The Sex Teacher

Galing kay nonwingedangel1

823K 6.2K 391

SELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakaka... Higit pa

The Sex Teacher
TS - Chapter 1
TS - Chapter 2~ Maximillo AKA Maxene
TS - Chapter 3 ~ Meeting him...
TS - Chapter 4 ~ The Consultation
Chapter 5 ~ The Incident (Part 1)
Chapter 6 ~ The Incident (Part 2)
Chapter 7 ~ Her Decision
Chapter 8 ~ His Answers
Chapter 9 ~ Her Rules
Chapter 10 ~ The Checklist
Chapter 11 - Damn the Checklist
ANGEL'S NOTE (not an update)
TST - Chapter 12: Dating 101
TST ~ Chapter 14: She's back
TST ~ Chapter 15: Sisters forever
TST ~ Chapter 16: Kissing 101
TST ~ Chapter 17: Kissing 102
TST~ Chapter 18: Panic Mode
EXTRA CHAPTER: The Lost Boy and the Other Girl
TST~ Chapter 20: Facing Fear
SURVEY: THIS IS NOT AN UPDATE

TST - Chapter 13: Dating 102

15.3K 151 9
Galing kay nonwingedangel1

TST – Chapter 13: Dating 102[The test]

 

SELENA’S POV

            Natapos na rin ang pagseset up ng staffs naming. I looked at my office. If a stranger will enter my office hindi ito mapagkakamalang opisina kundi isang restaurant. Ang galling talaga ni Francine at siyempre ng iba pa.

            “Okay na ba ito, Ma’am? O may ipapabago pa kayo?” tanong ni Francine.

            “Naku wala na. This is perfect. Magpahinga na kayong lahat. Nagpabili rin pala ako ng pagkain para sa inyo dahil sa abala na ito. Puntahan niyo na lang si Leah.” Nakangiti kong sabi. Natuwa naman silang lahat lalo na yung mga lalaking kanina pa nagbubuhat.

            “Hindi naman po kailangan nun. Pero thank you po. Tara na boys.” Aya niya sa iba pa at lumabas na rin.

            All is set. Yung dalawa na lang ang kulang.

            I looked at the wall clock.

            9:45 am.

            Tamang-tama lang. Parating na sigurado yung dalawa.

            Si Jason siyempre, at si… Jesse. Napangisi ako ng maalala ko yung nangyari kanina.

        *An hour ago*

        “WHAT? NO!” Sigaw ni Jesse na kausap ko sa phone.

        “Sige na naman oh! Ngayon lang naman eh. Pagbigyan mo na ako.” I started pacing back and forth inside my office.

        “I said no, Selena. Hindi ko kaya. And besides, you know I like someone else, right?” Her voice softened on the other line.

        “Yeah, I know. Pero alam mo naman na kung kaya ko lang ako na ang gagawa eh. Can’t you just help your dear friend over here?” I used the sweetest tone na kaya ko.

        “No. I can’t.” She said firmly. Naku, hindi pala effective.

        “Okay. Bye~” Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at pinutol ko na ang tawag.

        ‘Now what should I do?’ I asked myself.

        Right then, my phone rang.

        Calling…

 

        Maxene na maganda.

 

        I smiled. I have an idea.

        *Present*

        *toktok*

        Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang inis na inis na si Jesse. Halos magsalubong ang kilay nito dahil nakakunot ang noo niya. Walang anu-ano’y pumasok siya sa opisina ko.

        “Ano ba ‘tong – “ natigilan siya ng mahawi niya ang itim na telang nagkukubli sa isang sulok ng opisina ko.

        “Woah~ ano ‘to?” lumigid ang mata niya. Hanggang sa makita niya ang gitna na may mesa at upuan.

        “You like it? So, ready ka na Jesse?” I smiled sweetly at her.

        “Psh. Pasalamat ka at si Max my loves ang nakiusap sa akin, kung hindi lang…” bumalik sa pagkakaismid ang mukha niya tulad kanina nung pumasok siya ng office ko.

        Lalong lumapad ang ngiti ko.

        And yes, tama kayo. Si Max ang nagugustuhan ng maganda kong kaibigan.

        Ewan ko ba dito, maganda naman siya, mabait, matalino, lahat pwedeng magkagusto sa kanya, pero sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sa isang lalaki na lalaki rin ang hanap siya na-inlove. Weird. Pag naman tinatanong ko siya ang sinasagot niya lang lagi sa akin…

        “’Cause he’s the right guy for me.” Sabay kindat.

 

        “Ano ba kasing gagawin natin dito at may ganito pa?” Nakakunot ang noo niya habang nagtatanong. At nakaismid pa rin.

        “I’ve told you a million times right? I just need you to sit there, relax and act like you are on a date.” Itinuro ko ang table set up sa gitna ng office ko. Ako pa mismo ang nagset up nun.

