Loving the Nation's Idol

By LadyOnTheNextCubicle

1.1M 56.2K 13.2K

"POVERTY IS NOT HINDRANCE TO SUCCESS!" Sigaw ni Islanda bilang panimula niya sa sinalihang barangay beauty pa... More

OLD COVER W/ AUTHOR'S NOTE
Stage 1: The Difference of HE and SHE
Stage 2: Heartstrings
Stage 3: When Their Eyes Finally Meet
Stage 4: The Meeting of Two Tangents
Stage 5: Strangers No More
Stage 6: Two Heads are Better Than One
Stage 7: The Repetition of History
Stage 8: Insecurity or Jealousy?
Stage 9: So Feminine
Stage 10: The Wallflower
Stage 11: The Victor
Stage 12: Both Sides of the Coin
Stage 13: Double Trouble
Stage 14: This kind of SHITuation
Stage 15: Domino Effect
Stage 16: His Personal Silver Lining
Stage 18: Four Letters (First Base)
Stage 19: Magic and Moments
Stage 20: Neverland
Stage 21: ...and the PLOT thickens
Part 22: Connection
Part 23: Of Lips and Touches
Stage 24: An Unusual Earthquake
Stage 25: The Unwavering Truth
Scarlet Letter (Part I)
Scarlet Letter (Part II)
Scarlet Letter (Part III)
Scarlet Letter: Two Crowns
Stage 26: Yearning
Stage 27: Body Talk
Stage 28: Who's In For Bodily Treats?
Stage 29: Sea of Memories
Stage 30: Accepting Fears and Feelings
Stage 31: Four Letter (Second Base)
Stage 32: Heartbeat
Stage 33: Pleasure
Stage 34: Home
Stage 35: The Sudden Twist of Fate
Stage 36: Pandora's Box (Part I)
Stage 37: Pandora's Box (Part II)
Missing Page: Margaret x Elaine (Part I)
Missing Page: Margaret x Elaine (Part II)
Nameless
Stage 38: Borrowed Time
Stage 39: Star-Crossed
Stage 40: The Most Painful Battle
Reputation
WINNING THE MAGNATE'S HEART (#LTNI BOOK 2 COVER)
#WTMH Roll 1: The Princess and The Sunflower
#WTMH Roll 2: Margaret of Scotland & Ireland
#WTMH Roll 3: The Royal Puppet
#WTMH Roll 4: Entanglement
#WTMH Roll 5: Isaiah Clark
#WTMH Roll 6: A Cupid named 'Boyet'
#WTMH Roll 7: Closure
#WTMH Roll 8: He Who Has Her Heart
#WTMH Roll 9: The 'PAWN' versus The 'Queen'
#WTMH Roll 10: Knight
#WTMH Roll 11: Back to Neverland
#WTMH Roll 12: The Queen's Wrath
#WTMH Roll 13: The Final Straw
#WTMH Roll 14: Chasing Her
#WTMH Roll 15: Islanda Mutya
#WTMH Roll 16: Reunion
#WTMH Roll 17: Slow Hands
#WTMH Roll 18: Until It Lasts
#WTMH Roll 19: Revelations
#WTMH Roll 20: Falling Apart
#WTMH Roll 21: Honor & Duty
#WTMH Roll 22: Dreams & Promises
#WTMH Roll 23: The King and The Queen
#WTMH Roll 24: Loyalty
#WTMH Roll 25: Love & Freedom
#WTMH Roll 26: In Loving Memory...
#WTMH Roll 27: Women
#WTMH Roll 28: At Long Last
#WTMH Roll 29: It All Ends Here
#WTMH Roll 30: Blood
#WTMH Roll 31: For The Greater Good
#WTMH Roll 32: The Scott-Miller
#WTMH Roll 33: Only Him
#WTMH Roll 34: Blue & Red
#WTMH Roll 35: The Sunflower and the Zombie
SPECIAL CHAPTER

Stage 17: Beautiful Disaster

13.8K 743 227
By LadyOnTheNextCubicle


Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

> "It's time for you to meet our cousins."

Napaisip pa rin si Liam sa sinabing iyon ng kapatid. He's leaning against his palm with his elbow on the armrest of the director's chair he is sitting as he was being pampered by the staff for his t.v. show guesting. 'There's no wrong meeting them, but why?'

"Liam." Katok ng isang staff na sinilip ang ulo sa loob ng dressing room. "Call time. I need you on the backstage in 10 minutes."

He nods.

.

.

"I cancelled the fan-meeting after this interview since we don't know how your fans will react on your answers today. Kaya kinausap ko na yung Candy Magazine editor-in-chief kanina na kung pwede agahan natin yung meeting para mamayang hapon, itutuloy natin ang damage control meeting natin sa Prima Nova. This time, with Isaac. Pag si Vladimir uli kakausapin natin, baka patayan ang mangyayari." Habang naglalakad sa hallway papuntang backstage, ramdam ni Hailey ang tahimik na aura ng sinusundang idolo. "Liam, you okay?" [A/N: Candy Magazine - Philipines' Top Teen Magazine that features what's hot and not with the millennials today.]

Wearing a black coat and black trousers, Liam's American-feature were intensified as his golden hair and blue-eyes combination shine as lights hit them. "U-Uh.. Y-Yes?" Bumagal ito nang paglakad at nilingon siya.

"You seem pre-occupied. You were briefed earlier naman siguro sa mga possible questions na itatanong ng host?"

"Yeah." Tanging sagot nito. "Well, it didn't bother me at all." Yet his deep sigh says otherwise.

"We still got 5 minutes to dicuss that SIGH, Liam." Huminto siya at hinarap ang alaga. "I don't want you to go to that podium thinking something else. Alalahanin mong turning point mo 'to doon sa kumakalat na viral video."

Hailey, ever since she replaced Isaac's position of being his talent manager, seen his worse and good side on being an idol. She also his keeper of secrets since she just listens and seldoms react to his whines and remarks. He combs his long fingers on his hair. "I'm meeting my cousins anytime this week, Hailey." At di rin lingid alam sa manager niya ang pagiging mailap niya pag ang tunay na pamilya na ang pinag-uusapan.

Natigilan ang babae at napatingala sa kaniya mula sa pag-susulat ng notes sa scheduler na hawak. "C-Cousins?"

"Yeah. From... E-Elijah's side." Ewan ba ni Liam at parang may dumaang pangungulila sa mga mata ni Hailey.

"T-That's nice." She smiles and he sees her eyes go teary. "Y-You'll love them for sure, Liam..."

Nagsalubong ang kilay ni Liam. "You knew them?"

