[TIMOTHY'S PICTURE ON THE MEDIA]
[Catie's POV]
"Very Good Ms. Gutierrez and company!" batid sa akin ni Ma'am. Kasalukuyang nag pre-present kami ngayon.
Buti na lang at puro masisipag ang mga nakasama ko, kundi binugbog ko na sila at pinagsisipa papuntang outer space. Mwahaha. Siyempre joke lang ‘yun.
Ako kasi ang magandang leader nila, di ko nga alam kung bakit ako pa ang napili nila. Masaya ako ngayon dahil nasabihan kami ng "Very Good" ni Ma'am.
Ngayong linggo ang tinatawag naming hell week. At masaya ako dahil hindi ko na nakikita ang asungot na iyon!
Sino 'yung asungot na 'yun? Aba, ayokong banggitin ang pangalan niya. Nakakainis talaga, naisahan kasi niya ako.
Nakawan ba naman ako ng halik sa public place, sana man lang sa romantic o private place para di nakakahiya di ba?
Kung gantihan ko din siya nang halik? Di ba pag binato ka nang tinapay batuhin mo din ng tinapay na may palaman.
Shemaay!
Ano ba itong pinagiisip ko. Erase. Erase. Parang sinabi ko na din na nagustuhan ko 'yung paghalik niya. Hindi siya magaling. Mas magaling mag-kiss si babe ko. Hmmp.
Weh di nga? Pssh. Shattap brain!
"Uy Catie, tulala ka diyan?" tanong ni Shally na best friend ko. Nabalik ako sa wisyo nang dahil sa kanya. Napansin ko din na tinitingnan ako ni Nicole at Gemma.
Umiling na lang ako at matipid na ngumiti para di niya mahalatang napalalim na ang iniisip ko, at maari na niya itong sisirin.
Nakakainis si babe, hindi man lang ako tinetext o tinatawagan, matapos kasi na hindi niya ako samahan sa mall, hindi na din siya nagparamdam sa akin. Nak ng tokwa naman oh! Kung kelan, next week na ang pang-anim na monthsary namin tsaka siya nagloloko.
Nagloloko nga ba siya?
Wag naman sana, mahal na mahal ko siya at ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal. Wala kasi akong tiwala sa lalaki, hindi naman sa nilalahat ko ang mga lalaki. I mean, wala akong tiwala pagdating sa ganitong relasyon ‘yung mag boyfriend-girlfriend kayo, dahil alam niyo na. Sa panahong ito, marami nang mapusok at mangilan-ngilan na lang ang hindi kaya kinikilatis ko talaga ang mga nanliligaw sa akin. Pero sa mga kaibigan ko, mayroon naman akong tiwala.
“Uy Catie, kumain ka na diyan!” sigaw sa akin ni Nicole. Oo nga pala, hindi ko pa din nagagalaw ang lunch ko. Napatingin ako sa kanya at napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
Hindi ko man lang namalayan na nandito na din ang iba pa naming mga kaibigan na sina George, Norman at Steph.
“Oo nga, nakalimutan ko.” Sagot ko sa kanya, wala ako sa sarili ko.
Sina Shally at Nicole ang bestfriend ko, since high school. Sila George at Norman naman ang naging kaibigan namin dito sa unibersidad na ito, at si Steph ang girlfriend ni George.
At sa pagkakaalam ko may gusto si Norman kay Shally, hindi ko na sinabi ‘yun kay Shally sa halip ay sekreto lang namin ni Norman iyon kaya kami naging close. Si George ay best friend ni Norman, since the world began! Hahaha.
Mag best friend sila simula nung elementary pa lang sila, hindi nga sila nagkakasawaan ng mukha eh.
“Una na kami, may class pa kami.” Sabi ni George sa amin at umalis na sila ni Steph, hindi kasama si Norman. Naglakad-lakad muna kami, wala pa naman kaming klase dahil tatlong oras ang break namin.
