7 Color Prodigies: The Story...

By riyusen

18.4K 289 118

Hi! may itatanong lang ako sayo.. paano kung isang araw, kung saan napakaganda ng panahon na halos masilaw ka... More

Let's Start From Mis-Under-Standing!
chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 28
Extra 1
Chapter 29
Chapter 30
GOODBYE RIYUSEN

Chapter 27

405 13 22
By riyusen

7 COLOR PRODIGIES: The Story of YELLOW ~Her Tales with the Beast~

 

CONFRONTATION 27

 

“Red and Blue: Spotted?”

 

REED:

Tae, mukha akong sira sa mga itinakbo ng utak ko. Sabi ko na eh, imposibleng totoo yng hinala ko. buti na lang at peke pala yung ulo, atleast na confirm ko.

Tsk tsk pero dyahe! Ang hirap burahin nitong ngiti ko, masakit na panga ko! pakiramdam ko mukha na ‘kong tanga dito. Napapangiti naman kasi talaga ako kapag naaalala ko yung nangyari nung sunduin ko sya.

Flashback….

“ah.. eh,  hawakan mo na lang ang kamay ko, baka kasi lapitan ako ng ibang babae.”

“wag na. di ka naman lalapitan ng mga yan.” Sabay talikod nya sa akin.  Potakte! Sumama ata ang loob nya sa ginawa ko!

Tae naman, kung di siguro ako nagtanong, baka hanggang ngayon eh nakalingkis pa rin sya sa braso ko. sayang!

Hmm. Sumama kaya ang loob nya dahil sa inopen ko yun? O dahil mali lang ang pagkaka approach? Eh kung mali yung approach ko, pano ba ang tama!?

Di ko ba sya dapat tinanong ng ganon? Pero kung di ko naman sya tinanong, baka habambuhay na akong di matahimik dahil sa lintek na ulong yun! Tsk! Hirap naman nito! paano ko ba ‘to aamuin ulit?!

Mukhang wala na ata talaga syang balak na hawakan ulit ang kamay ko kaya ako na lang ang humawak agad sa kamay nya bago pa sya makalayo.

“anong ginagawa  mo?” parang naasar na tanong nya.

patay. Mukhang nairita pa! halatang halata sa tono ng boses nya.

“hinahawakan ko kamay mo, baka kasi lapitan ka ng ibang lalaki. Tara na.” corny! Bahala na, wala na kong maisip eh!

Hihilahin ko sana sya para makapagpatuloy na kami as paglalakad pero di sya gumalaw.

“sigurado ka bang gusto mong makipagholding hands sa isang killer?” nakakunot noong tanong nya.

sabi nga ba eh! Sumama nga loob nya dahil sa ginawa ko! paano ba to! Aish!

Hinarap ko sya at hinawakan ang dalawang kamay nya. “girlfriend naman, pasensya ka na kung tinanong kita ng ganon. Mas ok naman yun kesa sa kung anu ano pa ang isipin ko diba? Pinili kong i-open yun sayo at tanungin ka ng direkta dahil ayokong mag isip ng masama tungkol sa pagkatao mo, girlfriend kita eh.” Lehugas naman, san ko ba pinulot ‘tong mga kakornihan na lumalabas sa bibig ko!

“ayaw mo akong pag isipan ng masama? Eh diba bago mo pa ko natanong eh may conclusion ka na? sa tono ng tanong mo knina eh naconclude mo na agad na may pinatay nga talaga ako. Dinamay mo pa ang pamilya ko.”

“girlfriend hindi yun conclusion. Hindi ko yun ginawa para iparamdam sayo na pinaghihinalaan kita o pagmukhain kang masamang tao, at hindi ko din sinasadya na idamay pa ang pamilya mo, pero sa maniwala ka at hindi, Wala lang talaga akong alam na ibang paraan kung paano ko ipapaalm sayo na napapaisip ako ng kung ano ano dahil sa ulong nakita ko sa bag mo. Im sorry, hmmm?”

Tiningnan nya lang ako at nakakunot pa rin ang noo nya. hirap namang amuin nito, parang bato! Hassle tong babaeng to, di ko makuha sa ngiti!

Nag sorry naman na ako diba? At totoo naman talaga yung mga sinabi ko. anong gagawin ko kapag di nya ako pinatawad!? Kelangan ko pa bang magpasagasa sa tren para lang mahabag ang puso nyang bato?