Yumuko at tumikhim. "I-I heard t-they were the kindest people you'll ever meet." When she looks up to him, gone was the soft-side he saw earlier. "You ready?" Naglakad ito at naunang pumasok sa backstage.

Naiwan naman si Liam na nagtatanong ang mga matang nakatingin rito. 'Why is it that everytime I talked about my father's family especially Isaac, she goes emotional?'

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Liam smiles as he was welcomed by the host on a certain morning talk show. All cameras on different angles are on him. As the host was giving an introduction talks, he thought back what Hailey told him at the backstage.

> 'Tell them that the woman on the photo and video is Mildred. We have no choice, Liam. Please, this time, be sensible. Ayoko ring magsinungaling but the blame will surely be placed on you kung di natin pagtakpan iyon.'

He hate denying the fact that he is with special someone that time, but he has no choice. Being an idol has no choice.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

"Nyawww~~" Ungol ni Pea na nakatingin sa t.v. kung saan pinapalabas ang live interview ni Liam.

Napahinto sa pagpaplantsa si Isla at niyuko si Pea. "Alam ko, Pea. Pero wag kang magalit sa tatay mo. Malaking eskandalo kung aakuin niyang iba ang kasama niya sa oras na yun sa Enchanted Kingdom kasi kakabuo lang ng relasyon nila ni Mildred. Peke man pero hindi pa rin magandang tingnan sa mata ng mga tao." Umupo siya sa sofa at tinitigan ang mukha ng lalake sa screen ng t.v.

Liam don't want to lie it but he needs to.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at binasa ang text ni Liam bago ito sumalang sa interview.

📱 Liam: "I don't want to lie, Isla. But I should. It's weird but I'm asking you a permission to deny you. Tell me if you don't want it because I'll gladly tell the world that it's not her."

Napangiti siya. Ang weird nga na hihingi pa ito ng permiso na itangging di siya ang kasama nito. But it somehow made her happy. It goes to show Liam is considering her feelings in all of this fiasco even though he suffers more damage than her.

Yumupyop siya sa ironing board at tinaas ang kamay... na para bang dinama niya ang mukha ng lalake sa screen. 'Oo naman, Isaiah. Kung saan ka masaya at di masasaktan.. suportado ako.'

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

"Anak." Katok ng ina ni Mildred sa kwarto niya. "Millie? Anak?"

"GO AWAY!!!!" Singhal niya. Mugto ang mata niya sa kakaiyak nitong nagdaang araw. Nakasubsob ang mukha ni Mildred sa unan na basa na sa kaniyang mga luha.

"Mildred, anak." Rinig niyang sumamo ng ina niya sa may pintuan. "Kakatapos ko lang manood ng interview ni Liam, sinabi niyang ikaw yung nasa video at mga litrato... at least matatapos na rin ang issue na ito. Lumabas ka na diyan, anak.. Tingnan mo 'oh, inaalagaan pa rin niya ang relasyon niyo----"

"DON'T YOU GET IT, MA!!!" Bumalikwas siya ng bangon at galit na hinarap ang nakasarang pinto ng madilim niyang kwarto. "H-HE ISN'T PROTECTING OUR RELATIONSHIP... OR ME!!!" Hagulhol niya. "HE ISN'T EVEN P-PROTECTING HIS IMAGE... HE'S PROTECTING T-THAT WOMAN!!!! THAT, WOMAN!!!!"

"Please, Mildred. Stop overthinking! Lumabas ka na diyan at kumain ng maayos... di'ba may public appearance ka pa sa isang game show? You should be on your best---"

"PUBLIC APPEARANCE?!!! AND ACT AS IF NOTHING HAPPENED!!!" Mabigat ang damdamin niyang niyakap ang unan. "M-Mahal ko si Liam, M-Ma... B-Bakit ba ang manhid niya?"

Her bedside table has a picture frame of Liam she secretly shot on one of his fan-meeting.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

ONE YEAR AGO

Isang trainee palang si Mildred sa Drama Dept. ng Prima Nova noon nang lumabas siya sa studio at bibili sana ng tubig. She dropped some coins on the vending machine and was about to pull the water bottle out the canister below when it slipped on her hand then rolled away.

Huminto ito sa paanan ng isang lalake na yumuko para kunin iyon at nilahad sa kaniya. "Is this yours?"

Di agad nakasagot si Mildred nang mamukhaan niya ang lalake. Si Liam!!! Si Liam Torres!! The Nation's Idol is standing infront of her, holding out her water bottle!!! Her eyes were wide yet happy.

Liam smiled at pulled out her hand then placed the bottle on her palm. "I assume you're from the Drama Dept.?"

Gulat pa rin siyang tumango. She was literally speechless. He's sweaty from his acting rehearsal as well, she presumed.

"You should drink a lot of water." He winks. Lumapit ito sa vending machine at naghulog rin ng ilang barya para bumili ng sariling tubig rin.

"T-Thanks..." Nahanap na rin niya sa wakas ang boses niya.

"No problem. Here." Nagulat uli siya nang may binigay uli itong water bottle. "Mas mabuti na yung dalawa ang dala mo para di kana pabalik-balik." He started walking away. "Good luck on your rehearsal."

Mildred blushed as she hugged the two water bottles. She can't deny the fluttering feeling on her chest that day.

Since then, Mildred was secretly praying that she'll meet him again on the vending machine but that lead to numerous disappointments after all, Liam is starting his world-tour. But that doesn't stop her from developing a crush on him. She follows him on social media, she quietly took pictures of him if he happens to be on Prima Nova and supported his solid fangroups.

Kaya nung nakita ng management ang talento niya sa pag-arte, sinuhestiyon niya kaagad na may magandang paraan para mas lalo siyang makilala at mamahalin ng masa... ang maging nobya ni Liam. There are lot of ways to market her to the people, but she deserves an award for doing a good job and she can't think of any good reward than having him.

But what she didn't expect was Liam's attention was already onto someone else. Masakit ang di siya nito maalala. Pero mas masakit ang malamang may rason sa likod ng pagtanggi nitong maging sila. Di na sikreto sa buong Prima Nova na may gusto ito kay Avery na noo'y nobya ng kapatid nito pero alam na alam ni Mildred na hindi si Avery ang nakikita niyang rason sa higpit nitong pag-ayaw.

Mahal niya si Liam kaya ganun nalang siya nagpighati sa kumalat na video at litrato sa internet.

How she wished she was the one feeling his hair and the recipient of his smiles.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

PRESENT

Ngayon, dapat bang ikakatuwa niya na piniling ipanatili ni Liam ang relasyon nila? Hindi.

Niyakap ni Mildred ang mga tuhod niya at humagulhol sa pagitan niyon.

Kasi testigo iyon sa pagiging seryoso ni Liam na alagaan at protektahan ang babaeng iyon.

