Loving The Mobster Princess

By margarette_ace

52.4K 1.5K 186

Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
ANNOUNCEMENT!
SURVEY
Dyaran!!!!!
Chapter 6 (Part 2)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue

Chapter 6 (Part 1)

1.9K 86 5
By margarette_ace

“GOOD MORNING, Miss Nicolette,” salubong sa kanya ng sekretarya ni Lolo Yvann. “Nasa conference room po si Sir. Hintayin na lang ninyo siya sa loob ng office niya.”

Ngitian niya ito matapos magpasalamat. Tinalunton niya ang pasilyo patungo sa opisina ng abuelo. Imbes na dumeretso sa mansiyon ay pinuntahan niya ang abuelo sa opisina nito.

Iginala niya ang tingin sa kabuuan ng silid ng makapasok siya. Wala pa ding ipinagbago ang naturang silid. Nasa may dulong bahagi ng silid ang mahogany table ng abuelo. Doon siya pumuwesto at umupo sa swivel chair. May mga leather sofa naman sa may gitnang bahagi ng silid para sa mga bisita, kaharap ang isang seventy inches flat screen TV. Bahagya niyang inikot ang kinauupuan. Sa likuran ng desk ay floor to ceiling glass wall kaya naman kitang-kita ang nagtatayugang mga gusali sa kalakhang Maynila. Naroon din ang isang eksaparanteng pinaglalagyan ng mga picture frames.

Napangiti siya nang pumasok ang abuelo, kasunod ang dalawang lalaki.
Lumapit siya sa mga ito.

“Good afternoon, Lolo!” Hinalikan niya ito sa pisngi.

“Nicolette, hija,” ganting bati ng abuelo.

“Good afternoon, Tito Conrad,” bahagya siyang yumukod tanda ng paggalang.

Sa pagkakaalam niya, malaki ang utang na loob ng pamilya del Rio sa kanilang pamilya. Ang Black Lotus ang sumalba sa papaluging businesses ng mga ito. At sa tulong ng impluwensiya ng kanyang abuelo, unti-unting nakabawi ang mga ito.

Bahagya siya nitong tinapik sa balikat. “You’re getting prettier every time I see you, hija.”

Ngumiti siya. “Siyempre, Tito, may pinagmanahan, eh.” Umabrisete siya sa abuelo.

Nagkatawanan silang tatlo. Binalingan niya ang lalaking nakatayo sa likuran nito. “Hi Xavier.” Bahagya lamang itong tumango bilang pagbati. Ni hindi man lamang ito ngumiti o nag-“Hi”. Well, what can she expect, he is a royal snob. Tulad din ni Clarence.

Lihim siyang kinilig ng maisip ang binata.

“So, paano, aalis na kami, kumpare.” Kinamayan ng abuelo niya si Tito Conrad.

“So, what can you say about Xavier?” tanong ng lolo nang makaalis ang mga bisita.

“He’s snob, Lolo.”

“But he’s handsome, hija. And a very fine young man if I may add.”

She rolled her eyeballs. Sinasabi na nga ba niya at sasabihin nito ang mga katagang iyon. Her grandfather is playing matchmaker. Mula kasi noong tumuntong siya ng disiotso ay nahalata na niya na lagi siya nitong ipinapares kay Xavier. Puro papuri ang masasabi nito tungkol sa binata.

“Lolo, bata pa po ako.” at may iba na akong nagugustuhan, she wanted to add.

“I married Carlota when she was your age.” Nagsimula na nitong ilagay sa briefcase ang ilang papeles sa nasa lamesa nito.

“That was because you love each other.”

Napailing na lamang ito. “You can always change your mind.”

“Bakit po pala ninyo ako ipinatawag? I’m sure mas importante pa iyon kesa sa pagrereto ninyo sa amin ni Xavier,” pag-iiba niya sa usapan.

Sumeryoso ang anyo nito. “I just want to remind you that you only have one month Nicolette. Aalis kami ng Lola mo sa isang araw papuntang Japan para kausapin ang mga potential business partners. At sa pagbabalik namin, we will start the preparation for your birthday party to finally turn over the Black Lotus.”

