##Chapter 38 : Playdate##
>Ezra’s POV<
It’s a fine Sunday morning of September and what better way to live through this day than sports.
Nandito kami ngayon sa sports complex slash basketball court slash park slash all-purpose field ng subdivision namin. Main idea ito ni Mark tutal kailangan naman daw namin mag-relax after all the tests. Wala namang nag-disagree sa proposal nya. Kumpleto kaming lahat, ako, si Adrian, si Paul, Vince, Mark, Marvin at ang best friend ni Paul na si Andy. Tapos na rin kasi ang mga midterm examinations nya kaya free na syang makipag-bonding sa amin. Actually, this is the first time na nakasama namin sya, except of course noong birthday ni Paul na ayaw na namin pang alalahanin.
“Oh! Pasa mo!”
Syempre, yung apat na lalaki, basketball ang nilalaro since ayun naman ang pambansang laro ng mga boys. 2X2 ang game. Vince and Adrian versus Marvin and Mark. Actually dapat 3X3 ang laro kaso gugunaw muna ang mundo bago namin mapilit si Andy at si Paul na maglaro ng basketball. Volleyball lang daw ang alam nilang laruin at mamaya pa kami maglalaro noon. As for now, cheerleaders daw sila at nawa’y irespeto daw namin ang desisyon nila. That makes the three of us.
“I-shoot mo yan!!” Maririnig mo ang boses ni Andy hanggang sa kabilang subdivision. Halos everytime na hawak ni Marvin ang bola, magtatatalon sya at hahampas-hampasin ang braso ni Paul. Kanina, katabi ko si Andy kaya ako ang nahahampas nya pero lumipat ako ng pwesto kaya nailipat kay Paul ang sumpa.
Na-shoot ni Marvin ang bola. “Yes! Go! Marvin! Go! Marvin!” Ngayon ko lang nalaman na may “connection” sila Marvin at Andy sa isa’t isa. Hindi naman obvious na may namamagitan sa dalawang ito. Hindi talaga obvious ,no?
“Huwag kang papatalo, Vince!!” Syempre, maririnig mo rin ang boses ni Paul na halos kasing lakas rin ng boses ng best friend nya. Everytime naman na na kay Vince ang possession ng bola, papalakpak si Paul ng pagkarami-raming beses hanggang makapuntos sila Vince at kasunod nito ang “Ang galing mo talaga Vince!!”.
Natatawa na lang sila Mark at Adrian sa pinaggagawa ng dalawa. Sila Marvin at Vince naman, ayun, ineenjoy na may sumusuporta sa kanila.
Syempre, mawawala ba naman ang infamous na pagtatalo ng dalawang magkaibigan?
“Grabe Vince ang galing mo!”
“Mas magaling kaya si Marvin!”
“Si Vince kaya!”
“Si Marvin kaya!”
“Vince!”
“Marvin!”
Aabot pa sa 79 na palitan ng line ang pagtatalong yan bago ito matatapos ng time-out ng mga naglalaro. Pabilisan naman sila Paul at Andy na lapitan ang kanya-kanyang sinusuportahan nila. Syempre, nilapitan ko rin ang sinusuporthan ko.
“Water?” Tinabihan ko si Adrian habang pinupunasan nya ang pawis nya. Basang-basa ang buhok nya pero hindi sya mukhang gusgusin. O baka naman kahit anong itsura nya OK lang sakin?
“Thanks.” Tinanggap nya yung bottle na inaalok ko. “How’s the game so far?”
“Well, ayoko namang sabihing magaling ka dahil baka lumaki ang ulo mo but the game’s good.”
Tumawa lang sya sa sinabi ko.
“At hindi ko rin sasabihin na ikaw ang pinakamagaling para sa akin dahil baka lumobo na yang ulo mo.”
“OK.” He laughed again. “Huwag mo lang ipaparinig kay Paul at Andy dahil baka bugbugin ka ng dalawang yon.”
“Alam ko. Kaya nga hinihinaan ko ang boses ko e.”
“Hindi rin naman kita hahayaang mapahamak.” Naks ang sweet naman.
“Asus. I doubt kung kaya mo yung dalawa. HAHAHAHA”
“Kakayanin ko para sayo.” OK ang cheesy nito ngayong araw ha.
“Alam mo kung hindi ka lang pawis na pawis baka niyakap kita ngayon.”
“Bakit hindi ba kita pwede yakapin ngayon?” He opened his arms at akmang yayakapin ako. Ayoko! Mamaya ko pa balak magpapawis.
“Adrian! Subukan mo! Ayoko pang mapawisan ngayon!!”
“Ayaw pa? Halika nga dito!”
>Paul’s POV<
“AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!”
Kumaripas ng takbo si Ezra habang hinahabol sya ni Adrian. Ang landi ng dalawang ‘to ngayon pa naghabulan. Pero OK lang naman. Ang sweet sweet nila. I’m very happy for them.
“So, how do you find the game?” Naupo muna kami ni Vince habang pinupunasan ko ang mukha nya. Syempre, ako dapat ang magpupunas. Right ko yun bilang special one nya.
“OK naman.” I put the towel aside then gave him a bottle of water.
“Magaling ba ko?”
“Pwede na.”
“Pwede na? Hindi ba dapat ang sagot mo is “Oo”?” Binaba nya yung ibinigay kong tubig at sumimangot.
“Eto naman hindi mabiro. Syempre magaling ka. Ikaw kaya pinakamagaling!” Isinigaw ko yung huling sentence para marinig ng lahat.
“Si Marvin kaya!” Syempre, automatic na sasagot from the background ang best friend ko.
Tumawa na lang ako at ibinalik ang atensyon ko kay Vince.
“Totoo ba na ako pinakamagaling?”
