The New Boss is My Husband?!

By purplenayi

31.7M 398K 35.3K

[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage... More

Published in print/New Adult Pop Fiction
The New Boss is My Husband
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen P1
Chapter Fifteen P2
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Epilogue
Nayi's Note
Behind The Scenes #1
Behind The Scenes #2
Behind The Scenes #3

Chapter Five

686K 9.9K 1.3K
By purplenayi

Alas cuatro pa lang naka-empake na ako. Mga damit ko lang naman ang binitbit ko. Hindi pa nga lahat dahil sa dami nun. Isang maleta at isang traveling bag lang ang dadalhin ko. Sabi naman kasi ni Jace na 'yun na lang ang dalhin ko e. Besides, hindi naman ako habambuhay na titira dun.

Naghalf-day ako gaya ng sabi ni Jace. Buti na lang napaniwala ko si Miss Carmen na sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at kailangan kong umuwi. Sinabi ko sa kanyang nage-LBM ako at pinayagan niya agad ako. Takot sigurong magkalat ako sa opisina.

Nailibot ko ang paningin ko sa unit. Siguradong mami-miss ko 'to. Sa loob kasi ng kulang-kulang tatlong taon e rito ako tumira. Pati si Jacky siguradong mami-miss ko rin. Nakakalungkot man pero naiisip ko na rin naman na darating ang oras na kailangan ko na ring iwan ang unit na 'to. Kung hindi man ako babalik kay Jace, may iba akong titirhan.

Naalala ko dati. Naging mabuting asawa sa akin si Jace. Halos lahat ng gusto ko ibinibigay niya basta kaya niya. Hindi ko kailangang magdalawang salita 'pag ganun. Though may mga gusto akong hindi niya napagbigyan, mabibilang ko lang 'yun sa mga daliri ko. Sana naman katulad pa rin siya ng dati. Sana hindi siya nagbago. Sana... ayys! Asa naman ako e katulong naman ang magiging ganap ko sa bahay niya!

Napalingon ako sa pinto nang tumunog ang doorbell. Si Jace na kaya 'yun? Wala pang alas-cinco ah? Lumapit agad ako roon at binuksan ang pinto. Si Jace na nga 'yun. Patamad pa siyang nakasandal sa hamba ng pinto habang hinihintay ako.

"Ready?" tanong niya.

I nodded and went back inside to get my things. Grabe, ang bigat ng mga gamit ko kahit na dalawang bag lang 'yun. Ibinaba ko ang mga gamit sa labas para i-lock ang pinto. Ine-expect kong bubuhatin na 'yun ni Jace kaya napakunot ang noo ko nang makita kong naroon pa rin ang mga gamit sa sahig pagkalingon ko habang naglalakad na palayo ang herodes.

"Wait up!" habol ko sa kanya habang nagkakandakuba na ako sa pagbubuhat ng gamit ko. Pinilit kong maka-agapay sa kanya. "Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" tanong ko nang magkasabay na kaming naglalakad papuntang elevator.

"Hindi," simpleng sagot niya sabay pindot sa down button ng elevator.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator door e pumasok agad siya. Naiwan akong nakanganga sa labas at hindi makapaniwalang narito ako, sasama sa asawa ko, na hindi man lang ako matulungan kahit sa pagbibitbit ng mga gamit ko.

Tss. I looked at him intently. Seriously? Ganyan na kalaki ang ipinagbago niya sa loob lang ng dalawang taon? Samantalang noong bago pa lang kaming nagsasama e ni halos hindi niya ako pagbuhatin kahit kaldero. Tapos ngayon... what the heck?!

"Are you coming or not?" narinig kong sigaw niya mula sa elevator.

Padabog na binuhat ko ulit ang mga gamit ko at sumakay na sa loob. Hindi kami nag-iimikan habang umaandar 'yun pababa. Sa loob loob ko, pesteng lalaki 'to, sana hindi na lang bumalik sa buhay ko.

Inis na sumakay ako sa kotse niya matapos kong ihagis sa compartment ng kotse ang mga gamit. Humalukipkip ako at hindi tumitingin sa kanya sa buong biyahe. Hindi rin siya umiimik at tahimik lang nag-drive papunta sa bahay niya.

Unti-unti akong napapangiti nang maging pamilyar ang lugar na dinaraanan namin. So... doon pa rin pala siya nakatira. Doon sa bahay na binili niya noon bago kami ikasal. Doon sa bahay kung saan minsan naging masaya kami sa isa't-isa. I shook my head with the last though. Ano bang pinagsasasabi ko? Hindi naman naging maganda ang pagsasama namin!

Kumontra rin agad ang kabilang isip ko. We were actually happy when something came up and ruined everything. And come to think of it? It was somehow my fault.

Pagkapasok namin sa bahay ay nagtuloy-tuloy ako ng lakad at handa nang umakyat ng hagdan dahil sa bigat ng mga bitbit ko. Pero napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Jace.

"Where do you think you're going?" tanong niya.