Asar. Ngayon ko lang narealize, mukhang wala ata akong alam kung paano manuyo ng babae. Tsk tsk. Paano ba ako nagkaron noon ng mga girlfriends nang wala akong nalalaman sa mga ganitong bagay?! Ano bang ginawa ko? tsk. Ang natatandaan ko tinitingnan ko lang naman sila eh, tapos ok na. eh bakit tong babaeng to parang simentadong pader na di matibag tibag?

Tsk. Hindi eh. Kailangan kong isiping mabuti kung pano ko nakuha ang mga dating girlfriends ko. there has to be something! I must have done something na kayang makalusaw ng mga damdamin nila. Pero ano ba yun? Ano pa bang mga ginawa ko dati para mahulog sila sa akin!? Dahil kaya sa killer eyes ko? sa pagiging mainitin ng ulo ko? sa hilig sa gulo? Teka lang, may nagkakagusto ba ganon? Paatras naman ata tong sulong ng utak ko langya!

Paano ko ba sila niligawan dati?

Paano..

Paano..

 lintek.

Napahawak na lang ako sa ulo ko nang marealize ko ang isang bagay.

Kahit kelan, di ko pa pala nagawang manligaw! Anak ng lintek! Paano ba to!

Tsk. Dapat pala nagpatutor muna ako sa kumag na si Kiosk.

 “ui.. girlfriend.. sorry na ha..”

 

Di p rin sya nagsasalita. Ano pa bang pwede kong gawin?!

Tsk! Wala na! huling baraha ko na to! 0.00001% lang ang posibilidad na matinag sya sa sasabihin ko pero mabuti nang subukan ko na lang, kesa naman sa wala.

“ui.. sorry na.. patawarin mo na ako..” hinalikan ko yung kamay nya ” mahal mo naman ako diba?”

Potek! Nakakahiya ‘tong mga sinasabi ko! bakit ba yun ang huling alas ko? paano ba yun naging alas?! Eh sigurado namang di yun gagan—

Muntik na akong masamid nang Makita kong unti unti syang ngumiti.  Ang lapad pa ng ngiti nya!

“oo na, tara na nga” tapos sya na mismo ang humila sa akin.

Shets! Himala ba to?

Nabanggit ko lang na mahal nya ako, bigla na syang umamo?

Ang ibig sabihin ba nito eh…

Talagang mahal na nya ako?

Kakanta na ba ko ng ‘ako ang nagwagi’?

End of Flashback..

 

 

bwaHahahah! Walang duda! Panalo ko na nga ito—

bzzzt! Bzzzzt!

 

Ingay ng intercom! Storbo sa monologue ko! teka, anong page na nga ulit yung binabasa ko? nagbabasa pala ako? San na b—

Bzzzzt! Bzzzzt!

“oi Reed!! Ano ba! Nasa banyo ako! Pakisagot yung intercom!!”

“ayoko! Busy ako!”

nagpatuloy lang ako sa pagbuklat ng magazine. Tsss. Ako pa uutusan nya ah!

Bzzzz! Bzzzzt!

 

“langya! Nanjan ka naman sa sala! Sagutin mo na!”

“yoko! Para saan pa ang mga katulong!!”

bzzzzt!! Bzzzzt!

 

“tukmol ka! Wala sila! May inutos ako sa kanila kaya ikaw na sumagot! Ano ba!”

bzzzt! Bzzzzt!

 

“utos ka kase ng utos! Pakealam ko kung wala sila! Iba na lang utusan mo! Bakit ba ako pang inuutusan mo!”

 

“mas matanda ako sayo kaya may karapatan akong utusan ka! Ginawa ka lang ng diyos para magkaron ako ng utusan!!!”

“may kapatid pa tayo diba? Mas matanda ako dun kaya siguradong yun ang ipinanganak para maging utusan! Nasan na ba yun!”

 

“wag mo nang hanapin dahil sya mismo hinahanap nya pa ang sarili nya! sagutin mo yung interccooomm!!”

 

“ayoko! Mas matanda ka kaya ikaw na sumagot! Lumabas ka na jan sa banyo kung gusto mong may sumagot sa intercom!”

 

“Reed ano ba! Gusto mo bang umabot pa tayo sa korte para lang pagtalunan kung sinong dapat sumagot sa intercom!!!”

tumayo na ako at umakyat. Tsss hindi ako ipinanganak para maging utusan ng kahit na sino! Kung sino man ang lintek na nasa intercom, bahala sya sa buhay nya! maputol sana yang kamay nya sa kakapindot ng buzzer!

