Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

447K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

76( Bibitawan ka )

3.5K 56 47
By septemberoyal

JHO




".......Naisip ko baka nga longing lang ako dun sa feelings kase antagal ko ng walang karelasyon.......Inlove ako dun sa feelings pero hindi dun sa tao......Hindi pala talaga ako inlove sayo....."




Muli kong nasaksihan ang pag buhos ng kanyang mga luha. Alam kong sa sinabe kong yun eh nasaktan ko sya ng husto pero andito na rin naman kame sa sitwasyong ito na kahit kelan ay di ko naisip na hahantong kame sa ganto......ang magkasakitan.



"I-im sorry....." ako at muling nag iwas ng tingin.



"Bakit jho?" narinig kong sabe ni bea. "Ano to ha, gumaganti ka? Ginagantihan mo ko sa ginawa ko sayo? Ito yung way mo para gantihan mo ko sa ginawa kong di ko naman sinasadya?!" buong hinanakit na sumbat sa kin ni bea. "Ang sakit sakit naman ng balik mo sa kin....."



Nag angat ako ng tingin at sumakto yun sa kanya na ngayon ay hilam na sa mga luha ang mga mata netong namamaga na sa kakaiyak. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabe ko. Gusto ko syang patahanin at yakapin sa mga oras na to pero kelangan akong maging matapang para sa ikakatahimik ng lahat.....Para kay bea.....Kelangan, ako naman ngayon ang magpakamanhid sa harapan nya.......Kelangan.....



Pinatahan kong magisa ang aking sarili. Kelangan ko to. Tumingin ako sa kanya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin pero nakapagdesisyon na ko.....Putulin na naten ang anumang namamagitan sa ting dalawa.......Beatriz, Itigil na naten to."



💔   💔   💔



"At para ano?" si bea. "Para maumpisahan nyo na? Para maumpisahan nyo na yung lovestory nyo ng lintek na nico'ng yun?! Ano bang pinakain sayo ng lalakeng yun at nagkakaganyan ka!?"



"Please lang beatriz, wag na nateng patagalin pa. Magkakasakitan lang tayo kung pahahabain pa naten ang relasyon nateng wala namang patutunguhan." ako.



"So ganon na lang yun, ha? Ayawan na kase hindi na masaya......hindi ka na masaya......" si bea.



Tinitigan ko sya sa mata.....



"Kase WALA naman pala talaga....."



Parang eksena lang sa mga pelikula, yun bang matapos mo sabihin yung pinakamasakit na salita na dudurog sa kanya at magkakatitigan kayo sa mata tas makikita mong walang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata habang wala syang masabe, walang mareact basta nakatingin lang sya sayo.



Ganon, ganon ang nasa harapan ko ngayon. Ganon ngayon si bea sa harapan ko, yung inaasahan kong magiging reaksyon nya ay di nangyare. Hindi sya nagpalahaw ng iyak, ni paghikbi neto ay wala akong narinig sa kanya. Tahimik lang sya habang lumuluha sa harap ko.



Walang ganong nangyare sa halip ay dahan dahan itong tumalikod at pinagpupulot muli lahat ng mga bolang nagkalat nung sinipa nya ito kanina. Ang sakit pala nun. Ang sakit lang makita na yung taong wala namang ginawang masama sayo kundi mahalin ka lang pero nagawa mo pa ring saktan sya at ngayon nga ay tahimik na umiiyak. Nag iwas ako ng tingin dahil pati ako ay di ko mapigilan ang di maluha na naman.




Nang makuha ni bea lahat ng bola ay itinulak na nya ang cart patungong storage room at ng tuluyang mawala si bea ay saka naman nagsipaghulugan sa mga mata ko ang mga luhang kanina pang pinipigilan kong wag malaglag habang nagpapalitan kame ng mga salita......habang sinasabe ko sa kanya ang mga salitang alam kong dudurog sa kanya.



Dalawang palad ko ang itinakip ko sa aking bibig para wag gumawa ng anumang ingay ng pag iyak dahil kung hindi ko yun gawin ay magpapalahaw ako ng iyak dito at maririnig yun ni bea na ayaw kong mangyare. Pinilit ko ang sarili kong tumayo, kelangan ko ng umalis sa lugar na to dahil palakas ng palakas ang mga hikbi ko na hindi ko maitago.