She clutches her bedsheet with contempt. 'There will be no stone left unturned until I know who that girl is. Liam is mine... mine alone.'

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Napahinto sa pagta-type ng message si Liam sa kaniyang phone. Nasa backseat siya ng van at tiningala si Hailey na nakaupo sa front seat katabi ang driver na si Boyet. "You're what?"

"I'm rendering three-days leave." Tumingin si Hailey sa kaniya sa pamamagitan ng rearview mirror. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan papunta sa restaurant kung saan sila mag-me-meeting kasama ang Candy Mag Editor-in-Chief.

"Well, okay lang naman sa akin. But why?"

Nag-iwas ng tingin si Hailey. 'To avoid meeting them accidentally.' "May aasikasuhin lang ako na mga papeles."

"Okay." Niyuko niya uli ang phone. "But who'll replace you temporarily? Boyet?"

Tumawa naman ang driver niya. "Nakooo... mahina ako sa English-an, Sir Liam. Good morning lang alam ko."

'English-an?' Ewan ba't pumasok sa isip ni Liam si Isla. "I think I know someone who could take the job for the meantime."

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

"Aalis ka po?" Tanong ni Isla sa manager ni Liam. Matapos ang meeting ng dalawa sa isang resto, dumaan muna ang mga ito sa pad para makapagbihis si Liam sa dadaluhan nitong party mamayang gabi.

Nasa kusina sila ni Hailey habang nasa sala naman si Liam at bini-bwesit ang natutulog na Pea sa sofa.

Hailey nods as she wipes a strawberry jam on the bread she's holding. "Yeah. Just for three days. May ilalakad lang ako na legal documents kung saan kinakailangan ang personal appearance ko."

"Ohhh.. ganun po ba." Tango niya at nilingon ang schedule ni Liam na naka-magnet sa pintuan ng ref. "Pero busy po si Liam sa buong linggong ito. Paano po yung---"

"Can you handle it?"

Napakurap si Isla at tinuro ang sarili. "A-Ako po? Pansmantalang i-manage si I-Isaiah?" Napalunok siya at sinilip ang lalake sa sala na noo'y tinatapon si Pea sa hangin at sinasalo. Di niya lubos maisip kung anong klaseng trabaho ang meron si Ms. Hailey sa pagiging sikat ni Liam. Given his fame, she might not have time for herself --- Isla guesses Ms. Hailey's job is so tiring due to numerous calls, schedules to arrange and things to prepare for the welfare of the idol. Pero..

Tiningnan niya ang babaeng prenteng kumakain lang ng tinapay sa harapan niya. Walang ni isang buhok ang kumawala sa ponytail nito. Walang eyebags, porselana at makinis pa rin ang balat, tsaka parang mukhang bagong ligo sa preskong amoy nito araw-araw.

...maganda pa rin ito sa kabila ng napaka-hectic ng trabaho nito. Kung siya siguro ang nasa posisyon ni Ms. Hailey, The Walking Dead talaga ang hantungan niya.

Para bang nabasa ni Hailey ang iniisip ni Isla. "Relax, I won't leave you un-armed." She chuckles. "It's just for three days tsaka naka-plantsa na lahat ang mga detalye ng mga schedules ni Liam sa mga araw na iyon. I just want you to ensure his health and security at the events he'll be attending."

"Y-Yun lang po ba?" Sinilip ni Isla ang nilahad na maliit na notebook ni Hailey.

"Yes. Before letting Liam eat anything on the events, dapat may food-tasting muna. Don't let him eat anything with onion since nakakabaho yun ng hininga. May meet-and-great kasi mostly after ng mga commitments niya.. may oras na may-ari o head ng brand na ini-endorse niya."

"Ohhh.." Tango niya. "Tama ka nga po ano?"

"The next day, may pictorial siya... so wag mo siyang pakainin ng kanin or any heavy meals. His body should be in top shape. Wheat and Full grains can bloat a tummy." Hailey continues to discuss Liam's regimen to Isla. "After that, may fan meeting siya. So talk to the head of the security regarding his distance from the fans. Dapat hindi abot ng yakap si Liam. Hawak, pwede." May sinulat si Hailey sa notebook. "His fan-meeting is sponsored by BENCH. So dapat, lahat ng pipirmahan niya na gamit or ano pa man is related to BENCH. Baka magdala ng ibang brands ang mga fans, ensure that as well."

"Also, paubos na ang vitamins niya, so buy these tablets on the pharmacy... Twice a day mo siyang papainumin nito."

Attentive namang nakikinig si Isla.

"And Isla?"

"Po?" Nag-angat siya ng tingin.

"Liam's cousins are coming over anytime this week."

"Mga pinsan?" Napaisip siya. "Wala akong naalala na may sinabi si Mama Lizbeth na---"

"No. His cousins on his father side."

"E-Eh? Mga Miller???"

Malungkot na ngumiti at tumango si Hailey. "Yeah."

"Patay... tiyak mga senyorito at senyorita ang mga iyon---"

"Oh they are not." Tumawa ito. Fondness are in her eyes. "Misconception yun ng mga tao sa kanil dahil lang mga Miller sila. Trust me, they are the most humble people you'll know."

Nagtaka si Isla bakit ganun nalang kung makasagot si Ms. Hailey. Na para bang kilalang-kilala nito ang mga Miller. "A-Ahh..."

"Here..." Nagsimulang nagsulat si Hailey. "The twins will be here, June and July. They are allergic to anything related to milk especially cheese. Dylan, he's a prince so---"

"HUTA!!! PRINSIPE?!!!" Nanlaki ang mata ni Isla. "M-MAY P-PINSAN SI ISAIAH NA PRINSIPE!?! YUNG MAY CORONA?!!!" Nang tumango si Hailey, napailing nalang siya. "Ay nako, Ms. Hailey.. di na talaga ako magugulat kong may pinsan rin siyang criminal."

"Dylan is a prince so.. you need to call him with respect. Just Prince Dylan will do. Also, don't touch him."

"Bakit? Kasalanan ba 'yun sa bansa nila ang hawakan---"

"He's gynephobic. Allergic yun sa babae."

-.- 'Di nga??? May phobia ba na ganun?' "Tapos po?"

"Then there is Santi. Wag ka nalang magugulat kong makita mo siyang half-naked kahit sa publikong lugar. Darating rin si Claudia... last time I knew, she's pregnant so just attend to her needs. Pupunta rin 'ata si Noah, wala ka naman problema sa kaniya di'ba?"

"Kay Doc. Dimples? Ah wala naman..."

"Isaac will be here as well. He might be a little snobbish but he's a good guy."

