The Paradise of Eternal Sorrow

Bởi La_Empress

93.6K 851 52

Grey Ziggler, a trapped soul who's given a mission to untangle the deaths of him and his family in order to r... Xem Thêm

Playlist & Synopsis
P R O L O G U E
I. Into The Paradise
II. Stranger
III. Broken Promises
IV. The Birth of Agony
V. Midnight Tears
VI. Sunshine
VII. Princess of Distress
VIII. The Start of Curiosity
IX. The one in Trouble
X. School Fight
XI. Friends?
XII. Mission: Get closer
XIII. The Angel's Identity
XIV. Night Sky
XV. A Goodbye to Paradise
XVI. New Beginning in Manila
XVII. Emillia's Diary
XVIII. Anthophile
XIX. Isabella meets Emillia
XX. Mysterious Disappearance
XXI. Her Purpose
xxiii. Diana Knows Everything
xxiv. The guy from the past
xxv. Foul Play
xxvi. She came back

XXII. Truth against the Flame

1K 22 5
Bởi La_Empress

Nitong mga nagdaang araw, puro pag-aaral ang inaatupag ko dahil sa papalapit na final exam namin for the third quarter. Kaya huling basa ko sa diary ni lola ay nung binanggit ko kay Vivien ang tungkol sa pagkawala ng ilang tao sa GreenWill. I was supposed to drown myself with research regarding that case ngunit mas kinailangan kong unahin ang pag-aaral. 

Now that the exam is finally over, pwede ko nang ituon ang atensyon sa diary ni lola Emillia.

Kasama ko si Vivien tumambay sa open field habang pinapanuod ang mga soccer player na nag pa-praktis. Hindi pumasok ang pang huling subject teacher kaya inaya ko siyang tumambay dito. May binili muna siya sa isang convenience store na nasa loob lang ng campus kaya pansamantala akong naiwang mag-isa.

"Eto, bumali na ako ng isang pack ng yakult." balik niya sabay hagis sakin ng binili. 

"Wow, first time manlibre." 

"Ikaw nga umubos ng dalawang pack sa ref ko eh! Walang akong kamalay-malay na minu-murder mo na pala ang mga yakult ko. Kaya pala nahilig kang bumisita kahit walang kailangan." pagmamaktol niya at umupo sa tabi.

Kinuha ko sa bag ang diary ni lola Emillia upang basahin sana ang kasunod nitong kabanata ngunit biglang naramdaman ko ang tawag ng kalikasan. 

"Hold this for a sec." inabot ko sa kanya ang libro.

"Sa'n ka pupunta?"

"Nature's calling." tipid kong sagot at nagmamadaling tumakbo patungo sa pinakamalapit na restroom.

T H I R D   P E R S O N 

Habang nasa banyo ang kaibigan, titig na titig si Vivien sa makapal na diary na nasa mga kamay niya. Ito ang unang beses na mahawakan at masilayan ang tinutukoy na librong magdadala ng kapayapaan sa napakagulo at masalimoot na nakaraan ng GreenWill.

Ito ang susi upang magtagumpay sila sa misyon.

Sa oras na basahin ni Sollace ang dulo ng libro ay tiyak na makakauwi na siya sa kalangitan.

Sinubukan niyang buklatin ang gitnang bahagi nito ngunit nagtaka siya nang walang makitang kahit ni katiting na sulat.

"May topak na ba ang mga mata ko o blanko lang talaga 'to?" pinagbabaliktad niya ang libro ngunit kahit saang anggulo tignan ay wala talagang nakasulat doon.

"Am I not allowed to read this?" tanong niya sa sarili.

"What's that?"

"Oh holy Mary mother of God!"

Malapit na niyang masapak ng libro ang binatang bigla-biglang sumulpot sa kanyang likuran. Suot pa nito ang jersey ng kanilang basketball team at nakasukbit sa balikat ang bag nitong halos walang laman.

"Masusunog ata ako sa sinabe mo." natatawang wika ni Marco habang hinihimas-himas ni Vivien ang puso sa gulat. "Malapit ko pang mabigkas ang prayer of protection, kaloka ka. Bakit ka nga pala andito? Kung si Sollace ang pakay mo, ayun nasa CR pa."