Irregular ang schedule na pinili ko, para makasama ko sila sa ibang subject habang may parehas kami. Mamaya ay magiging kaklase ko si Steph, parehas kasi kami nang course pero magkaiba lang ang schedule namin.
Masaya kaming nagkwe-kwentuhan ngayon, ang hilig kasing bumanat ni Norman. Hahaha. Halatang nagpaparinig kay Shally, pero mukhang wala namang pakialam si Shally, kawawa naman si Norman.
“Alam mo Shally, para kang tae.” Sabi ni Norman, bumabanat na naman siya. Makakatikim na naman siya nang sapak kay Shally, may pagka-sadista po ang best friend ko.
“Bakit na naman?!” tanong ni Shally, na halatang naiirita na kay Norman.
“Ang BAHO MO kasi! HAHAHAHA – AARAAY!” Ayan nabatukan tuloy, ganyan daw ang mga da-moves niya. Ewan ko ba diyan, ayaw na lang kasing umamin.
Matapos ng mahabang paglalakad namin ay nagtungo na kami sa kanya-kanyang silid namin. Bagot na bagot ako dahil wala naman na akong gagawin, dahil mabilis ko lang natapos ang exam. Essay lang naman kaya mabilis ko lang nasagutan, one paragraph nga lang ginawa ko eh.
Alam ko namang hindi babasahin ng prof namin iyon, meron siyang halos dalawang daan na estudyante. Sa tingin niyo, mababasa pa kaya niya iyon?
Uwian ko na at magkasabay kami ni Nicole ngayon, kaso wala pa siya sa tagpuan namin. Mga ilang araw na akong nag-aantay dito pero wala pa din siya! Joke lang. Twenty minutes na akong nag-aantay dito, nagbibilang ng estudyanteng nalabas sa may gate pero wala pa din siya.
Sabi niya dadaan daw muna siya sa Restroom, di kaya nalunod na siya doon?
Pupuntahan ko na nga, baka nahigop na iyon ng inidoro. Tinungo ko ang pinakamalapit na banyo sa may labasan namin, wala na masyadong tao sa dinadaanan ko, mga tuko at lamok na lang ang nakikita ko.
Pagdating ko sa harapan ng pintuan ng banyo, may narinig akong malakas na pag-ungol o pagsigaw ata iyon ng babae.
“Ahhhh!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pagsigaw na iyon, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ngunit wala akong nakita. Lumakas din ang pagkabog ng dibdib ko, baka kasi kung ano nang nangyari sa best friend ko.
“Ahhhh…..uhhhhhh s-sweetie."
Boses iyon ng lalaki, at pamilyar ito sa akin. Mukhang may nangyayaring milagro sa banyo nang mga babae, bubuksan ko ba ang pintuan ng cubicle na ito o wag na lang dahil baka nakakaistorbo ako sa kanila?
“Sweetieeee!” sigaw na naman nung babae.
Makalabas na nga, istorbo lang ako sa kanilang dalawa. Mukhang malapit na nilang marating ang cloud nine. Palabas na ako nang banyo nang maisipan kong itext si Nicole.
Huminto muna ako sa paglalakad at nagtype nang message, kahit na naririnig ko silang umuungol. Dedma na lang.
Pipihitin ko na sana ang doorknob kaso may narining akong cellphone na tumunog.
Hindi ko na lang ulit pinansin, baka nagkataon lang ‘yun. Sakto kasing kaka-send ko lang ng message nang biglang may tumunog. It’s just a coincidence.
Hindi naman siguro magagawa ni Nicole na makipagtalik sa banyo, mukha kaya siyang hindi makabasag ng pinggan. Ayaw niya din na pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. Umalis na lang ako.
Wala na akong narinig pa mula sa banyo, sinarado ko pa ito nang maayos. Huminto ulit ako sa tapat naman ng pintuan ng banyo para kuhain ang cell phone ko, dahil tatawagan ko na si Nicole. Ang tagal kasi niya, tutubuan na ako nang puting buhok pero wala pa din siya.
Naririnig ko ang ringtone nang cellphone ni Nicole, hindi kaya…..
