yun.

"Look, I tried to stop my feelings for him, OKAY? I know I would put him in danger if I let it all out! All he did was confess in public. I did not even answer him." Tinitigan lang niya ako. Nakakainis. "But because of what he did, if I'd ignore him, I'll break his heart and I don't want that to happen."

"Yes, you did put him in danger. In great danger!" Umalingawngaw sa buong kwarto yung boses niya. "You are already in danger and you had the guts to disobey orders? Who are you to disobey me?"

I can see myself in the mirror behind him. Halata ang mga galit sa mga mata ko. Tinitigan ko lang itong lalaking nagpalaki sa akin. Nanaig ang katahimikan sa buong kwartong kani-kanina lang ay puno ng pagsisigawan.

"I am Han Yuri, daughter of the former mafia boss. I can disobey you even if it's a good or bad thing for you. You raised me to be the greatest warrior and a warrior could not win any fight without an inspiration." Nanlambot ang mga tingin niya sa akin. "The problem with you is you do not know how to protect the people you love."

I went out of the room and out of the house. Nang madaanan ko ang sasakyan niya, naglabasan ang mga bodyguards na kasama niya at sinubukan akong pigilan.

"Out of the way. You know what I can do." Natinag naman sila kaya pinabayaan na lang nila ako.

 Pumunta ako sa playground ng village at umupo sa tuktok ng monkey bars. Nagheadset ako para wala akong marinig kundi ang tunog ng sarili kong mundo. Napagtanto ko na, kapag may pinoprotektahan ka, mahal mo. We don't love because we protect. We protect because we love.

"Yung ibang babae kung mag-emote nasa swing. Ikaw nasa tuktok ng monkey bars." Napatingin ako sa baba. Si Andre.

"Andre! Paano mo nalamang narito ako?" Tanong ko. Normal voice lang naman.

"Hindi ko alam na narito ka. Napadpad lang." Sagot niya. "Pwede ka bang tabihan diyan?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Umakyat siya tulad ng ginawa ko kanina at umupo sa tabi ko. Walang nagsalita sa amin. Pinapakiramdaman lang namin ang malamig na simoy ng hangin dahil nagsisimula na ang ber months.

"Bakit ka nga pala mag-isa dito?" Tanong niya.

"Nagsigawan kami ng stepdad ko." Sagot ko.

"I am not surprised." Medyo natawa kaming dalawa sa sinabi niya.

"Well, in person kasi ngayon." Sabi ko. Natigilan naman siya at tumingin sa akin. "Hindi niya ako naiintindihan eh. Alam ko namang ginawa niya yung order na yun para protektahan ako pero ayaw ko yung lagi na lang ako ang pinoprotektahan. Gusto kong may pinoprotektahan na worth it naman." Nakatingin lang ako sa meadow na hindi ko alam saan ang dulo.

"Baka naman alam ng stepdad mo na mahihirapan ka kahit alam niyang kaya mo. Ayaw kasi ng mga tatay na nahihirapan ang mga anak nila." Sabi ni Andre. "Baka naman ayaw niyang madamay yung pinoprotektahan mo sa problema ninyo,  kung ano man yung problema niyo." Napatingin ako sa kanya. Yung paraan kasi ng pagkakasabi niya, parang may alam siya. Pero mukhang imposible naman dahil hindi ko pa siya nakita sa kampo dati.

"He raised me. Can't he just trust that?"

***

"Pwede ka bang maging part ng music video ko?" Tanong ni Sandie sa akin. Nalaglag ko yung bag ni Benj. Sinong hindi magugulat? Isang PA lang ako sa mundong to, hindi ko to mundo. Hindi to mundo ni Yuri kung saan pinag-aagawan siya para ifeature sa isang MV or ad or ano pa ba yan. This is Louisse's world.

"Ah--eh. H-hindi p-pw--"

"C'mon Louisse! You'll love it! I can't make tiis talaga na ganyan kakaganda at katalented tapos PA ka lang ng isang babaerong model." Sabi niya. I acted innocent.

