Yesterday's Dream [Completed]

By _mysterose

17.1K 2K 195

LOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's... More

DREAM
PROLOGUE
DREAM#1
DREAM#2
DREAM#3
DREAM#4
DREAM#5
DREAM#6
DREAM#7
DREAM#8
DREAM#9
DREAM#10
DREAM#11
DREAM#12
DREAM#13
DREAM#14
DREAM#15
DREAM#16
DREAM#17
DREAM#18
DREAM#20
DREAM#21
DREAM#22
DREAM#23
DREAM#24
DREAM#25
DREAM#26
DREAM#27
DREAM#28
FINALE

DREAM#19

348 33 0
By _mysterose

"When the strings that connects the two people tangled, Cupid will surely untangled it to make everything fine again. For them to hold each other's hand once more  and not to let go on another." - Author

"Kompleto na ba lahat? Wala ka ng may nakalimutan?" kaagad akong umiling bilang sagot kay Charm. Ngayon kasi ang araw na pupunta kami ni Sherson sa Secret Paradise. Isa sa mga pag-aari nilang tourist spots which is a beach and I'm so excited to be there. First time ko kasing makapunta dun. Hindi naman kasi basta-basta makakapunta dun kung walang laman yung wallet mo. Swerte ko lang kasi ako yung kukuha ng picture at magfefeature ng place na yun. 

"Hindi halatang excited ka ha. Alam ba to ng kuya mo?" biglang tanong sakin ni Jinny na kaagad na siniko ni Charm sa tagiliran niya kaya napadaing. Speaking of my two kuyas, may pamilya na si kuya Loki. Si kuya Cebi naman nagtatrabaho. Rumaraket sa kung saan-saan pero kahit ganun ay matino din naman ang trabaho niya. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng trabaho talaga kasi paiba-iba. Isinukbit ko ang backback kong naglalaman lang naman ng tubig, biscuit, panyo, gadgets at wallet ko. Nasa loob kasi ng maleta ang iba ko pang mga gamit. Pero syempre konti lang ang dinala ko. No need na naman kasi ang maraming dala kasi hindi naman kami magtatagal dun.

"Actually, hindi. Pero nakapagpaalam na ako kina nanay at tatay." sagot ko kay Jinny at hinila ana ang maliit na maleta ko. Sumunod naman sila sakin palabas ng condo ni Charm. 

"Will you be okay there?" napangiti na lamang ako saka sila hinarap. Ngumiti ako kay Jinny na ngayon ay hindi matago ang pag-aalala sakin.

"I'll be fine, Jinny. Ako pa ba?" sagot ko sa kanya pero bumuntong hininga lang siya.

"I trust you but not your heart." kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Si Charm na mismo ang pumindot ng elevator para sumara. 

"Call me if something happen there and don't forget, you're there for work. Not to work things out." seryosong saad niya dahilan na maguluhan ako. Akmang magtatanong pa sana ako nang biglang bumukas ang elevator at siya na mismo ang humila ng maleta ko. Naiwan kami ni Charm na nakasunod lang ng tingin sa likuran ni Jinny. Nilingon ko Charm na kaagad ding natapingin sakin. She smiled  and tap my shoulder.

"Don't mind her. Her mind is out of the world again so payo ko na lang sundin mo. Find your missing piece on that place and come back with answers to all your unanswered questions." paalala niya sakin na mas lalo kong ikinalito. 

Buong byahe kong inisip ang mga salitang binitawan sakin nina Jinny at Charm. They're acting weird again. Ganun sila kapag may mga bagay na gusto nilang ako lang makatuklas. They want me to figure out and answer my questions alone. Kaya minsan nagtatampo ako sa kanila kasi pakiramdam ko ay binibigyan lang nila ako ng clue tungkol sa mga bagay na nakalimutan ko. They can just spill it out kung gusto nilang maalala ko pero hindi eh. Napabuntong hininga na lamang ako. 

"May problema ba?" kaagad akong napalingon kay Sherson na sa ngayon ay nagmamaneho at dahan-dahang umiling. Sa rearmirror lang nagtatagpo ang mga mata namin dahil sa dito ako umupo sa backseat. Ayoko kasing umupo sa passenger seat. Hindi dahil sa maarte ako, nag-iingat lang.

"Wala." sagot ko sa kanya at muling tumingin sa labas. Napangiti ako nang bumukas ang bintana at napapikit na lamang ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na humaplos sa mukha ko.

"Then what are you thinking?" muli akong napamulat dahil sa tanong niya. Muli kong sinalubong ang mga tingin niya sa rearmirror at bumuntong hininga. This is one of the thing I really don't understand about me when I'm with him. Yung feeling na komportable na ako kapag kausap siya. Na kung minsan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magkwento. Katulad na lamang ngayon.

"My friends are giving me a signal again." sagot ko sa kanya at nagkibit-balikat. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Signal? For what?"

"Hmm. Let's just say na para din yun sakin. A signal where I can slowly collect some of my missing piece." sagot ko at ngumiti. Hindi na siya muli pang nagtanong pero halatang may iniisip siya ng malalim. Nakaramdam na naman tuloy ako ng pangangati ng katawan na para bang gusto ko siyang bulabugin at inisin. Hay, bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito kakulit pero pag nandyan na si Sherson ay kating-kati akong guluhin siya. Malala na talaga ako.

"Are you bored?" biglang tanong niya. Kaagad naman akong umiling.

"Then why are you pouting?" napakurap ako dahil sa sinabi niya. Dyahe. Am I pouting? Ba't di ko napansin?

"Don't worry, we're almost there." napaayos ako ng upo ng marinig ko ang sinabi niya. Kaagad akong napatingin sa labas ng bintana at hindi ko mapigilang humanga sa nakikita ko. Padabong ng padabong na ang mga punong nadadaanan namin. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko sa excitement ng matanaw ang malaking gate na kulay itim. Mas lalo akong humanga ng nakapasok na kami sa gate at dumiretso sa napakalapad na parking area. All of the cars that were parked shouts luxury. Talagang mayayaman lang ang makakaafford na magpunta dito.

Nagulat ako ng may biglang tumigil na motor sa mismong harapan namin paglabas namin ng kotse. Hindi ko mapigilang mapasipol dahil sa ang gara ng motor ni kuyang guard. Pero bakit dalawa ang helmet na dala niya?

"Good morning po sir Sherson. Eto na po yung motor niyo." napa-oh na lang ako sa tabi. Nyemas! Akala ko kay manong guard ang motor na yun, kay Sherson pala. Ngumiti si Sherson kay manong guard at kinuha ang susi pati ang dalawang helmet. Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay dahil sa disenyo ng isang helmet. Ako lang ba ang nakakapansin na mahilig sa Stitch itong lalaking to? Yun kasi, ang disenyo ng isang helmet, samantalang ang isa ay kulay black na parehong-pareho sa disenyo ng motor niyang may pagkatribal.

"Salamat po, manong Robert." magalang na sabi nito.

"Ay oo nga po pala sir. Nandoon na po si Sir Sean sa resort kaninang 8 pa po."

"Sige po, manong. Salamat po ulit. Pakidala na lang po ng mga gamit namin sa room. Babalik din po kami mamaya." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kaagad akong lumapit kay Sherson nang makaalis na si manong Robert at kinunutan siya ng noo.

"What?" tanong pa niya sakin.

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba itutour mo ako sa resort niyo?" nagtatakang tanong ko. Mas lalo akong naguluhan ng tinawanan lang niya ako. Hindi pa nakuntento at pinitik ang noo ko dahilan na mapasigaw ako ng sobrang lakas at umatras palayo sa kanya na ikinagulat niya.

"H-hey. I-I'm sorry. Masakit ba?" nag-aalala niyang tanong sakin. Dahan-dahan naman akong umiling at ngumiti sa kanya na nauwi lang sa ngiwi habang hinihimas ang noo kong pinitik niya. Hindi naman talaga ganun kasakit yung pagpitik niya. Nagulat lang ako at biglang kinabahan ng maramdaman ang kirot nun. Minsan na kasi akong nahimatay nung hinampas lang ako ni Charm ng unan sa ulo ko. Hindi din yun ganun kalakas pero hinimatay talaga ako. Siguro dahil sa impact noong naaksidente ako. Kaya palagi na akong nag-iingat na huwag mabunggo o masaktan ang ulo ko.

"I'm okay. Just don't do that again. Bawal ang mga brutal moves. Lalo na dito." I joked at tinuro ang ulo ko. Akala ko ay ngingiti na siya pero nanatili lang siyang nakatitig sakin. At hayan na naman ang lungkot at guilt sa mga mata niya. Kaagad akong lumapit sa kanya at pumitik sa harapan niya kaya napakurap siya.

"I said I'm fine sir. No need to worry." sabi ko sa kanya. Kaagad siyang umiwas ng tingin sakin at lumunok. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya dahilan na nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.

"She." I called him and I saw him gulped again bago ako muling nilingon. Maingat niyang ipinasuot sakin ang helmet na may disenyong stitch habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Bawat galaw niya ay ramdam ko ang ingat niya na para bang sobrang fragile ng ulo na dapat protektahan. And his eyes, there is sadness on it as if he's blaming himself for something that is making him miserable until now.

Nagtaka ako ng bigla-bigla na lamang niya hinubad ang jacket niya at ipinasuot yun sakin. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung para saan ang jacket niyang yun pero nginitian lang niya ako at sumakay na sa motor niya.

"Hop in." utos niya sakin na ikinangiwi ko habang nakatingin sa dulo ng jacket niya kung saan hindi kita ang mga kamay ko at napatingin sa labas ng parking lot. Hindi, naman ganun kainit ang panahon pero bakit kailangan kong magsuot nito?

Seriously? Anong kalokohan to? Sa huli ay umangkas na rin ako.

"Your hands."

"Ha?" naguguluhang tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap na lamang dahil sa biglaang paghila niya ng dulo ng jacket na suot ko at dinala yun sa bandang tiyan niya at itinali yun dun. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa ginawa niya. Damn! What eff is this?!

"B-b-bakit ganito?" hindi ko mapigilang itanong.

"Just to make sure that you won't fall." simpleng sagot lang niya sakin at pinaanadar na ang motor niya. Kaagad na nag-init ang pisngi ko dahil sa sobrang dikit ko sa kanya. And I'm really sure na ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso ko!

"K-kaya ko namang kumapit sayo eh!" nauutal kong sigaw sa kanya para marinig niya ako.

"I know. But I'm just making sure that you won't fall."

"I won't! I trust you!"

"But I don't trust myself."

"Ano?!" sigaw ko sa kanya dahil sa hindi ko narinig ang huling sinabi niya.

"Nothing! Just enjoy the view!" sagot lang niya sakin kaya hindi ko maiwasang mapasimangot pero maya-maya ay napangiti na lang din ng mapansin ko ang mga punong madadaanan namin. There's a white flowers blooming on it and some are pink or violet. I'm not sure, minsan kasi tatanga-tanga ako at hindi ko madifferentiate ang kulay pink sa violet. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa likuran niya at hinigpitan ang pagyakap sa kanya habang nakatingin sa mga punong nadadaanan namin.

Gusto ko sanang saluhin ang ibang mga bulaklak na nahuhulog sa tuwing hahangin pero hindi ko magawa dahil sa nakatali ang jacket na suot ko. Kaya nakontento na lang akong tignan yun at iniimagine na kasing bango ng mga bulaklak na yun ang lalaking niyayakap ko ngayon.

Makakaulit pa kaya ako ng moment na 'to? O patikim lang to sakin ng tadhana? Natatakot ako. Natatakot na pagkatapos ng trabaho kong 'to pati ang moment na to ay matatapos na rin. Yun bang wala ng karugtog ang kilig at saya na nararamdaman ko ngayon. Parang ayoko. Ayoko pang matapos ang oras na katulad nito. Ang oras na kasama ko siya. Pero may mga bagay talagang hindi nagtatagal.

Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko ng huminto na kami at ikinalas na ni Sherson ang pagkakatali ng jacket niya. Kaagad naman akong bumaba at inilibot ang tingin ko sa paligid. Akmang aalisin ko, na sana ang helmet na suot ko ng may marinig akong pamilyar na boses na ikinatigil ko.

"Babe!" kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun at napakurap na lamang ng biglang may umamba ng yakap kay Sherson na babae. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil sa nakasubsob ito sa dibdib ni Sherson pero nakaramdam ako ng masama habang nakatingin sa babaeng nakasuot ng backless na floral dress at kay Sherson na halatang nagulat sa ginawa ng babae.

"Lessy! What are you doing here?" sa hindi malamang dahilan ay kaagad na tumaas ang kilay ko ng marinig ang pangalang binanggit ni Sherson. Lalo na nung kumalas sa yakap at lumayo ito sa kanya at tuluyan ko ng makita ang pagmumukha ng babaeng nagngangalang Lessy.

"I miss you babe. That's why I am here." paglalambig pa nito na mas lalong ininainis ko. Hindi ko alam pero naririndi, ako sa boses ng babaeng to. Parang gusto ko siyang ilampaso.

"You have a guest?" napaismid na lamang ako dahil sa sinabi nito at yumuko para makita ang lock ng helmet na suot ko. Mukhang wala naman kasing plano itong si Sherson na tulungan ako eh.

Naramdaman kong lumapit ito sakin kaya hindi ko mapigilang mapairap. I can sense plastic and I definitely hate plastics!

"Hi. I'm Lessy de Villa. Sherson's GIRLFRIEND." pakilala niya sakin. Halatang minamarkahan na talaga niya si Sherson. Tch. Nakahinga ako ng maluwag ng maunlock ko na ang suot ko helmet. Kaagad ko yung inalis sa ulo ko kasabay ng pagtaas ko ng tingin sa babaeng GIRLFRIEND daw ni Sherson at nginitian siya ng katulad ng ngiti niya sakin. Ngiting plastic!

"I'm Mari Padernal of SkyLife. Sherson's..." napatigil ako sa pagsasalita. Teka, ano ba ang susunod kong sasabihin? Hindi ko alam! Napatingin ako sa direksyon ni Sherson na sa ngayon ay mukhang naghihintay din kung ano ang idudugtong ko. Napakamot na lamang ako ng sentido ko. Wala talaga akong maisip eh.

"Wala. Yun lang." parang tanga kong dugtong at muling napatingin kay Lessy. Napakurap ako nang biglang nagbago ang reaksyon niya. Gone her plastic smile.

"You b*tch!" Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napalayo sa kanya ng akmang hihilahin niya ang buhok ko.

"Lessy!" sigaw sa kanya ni Sherson. Nagulat ako ng inilang hakbang niya ang pagitan namin at muli na naman sanang hihilahin ang buhok ko pero kaagad siyang napigilan ni Sherson. Sa sobrang atras ko ay natisod ako sa sarili ko ding paa at napaupo sa semento. Mabilis namang binitawan ni Sherson si Lessy at kaagad akong dinaluhan ng makita niya ang nangyari.

"Sh*t, Mari. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sakin na para bang hindi alam kung saan ako hahawakan. Ako namang si tanga, napa-ha na lang sa tanong niya. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap na para bang pinoprotektahan ako ng muli na namang sumugod si Lessy na nagwawala.

"You witch!"

"Damn it, Lessy! Stop it!" galit na sigaw ni Sherson dito habang pilit na sinasalag ang mga hampas ni Lessy na dapat sana ay sakin. Ako naman ay napasiksik na lamang sa kanya habang gulong-gulo sa nangyayari.

Damn! I never expected this kind of welcome in Secret Paradise!

Continue Reading

You'll Also Like

218K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
15.3K 343 36
Title: Dreaming Too High (ES #2) Genre: Romance Description: Everyone of us has a goal in life, Financially stable, peace of mind, love life and mos...
14.6K 614 26
I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always want to be free. But then I met you, the...
121K 3.7K 50
"Matagal na akong sa iyo pero nasa iba ang atensyon mo." -Venice (COMPLETED)