[Laureen's POV]
"Pssst!"
Napatingin kaming dalawa ni Luigi sa kabilang table.
Si JAKE!
Kasama nya sina Hannah at Stef.
Kababalik lang namin mula sa pagsasayaw.
Nakatingin si Jake sa akin. Ngumiti sya.
Kinabahan ako pero ngumiti na lang din ako sa kanya.
Tumango si Jake sa akin ng isang beses, pagkatapos ay kay Luigi naman sya tumingin at tumango.
"It's ok....", sabi ni Luigi. Kaya bumalik ang tingin ko sa mukha ni Luigi, "You don't need to worry about Jake".
"Talaga?"
"Yes", sabi ni Luigi sa akin.
Niyaya nina Hannah at Stef si Jake. Kaya tumayo silang tatlo at nag-join sa table namin.
"Dalawa-dalawa ah", pabirong sabi ni Luigi kay Jake. Nag-bungguan sila ng kamao.
"Substitute boyfriend daw muna nya ako sabi ni Stef", sabi ni Jake.
"Hi Laureen", sabay na bati sa akin ni Stef at Hannah.
Ngumiti ako.
"Nakakainis naman si Migs, namimiss ko tuloy si Mike", sabi ni Stef.
"LDR sila ng boyfriend nya", sabi ni Luigi sa akin.
"Basta, ako walang namimiss", sabi ni Hannah.
"Kaka-break lang", bulong sa akin ni Luigi.
"Anong binubulong-bulong mo dyan Luigi?", sabi ni Hannah.
"Wala", sabi ni Luigi.
"Oo na, ako na ang loveless!", sabi ni Hannah.
Napangiti ako ulit.
"Laureen, san kayo nagkakilala ni Luigi?", sabi ni Hannah. Naka-smile sya.
"Oo nga Laureen, pano kayo nagkakilala? Tsaka, sigurado ka na ba dyan kay Luigi?", sabi ni Stef.
"Hannah! Stef!", saway ni Luigi sa kanila.
"Tinatanong lang naman eh!", sabi ni Hannah, "Sungit!", sabi nya pa.
"Pwede ba.... wala munang interrogation ngayon, masama ang pakiramdam ni Laureen", sabi ni Luigi sa kanila. Pagkatapos ay humarap sa akin si Luigi at hinawakan ang kamay ko, "Hindi ka na ba nahihilo?", tanong nya sa akin.
"Konti", sabi ko. Tapos humawak ako sa may gilid ng noo ko.
O ha! Echos! Gumaganon na ako.
"Gusto mo na umuwi?", tanong ni Luigi sa akin.
"Mamaya na Laureen!", sabi ni Hannah, "Hindi ka na namin kukulitin, sige. Kaya dito ka na muna"
"Oo nga Laureen, mamaya ka na umuwi. Ha? Pahinga ka lang dyan", sabi ni Stef.
"Basta, wag nyo na muna kukulitin si Laureen ha", sabi ni Luigi sa kanila.
"Nagkakasiyahan ah!", si Migs lumapit sa amin, kasama nya na si Bianca.
"Hi Gi!", sabi ni Bianca kay Luigi.
"Biancs!", lumapit si Luigi sa kanya at bumeso, "Congrats and Goodluck", sabi ni Luigi.
"Gago", sabi ni Migs kay Luigi, tinulak nya ng mahina si Luigi.
Nakita kong ngumuso sa direction ko si Bianca.
"Si Laureen", sabi ni Luigi sabay hawak sa likod ko.
"Hello! Congratulations pala", sabi ko kay Biancs.
"Thank you. Nice to meet you Laureen", sabi sa akin ng nakangiti ni Biancs.
"Nice to meet you too", sabi ko, ngumiti din ako sa kanya.
"Jake, bigla kang nawala! Kanina hinahanap kita eh", sabi ni Migs.
"Phone call", sabi ni Jake sa kanya.
"Migs!", dumating si April sa kumpulan namin, dala-dala nya si Xavier sa isang braso.
"Pril!", sabi ni Migs sa kanya, "Hello Xavieer!", pinisil ni Migs ang pisngi ni Xavier.
Pinungayan lang ng mata ni Xavier si Migs. Pagkatapos ay naghikab si Xavier at nag-kusot ng mga mata nya.
Cute naman ni Xavier.
Pinisil ulit ni Migs ang pisngi ni Xavier, "Suplado ah!", sabi nya.
"Antok na eh", sabi ni April kay Migs, pagkatapos ay hinaplos nya ang likod ni Xavier, "Una na kami ha. Biancs, congrats sa inyo ha", sabi pa ni April kay Bianca.
"Thanks April", sabi ni Bianca, tapos bumeso sya kay April.
