Running Away from the Billion...

By Gelailah

5.2M 137K 10.1K

He is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted t... More

Running Away from the Billionaire
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 20

118K 3.5K 299
By Gelailah

5 years ago

I lightly scratched my nose when I felt something touched it. Pagkatapos sa pisnge ko naman. Dahan dahan kong binuklat ang mga mata ng makarinig ako ng mahinang tawa.

"Morning Babe." Nakangiting bungad sa akin ni Klaus. Napabangon ako nang mapagtanto ko na nasa kama ako at kasama si Klaus.

"H-ha?" I looked around. Nakita ko ang mga damit namin na nagkalat sa sahig. Agad akong tumingin sa katawan ko.

"What's wrong?" Nag aalalang tanong niya. Na realize yata niya na nagulat ako.

Nagulat nga ako pero hindi ako ganon ka lasing para makalimutan ang nangyari kagabi, but the look on his face made me want to tease him. I love teasing Klaus.


"May nangyari?"


"Oh come on." Napatakip si Klaus sa mukha niya. I bit my inner cheek to prevent myself from laughing. "You were drunk! Fuck! I knew you were fucking drunk!"


I started to burst out laughing. Hindi ko na napigilan dahil parang gusto niyang magwala sa sobrang inis. Akala niya yata pinagsamantalahan niya ako kagabi dahil may nangyari sa amin habang lasing ako. Tinanggal niya ang braso niya sa mga mata at tinitigan ako ng masama.


"Joke lang." Natatawang sabi ko. Nakahinga naman siya ng maluwag at agad akong niyakap at hinila pahiga ng kama. I can't help but to giggle.


"Don't do that again." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata. "I seriously thought I abused you. God, I wanted to kill my self at that moment."


"Sabi ko naman sayo, hindi ako ganon ka lasing kagabi." I said rolling my eyes. His lips lifted to one side.


"And you have the guts to roll your eyes at me?" He said with an amused look on his face. He rolled on top of me at nakaramdam na kaagad ako ng tumutusok sa may puson ko.


"Klaus, wala ka bang kapaguran? Jusko naman." He laughed before he leaned down and captured my lips.


Being with Klaus feels surreal. It has been months and I continued being with him.

Kinuha ko ang ibang mga gamit ko at tumira sa bahay niya. Hindi ko akalain na magiging ganito kaming dalawa. Palaging sinasabi ko na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, pero hindi ko alam kung bakit but being with him, like this, feels so right.


I'm not sure if I feel the same way he does about me but one thing I know is for sure, I care about him. A lot. And no one makes me feel so happy the same way he does.


"Ah maam hindi ka po pwedeng pumasok muna." Kumunot ang noo ko sa secretary ni Klaus ng pigilan niya akong makapasok ng opisina ni Klaus. Kilala niya ako at alam niya ang relasyon namin ni Klaus.


"Why? Is he on a meeting?" Tumingin ako sa relo ko. "Pero may usapan kami ngayon. Ang sabi niya wala na siyang meeting ng ganitong oras."



"U-uhm biglaang meeting po." The secretary is already fidgety kaya hindi ko mapigilan ang magtaka.


"Sinong kausap niya sa loob? May dapat ba akong malaman?" Mas lalo siyang hindi mapakali nang tanungin ko. Dapat siguro ang tinanong ko ay kung may dapat ba akong hindi malaman.


Her reaction was enough to make me think that there is something going on so I walked towards his office ignoring her pleads. Nang buksan ko ang pinto, hindi ko nakita si Klaus pero napansin ko na bukas ng kaunti ang kwarto sa office niya kaya agad akong pumasok. I was about to go out when someone came out from the bathroom.


"Oh it's you." Saad ni Calla bago ako inirapan at dinaanan upang pumunta sa kabilang kanto ng kwarto para sa mga gamit niya.



Hindi ako kumibo. Hindi dahil gulat ako sa mga nangyari kundi dahil nakatutok ako sa bagay na hawak ni Calla. I know what that is but I don't want to believe what I'm seeing.


Napansin niya yata na nakatingin ako sa hawak niya kaya naman lumapit siya sa akin at tumayo sa harap ko. Double line. Imposible.



"Do you know what this is?" She said with a smirk on her lips. "It's positive, sweetheart."


