Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

78

3.4K 55 25
By septemberoyal

JHO




"Sigurado ka na ba dyan talaga?" malungkot na tanong ni mich kay jia.



Tumango naman si jia. Nasa dining area kame at nag aalmusal, bale ito na yung huling araw ni jia dito sa dorm. Nauna ng umalis kahapon si gizelle, uuwi kase sya sa bacolod kasama ate bea nya.




"Ate jia naman eh." si deanna na niyakap paside ways si jia dahil katabe lang nya ito ngayon. "Baka naman pwede isa pang year? One more year ate jia."



Nalulungkot kame pero di namen mapigilan na matawa kay wong sa inaasal nya ngayon. Para itong bata kung umasta at kung makakapit kay jia ay parang linta. Kapit na kapit eh.



"Huy!" si ponggay tas hinampas sa braso ang kabatchmate nya. "Para kang ano dyan eh....di na makakain sayo si jia oh."



"Sakit ah." reklamo ni deanna at umayos na ng upo.



"Para kaseng tanga lang." bulong naman ni ponggay.


"Girls, tama na yan okay." awat ni jia sa dalawa. "Ito na nga ang huling almusal na kasama ko kayo tas magkakapikunan pa, ay naku ha." paalala na naman nya sa min. "Mag mature na kayong pareho wong, pongs."



"Yes ate jia." sagot ni deanna.



"Okay cap." si ponggay at sumaludo pa.



Natawa naman kame ng slight tas nagpatuloy kameng kumain na.



"Masaya sana kung andito lang si dada----i mean si ate bea." si deanna tas muling sumubo ng pag kain.



Napahinto ako sa pag kain at napabagal na rin sa pagnguya ng marinig ko ang pangalan nya.



"Oo nga." si ria. "Asan na pala yung bully na yun."



"Umuwi muna sila sa tarlac." si jules na biglang sumabat kaya lahat kame ay napatingin sa gawi nya. "Pagkatapos kase nung misa naten dumiretso na sila dun. Nagpalamig lang siguro si bea pero sabe sa kin kanina baka mamaya after lunch pa sya makabalik dito sa manila."



"Ay dapat lang no, may guesting pa kame sa cnn bukas ng umaga." sabat naman ni mich.



Napatango na lang ang iba nameng teammates sa mga nalaman namen ngayon. Nagkatinginan naman kame ni jia.



Pagkatapos nameng mag almusal ay nagpresinta akong tulungan sya sa pag iimpake ng mga gamit nya dito sa dorm. Pumayag naman si jia kahit iilan na lang yung ililigpit namen kase nung isang araw pa nakapag ayos ng mga gamit nya ang babaeng ito.



Alam na nya kung para san yung sinabe kong alibi sa mga teammates namen. Kaya nagsabe syang kame na lang dalawa ang magtutulong dito at salamat naman di na sila nag pumilit pa.



"Bakit mas alam pa ni jules kung asan ang damulag na yun kesa sa tin?" wala sa loob kong bulalas pagkasaradong pagkasarado ni jia ng pinto ng room nya. "Hindi naman sa ano ha, pero parang nakakainis lang...." at umupo ako sa bed nya.



"Naiinis ka kay jules?" si jia na nanatiling nakatayo lang sa may pinto.




"Hindi kay jules, okay." correction ko kay jia. "Naiinis ako dun sa pasaway na babaeng yun."



"Naiinis ka kay bea kase mas pinili nyang makipagcommunicate kay jules kesa sayo na EX nya? Ganon ba?" si jia.



Napakunot noo akong napatingin kay jia na ngayon ay papalapit sa kin. "Pinag sasabe mo, ju. Baka may makarinig at isipin nga nilang.....Ex ko nga si beatriz." hininaan ko na lang yung mga huling sinabe ko pero sapat na para sa ming dalawa.



Bahagyang natawa si jia kaya lalo akong napakunot noo.