Huh? Saan nga ba ako pupunta? "Uhm, sa kwarto ko?" inginuso ko pa 'yung kwarto sa taas na gamit ko dati noong dito pa ako nakatira. Hindi naman kasi kami nagsasama sa isang kwarto noon.

"Katulong ka 'di ba?" he smirked. "Saan ba natutulog ang katulong?"

Wait. Saan daw natutulog ang katulong? Did he mean...

"Doon ka sa maid's quarters," aniya saka nilagpasan ako at umakyat sa kwarto niya.

OMG. Is he serious? Sa maid's quarters ako matutulog? Ugh! Mukhang mali pa ata ako ng desisyon na sumama sa kutong lupa na 'yan!

Pabalang ang ginawa kong lakad papunta sa maid's quarters. Pero napangiti ako nang buksan ko ang ilaw at makitang maayos naman 'yun. May dalawang higaan na may puting bed sheet. May electric fan sa gilid na mukhang bago pa naman. May maliit na bintana na malapit sa higaan at kita ang likuran ng bahay. Kung tutuusin, hindi naman 'to mukhang pang muchacha lang so I can live with it.

Nagsimula na akong ilabas ang mga gamit ko. Tinignan ko ang closet para malaman kung paanong ayos ang gagawin ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos nang kumatok si Jace sa pinto.

"Magluto ka na ng hapunan. BIlisan mo, nagugutom na ako." Iyon agad ang ibinungad niya sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Tumalikod na siya para sana umalis nang may maalala ako.

"Teka, akala ko ba may dinner meeting ka kaya maaga mo akong sinundo?" nagtatakang tanong ko.

"Cancelled."

Hindi na ako nakaimik dahil mabilis na naglakad siya palayo. Tss. Bwisit naman. Akala ko makakaligtas ako sa trabaho ngayong gabi e.

Nagulat ako pagkabukas ko ng ref. Punung-puno 'yun ng pagkain. May pork, chicken, beef at seafoods na naroon. Mamimili ka na lang ng iluluto mo. May marinated na rin dun na baboy at pwede nang i-adobo. Naisip ko ang paborito ni Jace, beef caldereta.

Tamang-tama lang. May patatas, liver spread, keso, red bell pepper... basta lahat ng rekado para sa caldereta meron. Nagsimula na akong ilabas ang mga 'yun nang maalala ko ang sinabi ni Jace, nagugutom na ako. Sa halip na caldereta ang iluto, ito ako ngayon at inilalabas ang marinated na baboy para mag-adobo na lang. Pwede na 'to para mabilis kesa naman mahabang proseso pa ang pagluluto ko e nagugutom na si kumag.

Wala pang thirty minutes tapos na ako. Isinabay ko na rin kasi ang pagsasaing para hindi aksayado sa oras. Naalala ko tuloy si Jacky. Pinagtatawanan ko 'yun kasi ayaw niya nang sabay. Iluluto niya muna 'yung ulam saka siya magsasaing.

Umakyat ako at kinatok si Jace.

"Sir, handa na po ang hapunan!" tawag ko sa may pinto ng kwarto niya.

"Ok, sige! Bababa na ako!"

Inayos ko na ang mesa bago pa siya makababa. Kahit na nagugutom na ako e isang pinggan lang ang inilagay ko sa mesa. Remember? Katulong ako 'di ba? Hindi sumasabay ang katulong sa amo sa pagkain.

Pagkarating niya e naupo agad siya at sumandok ng kanin. Pero kumunot agad ang noo niya. "Bakit adobo? Kaya pala ang bilis mong nakaluto," aniya, may disappointment sa boses.

"Err, sabi niyo ho kasi nagugutom na kayo e. 'Yan ang pinakamadaling lutuin. Saka... wala naman ho kasi kayong sinabi na specific na ulam para lutuin ko," pangangatwiran ko sa kanya.

"You should have cooked my favorite, you know?" Pabulong 'yung pagkakasabi niya na para bang ayaw niya talagang iparinig 'yun sakin pero narinig ko pa rin.

Nagsimula na rin siyang kumain at tinitignan ko lang siya sandali.

"Dapat naman talaga sana caldereta ang iluluto ko kaso sabi mo gutom ka na. So... ayan na lang ang niluto ko para mabilis."

Napa-angat siya ng tingin sa akin tila nagulat sa sinabi ko. Maya-maya e umangat 'yung isang gilid ng labi niya at mukhang pinipigilang ngumiti. Yumuko agad siya sa kinakain niya at nagpatuloy.

"Uhm, Sir, babalik na ho ako sa kwarto." Tumalikod na ako at akmang lalakad nang magsalita siya.

"Mamaya na, maupo ka," aniya.

Biglaan 'yung paglingon ko kaya nahagip pa ng mga mata ko na itinuro niya 'yung upuan sa harap niya. Yey! Hindi naman pala siya malala, tamang-tama nagugutom na ako. Kumuha agad ako ng pinggan at kubyertos at akmang kukuha na lang ako ng pagkain nang pigilan ako ni Jace.

"Sinong may sabing kakain ka kasabay ko?"

