Cage My Spirit

By EuropaJones

12.4K 1.2K 230

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight

Chapter Twenty-Three

353 33 4
By EuropaJones

TALAMAK ANG mga turistang naghihintay sa entrance ng Huwon—mas kilala bilang Secret Garden. Bumili kami ni Chua Ma Qui ng dalawang ticket. Katatapos lang namin lumibot sa maliit na grounds ng Changdeokgung Palace. Kalapit lang nito ang entrance ng hardin, at may sariling bilihan ng ticket. All in all, gumastos kami ng 8,000 Korean Won para sa dalawang ticket. Group tours lang ang paraan para makapasok sa loob. Kailangan maaga para maabutan ang schedule ng tour guide. It was some sort of crowd control to maintain the cultural heritage of the secret garden, Chua Ma Qui said.

Eleven na ng umaga nang dumating ang tour guide at pumasok kami sa loob. May narinig akong nagsalita ng Japanese, Mandarin, at Filipino. Iba't-iba ang turistang kasama sa group tour. Kaya ang Chinese tour guide, nagsalita gamit ang English.

"I hope you find your shoes comfortable," sabi ni Chua Ma Qui, "Because it's three kilometers walk inside here."

Tumaas ang kilay ko. "Three kilometres?"

"You chose the right time to visit. It's autumn. The leaves are falling from the trees."

Lumampas kami sa archway ng entrance at sinalubong kami ng nagtataasang maple trees. Umihip ang malamig na hangin, kumumpas ang sanga ng mga puno, umulan pababa ang dilaw, pula, at tuyong dahon ng mga puno. Humantong sila sa semento, balikat, at buhok naming lahat.

Pinikit ko ang mga mata at nilanghap ang amoy ng puno. Sandali kong inipon sa baga ang matamis na amoy, dumiretso ito sa aking puso, saka ko sila binuga palabas ng aking bibig. Dumilat ako at ginila ang paningin sa pathway. Mala-ginto ang sikat ng araw na tumatama sa bawat lugar, halaman, tao, at tubig. Kumikinang ang buhok ng mga turista, maging ang kanilang mga balat sa liwanag. Masisilaw ka sa tuwing titignan ang dilaw, pula at tuyong mga dahon.

Tumingin ako sa kanang punseras na suot ko. Kahit paano, nalulungkot ako. Siya lang ang hindi ko nakikita ngayong maliwanag. Hanggang ngayon, kahit isang salita, wala siyang sinasabi. Kapag ganitong maliwanag, palagi kong ini-imagine ang kaluluwa niya sa tuwing magkausap kami noon. Ngayon, kasama ko na ang katawan niya.

Hindi na ako nakinig sa Chinese tour guide kasi nakapalibot ang lahat ng mga turista sa kaniya. Ang hirap sumingit. Kaya kinwentuhan ako ni Chua Ma Qui ng mga bagay-bagay tungkol sa palasyo. Considered ng UNESCO bilang World Cultural Heritage site ang Changdeokgung Palace, kaya sa lahat ng palasyo sa South Korea, ito ang most preserved. Tirahan ito ng mga hari noong Joseon Dynasty. Nasira ito noong sakupin ng Japan ang bansa, at muling tinayo. Ang sabi pa niya, ang ilang puno na nakikita ko sa malawak na hardin ay higit 300-years-old.

"Kung sobrang lawak ng garden, paano pa siya naging sikreto?" tanong ko.

"Only royal bloods can enter the garden. Not even the highest official in the King's court can proceed inside without the King's approval. You see, it's a beautiful place where royals sit down and reflect about life. They were able to write poems, stories, draw paintings, and even create political strategies inside the forbidden garden."

Matapos niyang sabihin 'yon, natunghayan naming lahat sa kaliwa ang Buyongji Pond at Juhamnu Pavilion. Mas kilala sila sa pangalan ng Lotus Pond at Lotus Pavilion. Pagpasok pa lang, makikita ang lotus sa pond pati ang magiting na pavilion sa tuktok ng hagdan. Ang yabong ng mga punong nakapalibot sa buong lugar. Bumabagsak ang mga dahon, sunud-sunod, pinaglalaruan ang aming mga mata. Para kang naglalakad sa loob ng isang painting.

