Cage My Spirit

By EuropaJones

12.1K 1.2K 228

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
EPILOGUE

Chapter Twenty-Six

445 35 4
By EuropaJones

DUMILAT AKO.

"Ano?! Iiyak ka na naman?! Anong kwento na naman ang ibibigay mo sa akin ngayon? Ang gawin mo, kumuha ng pad paper at doon mo isulat ang talambuhay mo! Imposibleng wala kang pambayad na naman! Dalawang buwan na kayong delayed! Sorry, Tatang. Makakaalis na kayo."

Nalanghap ko ang pamilyar na usok ng siomai, burger steak, French fries... Naroon din ang pamilyar na ingay. Ang pagkiskis ng sandok sa kawali, ugong ng usapan ng mga customer, at...ang boses ni Maki. Malalim at ubot ng lamig.

Tumingin ako sa paligid. Mabigat ang mga mata ko dahil sa luha. Pero malinaw ang aking paningin.

Tinangay ako ng malakas na pwersa sa loob ng malawak na kadiliman, palayo kay Maki. Kukunin dapat ni Vixon ang katawan ko, ayon sa kasunduan. Nasaan ang pakpak ko? Akala ko ba, gagawin niya akong agila? Bakit ako nandito? Nasaan si Vixon at Agatha? Kinapa ko ang sarili, tinitiyak na kompleto ako at buhay.

"Sigh! Ilang taon na kasi kayo, Tatang. Hindi na kayo dapat nagtatrabaho. Pasensiya na. Huli na ang tawad ko last month. Kung hindi kayo magbabayad, umalis na kayo. Rodrick, ikaw na ang bahala kay Tatang. Aalis na siya."

Lolo Pepe!

"Teka lang po, Sir Chua Ma Qui. Ito po. May pambayad ako." Lumabas siya ng kaniyang bakery at lumapit kay Maki. Hawak ang gintong punseras, umakto si Lolo Pepe na isusulot ito sa kaliwang kamay ni Maki.

"TEKA LANG!!!" sumigaw ako.

At doon tumingin ang lahat ng tao sa akin. Tumigil silang lahat sa kanilang usapan at pagkain. Lumingon sa akin si Maki at naglakihan ang mga mata niya nang makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang boobs.

Tinignan ko ang sarili.

Gasp!

Bakit suot ko ang masikip na damit ni Jenny?!

"Miss Jaira Geronimo? May sasabihin ka ba?"

Tinignan ko siya. Maputing kutis. Magulo ang wavy na buhok at bumabagsak ang bangs sa kaniyang noo. Suot niya ang reddish brown pants, at folded black polo shirt.

Tatlong hakbang lang at naabot ko siya agad. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Pero... Kumuha ako ng sapat na distansiya. Pinigilan ang sarili. Kinuha ko ang gintong punseras mula kay Lolo Pepe.

Anong nangyayari?

Teka parang... Bumalik ako sa umpisa.

Tinitigan kong maiigi ang gintong punseras na suot ni Maki noon.

Tumingin ako kay Lolo Pepe at umiling. "Wag, Lolo Pepe. Tama na. Wag mo 'tong ibigay sa kaniya."

Tinitigan ako ni Lolo. At alam niya agad ang nilalaman ng isip ko. Lumawak ang ngiti niya. Kinuha niya ang gintong punseras mula sa akin at tinago sa kaniyang bulsa. Inayos niya ang suot na sombrero at bumalik sa loob ng bakery.

At para akong nabunutan nang malaking espada sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim. Tapos na.

My Maki was whole again. Complete. Tucked inside his body. Safe and sound.

Wala akong pwedeng sabihin sa kaniya. Dahil paano ko sasabihin ang isang bagay na ako lang ang nakaka-alala? Pinalis ko kaagad ang aking luha bago pa sila tumulo.

"Miss Jaira?" kumunot ang noo ni Maki, "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Para siyang nanigas sa kinatatayuan. Inangat niya ang kamay at agad ding binaba, hindi alam kung hahawakan ako o hindi.

Ang tanga ko. Bakit hindi ko nakita noong una pa? Torpe si Maki.

Umiiyak, yumanig ang balikat ko kakatawa.

Tumingin ako kay Lolo, humihingi ng eksplenasyon. Ngumuso siya kay Maki, hinihikayat akong lumapit.

Alam ko na ngayon.