"Totoo naman ah!" si jia. "EX. MO. SI. BEA. DIBA?" tas natawa pa pero this time mahaba na at may kasama pang pag iling.



"Hoy, jia ah. Hindi naman po kameng naging---"



"Oo. Alam ko." si jia at tina-try na ihinto ang pagtawa. "Hindi naman officially naging KAYO. Ang ibig ko kaseng sabihin....." at tuluyan na ngang huminto ito sa kakatawa. "EX-MU mo. Ganern!"




Oo nga. Ex-MU ko na pala si bea ngayon. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ng sampalin ako ni jia sa salitang yun. Tagos eh. Sakit.



"Oh ano? Kaya pa ba?" seryosong tanong sa kin ni jia ng makaupo ito sa tabe ko.



Malungkot ko syang tiningnan. "Kakayanin ko." pagpapakatotoo ko. "Ginusto ko to kaya dapat lang na panindigan ko di ba?" at napabuntong hininga na lang ako.



"Pag wala na ko dito, kayo na yung magiging ate nila." si jia. "Sana maging okay na kayo ni bea. Pag usapan nyo yung mga issues nyo bes, para yung dapat lagyan ng closure ay malagyan na. Para di kayo mahirapan." nag pause sandali si jia. "Alam ko namang hindi naman naging kayo officially pero kelangan nyong tuldukan yung sanyo....Kung hindi na at malabo na talaga ang lahat dapat lang na mabigyan nyo ng tamang closure yung "kayo" noon. Mas madaling maka move on pag wala ng mabibigat na bagahe kayong dala dala. Baka kahit yung friendship nyo na lang ang maisalba nyo, kahit yun na lang...."




Napaisip ako sa suggestion na yun ni jia. Tama naman sya, mahihirapan kame kung di namen haharapin ang mga issue namen. Kelangan talaga namen mag usap pero pano? Hindi ko alam kung pano ko sya i-aapproach lalo na ngayon. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin para makapagbukas kame ng convo. Hindi ko alam yung igagalaw ko pag nagkita na kame ulit. Hindi ko alam kung pano.


























BEA

"Oh kala ko, dun ka sa dorm nyo ngayon matutulog." sita sa kin ni maki.


Yun naman dapat ang plano ko eh kaya lang may hindi inaasahang nangyare kaya naiwas na lang ako. Hindi ko naman alam na sa pagdating ko may daratnan ako dun na hindi ko kayang makita muna sa ngayon.



Andun si nico....Kausap sina ponggay, ria, mich at deanna sa may lobby lang ng eliazo. Hindi ko naman napansin yung kausap nila dahil nakaupo ito at napapaligiran lang ng mga nakatayong mga teammates ko. May balak pa sana akong puntahan ang mga yun buti na lang natawag ako ni jules kaya di nga ako nakalapit sa kanila.





*flashback*

( kanina lang sa eliazo )



"Suitor daw sya ni ate jho?" si jules. "Hala paano---Di ba---"



Hindi maituloy tuloy ni jules yung gusto nyang sabihin. Nasa isang sulok lang kame ngayon sa may lobby at medyo malayo dun sa pinagkukumpulan ng mga teammates namen. Pasulyap sulyap naman ako sa mga yun.


"Akala ko ba---"


"Jules...." tas umiling ako sa kanya.


Tumahimik naman ito at parang nalungkot. Di na kame kumibo bagkus pinanood na lang namen yung iba nameng teammates na masayang nakikipag biruan na ngayon kay nico. Hanggang sa bumaba na rin si jho, nakabihis na to at may dala na ng malaking bag.


"Sinundo lang ni kuya nico si ate jho." panimula ni jules. "Ngayon kase yung uwi nya sa batangas."



