Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

73

2.7K 38 0
By septemberoyal

BEA



"Kaya pala kating kati akong pumunta dito kase andito ka na naman." sabe ko sabay akbay sa babaeng ito. "Aminin mo nga...." saka tinitigan ang kaakbay ko ngayon habang naka upo kame ngayon sa sofa. "Na miss mo ko 'no? yieee....." panunukso ko pa sa kanya.




"Pano kung sabihin ko sayo na "oo"? Namiss agad kita....Namimiss ko na yung dating tayo?" balik neto sa kin.





Yung kaninang pagkakangisi ko at panunukso ko sa kanya ay unti unting napalitan ng pagseryosong tingin sa kanya. Mataman kame ngayong magkatitigan, hinahalukay ko sa kanyang mga mata kung totoo at seryoso ba yung mga sinabe nyang yun.




"Yun oh!"




"Kaya naman pala...."




"Oh, ano bea? Sagutin mo yun." banat ni cel. "Wag kaseng magbiro kung di naman kayang sagutin, hahahha....."




Sabay kameng napabitiw sa pagkakatitigan namen at napatingin kame kay maki at sa mga kasamahan namen ngayon dito sa unit nya.





Hindi ako pumasok ngayon. Wala lang, gusto ko lang. Imbes na kase tumuloy ako sa first class ko for today, eh naisipan kong puntahan na lang si maki at dito tumambay. Wala akong gana.... Okay, tinatamad akong pumasok.





Tas nasaktong pagpunta ko nga dito eh makikita ko yung hindi ko inaasahang makita ulit. Si janna padilla. Oo, after 4 months eh nagbalik bayan na naman ang babaeng ito. A-attend lang pala sya ng kasal ng auntie nya sa bulacan. Bale one week din syang andito sa pinas. Kahapon lang sya dumating dito at nakikipisan muna sya sa unit ni maki for 2 days bago pumunta dun sa mga kamag anak nya sa bulacan.





"Baka naman magsipagbalik na yung dapat MAGSIPAGBALIK." maintriga netong banat sa ming dalawa ni janna. "Ay naku, bet ko yun!"





Umugong ang kantyawan ng tropa, alam kase ng lahat yung naging "relationship" namen dati nung highschool hangggang nung ng senior high kame. Kaya ang lalakas na mangantyaw saming dalawa.





"Ewan ko sayo." ako at inalis na yung pagkaka akbay ko sa kanya.





"Kakanta na ba ako ng 'if ever youre in my arms again, this time i love you much betterrrr.....' " sabat naman ni cel na pakanta pa.






"Balikan na yan! Balikan na yan! Balikan na yan!" pasimuno naman ni tina. Na nagsipagsunuran ang mga loko.





"Ewan ko sa inyo!" natatawa kong sabe.




Kumuha ako sa bowl ng mga popcorns at pinagbabato sa kanilang lahat. Mga loko eh. Pero sige parin ang banat sa min ni janna, ito namang babaeng ito ay panay lang ang tawa, di man ako tulungan sa pagpapatigil sa mga tukso sa min.





Matapos ang ilang minutong tuksuhan ay salamat namang napagod na ang mga ito kaya nag focus na lang ang lahat sa pinanonood namen. Pagkatapos manood ay nagkayayaan naman kameng uminom. Sumige ang lahat kaya nagsipagbabaan sila para bumili ng iinumin namen at syempre ng pulutan.




At tulad ng dati nauto na naman nila ako. Ako na naman ang naglabas ng pera para sa mga walwalerang yun. Ano pa bang bago dun? Hahaha...





"Tingnan mo nga yun. Mga walasak, naguunahan pang bumili ng alak eh." naiiling kong sabe habang nakatingin pa rin dun sa pintong pinaglabasan ng tatlo.






"Tama ka." sang ayon ni janna. "Lam mo naman, pag narinig na nila yung magic word na "libre" ay mag uunahan talaga ang mga yun."






"Hindi na nagbago."




Nagkatinginan kame dahil sabay pa nameng nasabe yun. Maya maya eh nagkatawanan ulit kame. Kame lang kase yung naiwan ngayon dito dahil pati si maki ay nakipag unahan na rin sa mga pasaway na yun. Naging mabilis ang kilos ng mga yun nung sabihin kong libre ko na ang inom kaya lalong naexcite, halatang sabik sa alak ang mga babaeng yun. Walang pake kahit maaga pa para mag inuman, hala sige lang. Hahahaha....😂😂😂








Chinarge ko muna yung phone ko, malapit ng madeadbatt eh. Hindi ko naman nadala yung charger ko kaya hihiramin ko muna yung kay maki, sa kakahanap ko ay nakarating pa ko sa room nya na nagkataong andun din yung hinahanap ko kaya dun na rin ako nagcharge.




Nang mai-charge ko yung phone ko ay hinanap ko si janna, na nasa kusina naman pala. Hinuhugasan yung mga pinagkainan namen kaninang lunch. Nagvolunteer akong tulungan sya. Si janna ang taga sabon, ako naman ang tagabanlaw.




Natutuwa ako kase na master ko na talaga tong position ko sa paghuhugas ng pinagkainan. Nangingiti nga ko eh.




"Lam mo? Natutuwa ako sayo." basag ni janna sa katahimikan namen.




Inosente ko syang nilingon sandali tas muling nagpatuloy sa ginagawa ko. "Bago yan ah. Anong banat mo?" natatawa kong sabe na nakafocus sa pagbabanlaw ko.




"Anong banat? Totoo po kayang natutuwa ako sayo." si janna na busy ding nagsasabon sa mga pinggan. "Andame mo na talagang alam gawin, bei. Hindi ka na puro asa ngayon."




"Grabe ah." ako.




"Totoo naman eh." si janna. "Tamad ka kaya.....lage kang nakahilata pagkatapos kumain. Always ka na lang gumagawa ng alibi para di ka mautusan at ang mas malala pa tutulog mo pa para makatakas ka."




"Dati yun no, di na ngayon." nakangiti kong sabe.




Pagkatapos nyang magsabon ay lumipat naman sya sa kabilang side ko, kumuha sya ng pranela para punasan naman nya yung mga nabanlawan ko. "Mukhang maganda talaga yung pagtira mo dun sa dorm nyo no? Yung pagiging tamad mo nawala---wait. Nawala nga ba? ahahahaha......"




"Grabe ka talaga! Durog na durog na ko sa ginawa mo ah!" napahinto ako sa ginagawa ko kase natatawa talaga ako. "Ganon ba ako katamad dati?"




Kunyare pang nagisip ang babaeng ito. "Parang.....ganon na nga."




Tawang tawa naman si janna, ako naman ay napailing na lang habang natawa rin. Naging matahimik muli kame ni janna tanging maririnig lang ay yung mga kalansing ng mga hawak namen na naguumpugang pinggan minsan habang pinagtutulungan na namen ngayong punasan isa isa.




"Musta na ang buhay?" si janna muli.




Tumingin ako sa kanya na busy sa kakapunas ng mga baso. Nagpatuloy rin ako sa ginagawa ko.




"Im okay." simpleng sagot ko.




Wala akong narinig na sa kanya kaya kala ko dun na mahihinto muli ang paguusap namen pero nagkamali ako. Isang tanong na nakapagpatigil sa kin sa ginagawa ko at talagang nakapagpaisip sa kin.




"S-si....Jho?....Musta na kayo?"




Kamusta na nga ba kame ni jho? Sa totoo lang hindi ko alam eh.....HINDI KO NA ALAM.









*Flashback*

( 2 weeks later )





"Deans....k-kala ko....Kasama mo si momski mo ngayon?" takang tanong ko kay deanna.




Nagmamadali na ko kaya patakbo na ang ginagawa ko ngayon para lang maka abot dun sa first class ko. Terror pa naman yung prof ko dun at ayaw nya yung nalelate, papalabasin ka lang pag late ka.




Yung nga lang dahil sa kakatakbo ko papasok dun sa building kung san may klase ako eh nakabungguan ko pa sina ria at deanna. As in literal na nakabunggguan.




Agad kong napansin si deanna na nasa likuran lang ni ria at busy sa phone neto. Ang buong akala ko eh magkasama sila ng momski nya, ni jhoana.




"Ha?" Inosente nya akong tiningnan at parang nagulat pa dun sa tinanong ko.




"Kala ko ba sasamahan mo si jhoana sa bookstore?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Magpapasama daw sya sayo, yun ang sabe nya kanina."




Naabutan ko sya kanina na nakabihis na sya, dun ko lang nalaman na aalis daw sya ngayon. Papunta daw sya sa bookstore ngayon, may bibilhin daw kase sya. Nakapublished na kase yung book na matagal ng hinihintay ni jho, sabe ko nga na sa sunday na lang nya bilhin para masamahan ko naman sya pero tumanggi sya. Limited lang kase yung pinublished kaya dapat daw eh magkaroon sya nun. Na alala ko may mga collection sya ng mga librong sinulat ng author na yun.




Medyo nakakatampo lang kase kay ponggay ko lang nalaman na paalis sya. Lately, nasosobrahan na yung hindi nya pag paalam sa kin. Medyo dumadalas na eh, hindi ko naman malaman kung san sya nagpupunta at ayoko rin namang malaman pa. Tas ngayon.....pati si deanna sinangkalan na nya. Tsk.




"Ako?" si deanna at tinuro ang sarili. "Wala naman sinasabe si momski sa kin eh."




"Hala sya!" sabat ni ria. "Eh pano yun may pasok kaya kame so pano nya masasamahan si ate jhowjhow?"




May pasok si deanna ngayon?! Napapasigaw yung utak ko sa nalaman kong to.




Bigla akong kinutuban at hindi maganda yung kutob kong to. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa dalawang yun kahit narinig ko pa nga ang pagtawag nila sa kin. Hindi ko na yun inintindi pa, isa lang ang masa isipan ko ngayon.....Si jhoana.




Hindi ko na pinasukan pa yung subject kong yun tutal super late na rin naman ako saka hindi na rin ako papapasukin pa ng prof kong yun. Agad kong pinaharurot ang kotse ko kung san si jhoana ngayon. Sinabe naman nya kung san syang mall na pupunta kaya madali na sa kin.




Habang nasa byahe ako ay di ako mapakale, lumilipad ang isipan ko at ewan ko ba pero yung kutob ko ay kinakain ako ngayon at hindi ko yun gusto, hindi ko rin maintindihan pero nagdarasal ako na yung kutob at namumuong hinala ko ay hindi mangyare.




Pagpasok ko sa mall eh agad akong nagpunta sa bookstore, naglibot libot ako dun. Hindi naman ganon karame yung taong andito kaya madali kong makikita si jho pero nakailang pasada na ko sa pagikot dito, eh wala akong nakitang jhoana. Napakunot noo ako ng di ko sya makita.




( Baka naman hindi naman sya talaga nagpunta dito.....Baka lang naman ....✌ )





Bigla kong naisip yung book na gustong bilhin ni jho kaya hinanap ko yun na hindi naman ako nahirapan. Napakunot noo ako ng makalapit ako dun, ang sabe nya sa kin eh limited lang yung in-issue kaya nagkakaubusan pero ano to? Sobrang dame namang copies ang meron ngayon dito? Gusto kong maliwanagan kaya ng may palapit na staff ng bookstore sa gawi ko ay naharang at napagtanungan ko ito.




Para akong nabingi dun sa sinagot nya sa kin. Ayokong isipin na nagsinungaling na naman sa kin si jhoana. Ang sabe kase nung napagtanungan ko na hindi naman daw nagi-issue yung publisher ng limited dahil alam naman daw nilang marameng mambabasa yung writer. Totoong nagkaubusan yung librong to last week pero dahil sa sobrang indemand ng book na to eh nag republished ulit sila. Kadedeliver lang neto kaya marame daw silang issue ngayon.




Lumabas ako ng bookstore na medyo lutang, tumambay muna ako sa labas kase sa totoo lang hindi ko na rin naman alam kung san ko sya ngayon hahagilapin. Naisipan kong tawagan sya kaya mabilis kong kinuha yung phone ko at dinayal yung number nya, pero ringing lang yun. Inulit ko pa ng inulit pero hindi nya talaga sinasagot. Napatingin ako sa relo at malapit na yung time ng next subject ko kaya kahit napipilitan ay babalik na lang ako sa ateneo, later ko na lang sya kakausapin, sabay naman kameng magla lunch later.




Naglalakad na ko palabas ng mall ng mapadaan ako sa mga magakakasunod na hilera ng mga fastfood chains, hindi ko naman gawi na pagtitingnan yung mga taong nasa loob nun pero ngayon kusang napapatingin ako dun. Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan mabuti yung babaeng nakaupo ngayon malapit sa salamin ng isang pizza parlor. Magisa lang sya at busy sa phone nya, hindi ako magkakamali kahit pa nga nakasideview at medyo nakatungo sya ngayon eh alam kong si jhoana ito.




Nagpasya akong lapitan sya para sana gulatin sya, nakapasok na nga ako sa loob ng pizza parlor at ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ng mapahinto na naman ako.




Mula dito sa kinatatayuan ay kitang kita ko kung pano syang nag angat ng tingin ng may tumigil sa harapan nya tas maya maya ay binigyan nya ito ng isang matamis na ngiti. Isang morenong lalake na abot tenga ang pagkakangiti sa kanya na may hawak ng tray na inorder nya na obviously ay para sa kanilang dalawa tas umupo ito sa harapan nya.




Bakas sa kanila yung kasiyahan habang nagsasalo sa pagkain. Nagkukwentuhan pa nga eh. Hindi ko maiwasang di masaktan dun sa tanawing yun, si jho na napakasarap ang mga ngitian habang kaharap at kausap ang lalakeng yun at ang isa naman ay abot tenga ang ngitian habang titig na titig sa kanya.




Nanginginig ako at nanlalambot ang mga tuhod ko habang pinanonod ko ang lahat ng yun buti na lang tumayo na yung nakaupo dun sa isang mesa na malapit lang kung san ako nakatayo ngayon. Apat na mesa ang layo ko sa kanila pero dun sa ikatlo ay may nakapwesto kaya kahit pa lumingon sila sa gawi ko ay di nila ako agad makikita.




Habang natagal ako sa kakapanood sa kanila ay lalo lang bumibigat ang dibdib ko, lalo lang ako nakakaramdam ng sakit. Panay ang papikit pikit ko, ayokong mamuo yung kanina ko pang pinipigilang mamuo dahil pag nagkaroon ito ng pagkakataon eh magtutuloy tuloy na at hindi ko na yun mapipigilan pa.




Napakuyom ang dalawa kong palad ng ilapit nung lalakeng yun ang daliri neto sa may labe ni jho, alam ko na yung gagawin nun, yung galawan na yun. Namaster ko na yun eh at ilang beses ko na rin yung nagawa sa kanya. Pinunasan nya yung nagkalat na ketchup sa gilid ng labe ni jhoana.




"Shit!" mariin at nagngangalit ang ngipin kong sabe pero halos pabulong pa yun.




Ilang libong punyal ang tumarak sa kin habang nakatutok ako sa eksena nilang yun. Parang gusto kong tumayo at puntahan sila dun at hilahin palayo si jho dun sa sinuswerteng lalakeng yun pero hindi ko magawa parang nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko ng hindi ko alam kung bakit.




Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ko yung phone ko at sinubukang tawagan si jhoana. Sa ginawa kong pagtawag sa kanya ay naalis sila sa ganong ayos, lihim akong nakamatyag sa kanila ngayon.




Nakita kong tiningnan ni jho yung phone nya, na para bang nagdadalawang isip pa yata kung sasagutin ba nya yung call ko o hindi kase nakatingin lang sya dun at halatang nagiisip ito. Matapos ng ilang pag ring pa ay saka lang na sinagot yun ni jho. Hindi na rin sya umalis pa sa kinauupuan nya pero bahagya syang tumagilid na para bang ayaw nyang iparinig yung usapan namen.





"Hello." halos pabulong na sabe ni jho pagkasagot nya sa tawag ko.





Humugot ako ng hininga tas lumunok muna ako ng ilang beses para mawala yung animo'y nakabara sa lalamunan ko.




"Hello, baby....Asan ka....na?" ako. Kahit ang hirap na magpaka casual lang ang boses ay ginawa ko para di sya makahalata.




"A-ahh....Nasa....Bookstore pa rin ako eh." si jho.




Liar! Sigaw ng utak ko.




Nadagdagan na naman ng punyal na bumaon sa puso ko. Muli akong lumunok dahil feeling ko magka-crack na ang boses ko sa susunod na pagsasalita ko.




"H-hello....Bea?...."




"A-andito pa ko...." naitawid ko kahit medyo iba na ang boses ko. "Sorry, patago lang kase tong call ko sayo." pagsisinungaling ko rin.




"Ui, baka mahuli ka ha." si jho.




"Hindi naman siguro." sagot ko. "Nakatago ako eh saka may malaking nakatabing sa kin ngayon kaya di nila ako makikita." totoong sabe ko at nagpause ako sandali. "Pero....Ako....may nakita ako....." tas sinilip ko sila.




Yung reaksyon ni jho parang kinabahan kaya nagpalinga linga ito. Ako naman ay kuntodo ang pagyuko at di na tumingin sa kanila.




"May nahuli ako eh....." pabitin kong sabe. "May nahuli akong.....isang ka classmate ko..... Nahuli kong may ginagawang "milagro" yung FRIEND kong yun. Ang mabigat pa nyan IN A RELATIONSHIP sya. Kakilala ko pa yung karelasyon nya. Sa tingin mo.....Sabihin ko kaya? Naaawa ako dun sa "partner" nya eh. TANGA. Ang tanga tanga na nya."




"Ha?" si jho na parang naguguluhan.




"Nah, nevermind." ako. "Uwi ka ha, pagka....." pagiiba ko sa topic. ".....Pagkatapos mo dyan...." tas muli pasimple ko silang sinilip.




Kita ko ang pagsenyas ni jho ng wait dun sa kasama nya na tinanguan naman nun at kung pano magpalitan ng matamis na ngiti ang dalawa. Feeling ko inundayan na naman ako ng saksak dahil sa sakit na nadarama ko.




Nilalabanan ko ang pagpatak ng mga luha kong naipon na sa mga mata ko habang nakatunghay ako sa kanilang dalawa. Napapakagat labe din ako kung minsan para maiwasan ko ang panginginig nun dahil nagsisimula na kong humikbi ng mahina.




"O-okay." si jho. "Ah, bea, malapit na kase ako sa counter. Baba ko na ha." pagsisinungaling nya. "Ikaw din, magfocus ka na dyan sa class mo. Bye."




Binaba na nya ang tawag pero nanatili lang ako na nasa ganong ayos habang pinanonood ko ang isa sa mga pinakamasakit na eksena sa tanang buhay ko.




Wala na. Nagsituluan na yung mga naipon kong mga luha. Napayuko na lang ako, kagat labe ako ngayon para di marinig ng tao ang paghikbi ko ng malala. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko ngayon, nagpakahinahon muna ako bago ako tumayo at tuluyang lumabas ng foodchain.





*End of flashback*















Pinilit ko pa ring gawing normal day para sa kin yung araw na yun. Pumasok pa rin ako sa mga natitira kong subjects kahit pa nga nalipad ang isip ko. Aaminin ko di ako nakapag focus nung araw na yun, may long quiz kame ng raw na yun. Nakapag review naman ako pero wala akong maisagot, for the first time bumagsak ako sa quiz nameng yun.




Tas pag dating sa training ganundin lalo na pag nakikita ko syang masayang nakikipagkwentuhan kay jia. Maganda ang aura nya na kala mo inspired na inspired. Biglang naalala ko yung sinabe nung lalakeng naka encounter namen dati sa club. Magpakasaya na daw ako kase hindi rin naman ito magtatagal. Lalake pa rin ang hahanapin ni jhoana sa bandang huli.






Ayokong isipin na mukha ngang ganon na nga.....Umaasa akong hindi mangyayare yun. Naniniwala pa rin ako dun sa aming dalawa. Meron pa bang kameng dalawa?





Naglakas loob kong tinanong sya kung nakabili sya nung book na gusto nya, alam nyo kung ano yung sinagot sa kin? Hindi. Hindi na daw sya nakabili dahil nagka ubusan ng copy.




Parang gusto ko syang sigawan ng "LIAR!". Huli na. Nahuli ko na sya. Pinagsisinungalingan nya ako. At hindi ko yun matanggap. Kaya hanggang ngayon ininda ko pa rin yun kahit pa nga 2 weeks na ang nakakaraan. Hindi ko naman magawang komprontahin sya.....Ayokong masaktan sa maririnig ko. Kahit pa nga isa na namang kasinungalingan yun o umamin sya sa kin. Basta. Ayoko.





"May problema ba?" tawag pansin sa kin ni janna.




Nag aalalang tingin ang sumalubong sa kin ng makabalik ako sa king wisyo.




"W-were o-okay." nagba buckle kong sagot sa kanya. "Okay lang kame." tas pinilit kong magsmile sa kanya.





Buti na lang nagsipagbalikan na sina maki kaya nakaligtas ako sa mga susunod pa sanang mga tanong neto.





Lumipas pa ang mga oras at halos lahat ay mga amats na. Ang kukulit! Kala mo isang bundok ang pagitan nila maki at cel sa lakas ng kwentuhan nila tas magtatawanan pagkatapos, parang nakikipagsabayan sila sa lakas ng sintunadong pagkanta naman ni tina sa videoke. Nananalangin ako na sana wala kameng nabubulahaw dahil sa ingay namen ngayon.





Napapailing na lang ako dahil ngayon naman eh nag aagawan sila sa mic, ininom ko na yung alak na kanina pang itinagay sa kin ni cel. Napapangiwi ako ng sabay sabay ng magsikantahan ang mga laseng. Kung nung isa lang yung nakanta eh masakit na sa tenga lalo na ngayong naging trio na sila! Parang tumatagos hanggang sa sentido ko yung mga birit nilang ang titinis, feeling ko magkaka migraine ako eh! Lakas lang ng trip ng tatlong to, sabagay sa min, silang tatlo yung mataas ang amats. Umiinom ako pero naghinay hinay ako ngayon, alam ko namang may training pa kame mamaya.




Nagpalingon lingon ako dahil kanina pang wala si janna, nagpaalam sya na mag c-cr lang pero hanggang ngayon ay di na nakabalik. San na kaya yung babaeng yun?




Iniwan ko ang tatlo na todo birit pa rin sa kinakanta nila, nagpunta ako sa kusina pero wala naman sya dun kaya dumiretso na ko sa room ni maki and.....huli ka balbon! Nakita ko na rin ang kanina ko pang hinahanap.






Nakatalikod sya sa may pinto kaya di nya ako nakita. Nakatayo sya ngayon malapit dun sa sa study table ni maki.




"Oh, there you are...." ako.




Para namang nagulat si janna ng magsalita ako kaya napaharap sya sa kin. Pansin kong may katawagan pala sya sa phone pero hamo na nilapitan ko pa rin sya. Hindi naman nya ako pingbawalan eh.




"Kanina pa kitang hinahanap....." ako pa rin. Hindi ko alintana na nakakaistorbo ako dun sa kausap nya.




Saka ko lang napansin na yung hawak nya ay yung phone ko. Wala namang kaso sa kin kung ginamit nya yun, okay lang. Nanahimik ako habang nakatayong nakasandal dun sa mismong table. Hinihintay kong matapos sya dun sa katawagan nya.




Hello lang ng hello si janna, siguro hindi sya sinasagot nun or baka no signal dito sa loob. Nainip ako kaya umupo na ko dun sa silya habang nakatunghay pa rin sa kanya.




"Ano bang ginagawa dito?" tanong ko. Na ang gusto ko talagang itanong kung bakit hindi na lang sya lumabas sa terrace para maging maganda yung signal. Pero hindi ko na ni-rephrase pa yung tanong kong yun. Tinatamad ako.😅





"May kinuha lang ako...." si janna ng ibaba nya yung phone ko sa tenga nya pero hawak pa rin naman nya.




Hindi na naituloy pa ni janna yung sasabihin nya ng mabilis akong tumayo at inakbayan ko na naman sya. Natawa ako sa naging reaction nya, gulat na gulat eh. Umandar na naman yung pagiging pilya ko, mula sa pagkaka akbay ko eh pinihit ko sya paharap sa kin. Kaya ngayon ay magkaharapan na kame, isang pilyang ngiti ang binigay ko sa kanya bago ko ginawa yung naisipan ko kanina lang.




Nanlalake ang mga mata neto at kita ko ang pamumula ng mukha nya ng bigla kong hinapit sya palapit sa kin. Naka inom na rin si janna pero tulad ko eh hinay hinay lang kame sa paginom kaya parehong nasa matino pa rin kameng pag iisip ngayon.





"Hey, wait lang...." si janna tas pinalo ako sa braso. "Ano ba?"




Tawa lang ang sinagot ko sa kanya. Tawang tawa ako sa reaction nya ang epic lang mga dude. Kala mo may gagawin akong mahalay sa kanya kung makatili eh. Hahahaha....




"What?" ako na parang wala akong ginawang masama. Sa totoo lang din naman eh, wala naman talaga akong ginawang masama. Kapilyahan lang. 😉😝




Hindi ko maialis yung pagngiti ko sa kanya ngayon. Wala naman talaga meaning to, yun bang walang malisya yung ginawa kong to sa kanya. Gusto ko lang mangulit. Na miss ko ang kulitin sya. Na miss ko yung dating ginagawa ko sa kanya dati lalo na pag nagtatampo ito at nakikipagbati ako sa kanya pero hindi nya ako pinapansin, at ito yung isa sa mga epektib na ginagawa ko sa kanya dati. hehehe...




Nakatingin lang sa kin si janna tas nangiti na rin pagkatapos. Maya maya ay naramdaman ko ang paglagay ng mga kamay nya sa balikat ko.




"Just wait babe...." tas piningot nya ang ilong ko.




Ako naman ngayon ang napangiwi sa ginawa nya sa ilong ko. Ang hilig nyang pingutin ang ilong ko dati na alam nyang ikakainis ko.




Habang magkakaharap pa kame kanina dun sa labas at nagiinom eh aksidenteng natawag ko syang "babe". Buti na lang din busy sa pag videoke ang tatlo kaya hindi nila narinig yung sinabe ko kundi kantyaw at tuksuhang walang patid na naman ang inabot namen sa kanila, lalo na ko.




Babe kase yung endearment namen dati at ewan ko ba dito sa dila kong to, kung anu ano na lang sinasabe! Nakakahiya tuloy kay janna. Yan din tuloy, mang aasar na naman sya. Hindi na rin nya kase ako tinantanan sa kakatawag ng babe mula kanina pa.





Isang nakakaloko at mapang asar na ngitian ang sumilay sa labe ng babaeng to. At parang hindi ako naging komportable na kaya ako na yung bumitaw sa pagkakahapit sa kanya. Napapailing naman si janna habang hindi inaalis ang mapang asar na ngiti neto sa kin.




Dumistansya ako sa kanya ng onte, ang awkward lang sa pakiramdam ko. Napakamot tuloy ako sa batok ko ng di oras. Nakakatawa, inumpisahan ko pero hindi ko naman napanindigan. Nag mukha pa tuloy akong ewan sa harapan nya. Kahiya.





"Tayo na nga, baka masilip na naman tayo ni maki...." pag aya ko sa kanya at alanganing napangiti. "Akin na nga yang phone ko."




Saka ko kinuha yung phone kong inilapag ni janna sa table. Nauna akong naglakad sa kanya palabas ng room ni maki pero hindi pa ko nakakalabas ng tuluyan ng magsalita si janna.




"Hindi mo ba titingnan kung sino yung tumawag?" si janna.




Napahinto at napalingon ako. May tumawag sa kin?




"Kala ko kase busy ka dun kaya sinagot ko na....." si janna. "S-si....Jho yung tumawag sayo."




Napakunot noo muna ako bago ko tiningnan yung phone ko. Napamura ako sa isipan ko, baha na ko ng mga text messages nya. Napakarame na rin ng mga miscalled ang natanggap ko mula kina jia, kim, deanna at syempre ni jho. Napakagat labe na lang ako at napapailing habang binabasa yung mga text messages nya sa kin.




"I think kelangan mo ng bumalik sa ateneo." narinig kong sabe ni janna. Nag angat ako ng tingin at ngayon nga ay nasa harapan ko na sya. "Male late ka na po." saka pinakita sa kin yung wallclock ni maki na 5:30 pm na.




"Shit!" saka nagkumahog na kunin yung mga gamit ko.




6pm yung start ng afternoon training namen pero hanggang ngayon eh andito pa ko kina maki and ang malala pa rito eh nakainom pa ko! Kelangan kong maglinis ng katawan ko, hindi pwedeng malaman nilang uminom ako ngayon, siguradong sermon ang abot ko neto kina coach. At baka makarating ito sa athletic director ng school ayblalong nayare na ko neto kaya kahit 10 minutes lang para maayos ko naman ang sarili ko.




Naghalfbath lang ako, kase amoy alak ang katawan ko at nagsipilyo na rin. Inubos ko na nga yung mouthwash ni maki sa kakamumog para di lang nila ma amoy yung hininga kong amoy alak.




Karipas na kong takbo sa kotse ko at kung minamalas ka pa nga talaga, inabutan ako ng rush hour! Ang saya.😨😧
























































































Continue Reading

You'll Also Like

287K 11.6K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
629K 38.5K 103
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
905K 41.4K 175
๐’Š๐’ ๐’˜๐’‰๐’Š๐’„๐’‰ the boy who lived falls for the girl who had no one
1M 18.2K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...