Hindi nga pala nila alam na ako yung hinalikan ni Benj. Hindi nakita yung mukha ko eh. Ang nakakaalam lang ay ako, si Benj, si manager Joon, si manager Chan, yung bistro staff at yung mga tao sa bistro. Lahat sila pinakiusapan ko talaga na walang magchi-chismis ng nangyari.

"Sige bibigyan na lang kita ng time mag-isip. 1 day is okay na man." Sabi niya. "Sana pumayag ka. Ciao, Louisse!" Lumabas na siya ng studio kasama ang PA niya.

Napabuntong hininga ako at umupo sa sofa dito sa studio. This mafia life is a hindrance to my passion. I don't blame my real dad for giving me this kind of life I am experiencing right now. Pero sana sumuko na lang siya at ako pa yung namatay. Baby pa lang naman ako noon so wala akong mararamdaman.

"Masyado mo naman akong iniisip." Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiti na parang aso.

"Woooow. Hindi ka naman pala magaling manghula." Sabi ko. Napalitan naman yung ngiti niya ng pagnguso. "Huwag kang ngumuso. Halikan kita diyan eh."

"Ako na lang hahalik." Sabi niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan ng pagsandig ko sa sofa. "Gusto mo?" Nakangising tanong niya.

"Louisse.." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Sandie! "Oh my... sorry." Tinulak ko naman kaagad palayo si Benj.

"Sandie..." Nakayukong sabi ko.

"Hmmm girl, you have some explaining to do. Tara!" Hinila niya ako palabas ng studio.

Dinala niya ako sa pinakamalapit na Starbucks. Nakafancy facemask naman siya at ako yung pinaorder niya para hindi siya dumugin ng fans.

"Explain." Sabi niya at uminom ng drink na inorder niya. Her favorite flavor.

"Nililigawan na niya ako." Simpleng sabi ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil ayaw ko ng ganun.

Agad naman niyang nilapag yung iniinom niya at tumili tili. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Mabuti nakamask siya baka akalain nilang baliw si Sandie, ang paborito nilang model.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Marunong na bang manligaw yun?" Tanong niya. Halata namang sabik na sabik siyang malaman ang sagot.

"Kung di siya marunong at gusto niya talaga ako, well, kailangan niyang matuto. I am not easy to get."

"Paano siya umamin?"

"Nagdedicate siya ng song sa akin sa bistro. Akala ko nga gig lang niya yun pero sinabi niya sa huli. Sabi niya maniwala daw ako sa kanta." Sabi ko at uminom ng inorder ko.

"Wow. Ibang klase pala mainlove si Benj. Ano yung kanta niya?"

"Para Sa'yo. Yung kanta ng Parokya ni Edgar." At muli naman siyang tumili-tili na parang baliw. "Huuuy! Calm your feels. Kinilig din naman ako nun pero I was too stunned of what he was doing."

"Ibig sabihin ikaw yung nasa magazines and articles and news?" Tumango ako sa tanong niya. "Wooow. Alam mo bang may press conference si Benj mamaya?" Tumango ako.

"Baka naghahanda na yun si Benj. Hindi na daw ako sasama sabi ni manager."

"Oh. Now I know, hindi sasabihin ni Benj ang pangalan mo sa media no?" Tumango ako muli. "Kaya pala yung photos na nakalat ay natakpan yung mukha mo."

"Actually, ganun talaga yun. Nasa harap ko kasi si Benj niyon, ibig sabihin natatakpan niya ako mula sa mga camera ng cellphone. Alam ng mga kumuha na ako yun pero pinakiusapan ko sila. Mga costumer yun ni manager Chan sa bistro." Pagpapaliwanag ko.

Parang naging medyo confident na ako ngayong alam na ni Sandie. Nakakapraning kasi. Napakarami ko nang sikretong tinatago: identity ko, buhay ko at itong Benj issue pa. Okay sige, konti lang ang tatlo pero mabigat ang mga sikretong to.