Hindi ako kumibo. Tahimik kong pinanonood mula dito sa tagong kinatatayuan ko ang pagtayo ni nico ng makita nyang lumapit sa kanila ang nakangiting si jho. Konteng kwentuhan pa sa mga kasamahan namen bago nag aya na rin si jho na umalis. Kinuha ni nico yung dala netong bag at magkasabay na lumabas na ng eliazo.


Nagkanda haba ang leeg ko para makita ang dalawa na sumakay sa kotse. Napatakbo ako hanggang sa may entrace ng lobby at di pa ko nakuntento ay lumabas pa ko para lang matanaw ang papalayong kotse.


"Oh, bei. Andito ka na pala." si ponggay.


Na alam kong ikinagulat nilang bigla akong sumulpot mula sa loob. Hindi kase nila ako napansing pumasok ng eliazo dahil super busy sila sa kaka entertain sa bisita ni jhoana.


"Kaka alis lang ni jhowjhow, di mo naabutan." si mich.


"Hinatid na sya ni nico hanggang sa batangas." si ria. "Sana pala sumabay na ko eh."


"Dada...." si deanna na lumapit sa kin. "M-may.....may....."




Alam ko na yung gusto nyang sabihin kaya bago pa man nya masabe yun eh, ginulo ko na yung buhok netong anak anakan namen ni jho saka inakbayan na lang. Wala akong masabe, napabuntong hininga ako na naman ako at nakuntento na lang sa pagtanaw sa kalsadang dinaanan nila palayo sa kin.....



*End of flashback*












"Huhulaan ko." narinig kong sabe ni maki.


Hindi ko inintindi mas lalo ko pang binaon ang mukha ko sa throw pillow nya. Pagkarating ko kase ay padapa kong inunat ang katawan ko sa sofa nya.



"Its jho again...." si maki pa rin.



"Pano mo nalaman?" tanong ko ng di ko ako umaalis sa ganong posisyon.



"Iisa lang naman ang dahilan kung bakit ka nagkaka ganyan eh.....At kay jhoana lang....." si maki.


Umupo ako ng maayos at humarap sa kaibigan kong napapangiwi na lang sa kin.



"Saka mo lang naman ako naaalalang puntahan pag may problema ka sa lovelife mo....Pag may problema ka kay jho...." si maki.


May halong sumbat at lungkot ang pagkasabeng yun ni maki. Tiningnan ko ng mabuti si maki at nahalata kong nagtatampo ang kaibigan kong to. Lumipat ako ng upuan at tumabe sa kanya.


"Ganon ba ko?" wala sa loob kong tanong ko kay maki. "Ganon na ba yung ipinararamdam ko sayo?"



"Sa ming lahat na old friend mo." correction ni maki.


Napatingin muli ako sa kanya. "Talaga?"


"Iniintindi na lang namen, kase nga INLOVE ka." si maki saka inirapan ako. "Bulag na bulag ka sa pagmamahal mo sa beh-stfriend mong iniwan ka lang sa ere sa huli. Hmp!"



Hindi ako kumibo. May isang minuto rin ang namagitan na katahimikan sa ming dalawa tanging ingay lang ng pinanonood ni maki sa tv neto ang maririnig. Nakatulala lang ako sa tv na nasa harapan ko pero kahit isang salita ay wala akong naintindihan.


"Gusto kong ilaban pa, maks....." pagkuway sabe ko na di tumitingin sa katabe ko. "Kala ko isa lang ang kalaban ko pero mali pala ako.....Pati pala yung pamilya nya.....ayaw sa kin ni tito john para kay jhoana....."


Napayuko at napakagat labe ko. Pinipigilan ko na wag ng maiyak dahil sa totoo lang pagod na ko pero parang di naman maubos ubos yung luha sa mga mata ko.









*Flashback before the game2 of the finals*

( Sa parking lot ng araneta )




Medyo may katagalan na rin akong nakatayo rito, may hinihintay kase ako. Siguro hinahanap na ko sa loob dahil medyo matagal na nga akong andito sa parking.