“langya ka Reed! Humanda ka saken mamaya!!”

 

hmm?

 Kita mo na. eh di lumabas din. Kunyari pang nagbabanyo, kung alam ko lang, tinatamad lang din yan. Pero di yan uubra saken!

Malapit na ako sa last step ng hagdan nang biglang..

“OI REED!!!”

 

“OH!—ARAAY!!!! POTEK!! ANO BA!!!!”

 

langya!! Sakit nun ah! Bigla ba naman akong batuhin ng kung ano! Sapul tuloy ako sa mukha!!

“ke tamad tamad mong sumagot ng intercom tapos kaw din naman pala ang kailangan!!”

 

“huh!???”

“galing yan dun sa helper ng veterinarian sa kabilang kanto! Ok na daw yan! Tsk! “ sabay alis nya.

napatingin naman ako dun sa bagay na ibinato nya saken, nahulog kasi sa sahig.

Meow... meow…

 

ano ba to—TAKTE!!!

PUSA!! PUSA YUNG IBINATO NYA SAKEN!!!!

Pinulot ko agad yung pusa. Langyang halimaw yun! Ano bang tingin nya sa pusang to, bato!!???

Pero teka.. kelan pa ko nagkaron ng pusa?

***************************************************

 

EARTH:

 

“oh Arc, tol, tutok mo na sa ‘kin yang camera mo, tamang tamang pampaaliwalas sa mood ng mga buyers mo ‘tong abs ko.”

“oi Eiji, ilagay mo nga sa lugar yang pagiging exhibitionist mo. Kahit san na lang wala ka nang ibang ginawa kundi maghubad! Para na kaming sirang plaka sa kasasaway sayo!”

Grabeeeh.. ang guguwapo nila.. feeling ko dumikit na yung mga mata ko sa tatlong lalaking naka upo sa pwestong nasa tabi ng glass wall, parang di ko na kasi magawang tumingin sa iba. All I want is to see them and them only! So papables! Yum! Yum! Sana nagdala ako ng camera! Oh my god, look at that abs! parang iniengganyo nya akong haplusin sya, very naughty abs! hihi tapos yung guy na may hawak ng camera, gosh sana ako na lang yung camera so that I can feel his touch! Ang cute ng chinky eyes nya! And the third guy, owemji, perfcet ang magiging lahi namin kung kami ang magkakatuluyan! sobra pa sya sa gwapo!

Kung alam ko lang na mayron palang mga kagaya kong magagandang lahi na mga mortal ang tumatambay dito sa golden, matagal na sana akong tumambay dito. Bakit ba ngayon lang ako napadad dito!

“oi Earth, kung wala kang balak umorder, umalis ka na jan sa pila.”

“huh?”

Napalingon ako kay Watz. Yung itsura nya mukhang inip na inip na.

“kanina pa naghihintay ang crew para sa order mo.”

Ha?

Hala! Oh my lordship! Nakapila pala ako!

Kanina pa ba ako nakatanga dito? Kaya ba nakakunot noo na ‘tong crew?

Grabe, nawala ata ako sa huwisyo dahil sa tatlong yun! Nakapila pala ako para umorder! Tsk tsk.

Ang totoo, pumunta lang ako dito para ibili ng pagkain si Air, pambawi ko lang. nabisto na kasi nya yung ginawa ko sa cp nya, at advance compensation na din kasi may gagawin pa akong kasalanan sa kanya sa mga susunod na araw. Hehe. Baka sakaling medjo mabawasan ang kaparusahang ibibigay nya sa akin pag pinakain ko sya ng paborito nyang food! Sabi ni Watz dito daw nabibili yung paboritong pagkain ng babaeng yun kaya dito kami napadpad. Medjo may kalayuan ‘tong resto mula sa school pero worth it naman pala kasi ang daming pampalinaw ng mata!

Ready na sana akong umorder nang bigla akong matigilan sa mukha nung crew. kanina lang, mukha syang nabuburaot, tapos ngayon, para naman syang natulala. Nakanganga pa nga sya habang nakatingin sa kung saan. Para syang estatwa na nililok nang nakanganga. Ewan ko kung maririnig pa ba ako nito pag sinigawan ko. bat ba to biglang nagkaganito? Ano bang nakita nya?

Di ko na sana papansinin yung pagkakatanga ng crew, kaya lang eh napansin kong hindi lang sya ang nakatunganga. Halos lahat ng tao sa loob ng resto eh nakatulala habang nakatingin sa iisang direksyon. And because of that, my curiousity was awakened kaya naman nilingon ko na rin yung tinitingnan nila.