"Wooow. So it all started with a 200-stamp contract. Ilang stamps pa ba?" Tanong niya.

"149."

Gusto ko na matapos ang kontrata. Gusto ko na siyang mabayaran. Gusto kong gamitin ang pera ko pero ayoko. Malalaman ng stepdad ko na gumastos ako ng ganun kalaking pera. Tatanungin niya ako kung anong pinaggamitan ko and I can't lie to him. Gusto ko nang makalayo sa kanya para hindi na siya mapahamak pa. I know Xavier has eyes around me right now. I doubt na hindi niya alam na ako yung nasa kumakalat na picture ni Benj.

Tumunog yung phone ko. Tumatawag si Benj.

"Wooow. Ayaw magpamiss?" Sabi ni Sandie aat tumawa. Nginitian ko siya at sinagot yung tawag.

"Oh ano?"

"Gandang bati ah." Sabi niya sa kabilang linya. "Papunta na kami sa venue ng presscon."

"Ok. Ingat ka." Sabi ko. Ito naman isa parang mamamatay na sa kilig.

"Saan ka dinala ni Sandie? Susunduin na lang kita pagkatapos."

"No need. Magfocus ka na lang diyan baka masabi mo pa pangalan ko sa sobrang pag-iisip sa akin."

"Aba bumabanat! Oo na. Sige, ingat ka rin. Bye." At naputol na ang linya. Binalik ko sa bulsa ko yung cellphone ko.

"Answeet niyo talaga!"

"You know what, kanina ka pa napagkakamalang baliw. Mabuti na lang nakatakip ang mukha mo. We should talk somewhere else." Sabi ko.

Di naman umangal si Sandie kaya pumunta kami sa isang park. Malinis. Sariwa ang hangin. Tanging kasiyahan lang ang maririnig mo. Yan ang aura ng park.

"So kailan ka pa nagkagusto kay Benj?" Tanong niya. Nakaupo kami ngayon sa damuhan sa ilalim ng isang puno habang kumakain ng gelato na binili namin bago kami pumasok dito.

"When he took me out for a so-called vacation."

Gwapo naman talaga si Benj pero nakakasira kasi yung reputation niya kaya hindi ko siya kaagad nagustuhan. Pero dahil sa lagi kaming magkasama dahil PA niya ako, nakita ko ang kakaibang Benj Guevarra. Hindi ko alam kung ito ba ang totoong siya, pero dito ako naattract. Lalo na noong dinala niya ako sa salon ng stepmom niya. Doon ko na naconfirm ang feelings ko sa kanya.

"Wow. Kailan ka kaya nagustuhan ni Benj? Nakakacurious naman. Itatanong ko na lang." Sumubo siya ng gelato. "Don't worry, bagay naman kayo eh!"

Masaya kaming nagkukwentuhan ni Sandie nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Yung parang may nakatingin sa amin. Hindi ako paranoid, I can sense na may nagmamasid talaga. Hinanap ko naman yung pinanggalingan ng mga tingin na yun at sa likod ng bushes sa isang miniforest, may nakita akong gumagalaw na sanga, wala namang hanging dumaan.

"Huy, okay ka lang?" Napatingin ako kay Sandie.

"Huh? Ah, oo. Okay lang." Sagot ko.

"Parang may hinahanap ka kasi. Hinahanap mo si Benj no? Ito naman oh! Miss agad!" Pang-aasar niya.

May napansin akong kakaiba sa bushes sa malayong likod ni Sandie. I know it is not an eye trying to keep a close watch. It was a gun!

"Sandie!" Agad ko namang tinulak si Sandie pahiga kasabay ng pagputok ng baril. Tumama yung bala sa puno.

"OH MY GOSH!" Nanlaki ang mga mata ni Sandie. It's probably her first time.

Tumayo ako at tumingin muli sa pinagmulan ng bala, wala na siya doon. Nilapitan ko yung puno kung saan nakabaon yung bala. Tiningnan ko ito ng maayos. It's not a normal bullet. Parang may nakaembed sa bullet. Kinuha ko ito gamit ang panyo ko.

