A Beautiful Soul

By baboylovesme

826 325 51

Monica died and she doesn't deserve a second chance pero pinagbigyan siya by putting her soul accidentally to... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 10

27 15 2
By baboylovesme

Napabuntong hininga si Monica ng ilang beses habang nakatingin sa walang saplot na si Gabriel na nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog at humihilik pa.

Konting konti nalang, may nangyari na sana sa kanila. Pero nakatulog si Gabriel sa kalagitnaan ng halikan nila at nakakahiya mang sabihin pero nag expect siya.

Her soul knows her boundaries. Pero hindi niya mapigilan ang urge na nararamdaman ng katawan ni Anna. It feels like she can easily be swayed lalo na paghinahalikan siya ni Gabriel. Ibig sabihin, her body can't resist his desires.

Monica knows she's not attracted to Gabriel pero it's his gestures that makes her drown to him. Hindi siya nakatulog magdamag kakatingin sa mukha niya. His face looks so innocent that she's ashamed of herself.

Dumiretso siya sa banyo nang naramdaman niyang nasusuka na naman siya. Morning sickness again. Kaya hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan. Kahit pilit niyang inaalis ang mga alaala, pilit pa rin itong bumabalik sa isip niya na parang déjà vu ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Napatingin siya sa salamin pagkatapos niyang magsuka at maghilamos.

Is this my second chance? Nararamdaman niya ang tibok ng maliit na nilalang sa puson niya saka pumatak ang luha nito.

This is not my child but why do I feel this kind of connection? It feels like I owned this little one.

Nabigla siya nang pumasok sa loob ng banyo si Gabriel at niyakap siya nito na tanging boxer shorts lang ang saplot, "Good morning love,"

Naramdaman na naman niya ang tension sa katawan niya. Especially when his manhood strikes her butt. At dahil naka night gown lang siya, ramdam niya agad ito. "Did you feel it?" Pilyong tanong ni Gabriel.

Monica closed her eyes. She wanted to battle this kind of feeling. But this body feels like a magnetic field when he's closer as this.

"S—Stop Gabriel, masama ang pakiramdam ko. Morning sickness." Monica's alibi, although she's losing her mind.

Natigilan si Gabriel saka napadungaw sa mukha niya, "Really? God, I'm so sorry. Do you want something?" Maamong tanong nito dahilan ng pagngiti ni Monica.

"Cook me something." Utos niya.

Habang nasa kitchen sila ay panay ang tawanan nilang dalawa. Nagluluto kasi si Gabriel habang sumasayaw. Hindi siya magaling sumayaw pero nakakatawa siya sa paningin ni Monica kaya panay ang tawa niya.

"Did we just have sex last night?" pabirong tanong ni Gabriel na ikinabigla ni Monica.

"Natulog ka kaya in the middle of our kiss." Pabirong sagot ni Monica habang kumakaen.

"Oh really?" Nanlaki ang mga mata ni Gabriel sa pagkabigla. "Shit! Dapat pala hindi ako uminom kagabi. I'm so sorry." Bakas sa mukha niya ang lungkot na parang bata.

"Ano ka ba, nakatulog din ako, quits lang tayo."

"Can I make it up to you right now? After we eat?" Maamo niyang tanong kaya hindi makapaniwala si Monica sa inaasal ni Gabriel, ganito pala ito maglambing. Tahimik lang si Monica na nakatingin sa kanya. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot, at tila naramdaman ito ni Gabriel, "It's fine. I can wait for the right time. I think it's bad for our baby. I'll research online kung hanggang ilang months bawal." Seryosong sabi niya.

Napailing si Monica sabay tumawa, "Ano 'yan, assignment o research paper?"

"It's about you and me." Ngumiti si Gabriel sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti din dito. Napakacute kasi niya para hindi mapansin. He is easy to love at sobrang lambing just like Simone.

And she remembers him again.

"Are you offended?" Hindi mapigilan ni Gabriel na magtanong nang makitang biglang naging malungkot ito.

"Ha? No—I'm fine." Sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa lettuce na nasa pinggan niya.

"I hope one day, you will remember everything Anna. Don't hesitate to ask me about us. I would love to tell you our story." Ngumiti ito sa kanya at nagkatinginan sila. Gabriel smile seems to affect her whole system.