Sa may entrance pala nakatingin ang lahat, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Ang nakita ko lang eh yung gwardyang kagaya ng lahat eh nakatulala din habang nakatingin sa taong papasok…

..oh.. my.. god..

IS THIS LOVE?

Napanganga din ako nang Makita ko yung lalaking pumasok.

“gosh.. so beautiful..”

Isang lalaking saksakan ng ganda ang nakita kong pumasok. My god.. first time kong makakita ng lalaking ganito kaganda. Napakaamo ng mukha nya.. Napakagandang lalaki. a very very beautiful man. Di ko akalaing darating ang araw na magagamit ko ang salitang beautiful para idescribe ang isang lalaki. nunka! Walang sinabi ang sinumang babae kung itatabi sa kanya. Kung hindi lang dahil sa built ng katawan nya, iisipin kong babae sya. pero halata kasing lalaki sya dahil na din sa height, lakad at aura nya. grabe, ipinaglihi ata ang isang ‘to kay *Narcissus. Ang lakas ng dating nya.. kung tititig ka sa mukha nya, parang mawawala ka sa huwisyo at wala kang ibang makikita kundi sya..Perpektong perpekto.. wala ka ng pwedeng ipintas sa kanya..tao ba ‘to? Di kaya anghel to na nagkamali ng landing??

“my gosh.. he looks like an angel..”

“is that even a human..?? ”

Di na ako nagtataka kung bakit nakatulala lang ang mga tao dito. Kasali ako.

Nakasuot saya ng black cap at may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga nya. ang buhok nya’y sing pula ng hinog na apple. Nakayuko sya habang nakatingin sa music pod nya at prenteng prente ang lakad nya na para bang hindi nya alam na naglalaway na ang mga kakabaihan at kabaklaan dito dahil sa kanya.. Para syang maniquin na nagkabuhay. Kahit naka cap sya, kitang kita pa rin ang gandang lalaki nya. kung ganito na ang reaction ng mga tao na ang lips at ilong pa lang ang nakikta sa kanya, paano na lang kaya kung pati mata nya. di kasi Makita dahil natatakpan ng cap nya at nakayuko din sya… grabe, di ko inaasahang may ganitong tao palang ipinanganak sa bansang to! Nakaka hypnotize…

Akala ko, doon na matatapos ang pangangalap ko ng vitamin A pero narealize kong simula pa lamang pala yun nang Makita ko ang isa pang vitamin A.

IS THIS ANOTHER LOVE?

Isang lalaki pa ang pumasok at naglakad kasunod nung magandang lalaki. hindi maitatangging nakakatorete yung lalaking may pulang buhok, pero hindi din magpapahuli ang isang to. Magkaiba sila ng kisig pero pareho silang kayang magpatulo ng laway. Pareho silang malakas ang dating. Grabe, ang gagandang lahi!

Taliwas dun sa magandang lalaki na naka poker face, itong isa naman eh nakangiti. napakaganda ng ngiti nya, yung tipong nakakapanghina ng tuhod. What a pleasant smile. Parang napakabait nya din. Parang pang santo na nga yung aura nya dahil sa sobrang pleasant. Yung tipong hinding hindi makakagawa ng masamang bagay. Isa pang nakakuha sa atensyon ko ay ang buhok nya. kulay blue ang mahaba nyang buhok na tila napakalambot,na parang ang sarap haplusin. Nakatali yung buhok nya pero may iilang strands na nakawala na lalong dumagdag sa lakas ng appeal nya. grabe, mukhang sanggano ang tingin ko sa lahat ng lalaking may mahabang buhok dati, pero di ko akalaing pwede pa lang magbago ang pananaw kong yun dahil sa lalaking ito. Shiteks! Ang perfect ng smile nya! at ang kissable ng lips nya! and I want to touch his hair so much!

Grabe! Kung mamamatay man ako ngayon, wala akong pagsisisihan at masaya akong mamamatay dahil nasilayan ko ang mga panlangit nilang kakisigan!

Ilalabas ko na sana yung cp ko para makigaya dun sa iba at kunan din sila ng litrato, pero nabitin lang sa ere ang kamay ko nang Makita kong may isa pang pumasok!

Dyusko! THIS IS ABSOLUTELY LOVE!!!

The third person made my heart jump almost out of my breast! Ai Chest pala.