Napansin ko namang nagtatakbuhan ang mga tao palabas.

"Anong nangyayari?" Rinig kong usal ni Sandie.

Tiningnan ko ng maigi ang dahilan ng pagtakbo ng mga tao. Kahit malayo, malinaw na malinaw pa sa krystal na mga tauhan ni Fuego ang dahilan. Naglalakad sila tila may hinahanap habang dala dala ang mga armas nila at nakasuot pa ng mask.

"Sandie, kailangan natin tumakbo." Kalmado kong sabi sa kanya.

"What?" Pagtataka niya.

Hindi ko na siya sinagot at hinila patayo para tumakbo palayo sa mga paparating na tauhan ni Xavier. Paano naman nila nalaman na narito ako? Mamaya na mag-isip. I have to take Sandie to safety.

"Louisse, saan tayo papunta?" Tanong niya habang tumatakbo.

"Sa sasakyan mo." Sagot ko.

Pagdating namin sa parking lot, inunlock niya agad ang sasakyan niya para makapasok kami agad agad.

"I'm driving." Sabi ko bago kami makalapit sa pinto ng sasakyan.

"What?" Puro nalang yan ang sinasabi niya.

"Answers later. Escape now." Dirediretso kong sabi. Hindi na siya umangal at pumasok sa front seat. Sinigurado ko munang nakaseatbelt siya bago ko pinaharurot yung sasakyan.

Ito na ang sinasabi ko. Kung sino man ang magiging malapit sa akin ay mapapahamak dahil sa akin. Mabilis ang pagmamaneho ko. Kailangan namin makalayo dito ng pansamantala and there is only one place I know where to go.

"Louisse, anong nangyayari?" Takot na takot na tanong ni Sandie.

"I'm so sorry, Sandie. Sorry at nadamay kita." Yan lang muna ang masasabi ko ngayon. Magsasalita pa sana si Sandie nang biglang nakarinig ako ng putok ng baril at may balang nagpenerate sa windshield ng sasakyan galing sa likod. Napatingin ako sa salamin.

"Shit." Sambit ko at pinatakbo ng mas mabilis pa ang sasakyan.

"Louisse!" Sigaw ni Sandie.

"I know!"

I took a right to lose them. Masyadong opposite to sa daan papunta sa bahay bahayan ni Benj. Hininto ko ang sasakyan at pinanood sa rear view mirror ang paglampas ng mga sasakyan ng tauhan ni Xavier. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sino sila?"

"Fuego mafia." Simpleng sagot ko.

"MAFIA?! Sangkot ka sa isang mafia?!" I knew she's react like this.

"To be honest, yan ang totoong buhay ko, Sandie. Kaya sorry." Bumaba ako ng kotse para magpahangin.

This is too much. Sumandal ako sa nakasarang pinto sa driver's side. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. Malamang si Sandie yun.

"Kung member ka ng isang mafia, ibig sabihin ba niyon hindi Louisse Wilson ang tunay mong identity?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko siya hinarap. I remained silent. Hindi ko alam kung anong isasagot for the first time. Alam kong darating ang araw na paghihinalaan ang identity ko pero hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari.

"Tama ako, right?" She heaved a sigh. "Sino ka ba talaga?"

Bago pa man ako makapagsalita, may tumamang bala sa lupang kinatatayuan ko. Narinig ko naman ang pag-alma ni Sandie. Tiningnan ko kung saan nanggaling yung bala. Napatingin ako sa mga puno at may nakita akong kakaiba. Nagulantang ako nang tumalon siya pababa at tumakbo papunta sa akin.

"Louisse, watch out!"