        It’s a table for two na may mga pagkain at kandila pa sa ibabaw ng lamesa. Pang-date talaga ang vibe.

        “Huh? Bakit ba kasi? Sino bang makakadate ko? Si Max my loves ba?” excited niyang sabi. Umiling lang ako.

        “Then who?” naptaas ang kilay niya.

        *tok tok*

 

        “Andyan na yung kadate mo. Upo ka na dun.” Tinulak ko siya ng bahagya at lumabas ng office.

        Sinara ko kaagad ang pinto at hinarap ang bagong dating.

        “Oh Selena! Hindi ba tayo papasok sa office mo?” naguguluhan niyang tanong.

        “Papasok. Pero wait! Dala mo ba yung pinapadala ko?” Inilabas niya naman ang isang boquet ng red roses at isang box na chocolate.

        “Eto oh. Para kanino ba ‘to? At bakit mo ako pinasuot ng ganito?” nakasuot kasi siya ng formal outfit. White long sleeves with black bowtie at black coat. [see on the side]. Bagay na bagay sa kanya.

        “Sa ka-date mo.” Nakangiti kong sabi.

        “Huh? Kadate? Dito? Sino?” sunud-sunod niyang tanong.

        “Easy! Andami mong tanong eh.” Natawa ako sa reaksyon niya. “Ngayon na ang simula ng lessons mo. Date ang topic natin ngayon.” Paliwanag ko.

        “Okay. Pero teka, alam mo naman na hindi ako marunong sa ganito diba?” nag-aalangan niyang sabi. “Paano kung maturn-off sa akin yung ka-date ko? What if I mess up? What if –“ I interrupted him.

        “Stop! Stop that ‘what ifs’. Kaya nga nandito ka para matuto diba? Binigyan na rin kita ng hand-outs. Basta. Just be yourself. Kung magkamali ka, just go on. Wala naming perpektong tao eh.” Nagnod naman siya.

        “So, are you ready for your date?” nagnod ulit siya.

        “Okay, let’s go inside.” Sumunod naman siya sa akin.

        Pero bago pa man siya makahakbang palayo sa pinto, pinigilan ko siya.

        “Wait! Dyan ka muna. Pag pinalapit kita saka ka lang lalapit, okay?”

        Hinawi ko ang telang itim na nakaharang at doon pa lang nakita ni Jason ang totoong ayos ng lugar. Napangiti ako ng nakita kong namilog ang maliliit niyang mga mata sa pagkagulat at pagkamangha. Lumibot ang mata niya hanggang sa nakita na niya Si Jesse na nakaupo sa gitna.

        Pumunta ako sa likod ni Jesse at kinuha ang clipboard ko.

        “Siya ba yung makaka-date ko? Pwede na, gwapo naman. Pero mas gwapo pa rin si Max my loves.” Bulong ni Jesse sa akin.

        “Oo na.” natatawa kong bulong.

        “Jason, pasok.” Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya.

        Pumasok naman si Jason dala ang bulaklak at chocolates. Pero ang pinagtataka ko ay bigla siyang huminto. Napansin ko rin na pinagpapawisan siya. Nilapitan ko siya.

        “Bakit ka huminto?”

        “Hindi ko alam yung gagawin eh.” Napakamot siya ng batok.

        Oo nga pala, wala siyang idea sa ganito.

        “Ganito ang gawin mo, pumunta ka dun, batiin mo siya tapos ibigay mo yan sa kanya tapos umupo ka na. Okay?” tumango lang siya. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at sinenyasan siyang lumapit.

        Lumapit siya na nakatungo ang ulo na para bang nahihiya o natatakot. Napakamot ako ng ulo. Hinayaan ko lang yun at nagsulat sa papel na nasa clipboard ko.

        “H-hi! F-for you.” Nakatungo pa rin siya habang binibigay ang bulaklak at chocolate. Tsk, sulat ulit sa clipboard.

        “Thanks. Jason, right? Nice to meet you! I’m Jesse.” Nilahad ni Jesse ang kamay niya ng nakangiti. Ang galling talaga nitong kaibigan ko.

        Napatingin si Jason sa mukha niya at sa kamay niya na nakalahad. Tapos tumingin ulit sa mukha niya. Tapos sa kamay niya. Napakurap pa siya ng ilang beses na parang di niya alam yung gagawin.

        “Shake her hand.” Sumingit na ako sa kanila habang nagsusulat. Dun lang natauhan si Jason at nakipagshake hands din sa wakas kay Jesse.

        “Y-yeah. I’m Jason. N-nice to meet y-you too, J-Jesse.” Halos pabulong niyang sabi. Umupo na rin siya sa tapat ni Jesse.