Wala naman akong sinabe kung san ako pupunta basta ang paalam ko kay ate mona ay iaabot ko lang yung tickets na ibibigay ko kina maki.


Napatayo ako ng ayos ng may dumating na kotse, medyo may kalayuan din ako kung san andun ang bagong dating kotse tas andito pa ako sa likod ng isang poste kaya di nila ako mapapansin.


Mula sa dito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang pagbaba mula sa kotseng yun sina audrey at jaja mula sa backseat kasunod nila si tita lovel. Di rin nagtagal ay mula naman sa driverseat, bumaba dun si nico. Andun lang sila ng ilang minuto din, kita ko ang masaya nila aura, mga nagbibiruan pa at nagtatawanan sa pamumuno ni nico.



Hindi ko mapigilan ang di mainggit sa nakikita ko ngayon. Parang dati lang, ganyan din kame ng pamilya ni jho. Ako ang gumagawa ng mga ikakatawa nila.....Napabuntong hininga na lang ako dahil may kung ano sa dibdib ko na sumasakit ngayon.


Nagsipag yayaan na silang pumasok sa loob, magkakasunod na naglakad papasok ang mga ito. Nang di ko na sila makita ay napabalikwas ako ng biglang tumunog ang phone ko, bigla akong kinabahan ng makita kung sino yung natawag sa kin. Pinakalma ko sandali ang sarili ko para di halata ang kaba ko bago ko sinagot yun.


Lumapit ako sa kotse, ilang segundo pa lang yung nakakalipas ay binabaan na ko ng salamin sa passengerseat neto. Hindi ko na nagawa pang bumati sa kanya dahil inunahan nya akong magsalita.


"Dito na lang tayo mag usap." sabe neto ng di tumitingin sa kin.


Parang nag aalangan akong pumasok sa loob, ayoko man pero dito ang gusto nya kaya kahit medyo masama ang loob ko ay nilunok ko ang pride ko. Binuksan ko ang pinto sa backseat ng kotse ni nico.


Oo, kotse nga ito ni nico. Ito yung dumating kanina lang kasama ang pamilya ni jho. Pagkapasok ko ay parang masasakal ako ng di maintindhan. Iba ang feeling ko dito sa loob, di ko gusto.


"Uhm....S-si tita po?....." alanganin kong sabe.




"Hindi na kelangang kame pang mag asawa ang haharap sayo....Tama na yung ikaw at ako lang." seryosong sagot ni tito john.


Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Naka on naman ang aircon dito sa loob ng kotse ni nico pero pinag papawisan ako.



"Hindi ko na papatagalin ang usapang ito. Paprangkahin na kita....." sabe neto na di man lang ako nililingon sa dito sa backseat. "Ayoko sayo. Hindi kita gusto para sa anak ko......Ayaw kita para kay jhoana louisse."


Parang tinarakan ng punyal ang puso kong kanina lang ay nagpapaka positibo at puno pa ng pag asa. Pero biglang nawala ng sabihin na ni tito ang mga salitang yun. Para bang isang unday lang pero napakalalim neto. Tumagos agad sa kin.


"M-mahal ko po si jhoana....." kinakabahan kong sabe sa kanya. "Kaya nga po andito ako at lakas loob na humarap sayo para mapatunayan ko na seryoso ako sa anak nyo po, tito."



Kagabe pa lang ay naglakas loob na kong tumawag kay tita lovel, actually, dapat sya yung makakausap ko kase hindi ko naman alam na andun si tito na usually ay wala dahil sa trabaho neto. Pero si tito ang nakasagot nun kagabe at kahit para akong aatakihin sa puso dahil sa kaba ay naglakas loob na akong humingi sa kanya ng pahintulot para makausap ko silang mag asawa.