Abala ang mga turista sa pagkuha ng litrato.

Nilampasan namin ang maliit na archway na nagsilbing entrance ng Juhamnu Pavilion. Hindi pwedeng pumasok sa loob kaya doon lang kami sa tuktok ng hagdan para kumuha ng litrato. Nilabas ko ang DSLR camera na hiniram ko kay Papa at kumuha ng mga litrato at selfies. Hiyang-hiya ako. Nilabas ni Chua Ma Qui ang sariling phone at kinuhanan ako ng litrato.

Pumwesto kami sa tuktok ng hagdan, sa ilalim ng mayabong maple tree. Scarlet red ang mga dahon nito, bumabagsak sa aming dalawa, binabalot kami sa humahalimuyak nitong bango.

Mula doon, tinignan namin ang kabuuan ng Lotus Pond. Sumasalamin sa berde nitong tubig ang makukulay na puno sa paligid. Lumulutang doon ang mga dahon.

"Do you believe in souls leaving the body?" tanong sa akin ni Chua Ma Qui, "Like astral projection." Hinagod niya ang buhok, at tumulala sa pond

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit mo naman natanong?"

"Tulog ako ng dalawang linggo. Wala akong masyadong naalala. Pero nanaginip ako."

Napalunok ako. "Tungkol saan?"

Saglit siyang nanahimik. "Limot ko na ang iba. Dumulas sila sa kamay ko. Pero may nakita akong babae. Siya lang ang malinaw sa lahat. Hanggang ngayon, naririnig ko pa din ang iyak niya."

"Sino?"

"Nasa loob kami ng isang madilim na lugar. Bumabagsak ang ulan sa katawan niya. Tumatagos naman sa akin ang tubig. Wala siyang saplot sa katawan. Umupo siya at saka umiyak nang malakas."

Sumabay sa awit ng mga ibon, kaluskos ng dahon, ingay ng mga turista ang kabog ng puso ko.

"Ang sabi niya," lumingon siya sa akin, "Ang sakit, Maki."

Naalala ko ang eksena sa loob ng aming bahanyo. Halos wala na akong saplot sa katawan noon nang pumasok ako sa shower area para maligo. Nasaktan ako sa sinabi ni Juno at Jiro. Umupo ako sa sahig at umiyak, ang liwanag ng kaniyang kaluluwa ang tanging bumabalot sa mga sulok ng bahanyo.

"Sometimes when we dream, all that's left was what we felt. All I wanted to do that moment was touch her, but my hand keeps going through her skin," kumunot ang noo ni Chua Ma Qui. Inangat niya ang kamay at hinaplos ang aking buhok. Inikot niya sa daliri ang ilang hibla. "Hmmm... So this is what it feels, touching her hair."

"Maki? Anong dahilan mo? Bakit mo ba talaga ako sinundan dito?"

"Ikaw ang babaeng nasa panaginip ko. Ikaw ang babaeng umiyak sa dilim. Boses mo 'yon. Tinawag mo akong Maki," he cupped my cheeks, "Gusto ko ng mga sagot, Jaja. Bakit ka nasa panaginip ko?"

"Ahhh!"

May narinig akong dumaing sa sakit. Boses ni Chua Ma Qui. Pero hindi naman sa kaniya galing ito. Agad kong nalaman na boses iyon ni Maki, nasasaktan sa tuwing hahawakan ako ng katawan niya. Mabilis pa sa alas kuwatro na sinupalpal ko ang kamay niya at humakbang paatras. Hindi natuwa si Chua Ma Qui sa ginawa ko. Agad bumalik ang blangkong ekspresyon ng kaniyang mukha at tinagis ang bagang.

"Nakikita ko sa mga mata mo na hindi sila panaginip," kinuyom niya ang mga kamay, "Totoo sila."

"You're being presumptuous. Paano mo nasasabing totoo sila?"

"Your name was on my lips the moment I opened my eyes. I remember even if it was just a blur. You were sitting beside me. We were silent... It was a cold morning... In front of the rolling mountains..." pumikit siya at sinapo ang ulo, hirap na hirap, "You smiled, your heart was pounding peacefully. The sun began to rise; I disappeared like the moon and stars."

Silence.