Purple hair.. silver rimmed eye glass.. serious eyes.. no nonsense aura.. elegance of an aristocrat.. at isang mukha na kayang kaya kong titigan kahit na hindi na ako kumain!

Kahit nakatingin sya sa cp nya at hindi sa akin, kahit na isang side lang ng mukha nya ang nakikita ko, hinding hindi ako pwedeng magkamali! Kahit ang shape ng anino nya ay kabisado at alam ko kaya siguradong sigurado ako! This feeling and this longing! He’s no other than but my long lost soul mate!!! My future husband!

Pero teka..

Red..

Blue..

Purple..

Di kaya..

Miyembro sila ng 7 colors—

“Earth. lets get out of here.”

************************************

GIN:

“aish. Bakit ba ikaw ang kasama ko? di ako kikita sa mga kuha mo, naaawa ako sa lenses ng camera ko sa twing itututok ko sayo.”

“buti nga yang lenses lang ng camera mo ang pinoproblema mo, ako nga iniisip ko na kung paano ako matutulog mamayang gabi. Tsk tsk siguradong babangungutin nanaman ako nito dahil nakita ko yang pagmumukha mo.”

Tarntadong Arc to! Sasama sama tapos magrereklamo! Dapat bina ban na tong pumasok dito sa golden eh!

“lam mo Gin, kesa sa nag eeffort kang mag isip jan ng mga kasinungalingan mo, bakit di ka na lang mag effort na mag hanap ng matinong pose para naman mapakinabangan kita.”

“at alam mo Arc, masaya akong malaman na wala akong pakinabang sayo dahil hindi ko pinangarap na magkaron ng silbi sayo. Wala ka rin namang silbi saken, at di ko din kailangang mag effort pa para hanapin ang tamang angle ko dahil kahit saang anggulo mo ako kunan, alam kong gwapo ang labas. Ayoko lang talagang masali sa mga pinapasubasta mong picture sa net kaya magdusa ka.”

“sadyang d—”

“dami nyong satsat, pareho naman kayong pangit.  Andito na order nyo. Ilamon nyo na lang yan” sabay lapag ni Eiji ng tray sa mesa tapos nagsimulang lantakin yung pagkain.

“pangit? Pinariringgan mo ba ang sarili mo Eiji?” kinuha ko na rin yung parte ko.

Wag na kayong magtaka kung ganito kami mag usap. Ganito naman lage ang normal na takbo ng mga usapan namin, walang sense. Magtaka ka kung seryoso.

Napailing na lang kaming dalawa ni Arc nang Makita naming isa isang tinanggal ni Eiji yung mga butones ng polo nya. tsk tsk andito nanaman walang kamatayang trip nya!

“oh Arc, tol, tutok mo na sa kin yang camera mo, tamang tamang pampaaliwalas sa mood ng mga buyres mo tong abs ko.”

“oi Eiji, ilagay mo nga sa lugar yang pagiging exhibitionist mo. Kahit san na lang wala ka ng ibang ginawa kundi maghubad! Para na kaming sirang plaka sa kasasaway sayo!”

“pinagtitinginan nanaman tayo.” ‘tong si Arc di ko maintindihan kung sinisita nya ba si Eiji o ano. Pang reklamo yung tono nya pero panay naman ang click nya ng camera para kunan ang eskandolosong si Eiji. Palibhasa parehong mga ungas!

“mga pre, kahit hindi ako maghubad eh talagang pagtitinginan tayo, andito kasi ko eh. Ganyan kalakas ang karisma k—”

 “oh my god.. so beautiful..”

 

Di na natapos ni Eiji ang sasabihin nya dahil napunta na sa mga bulung bulungan ng ibang costumers ang atensyon naming tatlo.

Ano daw beautiful??

Nasanay kaming lahat na kahit saan kami mapunta, laging nasa amin ang atensyon ng mga babae, minsan pa nga pati mga lalaki, lalo na kung magkakasama kami. Kahit may maganda pang chiks sa paligid, hindi magagawang alisin ninuman ang atensyon nila sa amin.Ganon kalakas ang dating namin, ganon kami—este ganon ako  kagwapo. Kaya kagulat gulat para sa amin ang pangyayaring ito, na may kung sinong nagawang kumuha ng atensyon ng madla mula sa amin. Ang sabi beautiful, kung ganon babae ang pinagkakaguluhan nila? Ganon ba ito kaganda para maagaw nito ang lahat ng atensyon ng tao dito?

