100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz

143K 3.9K 1.6K
By Girlinlove

Chapter 44

Miks' POV

"What?! Are you serious?! No way! You... You love Hope?!" This was Chelsea's reaction when I told her about my feelings for Hope.

"I... Oh my god. Aren't you.. Gay?! So were all of that lies? Just so you can get close to Hope? Is it, Miks?!"

I knew it. She's gonna accuse me of that.

"Okay, first of all, those weren't lies. And second, why are we speaking in English?! If Hope's here baka tinakwil na niya tayo as friends." She rolled her eyes at me.

"Don't change the topic. Who What When Where What Why!!!"

"Ano 'to?! Thesis topic?!"

"Miks!!"

"Fine. Okay."

So this is how my story goes.

"I was not lying when I said that I was gay. I thought I was gay, okay? I'm attracted to guys. I WAS attracted to Mico, and wala naman akong nagugustuhan na babae. So I thought I was gay. But then... I saw you cry because of Bryle, and I realized that how can guys be much of a jerk like that? I realized that... I want to protect you, I want to protect girls from that. BUT. I was still attracted to Mico. Then the lunch incident happened. He told me to get lost and to not talk to him because I was gay, and I don't know... All my male hormones were suddenly awakened by that. I realized that I was too stupid to like a guy like that. But, I was hurt, my ego was hurt... Then, Hope.. She.. She came to me, and told me that she loves me then she hugged me. I don't know. Bigla na lang tumibok yung puso ko. Bigla na lang tumigil yung paligid ko. At ayun, narealize ko... Si Hope nga ang gusto ko. Remember, nainis ako sa kanya noong nagiging close sila ni Mico? Akal ko dahil nagseselos ako kay Mico pero hindi.. Kay Hope pala. Nasanay kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko, lagi ko siyang kinukulit, lagi ko siyang inaasar, lagi ko siyang inaaway. Hindi ko narealize unti unti na pala akong nagkakagusto sa kanya. Na kaya ko siya inaaway at kinukulit kasi nagpapapansin ako sa kanya. Tapos naging close siya sa Tres Gwapitos at unti unti naubos yung oras niya para sa atin. Para sa akin. Ang masama pa, ang alam niya bakla ako, so ano pang chance ko diba? Ano pang chance ko sa kanya. So you see, I'm not gay, I'm just bisexual. Because of Hope."

And right now, napatunayan ko na mahal ko talaga siya. Mahal ko talaga si Hope.

"Hope, tumayo ka na diyan. Tama na."

"Miks--"

"Wala kang mapapala dito, hindi mo ba nakikitang kahit halikan mo yang paa ni Eula hindi niya ibibigay si Enzo sa'yo." Humarap naman ako kay Eula.

"Pasalamat ka talaga at pinsan ka ni Chelsea, kasi kung hindi ngayon pa lang pinaglalamayan ka na. Wala kang karapatang mang-agaw, wala kang karapatang kumuha ng hindi sa'yo!"

"Bakit? Hindi rin naman kay Hope si Enzo, walang nagmamay ari sa kanya."

"Aba at sasagot ka pa--"

Handa na talaga akong sabunutan si Eula dahil sobrang iritang irita ako sa kanya kasi sinasaktan niya ng ganito yung taong inaalagaan ko. Kung sila lang ni Enzo ang magpapaiyak sa Hope ko, talagang magkakaroon ng digmaan dito.

"Tama na, Miks. Okay na. Sige na. May point naman siya eh. Hindi ko pa naman sinasagot si Enzo, hindi siya akin."

"Baliw ka ba, Hope?! Kaya ka niloloko eh. Masyado kang mabait, isang sorry lang, isang paawa lang titiklop ka. Anong hindi sa'yo? Sa panahon ngayon, kahit hindi kayo... Kayo! Malanding Ugnayan, Malabong usapan, o kung ano man yun, M.U kayo ni Enzo kaya may karapatan ka."

"Eh yun na nga yun eh, yun yung mahirap sa M.U kasi alam mong iyo, pero hindi talaga sa'yo, kaya kapag inagaw ano pang habol mo?"

"Pwede tigilan mo na yang self-pity mo, Hope? Mahal kita pero sobra na."

Shit.

"Mahal din kita, Miks. Thank you." Sabay yakap.

Tangina, sabi na eh.

Lagi na lang.

Minsan hindi ko na alam kung ano na bang mas masakit. Yung hindi maibalik yung ‘mahal kita’? O yung ibabalik nga niya pero alam mong dahil kaibigan ka lang niya?