Tinamaan ako sa sinabe ni jia sa kin nung minsang nagkausap kame. Isusurender ko na lang ba ng ganon ganon lang yung pagmamahal ko kay jhoana? Hindi ko na ba ilalaban pa tulad ng dati? Pagkauwi ko lahat ng memories na meron kame ay nagsibalikan sa alaala ko. Masasaya, malulungkot, nakakaiyak, paglalambingan namen.....Lahat lahat. Naka ilang beses na bang sinubok yung pagmamahalan namen pero mas pinili nameng mag stick sa isat isa kahit nahihirapan kame sa sitwasyon namen. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko kung kaya ko pa ba and kaya ko pa.....Kakayanin ko pa. Ilalaban ko to hanggang sa huli....Sana sya rin.....Alam kong may pag asa pa kame ni jhoana. Ramdam ko na mahal pa ako ni jho......Mahal nya ako....At may dahilan tong ginagawa nya ngayon. At uunawain ko sya sa abot ng aking pag unawa.



Umu-o naman si tito sa kin at eto nga kame kahit hindi yung inaasahan kong pormal na pag uusap ay hamo na basta makapag usap kame ng maayos.



"Gusto ko pong hingin yung blessing nyo po sana, t-tito." ako.



"Blessing???" si tito tas nagpalatak ito sabay iling. "Sa tingin mo ibibigay ko sayo yun?" sarcastic na tanong neto sa kin.


"S-seryoso po ako kay jhoana...." mahina kong sabe pero sapat na para marinig nya. "Mahal ko po----"


"Shhh...." si tito na pinatatahimik ako kaya sinunod ko naman yun. "Alam mo, okay ka naman sa kin eh." putol sa kin ni tito john. ".......DATI......pero nung nalaman kong tinatalo mo ang anak ko....." umiling si tito tas hinarap nya ako sa backseat habang sya naman ay naka upo sa passengerseat. "Di ko masikmura! At ang TANGA kong anak naman ay nagpadala sa isang katulad mo!"


Isang katulad ko?! Parang ang dating sa kin ay hinahamak nya ang gender ko. Ang pagiging isang bisexual ko.


"Wala naman po kameng ginagawang masama." pagtatanggol ko.


"At sa tingin mo, hindi pa ba masama yang ginagawa mo, nyong dalawa ni jhoana?!" naka kunot noo netong balik sa kin.


"Ang babae ay para LANG sa lalake at vice versa. Hindi para sa kapwa nyang lalake at babae." si tito.


"Pero hindi naman po mapipili kung sino yung mamahalin ng puso." balik ko. "Hindi kayang pigilan kung kanino ito titibok. Mapa sa opposite sex mo o sa kapwa mo pang babae." magalang kong sabe.


"Pwede kong gawin yun." si tito john. "Pwede kong piliin ang mamahalin ng anak ko basta sa tingin ko ay sa ikakabuti naman nya yun."


Napakunot noo ko. Anong ibig sabihin nya?


"Meron na kong napipisil para sa anak ko, kay jhoana....At si nico yun. Sya ang perpektong LALAKE para sa kanya." walang gatol na sabe neto.



"Tito---"



"Sya ang nararapat sa kanya. Sa isang lalake sya mapupunta at hindi sa isang......Hindi sayo."



Napakagat labe ako dahil pinipigilan ko ang wag maiyak dahil sa mga pinagsasabe ni tito sa kin.





"Ilalaban ko po si jhoana...." lakas loob kong sabe na nakapag pasalubong ng kilay neto. " Ilalaban ko po yung pagmamahalan namen at kahit against po kayo sa kin ay itutuloy ko po pa rin. Gagawin ko pa lahat para mapatunayan ko po sa inyo na worth it ako para sa anak nyo, na kahit hindi po ako tunay na lalake na gusto nyo po para kay jhoana. Kakayanin ko ang lahat para sa kanya.....Para sa love namen sa isat isa...."



