A Beautiful Soul

By baboylovesme

826 325 51

Monica died and she doesn't deserve a second chance pero pinagbigyan siya by putting her soul accidentally to... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 19

31 12 0
By baboylovesme

"Sebastian? You mean Baste?" Kumunot ang noo ni Gabriel dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Gusto niyang makasiguro na tama ang ibig sabihin ni Mr. Montecruz, pero tumango lang ito sa sinabi niya kaya mas nagtaka siya.

"How did Baste came to the picture? I really can't comprehend this."

"Much better na sumama ka na lang sa akin then the chairman will tell you everything."

Huminga ng malalim si Gabriel at natahimik sa pag-iisip. Naiintriga siya sa mga nangyayari lalo na nang nakasama pa si Baste at lalo na nang may dala itong pagbabanta.

Biglang sumagi sa isip niya ang noong halos lumipas ang anim na buwan at tila balisang balisa si Anna at tumagal iyon ng mahigit dalawang buwan. Nakita din niya sa history ng google search ang Z Cosmetics Company. Kaya kinutuban na siya at dahil sa naalala niya, napagpasiyahan niyang sundin ang sinabi nito.

Buong byahe ay seryoso si Gabriel hanggang makarating sila sa Z Cosmetics Company at derecho sa office ng chairman. Kumatok ang secretary ng chairman bago siya pinagbuksan ng isang babaeng nakabusiness attire din.

"Mr. Chairman, Mr. Gabriel Valdez is already here to meet you."

Nakita niya ang chairman na nakatalikod habang nakaupo ito sa swivel chair niya.

"Mr. Valdez, you may sit." Anya ng secretary at tinuro niya ang upuan malapit sa table ng chairman. Tumango si Gabriel at dumerecho sa kung saan ang sinabi nito saka umupo. Nakita niya ang glass name plate kung san nakasulat ang pangalan ng chairman 'Alfredo Jose'.

"Please give us a moment." Matipid na utos ng chairman at mabilis namang sinunod ito ng secretary niya at ng isang babaeng nagbukas ng pinto sa kanila.

Nang lumabas na ang dalawa ay naging tahimik ang paligid. Pinilit ni Gabriel na maging panatag at manatiling kalmado.

Chairman first cleared his throat before turning his chair and stare at Gabriel's eyes. "Maybe you're asking why you are here, or maybe you knew already, which is which?"

"Just get straight to the point. What do you want?"

"You're very much excited, huh?" Sarcastikong tanong ng chairman saka may kinuha sa drawer niya na envelop at inilagay ito malapit kay Gabriel. "See for yourself."

Napatingin si Gabriel sa envelop saka ito binuksan at tumambad sa kanya ang mga pictures ni Anna na mag-isa at ang sasakyan nilang kita ang plate number.

"Why do you have these pictures of my fiancé? And our plate number? Are you spying her?"

Simpleng tumango ang chairman, "You can consider that."

Hindi napigilan ni Gabriel ang mag-igting ang tenga sa narinig pero pinili niyang maging kalmado. "That is beyond our privacy Mr. Chairman."

"Actually you can't say that, since your fiancé is a popular writer, there is no way she can have a private life. But you can say I already reach that limit. So here's the thing, I really wanted to ask you this question but let me remind you that whatever it is you are permitted to keep silent until you have with you your lawyer which is stated by the law."

"Please tell me right away, busy akong tao Mr. Chairman." Pakiusap ni Gabriel.

Tumango lang ang chairman at ngumiti, "I am too." May kinuha ulit na picture frame ang chairman saka ipinakita sa kanya. "This is my daughter, Monica."

Tiningnan ni Gabriel ang nasa picture. At kumunot ang noo niya nang makita ito.

"She's a model, our main ambassador of Z Cosmetics."

At napagtanto ni Gabriel na kaya parang familiar sa kanya dahil ito ang nakikita niya sa commercials at mga billboards. Her face is so attractive, at sobrang kinis pa. Maamo ang mga mata nito at tingin niya'y hindi makabasag pinggan ang ugali.

"She's quiet a beauty, right?" Ngumiti ang chairman, "She's my eldest daughter but passed away three months ago." Nagulat si Gabriel na napatingin sa kanya. "Six months ago, she lost her son in her tummy due to vehicular accident."

"And? Is there some connection with her and my fiancé?"

Binuksan ng chairman ang Ipad niya saka may hinanap na video at ipinakita ito sa kanya. "CCTV captured this during my daughter's vehicular accident. Look at this."

Kinuha ni Gabriel ang inaabot ng chairman na Ipad saka pinindot niya ang play button ng video. At hindi siya makapaniwala sa nakita nang nakared light at mabilis ang takbo ng gray na sasakyan nila ni Anna at sumalpok ito sa isa pang sasakyan. Tumigil ang kotse nila saka lumabas sa sasakyan si Anna pero agad itong bumalik sa kotse at mabilis na humarurot ng takbo.