'May prinsipeng takot sa babae, may isang ring hubadero... tapos isa masungit. 'Eh parang si Doc. Dimples lang ang normal sa kanila 'ah.' "Yung lola po nila, di sasama?"

Natigilan si Hailey. "L-Lola?"

"Nakalimutan kong sabihin kay Isaiah.. pero nung nakaraang araw... may pumunta kasi ritong matandang babae na may kasama bodyguard 'ata niya? Maputi siya at yung mata niya---"

"Blue like Liam's?"

Tumango si Isla. "Opo."

'It's Grandma Cora and Fire...' "Don't mention anything about that to Liam, okay?"

"S-Sige po.. pero.. Ms. Hail?"

"Yeah?"

"Nakita niyo na po ba sila? Ang mga pinsan ni Isaiah? Para kasing kilala mo na sila..."

"Well..." Ngumiti si Hailey. "That's part of my job as his manager. To know everyone who are connected to him." Tumayo ito na parang bang iniiwasang sagutin ang mga karagdagan niyang mga tanong.

.

.

"Hailey told you my regimen?" Liam asked when both women exit the kitchen. Lumabas naman si Hailey sa balcony at may kinausap sa phone.

"Oo." Tumabi siya rito. "Pati na rin sa mga darating mong mga pinsan."

Napalingon si Liam sa katabi. "My cousins?"

"Darating raw sila kaya binigyan niya ako ng mga tips sa mga ugali at mga ayaw nila. May pinsan ka palang prinsipe ano?"

"A Prince?!" Gulat na tanong ni Liam.

"Di mo alam?"

Umiling ito. "No. I've never met any of them yet."

"Ganun ba?"

Pareho silang lumingon sa babaeng nasa balkonahe pa rin. Unang bumawi si Liam. "So you'll be my manager for three days, huh?"

"Parang ganun na nga. Ano pa ba mga bawal sa'yo pagdating sa trabaho mo?"

"Wala naman.. most of the times, Hailey laid out my conditions to the clients before accepting contracts." Then he starts poking Isla's cheeks. "24/7 ang trabaho ko, kaya mo ba, hmm? Hmm?"

Inis na iniwas nito ang mukha. "Ano ba??" Lumabi si Isla. "Kaya ko 'no. Wala akong inaatrasan na hamon sa buhay."

"Good. I promise to be obedient to you as well." He pinches her nose.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Binaba ni Cordelia ang hawak na folder. "Fire."

"Yes, grandma." Sagot nito na nakatayo sa may harapan ng mesa niya.

"Your report is telling me that she is no way connected to them, am I right?"

Tumango si Fire. "Maybe Ms. Macatuto was not related in any way to that family, grandma."

"But red-hairs are their signature genetic features. Not to mention Ms. Macatuto's attitude.." Naalala niya kung paano siya hinarap ng babae nung hinahanap niya si Isaiah. "That's impossible."

"Should I continue investigating her?"

"Nah, drop this case. We almost have everything we want to know about her."

"Then, shall I proceed your meeting with Isaiah?"

"Yes. So that I could bring him back to France with us."

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Kinabukasan, nasa Isla sa drugstore at binili ang vitamins na binilin ni Hailey para kay Liam. Inaasikaso pa ng pharmacist ang binili niya, kaya nag-ikot muna siya sa loob ng drugstore. "Hmm.. kailangan kaya ni Isaiah ng gatas?" Kinuha niya ang isang box ng gatas sa shelf at binasa ang label. "Good source of protein."

"Miss?"

Nilingon niya ang kahera na hawak ang maliit na plastic bag. "Magkano lahat?" Lumapit siya a counter.

"2,551Pesos po."

.

.

Habang naglalakad papalabas, niyuko niya ang supot. 'Tama ba ito?' Kinuha niya ang botelya na naglalaman ng mga tablet sa loob. Dahil pilit niyang binasa ang mga maliliit na sulat, di niya namalayang may nakasulubong pala siyang babae. Nagkabanggaan sila dahilan para mahulog ang hawak niyang botelya at ang ibang naka-display sa shelf na natamaan ng kamay niya.

"Oh my! I am so sorry!" Ani ng babae.

"O-Okay lang po." Pinulot niya ang botelya sa sahig at pinasok sa supot. "Ikaw p-po...." Nawala ang sasabihin niya nang makita ang mukha ng babae. She has this very beautiful face with eyes who seems to be smiling all the time. 'Isang chinita!

"Okay rin naman ako. Sorry ha, may hinahanap kasi akong gatas.. kaya di kita nakita."

'Oo.. ako na maliit. Ako na pandak.' Doon lang namalayan ni Isla na nakasuot pala ito ng kulay pink na maternity dress. Buntis pala ang nabangga niya! Mas lalong siyang nakonsensiya. "Naku! Sorry talaga, Ma'am ha.. Di ako nakatingin sa dinadaanan ko. Tulungan nalang po kitang hanapin iyon. Kakagaling ko rin lang naman sa milk section."

.

.

Matapos nilang bilhin ang pinakamahal na gatas na nakita ni Isla sa tanang buhay niya, nag-presinta na rin siyang bitbitin ang tatlong lata ng gatas na nakapaloob sa isang box. "Ang ganda niyo po, ano?" Puri niya. 'Lord.. sige... pagkatapos ni Ms. Hailey, ni Ms. Avery... idagdag mo pa itong babae sa listahan, sino pa bang magagandang babae ang ipaparada mo sa mata ko?'

"You're pretty too, you know." Huminto sila sa gilid ng kalsada. "I like your red hair."

"Hehehe... oo, buhok lang ang maganda sa akin." Kamot niya sa buhok na di sinuklayan at basta-basta lang pinusod sa tuktok ng ulo niya.

"Of course not, if you know how to dress up... I am sure you are a head-turner." The woman smiled making her eyes disappear.

'Tama na, Lord!! Magaganda na nga sila, mababait pa! None of the above ako...' Natigilan siya nang may huminto na tatlong maitim na sasakyan sa harapan nila. "Huh?"

"Saan punta mo?" Tanong nito sa kaniya.

"Sa Wallich Residences po."

"Doon rin punta ko. Sabay ka nalang sa akin."

"P-Po?" Nilingon niya ang tatlong maitim na sasakyan. "U-Uh.. tig-isa po tayo??"

"HAHAHA! Silly! No, we're taking the middle car. The cars on the front and back are my bodyguards."

"BODYGUARDS---- Sino ka po ba???" 'Ayoko na talaga sa lugar na'to! Mabuti pa kasi sa Brgy. Tagpi... pag doon may nakaaway ka at tatakutin kang ipapatumba ka, makakahanap ka pa ng oras na makatakas. Dito kasi sa lugar ni Isaiah, pag may naka-away ka, segundo lang ang bibilangin mo, bulagta ka na sa estero.' Lumingon siya sa paligid. 'Baka may naka-abang na sniper.'