Napailing na naman si tito sa kin. "Ilalaban mo talaga? Sige, ganto na lang tutal yung pag ibig parang sugal yan eh. Kelangan mong mag take ng risk kase pwedeng swertehin ka sa isang upuan lang.....Pero mas madalas minamalas, pero dahil sa gusto mong bawiin yung natalo sayo, ilalaban mo ulit.....tulad mo....." makahulugang sabe ni tito.



Kahit papano naman ay na gets ko din yung ibig sabihin kaya nakahanda ako para sa susunod nya pang babanggitin sa kin, mataman akong nakinig sa kanya.


"Mag deal tayo." si tito.


"Deal?" ulit ko. Napakunot noo ako.


"Sabe mo mahal mo si jhoana. Na gusto mong patunayan sa kin na worth it ka sa anak ko. Na gagawin mo ang lahat.....kaya nga naisip ko na magkaroon tayo ng deal..... Deal na pag nanalo kayo ngayon sa game nyo ay hahayaan kitang ligawan mo si jhoana....."



Bigla akong nabuhayan. Yung kaninang halos di maipinta na pagmumukha ko eh biglang nagka sigla.


"And may bonus pa, pag nag champion kayo this season.....papatigilin ko si nico sa panliligaw nya kay jhoana, lahat ng suporta ko sayo. Hahayaan ko na kayo. Tatanggapin kita bilang girlfriend ng anak ko." si tito.


Nakaka tempt ang mga yun. Gusto ko ng sunggaban dahil hindi na ko lugi sa deal na to ng papa ni jho. Tanging magagawa ko lang ay mag laro ng maganda mamaya at malaki ang advantage ko kase kasama ko ang buong team. Malake ang tiwala ko na mananalo kame ngayon at syempre mag cha champion kame this season. Maibabalik na namen ang korona sa katipunan, may part 2 pa yung lovestory namen ni jho.


"Di pa ko tapos," pagkuway sabe ni tito. "Syempre parang sugal nga di ba kaya may kapalit din pag natalo naman kayo....."



Kinabahan na naman ako pero di ko na pinahalata kaya tumango na lang ako kaya nag patuloy si tito.


"Pag natalo kayo, ang gusto kong mangyare eh iwasan mo na si jhoana louisse." seryoso ang pagkasabe neto. "Ilayo mo ang sarili mo sa kanya. Wag mo syang kausapin at pansinin. As in totally, walang communication sa kanya."


"Ang lupet naman po nun." ako. "Bakit parang---"


"Sugal nga di ba? Ano? Ilalaban mo pa?" pang hahamon ni tito john sa kin.


Dahil may tiwala ako na mananalo kame mamaya at may tiwala ako sa mga teammates ko at tiwala akong maganda ang magiging play ko later ay tumango na ko.


"Okay. Deal." lakas loob kong sabe.


In-offer ko yung right hand ko for a handshake at para i-sealed yung deal namen ni tito. Na kinuha din naman nya at nakipagkamay sa kin.



"Umaasa akong tutupad ka sa deal naten. May isang salita ako at sana ganon ka rin." si tito john ng matapos ang maigsing handshake namen.



"Yes po tito." ako. "And by the way mananalo po kame later."


*End of flashback*











"Eh, natalo kayo." si maki. "Kaya pinagbabayaran mo na yung isinugal mo."


Tumango na lang ako. "Nararamdaman ko ng unti unti ng nawawala sa kin si jhoana, may iba ng gumagawa ng mga ginagawa ko dati sa kanya." mabilis kong pinunasan yung isang patak na luha na dumaloy sa king pisngi. "Unti unti ng nagte take over si nico at nasasaktan ako. Hindi ko mapigilang di magselos kase halos lahat ng yun ako ang gumagawa sa kanya....Dati pero ngayon, sya na.....si nico....."