"Hindi. Hindi yun magagawa sa akin ni Klaus." Mahal na mahal ako ni Klaus. He loves me too much to have an affair with Calla. She let out a sarcastic laugh.


"You really thought...? Gosh!" She laughed again. "We've been having sex, Kaylareen. Not just you. Did he told you he loves you? And you believed him? Klaus always says that to women to get them to bed. Even to me."



Hindi ako nagsalita.



Hindi ako nagsalita dahil hindi ako naniniwala. Klaus has always been there for me. He will never do that to me.


"Calla, I bought you these—" Sabay kaming napatingin sa taong kakapasok lang ng kwarto. He looked at the both of us. He looked at his watch. "Kaye. I'm sorry I forgot that you were coming."



"Nakalimutan mo?" Walang buhay na sabi ko.


"I'm sorry. Calla needed my help. I'm sorry." Tumingin ako kay Calla at nagkibit balikat lang siya sa akin.


"So... you forgot about me." I looked at Klaus again. He must've realized what he said because he suddenly moved towards me and held my arms.


"No no. It's not that. Calla is..." Sumulyap siya kay Klaus.


"I'm pregnant and Klaus is the father." Bored na sabi ni Calla.



"Calla will you please go outside the room first?" Iritableng sabi ni Klaus. Calla stomped out of the room and he closed it before he moved again closer to me.



"Totoo ba?"


"What? Don't be ridiculous. I'm not the father." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun."I only want you to be the mother of my kids. Only you Kaye."


I hugged him back. I know I'm not the best for him because he is too perfect, but I'm trying. I want to be the right person for him too. I don't know yet if I love him but I just want to make him happy and jumping to conclusions won't help me. So I trust him.


I trust that it will always be me for him.


But trying to be the best woman is hard. Especially when there are people who tries to ruin what Klaus and I have.


"I have to go." He said before he kissed my forehead. Palagi nalang ganito. Hindi na kami nagkakasama ng maayos dahil kay Calla. That witch is so demanding when it comes to Klaus.


Tumayo na siya at kumuha ng tshirt at pantalon upang puntahan si Calla na masama daw ang pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit palagi nalang ganon. Kung bakit siya nalang palagi ang inatupag ni Klaus. Eh ang sabi niya hindi naman siya ang ama ng ipinag bubuntis ni Calla, bakit hindi nalang yung nakabuntis ang umamalalay? Bakit kailangang si Klaus pa?



"Kailangan mo ba talagang umalis?" I trust Klaus. I really do, but I don't trust Calla.


He stopped from putting on a shirt and looked at me. He must've seen how disappointed I am. Lalo na at halos hindi na kami magkita kahit na sa bahay niya ako nakatira.


"Babe, I'm sorry but she needs me." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "I'll make it up to you. I promise."

He kissed me again before he left without even looking back at me.


Kailangan ka niya pero pano naman ako?


Humiga ulit ako nang marinig na sumara ang pinto. I feel so empty.


I've been feeling nauseous this past few days and this morning is not an exception. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw kaso wala akong chance. Palagi siyang nagmamadaling umalis. Minsan kapag nagigising ako wala na siya sa tabi ko, mababasa ko nalang sa text na tinawagan daw siya ni Calla.



It's the same today. I looked at the empty bed beside me. Then I looked outside the window. Walang araw. Mukhang uulan ngayon. Why do I always feel so empty?


Agad akong tumakbo papunta ng banyo nang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. I looked at myself on the mirror and my attention was caught by what I saw behind me. It was my menstrual pads. My lips parted.


When was the last time I had a period?


No. No. No.

Mabilis akong naligo at nagbihis upang pumunta sa pinakamalapit na drug store. Bumili ako ng tatlong pregnancy test kit. Umuwi ako ng bahay at nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang isa.


Positive.

I took the other two kit and it's all the same. Two lines. Napatakip ako sa bibig ko at napatingala nang magsimulang tumulo ang mga luha mula sa mata ko.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako. Pano kung hindi pa handa si Klaus? What if he doesn't want my child? I clutched my stomach and breathed in deeply. Then a flash of images of a smiling Klaus flooded inside my head. I suddenly felt relaxed. He loves me. That man loves me. I'm sure he'll accept our child.



Nagluto ako ng dinner at hinintay na makauwi si Klaus. Tinext ko na din siya pero hindi siya nagreply. Nakapag desisyon na ako na sasabihin ko na sa kanya ngayong gabi ang tungkol sa pag buntis ko. I'm sure he'll be happy the same happiness I felt when I found out.