Nakalabas na ko ng BEG, hindi ko na hinintay pa si bea, hindi na rin ako nag abala pang mag paalam sa kanya. Ang kapal naman ng mukha ko pag ginawa ko pa ang mga yun sa kanya. Nagpapasalamat ako kase halos walang tao akong makasalubong ngayon, walang makakapansin sa kin.....Walang makakapansin na umiiyak ako habang naglalakad pabalik sa eliazo.



Nasa gilid ako ng daan, habang marahang naglalakad at umiiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, kung kanina sa loob ng gym ay nagtapang tapangan ako sa harapan nya para lang masabe ko yun pero ngayong wala na sya at ako na lang mag isa ay parang falls lang na walang tigil sa pag buhos neto sa mga mata ko.



Pahinto hinto pa nga ako kase nanghihina na ang mga tuhod ko tulad ngayon. Hindi ko na nga binilang kung pang ilan na ba to sa paghinto ko basta huminto pa rin ako. Iyak ako ng iyak. Ang sakit at ang bigat bigat na ng dibdib ko, napapahawak na nga ako dito. Nahihirapan na akong huminga, napatingala ako para suminghap ng hangin pero lalo lang akong naiyak kase nakita ko kung gano karame yung stars ngayon sa kalangitan.



Naalala ko na naman si beatriz. Ilang beses na ba nameng ginawa ang tumakas in the middle of the night para lang mag stargazing sa rooftop ng dorm. Dun kame magpipicnic dalawa minsan pa nga, pag nakakalusot si bea ay may dala itong beer incan. Di naman marame, maximum na yung apat na dala nya kase pinapagalitan ko pag madame, ayokong nalalaseng kase sya and to think nasa ateneo pa rin kame no at BAWAL to dito.



Nangingiti ako ng mapait habang pumapasok sa alaala ko yung mga pinagsaluhan nameng moments dun. Madalas kase yun na ang ginagawa nameng dating place lalo na pag sobrang hectic yung schedule namen at halos di na kame magpangita.



Ang mga poste, ilaw at yung mismong lugar na yun ang piping saksi ng mga sweet moments namen, asaran hanggang sa magkapikunan at magkabati na naman, yung mga pagyakap nya sa kin na halos buong gabe nyang gawin at yung mga moments na halos mag make out na kame dun.



Humihikbi ako ng malakas at hindi pa rin mapatid ang pagdaloy ng mga luha ko. Tumunog ang phone ko, hindi ko sana sasagutin yun pero patuloy ang pag ring neto kaya kinuha ko yun sa bag ko. Pagkatanaw ko kung sino yung tumatawag sa kin ay lalo lang akong naiyak. Parang gusto kong ihagis ang phone ko sa malayong malayo para hindi ko na marinig pa ang pag ring neto.



Si nico, yung tumatawag. Hindi na ko nagdalawang isip pa at nireject ko yung call nya sabay off ng phone ko at muli kong inilagay sa loob ng bag ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, isang pamilyar na puting kotse ang dumaan sa gilid ko. Alam ko kung kanino yung kotseng yun kahit di ko na tingnan pa ang plate number neto.



Si beatriz......Kay bea yung kotseng yun.



Nilagpasan nya ako, ni busina ay di nya ginawa. Hindi ko naman hinahangad na pasakayin nya ako matapos yung naging drama namen kanina sa gym. Pinanood ko na lang na mawala sa paningin ko ang kotse ni bea at naglakad muli.


















Parang ayoko ng pumasok sa loob ng dorm. Kanina pa ako dito nakatayo sa harap ng pintuan ng dorm namen pero nakatingin lang ako sa doorknob. Tumahan na ko bago pa man ako nakarating sa eliazo, yun nga lang namamaga ang mga mata ko at napansin yun ni ate guard. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya ng tanungin ako kung anyare sa kin and tuluyan na kong pumasok sa loob.



At heto nga ko ngayon, nakatitig sa pintong nakasarado pa rin sa harapan ko. Natatakot akong buksan at pumasok sa loob baka kase makita yung taong pinili kong saktan kanina lang at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bawiin ang lahat ng mga sinabe ko sa kanya kanina. Hindi ko mapanindigan ang nauna kong naging desisyon......ang masakit na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.



