Lashton Academy: School of Va...

By Shadesboo

43.8K 1.5K 119

“I was born to be a human—but was not meant to be.” –Nia. More

Lashton Academy: School of Vampires
#1: How it all started
#2: I'm not...
#4: Explanations
#5: What happened to Jasper?
#6: Friends?
#7: Alive
SPECIAL NOTE!

#3: The new teacher

3.7K 162 11
By Shadesboo

#3: The New Teacher

Ang bilis lumipas ng araw. Parang walang nangyari nung nakaraang araw dahil back to normal na naman. Tulad ng pinangako ko sa President, wala akong pinag sabihan tungkol sa nalaman at nakita ko at kahit sabihin ko man sa iba, alam kong mali dahil hindi naman nila ako paniniwalaan unless may proof. Kaya I choose to shut my mouth nalang.

At tulad ng sabi ko, back to normal. What I mean about is, “Nia, naka tingin na naman siya.” Bulong sa akin ni Aly habang nag papanggap na nakikinig sa klase namin.

Sumilip ako kay Jasper; totoo nga, naka tingin siya sa akin kahit nakakahalatang hindi siya nakikinig. Mabilis akong pumunit ng page sa note book ko, nag sulat ako ng malalaki at hinarap sakanya para mabasa niya.

Nang mabasa niya ay umiwas siya pero pag baba ko ng papel, tumitig na naman siya.

Tsk. I said, stop starring! Hindi niya ba nabasa?!

Hindi ko nalang siya pinansin at nag sulat nalang ng notes.

Natapos ang Math subject namin at ang sunod naman ay History. Medyo maingay na ang klase dahil ang tagal dumating ni Miss.Orit. Pero maka lipas ang ilang minuto, may pumasok na isang lalaking nasa mid-20’s ang age. Naka suot siya ng salamin, may bitbit na libro at formal ang suot na damit. Naka ngiti siya noong humarap sa buong klase.

Narinig ko ang pag hinga ng malalim ng iba kong kaklaseng babae kasama si Aly. Ang sunod ko nalang narinig ay yung tilian at bulungan na kesyo ang gwapo, hot o kung ano-ano pang mga words na pare-parehas lang naman ang meaning.

“Kyaaah, ang cute niya.” Bulong sa akin ni Aly na halatag kinikilig.

I faked a smile and nod at her, “Oo nga.” Totoong gwapo, pero ano ba ang ginagawa niya sa room namin?

“Ahem,” Isang salita, biglang natahimik ang lahat. Lahat kami ay naka tingin sakanya and when I say, lahat, kasama doon si Jasper which I found weird dahil kakaiba ang tingin niya sa lalaki. “I’m your new teacher in History, you can all call me Mister Gummy or Sir Gummy. Baguhan lang ako so—“

“sir! Sir! Bakit gummy name niyo?”

“Sir! Saan po kayo nanggaling?”

“Sir, ang cute mo po!”

“Sir! Single ka?”

“Sir!”

“Sir!”

“Sir!”

Napabuntong hininga ako. Well, kapag mga fangirl types talaga ang mga kaklase mo, talagang hindi mo maiiwasan ang ganitong scenario. Habang isa-isang sinasagot ni Sir…er…Gummy ay tinignan ko si Jasper. Nakita kong naka yukom ang mga kamao niya, ang lalim at ang lamig ng titig niya kay Sir. Nakapag tataka, bakit kaya?

Natahimik ang lahat, para bang may dumaang anghel, nang biglang tumayo si Jasper. Kinuha niya ang bag niya at nag lakad palabas. Sinundan ng tingin iyon ni Sir Gummy at saglit kong napansin ang iba niyang tingin bago ngumiti ulit sa klase na para bang walang nangyari.

“I think I’m done with the introduction, so, may I start with the discussion?”

“Opo!” Sabay sabay nilang sagot.

**

Natapos ang kalahati ng araw at hindi ko ulit nakita si Jasper. And I’m wondering, bakit ko ba siya iniisip? Like I care pero aissh! Nakaka-curious kasi!

“Oy, wala ka bang balak kumain?” Bumalik ako sa wisyo nang umupo si Aly sa harapan ko, may dalang tray na punong-puno ng pag kain.Lunch time na kasi at nandito kaming dalawa sa cafeteria.

Pinakita ko sakanya ang hawak kong sandwhich, “Wala akong gana kaya ito nalang muna kakainin ko.”

“Ha? Eh hindi ka nga din nag almusal kanina, bakit hindi ka gutom? May sakit ka ba?”

“Wala. Okay lang ako, tinatamad lang akong kumain.”

“Abnormal.”

Tahimik siyang kumain ng binili niyang lunch. Actually, libre naman ang kinakain namin dito dahil kasama iyon sa mga binabayaran ng mga magulang namin. Wala kaming ibang pinag gagastusan kaya hindi namin kailangan ng allowance dito.

Habang tahimik kong kinakain ang sandwhich ko, bigla kong na-sense si Sir Gummy. Hanggang ngayon, na wi-weird-an ako sa name niya. Hindi nga ako nag kamali. Pag lingon ko sa gilid ng cafeteria, nakita ko si Vice President which is Caleb na nakikipag usap kay Sir Gummy. Nagulat pa ako nang bigla akong tignan ni Caleb. He looked frustrated.