Tumingin ako sa orasan. 9 pm na pero wala parin siya. Usually naman tinetext niya ako kapag late siya makakauwi. Umiling ako. Baka marami siyang inasikaso sa opisina. Maraming pwedeng mangyari. I waited for him at halos nakatulog na ako sa kakahintay. I woke up when I heard the door open.



"Klaus? Ikaw na ba yan?" Kinusot ko ang mga mata ko at nakita siyang palapit sa akin.


"Babe, I'm sorry. I had an emergency." I clung my arms and smelled his neck. Ang bango.


Sa sobrang adik ko ngayon sa amoy ni Klaus, mas gusto kong sinusuot ang mga tshirt niya kesa sa mga silk na night dress na binili niya para sa akin. Siguradong pati si baby favorite din ang amoy ng daddy niya kaya ganon.


"Kumain ka na ba?" Tumango siya. Nadismaya naman ako pero agad kong inalis iyon sa isipan ko dahil ayaw kong masira ang mood kapag sinabi ko na sa kanya.


"Klaus, I have something to te—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang phone niya. Agad niya yong kinuha at sinagot.


"Yes, I'm coming. Dumaan lang ako sa bahay saglit." He kissed the top of my head. "Okay. I'll be there soon."



"Aalis ka?"


"Calla called and she said she need—"


"Calla nanaman?" Pinipilit kong wag ipahalata ang galit sa boses ko dahil hanggang maari gusto kong maging kalmado ang pag uusap namin.


"Babe, I know. I'm sorry but she needs me."

"At ako hindi?!" This time my voice was louder, my pitch was higher. Hindi ko mapigilang kumulo ang dugo ko nang marinig ang babaeng iyon.


"Come on Kaye!" Tumayo na siya at naglakad papunta sa kwarto. I tried to prevent my tears from falling. "Not now. Pagod ako."


"Then stay. Hindi na tayo nagkakausap ng maayos. We don't even have a proper meal together! I need you too!"



"Don't be too selfish Kaylareen. Buntis si Calla at kailangan niya ng tulong ko." Gustong gusto kong sabihin sa kanya na buntis din ako. Na dala ko ang anak niya pero hindi ganito ang nasa isip kong kakahinatngan ng pag uusap namin.


"Kailangan din kita."


"You're being childish." Isip bata? Pagiging isip bata na ba ang kailanganin siya? Nung isa lang sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Totoo naman na kailangan ko din siya.



"Dito ka lang." Hindi niya ako pinansin at patuloy sa pagpalit ng damit.



Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating siya sa sala at palabas ng pinto. Hindi ganito ang gusto ko. Ayoko ng ganito. Napahawak ako sa tiyan ko. Kung mahal niya ako dito lang siya sa tabi ko. Sa tabi ng anak namin.



"Kapag umalis ka, wala ka nang babalikan." Natigil siya sa pag pihit ng pinto. "Stay Klaus. For me."


Humarap siya sa akin at tinitigan ako. I matched his stare. Gusto kong malaman niya na seryoso ako. He sighed. He was about to walk towards me but his phone suddenly lit up. Napatingin siya doon at napabuntong hininga.



"I need to go Kayla. We'll talk about this in the morning." Yun lang ang sinabi niya bago siya tumalikod at iniwan akong nakatayo. Tears started to pour from my eyes.


Sabi niya mahal niya ako pero bakit parang ako yung desperado sa atensyon niya? Mababaw na kung mababaw pero ngayong gabi lang naman ako humiling. Ngayon lang.



I immediately went to his room and took some of my clothes before I found my way out of his house and out of his life.

Continue Reading

You'll Also Like

28.6M 270K 53
PUBLISHED UNDER SIZZLE (SUMMIT MEDIA) Love. Regrets. New Beginnings Katherine Rosales is head over heels in love with Liam Martinez, her husband...
366K 11K 35
Samantha just married the love of her life and she can't be happier. But when she thought that things start to fall into place, she discovers that s...
Alluring Mask By Shangpu

General Fiction

418 54 11
Valentina Imara Meadows a beautiful woman with a fierce aura. Sa paningin ng ibang tao ay perpekto na ito. Oo nga naman perpekto na siya dahil na sak...
40K 1.2K 21
Who says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.