"Pero restroom muna ako, Migs, pa-karga muna kay Xave", sabi ni April.
"O, akin na", sabi ni Migs.
"Thanks! Ayy! Wag na pala ikaw, magugusot ang suot mo, madami ka pang bisita, si Luigi na lang", sabi ni April.
"Ok sige. Akin na si Xavier", sabi ni Luigi. Tumayo sya sa upuan at kinuha nya si Xavier mula kay April.
"Eto yung milk nya ha pag biglang nag-topak", sabi ni April kay Migs. May inabot syang isang maliit na bag.
"Nagtotopak pa din ang Xavier namin pag inaantok?", malambing na sabi ni Luigi kay Xavier.
"Oo, parang ikaw lang Gi, topakin", sabi ni April sa kanya.
"Haha. Hindi ah! Mabait ako", sabi ni Luigi.
"O teka, mabilis lang ako", sabi ni Aprail. Ngumiti sya sa akin.
"Sama na ako", sabi ni Bianca kay April.
Sabay silang umalis papuntang restroom.
Tumayo si Hannah at Stef sa upuan nila, "Xave, antok ka na?", sabi ni Hannah sa bata. Tinutusok ni Hannah ng daliri nya ang pisngi ni Xavier, si Stef naman nilalaro ang kamay ni Xavier.
"Ang big boy namin sleepy na?", malambing na sabi ni Luigi kay Xavier.
Tumayo ako sa upuan ko at tinignan lang silang dalawa.
Antok na antok na si Xavier, pero nagsisimula na itong sumimangot.
"Mom-my....", sabi ni Xavier.
"Wait lang baby ha, restroom lang si Mommy, babalik din agad yun, ok?", sabi ni Migs kay Xavier.
"....de-de....", sabi ni Xavier, nagsimula na syang umiyak.
"Dede daw", sabi ni Luigi kay Migs, "Wait baby, wag na mag-cry ha, kinukuha na ni Tito Migs ang dede mo", sabi ni Luigi kay Xavier.
Nilabas ni Migs ang bote ng gatas ni Xavier na merong nakalagay na tubig, "O, baket water lang 'to?", sabi ni Migs.
"Eh? Oo nga noh!", nakakunot noong sabi ni Luigi.
"Sabi ni April, ito yung milk ni Xavier", bulong ni Migs.
Narinig naming umiyak na si Xavier ng tuluyan. Sinusubukan syang laruin ni Hannah at Stef.
"Wag na cry Xave", sabi ni Hannah.
"Hala! Walang dede dito Xave eh. Water lang", sabi ni Migs.
Mas lalong umiyak si Xavier sa sinabi ni Migs.
"Akin na", sabi ko kay Migs. Kinuha ko sa kanya ang bote ng gatas na mayroong tubig. Pagkatapos ay binuksan ko ang maliit na bag na binigay ni April kay Migs.
Hinanap ko ang milk powder dispenser/container sa loob ng bag. Binuksan ko iyon, wala ng laman ang first two na layers ng dispenser.
Ang lakas naman dumede ni Xavier.
"Aaah, ganon pala yon", sabi ni Migs habang nakatingin sa ginagawa ko.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Wait lang baby", inaamo ni Luigi si Xavier. Tuloy pa din kasi si Xavier sa pag-iyak.
Binuksan ko ang pangatlo at hinalo ang laman noon sa bote na may tubig. Pagkatapos ay inalug-alog ko ang bote.
"Here na baby o", sabi ko kay Xavier, "Stop crying na", nilambing ko si Xavier para tumahan na sya sa pag-iyak.
"Tita Wo-reen. Huhuhu. Away Tito Wi-ji, Tito Migshh", sabi ni Xavier sa akin, pagkatapos ay nilapit ni Xavier sa akin ang mga kamay nya.
Napatingin lang ako kay Luigi at Migs.
"Xave, baka mahirapan si Tita Laureen sayo. Mabigat ka na", sabi ni Luigi kay Xavier.
"Tita Wo-wo-reen.... Huhuhu", sabi pa din ni Xavier.
Ngumiti ako kay Luigi. Inabot ko sa kanya ang bote ng gatas na tinimpla ko. Kinuha naman yung ni Luigi sa akin.
"Halika Xavier....", sabi ko kay Xavier at kinuha ko sya mula kay Luigi, agad na sumama sa akin si Xavier.
Inayos ko ang pwesto nya sa mga braso ko, pinahiga ko sya.
Tama si Luigi, medyo mabigat nga sya. Yay!
Napa-kagat ako sa lower lip ko.
"Mabigat?", tanong ni Luigi sa akin.
"Ok lang", sabi ko, ngumiti ako sa kanya, "Akin na yang milk nya", kinuha ko sa kanya ang bote ng gatas. Pagkatapos ay nilagay ko na sa bibig ni Xavier. Medyo nahirapan ako.