Baka tuluyang mawala ang natitirang tapang sa dibdib ko at bumigay ako sa ngalan ng pagmamahal ko kay beatriz.....Oo, mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya at dahil sa pagmamahal kong to sa kanya nakagawa ako ng isang desisyon na para sa kanya ay hindi katanggap tanggap. Hindi baleng maging masama ako sa mata nya at sa mata ng ilang taong nakakaalam yung tungkol sa ming dalawa basta sa ikakabuti naman nya yun....



Hindi naman pwedeng magdamag na lang akong nakatayo dito sa labas kaya nagpasya akong pumasok na tutal parang wala ng ibang tao sa likod ng pintong ito, wala na kong marinig na mga boses eh. Napatingin ako sa relo ko.....relong bigay sa kin ni beatriz.....Past 11 pm na pala kaya huminga muna ako ng malalim bago ko pihitin ang doorknob.



Tulad ng inaasahan ko, wala na ngang tao dito sa sala pero bukas pa rin ang ilaw, bigla akong kinabahan. Pano kung hinintay pala ako ni beatriz? Anong gagawin ko? Iiwasan ko ba?



Parang nagsisisi akong binuksan ko pa ang pinto ngayon pero bahala na, basta i stick to my decision and para di na magbago pa ang isipan ko ay wag na lang ako makikipag eye contact sa kanya......ang weakness ko.



Muli akong humugot ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok. Pinigilan ko ang sarili kong wag lumingon sa may sofa kahit parang may nakaupo nga dun. Isinarado ko ang pinto.....



"Bes...."



Dun lang ako nagpasyang lingunin ang taong nagsabe nun. Si jia, nakatayo na ito pero nanatiling andun lang.




"San ka ba nagpunta? Sabe nina maddie at ni kat, nagpa iwan ka daw sa gym. Sasabay ka na lang daw kay bei pero nauna naman syang dumating...." sunud sunod na sabe ni jia sa kin.



Ako naman ay nanatiling nakatayo lang sa nakapinid na pinto sa likuran ko. Napayuko lang ako habang nakikinig sa mga sinasabe nya sa kin.



"Tinanong nga kita kay bea, di naman sya sumagot, nilagpasan nya lang ako. Alam mo parang may mali eh kase dapat kasabay ka nyang uuwi, hindi ka nya hahayaang umuwi mag isa....At alam mo parang kagagaling lang yun sa iyak, napansin kong namamaga yung mga mata nya eh....." wento pa ni jia.



Hindi ako kumibo, nakayuko pa rin ako. Gusto kong itago sa kanya ang mga mata kong tulad din ni bea na namamaga na rin sa kakaiyak ko pero parang di nauubos ang luha ko sa mga mata. Nag uumpisa na naman itong mamuo ngayon sa gilid neto.



"Wait." si jia na parang napansin na rin nya ako kase sumisinghot singhot na ko. "Bes......Jho......may nangyare ba?" nasa boses neto ang pag aalala na.



Hindi yata tamang isarili ko itong problema kong to. Kelangan ko ng isang taong mapag hihingan ko neto at isa si jia sa iilang mapagkakatiwalaan ko.



Unti unti kong iniangat ang mukha ko sa kanya na ngayon ay punung puno ng mga luha sa mga mata na anumang sandali ay muli na namang bubuhos sa mga pisngi ko. Nang magtagpo ang mga mata namen at nakita ni jia na ganon ang itsura ko ay lalong nag alala ito.



"Bes...." si jia.




"Jia....." ako at napakagat labe na lang at napailing ako ng ilang beses kasabay nun ang magkakasunod na pagdaloy sa mga pisngi ko ng mga luhang naipon sa mga mata ko.



Napayuko muli ako at nagsimulang yumugyog ang mga balikat ko dahil sa  umiiyak na naman ako ngayon. Nahulog sa balikat ko ang gymbag na dala ko ng magsimula akong humikbi kasunod nun ay napaupo na ko sa lapag habang iyak ng iyak.



Humahangos na nilapitan ako ni jia at niyakap agad ako ng mahigpit. Hinagud hagod nya ang likuran ko habang parang wala ng bukas ang pag iyak ko. Napayakap na lang din ako sa kanya, kelangan ko nga talaga ng isang kaibigan na makikinig sa kin at maiintindihan ako.