Tila tumagos lang sa kabilang tenga ni Marco ang sinabe niya dahil nakatuon ang pares ng mga mata nito sa libro. "Marco?"

"Ah ganun ba. Babalik ako mamaya. Teka kaninong libro ba 'yan? Ba't parang galing pa sa kapanahunan ni Adam at Eve?" 

Napakamot sa ulo ang huli, "Ang over ng pagka-describe mo. Fyi, wala pang libro na nag e-exist sa panahon ni Eve. Tsaka ito?" sabay angat niya sa diary, "Ito ang nawawalang diary ng lola ni—" napahinto siya ng mapagtantong umaarkila na naman ang madaldal niyang bibig.

"Ni Anne Frank. O-oo, ito ang nawawalang diary ni Anne Frank." naikagat na lamang niya ang ibabang labi. Sa lahat-lahat ng rason ay bakit iyon pa? 

Mukhang hindi naman interesado ang binata sa libro kaya napahinga siya ng maluwag. 

Biglang may gumulong na bola sa paanan ni Vivien. Masyadong napalakas ang pag sipa ng isang soccer player sa bola gaya umabot sa pwesto niya. Bilang may ginuntuang puso, nagmagandang loob niyang inabot pabalik sa player ang bola.

"Salamat miss." ngiting nakaloloko ng pandak na player sabay kindat.

Nagimbal ang huli sa nasaksihan habang kinakantyaw sila ng ibang players. Bumalik siya sa pwesto nang may kilabot sa buong sistema. 

"Gabayan nawa ng Panginoon ang lalaking iyon." aniya sabay napa sign of the cross. Hindi pa rin sanay si Zarof sa mga nararanasan at napagdadaanan niya bilang pagpapanggap na babae sa mundong ibabaw. 

Ngunit nang makabalik sa pwesto ay wala na roon si Marco.

Insakto namang dumating si Sollace na nakabusangot ang mukha. "Ang tagal mo. Isang galon ba ang ihi mo?" 

"The old hag wanted me to help decorate the gym for tomorrow's event." Tukoy niya sa Physical Science na subject teacher. Kaya pala ito natagalan. "Pinagalitan pa ako. Ba't daw mas nauna pa akong nag dismissal keysa sa pang huling subject teacher. Kasalanan ko bang hindi pumasok yun?"

"Ikaw talaga trip nun." ngisi ni Vivien sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Where's the diary?"

Tinuro niya ang nakasaradong bag nito, "Nilagay ko sa bag mo." Tumango si Sollace at kaagad sinukbit sa balikat ang bag. Sabay silang nagtungo sa gym kung saan marami ring mga studyante na abala sa pag decorate para sa gaganaping event bukas.

* * * * *

S O L L A C E

"Viv, have you seen the diary?" Kulang nalang pagbaliktarin ko ang buong condo, hinalalughog ang bawat sulok upang mahanap ang bagay na kanina ko pa hindi nahahagilap. 

She's nonchalantly feasting on chips while we're having video calls at literally midnight. "Oh, ayan ka na naman sa mga bagay na hinahanap mo sakin." kalmado lamang siya habang ngumunguya. Ilang saglit pa, natigilan siya na parang may napagtanto. "Wait, diary ba sabi mo? Your grandma's diary is missing?!" ngayon lang rumehistro sa utak niya ang nangyaRe. 

Napasuklay ako sa buhok habang pinagmasdan ang kalat sa buong sala. "I already checked everywhere but instead, I found the things I lost from few weeks ago." My nose is quite runny due to my allergy as sweats deluge around the back of my neck. I am in flap over how messy the flat is.

Napatayo si Vivien sa pagkakaupo upang ilapit ang mukha sa cellphone, "Huwag kang magbiro ng ganyan. Nilagay ko sa bag mo ang diary!" 

"But it's not there! Ano, biglang naglayas?!" turo ko sa bag na nakalabas lahat ng notebooks at libro.