"Sinabi ko ang pangalan mo at pagdilat ko, nasa loob na ako ng kwarto ko sa ospital."

Silence.

"I haven't been entirely myself these past few days," dumilat siya at tumingin sa paligid, huminga siya nang malalim, "Everything around me doesn't have meaning. I called it absence of burden. And I became light. Lighter than air. It is unbearable...this lightness of being. But It feels liberating somehow. I have been freed from the barriers of my fear."

"What do you mean freed?"

"Handa na akong saksakin ng kutsilyo ang snatcher na umatake sa 'yo. Alam kong mali ang pumatay. Kaso hindi sapat ang kaalaman na 'yon para wag siyang patayin. Walang epekto sa akin ang konsensiya, gusto ko siyang saktan. Iyon ang gagawin ko kung hindi mo ko pinigilan. Naiintindihan mo ba? Wala akong nararamdaman." Tinaasan niya ang presyo ng renta sa Divisoria, sabi pa niya. Matagal na daw niyang iniisip na gawin 'yon pero hindi niya magawa dahil sa awa. Ngayong malaya siya sa kaniyang emosyon, naisipan niyang taasan ang presyo.

"But that's impossible!" reaction ko, "You feel pain. Sinaksak ka ng snatcher sa braso. Siguro naman, may naramdaman kang masakit."

"Yes. I felt the pain. But my world didn't revolve around it. The pain was just lying above my head, it was there. And I didn't realy mind," sabi niya, "Even now. In the season of autumn, my body is cold but I didn't mind my freezing hands. If you would allow me to be honest, I want you to know... Kumakalat ang init sa buong katawan ko sa tuwing hahawakan kita."

Napayuko ako at tinignan ang aming mga sapatos.

"Kaso agad ding nawawala kapag tinutulak mo ako palayo."

"Anong klaseng init ang nararamdaman mo?"

"Lahat ng emosyon ko, konsensiya, lahat ng pwede kong maramdaman...para silang nilagay sa isang kahon at hawak mo, tinatago mo. Binibigyan mo 'ko ng init sa katawan. Kapag umatras ka palayo, namamatay ako sa lamig."

"Niloloko mo lang ako."

Sumeryoso ang mukha niya. "Nagsasabi ako nang totoo, Jaja. Ang init na 'yon ang dahilan kung bakit kita sinundan dito. Nalilito ako. Mayroon akong hindi naiintindihan tungkol sa sarili ko. Wala sa Pilipinas. Wala sa ibang bansa. Nasa 'yo ang sagot. May kinalaman ang lahat ng 'to sa 'yo. Ikaw at ikaw lang."

"Kung sa iba mo siguro sinabi 'yan, pagtatawanan ka nila," sabi ko, "Pero sa totoo lang, naiintindihan kita."

"You don't believe me. So don't say that."

"No. It's true. I understand you too much, I may be puting you in danger."

Kumunot ang noo niya.

"Siguro tama ka. Lumalabas ang kaluluwa sa ating katawan. Siguro ganoon ka. Gumising ka mula sa comatose. Naglalakad ka araw-araw at hindi mo alam. Wala kang kaluluwa, Maki."

"How could you possibly know what I feel?"

"You have a missing soul. And I have a soul that sleeps. Parehas lang tayo. Kumakalat ang init sa buong katawan ko kapag kasama kita. Ginigising mo ang kaluluwa ko." Mas sinasabi ko 'yon sa kaniyang kaluluwa. Alam kong hindi ako naiintindihan ng katawan niya.

Ngumisi siya. Inangat niya ang kamay, at parang hindi siya sigurado kung hahawakan ako sa pisngi. Hanggang sa napagpasyahan niyang sumubok ulit at damhin ang init ng aking balat.

"AHHH!!!" daing ng kaluluwa niya.

Yumuko ako at huminga nang malalim. Maingat kong inalis ang kamay niya sa akin. Umatras ako.

"Maybe you're right," sabi ni Chua Ma Qui, "My soul is missing. I wonder where it is. Do you have it?"

"What?" tumingin ako sa kaniya.

"Do you have my soul in your hands?"

Nagtama ang aming mga mata. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 644 40
Ashienna Quistana, "True love is for people who can wait. And 'wait' can last into love that is true"
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
45.5K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
86.4K 4.4K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...