Special guest/Save him!....
Habang wala pa namang nabili pumunta muna ako ng CR dahil kanina pa ako nilalamig dito sa loob ng shop. After kong mag cr bumalik na ulit ako sa counter para mag asikaso ng service,
Maya maya lang biglang lumapit sakin si ana dala ang menu "speaking of andito na sya" pabulong nyang sabi
"Ha? Sino?" Taka ko "ay ang slow, yung special guest mo" sambit nya "ah ok asan ba sya pupuntahan ko na?" Tanong ko mukhang napakahalaga nga ng taong to dahil sobrang asikaso nila ana
"Ayun sya sa may dulo" turo nya dun sa lalaking nakaupo sa duluhan ng coffee shop for special guest nga ang pwesto na yun "ok sige ako na bahala akin na to" kinuha ko ang menu sa kanya at aakma ng lalakad ng hawakan ako sa braso ni ana
"Bakit may nakalimutan ka pa ba?" Taka ko syang tinignan "ah anu kasi ikalma mo lang sarili mo sa kanya ha baka magalit nanaman sayo si manager" mahigpit nyang bilin saka binitawan ang braso ko
Napangiwi ako "ha? Bakit naman eh special guest nga yun Diba so magandang service ang ibibigay ko sa kanya" pero nanatili pa rin syang balisa at parang namumutla
"Ok basta yung bilin ko ha" yun lang at mabilis syang nawala sa paningin ko, nagkibit balikat na lang ako saka naglakad papunta dun sa lalaking nakatalikod
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba habang nilalapitan ko ang lalaking nakatalikod, "ah si-sir good evening welcome to our coffee shop, I am your good service"
Bati ko sa kanya na may pag aalangan "mm good may I have your menu?" Sambit nya teka parang kilala ko ang boses nya, ilang Segundo lang dahan dahan syang lumingon sakin
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino syang nagpapanggap na special guest, "ikaw?"
"Yup nobody!" Sambit nya at nagdekwatro pa ang paa "ikaw na bwisi-"
"Uh uh uh kakasabi mo lang na you gave me a GOOD SERVICE right?" May Diin talaga sa sinabi nyang good service, "pano mo narinig yun eh ang layo layo ko sayo kanina ha"
"Well let's say....I'm not only good looking but good hearing" turo nya pa sa tenga nya kapal! "Mukha mo maghanap ka na lang ng ibang magseserve sayo" aalis na sana ako ng magsalita pa sya
"Ok pero I'm not the reason kapag ipinatawag ka ulit ng manager mo" may banta yung sinabi nya na nagpatigil sakin at hinarap ulit sya "OK FINE SIR AT YOUR SERVICE" sambit ko na pinandilatan pa ng mata
Ayoko man pero kailangan kong pagsilbihan ang taong to para hindi na maulit pa ang nangyare dati, nangako ako sa manager namin na hinding hindi ko na ulit uulitin ang nagawa kong pagkakamali!
Tumayo ako sa tabi nya at inabot ng maayos ang menu with fake smile, "mm good girl, mmmm I want coffee macciato with less sugar
...and...this graham cake" sambit nya sa piniling menu
"Ok I repeat your order sir, you have coffee macciato with less sugar, and graham cake, what else sir" ang hirap namang makipag plastikan sa taong to!
"Oh good for asking me, my last order ako which is YOU" turo nya sakin na may kasama pang kindat, "ako?" Naituro ko pa ang sarili ko natawa ako "sorry sir pero hindi ako masarap kainin eh" sarcastic kong sabi
"Who say na kakainin kita? May freebies kayo right? So ikaw ang freebies ko" sa Sandaling ito hindi lang mata ang nanlaki sakin pati butas ng ilong lumaki at kung in character lang sa TV ang itsura ko malamang umuusok na ako sa inis
"Sorry pero hindi ako isang laruan na pwede mong hingin kung kelan mo gusto tao ako hindi freebies!" Maging seryoso na ang tono ko dahil sa ginagawa nya
"Why is it freebies na pagsilbihan mo ako?" Huminga ako ng malalim bago nagsalita "sana nga yan lang ang gusto mo, bilang staff dito pagsisilbihan ko ang costumer ko ng maayos, pero sana tratuhin nyo rin kami ng maayos"
Pagkasabi ko nun, mabilis kung kinuha ang menu at ang notes saka mabilis na naglakad pabalik ng counter para asikasuhin ang order nya, habang hinihintay kong matapos ang order nya, lumapit sakin si ana
"Ayos ka lang? Sorry ha hindi ko sinabi kung sino yung special guest mo, ayoko lang kasing mapagalitan ka ni manager kaya yun sorry ha" paghingi nya ng sorry sakin
Huminga ako ng malalim bago nagsalita "Anu pa bang magagawa ko mukhang nakatadhana talagang bwisitin nya ang araw ko" disappointed kong sagot
"Sorry talaga" pag uulit nya "ok lang trabaho ko naman talagang magbigay ng magandang serbisyo sa mga tao dito kahit pa pakitaan ka ng pangit na ugali" sambit ko
Saktong nagbell na ang nasa window shield hudyat na ready na ang order, "sige ana dadalhin ko na to kay asungot este kiel, pagkasabi ko nun nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa
"Kaw talaga nagawa mo pang magpatawa" sambit nya na napahawak pa sa bibig para pigilan ang malakas nyang halakhak "hindi ko sadya yun haha gue na baka mainip pa yun" paalam ko at dinala ko na ang order kay Kiel
"Here's your order sir enjoy your coffee" alis na sana ako ng pigilan nya ako "wait"
"Why sir?" "Ikaw freebies ko Diba so sitdown" utos nya muntik ko ng makalimutan, hindi na ako sumagot at naupo na lang ako katapat nya,
Ininom na nya ang kape at kinain ang graham cake habang ako bored na bored dahil wala akong magawa, ayoko rin syang tignan "do you want?" Kunwari nyang alok "no thanks busog ako" sambit ko at tumingin sa kawalan
May ilang minuto pang naging tahimik sa pagitan naming dalawa, hanggang sa di ko napansing ubos na pala ang kinakain nya, "now get me some water" biglang utos nya kaya napataas ang kilay ko sa kanya, ganun pa man "ok sir just wait here"
Sambit ko at kinuha sya ng tubig gawin daw ba akong utusan! Konting tiis na lang talaga at siguro dapat akong maglaan pa ng mahaba habang pasensya dahil panigurado gagawin at gagawin nya to sakin palagi,
"Ito na sir ang water" pagkaabot ko nun agad nyang ininom saka sya dumukot sa wallet nya para ibigay ang credit card na hawak nya "here" abot nya, kinuha ko na yun at mabilis na sinwipe para makaalis na ang lokong to pahirap eh!
"Ito na po ang credit card nyo thank you for coming" pasasalamat ko with fake smile again, nag wink at smirk pa ang loko bago tumayo "yan dapat matuto kang gumalang at sumunod sa costumer mo" sarcastic nyang sabi saka mabilis na naglakad palabas ng shop
"Makarma ka sana!" Bulong ko sa sarili ko habang nililigpit ang pinagkalatan nya, sa wakas nakahinga din ako ng maluwag, kanina pa kasi ako nasosofocate sa ginagawa nya sakin na para bang nanadya o talagang sinasadya
Walang puso!
Pagkatapos kong dalhin ang mga kalat bumalik na ako sa counter para tumulong "Anu na balita?" Minsan talaga iisipin kong magkapatid tong si Lea at ana dahil hilig nila lagi ang sumulpot kung saan saan,
"Ayun lumayas na" wala sa mood kong sagot na nagpalukot sa mukha nya "bakit pinalayas mo?" Gulat nya na kunwari napahawak pa sa bibig na gulat na gulat
"Ang OA mo syempre hindi ko gagawin yun alam mo namang may consequences yun kapag ginawa ko" kaya nga hanggat maaari mas pinili kong manahimik habang kasama sya baka kung ano lang ang masabi ko
"Fine, nga pala 30 minutes to go magsasara na tayo" pag iiba nya "ha? Bakit naman, may 2 hours pa tayo ha?" Taka ko dahil ngayon lang napaaga ang pagsasara ng shop na to
"Kasi aalis si manager dahil may importanteng lakad kaya gusto nya na maaga daw tayo ng magsara don't worry hindi naman daw babawasin yun sa sahod natin" sambit nya
Buti naman akala ko maapektuhan ang sahod ko "kung ganon nga dapat siguro unti untiin na natin ang pagliligpit para mamaya yung sarili na lang matin ang aayusin" suggest ko
"Oo nga no sige mag uumpisa na ako" paalam nya "gue ako rin" wala na kaming sinayang na oras pa, lahat ng dapat ayusin at ligpitin ginawa namin pati yung iba naming kasama tinulungan na rin namin para mapabilis,
Pabor to sakin lalo na at pare pareho kaming pagod "o ayan ready na tayong umuwi" excited na sabi ni ana na bitbit ang backpack nya "hindi ka naman excited nyan noh?" Natatawa kong sabi at kinuha ko na rin ang gamit ko
Paglabas namin ng shop si manager na ang nagsara to make sure na nalock ito "o sige na uwian na una nako Athena may date pa kami ng boyfie ko" sambit nya na kinikilig pa
"Ganitong oras date?" Gabi na kaya tapos ngayon lang magdedate? "Oo eh yaan mo na o panu kita na lang ulit ha bye" yumakap sakin si ana bago umalis "bye din goodluck sa date" sigaw ko habang palayo ng palayo si ana at ako umuwi na rin,
Napadaan ako sa kalsada kung saan may mga garden na magaganda, malamig at ingay ng sasakyan ang maririnig mo sa gabi, habang naglalakd ako may nakaagaw pansin sakin di kalayuan sa pwesto ko,
May isang grupo ng mga kalalakihan ang nakapalibot sa isang lalaking nakahandusay sa sahig, wala na sana akong balak mangialam pa dahil baka ako naman ang mapagdiskitahan, pero dahil sa hindi ako mapakali
Dahan dahan akong lumapit at nagtago ako sa isang puno at tinignan maigi kung sino yung binubully ng nga kalalakihan, nang maaninag ko, nanlaki ang mata ko sa nakita ko "si Kiel"
"Mabuti pa ibigay mo na para di ka na masaktan" sabi nung isa na may kalakihan ang katawan "oo nga" segunda naman nung isang may hawak sa kanya
Anu namang ginagawa ni Kiel sa lugar na to at anu ang atraso nya sa mga mokong na yun? Sunod sunod na katanungan sa isip ko, ah alam ko na kung bakit!