Rinig ko ang buntong hininga niya, she sounds more in distress than I am. "Are you sure binalik mo talaga sa bag ko?" tanong ko sa kanya, nakapameywang.

"Y-yes! Nilagay ko 'yun, sure ako." 

Then where on earth is that diary? Hindi ko naman ginalaw ang bag ko buong araw. 

I had planned to read Grandma's diary after finishing all of my schoolwork earlier, but when I unzipped the bag, it's no longer there. Impossibleng kusa itong naglaho. 

"Continue looking for it, I'll call you back." Vivien stated in a hurried tone before hanging up, leaving me staring at my own reflection on the black screen looking like a single mom with three kids.

You've got to be kidding me. . .

Kung saan nasa exciting part na ako, dyan pa talaga biglang nawala. I should look for it at school tomorrow, just in case Vivien actually misplaced it. Kung hindi ko mahahanap ang diary doon, I have no idea where to find it next. 

Napaupo na lamang ako sa couch na punong-puno ng mga nagkalat na libro at damit. Napatitig ako saglit sa screen ng laptop bago tinype ang pangalan ni Grey.

'Green Will unsolved murder case family of Grey'

To my dismay, I found nothing but a bunch of unrelated articles. My brows furrowed as I keep scrolling down, still not a single thing related to murder popped up. That's weird. Bakit tila napakalinis ng imahe ng aming isla?

Kailangan ko pa bang magtaka? Oo nga pala at magaling magpanggap at magtago ng sekreto ang aking ama. He wants our family to portray as perfect to the media. Ngunit hindi rin maaaring walang kahit ni isang reports patungkol sa pagkamatay ni Grey at sa pamilya niya. It's an unsolved murder case, it should be on the news. Someone should've published an article about it!

I have a feeling that Grey's case is linked with the disappearance of those poor people. Ngunit ang pinagtataka ko lang ay hindi nakalagay doon ang pangalan niya. Even none of the missing persons fits his description. 

Napatitig ako sa kawalan, malalim ang bawat paghinga.


* * * * *

T H I R D   P E R S O N    P O V


"Natanggap ko na ang package, you did such a great job." Tiffany's lips could be torn apart by how wide it is upon seeing the diary inside the package.

Sumagot naman ang kabilang linya, "I don't have any idea what you're gonna do with that. Na ko-konsensya ako for stealing it." 

She rolled her eyes, "This diary isn't even owned by Sollace so it's not stealing. Isasauli mo lang ito sa sarili nitong pinanggalingan." aniya habang kinikilatis ang ilang pahina ng libro.

"Anyway, I'm beyond grateful for doing this for me. The next time we'll meet, I'll make sure to pay you back kahit anong gusto mo. "

May sasabihin pa sana si Marco ngunit kaagad binaba ni Tiffany ang tawag matapos itong magpasalamat uli. Nagtungo siya sa mahabang pasilyo kung saan ang silid ng kanyang lola Isabella. Kumatok muna ang dalaga bago maingat na pumasok sa loob.

Napahinto siya nang madatnang nag-uusap ang lola niya at ang pinsang si Shane malapit sa fireplace. Sabay silang napalingon sa direksyon niya kaya't pa-simpleng tinago niya ang diary sa likod.

"Can I have a minute with lola?" She asked in a sweet tone.

Shane immediately agrees, "I'll go back to my room now. " 

Hinintay muna niyang makalabas ang pinsan bago magiliw na ibinigay kay Donya Isabella ang bagay na matagal na nitong hinahanap. 

"Am I such a good girl?" kay lapad ng kanyang ngiti nang makita kung gaano nagningning ang mata ng matanda.

"I've been looking for this diary for decades." tila isang ginto na matagal nang nawala ang libro, hindi makapaniwala na sa wakas ay nasa kanyang mga kamay ang diary ni Emillia. Ang diary na syang susi sa katotohanang nangyare ilang dekada na ang nakalipas. Sa oras na mai-publiko ang laman ng diary, tiyak na guguho ang mundo ng mga Argaze.

"Now what are we gonna do about about that, grandma?"