Antok na antok na talaga si Xavier. Kaya siguro nag-totopak na.
"Ako na hahawak dyan", sabi ni Luigi, hinawakan nya ang bote ng gatas ni Xavier.
"Thank you", sabi ko sa kanya, ngumiti ako ulit.
"Buti na lang andito si Tita Laureen, Xave-Xave!", sabi ni Hannah, "Di ako marunong nyan eh. Hehe"
"Ako din. Hehe", sabi ni Stef.
Tumingin sa akin si Luigi ,"Thank you Tita Laureen", sabi nya sa akin at nginitian ako.
"Eto naman, yun lang eh", sabi ko. Ngumiti din ako sa kanya pabalik.
*Flash*
Napatingin kaming dalawa ni Luigi sa nag-flash na ilaw sa direction ni Migs.
Nakangiti sa amin si Migs at hawak nya ang isang iphone.
"Cute", sabi nya habang nakatingin sya sa screen ng iphone, "Tignan nyo"
Pinakita nya kay Jake, Hannah at Stef ang screen.
"Yiheeeee!", sabi ni Hannah.
"Ano yan? Patingin", sabi ni Luigi sa kanila. Aalis na sana sya, kaso, hindi sya nakaalis kasi lalong humigpit ang pagdede ni Xavier sa bote nya. Naka-pikit na si Xavier.
"Baka magising si Xavier, pag naramdaman nyang nawala yung dede nya", sabi ko kay Luigi.
"Oh! Ok", sabi ni Luigi sa akin, "Laki na ni Xave dumedede pa", sabi sa akin ni Luigi, ngumiti ulit sya.
"Hihihihihihi", sabi ni Stef na nakatingin pa din sa screen ng iphone.
Nagpipigil naman ng ngiti si Jake, "Stef, baka maihi ka dyan ah", sabi ni Jake kay Stef.
"O", sabi ni Migs. Hinarap nya sa aming dalawa ni Luigi ang screen ng iphone.
Isang photo. Ako karga si Xavier sa mga braso ko, at si Luigi na nasa tabi ko na hawak-hawak ang bote ng gatas ni Xavier. Parehas kaming hindi nakatingin sa camera pero naka-smile kami sa isa't-isa sa picture.
"Cute nyo diba?", sabi ni Migs, ngumiti sya sa aming dalawa ni Luigi.
Natawa si Luigi ng mahina at napa-iling.
Ngumiti na lang din ako. Pero nahiya ako ng konti.
Pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Luigi, napangiti kami sa isa't-isa.
"O, bakit si Laureen na ang pinagbuhat nyo kay Xavier?", dumating na si April ulit kasama nya si Bianca, "Nakakahiya naman sayo Laureen, akin na si Xavier"
"Ok lang", sabi ko, "Umiiyak kasi eh", kinuha na sa akin ni April si Xavier.
"Salamat Laureen ha. Kayong dalawa talaga!", sabi ni April kay Migs at Luigi.
"Kay Tita Laureen nya gusto magpa-karga eh", sabi ni Luigi.
"Oo nga. Tsaka sabi mo may milk sya, wala naman palang naka-ready", sabi ni Migs kay April.
"Ay sino nag-timpla?", sabi ni April.
"Si Tita Laureen", sabi ni Luigi sa kanya.
"Naku! Tita Laureen, nakakahiya naman sayo. Thank you talaga ha", sabi sa akin ni April.
"Wala yon", sabi ko kay April.
"Natutuwa sya sayo. Alam mo ba kanina he was telling me na he asked Tito Luigi daw kung magpapakasal na din daw kayong dalawa gaya ni Tito Migs at Tita Bianca. And Tito Luigi daw said not yet pa daw. Ang kulit! Ang kulit ni Xavier noh? Ang daldal na talaga", sabi ni April na natatawa.
"Hehehe. Oo nga ang kulit ni Xavier", sabi ko.
Pati pala sa batang paslit na kamag-anak ni Luigi, hindi din ako nakaligtas.
"Naku Luigi, ma-swerte ka dito kay Tita Laureen, marunong ng mag-alaga ng bata", pabirong sabi pa ni April.
"Ikaw talaga Pril", natatawang sabi ni Luigi.
"O sige una na kami ha", lumapit sa akin si April at bumeso sa pisngi ko, "Thank you ulit Laureen"
Ngumiti ako kay April, at kumiss ako sa noo ni Xavier, "Bye, baby". Tulog na talaga si Xavier.
Nagpaalam si April sa lahat, pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Xavier.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
;) Part 1 lang 'to.
Pero may Part 2 na din. Hiniwalay ko lang.
Happy birthday LovelyRainHeart :)
;)