Saglit akong napa tigil sa pag hinga dahil imposibleng Makita pa ako ni Caleb sa layo ng pagitan namin. And it hit me. Tulad sa mga librong nababasa ko, Vampires have advanced senses. They can see you even if they’re not looking at you, they can smell you, they can track you…

“Nia?” Mabilis akong napa tingin kay Aly nang mag salita siya. “Kanina ka pa talaga nabablanko, anong problema mo?”

“Wala. May iniisip lang.”

“Ano naman ‘yun?”

Aissh. Anong ipapa-lusot ko, Nia, think! “U-uhm… Yung formula doon sa test natin kanina sa math, hindi ko kasi matandaan kaya hindi ko nasagutan yung ilang mga tanong. Baka lowest ako.”

I felt guilty. Ever since nang maging kaibigan ko si Aly, this is the first time I lied to her. And I guess… may dadating pang mga bagay na hindi ko masasabi sakanya.

**

“Psst.”

Nasa likod ako ng Senior building. Napag utusan kasi ako na dalhin ang ilang mga hindi na ginagamit na box dito sa likod. Malas nga eh, nakaka pagod kaya mag pabalik-balik!

“Psst.”

Kanina pa din ako nakaka rinig ng sumisitsit pero wala naman akong ibang makitang tao sa paligid. Kaya hindi ko nalang pinapansin.


”Psst!”

“Tsk. Nasaan ka ba?!” Hindi ko na naiwasang mainis. Kanina pa talaga eh! Lumingon ako sa paligid. Dito sa likod ng building ay sakop parin ng LashtonForest kaya mapuno. At mula sa likod ng isang puno, sa ‘di kalayuan, may lumabas na babae na kasing edad ko lang.

Ngumiti siya sa akin—yung tipong ngiti na nakakapanlamig kasi ang creepy.

“Kanina mo pa ako tinatawag, ano ba ang kailangan mo?” Tanong ko sakanya. Hindi naman niya ako sinagot. Dahan-dahan lang siyang nag lalakad papunta sa akin at napansin kong may disorder siya.

Nag lalakad siya habang yung dalawang kamay niya ay parang patay na nasa harapan niya. Medyo naka bend siya kaya parang kuba na din siya. Lalapitan ko sana siya para tulungan siyang mag lakad nang mapansin ko ang mga mata niya.

Those eyes... Katulad nang kay Caleb noong nakita ko siya sa LashtonForest.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko at tila biglang nawala lahat ng enerhiya ko. Hindi kaya… Hindi kaya masama siyang bampira? Pero kung maka tingin siya, parang ngayon lang siya naka kita ng tao.

“Wa-wag kang lalapit!” Tinaas ko ang kamay ko, signing the girl to stop. Pero nung gawin ko yun, tumakbo siya casuing me to panic at natumba nalang ako sa lupa.”Tu-tulong!”

“STAY. BACK.”

Dalawang salita, malamig na boses, biglang tumigil ang babae. Natabunan ako ng anino niya dahil bigla siyang nag materialize sa harapan ko, tila naging shield. Ang tangkad niya. Naka-hinga ako ng maluwag.

Somehow, alam kong ililigtas niya ako.

Pero nagulat ako nang may dukutin siya sa gilid ng suot niyang slacks, isang baril na pinag halong kulay itim at abo. Itinutok niya iyon sa babae na ngayon ay parang natatakot at natatarantang naka salampak din sa lupa tulad ko.

Nang Makita kong natatakot siya, naawa ako. “Wa-wag!”

“Stay back Miss. Soh,” biglang nawala yung pala-ngiti niyang mukha na kaninang pinakita niya sa buong klase. I caught my breath, bakit alam niya ang pangalan ko? “Let me handle this—kung ayaw mong maka kita ng actual death, pumikit ka.”

Kahit sinabihan niya akong pumikit, hindi niya din naman ako hinayaan. Pinihit niya ang baril at kahit walang tunog na kumawala sa pag pihit niya, kitang kita ko kung gaano nasaktan ang babae. Walang dugong lumabas sa parte ng katawan niya kung saan siya tinamaan ng bala. Instead, para siyang tubig na nag evaporate at nang matunaw ang buo niyang katawan, naging abo na.

Humarap naman siya sa akin na para bang walang nangyari, lumuhod sa harap ko at chineck kung okay lang ako. “Wala ka bang sugat?”

Wala sa sarili akong umiling.

“Good.” Tumayo siya at tinulungan naman akong makatayo. “Isang Asterus iyon, a human who was bitten by another Asterus and turned into one, too. Luckily, hindi ka nakagat dahil kung minalas ka, baka abo ka na din ngayon.”

“Pa-paano mo…”

“Isang Escovalus gun ang ginamit ko at kung nag tataka ka kung bakit ang isang teacher na tulad ko ay merong ganito kahit bawal ang mga ganitong materyales sa loob ng school na ‘to, iyon ay dahil isa akong Blood Hunter mula sa Ministries of Blood. Alam kong may alam ka na tungkol sa mga bagay na iyon kaya gusto kong sabihin sa’yo ‘to,” Saglit niya akong tinignan na para bang hinihintay ang signal ko na mag patuloy siya.

“Ano po yun?”

Mag ingat ka. Pero wag kang mag-alala, pinadala ako ng mga nakaka-taas para protektahan ka sa kahit na anong hamak. At isisikreto mo ang lahat.” 

Continue Reading