Tumawa uli ang chinitang babae. "I'm just a nobody." May lumabas na lalakeng nakaitim at may parang may headset sa ulo nito mula sa naunang sasakyan at pinagbuksan sila ng pintuan ng kotse. "Come." Alok uli nito at hinawakan ang kamay niya papasok sa loob.

'Lord... ikaw na po bahala sa mag-ama ko kung di man ako lalabas sa kotseng ito na buhay.'

.

.

Nakahinga ng maluwag si Isla nang pumasok silang dalawa sa elevator ng naturang building. 'Hay salamat, Diyos ko. Hindi pa talaga oras na maulila si Peashooter ng isang ina.' "Saang floor ka po, Ms...." 'Ay di ko pa nga pala alam pangalan niya.'

"Oh, call me Clau. Sa 6th floor ang punta ko."

"Ah! Ako rin." Pinindot niya ang 6th na button sa panel. "Ako nga pala si Isla---" Nagulat siya ng hinawakan ni Clau ang buhok niya.

"I really like your hair. I wish my kid will have this hair color."

"Ay naku po! Wag po. Kung alam mo lang anong kutya ang inabot ko noong kabataan ko sa buhok na'to. Anak daw ako ng tiyanak o tikbalang.. o di kaya'y ampon ako--"

"Then those people don't know how rare it is to have that color." Tumunog ang elevator kaya sabay silang lumabas nang bumukas iyon. Naglakad sila papunta sa destinasyon nila. "Especially yours since you have the combination of red-hair and very healthy fair skin. Are your father or mother from Ireland? Or any country in Europe? Scotland?"

Umiling si Isla. "Ay hindi po. Purong Pinoy po ako." Alanganing ngisi niya. Huminto siya sa harapan ng Pad 1223. "Dito lang po ako, ikaw po? Ihahatid po kita sa pad niyo---"

"Oh! Dito rin ako sa Pad 1223."

Isla blinks few times and read the door's number. 1223. "Po? Pero pad ito ni..."

"Isaiah?" Ngiti nito. "He's my cousin and I'm here to visit him."

> 'Darating rin si Claudia... last time I knew, she's pregnant so just attend to her needs."

Sinuyod ni Isla ang tingin sa babae. Buntis.. maganda.. mayaman. Sinapak niya ang noo. 'Tae! Ito so Claudia Miller!! Ba't di ko agad na-gets iyon!' "Sorry po." Yuko niya.

"So Isla... since you're living here with Isaiah, are you his girlfriend---"

"Ay hindi po! Hindi po!" Namumula niyang tanggi. "Kasambahay lang po ako." Binuksan niya ang pintuan. "P-Pasok ho kayo. Sorry po 'ha.. di ko kasi alam na ngayon pala kayo dadating."

"It's okay." Pumasok naman ito. "We come here without prior notice rin kasi."

"Claudia! You're late!" Sigaw ng isang babae sa sala.

"I'm sorry, I bought a milk on my way here from the airport."

Pumikit si Isla. 'Lord.. ano ba naman ito... ang sakit sa mata. Nasobraan 'ata ng bitamina ang mga mata ko. Di na keri ng powers ko.'

On the sofa, facing the entrance, are four equally handsome guys with different physical features. Di pa siya nakakalapit pero ramdam na niya ang pinagsasamang epekto ng mga kagwapuhan nito. If she's not mistaken, the man drinking coffee is Prince Dylan. Beside him, a man with his shirt fully-open and revealing some kind of tattoo on his chest is Santi who is currently petting Peashotter. Then there's Isaac who is talking to someone on the phone, adjusting the tie on his neck and Noah who is teasing the girls sitting infront of them.

Sensing her presence following behind Claudia, napalingon ang mga ito sa kaniya. Pati na rin ang dalawang kambal na sina June at July.

Yumuko si Isla para mag-iwas ng tingin.

.

.

"A red-head.." Santino nudges Dylan's arm. "Look." Nguso nito sa direksyon ng babae.

Dylan is already staring at Isla. "Yeah. Who is she?"

Hearing the conversation of his two male cousins, Noah stands up and wraps his arm around Isla's shoulder. "Guys, meet Isla. She's Isaiah's assistant."

"Ohhhh..." Sabay na saad ng kambal. "Can we touch your hair?"

"It's authentic." Umupo si Claudia sa single settee. "A rare combination right? Her fair skin and red hair.."

"Come. Sit down." June pats the sofa.

Alanganin siyang ngumiti at umupo. 'Tae! Saan ka Isaiah!! Ba't ako ang naiipit rito!!'

"Isaiah will be here anytime. He was just stuck in a traffic." Imporma naman ni Isaac.

Santi teases Dylan. "Hey Prince, say hi to her."

Halatang nainis naman ang prinsipe. "Shut up."

"Oh come on, it's a common courtesy saying hi to a guest." Nilahad ni Santi ang palad kay Isla. "Hi, I'm Santino Uji. You can call me 'yours'."

'Ay aba.. parang si Nicolo lang 'ah.' "Hello po.."

"Guest?" Ulit ni Dylan at nilingon ang katabi. "We're the guest here, Santi. Guests can choose whether to greet someone or not---"

"Ah okay lang." Singit ni Isla. "Alam ko pong allergic ka sa babae."

.

.

Natahimik ang lahat. Unti-unti namang namula si Dylan.

Santino's laugh broke the ice. "HAHAHAHAHAHHA!!! Damn girl, I'm starting to like you!" He raises his hand for a high-five which a grinning Isla taps her open hands to.

Noah nods. "I know right."

Natahimik sila nang narinig nilang bumukas at sumara ang pintuan.

Then Liam enters the scene with a water bottle on hand. All eyes on him. "H-Hey.."

"Oh shit.." July rubs her arms. "I'm having goosebumps all over me."

"Me too.." June seconded as she's staring at the man walking towards them. "It's like looking at Uncle Elijah's younger self."

"Fuck me." Napailing nalang si Santi. "Noah, you didn't told me he is exactly like Uncle Eli. The photos you sent us didn't give justice to his mirror image to Uncle's."

"Best seen personally." Kibit-balikat ni Noah. "Tagal mo 'ah."

"Because you didn't tell me in advance." Liam scans his living room.

Tumayo si Isaac. "Now that we are all here. Isla, can you leave us for a moment?"

"Opo.." Tumango naman si Isla at nag-excuse sa kambal. Bago siya tuluyang makaalis, nakita niya ang pag-a-alinglangan sa mukha ni Liam. Awtomatikong huminto siya at tumayo sa tabi nito. "No, I'm staying."