Humarap sa akin si Hope, hinawakan ang kamay ko at sinabing umalis na kami.

Minsan talaga naiisip ko, sana hindi na lang ako nainlove sa kanya. Sana bakla na lang ulit ako. Sana si Mico na lang ulit. Mas madali, hindi yung ganito. Hindi yung bawat hawak niya, bawat tingin niya sumasaya at nasasaktan ako. Sumasaya kasi nasa tabi ko siya pero nasasaktan kasi hindi naman parehas ang nararamdaman namin para sa isa’t isa.

Tumingin siya kay Eula tapos tumalikod. Hindi siya yung ganitong tipo ng tao. Hindi siya yung umaalis ng hindi nagsasalita. Eula, sinaktan mo talaga si Hope.

Sinundan ko lang siya. Naglalakad lang siya. Pakiramdam ko wala siyang pupuntahan. Pakiramdam ko ang lalim ng iniisip niya at wala na siyang magawa kung hindi ang maglakad, ang lumayo, ang iwan lahat ng ‘to.

Maya maya, pagkatapos ang limang minuto ng paglalakad huminto siya, humarap sa akin at huminga ng malalim.

“Miks, hindi ko na kaya. Pagod na akong maglakad, pero mas pagod akong magisip at masaktan. Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin? Ganito ba talaga kasakit magmahal? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko eh. Hindi ko na alam kung anong uunahin. Yung isipin ba kung minahal din ba ako ni Enzo kahit papaano o talagang ginamit niya lang ako? Yung tama bang hilingin pa na bumalik si Enzo kasi alam kong mukha akong tanga pero yun talaga ang gusto ko. Kung ano bang dapat pakinggan? Puso o isip? Kung paano ba makakalimot? Paano ba makakamove-on? Paano mo ba kakalimutan yung taong sa loob ng limang taon eh halos umikot ang mundo mo? Miks… Pagod na ako. Hindi ko na alam. Ano ba dapat? Paano ba dapat? Ayoko na, Miks.”

Sinabi niya yun ng… ng… nakangiti. Halatang pinipilit niyang gawing biro lahat, pero alam kong totoo lahat yung sinabi niya. Nakangiti pero alam kong sa loob niya sobrang basag na yung puso niya. Ano bang dapat kong gawin? Paano ko ba siya tutulungan?

“Miks ganito ba talaga magmahal? Ganito ba talaga?”

Nginitian ko siya, hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi naman dapat eh, kung tamang lalaki ang mamahalin mo.”

Hope, please, maramdaman mo naman sana. Maramdaman mo. Please.

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko kasi… Lalaking lalaki ang aura ko noong sinabi ko iyon. Pero… Natatakot ako. Panahon na ba? Dapat ba akong umamin? Paano kung umiwas siya sa akin? Paano kung lalo siyang masaktan sa sasabihin ko?

Oo, Hope. Mahirap talagang magmahal.

“Sus, lahat naman ganyan ang sinasabi kapag nasasaktan. Na kesyo mali yung minahal, na mali yung timing, na mali yung ganito mali yung ganyan… eh kelan pa magiging tama? Kelan mo masasabing tama na yung lalaki na yun para sa’yo?”

“Kung kaya niyang gawin lahat para sa’yo ng walang hinihiling kapalit. Kung kaya niyang tiisin lahat ng pangaakit at panglalandi ng ibang babae kasi ikaw lang ang babae para sa kanya. Kung kaya niyang panindigan na mahal ka niya. Kung hindi siya puro salita kulang naman sa gawa, at kung hindi ka niya lolokohin at papaiyakin dahil alam niya kung paano ka pahalagahan. Ganoon lang naman, Hope.”

Napatitig siya sa akin.

“Saan naman ako makakakita ng ganyang lalaki, Miks? Ano ka ba? Sa T.V lang meron niyan!” At sa unang beses mula ng makita ko siya ulit, ngayon lang siya tumawa. At least, napatawa ko siya.

Pero, Hope… May lalaking ganyan. Okay sige, beki noong una pero narealize niya na mas kailangan siya ng mundo bilang lalaki. May ganyan pa.

Ako, Hope. Ako nandito pa.

“Baliw ka talaga, Miks. Walang kayang gumawa sa akin niyan ano!” At tumawa lang siya ng tumawa… Ng tumawa ng tumawa hanggang sa umiyak na naman siya.