“Yes, I understand, Lolo.”

Dalawang buwan na pala ang matuling lumipas mula noong magdesisyon siyang mag-transfer sa St. Rudolph para mapalapit kay Clarence. Isang buwan na lang pala ang natitira sa kalayaan niya. At ilang linggo na lang ang nalalabi sa kasunduan nila ni Clarence.

“At puwede ka ng mag-asawa.”

“Lolo, kapag hindi ninyo ako tigilan sa kakatukso sa amin ni Xavier, hindi na kita ipagluluto,” nakasimangot na wika niya.

Inakbayan siya nito. “You know how to cook?” Tumango siya. “That’s good. By the way, kare-kare ang paboritong pagkain ni Xavier.”

Impit siyang napatili sa sobrang inis.

DAHIL sa pagkapanalo ng football team sa finals ng UAAP, nagpasya ang mga ito na mag-outing. At siyempre pa sumabit silang mga girls. Sa isang beach resort na pag-aari ng pamilya nina Grey sila nagpunta.

Gustong maghuramentado ni Nicolette ng makitang kasama ang ex-girlfriend ni Clarence na si Monique. Mabuti na lamang at nariyan ang mga kaibigan upang aliwin siya.

“Wow, nice necklace.” Mula sa salamin ng CR ay tiningnan niya si Monique. Hindi niya napansin na pumasok din pala ito sa CR.

“Thanks.”

Humarap din ito sa salamin at naglagay ng lipstick. “Pareho pala tayo ng taste.”

Ano na naman ang gustong palabasin ng babaeng ito? “Anong ibig mong sabihin?”

Monique took her time applying her lipstick. “Naalala ko kasi, ganyan din ang style ng kuwintas na nakita namin ni Clarence noon. Hindi ko akalaing ibibigay niya ang kuwintas na iyan sa iyo.”

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Biglang bumalik sa isip niya ang araw na nakita niya ang naturang kuwintas. Kaya ba ganoon na lamang ang nakita niyang pagtutol sa mga mata ni Clarence noong kunin niya ang kuwintas?

“Ano ba ang gusto mong palabasin?” hindi na siya nakatiis pa. Marami siyang naiisip na gawin dito sa mga oras na iyon. Pero pinigilan niya ang sarili.

Hinarap siya nito. “Tigilan mo na si Clarence, Nicolette. Hindi mo ba alam na nahihirapan na siya sa sitwasyon niya? Itinatali mo siya sa isang kasunduan na hindi naman niya gusto.”

Natigilan siya. Paano nito nalaman ang kasunduan nila ni Clarence? Siya na din mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong. Sino nga naman ang hindi nakakaalam sa kasunduan nila ni Clarence?

“At sino ka naman para sabihin sa akin ‘yan?” Akala siguro nito ay hahayaan na lang niya ito. Ipapakita niya dito kung sino talaga si Chloe Nicolette Devanadera. “As far as I know hindi ako iyong tipo ng babae na iiwan at ipagpapalit ang mahal ko sa modeling career.” Gusto niyang matawa ng makitang natigilan ito. “Tatapusin ko lang ang kasunduan namin ni Clarence kapag siya mismo ang nagsabi na ayaw na niya. And besides, ako pa din ang girlfriend niya kahit sa kasunduan lang, and that makes you what… the third party?” she mock.

Iniwan niya ang tulalang si Monique. Dinala siya ng mga paa sa may dalampasigan. Nang mapagod ay nanghihina siyang sumalampak ng upo. Mukhang nasaid ang lahat ng lakas ng loob niya sa komprontasyon nila ni Monique. Mabuti na lamang at wala masyadong tao na nagagawi sa lugar na iyon kapag mga ganoong oras. Mukhang nagpapahinga ang mga kasama niya.

Hinaplos niya ang pendant ng suot na kuwintas. Yumuko siya at malungkot iyong tiningnan. “Sayang, hindi ka naman pala sa akin.” Bumuntong hininga siya at pinagmasdan ang  paglubog ng araw.

