My Bestfriend or My Lover

Galing kay TheGoldenBuddha

743 56 8

Higit pa

Prologue
Chapter 2 *First day part two*
Chapter 3 *One Thing We Have in Common*
Chapter 4 *Senior King Part One*
Chapter 5 *Bituing Nagsisibabaan sa Langit*
Chapter 6 *Senior King Part Two*
Chapter 7 *Senior King Part Three*
Chapter 8 *The Vile Bully (Part One)*
Chapter 9 *The Vile Bully (Part Two)*
Chapter 10 *Date Date or Date date? (part one)*
Chapter 11*Date Date or Date date Part Two*
Chapter 12 *Something About the Junior King's Past*

Chapter 1 *First Day*

121 8 0
Galing kay TheGoldenBuddha

Bianca’s POV

First day ko dito sa  Sakura Private High School o Cherry Blossom Private High School. Japenese daw may ari nung school kaya Sakura. Isang prestigious high school dito sa lugar namin. Lumipat kasi akong bahay eh. Si Daddy kasi nagpunta ng Amerika. Mommy ko? Patay na! Hindi ko na siya nakilala. Sabi kasi ni Daddy iniwan na daw niya kami nung seven months old pa lang ako.

Hindi ko na siya nakilala. Siguro may iba na siyang pamilya ngayon. Ewan ko. Pero okay lang naman yun eh. Meron pa naman akong Mamita! Sa kanya ako titira ngayon. And also no worries, eron din kasi akong step mother. Asa ibang bansa din siya. Wala man yung biological Mom ko hindi ko naman naramdaman na kulang ako. Thanks sa stepmom ko.

Katunayan niyan dun naman talaga kami nakatira kasama si Mamita pero sabi ni Mommy kinailangang umuwi ni Mamita dito sa Pilipinas dahil daw may kailangan siyang asikasuhin sa mga papeles niya. Ako naman dito na nag aral ng third year kasama si Mommy at Daddy at yung baby sister ko. Kaso umalis si Mommy last summer papuntang Amerika kasi nagkaroon ng problema dun tungkol sa grandpa ko. Mga after one week sumunod naman si Daddy kailangan daw kasi siya ni Mommy. Pumayag naman ako para magkaroon sila ng time together at kami na din ni Mamita.

“Bianca!” napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

Si Kenzo. Yung kapitbahay ni Mamita. Schoolmate ko pala siya. Nakilala ko siya nung nasa mid school ako. Grade eight ako nun eh. Dito din kasi ako nun sa Pilipinas nag Grade Eight eh pero nung last year ko na ng mid school bumalik akong Amerika. Hindi ko na siya nakita nun. Pati din nung bumalik ako dito sa Pilipinas. Last week lang din ako lumipat kay Lola eh at dun ko na lang din ulit siya nakita.

“Tama ba namag ibroadcast ang napakaganda kong pangalan?” tanong ko sa kanya pagkalapit niya.

“Wow! Hiyang hiya naman ako sayo!” sarkastikong sabi niya kaya medyo napatawa ako. “San ka ba pupunta?”

“Ah pupunta akong Admin Office eh. Kukunin ko yung schedule at section ko. Ikaw? San ka galing?”

“May basket practice kami. Every Monday, Wednesday at Friday kasi pracktices namin kaya yun maaga dapat kami.”

“Sasamahan mo akong admin?” nakangiting tanong ko sa kanya.

“Geh ba! Wala naman na akong gagawin eh!”

Nag umpisa na kaming maglakad. Pansin ko lang ha. Halos lahat ng nadaraanan namin pinagbubulungan kami. Yung iba naman nagpipigil ng tili, tawa at mukha pang kinikilig. Ano bang meron?

“Hoy pineapple juice!” tawag ko sa kanya.

Pineapple juice kasi mahilig siya sa pineapple juice. Dapat bawat meal niya may pineapple juice. Masmasarap daw kasi ang pagkain pag may pineapple juice. Taste buds talaga niya kakaiba!

Ngumiti siya at dahil ata sa ngiti niyang yun eh nagtititili ang mga babaeng nadadaanan namin sa may corridor. Agad akong napatakip ng tenga! Grabe! Mababasag na talaga ang ear drums ko sa kanila. Ano bang meron kay Kenzo?

Hinawakan niya yung kamay kong nakatakip sa mga tenga ko at tinaggal niya ito.

“Wala na ba? Mababasag ear drums ko dun eh!”

“Wala na! Pinatigil ko na. Rinig mo naman na diba?”

“Adik!” pinalo ko siya sa braso niya. “Ano ba kasing meron?”

Nag umpisa nanaman ulit kaming maglakad. Teka san nga bang Admin Office?  Alam naman siguro ni Ken diba? Taga dito naman siya eh! Malamang sa malamang eh alam nya pasikot sikot dito.

“Ako!” maangas na sabi niya sakin.            

“Wow! Hiyang hiya naman ako sayo Ken! Dapat ba pati ako magtititli na rin kasi kasama ka? Oh di ikaw na pala!”

“Hahahaha! Baliw! Kamusta na daw ba sina Tita Clarisse? Tumawag na ba sila sayo?” pag-iiba niya ng topic.

Hmm! Ang galing niyang mag-iba ng topic! Ibang klase!

“Oo. Ikaw ba? Kamusta na Mommy mo? Kailan pa siya nanganak?! Pano ba yan Ken hindi ka na only child! Hahaha!”

“Only pa rin ako noh! Babae kasi siya. Buti na nga lang at babae na naging kapatid ko eh. Antagal ko ding naghintay ah!”

“Hahaha! Ikaw pa lang adik sa ting dalawa eh! Teka,” tumigil kaming dalawa sa paglalakad. “Alam mo naman siguro kung san yung Admin diba?”