Nagulat si Liam sa narinig na tono ng boses ni Isla. "Isla?"

Huminga ng malalim si Isla. Nanginginig na hinawakan niya ang braso ni Liam. "M-Manager niya a-ako at d-dapat kong malaman a-ang mga-mga bagay-bagay tungkol s-sa kaniya." The presence of Liam's cousins are overwhelming the room and it makes her nervous talking back to them.

Isaac cocks his head sidewards. "This is a family matter, Isla---"

"This is my place, Isaac." Liam turns to his brother. "I call the shots who stays or leaves."

Claudia turns to the twins and with small voice, she notices. "And Isaiah doesn't just inherit Uncle Elijah physically."

Liam turns to Isla. "Hey... I'm fine."

Tumago si Isla sa likod ni Liam. "S-Sure ka? Para ka kasing kinakabahan. Gusto mo ng resbak?"

"Resbak?" Napatawa si Liam. "Eh ikaw nga tong parang takot."

"K-Kasi naman... grabe ang dating ng mga pinsan mo. Nakaka-intimidate!"

"I'm just nervous okay? Who won't? It's my first time meeting them."

"O-Oh sige.." Tumango siya at tinawag si Peashooter na halatang nagustuhan ang kandungan ni Santino. 'Traydor talaga ang pusang 'to!'

Lumapit si Noah sa kanilang dalawa. "Kira's on the animal shelter. Iniwan ko muna siya doon ngayon kasi absent ang taga-bantay niya. While Liam's here, you can play with Kira and Pea."

Kinagat ni Isla ang ibabang labi at tiningala si Liam. "Isaiah..."

Liam senses her worries. He pinches her cheek. "I'll be fine."

.

.

Pinaglilipat ni Claudia ang tingin kay Liam at Isla. Napangiti siya.

June turns to her. "Who is she again?"

"She's Isla. His assistant and manager rolled into one?" She answers.

"But why am I feeling there's more to them?"

"Oh, she just bring out the real him. Don't we all, Miller, need one?" Claudia smiles as she leans on the sofa. "Someone who could take us on our best and worse parts? Lucky for him, he already found her. Isaiah Clark Miller found that someone."

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

"Pea!! Wag mo nga ngat-ngatin ang buntot ni Kira!" Hinila ni Isla papalayo ang puso na pilit kinakagat ang mabalahibong buntot ng aso ni Noah. "Pag si Kira magalit, isang kain lang niya sa maliit mong ulo."

Nasa bench siya sa isang parke at binabantayan ang dalawang hayop pero di pa rin niya maiwasang mag-alala kay Liam. Natauhan siya ng makarinig uli ng iyak ni Kira. Kagat uli ni Pea ang buntot nito. "PEASHOOTER!!! ANO BA!!"

.

.

Hinihingal na napasalapak sa damuhan si Isla. Kanina pa kasi niya hinahabol si Kira. Talo siya sa tulin ng takbo ng aso. "Kira!" Tawag niya rito na noo'y hinahabol naman si Pea. "Wag kayong lumayo!!!"

Then a towel covers her head. Tiningala niya ang naglagay niyon. "I-Isaiah." Tumayo siya. "K-Kamusta?"

He smiles. "It went well. We're just exchanging stories and getting to know each other."

"Sure?" Sinundan niya ito ng tingin na lumapit kay Pea at Kira. "Ba't para kang----"

"I have a photoshoot at 2PM, you coming with me?" He stop her midway then turns to her while petting Kira's head.

"Oo naman.. siyempre. M-Manager mo kaya ako." Ngiti niya.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Habang binibiyahe nila highway papuntang sa venue ng photoshoot ng GQ Magazine, inaalala pa rin ni Liam ang pag-uusap nila ng mga pinsan niya kanina.

[A/N: GQ Magazine is an international monthly men's magazine. The publication focuses on fashion, style, and culture for men, though articles on food, movies, fitness, sex, music, travel, sports, technology, and books are also featured]

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

HOURS AGO

"We're not here to protect you, Isaiah." Diretsong sabi ni Santi matapos nilahad ni Isaac ang rason bakit biglaan ang pagpunta ng mga ito sa Pilipinas. "No one can protect someone from Grandma Cora. We're just here to warn you what she's capable of."

"And how you can protect your loved ones away from her influence." Si June na halatang nag-aalala sa kaniya.

"What Grandma Cora wants, she gets." Segunda ni Dylan.

"Take Dylan for example.." Panimula ni Santi. "Dylan is currently pressured to find a fine woman from some kingdom to be his wife. June and July here were forced to leave their school just because they were be-friending a poor farmers' children. Since then, home-schooled na sila. Clau was forced to marry a Korean businessman.. luckily she ended up loving him."

Puno ng pagmamahal na ngumiti si Claudia sabay himas sa nakaumbok na tiyan. "And now expecting our first baby."

Liam smiles at her. "Congratulations."

"Noah..." Patuloy ni Santi. "..even though a sick kid back then, didn't escape her. Wanting to be a public doctor to help less fortunate people, Grandma Cora objected it and found his dream to be a big joke. Again, forced to take up med school at Europe. Ended up being a doctor of very wealthy people. Isaac and.. the late Elaine, somehow escaped Grandma Cora since Aunt Charlotte used her own Smith influence to protect them from her."

"We still have another cousin." Singit ni July. "Finnian Reed."

"Fire." Dugtong ni Santi. "Fire is what we call.. the perfect robot Grandma Cora made. We don't know the whole story... but when Fire choses love over family, an accident happened and it killed his fiancée. We don't know what happened after but we were shocked to see Fire back again... worst, he became a puppet of the old woman he detest the most."

"And you?" Liam meets Santi's gaze.

"Oh cousin..." He grins. "I was supposed to get married three months ago. Until my soon-to-be-wife left me in the altar in exchange for 500 Billions... all thanks to that witch." Anger passes through his sharp eyes.

"That started his mission of trying to kill himself." Si Dylan na kumuha ng cookie sa hinandang pagkain sa center table.

Santino shrugs his shoulder. "What's my purpose in this life anyway?"

Halata nga ni Liam ang mga sugat nito sa mukha na parang galing sa pagbabasagan-ulo. "You're telling me I should watch my back?"

Umiling si Isaac. "No, Isaiah. Not you... but the people you love around you."

"What do you mean?"

"Grandma Cora attacks the people around you to waver your firm will on rejecting her. She's good in bargaining... at sa oras na iyon, kung ano mang pipiliin mo, titiyakin niyang siya pa rin ang panalo sa huli."

"Isaiah." June holds his hand. "You're the only one who's never been influenced by her. I wish you won't suffer just like us."