Nabasag ang mga gintong punseras. Kapag nasira ito, ibabalik ako ng mahika sa eksenang 'to—ang simula ng lahat. Teka lang. Hindi na ako ang dating Jaira noong umpisa. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga bagay na hindi ko nakita noon tungkol sa sarili ko, sa kaluluwa at katawan ko, at tungkol sa puso ni Maki pati na din ang tadhana naming dalawa.

Naalala ko ang mga palm reading session namin ni Lolo Pepe sa tapat ng bakery. Sabi niya noon, nasira daw ang kapalaran ko. Naging OFW ako sa Malaysia, biktima ng human trafficking. Muntikan na daw ikasal ang tinadhana kong asawa sa ibang babae.

Ngumiti ako kay Lolo Pepe. Alam kong mahal niya ako na parang tunay niyang apo. Wala akong kailangan patawarin. Lahat ng ito, ginawa niya para tulungan kami ni Maki na sundin ang aming tadhana. Narito si Lolo para tiyakin na tuluyan nang maghihilom ang sugat sa puso ko matapos masira ang aking kapalaran.

Paano't hindi ko alam noon na kaharap ko na pala ang tadhana ko? Siya ang aking kabiyak, at dalawang beses na siyang dumulas sa mga daliri ko. Hindi na 'yon mangyayari ulit.

"Tapos na ang trabaho ko sa inyong dalawa," sabi sa amin ni Lolo Pepe, "Sa wakas."

Lumingon si Maki sa kaniya. "Ano pong sinabi niyo?"

"Wag kang mag-alala kay Vixon," sabi ni Lolo, "Kahit dulo ng kuko mo, hindi na niya mahahawakan."

Mayroong mga tao na perpekto sana para sa isa't-isa. Kaso nasa magkabilang pahina sila ng libro. Malabo. Malayo. Dito pumasok si Lolo Pepe. Ginamit niya ang punseras at mahika para ibalik ang mga nawala sa akin.

"Sino si Vixon?" tanong ni Maki, litong-lito.

Walang babala, hinawakan ko ang mga kamay niya, pinagkrus ang aming mga daliri. Narinig ko siyang suminghap sa gulat at muntikan na ako matawa ulit.

"Miss Jaira?" palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa mga kamay naming magkabuhol.

"Maki? Do you want to go out with me today? Kain tayo ng lunch. Gusto mo ba sumama sa akin?"

......

......

Tumabingi ang ulo ko at tinapunan siya ng naaaliw na tingin. Bilog na bilog ang Chinese niyang mga mata, umuwang ang kaniyang bibig—nagmistulang kweba para sa mga langaw. Lumaki ang butas ng mga ilong niya. Hindi siya huminga. Kumalat ang dugo sa maputi niyang mukha—sing pula siya ng kamatis. Dama ko ang panlalamig ng mga daliri niya.

Humagikgik ako.

Lumapit si Rodrick at tumikhim, binabalik sa katinuan ang amo niya. "Sir, the lady asked you a question."

Napalunok si Maki. "I-I-I... Uhm..." Napatitig siya sa ngiti ko at nawala na naman ang aking torpedo.

Hinatak ko siya. "Tara! Kain tayo sa Jolibee. Libre ko."

"Pero paano ang tindahan mo? Wala ang pinsan mo. Sinong magbabantay?" tanong ni Maki.

"You know what? I really don't care about that now. Kung alam mo lang... Mahaba ng nilakbay ko para makabalik dito. Pagoood na pagoood ako." Pinisil ko ang kamay niya.

"Rodrick! Bantayan mo ang tindahan ni Miss Jaira," namumulang utos ni Maki sa assistant/driver niya.

Binigyan ko si Lolo Pepe nang huling ngiti. Paalam. At gumanti siya ng simpleng kindat.

Sabay kaming naglakad sa sidewalk papunta sa Jolibee.

"Miss Jaira, do you remember the first time we shared a decent conversation?" pagbasag ni Maki sa katahimikan.

Ngumiti ako. "Of course! I still remember! We were talking about books and audiobooks."

"Buti naman naalala mo," sabi niya, tinatago ang ngiti, "May ibibigay ako sa 'yo ngayon."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
2.9K 205 29
At first it was just a peaceful favorite place of mine, then he came to the picture. He became my friend, turns to my boyfriend. But why the hell he...
3.5M 49.6K 72
Published Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag n...
537 67 16
(Ongoing) || We have seen her in the story of Zarina Villaruel. We know that she was a Christian who wanted out. But was that the end of her? Will we...