Nakarma na sya sa ginagawa nya sakin, mayabang kasi aalis na sana ako ang kaso narinig ko ang pagsuntok ng isang lalaki sa sikmura ni Kiel habang hawak sya ng dalawa pang lalaki,
Parang sobra naman yata ang ginagawa nila, kailangan kong gumawa ng paraan tumawag ako ng police at sinabi ko ang nangyayare sa lugar na to, habang wala pang sasaklolo nag isip ako ng paraan kung paano sya ililigtas sa mga asungot na yun
Luminga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang isang 2x2 na mahabang kahoy at dinampot ko yun at mabilis na tumakbo para hampasin ang mga lalaki
"Hhhhoooooyyy mga walang hiya kayo bitiwan nyo sya" patuloy pa rin ako sa paghampas hanggang sa mabitawan na si Kiel ng dalawang may hawak sa kanya
"Aray sino ka ba bat ka nakikialam dito?" Galit na sabi nung lalaking nahampas ko sa ulo at likod "napakasama nyo bakit ba kayo nang bubully kalalaki ng katawan nyo ayaw nyong maghanap buhay"
Patuloy pa rin ako sa paghampas "aray tama na" hahampasin ko pa sana sila kaso kumaripas na ng takbo ang mga loko kaya natigil na rin ako sa pag hahampas,
Binitawan ko ang hawak kong kahoy at tinulungan si Kiel na maiupo sa upuang mahaba "ano ok ka lang?" Wala sa mood kong tanong, pinunasan nya muna ang dugong umawas sa bibig nya dahil sa dami ng dugong nalabas sa bibig nya,
Kinuha ko ang panyo ko at ginamit yun pampunas sa Labi nya "o punasan mo yan" bigla syang tumingin sakin na parang makahulugan "what are you doing here?"
Bungad nya wow lang talaga ha yan talaga ang sasabihin? "Anung ginagawa ko ito? Ano pa edi tinulungan ka, imbes na mag thank you ka yan agad ang bungad mo wala kang kwentang tulungan" bwisit, sya na tinulungan sya pa galit!
"bakit sino ba nagsabi sayo na tulungan mo ako? Bakit mo naman ginawa yun alam mo ba na sa ginawa mo pwede lang mapahamak? How crazy you are"
Sarcastic nyang sermon sakin, "alam mo, ikaw na tong tinulungan ikaw pa galit? ginawa ko to dahil hindi ako katulad mo na mahilig mambully kaya sana tigilan mo na ang pambubully kung ayaw mong gawin din sayo ang ginagawa mo"
Pangaral ko at minabuti kong tumayo at umalis pero may nakalimutan akong sabihin kanya huminto ako at hinarap sya "nga pala parating na ang mga pulis epablater mo na yung mga yun para di ka na guluhin"
Tumalikod na ulit ako ng "wait" pigil nya sakin "bakit may hindi ka paba naisermon sakin? Sarcastic ko ring tanong "I just want to say......thank you" parang labas pa sa ilong ang sinbi nya ha
"Oo na" yun lang at iniwan ko na sya, gusto ko nang magpahinga triple na ang pagod ko hay buhay!
(Yun oh ang bait ni athena...naku Kiel magbago na ha!.....next chapter na po si Kiel yiieppiee!!! Enjoy reads!)
Don't forget to vote and comment!
Follow me: @Mb_Muster
Fb Account: Mb Muster