        Naghintay ako ng sunod niyang gagawin pero lumipas ang isang minuto at nakaupo pa rin siya. Nagtatakang tumingin sa akin si Jesse na tila ba naguguluhan. Sinenyasan ko nalang siyang magsalita at nagsulat ulit ako.

        “Ah, nga pala nag-order na ako ng pagkain. I hope hindi ka naman allergic sa mga yan?” masigla niyang sabi. Napatingin si Jason sa mga pagkain sa lamesa.

        “H-hindi naman. Wala naman akong allergy. Thanks.” Yumuko uli siya at pinaglaruan ang dulo ng manggas ng polo niya.

        Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari kaya naman sumungit na ulit ako.

        “Jason! Ano ba?! Date ito. Hindi ka lang uupo dyan. Magsalita ka naman. Be friendly and energetic. Akala ko ba binasa mo yung binigay kong documents? Paano na kung kayo ni Kate ang magka-date ngayon? Sa tingin mo magugustuhan ka niya kung ganyan ka?” Napatingin siya sa akin ng banggitin ko ang pangalan ni Kate.

        “Sorry.” Napayuko nanaman siya.

        “Hindi ko kailangan ng ‘sorry’ mo. Gawin mo ang sa tingin mo ginagawa ng isang lalaki sa isang date. Alalahanin mo yung nandun sa  binigay ko sayo. Tandaan mong ginagawa mo ‘to para magustuhan ka ni Kate. Let’s start again from the beginning.” Bossy na kung bossy. Di siya matututo niyan eh.

        Kinuha ko ang bulaklak at chocolates at iniabot ito kay Jason. Bumalik naman siya sa tapat ng pinto kung saan siya nakapwesto kanina.

        “Hey, easy lang. Don’t be too hard on him.” Bulong ni Jesse sa akin. Tumango na lang ako at tumingin sa direksyon ni Jason. Nakita kong pumikit siya at huminga ng malalim. Pagdilat niya biglang nawala ang ‘mahiyaing’ si Jason at napalitan ito ng isang ‘confident’ Jason Villareal.

        ‘So “Kate” lang pala ang magic word?’ sabi ng isip ko. Umiling lang ako at tinignan ulit siya.

        Umayos siya ng tindig at tumingin sa direksyon ko. Napangiti naman ako sa kanya. Tumango ako at lumapit na siya. Pumunta siya sa harap ni Jesse. Iniabot niya ang bulaklak at chocolates ng nakatingin ng deretso sa mga mata nito.

        “Beautiful flowers for a beautiful lady?” at ngumiti siya at lalong naningkit ang mga mata niya. Nagulat si Jesse sa kinilos ni Jason pero nakabawi naman siya at tinanggap ang mga bulaklak.

        “Thanks. Jason, right? I’m Jesse. Nice to meet you.” Inilahad niya muli ang palad niya at inasahang kakamayan siya nito pero nagulat kami pareho sa ginawa ni Jason.

        Imbis kasi na kamayan lang ay hinalikan nito ang likod ng palad ni Jesse. Nanlaki ang mga mata ni Jesse.

        “It’s a pleasure to meet you.” Nagniningning ang mga mata ni Jason nang sabihin niya iyon. Ngayon ay namumula na si Jesse. Binitawan niya ang kamay nito at umupo. Tinapik ko ang balikat ni Jesse dahil natulala siya kay Jason. Dun lang siya natauhan at itinuloy ang pag-arte.

        “Ah, nga pala nag-order na ako ng pagkain. I hope hindi ka naman allergic sa mga yan?” inulit niya ang sinabi kanina. Umiling si Jason.

        “No. Wala naman ako allergy sa kahit na ano.” Hindi pa rin nabubura ang ngiti niya habang nagsasalita.

        “That’s great! Let’s eat?” Pero nakatitig pa rin si Jason sa kanya. “Why? Is there something wrong?” tanong nito.

        “Nothing. I just realized something.” He said playfully.

        “Ano naman ‘yon?”

        “I just realized… That I’m so lucky because I’m dating a gorgeous lady in front of me now.” Pagkasabi nun ay nagsimula na siyang kumain habang si Jesse ay napatulala nanaman.

        Kahit ako na mismong nanunood lang ay walang masabi. Si Jason ba talaga ‘tong nagsasalita? Grabe parang kanina lang halos maubusan ako ng dugo dahil sa kinilos niya kanina pero ngayon… Napailing na lang ako. Ganito niya pala talaga kamahal ung Kate na ‘yun.

        I tapped Jesse’s shoulder to stop her from staring at Jason. She blinked twice before she started eating.

        “So, what do you do?” tanong ni Jason habang kumakain.

        “Well, I’m a psychologist. I have a clinic in Makati pero on-call din ako lalo na sa mga matagal ko nang pasyente. You?” balik-tanong ni Jesse.