Akmang susuntukin na ako ng lalaki, naiwasan ko pa rin. Nakasuot siya ng maskara at shades. Hindi ko makita yung mukha niya. Pero alam ko magkalapit ang edad namin dahil sa lakas niya. Iniwasan ko lahat ng sipa't suntok niya. Nacorner niya ako sa sasakyan. Hinarap niya ako sa hood at tinulak pababa habang hawak hawak niya ang magkabilang kamay ko sa isang kamay niya at kutsilyo naman sa kabilang kamay.

Gagalaw na sana ako para makabwelo ng kung anumang galaw ang maaari kong gawin, nakarinig ako ng pagsuntok o di kaya'y pagsipa at ang kasunod niyon ay ang pagkawala ng pagkahawak nitong lalaki sa akin. Napatayo ako ng maayos dahil nacurious ako kung anong nangyari. Nakita kong nakafighting stance si Sandie. Napanganga ako.

"Oh don't give me that look. Hindi ako member ng mafia." Sabi niya at tumayo ng maayos.

"Hindi ko naman sinabi ah." Sabi ko at pumasok ng sasakyan. Sumunod naman siya.

"So anong gagawin mo ngayon? They are still probably out there looking for you." Sabi niya.

"Sagutin ko na lang muna lahat ng katanungan mo." Tumango siya. Pumunta kami sa lugar kung saan ako dinala ni Benj. It was quiet. It was hidden and it was the only place I could think of.

"Sino ka ba talaga?" Unang tanong niya sa akin. Nasa kusina ako, naghahanda ng maaaring kainin habang siya nasa living room.

"Magugulat ka kapag nalaman mo ang tunay kong pangalan." Sabi ko. Tinapos ko ang paghahanda ng pagkain at dinala ito sa living room. Umupo ako sa sahig.

"Bakit? Isa ka bang wanted person?" Kumunot ang noo ko.

"No."

"Then what?"

"Ang tunay kong pangalan ay Yuri Wilson." Simpleng sabi ko. She gave her are-you-serious-'cause-I-won't-believe-it look. "Seryoso."

"Look alam kong kamukha ka ni Yuri but I won't buy that. Yuri Wilson is not a person who belongs to the mafia world." Sabi niya. I rolled my eyes.

"Isipin mo ang gusto mong isipin." Sabi ko.

"Answer that later." Sabi niya at kumuha ng pagkaing hinanda ko. "Paano ka naging miyembro ng mafia?"

Napangisi ako at inalala ang childhood ko.

"Anak ako ng isang mafia boss. Pinalaki ako para maging warrior ng mafia. Bata pa lang marunong na akong humawak ng baril." Sabi ko. Halata namang nagulat siya sa sagot ko. "Our mafia is legendary, the Han mafia."

"Whoah whoah. So ibig mong sabihin para kang prinsesa kung sa isang kaharian pa. Isa kang mafia princess?"

"If you put it that way, yes."

"Bakit ka nandito sa Philippines?" Tanong niya. Kinuwento ko sa kanya ang dahilan ng pagtago ko dito sa Pilipinas pati na rin ang dahilan kung bakit ako nagtrabaho kahit anak ako ng isang mafia boss. Pero ayaw pa rin niyang maniwala na ako si Yuri, hindi ko na ipipilit at mas mabuti na rin yun.

"Napapahamak ko ang kung sinong malapit sa akin. Tulad mo, muntik ka nang nabaril dahil sa akin." Sabi ko.

"Muntik lang naman. Buhay pa naman ako and it's still because of you." Napayuko ako sa sinabi niya at bumuntong hininga. "And Benj?"

Si Benj. Si Benj ang lagi kong iniisip. Lagi kong iniisip ang kapakanan niya sa tuwing malapit siya sa akin lalo na ngayong alam ko na ang nararamdaman niya. Mahirap na siyang itaboy. Naramdaman ko ang palad ni Sandie sa likod ko.

"Alam kong kaya mo siyang protektahan, Louisse." Sabi niya.

Sana kaya ko siyang protektahan. Kakayanin kong protektahan siya. Siya, si Sandie at lahat ng taong mahalaga para sa akin. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
2.8M 73K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]