Dahan-dahang humakbang si Isabella patungo sa fireplace at biglang itong itinapon sa loob. Nagulat ng kaunti ang dalaga sa ginawa ng kanyang lola. "There. I finally eradicate the existence of that book." ngiting tagumpay ng matanda habang unti-unting nilalamon ng apoy ang makapal na takip ng libro.

"Tiffany my sweet grandchild, I think it's time for you to know about everything. What exactly happened almost 40 years ago." Ang kakaibang titig at ngisi ng matanda ay nagbigay ng kakaibang takot sa kanyang sistema.

Just how much does she really know her family?

Nagpatuloy sa paghakbang si Isabella patungo sa pintuan, "You need to follow me, Tiff. There is something that I want to show you." seryosong tugon nito habang nakatalikod sa kanya.

Parang tuta naman na sumunod ang dalaga sa likod niya. Sabay silang naglakad patungo sa kabilang pasilyo. Kasabay ng paglabas nila ay paglitaw ni Yana galing sa katabing silid. Bagama't hindi niya narinig ang pinag-uusapan ng dalaga, may kutob siyang may tinatago ito mula sa kanila.

Out of curiosity, pumasok siya sa loob ng opisina ni Isabella. As she scan her eyes around the room, it seems like there was nothing to pique her interest. Not until, her sight halted at the fireplace near where what seems like a thick book burning against the blazing flames.

She took a step closer, confirm ngang libro iyon. Dali-dali niyang pinulot ang isang mahabang stick na syang ginamit niyang pangkuha sa nasusunog na libro. Gamit ang panyo, maingat na binuklat niya ang bawat pahina na umuusok pa. Halos kalahati nito ay sunog ngunit may iilang parte pa naman ang maaari pang basahin thanks to its thick cover.

Gayun na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang pangalan na nakaukit sa pangalawang pahina ng libro.

"This is it! I found it!" impit siyang tumili at sinusubukang hindi makalikha ng kakaibang ingay.

"I know she's planning to annihilate the book. Idadamay pa niya si Tiffany sa plano niya. Don't worry, dadating ang araw na malalaman din ito ng lahat. Maghintay ka lang."

* * * * *

"Ma, when are you planning to go back?"

Isabella scoffs underneath her hat, "You're already sick of seeing me?" 

Tinanggal ni Diana ang sunglasses niya at napalunok ng wala sa oras. "T-that's not what I meant mother. I am simply just asking." napatingin na lamang siya sa kumikintab na swimming pool.

"I'll go back to Spain when it's the right time to go." tipid na sagot ng kanyang ina, hindi nag-abalang ilihis ang paningin sa binabasang magazine.

Napagdesisyunan niyang pumasok sa loob. Hindi na kakaiba sa kanya ang ugali ng ina, simula bata ay malamig na talaga ang pakikitungo nito sa mga anak. Nung minsang nasagasaan siya sa espanya at isinugod sa hospital, walang bakas ng pagkabahala ang makikita sa mukha ng nanay niya katulad din noong nawalan ng malay ang kapatid niyang si Antonio matapos mahulog sa tree house nila. Kahit sa araw ng kanyang kasal at pagsilang ng kanyang mga anak, hindi niya pa nakitang umiyak ang ina. 

Tila scripted ang mga emosyon nito.

"Yana?" Dumiretso siya sa kusina ngunit wala roon ang hinahanap niya.

Kukuha sana siya ng maiinom sa ref nang mapansin ang kakaibang libro sa countertop.

"My goodness Yana." pailing-iling niyang kinuha ang libro, inakalang galing ito sa library at nakalimutan ng dalaga na isauli roon.

Bigla itong nahulog sa sahig dahilan upang bumuklat ito sa gitnang bahagi na kaagad dumako ang paningin niya sa isang napaka pamilyar na pangalan sa ibaba.

"Emillia Argaze?" hindi makapaniwalang bigkas niya sa pangalan.

Umupo muna siya saglit at binasa ang libro.

* * * * *

- To be continued -


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.3M 88.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
132K 2.7K 22
Duke & Izza
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
921K 29.9K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...