Noah nods. "We're here for you, Isaiah. Pero lahat ng desisyon ay nasa sa iyo pa rin. We can't escape from her. The curse of being a Miller I guess."

"Funny." Liam looks outside the window. He starts to feel like a hand is wringing 'round neck. "So my life... basically is not on my hands right now. Prima Nova is controlling my love life and my biological grandmother is starting her move on controlling my decisions. Great." He sarcastically laughs. "How fucked up can this become?"

"You ain't seen shit yet." Santi raises the glass of juice as if asking or a toast then drinks the liquid in three gulps.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

PRESENT

"Isaiah! Uy!" Wagayway ni Isla sa palad niya sa harap ng mukha ng lalake.

Natauhan naman si Liam at nilingon ang paligid. Nasa venue na pala sila.

"Okay ka lang?" Tanong ni Isla.

"Y-yeah."

"Heto 'oh." Lahad ni Isla ng water bottle at isang tableta. "Vitamins mo. Baka makalimutan mong inumin mamaya."

"T-Thanks." Kinuha niya iyon. Bago niya ipasok sa bibig ang tablet, napatingin siya sa kulay niyon. 'Hmm? Kulay green ba yung vitamins ko?' Alala niya. 'It was yellow.. oh well..' Nagkibit nalang siya at ininom iyon.

.

.

Nakaupo na sa loob ng dressing room si Liam at nakikinig sa head photographer sa theme ng photoshoot. Nakita naman niyang busy si Isla na nakikipag-usap sa mga staff doon. Napangiti siya. So far, Isla's been a good manager.

He turns to look at aircon. "Excuse me, pwede bang paki-adjust ng lamig sa aircon, mainit kasi."

Nagtataka ang mga staff na andun. May isang sumagot. "Pinakalamig na ho yan, Sir Liam."

"Really?" He breathes deeply. 'Why am I feeling hot all of a sudden?' He can feel beads of sweat trickling inside his clothes. He pulls his shirt's collar to emphasize the change of his body temperature. May nararamdaman siyang kakaiba sa katawan niya.

One staff called him. "Sir Liam, the clothes are in the fitting room. Okay na po bang i-fit ninyo ang mga iyon baka sakaling may kailangan i-adjust."

"Oh sure." He wipes his forehead. 'Okay... why am I sweating?' Pumasok siya sa fitting room. Lumipas ang ilang minuto, malakas na sumigaw si Liam sa loob. "ISLANDAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!"

Halos napatalon ang mga tao sa loob ng dressing room at lumingon kay Isla na noo'y nagtataka ring nakatingin sa fitting room. "O-Oh bakit? Andito ako."

Namumula ang mukha ni Liam nang nilabas nito ang ulo sa fitting room. "YOU!!!!"

"Anong ako?" Nagsalubong ang kilay niya.

"EVERYONE, OUT!!" Galit na utos ni Liam sa mga staff. "OUT!! EXCEPT YOU!!" Galit itong nakatingin sa kaniya.

"Anong ginawa ko?" Nang makaalis ang lahat ng mga taong andun, nilapitan niya ang fitting room. "Bakit ba?"

"Anong... pinainom... mo... sa akin..." Puno ng pagkakasuklam ang mga kataga nito.

"Huh? Vitamins mo? Bakit?" Kinuha niya ang vitamins sa backpack na suot niya. "Heto oh---" Nabitin ang paglahad niya sa botelya nang makitang ibang kulay na ang label na nakadikit rito. "Huh? Hindi ito..." Naalala niya na basta lang siyang pumulot ng botelya sa sahig nung nagkabanggaan sila ni Claudia kanina sa drugstore. May mga botelyang nahulog rin pala nung napatukod siya sa kalapit na shelf. Binasa niya ang label. "Male Enhancer----" Unting-unting nanlaki ang mata niya at dahan-dahan niyuko ang pagitan sa hita ni Liam. "OW... SHIT!!! B-BA'T ANG LAKI NG UMBOK NG PANTS MO!!!!!???? LUMAKI BA TITI MO---"

"I'M GOING TO KILL YOU, ISLA!!!!" Halong galit at hiya na sumigaw ang namumulang si Liam.

.

.

Hinihingal na pumasok si Noah sa dressing room matapos tumawag si Isla sa kaniya na may emergency daw na nangyari kay Liam.

Naabutan niyang nakaluhod si Isla sa harap sofa na hinihigaan ni Liam na para bang nagdadasal. "Sorry, Isaiah!!! Sorry talaga!!! Sorry!!! Sorry!!" Paulit-ulit nitong sambit.

Nakahiga naman si Liam sa sofa at may nakatakip na unan sa ibabang bahagi ng katawan nito. May nakatakip ring unan sa mukha nito.

"Hey." Tawag niya sa dalawa. "What's wrong?"

Mangiyak-ngiyak na lumingon si Isla kay Noah. "Doc. Dimples..."

.

.

Noah reads the label on the bottle. "You've accidentally given Isaiah a male enhancer tablet. In short, binigyan mo siya ng Viagra." [A/N: Viagra - is a common medication used to treat erectile dysfunction and enhance sexual performance. Sa tagalog, pinapatigas nito ang t*t* para magtagal sa kama.]

Isla bit her lower lips and nods.

Noah tried not to laugh. "Isaiah, m-maliit lang naman ang dosage. One or two hours, the effect w-will.. ehem.. subside."

"Don't fucking laugh, Noah." Inis pa rin si Liam na nakaupo sa sofa at nakatingin sa ibang direksyon. May unan pa ring nakatakip sa pagitan ng mga hita nito.

"I'm not." Taas ni Noah sa dalawang kamay. Nilingon niya si Isla. "Next time, read the label properly. Mabuti at ito lang ang nabigay mo, paano pag ibang gamot ang nabigay mo na malubha pa ang side effects.

Tumango si Isla na nakayuko. "Sorry."

"Isang araw palang nawala si Hailey... ano nalang mangyayari sa akin sa susunod na araw?" Himutok ni Liam.

"Sorry na nga!!" Padyak ni Isla. "Di na talaga mauulit!"

"The bad thing is.." Umupo si Noah sa mesa. "The swelling of his part will decrease but his hunger remains longer."

"Hunger?" Pinaglilipat ni Isla ang tingin sa dalawa. "Anong hunger? Magugutom ba siya?"

"Noah's referring to me being horny, Isla." Inis itong tumingin sa kaniya.

"Ibig mong sabihin... magtatagal ang kalibugan mo?!!?"

Noah smiles apologetically. "Yeah... though I've heard his photoshoot is for GQ Mag, makakatulong yun since may ka-pares siyang babae. Who knows, maganda ang expression ng mukha mo sa camera." At dun na tumawa si Noah. "Pfft!!" Binato ni Liam ito ng unan.