"Shhh....." si jia. "Tama na."



"Ju......Sinaktan ko sya.....sinaktan ko sya....." sabe ko kahit nahikbi ako. "Mali ba?.....Pero yun ang tama...."



Iyak lang ako ng iyak at tanging hagod lang nya sa likuran ko ang sumasagot sa kin. Nanatili pa kame na nasa ganong ayos hanggang sa medyo kumalma na ko ay dinala nya ako sa kusina at pinainom muna ng tubig.



Past 12 am na pero andito pa rin kame sa kusina, andito pa rin si jia, nakatabe ko. Katahimikan ang bumabalot ngayon sa pagitan namen ni jia, ayokong magsalita. Nakatulala nga lang ako sa basong nasa harapan ko.



"Kung hindi ka pa handa sabihin, di kita pipilitin....." basag ni jia sa katahimikan.



Di ako sumagot, nakatingin lang ako sa baso pero andameng umiikot sa isipan ko ngayon.



"Magpahinga ka na----"



"Ju." putol ko kay jia. "Nagdesisyon na kong putulin yung sa min ni beatriz...." mahina kong sabe ng di tumitingin sa kanya.



"Kaya pala." si jia. "Anong plano mo ngayon?"



Umiling ako. "Hindi ko alam."



"Syempre hindi pumayag si bei kaya ba nag away kayo?" si jia.



Tumango ako. "Pero wala naman syang magagawa."



"Meron naman siguro pero......" pabiting sabe ni jia. "Mas pinili mong tuldukan na ang lahat."



"Para sa ikakabuti naman nya yun.....Nameng pareho....." sagot ko.



"O ng ibang tao?" si jia. "Para sa ikakapanatag ng ibang tao."



"Nameng lahat, Ju. Nameng LAHAT." ako saka ngumiti ng mapait.



Akala ko ubos na at nasaid na ang mga luha ko dahil simula kaninang pagkatapos ng training namen at nagkasagutan nga kame ni beatriz eh wala ng patid ang pagluha ko pero eto ngayon nag iipon  na naman sya sa mga mata ko.



"Ang hirap pala lumaban pag kalaban mo ang lahat....." ako. "Hindi ko pala kaya.....Hindi ko kayang ipaglaban sya sa pamilya ko....." naiiyak na naman ako. "Kay papa.....Ayaw sa kanya ni papa. Kung di ko susundin yung gusto ni papa, ipapadala nya ako sa italy. Ayoko naman dun, ayokong malayo sa kanya......At si tita det.....Sinabihan akong bitawan ko na lang si bea kase di nya deserve to....."



Tuluyan na naman akong naiyak. Inakbayan na lang ako ni jia na nakikinig lang sa kin.



"Tama naman si tita det eh...." pagkuway sabe ko. "Di deserve ni bea yung isang taong katulad ko...."



"Kaya ba?......Hinayaan mong pumasok sa buhay mo si nico?" si jia.  "Ano ba talagang meron sa inyo ni nico?"



Kilala naman ni jia si nico at madalas ko ngang maikwento ito sa kanya. Minsan nga eh nakakasabay kame sa date ng jiaguel kahit di naman sinasadya talaga.



"Gusto mo ba si nico?" tanong ni jia.



Di ako nakasagot. Aaminin ko, gusto ko naman si nico kaya nga isa pa itong nakadagdag sa problema ko ngayon. May mga qualities sya na sakto dun sa ideal guy na gusto ko, aaminin ko rin na sa ilang buwan na nililigawan nya ako eh nagkakaroon na sya ng puwang sa puso ko.
Isang malaking factor pa na gustung gusto sya ng pamilya ko at syempre ni papa.



Marahan akong tumango. "Yun nga rin ang hindi ko maintindihan eh. Nagugustuhan ko na si nico......Gusto ko na sya......" mahina kong sabe dun sa huli.



"Kaya naman pala hindi ka masyadong nahirapan magdesisyon....." si jia. "Kase meron na pala......"



Iyak na naman ako. "Pero di ko naman sinasadyang magustuhan ko rin sya eh...." parang bata kong katwiran.