        “My life is boring. I’m the COO of our family’s company. Our businesses are chains of restaurants and hotels. Nagsisimula na rin kami mag-explore sa Cruise business.”

        “That’s nice! I’ve dreamed to go on a cruise. Wala lang talagang time dahil masayadong madaming pasyente.”…

        Nagtuluy-tuloy ang ‘getting to know’ stage ng dalawa ng walang problema. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa pinapakitang cooperation ni Jason. Parang hindi siya ang Jason na nakita ko sa bar habang nagwawala.

        Well, bukod sa makapal niyang salamin na nakaharang sa mga mata niyang maliliit at buhok na magulo pero naka-ayos [A/N: alam niyo na yun, haha xD], walang pinag-iba kaya sigurado akong siya pa rin iyan. Ibang klase ang pinapakitang determinasyon niya para lang kay Kate.

        Namalayan ko na lang na tapos na sila sa date nila ng tumayo sila ng sabay.

        “So… I’ll see you again, right?” malambing na sabi ni Jason.

        “Yeah, sure. Just call me.” Kinikilig na sabi ni Jesse.

        Tss. Kurutin ko singit neto eh. At aba, nagbigayan pala sila ng calling card! Ang bilis ah.

        “Of course.” Nakangiting sabi ni Jason.

        “Okay tama na yan.” Sumingit na ako sa kanila at di ko rin alam kung bakit. Nagtataka naman silang napatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Jesse bigla niya akong hinila at nagtago kami sa telang itim na nakaharang.

        “Grabe Selena! Nakakatuwa siyang ka-date. He’s very fun to be with. And plus, he’s sooooo romantic.” Halos impit ang pagtili niya dahil konting lakas pa ay maririnig kami ni Jason na nasa likod lang namin.

        “Oo. Halata ngang enjoy na enjoy ka eh.” Naiinis kong sabi.

        “Yes! I enjoyed it a lot! Grabe… Teka! Bakit ka nagagalit?” nagulat naman ako.

        “Huh? Ako galit? Hindi ah! Paano mo naman nasasbi?”

        “Ayan oh!” sabay turo sa noo kong nakakunot, “at ang sarcastic kaya ng sabi mong, ‘Oo. Halata ngang enjoy na enjoy ka eh.’” Ginaya niya ang tono ng boses ko.

        “Hindi naman sarcastic ‘yon ah? Isa pa wala akong dahilan para magalit noh. Pero, wait! Akala ko ba kay Max your loves ka lang? Eh bakit ngayon kilig na kilig ka dyan?” pang-aasar ko.

        “Kay Max my loves pa rin ako nuh. Sadyang nakakakilig lang talaga si Jason. Siya ba yung kinuwento mong bagong kliyente? Tama ka, mabait nga siya.” Tumango lang ako sa kanya.

        Tumingin naman siya sa relo niya.

        “Shoot! Late na ako sa appointment ko! Sabihin mo nalang kay Jason nauna na ako ah? And it’s nice to meet him, kamo.” Nagbeso siya sa akin then she stormed outside my office. Bumalik naman ako kay Jason.

        Nakita ko siyang nakatayo pa rin pero nakatungo na siya ngayon. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.

        “Good job! Ayos ka naman pala eh.” Napatingin siya sa akin at inayos ang salamin niya.

        “Really? I didn’t messed up? Woah!” nagpakawala siya ng hangin.

        “Tara dun sa desk ko.” Iginiya ko siya sa kabilang side ng office ko at pinaupo siya sa chair na nasa tapat ng desk ko. Ako naman naupo sa swivel chair ko.

        “Grabe yung kabog ng dibdib ko kanina. Parang konting galaw magkakamali ako.” Nakahawak pa siya sa chest niya kung nasaan ang heart niya.

        “Hindi ah! You actually did great. Paano mo nagawa ‘yun? I mean, nung una you we’re so uneasy then in a split second para kang naging ibang tao. What changed you?”

        “Ewan ko rin eh. Pero ang iniisip ko nun, si Kate yung ka-date at kausap ko. Tapos parang kusang nagsasalita ang bibig ko at pati yung galaw ng katawan ko. Parang magic nga eh. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.” Nakangiti niyang sabi.

        Kaya naman pala ganun eh. Si Kate ang iniisip niya. Tss.

        “Well, you really did great.” Nagthumbs up ako, “Pero dahil may bago kang experience today…” kinuha ko ang red folder kung saan nakalagay yung form niyang walang laman sa drawer ng desk ko. “Write it here in your form. For references lang.”

        Masigla siyang kumuha sa mug ng isang ballpen at nagsulat habang nakangiti.

        First lesson, COMPLETE.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

                Update. :) 

        COMMENT ♥.

 

        VOTE ♥.

        FOLLOW ♥. 

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...