“Walang kayang magmahal sa akin ng ganoon, Miks. Baka ako pa, ba kung ako pa kaya kong magmahal ng ganyan pero walang magmamahal sa akin ng ganoon, Miks. Kasi sino ba ako? Hindi naman ako sobrang ganda, tama lang. Normal lang. Maraming mas maganda sa akin kaya hindi ko na iaasa na maiinlove sa akin ang mga lalaki dahil sa ganda ko. Lalo namang hindi ako matalino, kulang na lang ipukpok ko ang ulo ko sa pader para lumabas ang natatagong talino ko pero wala talaga eh. Alam mo yung, wala akong panglaban? Hindi ako special. Kaya hindi ako tinuturing na special.”

Kung alam mo lang, Hope. Kung alam mo lang.

“Siguro nga sobra sobra na yung ginawa sa akin ni Lord na binigay niya sa akin si Enzo kahit konting oras lang, siguro nga dapat hindi na ako masaktan o humiling pa ng kung ano kasi sapat na yung minsan nakita niya ako, napansin niya ako. Hindi na siguro ako dapat humiling ng mas pa doon sa binigay niya kasi sino ba ako? Sa dami ng babae na nagkakagusto sa kanya ako ang pinili niya. Siguro dapat makontento na ako doon.”

“Hindi ko alam kung bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo, pero Hope hindi ka basta basta. Hindi ka dapat makontento sa ganoon lang, kasi hindi ka ganoon lang. Maraming nagmamahal sa’yo!” Parang ako…

“Sinasabi mo lang yan kasi heartbroken ako, sinasabi mo lang yan kasi gusto mo akong damayan. Siguro pagod ka ng makita akong umiiyak ano? Sorry ha. Sorry talaga, Miks. Pinipilit ko namang maging malakas eh, pero mas malakas ang tawag ng puso kesa sa isip ko eh. Inuuna ko maging tanga kesa ang isipin yung iba. Sorry ha?”

“Wag ka ngang magsorry, trabaho ko ‘to. Gusto ko ‘to. Gusto kong nandito sa tabi mo pag kailangan mo ng iiyakan o mapagsasabihan. Hope, gusto kong malaman mong nandito lang ako.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti tapos niyakap niya ako.

“Miks, ano kayang gagawin ko sa buhay ko kung wala ka? Buti na lang nandiyan ka. Sobrang mahal na mahal talaga kita alam mo ba yun ha? I love you, Miks.”

I love you, too.

“Buti na lang talaga bestfriend kita.”

Oo naman. Bestfriend. Bestfriend mo lang ako.

“Hope…”

“Hmm?”

Miks, sigurado ka ba sa sasabihin mo?

Sigurado ka ba?! Please magisip ka muna!

“Paano kung…”

“Paano kung ano?”

Miks paano pag lumayo siya? Paano pag iwasan ka niya? Kaya mo ba?

“Paano kung sabihin ko sa’yo na mahal kita?”

Tumawa siya.

“Mahal din kita. Baliw!”

“Hindi… Hope. Paano kung sabihin ko sa’yong…. MAHAL. KITA.”

Tatawa pa sana ulit siya pero nakita niyang seryoso ako, napatitig siya sa mata ko, umiwas ng tingin at tumitig ulit sa akin. Alam kong naintindihan niya.

“Ma-Mahal mo ako? Miks? Mahal mo ko? As a friend? O—“

“Mahal kita.” At alam kong naintindihan niya.

“Pero… Paanong—Mahal mo ako? As in mahal yung mahal na—“

“Hope, mahal kita.”

“Pero Miks… Hindi ba? Ba—Bak—“

“Uulitin ko, Hope. Mahal kita.”

Tumingin lang siya sa akin, walang nasabi. Tumitig lang. Alam kong mahirap talaga itong unawain, pero hindi ko na kaya. Kung hindi ako gagalaw ngayon kelan pa? Kailangan ni Hope ng taong magpapakita sa kanya na pwede siyang mahalin at nandito ako so bakit ko pa papatagalin?

“Hope?” Tumingin lang ako sa kanya. Naghihintay sa posibleng maging sagot niya.

“Miks… Bakit naman dadagdag ka pa?” Sabi niya habang namumuo ang luha sa gilid ng mata niya. “Bakit naman ngayon pa?”

Tumayo siya, tumalikod sa akin at naglakad… Naglakad na naman siya.

Michael, wrong move ka ba? Mali ba? 

________

[A/N: Hi guys super sorry talaga kasi hindi nakakaupadate kasi super busy with law school, but I swear babawi ako sa sembreak. Anyway, for those who are asking, mas active ako sa Twitter! Follow me! @GirlinloveWatty! :) Long comments! <3]

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 35.9K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
852K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
739K 25.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
52.2K 2.8K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...