Buti nalang at may kumatok sa kalagitnaan ng katahimikan sa kanilang dalawa.

"Walang tao!" Inis na sigaw ni Gabriel pero huli na ang lahat nang pumasok na si Baste at nagulat ito sa nakita.

"Ay! Sorry, nakaistorbo ata ako." Sabi ni Baste pero masama siyang tiningnan ni Gabriel, nagmadali itong umalis at sumulyap pa ito kay Monica bago lumabas.

Sigurado siyang magtatanong si Baste mamaya pag nag-usap sila dahil sa naabutan nito. Natigilan siya sa pag-iisip nang nagring ang phone ni Gabriel.

Masamang tinitigan ni Gabriel ang phone at napabuntong hininga nalang, "Damn these nuisance."

"Kausapin mo na 'yan, baka importante din yan." Payo ni Monica saka kinuha ang plate nilang dalawa para hugasan.

Huminga ng malalim si Gabriel at napailing nalang bago sinagot ang phone. "Hello, yes sir..." Narinig niyang sabi ni Gab sa kausap sa phone. "No sir, I'll be the one to go instead of her, she's still recovering. Yes, thank you." Sabi niya bago binaba ang phone.

Napatingin siya kay Gab habang naghuhugas ng plato. Ramdam niya ang stress nito sa mukha pa lang. "Who's that?" tanong ni Monica.

"Our boss, Mr. Yzrael. He keeps calling after they knew you were discharged."

"Are you going?"

Tumango ito, "Yes, maliligo lang ako, is it okay if you will stay here?"

"Can I go with you?"

"Maiistress ka lang doon for sure. I don't want you to face them as of this moment." Kumibit balikat nalang si Monica at hindi na pinilit pa si Gabriel kaya kumunot ang noo nito. "Aren't you going to force me?"

"To what?"

Napatawa si Gabriel na umiling, "No, it's nothing. Nasanay kasi akong pinipilit mo ako pag gusto mo."

Ngumiti si Monica, "Not everything will remain as it is." Tahimik na napatingin Gabriel sa kanya at hindi nakapagsalita.

Habang naliligo si Gabriel ay nag-ikot si Monica sa buong apartment nito. Pansin niyang mahilig si Gabriel sa thriller books dahil napuno ang library nito nang samot sariling thriller books. Madami ding pictures sa wall sila Anna at Gabriel. Looking at their pictures, they seem like a perfect couple. Like Simone and her, until she knew something is wrong. Kaya habang tumitingin siya sa pictures ng dalawa ay biglang nag pop in sa utak niya ang question—are they the same too?

Agad na lumihis ang tingin niya kay Gabriel na kakagaling lang ng banyo. Seeing his body seems like watching Jericho Rosales strips off, and it's annoying to see thinking she maybe lose her self control, again.

"Ang ganda ng view no?" Pabirong tanong ni Gabriel.

"Uh-huh," Matipid na sagot ni Monica sabay talikod nito habang nagkunwaring pinunasan ang picture frame ni Anna at Gabriel na nasa wall.

This man. One day pa lang sila nagsasama sa apartment, para nang sasabog ang utak niya. What more kung titira siya hanggang bumalik si Anna sa sarili niyang katawan? Kailangan na niyang mag decide. Pero wala siyang mapupuntahang iba.

Her parents!

Right.

Nang matapos sa pagbibihis si Gabriel ay lumapit na ito sa kanya na nasa sala nanunuod ng palabas na Asia's Top Model.

"Mahilig ka na niyan?" Puna ni Gabriel.

"Sort of," matipid nitong sabi habang nakafocus ang tingin sa TV.

Umupo ito sa tabi niya at tinitigan siya ng matagal, "What?" Tanong niya habang nasa TV pa rin ang tingin.

Hinaplos ni Gabriel ang buhok niya habang nakatingin sa kanya kaya tinuon na niya ang atensyon dito. And she felt so much love with his eyes. Kaya hindi niya magawang magsalita man lang o magpaalam na doon muna matutulog sa parents ni Anna. Lalo na nang niyakap siya nito ng mahigpit. She can smell his alluring scent that it made her close her eyes. "Wag mo akong iwan ulit, please. I feel that I can no longer live my life without you." Marahang sabi ni Gabriel na nagpatigil kay Monica.