Literal na nag-freeze ang kamay ko mula sa pagsasandok ng kanin. Eh? Bakit niya ako pinaupo rito? Para bang nababasa ang iniisip ko e sumagot siya.

"Panoorin mo lang akong kumain."

Panooring kumain?! Sobrang gutom na 'ko tapos papanoorin ko lang siyang kumain?! E sira pala ang tuktok ng isang 'to e! Makabalik na nga lang sa kwarto! Pesteng lalaki 'to!

Naka-ilang segundo na rin pero hindi pa rin ako tumatayo. Ay ewan! Kahit na sinabi ko nang pupunta na lang ako sa kwarto e nandito pa rin ako, pinapanood kumain ang herodes na 'to. Yae na nga. Humalukipkip na lang ako at tumitig sa kanya habang paulit-ulit na sinasambit sa utak ko... mabulunan ka sana... mabulunan ka sana... mabulunan ka sanaaaaa!!!

"Ano 'yun? May sinasabi ka ba?" tanong niya bigla. Err, sa utak lang ako nagma-mantra ah! O nasabi ko ba 'yun ng malakas? Nakatingin lang siya sa akin sa nagtatanong na mata. Kung nasabi ko man 'yun ng malakas, mukha namang hindi niya naintindihan.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya pero hindi pa rin siya nag-aalis ng tingin sa akin. "Tiyan ko lang siguro 'yung narinig mo," sabi ko.

Tumawa siya bigla. Ano namang nakatawa sa sinabi ko? E nagugutom na kaya ako!

"Sige, kumain ka na nga d'yan!" aniya.

Hindi ako kumilos, nakatingin pa rin ako sa kanya. Mahirap na 'no! Baka mamaya niyan e joke lang ang sinabi niya mapapahiya na naman ako.

Nang mapansin niyang hindi ako kumilos e siya na mismo ang nagsandok ng pagkain at inilagay sa pinggan ko. Dinamihan niya 'yun pero tingin ko naman e kaya kong ubusin. Bumalik na siya sa pagkain pero hindi pa rin ako kumikilos. Ewan ko ba, basta hindi lang ako makakilos.

"Anong pang hinihintay mo, subuan kita?" Doon ako tila natauhan. Napa-irap na lang ako sa sinabi niya at nagsimula nang sumubo ng pagkain.

Tahimik lang kami nang mga unang sandali hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Uhm, Lana..."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

"S-si..." umiwas siya ng tingin sandali saka humarap ulit sa akin. "Si... ano... si Maico. A-anong nangyari sa inyo?" nag-aalangang tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Si Maico? Ano namang... err, oo nga pala, si Maico ang idinahilan ko noon nang maglayas ako. Sinabi ko sa kanya, or rather, isinulat ko na sumama na ako kay Maico at hindi ko na siya babalikan kahit kailan.

"Ahh, yun ba? Nagpuntang Canada, sa pamilya niya."

Tumango-tango siya. "Ok," aniya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang, just curious."

"Ok, ayun nga pumunta na sa Canada," sabi ko ulit. Nabalitaan ko lang naman na pumunta na si Maico sa Canada e. Hindi siya nagpaalam sa akin. Hindi naman kasi kami in good terms nang mga panahong 'yun kaya hindi siya nagpaalam. Pakiramdam ko pa nga e kasalanan ko kung bakit bigla-bigla na lang siyang umalis ng bansa.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong bigla ni Jace.

Nagkibit lang ako ng balikat. Ano naman kasi ang isasagot ko sa tanong na wala naman talagang kasagutan? Hindi naman kami naghiwalay ni Maico dahil wala namang 'kami' e.

"Nakahanap ng iba? Iniwanan ka sa ere?" tanong niya pa ulit.

I rolled my eyes on him. Talagang ayaw tantanan 'yung tanong.

"Kinailangan niya lang talagang pumunta 'dun. Besides, he promised he'll come back for me," pagsisinungaling ko. Matigil lang siya.

Ibinaba niya bigla ang hawak niya kutsara't tinidor sabay tayo. "Busog na ako. Ikaw na ang bahala dito."

"Pero... hindi ka pa tapos kumain. Sayang naman 'yang naiwan mo." Itinuro ko 'yung laman ng pinggan niya na halos kalahati pa. "'Wag kang magsayang ng grasya."

"Busog na nga ako 'di ba? Kung gusto mo, ikaw ang umubos." Lumabas na siya ng kusina at iniwan akong nakatunganga sa pintong nilabasan niya. Problema nun? Napaka-moody naman! Tss. Makakain na nga lang ulit.

Pero hindi pa man ako nakakailang subo e may pumasok bigla sa isip ko. Hindi kaya nagseselos siya? Haha! Asa naman ako. Pero come to think of it, uminit ang ulo niya pagkasabi kong babalikan ako ni Maico. Napangiti na lang ako sa sarili ko. Hayaan ko na nga lang ang lalaking 'yun!

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.3M 51.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
603K 22.3K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
224K 6.9K 18
JAGUARS SERIES 4: Elvin Howard "Once you were in my dreams, which came into the reality, and now a memory." Do you believe in magic? In curse? Well...