Hindi niya napigilang manghina sa nakita at kahit ilang beses niya uulit-ulitin, alam niyang si Anna ito at kotse nila ang nakabangga sa sasakyan ng anak ng chairman.

"You are not the person that I should need to confront about this but you owned the car she's driving so you know you still have liability on this, right?"

Napatingin si Gabriel sa picture ni Anna. Ang inosenteng mukha ni Anna na hindi niya akalaing hindi siya pinagkatiwalaan nito tungkol sa ganitong kaseryosong bagay.

"Mr. Chairman, let me please think this through and I will do what I must do to pay with whatever needs to be paid."

"How would you repay your fiance's mistake if my daughter is already dead?"

Humingang malalim si Gabriel, "I can't take back your daughter's life but whatever my fiancé done about the incident we will face it legally. I will talk to my trusted lawyer and ask him about this case and we'll get back to you as soon as possible."

"Someone killed her. Do you think Anna is behind her death?"

Kumunot ang noo ni Gabriel sa mga sinabi niya. "This is not right Mr. Chairman. I believe Anna is not evil to do that."

"She has intension. Binangga niya ang anak ko."

"I don't see why she did that because she has reasons. Anna and Monica don't have any connection to even start something unthinkable situation."

"You think so?"

"Yes."

Ngumiti ang chairman sa kanya at tumango. "You know, I like you. You already gained my trust. So for now, you can go home, safely." Tumigil ang chairman at malalim siyang tiningnan, "However, Sebastian can't go home."

"Why?"

"Because he's planning to kidnap my younger daughter."

"I'm sure, you're just mistaken him as—"

"The CCTV's are all around in my building. Sebastian followed my daughter from the 8th floor down to the ground and outside the building. Julia was crying after the guards caught him. Do you still believe he doesn't have intentions?"

Huminga ng malalim si Gabriel at hindi na alam kung ano ang iisipin niya. "I'm sorry for your inconvenience. Can I talk to him?"

Umiling ito, "I can't let you do that. For know, I will keep him alive until 3 days. So better call your trusted lawyer and explain to me everything about Anna and Sebastian's doings."

"This is against the law Mr. Chairman."

"Then the truth will come to public about Monica's son and about the vehicular accident. What will happen to Anna's career then?"

Hindi makapagsalita si Gabriel sa mga sinabi ng chairman.

"Don't worry, he will be fine if you will get back to me as soon as you can."


Samantala, hindi pa rin mapalagay si Baste sa loob, ilang beses na siya pabalik-balik sa paglalakad. Kinakabahan siya sa mga gagawin ng mga lalake sa kanya na pilit pinapaamin sa kanyang balak niyang kidnapin ang anak ng chairman.

"Pwede ba, kumalma ka." Utos ni Monica sa kanya habang ito'y nakaupo sa kama.

"Tingin mo paano ako kakalma kung mamatay na ako sa kasalanang di ko naman ginawa?"

Monica rolled her eyes, "Gagawa nga ako ng paraan. Babalik ako sa katawan ni Anna."

"Iniluwa ka na ni Anna dahil siguro nararamdaman niyang dilikadong ipahiram ang katawan niya sayo kagaya ng nangyari sa akin."

"Don't be a nega, okay? I'll find a way."

Magsasalita pa sana si Baste nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang malaking lalake na hindi nila nakita kaninang kasama ng mga guards. Masama niyang tinitigan si Baste na animoy papatayin na niya ito. Kaya napaatras nalang si Baste habang unti-unting lumapit sa kanya ang dambuhalang lalake.

Nang akmang inangat na nito ang kamay niya ay doon na napapikit si Baste na parang tatanggapin na ang malupit niyang kapalaran.

"Kumaen ka." Utos sa kanya ng dambuhalang lalake kaya natigilan siya at napadilat ng mata. Nakita niya na may hawak itong styro at bottled water.

Wala siyang magawa kundi kunin ito. Isang sampal lang siguro sa kanya ay didikit na ang katawan niya sa wall ng kwarto.

Nang hawak niya ang pagkaing dinala ng lalake ay nabigla siya nang kinapkapan siya nito.

"A—Anong ginagawa mo?"

"May tinatagong cellphone ka dito sa katawan mo no?"

"Nako... wala po, hindi ko afford ang cellphone."

Tumigil ang lalake saka kumunot ang noong napatingin sa kanya, "Kung ganoon, sino ang kausap mo kanina?"

"Ahh..." Napatingin siya kay Monica . "S—Sarili ko lang."

Tumingin ang lalake sa paligid. "Alam kong may kausap ka dito."

Napatingin si Baste sa dereksyon ni Monica kung saan din nakatingin ang lalake. Nanlaki ang mga mata ni Monica na parang hindi niya alam ang gagawin.

"N—Nakikita mo?"

"Nararamdaman ko lang."

Napahingang maluwag si Monica saka sumenyas itong lalabas na ng pinto.

"M—Makakalabas na ba ako?"

"Hindi, dito ka na mamamatay."