Gabriel loves Anna so much that it make her feel envy.

"I'll be back again, I already called Baste to stay here with you."

"Okay."

"And here's your credit card, you can go to bookstores to ease your boredom" Kumindat ito sa kanya at tila inaantay ang reaksyon niya but all she did was to not react even a single smile. Kaya walang magawa si Gabriel kundi ngumiti nalang at hinalikan siya nito sa noo bago ito umalis.

"Lord Gab! Ingat ka!" Narinig niyang sigaw ni Baste.

"Take care of her kundi malalagot ka saken."

"Aye, Aye! Captain!" Masaya nitong sagot.

Naiwan siyang tulala at pumasok na naman sa utak niya si Simone. Ang mga yakap nito at ang ngiti nito habang nag-uusap sila. She feels betrayed but all she wanted was to ask him what went wrong and why it happened.

"Hoy, okay ka lang ba? Ba't tulala ka? Anong nangyari sayo?" Kakalapit lang ni Baste sa kanya ay marami na itong tanong.

Monica just rolled her eyes, "That is not your concern anymore." Inirapan niya ito saka bumalik sa sofa.

"Magbihis ka nga doon, ang sakit sa mata makita kang ganyan. Hindi naman ganyan ang sinusuot ni Anna." Reklamo ni Baste sa kanya.

Gusto niyang mainis kay Baste pero wala siya sa mood makipag-away dito kaya wala siyang imik na tumayo at pumunta ng kwarto para magbihis.

Halata sa cabinet ni Anna na mahilig ito sa black color kaya nakaismid siyang napatingin dito. Black is not her type of color idagdag pa ang mga nakitang niyang puro t-shirt lang ang laman ng cabinet ni Anna. She used to wear comfy dress like loose top or sleeveless pero wala siyang magawa kundi suotin nalang. Pero lumiwanag ang mga mata niya nang maalala niyang may binigay pala si Gabriel sa kanya kanina lang.

Agad siyang lumabas sa kwarto at mabilis na pumunta kay Baste na nakaupo sa sala.

Masama siyang tiningnan nito saka umatras pa ito nang maramdamang sobrang lapit ni Monica sa kanya. "Ba't hindi ka pa nagbihis? Diba sinabihan na kitang—"

Pinakita niya ang card na binigay sa kanya ni Gabriel, "Let's go shopping!"

Kitang kita ni Monica ang nakabusangot na mukha ni Baste habang naglalakad sila sa mall. "Oh, what happened to your face? Masyado mo namang pinapahirapan ang mga taong umintindi dyan sa mukha mo."

Masama siya nitong tiningnan at napailing nalang na nakatingin sa suot niya ngayon habang nasa loob na sila ng mall. "Paano ba naman kasi, ano bang nakaen mo at ginupit mo ang t-shirt ni Anna? Ang mas Malala pa doon ay paborito niya yan!" Monica rolled her eyes again kaya napatawa nalang si Baste. "Tingnan mo, mahilig ka pang paikutin ang mga mata ni Anna, eh kung masira yan? San ka bibili ng mata?"

"Ewan ko sayo Baste! Alam kong may gusto ka kay Anna pero wag mo naman siyang sakalin ng ganito. Masyado kang feeling boyfriend!"

Napatingin si Baste sa maraming tao na nakatingin sa kanila. "Hoy ano ba, ang ingay mo. Sikat si Anna kaya wag kang ganyan umasta. Isa pa hindi ako feeling boyfriend, talagang nag aalala lang ako sa kanya"

"Damn it,"

"Ano?"

"Sabi ko damit. I want to buy a dress."

Ganoon nalang ang pagkabigla ni Baste nang pumasok ito sa mamahaling bilihan nang damit at marami pa itong tinuro.

"Anong pinaggagawa mo?"

"Can't you see namimili ako ng damit." Sagot ni Monica habang abala siya sa paghahanap ng damit na nababagay sa kanya.

"Ba't sobrang dami naman niyan. Baka maging pulubi na si Lord Gabriel dahil sayo."

"Sa kanya na din nanggaling na pwede akong magshop to ease my boredom, so hindi ko na kasalanan." Masaya pa siyang pumasok ng fitting room kasama ang babaeng nagtatrabaho sa shop na hindi na magkandaugaga sa mga dala niyang damit sa sobrang dami.