Dali-dali kong binuksan ulit ang pintuan ng banyo at pumunta sa harap ng cubicle para malaman kung dito ba nanggagaling ang tunog at tama nga ako!
Impossible.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita ko si Timothy at Nicole na nagbibihis na. Gulat na gulat ako sa nakita ko, kasalukuyang nag-aayos ng uniporme silang dalawa.
Parang hindi nga nila napansin ako, napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong maiyak sa nangyari, pero walang luhang lumalabas. Ang sakit lang malaman na best friend ko pa ang gumawa nang ganito sa akin.
Bakit? Bakit silang dalawa pa ang gumawa nito sa akin?
Sana ibang babae na lang ang ginamit ni Timothy, para hindi masyadong masakit. Sana sa iba na lang pumatol si Nicole at hindi sa boyfriend ko.
Napaatras ako nang lumapit sila sa akin, ipinulupot pa ni Timothy ang kamay niya sa beywang ni Nicole. Shit! Anong ibig sabihin nito?
“B-bakit?” nanginginig ang boses ko nang sambitin ko ang katagang iyon.
Nakita ko ang pagngisi ni Nicole na parang demonyo, ganoon din si Timothy. Lumapit sa akin si Nicole at nasa likuran na niya si Timothy ngayon, alam kong may sasabihin siya sa akin. Sana lang, hindi niya ako niloko. Mukhang niloko naman talaga nila ako, dahil kahit saang angulo ko tingnan mali silang dalawa.
“Bakit? Tinatanong pa ba ‘yan Catie? Matagal na naming plinano ang lahat ng ito. I used him, para makaganti sa iyo. Lahat na lang kasi inagaw mo sa akin, wala ka man lang tinira. Lagi na lang akong nagpaparaya sa iyo, kahit ayaw ko ibinibigay ko. Nasasaiyo na nga ang lahat pero kailangan ko pa rin magparaya! Natatandaan mo ba ‘yung araw na sinabi ko sa iyo na gusto kong maging valedictorian ng high school? Natatandaan mo din ba ‘yung sinabi ko sa iyo na gusto ko si Alex? At higit sa lahat, natatandaan mo ba ang araw na ipinagpalit mo ako kay Shally ha?!” sunud-sunod na sabi niya sa akin. Gusto ko siyang saktan, murahin pero alam kong may mali din ako.
“Serve’s you right, bitch! For your information, Timothy is mine!” dagdag pa niya sa akin at tuluyan na siyang tumalikod.
“Tinatanong naman kita kung okay lang ba sa iyo, lagi mong sinasabi na okay lang at susuportahan mo ako. Hindi ko naman kasalanan kung nakita kang nagcheating kaya nawala ka sa top 3. Hindi ko din kasalanan kung ako ang nagustuhan ni Alex at ginamit ka niya para maging tulay namin. At oo, ipinagpalit kita kay Shally dahil kailangan niya ng tulong ko nun! For Pete’s sake, she’s dying!” Sinagot ko lahat ng sinabi niya sa akin, hindi ko naman talaga siya gustong iwan pero kailangan ako ni Shally nung araw na iyon.
Hindi ko din naman ginusto ang nangyari sa kanya noong pinagpalit ko siya, hindi ko kayang hatiin ang katawan ko.
“At oo nga pala, lahat ng mga hindi magandang nangyari sa iyo these past few months ay kagagawan ko! Hahahaha!” Tumawa siya na parang demonyo at umalis na sila. Naiwan akong tulala sa huling sinabi niya, siya pala ang may kasalanan kung bakit nabulilyaso ang iba kong proyekto at muntik na akong madisgrasya.
Hinding-hindi ako papayag na ginagago lang ako nang ganito, lalabanan ko siya at ipapakita ko sa kanya na hindi ako nasasaktan sa pagkawala ni Timothy sa akin.
She knows how much I love him, and it hurts like hell knowing that they are the reason of my pain.
This is the revelation.
[End of Chapter 2, Wait for my Next Chapter]