Hindi ko na napigilan pa at nagsituluan na ng sunud sunod ang mga luha ko. Nakakahiya na kay maki kase netong mga nakaraang mga araw eh dito ako tumutuloy sa kanya. Hindi ako umuuwi sa bahay namen kase ayokong makita ako ng parents ko na ganto, misarable dahil sa bigong pag ibig ko kay jho. Alam kong kahit hindi ako magsalita ay alam na nila yung nangyayare sa min ni jhoana at alam kong nasasaktan din sila nangyare sa min. Mahal ng family ko si jho, bunso na nga ang tawag nila sa kanya magmula nung dalhin ko sya sa min at mas minahal pa nila ito nung umamin akong mahal ko sya at ipu-pursue ko sya bilang girlfriend ko. Botong boto sila kay jho para sa kin pero ngayong nasasaktan ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay alam kong ganundin ang nararamdaman nila.


"Para namang may psychic power yung papa ni jho." si maki na patuloy lang pag alo sa kin. "Binigyan ka ng deal na di mo talagang matatanggihan kaya sinunggaban mo agad para nga naman sa ngalan ng pag ibig. Akalain mo nga naman na matatalo kayo sa game 2 na halos abot kamay nyo na yung panalo sa set4 pero parang hinipan yung bola kaya nabaligtad ang lahat at yun na nga.....Natalo kayo...."malungkot at halos pabulong na yung huling sinabe nya.


Iniisip ko ngayon ay yung deal na pinasukan ko, nakakalungkot dahil hindi ako nagtagumpay dun at ang kabayaran nun ay ang tuluyan kong pagbitaw sa sa pag asa kong maipapagpatuloy pa namen na naudlot na pagmamahalan namen ni jhoana.


"I-lelet go mo na sya?" si maki.

"Mali ba kung......kung ilaban ko pa?" ako na sumisinghot singhot na naman.


Malungkot akong tiningnan ni maki. "Bei...." tas umiling.


"Kaya ko pa maks." pangungumbinsi ko pa. "Kaya ko pa. Galos lang naman yung inabot ko sa kanya kaya---"


"Kaya papa abutin mo pang masugatan ka pa nya ng mas malalim pa?" makahulugang balik din neto sa kin. "Bei, hindi lang galos yang binigay nya sayo, actually, buong pamilya nga nya eh. Di ba, pati papa nya nakisawsaw na rin sa problema nyo?"


"Pero maks---"


"Anong gusto mo? Pati yung lalakeng yun makisali na rin talaga dyan sa oplan layuan mo si jho?" sarcastic na sabe neto.



"Subukan nyang sabihan ako ng ganyan baka magamit ko sa kanya yung mga nalalaman ko sa martial arts." seryoso kong sabe.



"Ay warfreak!" si maki. "Ang nagagawa nga naman ng pag ibig....." tas nailing iling pa. "Nagiging matapang plus nagiging T.A.N.G.A."


"Maks, mahal ko sya...." naiiyak na naman ako. "Mahal na mahal ko sya."


Napahagulgol na naman ako. Hindi ko maiwasan maging ganto ako pag napag uusapan o kahit iniisip ko lang ang pagkawala ni jho sa buhay ko. Hindi ko kayang ipaubaya sya sa iba.


"Kakausapin ko ulit papa nya tas sabihin kong di na tuloy yung deal namen tas---"


"Tas magmumukha ka ng kaawa awa sa paningin nya." si maki. "Bei, tama na. Tigil mo na---"



"Pano ako titigil kung alam kong meron pa?" putol ko sa kanya. "Ramdam kong mahal pa ako ni jho.....Alam kong may pag asa pa eh....Kahit maliit na chance pa yan gagamitin ko, para lang di sya mawala sa kin....."































AN:

Isa pang ud para sanyo po. 😊😊😊

Merry christmas po ulit.

















































Continue Reading

You'll Also Like

136K 5K 87
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
241K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
154K 7.2K 52
Four siblings, two elder brothers and two younger sisters living with their rich parents!! Get ready to enter the life of these siblings and their fa...
946K 35.9K 85
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...