“Of course. At pinakagwapo.”
“Alam ko naman yon e.” Hay mga lalaki talaga. “Hindi ba kayo maglalaro nila Andy at Ezra? Manunuod lang kayo buong araw?”
“Ano kami? Puno na tatayo lang? Syempre may gagawin rin kami. Nagdala si Andy ng volleyball at magjojogging daw kami sabi ni Ezra.”
“Ah. Ingat ka ha. Baka madapa ka sa pagtakbo mo.” Ang concern naman ng Vince ko.
“Baka nga madapa ako e.”
“Huh?! Bakit naman?”
“Kakaisip sayo.” OK ang landi ko na.
Kahit pinagpapawisan sya. Kitang-kita kong namula ang pisngi nya. Sana hindi nya napansin na pulang pula na rin ang mukha ko.
Bago pa man humantong sa kung anu-anong ini-imagine ko ang paglalandian namin, tinawag na ako nila Andy at Ezra para mag-jogging around the sub.
“Hindi naman na natin kailangan tapusin ang game dahil alam naman nating lahat na sila Marvin at Mark ang mananalo.” Sabay-sabay kaming nagjo-jogging habang nagtsitsikahan.
“Hindi kaya. Sila Vince at Adrian kaya. Dahil si Vince ang pinakamagaling.”
“Si Marvin kaya!”
“Si Vince!”
“Pwede ba..” Sumabat si Ezra. “Huwag na kayong magtalo. Alam naman nating lahat na si Adrian ang pinakamagaling e.”
“HINDI!!!” Sabay namin syang sinigawan ni Andy then nagtawanan na lang kaming tatlo.
Hindi pa naman gaano kataas ang tirik ng araw kaya we decided to jog farther from the complex. Mukhang matagal pa naman bago matapos ang gam ng mga boys e.
Perfect time para mainterrogate ko si Andy.
“Hoy, Bes! Ano nang meron sa inyo ni Marvin?”
“Oo nga, Andy. May namamagitan ba sa inyo?” Ezra seconded.
“Huh?! Wala no! Kayong dalawa tsismosa kayo!” Binilisan nya ang pagtakbo leaving us behind his trail.
Syempre hinabol namin sya. “Huwag mo nang i-deny, Bes. Wala namang masama e.”
“Hindi promise, Bes. Hindi ko talaga alam.”
Si Ezra na ang muling sumagot. “Baka naman ayaw nyo lang aminin sa isa’t isa.”
“Ewan. Baka. Ewan magulo. Ayokong mag-assume.”
Then me. “Sabagay. Pero malay mo, Bes. Sya na pala ang papalit doon sa huli mong naging boyfrieshushushsssh.” Bago ko pa matapos ang sinabi ko ay tinakpan ni Andy ang bibig ko.
“What?! So, Andy nagka-bf ka na before?” Syempre bilang natural na chismosa, hindi ito pinalagpas ni Ezra.
“Wala. Nagloloko lang ‘to si Paul. Di ba Paul?” Tinignan nya ako ng masama.
Nanlaban ako sa pagkakatakip ng bibig ko. “Hindi! Nagka-bf na sya. Pero sa text lang. Nakalimutan ko na pangalan e. Ayun! Bago pa man maging sila, nag-break na sila dahil may bagong katextmate na yung lalaki.”
“OMG.”
“Hay, nako! Kinalimutan ko na yung kagagahan na iyon! Tutal high school pa lang ako noon. Jeje-days kumbaga.”
Then, nagtawanan na lang kaming tatlo. Gone are the days na loko-loko lang ang pag-ibig. Ngayong nasa edad na kaming lahat, seryoso na ito. Hindi mo pwedeng lokohin.
Nang matapos kami sa kakatawa, si Andy naman ang nang-interrogate.
“E ikaw naman, Ezra. Kamusta na kayo ni Papa Adrian mo?”
“Ummmm.. we’re getting there.”
“Paanong “we’re getting there”? As in hindi pa kayo?” Akala ko sila na.
“Hindi ko maexplain e. Feeling ko kami na. At alam kong ganoon rin ang nararamdaman nya. Alam nyo yun? Yung sapat na na nararamdaman nyo yung connection sa isa’t –isa para sabihing kayo na. Kahit walang official na oral confirmation. Minsan may mga bagay na hindi na kailangang sabihin para malaman mong totoo. Minsan may mga bagay na hindi na kailangang makita para malaman mong nanjan.”
Seryoso ang sinabi ni Ezra at wala na kaming nagawa pa ni Andy kundi ang maniwala. Seryoso sya kay Adrian at seryoso si Adrian sa kanya. Nararamdaman namin yun kahit hindi nila sinasabi sa amin. Now, I get her point.
“Teka, maiba naman tayo. Kayo Paul? Kamusta kayo ng pinsan ko?” I was expecting that.
“OK naman. Going strong.”
“Ang landi mo, Bes.” Kinurot ni Andy ang tagiliran ko bago tumawa.
“Hindi na ako makapaghintay sa panliligaw ni Vince. Hay, sana ako mag-organize.” At mukhang ikaw nga, Ezra. Nararamdaman kong punong-abala ka sa pagkakataong iyon.
“Ako rin , Bes. I hope na very romantic ang panliligaw nya.”
“Gusto ko nga sa oras na hindi ko ineexpect e.”
“Bakit naman?” Sabay nilang tinanong.
“Wala lang. Para biglaan. Hindi ba mas exciting iyon?”
“Ah. OK.” Nagtingin lang silang dalawa knowingly.
“Alam nyo balik na tayo sa court baka tapos na yung mga ‘yon.”
“Atat na atat ka na bang makita yung Papa Vince mo?”
Nagtawanan lang kami bago nagpaunahan papuntang court.