“Anong akala mo sa’kin?! Tatlong taon na ako dito sa Sakura kaya malamang sa hindi alam ko na noh!”

“Sabi ko nga! Hahahaha!”

“Uy! Hindi mo pa ako binibigyan ng pasalubong ha! Andaya na! Halos isang linggo na akong naghihintay dun.”

“Makadaya ka! Hindi naman ako umalis ng bansa ha!”

“Kahit na noh!”

“Oh siya! Siya! Mamayang lunch bibigay ko sayo!”

“Sabay na tayong maglunch?!”

“Yoko nga! Kasama mo mga kavarsity mo noh! Puro lalaki yun! Di ko masikmura!”

“Maka di makasikmura! Basta sabay tayo!”

Ang kulit kulit kulit talaga niya. Ito namiss ko sa kanya nung nasa Amerika at nasa ibang school ako eh. wala kasing kumukulit sakin na gaya ng pangkukulit niya sa’kin.

Nagpunta kami ng Admin at siya na talaga nagtanong at kumuha ng schedule ko! Astig eh noh?! May spokes person talaga ako. Sana pala kaklase ko na lang siya eh.

“Uy Kenzo! Hindi ka na ba pupunta ng klase mo? Anong oras na oh!”

Naglalakad na kami ngayon papuntang fourth floor. Asa fourth floor kasi yung classroom ko.

“Sa fifth floor ako baliw! Kaya okay lang. Hatid na muna kita sa classroom niyo.”

“Teka bakit ka napunta sa fifth floor eh mas matanda ako sayo. Hindi ba? Nagskip ka ba ng isang year?”

Hindi kasi kami parehas ng year level eh. Ahead ako sa kanya ng isang taon. In short mas matanda din ako sa kanya ng isang taon.

“Kasi po Ate Bianca, varsity player po ako. At bilang isang varsity player at isa sa mga pinaka matalino ng batch namin at idagdag mo pa dyan ang pagiging School King ko eh sa fifth floor talaga ako.”

“Hindi ko talaga magets dude! Explain mo kasi ng maayos.”

“Ano ba yan?! Sige na nga basta makinig kang mabuti ha!”

“Para namang wala akong tenga.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Sabi ko nga makikinig akong mabuti.”

“Hindi kasi biro ang pagiging isang varsity player ko lalo pat nasa Japanese School tayo diba? Sa mga Japanese school kasi minsan prinaprioritize ang mga games lalo pat ilalaban din kami sa Japan pagka nanalo kami. Nasa fifth floor din ang faculty room. Kahit kasi varsity player kami hindi dapat kami maging bobo alam mo na. Kaya ayun prinaprioritize yung games at academics namin. Pagkasi sa fifth floor kami mas madali yun para sa coaches at teachers namin. Kunyari may namiss kaming lesson kakatok lang kaming faculty room at tuturuan na nila kami. Gets mo na?”

“Ang haba haba ng explanation pwede mo naman yung paikliin lang eh.”

“Eh kasi nga…” nagkamot siya ng ulo. Nawalan siya ng sasabihin.

“Oh siya! Bilisan mong maglakad at baka ikaw naman ang malate eh ako pang sisihin mo.”

Nag-umpisa na ulit kaming maglakad. Ganun pa rin sa kahit saang floor pa kami mapunta. Lahat sila nagpipigil at yung iba naman nagbubulungan. Ang medyo nakakatakot lang na floor ay yung third floor. Ang sasama kasi ng tingin sa’kin nung mga babaeng estudyante dun eh! Nakakakilabot! Parang kahit na anong oras handa silang manakmal ng tao.

Hindi nagtagal nakadating na kami classroom ko at ito agad ang bumungad sakin:

“Oh my gosh Amarie! Si Kenzo papunta dito!!!”

***** A/N:

Oh! Ayun na! nagustuhan niyo ba? Ano sa tingin niyo?!

Nakikita niyo na ba yung plot? O hindi pa? At sino naman kaya yung sumigaw kanina? At sino naman yung Amarie na yun!? At si Kenzo nga ba yung lover sa title? Sino yung bestfriend? Si Kenzo din ba? Gusto niyo malaman kung sino? Well ito lang maadvise ko sa inyo! BASAHIN NIYO HANGGANG SA HULI!

WAHAHAHAHAHA!!!

Inumpisahan ko to kaya tatapusin ko! Hahahaha! Godbless na lang sa’kin.

Ano daw? Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ko! Para sa’kin napaka nonsense nun! Wahahahahaha! -__-

Nga pala, pag-iisipan ko pa muna kung sino pa yung iba kong characters bukod kina Minhyun at Krystal. May mga napupusuan na ako pero tignan pa din natin! Accchhii! ~~

Actually, dapat nung linggo ang UD nito kaso busy si ako. May date kasi ako!!!

Wahahaha! Ang landi…. Pero teka hindi pa yun tapos!

May date ako kasama ang kapatid ko! hahahaha! Kala niyo noh!

Pasensya na sa sobrang late na UD at dahil dun, dawalang chapters ang UD ko ngayon.

Yep! Tama ang nabasa ninyo, dalawang parts ang UD ko kaya hindi na kayo mabibitin sa kung sino ba yung babaeng yun. Suggestions for characters is open. Sa mga makakabasa po nito feel free to suggest sa mga characters at please, comment po. Wag silent. Lalo na yung isa dyan na kilala ko! sabi ko comment eh waley naman. So ayun ang haba na ng speech ng lola niyo!

Comment po. Share and vote na din po! Thank you thank you!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.2K 458 20
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
99.4K 1.5K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
1M 82K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...