"Kahit na bes....." si jia. "The fact na sinabe mo kay bea na may nagugustuhan kang iba at sabihin pa nateng wala naman talagang "kayo" ay parang na ring pinagtaksilan mo sya."



Napatakip ako sa mukha ko at dun umiyak ng umiyak. Tanging pag alo ang nakuha ko kay jia.



"Tama na nga yan. Pahinga ka na." si jia. "May patraining pa si coach, ilang oras na lang yung itutulog naten. Alam kong mahirap gawin pero pwede bang wag mo munang problemahin yung issue nyo ni bea. Kelangan na muna nateng mag focus sa finals."




Tumango ako kahit alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako, actually kameng dalawa ni beatriz pero pipilitin ko.



















JIA



Nakakapanghinayang lang na yung dating sobrang close at hindi mapaghiwalay ay ngayon nag iiwasan, di man lang nagtitinginan at parang di magkakilala.




Ganto ngayon ang nangyayare kina jho and bea.




Simula hanggang sa matapos ang morning training namen ay ganon ang ginawa ng dalawa. Buti naman hindi naging pasaway ang girls at walang nagtangkang magtanong or magbiro sa dalawa. Bago pa man magising kase sina bei at jho ay nasabihan ko na ang mga yun.




Alam kong bago makatulog ang dalawang yun ay umiyak na naman sila. Kitang kita at nagmumura ang mga mata nilang super maga na masasabe kong nakatulugan na nila yung pagiyak nila. Pero infairness sa dalawang yun, nagpaka professional sila. Tulad ng hiningi ko kay jho nung nagka usap kame, nag focus naman sya talaga sa training.




"Pwedeng makisabay?" tanong ko kay bea ng maabutan ko sa pag lalakad.




"May pupuntahan ka?" tanong ko ulit.




"You want, merienda tayo?" sagot/tanong naman nya sa kin. "May class ka pa ata eh."




"Wala na. Last subject ko na yung pinasukan ko kanina." sagot ko. "Oi, ikaw? Baka naman may di ka pasukan ah---"




"Like you, wala na kong next subject kaya pwede na kong gumala. May almost 3 hours pa bago yung evening training. " putol ng pasaway na to. "Ano? Sama ka pa ba?"




"Oo naman." mabilis na  sagot ko. "Treat mo eh, kaya sasama ako."




Di na kame lumayo pa nag mcdo na lang kame dyan sa malapit para iwas sa traffic.




Nasa byahe pa lang kame eh nag iisip na ko ng magandang segway para makausap ko sya tungkol dun sa problema nila ni jho. Hindi ako makahanap ng magandang way para madivert yung usapan namen dun saka medyo tinatablan ako ng hiya eh.




Ayoko sanang makelam sa problema nila pero di ko naman maiwasan na di maapektuhan ng ganto lalo na at parehong malapit sa puso ko ang dalawang ito. Nasasaktan din ako sa nangyayare sa kanila.




"Julia Melissa, sige na, itanong mo na yan." pagkuway sabe ni bea.




"H-ha?" ako.




Nag angat ng tingin si bea kaya bigla akong nag iwas tas ininom ko na lang yung large coke na special request ko kay bei kanina kasama ng mga inorder nyang merienda namen. Kaka sipsip ko ay bigla akong nasamid kaya naubo ako.




Natawa naman sa kin si bea saka inabot yung mga tissue sa kin. "Yan! Galeng ng acting eh. Maang maangan pa more, morado." tas tumawa muli.




"Thank you ah." sarcastic na sabe ko ng makabawi sa pagkasamid ko.




"Oh, anuna?" si bea. "And please lang wag mo ng ulitin ang pagmamaang maangan mo, okay?" tas kumagat sa burger nya. "Shoot mo na yan."




Mukhang kahit papano good mood naman si bea ngayon, sasamantalahin ko na nga ito. Humugot ako ng malalim nq hininga.




"Bei, o-okay ka lang?" ako.




Lumipas ang 20 seconds pero di sumagot si bea. Sa isipan ko ay pinagbabatukan ko na ang sarili ko. Ang tanga lang kase ng naisip kong tanong sa kanya. Okay??? Sino naman ang magiging okay kung nagkasagutan kayo hanggang sa nagkaaway hanggang sa naging malabo na yung sa inyo ng mahal mo?