Nakailang palit si Monica habang pinapabalik siya sa Baste dahil hindi nagugustuhan nito ang pinipili niya. Halos umuusok na sa galit si Monica sa huling damit na sinuot nito.

"Why do I need his approval, by the way?" Reklamo ni Monica sa sarili nang maisip na okay naman ang mga pinili niya. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at masaya siyang makita na okay na rin ang hubog ng katawan ni Anna kahit may konting baby bump na ito. Pagkatapos makitang okay na ang damit para sa kanya ay agad niya itong hinubad at saka nagbihis na. Pinili niya ang mga okay sa kanya saka lumabas na sa fitting room.

"Oh? Napagod ka na sa kakafit mo?" Natatawang tanong ni Baste.

Pero kumibit balikat lang si Monica, "Hindi, may napili na kasi ako."

Nakita niyang kumunot ang noo ni Baste, "Anong may napili? Eh wala akong nakitang maganda doon eh."

"Why do I need your approval? May sariling taste ako sa damit at kaya kong pumili ng nababagay saken." Confident niyang sagot.

"Pero hindi iyon nababagay kay Anna." Pagtatanggol niya.

Humingang malalim si Monica at pilit na pinapakalma ang sarili bago pa sila mag-away sa loob ng shop. "Pwede ba Baste? Kaya siguro walang magagandang damit si Anna kasi hindi pa niya nakikilala ang isang katulad ko. I feel bad for her kaya ito, bibihisan ko siya ng maganda. Kaya I don't need your suggestions, okay?" Mataray niyang sagot habang ang sales lady na nasa pagitan nila ay nakakunot nalang noong hindi malaman kung ano ang pinag-uusapan nila.

Napailing nalang si Monica at napatingin sa kabilang dereksyon kung saan may nakita siyang damit na nakahook ng atensyon niya kaya mabilis niya itong nilapitan para kunin. Nabigla nalang siya nang may isang kamay din na dumapo sa kanya pagkatapos niyang hawakan ang damit.

Ganoon na lamang ang pagtataka niya nang nanlaki ang mga mata ng babae na nasa tabi niya, "Do I know you?" Mataray niyang tanong na mas ikinagulat ng babae.

"Oh my God," Ang tanging sambit ng babae habang napatakip sa kanyang bibig.

Hindi mapigilan ni Monica na mapatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam kung paano magreact dito gayong hindi niya ito kilala.

"Ma'am. Mawalang galang lang po," tumabi si Baste sa kanilang dalawa. "Kung sino man kayo, pasensya na. May amnesia kasi si Moni—si Ma'am Anna kaya hindi ka niya makilala."

Hindi na mapigilan ng babae na dumaloy ang luha sa mata niya at mapailing. "I'm so sorry Anna. This is all my fault." Umiyak ito sa harapan niya habang siya naman ay napataas lang ang kilay.

Hindi niya makuha kung bakit ganoon nalang ang pagkaemosyonal ng babae nang malaman niya ang kalagayan ni Anna. "Kung sino ka man, you don't need to shed a tear for me. It's a waste of time."

Nagulat ang babae sa sinabi niya at hindi ito makapaniwala pero yumuko lang ito habang pinupunasan ang luha saka tumango. "I'm really sorry for what happened to you, if you don't know me, let me introduce myself." Iniangat niya ang kamay nito para makipagshake hand sa kanya, "I'm Dhapnie, your cousin." 

Continue Reading

You'll Also Like

828K 29K 103
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
1.3M 90.4K 23
#Book-2 in Lost Royalty series (But can be read standalone ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spr...
231K 3.8K 59
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 𝖬𝖺𝗂𝗌𝗂𝖾 𝖦𝗋𝖾𝖾𝗇, 𝖺 𝗐𝖾𝗅𝗅-𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇 𝖼𝗈𝗇𝗍𝖾𝗇𝗍 𝖼𝗋𝖾𝖺𝗍𝗈𝗋 𝗂𝗌 𝖽𝖾𝗆𝖺𝗇𝖽𝖾𝖿 𝗍𝗈 𝗉𝖺𝗋𝗍𝗇𝖾𝗋 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝖬...