Mafia Heiress Possession: Hur...

By GoddessNiMaster

2.1M 81K 13.7K

An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adven... More

Mafia Heiress Possession - Season 1
Announcement
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
ChibiChibi (trip lang, post ko ulit :p)
Mafia Heiress Possession - Season 2
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
Pahina 48
Pahina 49
Pahina 50
Pahina 51
Pahina 52
Pahina 53
Pahina 54
Pahina 55
Pahina 56
Pahina 57
Huling Pahina
Epilogue
Extra Untold Moments: Cane & Simone
Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Another Extra Chapter
All about Hurricane
Reader's Favorites, why? Part 1
Reader's Favorites, why? Part 2
Been A While.

Pahina 44

23.7K 1.1K 310
By GoddessNiMaster

Pahina 44
The Prophecy and The Sword




Hurricane’s Point of View

Natanaw ko si Lihtan na nakatingala sa kalangitan, walang bituin at mukhang napakalalim ng iniisip niya. Dahan dahan akong lumapit, naalala ko ang tungkol kay Dino kaya napatigil ako ng hakbang bigla at kinuyom ang kamay.

Pagsisisihan nila ang ginawa nila kay Dino.

"Cane?"

"Lihtan."

Ngumiti siya na naging dahilan ng pagkalma ko. Di ko maiwasang magtaka sa paninitig ni Lihtan sa akin, napabuntong hininga pa siya at di nakatakas ang lungkot na dumaan sa kulay-lila niyang mga mata.

"May problema ba, Lihtan?" medyo nababahalang tanong ko, umiling lang siya at pinatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng ulo ko at marahang inayos ang buhok ko. Napatulala ako sa ginawa niya.

Kanina ko pang napapansin ang kakaiba nilang kinikilos mula nang umalis sina Thunder. May sinabi ba sila?

"Hindi ko na matandaan ang itsura ni Dino. Tatlong taon pa lang ako nang iwan niya ako kasama ang itim niyang ibon sa kweba. Kaarawan ko noong araw na 'yon..." mahinang salaysay niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi ko na rin matandaan ang kaarawan ko. Hindi niya ako binigyan ng pangalan dahil hindi naman iyon kailangan sa tulad ko. Kahit ganoon, masaya ako sa tuwing tinatawag niya akong 'anak'." may tipid na ngiting sambit niya.

"Ang sabi ko noon, gusto kong lumuwas kasama siya at magkaroon ng kalaro at kaibigan kaya lang hindi siya pumayag. Ayon sa kanya, mapapahamak lang ang mga taong mapapalapit sa amin. Ang sabi niya, babalikan niya ako ngunit lumipas ang maraming taong hindi ko na nabilang hindi siya bumalik. Hindi pa rin ako umalis sa lugar na pinag-iwanan niya dahil umaasa pa rin akong babalik siya. Babalikan niya ako, Cane." nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya, parang may bumara sa lalamunan ko at naramdaman ko na lang din ang pagkabasa ng pisngi ko.

Pinunasan niya ang basang pisngi ko sa marahang paraan at may pag-iingat.

Nakikita ko ang imahe ng batang si Lihtan na nag-iisa sa kweba. Walang kausap at mag-isang nakatanaw malayo sa lahat.

Mas lumakas ang pag-iyak ko.

"C-Cane..." natatarantang boses ni Lihtan.

"What...happened?" narinig kong boses ni Simone at mga yapak patungo sa amin.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak, hagulhol na yata itong ginagawa ko. Huhuhu. Kawawa si Lihtan.

"A-Aking binibini?" -Taki

"Cane?" -Tenere

Niyakap ko si Lihtan.

"H'wag ka nang malungkot, Lihtan. Nandito na kami. Hahanapin natin si Dino at ibibigay ko rin ang kaarawan ko sa’yo para pareho na tayo ng birthday." sambit ko.

"Ibibigay ko rin sa inyo ang apelyido ko, gagawin ko kayong 'Thurston. Di kayo gugutumin, marami akong savings, di tayo maghihirap. Kung kapusin man tayo, nandiyan naman sina Thunder, Storm at Rain pwede tayo umutang sa kanila kahit magkano. Kahit na hindi na rin tayo magbayad sa kanila mayaman naman sila."

Napangiti ako sa plano ko at pumapalakpak na humiwalay ng yakap kay Lihtan!

"Magiging pamilya na rin namin kayo, sa amin na rin kayo titira at sabay sabay tayong papasok sa school! Mag a-around the world din tayo! Kakain ng masasarap at marami pang iba."

Pagtingin ko sa kanila ay nakatulala sila sa akin.

"Ayaw niyo ba no’n?" nakangusong tanong ko at bagsak balikat ko.

Tahimik pa rin silang nakatulala sa akin at nakaawang ang mga labi.

"Gusto ko namin 'yon, Cane." tumingala ako kay Lihtan.

"Mananatili kami sa tabi mo, pangako 'yan." maamong sambit ni Lihtan.

"Masaya ako sa nakikita ko." sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses sa dilim.

"Anue Knight."

"Binibining Hurricane, nagtagumpay kang makuha ang mga halimaw maging ang mga loob nila. Nagawa mo ang misyon."

Malamig na tiningnan ko ito at naglakad patungo rito.

"Cane..."

"Aking binibini..."

Hindi ko alam kung paano niya nagawang magpalit ng anyo, mas matangkad siya sa sa akin nang kaunti. Alam niya ang mga nangyayari mula sa umpisa. Nasisiguro ko 'yon.

"Wala akong masamang intensyon, binibining Hurricane. Nandirito ako upang bigyan kayo ng kaalaman at babala dahil sa tingin ko'y hindi na rin magtatagal ang hangganan ko."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Binibining Hurricane, masaya ako. Hindi nagkamali si Eloisa sa pagpili sa’yo. Tunay ngang nagawa mo, kahanga-hanga para sa isang ordinaryong tao na tulad mo ngunit hindi ka pangkaraniwan. Kakaiba ang angkan mo, kahanga-hanga."

"What the hell are you talking about?" malamig na tanong ni Simone at maingat akong nilagay sa kanyang likod.

"Sino siya Simone?" tanong ni Taki at Tenere.

"Hindi niyo na ako natatandaan? Kung sabaga'y maliliit pa kayo noong huli ko kayong makita kasama ng mga angkan niyo, hindi pa ganito kakomplikado ang lahat." buntong hininga pa nito.

"Kilala mo ang angkan namin, ang mga kauri namin?" -Lihtan

"Tama, tama ka riyan anak ni Din. Kilala ko ang mga magulang niyo." nakangiting sambit ni Anue Knight na may kasama pang palakpak.

Walang ngiti at emosyon ko pa rin itong tinitingnan.

Napawi ang ngiti nito nang mapatingin sa akin at tumikhim at lumunok ito bago sumeryoso.

"Marami kang dapat ipaliwanag." mariing sambit ko rito at matalas itong tiningnan.

Sumusukong itinaas nito ang dalawang kamay.

"H'wag kang magalit, binibini..." kanina ko pa napapansin ang panay sulyap nito sa likuran ko kung nasaan sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone na seryosong nakatingin din dito.

Napabuntong hininga ako.

"Sumunod ka sa amin." tinalikuran ko ito at naramdaman ko ang pagsunod nila patungo sa silid ko na binigay ni Reyna Yuka.

Ipinaghila ako ng upuan ni Simone at ngayon ay nasa tapat na namin si Anue Knight na parang namamanghang nakatingin sa amin. Nakatayo sa likuran ko sila Simone.

"Sa wakas, nabuo na ang mga halimaw ngunit sa aking kaalaman ay tatlo lamang kayo." -Anue Knight

"Ngayon alam mo na, apat talaga kami." -Simone

"Hahahahahaha! Anong taglay mo kung ganoon?" -Anue Knight

"Kaya kitang sunugin sa kinauupuan mo." -Simone

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Anue Knight. Habang nag-uusap si Simone at Anue Knight ay napatingin ako sa tsaa na nasa gitna ng mesa. Ipinagsalin ako ni Taki ng tsaa at marahan ko namang hinigop. Napakasarap ng gawa ni Lola Dalya. Hehehe.

"Salamat, Taki, hehehe."

"Para sa’yo, aking binibini." -Taki

"Cane, gutom ka na ba? May itinabi ako para sa’yo, alam kong magugustuhan mo ito." -Lihtan

"Saan mo na naman 'yan nakuha, Lihtan? Hahaha." -Tenere

"Binigay ni Thunder, Storm at Rain, masarap ito, Cane. Sabi nila dadalhan nila ulit tayo ng maraming ganito." masayang sambit ni Lihtan. Tiningnan ko ang hawak niyang maraming marshmallows na iba iba ang kulay, may tsokolate pa.

Kaya pala kanina ko pang napapansin ang tiyan at mga bulsa niyang nakalobo.

Ini-spoiled nila ang mga ito. Nasisiguro kong sa oras na naroon na kami sa Pilipinas ay bibigyan nila ang mga ito ng kung ano ano. Naiimahe ko na ang mga mangyayari, idagdag pa si Mom at Dad na tiyak na magugustuhan sila at kagigiliwan din.

Napangiti ako kumuha ng marshmallows.

Ngumunguyang binalik ko ang tingin kay Anue Knight na nakatitig sa akin saka ngumiti. Nagtataka talaga ako sa taong ito, tao nga ba? Di ko na lang pinansin ang kakaibang ngiti nito.

"Napupuno ng hiwaga at misteryoso ang pagkatao mo, binibining Hurricane. Unang tagpo pa lamang natin ay may nararamdaman na akong kakaiba." pagbabalik tanaw nito.

"Madalas ko rin ’yang naririnig tungkol sa akin." kalmadong sambit ko rito at uminom muli ng tsaa.

"Haha. Ang inosente mong mga mata na may hatid na kabutihan ngunit may bahid na kasamaan. Kasamaang natutulog sa pagkatao mo, nakakatakot na gisingin." seryoso itong nakatingin nang diretso sa mga mata ko at walang kangiti-ngiti ang mukha. Binigyan ko ito ng tipid na ngisi.

"Malay mo magkaroon ka ng pagkakataon na makilala ang natutulog kong kasamaan."

"Sa tingin ko'y hindi ko na gugustuhin pa, binibining Hurricane." ngisi pa ulit nitong sagot.

Naiiling na napanguso ako.

"Ikaw bahala, hehehe."

"Hahahaha. Hindi na talaga, gusto ko pang mabuhay, binibining Hurricane." ngiwi ni Anue Knight habang nakatingin sa mga nasa likuran ko. Ano bang tinitingnan niya at namumutla siya?

Hmm...

"Putulin mo na ang pagpapaligoy-ligoy." nakangiting sambit ko habang seryoso itong tinitingnan.

"Walang kaso, haha. Aah, p-paano ko ba sisimulan?" kamot nito sa kanyang batok at tumikhim.

"Simulan mo kay Eloisa, bakit naroon siya sa mental institution at ang kinamatay niya." mahinahong sambit ko habang inaalala ang ginang at napabuntong-hininga.

"Si Eloisa, isa siyang tapat. Naroon siya dahil iyon ang naging kaparusahan niya sa sarili niya."

Kaparusahan?

"Sinasabi mo bang sarili niyang kagustuhan ang mapunta sa lugar na iyon?" tumango ito sa tanong ko.

"Dahil sa mabigat na kasalanang nagawa niya." seryosong sambit ni Anue Knight.

"Si Eloisa, ang lahat ng sinasabi niya ay purong katotohanan. Hindi siya marunong magsinungaling at higit sa lahat ay may taglay siyang kakayahan na makita ang kapalaran ng kahit sino sa pamamagitan ng paghawak nito o sa sinumang humawak dito." tumingin nang mariin si Anue Knight sa mga mata ko.

Sa mga bagay na hindi ordinaryong natunghayan ko ay hindi na nakakabigla pa ito. May mga nilalang na may ganitong kapangyarihan ang nabubuhay, isa na roon sina Lihtan, Tenere at Taki.

"Hindi ko alam kung anong nakita niya sa’yo at kung saan mo nakuha ang tiwala mong paniwalaan ang tulad niya na nasa ganoong pasilidad, binibini." nahihiwagaang sambit nito.

"Bakit mo siya pinaniwalaan? Saan mo nakuha ang lakas ng loob mong maniwala kay Eloisa?" tanong ni Anue Knight.

Natahimik ang buong paligid. Bumaba ang tingin ko sa tsaang nasa harapan ko at tipid na ngumisi.

"Dahil nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo." sagot ko rito.

"May kakayahan kang malaman ang katotohanan?" gulat na tanong nito.

"Wala akong ganoo'g kakayahan. Sabihin na lang nating batay na rin sa maraming karanasan."

"Kung anuman iyon ay tiyak na hindi pangkaraniwan at hindi madali. Bakit ginusto mong magtungo rito?" tanong muli nito matapos ko humigop ng tsaa.

"Ikaw ang dapat na magpaliwanag, marami kang tanong." seryosong sambit ni Simone na salubong ang kilay at kinangiwi ni Anue Knight.

Napangisi ako nang tipid. Narinig ko rin ang pigil bungisngis sa likuran ko.

Hot-headed as ever, Simone.

"Nasa lugar na iyon sa Eloisa, dahil sa sarili niyang kagustuhan dahil sa lugar na iyon ay walang maniniwala sa kanya." nilapag ko ang tsaa ko at napatango.

Sa sobrang dami ng nalaman namin ay inabot na kami ng liwanag nang hindi namin namamalayan. Nakayukong sinipa ko ang maliit na batong nasa paanan ko na mabilis na bumagsak sa balon na nasa baba.

Isang bahagi sa nilahad ni Anue Knight ang pinakahindi maalis sa isipan ko.

"Isang napaka-delikadong armas ang nakatakdang pumaslang sa mga kasama mo."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Binibining Cane." nakita ko si Reyna Yuka na seryosong nakatingin sa akin. Sa likuran niya ay naroon sina Lola Dalya at Haring Valdemore, hanggang sa maglabasan ang lahat ng mga natitirang Hari, Reyna, Prinsipe at Prinsesa.

Naalala ko nang biglaan ang naging pagdating namin kasama ng mga kapatid ko ilang araw na ang nakakaraan. Hindi sila makapaniwala at hindi ko maintindihan ang mga reaksyon. Nakaka-intimida naman talaga ang presensya ng mga kapatid ko.

"Mas lalong dumarami ang bilang ng mga nagtatangkang sirain ang 'barrier'." sambit ni Lolo Valdemore.

Ang barrier...

Napatingin ako sa barrier o shield na pumuprotekta sa buong Kaharian ng Mysterium. Ito na lamang ang natitirang ligtas na lugar sa lahat. Tulad ng nais kong mangyari ay nilagyan nila ng mahigpit at mataas na seguridad ang lugar na ito.

Wala akong dapat ikabahala dahil nalaman kont personal na ginawa ni Thunder, Storm at Rain ang barrier ngunit kailangan pa rin naming paigtingin ang atensyon lalo pa dahil literal na hindi ordinaryo ang mga makakalaban namin. Maraming hindi inaasahang sitwasyon. Sinulyapan ko ang mga Assassins at Reapers na naglalakad at rumo-ronda.

Tulad noon ay laging humihinto ang mga ito sa t'wing makikita ako at magalang na yuyuko bago magpaalam.

"Yes, Young Goddess." mabilis na paglapit ng isang Reaper sa akin nang itaas ko ang kaliwang kamay ko.

"How's the barrier?"

"Reporting to our Young Goddess, the barrier is in it's great power. Young Lord Thunder said the Young Goddess has nothing to worry."

"I see." tango ko.

"Any reports about the 'infected bodies'?" tanong ko muli rito habang nakatingin sa baba, nakaluhod ang isang tuhod nito habang nagpapaliwanag.

Ilang beses ko na sinabing hindi na nila kailangang gawin.

"Master Eros and Goddess Chaos is taking care of the 'infected bodies'. We are still waiting for the response, Young Goddess."

Natigilan ako sandali.

"You mean, they personally examined the 'infected bodies'?"

"Yes, Young Goddess."

Kung personal na ang mga magulang ko ang sumusuri sa ilang katawan ng mga kawal tulad ng nasa labas ng barrier at hanggang ngayon walang resulta, nasisiguro kong hindi ito basta bastang masu-solusyonan ngunit may tiwala ako sa mga magulang ko.

"What's the current situation over there?"

"Young Lord Rain and Young Lord Storm are taking care of everything in the Underworld, Young Goddess."

Kung ganoon, tama ang hinala ko. May mga nangyayari nga dron.

"Matters. Care to explain me what are those?" malamig at seryosong tanong ko.

"...." Hindi ito sumagot, naglilikot ang mga mata.

"Hm, you're not gonna tell me?" salubong ang kilay na tanong ko at pinagkrus ang braso at napanguso.

"Y-Young Lord Rain, told us that the Young Goddess should not worry." pinagpapawisang sambit nito.

"But I want to." ngiti ko nang seryoso.

"Spill it." matigas na boses mula sa kararating lang sa likuran ko na si Simone, kasama sina Lihtan, Tenere at Taki.

Alam kong naiipit ito sa sitwasyon kung sino ang susundin. Kung ang salita ng mga kapatid ko o ako.

"Ayokong ilagay ka sa ganitong sitwasyon, pero gusto kong malaman. Anong nangyayari roon?" mariing sambit ko.

Napabuntong hininga ito.

"Tell me, I won't tell them that you told me, I will take care of you, come on."

"Y-You don't have to worry about me, Young Goddess. I will tell you."

"Great, thank you very much."

Tipid na ngumiti ito na sinuklian ko rin ng ngiti.

"The Philippines as well as the other countries is in the same crisis, Young Goddess. Many civilians are infected. The infected bodies population is continually increasing."

"W-What?!" hindi ko mapigilang pagtaas ng boses.

Sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang lahat ng aming Assassins, Reapers maging ang mga ninjas na nakatago. Nakaluhod silang lahat sa harapan ko.

"Please appease your anger, Young Goddess." sabay sabay na sambit ng mga ito.

Napahawak ako sa sintido ko at marahang hinilot.

Damn.

"Calm down." pagpapakalma ni Simone sa akin habang hawak ang mga braso ko.

"Cane, inaaway ka ba nila? Anong problema?" tanong ni Lihtan.

Napatingin ako sa kanila na naguguluhan at puno ng pag-aalalang nakatingin sa akin. Nawala na rin sa isip ko sina Reyna Yuka na alam kong naiintindihan ang mga narinig.

"Leave." mahinang utos ko sa mga ito.

"We obey your will, Young Goddess."

Nawala ang mga ito sa aming harapan. Hinarap ko sina Reyna Yuka, Haring Alazar ang ama ni Prinsipe Lucien, Haring Hasil, Prinsesa Shea, Haring Visal, Prinsesa Feya, Haring Adams, Prinsipe Rodolpo at Prinsesa Alissa.

Samantalang ang iba sa mga ito ay hindi namin alam kung nasaan. Nangako ako kay Haring Hester, Haring Nix at Haring Han na hahanapin ko ang kanilang pamilya na hindi namin alam kung buhay pa o isa na sa mga infected bodies na nasa labas ngayon at patuloy na ginigiba ang barrier.

Hindi lang siyensya at teknolohiya ang kalaban namin ngayon kundi ang mga taong hindi ordinaryo, may kapangyarihan at ngayon ay lumalawak ang himagsikang nagaganap!

Hindi ko alam ang buong impormasyon sa mga nangyayari sa mga karatig bansa na nadadamay.

Kailangang may gawin ako. Kailangang may gawin kami. Kailangang matapos na ito.

Hindi basta basta ang mga makakalaban namin. Hindi pa matukoy ang kalaban.

"Binibining Cane, magtungo ka roon h'wag mo kaming alalahanin. Marami ka nang nagawa para sa amin at ngayon, maging ang lugar na pinagmulan niyo at pamilya niyo ay nadadamay dahil sa amin. Wag ka nang mag-alala pa sa amin. Mag-iisip kami ng paraan sa hinaharap namin ngayon." mahabang sambit ni Reyna Yuka.

Nabalot ng matinding katahimikan ang lahat. Pinagmasdan ko silang lahat. Dumako ang mga mata ko sa lahat ng mga naging parte ng aming paglalakbay. Mula sa mga pirata na nagagawa pa ring ngumiti sa kalayuan habang nakatingin sa amin hanggang sa mga halimaw na pinaniniwalaan nila.

"Hindi umuurong sa kahit na anong hamon at suliranin ang isang 'Thurston'. Lumalaban kami ng may pinaglalaban. Hindi ko magagawang talikuran ang lahat ng ito."

Sa pag-angat ko ng tingin sa mga ito ay nakita ko ang tipid na ngiti ng mga ito at ayan na naman ang pagkamangha nila na di ko maintindihan.

"At isa pa, hindi niyo na lang ito problema. Sa ngayon ang magagawa na lang natin ay maghintay ng impormasyon. Gumagawa ng paraan ang pamilya ko. Naniniwala akong makakagawa sila ng paraan." nakangising sambit ko.

Nakita ko ang ginhawa sa mga mukha nila at pag-asa.

"May maiitulong ba kami, Cane?" umaasang tanong ni Visal.

"Meron naman." diretsong sagot ko na kinalaki ng mata nila. Nginisihan ko sila.

"Ano 'yon, apo?" ngiti ni Lola Dalya at marahang hinawakan ang braso ko.

"Palakasin niyo ang loob ng bawat isa na mabuhay." natigilan sila sa sinabi kong iyon.

Tinitigan ako sa mga mata ni Lola Dalya.

"Hindi talaga nagkamali sa pagpili sa’yo si Eloisa." narinig kong bulong ng papalapit na si Anue Knight.

Umihip ang hangin. Sumasayaw sa hangin ang buhok nito.

"Kung may katotohanan mang ako napiling nakatakdang tumapos sa lahat ng ito, paninindigan ko ang sinasabi niyong propesiya. Hindi naman masamang subukan." nakangising sambit ko rito. Laking gulat ko nang yumukod ito sa aking harapan.

"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ko.

"Hayaan mong magbigay pugay ako sa iyo, ikinararangal kong makilala ka, aming pag-asa..."

"Hindi mo kailangang gawin 'yan." malamig na sambit ko.

Hindi ito nakinig at iniluhod pa ang isang tuhod at tumingala sa akin. May inilabas itong itim na compass at inilahad sa akin gamit ang dalawang magkadikit nitong palad.

Kinuha ko ito sa kanya.

"Ang bagay na 'yan ang magtuturo sa pinagmulan ng lahat." saglit na natigilan ako at binalik ang atensyon sa sinabi ni Anue Knight at sa compass na hawak ko.

Biglang nagliwanag ang compass, kasabay ng pagliwanag ng katawan ni Anue Knight.

"Maging ang compass ay itinuturo ka." mahinang tawa pa nito.

"Anong...nangyayari sa’yo?"

"Nakahanda ka na ba sa panghuling regalo ko para sa’yo?" nakangiting tanong nito.

"Anong regalo? Anong-?"

"Kay tagal ka naming hinintay. Isang karangalang ako ang sandatang magagamit mo, sa bawat henerasyon naming mga 'Knight' na isinilang sa mundo na umaasa sa pagdating mo upang gamitin kaming sangga. Kami ay sinugo ng aming makapangyarihang lumikha upang maging katuwang mo sa laban na ito."

"Anue Knight, anong ibig sabihin nito?"

"Ang kapalaran naming mga 'Knight', ang dahilan ng aming buhay ay upang maging sandata mo. Isang taong may ginintuang kalooban na tatalo sa kasamaang nagbabadyang sumira sa sangkatauhan. Ikaw iyon, binibini."

"...." Hindi ko mahanap ang boses ko sa kung ano ang dapat sabihin.

Dumapo ang mga mata ni Anue Knight sa aking likuran kung nasaan nakatayo sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Tinatanggap kong sa aking kaalaman na isa ka sa mga tinitingalang halimaw." tukoy nito kay Simone.

"Hindi ko kailangan ng permiso mo." maangas at bagot na ngisi ni Simone na kinahalakhak ni Anue Knight.

"Kayong apat ang nakatakdang tulungan ang binibining itinakda."

"Hindi namin pababayaan si Cane." nakangiting sambit ni Lihtan.

"Tama. Kahit di mo sabihin, di namin iiwan ang aking binibini!" narinig kong sambit ni Taki.

"Hindi ko rin pababayaan si Cane sa laban na ito kahit anong mangyari." dagdag ni Tenere nang seryoso.

Binalik ni Anue Knight ang atensyon sa akin.

"Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Kayo ang susi sa lahat ng ito." sambit nito.

Umangat ang nagliliwanag nitong katawan.

"Inaalay ko sa’yo ang espadang tanging ikaw lamang ang makakagamit. Hayaan mong maging instrumento at armas mo sa laban na susuungin niyo, binibini. Tanggapin mo."

Naglaho ang nagliliwanag nitong katawan at ang nakita namin ay ang lumulutang na espada na papunta sa akin na parang hinihintay na hawakan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

60.1K 1.5K 39
Anong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaar...
182K 5.9K 32
I can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa t...
2.1M 81K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
706K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...