Nanlaki ang mga mata ni Baste at tila nanlumo ito sa sinabi ng lalake. Nang tumalikod na ang lalake ay nakita niya si Monica na nasa bandang pinto na. Kumaway pa ito bago lumabas. Tila kinakabahan siya na baka hindi na siya babalikan ni Monica at maiiwan siya ditong walang kalaban laban.



Napatingin si Monica sa buong paligid at totoo nga ang sinabi ng kaninang mga guards na kahit anong sigaw ni Baste ay hindi ito maririnig dahil nasa isang bakanteng lote sila at tanging itong maliit lang na bahay ang nakatayo dito.

Binuksan na ng lalake ang pinto ng kotse kaya mabilis siyang pumasok. Bago paandarin ng lalake ang sasakyan ay tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot.

"Mr. Chairman," Sa narinig niya pa lang ay alam na niyang ang daddy niya ang kausap nito. "Wag po kayong mag-alala, wala pa akong ginawang masama sa kanya. Pabalik na po ako sa building ninyo."

Nang makarating sila sa labas ng company building nila ay natigilan siya nang nakitang niyang palabas na din ng building si Gabriel.

Napakunot ang noo ni Monica nang makita niya si Gabriel na parang wala sa sariling naglalakad, "Anong ginagawa niya dito?" Nagmadaling lumabas si Monica sa sasakyan saka lumapit kay Gabriel.

Nakita niya ang mga mata nitong malungkot at tila wala sa katinuang naglakad palayo ng building. Naglakad din siya papunta sa hallway ng entrance saka huminto nang malapit nang makarating si Gabriel sa kinaroroonan niya.

Nakakuyom ang mga kamay ni Gabriel hawak-hawak ang isang envelop. Binuksan niya ang driver's seat niya saka tinapon sa loob ang envelop bago pumasok.

Nakatuon lang si Monica kay Gabriel habang siya'y tahimik na nagdadrive at tila wala sa mood. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha niya ang matinding galit habang nakahawak siya sa manibela.

Ang hula niya, may kinalaman ang ama niya sa galit na nararamdaman ngayon ni Gabriel. Maaaring may sinabi ang ama nito kay Gabriel tungkol sa ginawa ni Baste sa kapatid niya kung saan ginamit niya ang katawan ni Baste.

"Gabriel, what does my father did to you?" Tanong ni Monica kahit alam niyang hindi siya naririnig nito.

"I know, my father did told you something about Julia. I'm sorry, nadamay pa kayo ni Baste. I hope I can get back to Anna's body to apologize for my greediness." Malungkot na paliwanag ni Monica pero nanatiling galit ang mukha ni Gabriel.

Gabriel needs to know that this is all misunderstanding, so as my father. But how? Sasabihin ko ba ang katotohanan that I used Baste's body when I saved Julia? I bet my father would laugh for this and also Gabriel! But I need to use Anna's body, now.

Pinarada ni Gabriel ang sasakyan niya sa ospital at pumunta kay Anna habang nasa likod lang niya si Monica na sumusunod sa kanya.

Pumasok sila sa kwarto habang nakadim light ang paligid pero hindi na ito binuksan pa ni Gabriel ang main light. Dumerecho siya sa kama kung saan nakahiga ang mahimbing na natutulog na si Anna habang may mga tubes pa rin na nakalagay sa kanya.

Napabuntong hininga si Gabriel habang tahimik na tinitingnan si Anna. Hinawakan niya ang kamay nito saka marahang pinisil.

Ikinabigla ni Monica ang unti-unting pagtulo ng mga luha ni Gabriel sa pisngi. She realized, that even in Gabriel's strong personality, he still weeps in front of Anna. It only means that, he trusts Anna in her vulnerability state.

At dahil ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Gabriel habang tinitingnan si Anna na walang malay, hindi niya mapigilang hawakan ang pisngi nito para pawiin ang luha niya.

"Andito lang ako Gabriel, tutulungan kita."

Bakas kay Monica ang lungkot na dulot ng pag-iyak ni Gabriel. Alam niyang hindi niya ganoon kagusto si Gabriel noong una niya itong nakasalamuha ngunit naging mabuti si Gabriel sa kanya at kahit na ang buong akala nito ay siya si Anna, naging masaya pa rin siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga taong katulad niya, totoo ang pagmamahal at walang kasinungalingan.

Ngunit natigilan siya nang mabaling ang mga mata ni Gabriel sa mga mata niya. Seryoso itong tumingin sa kanya na animoy nakikita siya kahit isa lang siyang kaluluwa lang.

Shoot! Did he saw me?

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Alam naman niyang hindi ito ang first time na tinitigan siya ni Gabriel. Pero bakit mas iba ang dating para sa kanya ngayon kesa sa noong nasa katawan siya ni Anna? Dahil ba, pakiramdam niya, hindi para kay Anna ang mga titig ni Gabriel kundi sa kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 1.6K 76
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...
165K 8.2K 49
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
115K 4.6K 27
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
29.7K 1K 55
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...