Dahan dahang napalingon ang grupo namin dun sa may entrance ng resto. Una kong nakita ang guard na parang natulalang nakatitig sa taong papasok pa lang. halos lahat nakanganga maliban sa amin.

Nang tuluyang makapasok yung tao, saka ko naaninag ang mukha nya.

 “ui pre! Si Chrow yan diba? ” narinig kong tanong ni Eiji.

Langya! Si Chrow nga!

Isang tao lang ang alam kong nakakatanggap ng description na beautiful mula sa mga tao kahit alam nilang lalaki sya, at yun ay walang iba kundi si Chrow lang!

Naglakad sya ng diretso na wlang ka emo emosyon sa mukha at nakakabit nanaman sa tenga nya yung head set nya. at gaya ng dati, lagi pa rin syang nakasuot ng black cap. Di pa rin pla sya nagpapalit ng kulay ng buhok, pula pa rin.

“bat andito yan??.” Sabay sandal ni Eiji sa couch na parang nawalan ng gana. Tsss malamang mawalan nga ng gana ng isang yan, nakakawalang gana nga naman talaga yung alam mong malakas ang dating mo, pero kapag dumarating lang ang kahit na sino sa pitong itlog ng 7 colors eh walang ibang napapansin kundi sila. Nakakalalake! Pero hindi insecurities ang tawag jan, masyado lang talagang egoistic ang karamihan sa amin. Wahahaha! Totoo naman, sa grupo namin, wlang inggitan, dahil alam namin sa mga sarili namin na may sari sarili kaming charms. Ndi ko lang alam kung bakit masama ang timpla ngayon nitong si Eiji na kala mo eh binasted.

 “my gosh.. he looks like an angel..”

 

“is that even a human..?? ”

Iba talaga ang dating nitong si Chrow. Kapag dumarating, laging napapanganga ang mga tao. Kahit noong junior high school pa lang kami, ganyan na talaga ang reaksyon ng mga tao kapag nakikita nila ang isang yan. Hindi handsome o gwapo ang maririnig mong comment nila kundi beautiful, na sya naming ikinagagalit ni Chrow. He hates being called as beautiful. Sinong lalaki nga naman ang gaganahan na tawaging beautiful? Insulto yun sa pagkalalake.

 Lagi syang nagsusuot ng cap para daw maisip agad ng mga tao na lalaki sya. hindi ko lang alam pero sa tingin ko, sadyang tinatago lang talaga nya ang mukha nya, lagi kasing nakyuko at nakatingin sa baba. Well madalas kasing pagmulan ng seryosong away sa mga babae yang mala anghel nyang mukha. Minsan may nagkakasakitan pa nga. Pero totoo din naman, sa unang tingin, beautiful lang ang salitang maiisip mo para idescribe sya. Para kasi syang manikin na nabuhay at ang features ng mukha nya, parang sa babae. Dati biniro pa nga yan nina Kai at Yuram na tomboy daw, kaya hayun black eye ang napala nila.

Sya ang nag iisang tao na maituturing kong ‘magandang lalake’. Kung naging bakla siguro yan, sigurado akong madami syang madadaleng lalake! Pero hindi eh, kahit mukhng feminine yan, sya ang pinakamabangis pagdating sa sapakan! Kaya nga minsan pag may gulo, di na namin yan pinapasali, masyadong delikado ang abilidad nya. At sa pagkakaalam ko, di pa ata yan nakakatikim ng pagkatalo sa iba padating sa hand to hand combat, kay Zen lang. kung sabagay, wala namang nakakatalo sa tukmol na Zen na yun, hindi na nga ata tao yun eh.

Maya maya pa nakita kong may sumunod na pumasok sa kanya.

“shit! Bumalik na din si Sky!??” agad lumubog sa upuan nya si Eiji.

Si Chrow ,Sky at Fye! Kaya naman pala parang nawala sa katinuan ang mga tao dito, dahil nagsama sama pala ang tatlong yan. Ganun kalakas ang dating nila.

 Tsss Hindi pa rin nagbabago ang epekto nila sa mga tao. Pero teka, anong nangyayari at biglang naglabasan sa mga lungga ang mga yan? Ang alam ko pagkatapos nung graduation ss jr. high eh nag kanya kanya na ang mga yan eh. Ni wala nga kaming balita kung saang mga school ang pinasukan nila. Ang alam lang namin, naghiwa hiwalay sila para makapagtago mula sa mga taong ndi sila pinapatahimik. Gusto ata nilang umiwas sa atensyon ng maraming tao kaya sa mga tagong lugar sila naghanap ng mga school na mapapasukan.  Sa totoo lang, ang school lang ni Fye at Reed ang alam ko, ang iba sa kanila, ewan kung saan pumapasok.