Ang tanga mong magtanong jia! Syempre HINDI!




"Hehehe....." ako, pagkuway ng ilang sandali. "Wag mo na lang sagutin, hehehe.....W-walang kwenta yung tanong ko....." at muling sumubo ng pag kain.




"Paano ba?" mahinang tanong din sa kin ni bea.




Napa angat ako ng tingin sa kaharapan ko. Nakayuko pa rin ito habang hawak ang burger nya.




"Paano bang maging okay, ju?" ulit ni bea tas nag angat din ng tingin.




Sumalubong sa kin ang mga mata nyang malungkot. Kanina ko pa napapansin ang kalungkutan sa kanyang mga mata kahit sabihin pang tumatawa at ngumingiti sa iba/sa kin.




"Parang......hindi ko na alam kung pano eh." si bea saka nag smile sa kin pero isang pilit. "Ang hirap......dalawang araw pa lang pero parang antagal na......"




"Subukan nyo kayang mag usap muli?" suggestion ko. "You want, ako ang gagawa---"




"No need, jia." mabilis na putol sa kin ni bea.




"Pero---"




"Wag na." muli nyang putol sa kin. "Kilala ko sya.....Kung ayaw nya, ayaw nya talaga. Di mo sya mapipilit. Maiirita pa yun sayo or worst.....pati kayo magkalabo na rin."




"Im sorry....." naibulalas ko.




Hindi kumibo si bea kaya nagpatuloy ako.




"Isa ako sa mga unang naka alam tungkol sa kanila ni......ni ano......" nag aalangan akong banggitin ang name ng lalakeng yun.




"Ni nico....."si bea.




Nabigla ako ng sabihin yun ni bea, ako na parang nahiya na sabihin ang name ni nico sa harapan nya kase baka mawala sa mood ito. Yun naman pala sya rin ang nagbanggit. Parang ako ang na awkward eh!




"Dont worry, jia. Hindi ako galit sayo." si bea. "Labas naman yung ibang tao sa naging problema namen eh. Kame lang yun, sa min lang yun."




"Anong plano mo?" tanong ko sa kanya.




Huminga sya ng malalim. "Hayaan ko na lang....."




"Ganon na lang?" di ako makapaniwala. "Ang bilis mo namang sumurender, bei. Di mo ba ilalaban?"




Hindi sya sumagot bagkus sumipsip ng kanyang inumin.




"Im sorry....." wala akong ibang masabe kundi ito. Nahihiya talaga ako kay bea. "S-sana sa umpisa pa lang binatukan ko na ng isang malupet si jho para matauhan sa ginagawa nya sayo. Sana maaga nyang narealize na mali yung---"




"Pwede humingi ng favor sayo?" putol sa kin ni bea.




Nagulat man eh tumango na lang ako ng mabilis. Ito na lang siguro yung pinaka bawi ko sa kanya kaya kahit ano eh bukal sa loob kong gagawin.




Sinabe nya yung favor na hinihingi sa kin. Nakinig lang ako ng mabuti at di pa man nya natatapos yun eh umo-o na ko agad.




"Salamat jia, ah." si bea ng makabalik na kame sa ateneo.




Actually, nasa parking na kame ng eliazo pero nasa loob pa rin kame ng kotse nya.




"Anything para sayo, bei. Gagawin ko." sabe ko naman sa kanya.




Hinawakan ko ang magkabila nyang kamay. Bilang assurance.




"Mapagkakatiwalaan mo ko dito. Promise."





























AN:

Parang di ako satisfied dito sa isang ito.🤔🤔🤔

Tingin nyo?























 
                       









































Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.1K 60
In which Daniel Ricciardo accidentally adds a stranger into his F1 group chat instead of Carlos Sainz.
822K 33K 38
On that fateful Halloween night, Lily and James survived while Voldemort apparently 'marked' Harry Potter as his equal. Aria Potter, twin sister of...
126K 2.3K 47
Alexis Piastri is Oscar Piastri's older sister. After feeling unfulfilled with her life, Alexis decides to drop everything to take a gap year and joi...
292K 14.1K 94
Riven Dixon, the youngest of the Dixon brothers, the half brother of Merle and Daryl dixon was a troubled young teen with lots of anger in his body...