.

.

Nakatayo si Isla at Noah sa likurang bahagi ng set habang kinukuhanan ng litrato ang lalake kasama ang isang napaka-sexy na babae. Nanlumo pa rin si Isla sa nangyari. Di talaga niya itong sinasadya.

Noah nudges her arm. "Cheer up."

Lumabi siya. "Mabuti nalang at hindi nagalit ang mga staff nung pinaghintay natin sila ng dalawan oras para humupa yung 'ano' ni Isaiah."

"Nah, some of them might be pissed off. Pero wala silang magagawa, Isaiah is their model and they need to give into his demands for them to have him on the cover of their magazine."

"Sorry, Doc. Dimples 'ah."

He crumples Isla's hair. "As a friend, it's okay. But as a doctor, that is a really a sin. Don't do that.. ever.. again."

Tumango siya.

"Though it's funny. Wait till Isaac hears this. Kahit madalang lang iyon ngumingiti, matatawa talaga iyon pag sinabi ko ang nangyari."

"Oy wag!! Magagalit talaga ng husto si Isaiah sa akin." Sumamo niya.

"Liam, I need you to insert your hand on the lace of her bra as if attempting to pull it down." Direkta ng head photographer.

Napalingon silang dalawa sa set. Nakasuot ng business skirt ang babae pero naka-bra lang sa pang-itaas habang naka-suot naman ng puting shirt si Liam na nakabukas lahat ng butones sa harapan. Liam follows the instruction.

"That's it." Puri ng photographer na nakatingin sa maliit na screen kung saan makikita ang preview ng mga litrato. "Nice expression you got on your face, Liam."

"See?" Lingon ni Noah kay Isla. "May maganda ring nangyari sa little mishap mo."

"Now, Allison. I want you to grab Liam by his neck, pull him towards you and kiss him. Okay?"

"Woah!" Natakpan ni Isla ang bibig sa hawak na notebook. "Hahalikan niya?"

"Yeah." Tango ni Noah. "Part of his job."

Napanganga nalang si Isla ng yumuko si Liam nang hinila ito ng babae at mainit na hinalikan ito. Tumaas ang balahibo ng katawan niya. "Hoooo!!! Parang ako 'yata ang nakainom ng male enhancer."

.

.

On the set, Liam pulls his head away after the brief kiss. He stares at the woman he's hugging. But in a short moment, he saw Isla's face looking up to her. Her lips wet from his kiss, her red hair disheveled as if tangled by their intense... lovemaking.

"We've got the perfect shot!" Sigaw ng photographer.

Liam blinks and Isla's face vanishes from the model's face. Nilingon niya si Isla na noo'y kausap si Noah sa may likuran. He grabs the towel, warps it around him then walks towards the two while the set is being prepared for the next theme. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan niya dahil sa nainom na gamot.

.

.

"Ano kaya feeling pag hinalikan ka ano?" Tanong ni Isla matapos ang unang set ng photoshoot ni Liam.

Lumingon si Noah sa kaniya. "You've never been kissed?"

Nilingon niya ang doctor at umiling. "Di pa?"

"You can have it anytime if you want to."

Humagikhik siya. "Ang weird naman kung hahablot lang ako ng tao tapos hahalikan ko para lang magka-first kiss ako."

"I can give you your first kiss."

"Huh-----" Di na nakapalag si Isla nang yukuin siya ni Noah.... at sa harap pa mismo nang papalapit na si Liam.

.

.

"May langgam sa leeg mo." Noah pulls a small ant on her neck.

Nanginig sa kaba si Isla at namumulang yumuko. 'Putek! Napaasa ako dun 'ah!!'

Noah turns to Liam. "Oh, tapos na photoshoot mo?"

Liam shakes his head. "Di pa. First set palang yun. Gusto kong matulog." He yawns.

"Isa rin yan sa side effects ng ininom mo. You'll feel tired after since your energy, being active because of the medicine, will slow down."

He then turns to Isla. "Ba't ka namumula? Uminom ka rin ng enhancer 'no?"

-.- "Gusto mo uminom ulit? Sabihin mo lang." 'Ey.. kinabahan talaga ako dun.' Pasimple niyang tiningnan si Noah. Ngumiti ito sa kaniya. 'Tuso rin ang isang ito.'

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Hininto ni Boyet ang van sa basement. Nilingon ni Isla si Liam sa backseat. "Isaiah.. andito na tayo." Nakapikit ito at halatang mahimbing na nakatulog. 'Katakot pala epekto nung gamit ano?' Binalingan niya si Boyet. "Pakidala nalang ng mga gamit sa taas. Gigisingin ko lang siya." Bumaba siya sa front-seat at umakyat papasok sa backseat. "Isaiah..." Tawag niya rito. "Andito na tayo.. 'oy."

Nakita niyang bitbit ni Boyet ang mga bag papasok sa elevator.

Niyugyog niya balikat nito. "Isaiah... gising na."

Umungol ito.

"Gising na... andito na tayo."

Liam opens his eyes groggily. "W-What?"

"Sabi ko... andito na tayo." Ulit niya. "Kaya tumayo ka na diyan at sa taas mo nalang ipagpatuloy ang pahinga mo---"

Nagulat siya nang biglang inabot ni Liam ang pintuan. Sliding it close, they were left alone inside the van. "I-Isaiah?"

"Isla..."

"A-Ano--- O-OY!! OY!" Binuhat siya at pinaupo sa kandungan nito. "Oy, I-Isaiah.."

Liam pulls the band off her head, making her hair fall down. He feels her lips with his thumbs. And just like that, with their position, Isla's looking down on him, enchanted by his blue-eyes. "Isla..." The way her name sounds on his lips is too sexy and erotic.

Pinilig ni Isla ang ulo. "Isaiah, epekto lang 'to ng---"

Then Liam pulls her head down, touching his lips on her ears. "I'm still hot, Isla. What are you going to do about it?"

  [STAGE 18 PREVIEW:]  

Liam turns to Noah. "You like Isla?"

"Who won't... I'm also planning on asking her to be my date on the party. You're going with Mildred right?"

"Too bad." Hinarap niya si Noah. "I already asked Isla first."

  A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐   

Continue Reading

You'll Also Like

235K 5.8K 33
Will those fourteen days be enough or never enough? | ©2014 - Cover made through CANVA
5.8K 133 33
[SEASON ONE] Patay na patay ka ba sa crush mo? Ikaw ba 'yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para lang mapansin ka niya? Kung si Pempem ang tatan...
3.2K 53 1
Chloe Gabrielle is a self-assured woman who has never been convinced by love. In her opinion, love can only result in suffering, so she stays away fr...
992K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.