Ang alam kong huling balita sa kanila eh nung puntahan nila si Reed sa bahay, pagkatapos nun wala na. ano kayang meron at magkakasama to ngayon?

“woah, I can see money here” sabay on ni Arc sa video nya at kinunan yung tatlo habang naglalakad. Siguradong ibebenta na naman nya yan, malimit na lang kasing Makita sa publiko na magkakasama ang mga myembro ng 7 colors. Pag nagsasama sama sila, dun lang sila sa lounge tumatambay kaya di nakikita ng iba. Kaya sigurado akong talagang bebenta tong footage ni Arc.

“oh my.. so handsome.. I want to touch his long hair..” sabi nung isang babae habang nakatingin sa naglalakad na si Sky.

“gosh, who’s that guy with eyeglass? He’s so mysterious, type na type ko!”

“mas gwapo yung bue haired na guy. Ang ganda ng smile tapos parang ang bait”

“no, the red haired guy is the best! Grabe Gaganda ng lahi nila!”

 

“what are you doing?”

 

“kinukunan ko sila ng pictures sistah, i-a-upload ko. pampa inggit lang.”

 

“ay ako din! Para naman Makita ng mga bashers na buo pa rin ang 7 colors!”

Mukhang di na nakatiis yung iba at kumuha na ng pictures habang naglalakad yung tatlo. Wala namang lumapit sa kanila kahit pa halatang halata na gustong gusto na silang sunggaban nung ibang costumers. Sino nga ba ang makakatibag sa ‘untouchables’ aura nila?

Chrow was walking with his usual blank face habang nakatingin sa screen ng m.p. nya, kaya nga minsan napagkakamalang hindi tao eh, at si Sky, as usual, he was plastered with a pleasant smile. Sa paningin ng iba, pleasant yan at isang napakabait na ngiti, but I know him well deep down the root. Para sa amin, that smile is creepy! You would even have goose bumps kapag nalaman kung ano ang nasa likod ng ngiting yan! At si Fye naman, as usual, seryoso ang mukha. May kausap sya sa phone. Tungkol nanaman siguro sa kayamanan ang usapan, jan ata minana nitong si Arc ang pagiging hayok nya sa pera.

Lahat ng atensyon , nasa kanila. Everyone was  looking at their direction. They really have an aura of untouchables. Kung sa ibang tao siguro, mararamdaman nila kaagad sa atmosphere na hindi mga pangkaraniwang mga tao ang mga yan at mahirap silang abutin, pero sa amin na sanay na sa kanila, normal na lang yan.

Nang mapansin naming mukhang haharap sa direksyon namin si Sky, agad kaming bumawi ng tingin at tumlikod sa kanila.

“shit! Sana hindi tayo Makita!”

“oo nga! Teka may back door ba dito??”

“loko ka kasi Arc! Ayan tuloy napansin tayo ni Sky!”

“gago! Mga gwapo tayo kaya kapansin pansin talaga tayo!”

“tama  na nga yan! Manahimik na kayo. Lalo kayong nahahalata eh!”

Lahat kami pasimpleng lumubog sa upuan namin. Tsk! Hangga’t maaari ayaw naming magpakita sa Sky na yan!

Parang nagtayuan ang balahibo ko nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko, at pagtingin ko.. shit!

“hi. Nandito pala kayo. Musta na? long time no see ^_^” nandyan nanaman yang ngiti nya!

“ah. H—hehe he ayos naman, nandito ka na p-pala Sky, long time no see din, anong balita  hehe”

 

“yo!” gumanti ako ng kaway kay Chrow na blankong nakatingin sa akin. Kung makatingin to kala mo daga ang tinitingnan nya! sadyang gago lang eh! Ndi nga nagsasalita pero yung mga kilos nya, anlakas makaasar!

“oh, you're here.” Sabay baba ni Fye sa cp nya.

“ah hehe oo, tumatambay lang. alang magawa eh hehe” takte, wala na ata kaming takas sa mga to!

“dito pa rin pala kayo tumatambay.” Sabay upo ni Chrow kaya nakiupo na din yung dalawa.

“oo naman. Lagi pa rin naman kami dito sa golden, kayo lang naman ang hindi na nagagawi dito.”

“wala na bang colors na bumabalik balik diro? ^_^ ” tanong naman ni Sky. Sana man lang tanggalin na nya yang ngiti  nya at nang hindi kung anu ano ang naiisip ko dito!