Kinondisyon na muna ni Nicolette ang sarili bago bumalik sa mga kasama. Siniguro muna niyang kaya na niyang kontrolin ang mga emosyon. Naabutan niyang nasa harap ng isang mahabang mesang kawayan sa isang malaking open cottage ang mga kasama niya. Awtomatikong kumunot ang noo niya ng mapansing kulang sila. Binalingan niya ang katabing si Armie. “Nasaan si Clarence?”

Nagulat ito sa tanong niya. “Ah, si Kuya?” Tumingin ito sa ibang kasama, mukhang hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Nasa labas siya kasama si Monique.” Marahas niyang nilingon ang sumagot. Ang seryosong mukha ni Dean ang sumalubong sa kanya. Isa si Dean sa mga teammates ni Clarence. At kilala din ito sa pagiging prangka.

“Dean naman,” protesta ng kasama nitong si Gray.

“Sinagot ko lang naman ang tanong niya.”

Sandaling natahimik ang mga ito. Gusto niyang hilahin si Dean at ibalibag pababa ng hagdan hanggang sa magkalasug-lasog ang katawan nito. Pero hindi niya magawa. Besides, he was right after all. Nakikita niya ang pag-aalala sa mukha ng mga naroon. Awa para sa kanya.  Ngumiti siya para itago ang sakit at pait na nararamdaman ng mga oras na iyon.

“Ganoon ba. Sige tatawagin ko lang sila sandali. Mas masayang kumain kapag kumpleto tayong lahat.” Hindi na niya hinitay pa ang pagsagot ng mga ito at lumabas ng open cottage.

Ayon sa isang staff ng resort na napagtanungan niya, nasa may pool area daw ang mga ito. Ngunit wala naman ang dalawa ng puntahan niya doon. Pabalik na sana siya  sa mga kasama ng tila may isang maliit na tinig ang naguudyok sa kanya napuntahan ang cottage ni Monique. Lihim niyang inasam na sana ay mali ang pakiramdam niya. Pero mukhang hindi niya kakampi ang langit sa mga oras na iyon. Nakita niyang bukas ang ilaw sa loob ng cottage ni Monique. Kakatok na sana siya ng maulinigan ang mga boses na nanggagaling sa loob.

“Clarence, I know that you still love me. And I still love you. Kaya ako bumalik dito ay dahil sa iyo, para magkasama tayo ulit. Hindi ko pala kaya na malayo sa iyo. Please say you love me too.”

“P-Pero…” anang boses ni Clarence.

“Shh… Kung ang kontrata ninyo ni Nicolette ang inaalala mo, puwede naman akong maghintay. At kapag malaya ka na, puwede na ulit tayong magkasama. You and me, Clarence. You and me…”

Wala siyang narinig na anumang sagot mula kay Clarence. Nang silipin niya ang awang ng pintuan ng cottage ay parang dinurog ang puso niya sa nakita. They were kissing. Sa oras na iyon kahit mahirap mang tanggapin, palalayain na niya si Clarence.

Hilam ang mga luha na naglakad siya palayo. Hanggang sa humantong siya sa may buhanginan. Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. She clutched her chest. Mula noong minahal niya si Clarence, naranasan na niya ang halos lahat ng uri ng emosyon. Happiness, sadness and pain.

Pinalaya na niya ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Ngayon lang niya naranasan ang umiyak at masaktan. Iniluha niya ang sakit na nararamdaman niya sa buwan.


Continue Reading

You'll Also Like

Same Old Love By Maria

General Fiction

266K 2.3K 8
Emperor Series: 4 Mikhael James Cruz Start Date: April 09, 2017 End Date: September 15, 2017
210K 4.2K 16
Written: 2012 Published by PHR on August 2013 The Serenity Band Series Book 3 - Zhen's Story "I only looked at you once and I never looked away. It t...
39.4K 1.4K 15
Tahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Ma...
78.8K 1.6K 10
Sa pagdaan ng mga araw, minahal kita. Hanggang sa naging mahal na mahal na kita. Hanggang sa hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Teaser: Kamille...