“nitong mga nakaraang araw, minsan pumupunta din ata dito si Reed, tsaka si Kiosk. tapos naikwento nung manager na nagawi din daw dito Si Hiro isang beses. Di lang kami nagpapang abot. Nga pala, ba’t bigla bigla ata ang pagsulpot nyo? At magkakasma pa kayo ah”

“nandito ako para sirain ang kinabukasan ni Reed.” Poker faced na sagot ni Chrow.

Hanggang ngayon aso at pusa pa rin pala tong si Chrow at Reed. Di mapagsama! Bangayan ng bangayan!

 “bakit yung kinabukasan nya lang ang sisirain mo, sama mo na rin ang kasalukuyan nya. tara samahan kita sa school nila” Singit ni Arc.

“oi Arc, may galit ka ba kay Reed? ” biglang tanong ni Eiji.

“gago kasi ang demonyong yun! Kinumpiska nya yung sd card kong naglalaman nung video nyang bagong gising! Eh hinahanap na nung mga kliyente ko, wala akong maibigay!”

“tarantado ka din kasi, ginagawa mo kaming paninda. Buti nga yun lang inabot mo eh, di nya dinamay yang  camera mo.”

“tsss.. eh bakit pag si Fye ang nagbebenta ng pictures, ok lang..”

“may ibinubulong ka ba Arc?” sabay tingin  sa kanya ni Fye. Narinig ata yung sinabi nya.

 “ha? wala ah hahaha”

“hahaha umayos ka nga Fye, tinatakot mo nanaman si Arc eh disipulo mo yan haha  ”

 

“hanggang ngayon mga sira pa rin pala kayo hahaha ^___^ ” kung makatawa naman tong si Sky, kala mo matino!

“.Ang totoo, pumunta kami dito para sa sparring.”

“ha?” napatingin ako kay Sky. “ginagawa nyo pa pala yun? Kala ko itinigil nyo na?”

Ang sparring na tinutukoy ni Sky eh yung monthly sparring na lagi nilang ginagawa. Dati, every month silang naglalaban laban. Di naman kompetisyon, parang katuwaan na lang. parang tinitest lang nila ang abilities nila. Hand to hand combat yun kaya kadalsan puro sila pasa pagkatapos ng laban. Hindi yun formal na laban, kumbaga parang rumble. Masayang panuorin yun kasi ang mga laban nila, hindi yung pangkaraniwan lang na mapapanuod mo. Palibhasa puro magaling. Laging si Zen ang panalo pag sumasali yun, pero kadalasan nanunuod lang ang timang na yun dahil takot yun sa sakit ng katawan, kaya si Chrow ang nananalo. Kapag di kasali sa laban si Zen, si Chrow ang kadalasang nananalo dahil martial arts ang forte nya. Pag kasali naman si Zen, nagiging 1 versus 6 ang labas, dahil ang kadalasang nangyayari eh pinagtutulungan sya ng anim na itlog pero sa himala ng mga himala eh sya pa rin ang nananalo kahit na mukhang di naman yun nagseseryoso. Nagtatanungan nga kami minsan kung tao ba talaga yun, parang hindi eh.

 Ang alam ko simula nung maghiwa hiwalay sila eh di na rin nila yun ginagawa, pero ba’t bigla ata nilang naisipang ibalik ang kalokohang yun?

“ilang months na din naming di nagagawa, pero last week, tumawag  sa amin si Kiosk at nagyaya. Mukhang nabobored na ata. Total wala din naman kaming ginagwa, pinagbigyan na lang namin. Nakakamiss din namang gawin yun eh.”

“woah talaga?! Masaya to hahah!” nakakita nanaman ng pagkakakitaan tong si Arc.

“walang magpupstahan.”

“eh! Ano ka ba Fye, minsan na nga lang to, pagbigyan mo na kami!”

“sya nga pala, anong oras ba yon?”

“gaya pa rin ng dati. Same time, same place.”

“pupunta kaya si Zen?”

“hmm. Di namin alam, hanggang ngayon di pa rin nagpaparamdam yun eh.”

Haaay.. di ko alam kung anong gulo nanaman ang mangyayari, ang alam ko lang, disaster nanaman to, pero siguradong…..

 Masaya!

End of Chapter 27

 

Note:

*Narcissus is the famous most beautiful mortal character from the Greek mythology who fell in love with his own reflection.

 

~Riyusen

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...