Cage My Spirit

By EuropaJones

12.2K 1.2K 228

Tindera ako ng Korean beauty products sa Divisoria. Tao lang din naman ako, takot sa Chinese landlord ng shop... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
EPILOGUE

Chapter Twenty

354 34 1
By EuropaJones

DALAWANG BESES siyang sumanib sa katawan ko.

Una, para iligtas ako sa hipnotismo ni Vixon. Pangalawa, para iligtas mula sa katawan niya.

Allergic ako sa kwento ng mga damsel in distress. Naalala ko noong bata pa si Jenny. Binabasahan ko siya ng fairy tales bago matulog sa gabi. Hilig niya ang mga kwento ni Hans Christian Andersen at Aesop. Binabago ko ang ending. Ayokong magtanim ng victim consciousness sa kukote ng kapatid ko. Nakakahiya. Magiging ganoon lang din pala ako sa oras ng trahedya. Inisip ko na lang, hindi kahinaan ang tumanggap ng tulong kung kailangan.

Nagpasalamat ako kay Maki. Kaya pinagbigyan ko ang hiling niya na sumanib ulit sa katawan ko kasi gusto daw niya magluto sa kusina kaninang umaga. He could only cook one dish: spaghetti alla puttanesca. Pinagluto niya ang buong pamilya ko, at iyon din ang baon ko ngayong lunch.

"Pilit kong binabaon sa limot ang nangyari noong Sabado. Shocked pa din ako," sabi ko kay Maki, "Ignorante tayong dalawa sa nangyayari. Lalo pa't wala tayong malapitan."

"The best option right now is to stay away."

"But do you remember what he said? Naalala niya ang eksena sa Tanay noong magkasama tayo at nagkekwentuhan. Sinubukan mo akong hawakan pero tumagos ang palad mo sa katawan ko. Naalala 'yon ng katawan mo.

"Terrorizing the tenants, increasing the rent prices..." dagdag ko, "These things are far beneath Vixon to be his revenge or evil plot. What could they possible gain from doing all these? Kung gusto nilang kunin ang katawan ko, sa akin sila mismo pupunta at hindi magpapaligoy-ligoy."

"Anong gusto mong ipatunayan, Jaira?" nanghahamon na sabi ni Maki. Alam kong naririnig ni Maki ang daloy ng isip ko, at hindi niya gusto ang theory ko.

Umugong ang ingay sa labas ng tindahan. Nagkagulo ang mga tenant. Tumakbo sila pabalik sa kanilang tindahan. Ang kaharap kong stall, abala ang tindero sa pag-lilinis ng paninda. Saka ko lang naintindihan kung bakit. Pumasok sa tindahan ko ang isang maputing lalaki, bitbit ang bungkos ng pulang rosas at paper bag.

"Anong ginagawa niya dito?!" asik ni Maki at napatayo ako bigla.

Alam mo ba na darating ang katawan mo ngayon?!

"How should I know?" sagot sa akin ni Maki.

Siyempre, katawan mo 'yan! May antenna kunyari na nagkokonekta sa inyong dalawa.

"That's not how it works. I don't feel my body like how I feel yours," sagot niya. Hindi kami sigurado. Pero sa mga sinabi ni Chua Ma Qui sa covered gym noong Sabado, awtomatikong nagpapasa ng memorya si Maki sa kaniyang katawan na nakikita lang ni Chua Ma Qui sa panaginip.

Tumunog ang leather shoes niya sa tiles ng tindahan ko. Kasing bango niya ang bulaklak na dala, at nanghina ang tuhod ko matapos niyang ngumiti at tumigil sa harap ko.

Bumalik ako sa mainit na eksena noong Sabado. Parehas kaming basa sa ulan, at nagpapalitan ng init gamit ang aming katawan. Dama ko ang mainit niyang halik, iniisip ko pa lang, tumayo ang balahibo ko.

Tumikhim ako at tinitigan si Chua Ma Qui nang masama. Bakit siya nandito?! Next month pa ulit ang singil ng renta. Malimit siyang gumawa ng surprise visit.

"Hey," bati niya, "I have something for you." Inabot niya ang bulaklak.

Tinitigan ko lang ang bungkos.

Ngumisi siya. "These are flowers. Hindi naman granada ang inaabot ko. Bakit ka natatakot?"

"Am I supposed to accept that?!" tinaasan ko siya ng kilay, "After what you did."

Sumeryoso si Chua Ma Qui. "About last time. I'm very sorry, Jaja." Wala akong makitang pagsisi sa mukha niya. In fact, mukha siyang 10-year-old na pinilit ng nanay niya na magsabi ng sorry.

"You don't look and sound like you mean it."

"I know what I did was wrong. You were hurt because of what I did. You felt helpless and weak. I should have stopped when you said no. I should have respected your decision," inabot niya ang bungkos ng rosas.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I feel numb as ice. Sometimes when you feel nothing—not even fear—you become limitless, and you can do everything you want. Makakalimutan mong isipin ang nararamdaman ng ibang tao. Kaya humihingi ako ng dispensa. Wala akong ibang naramdaman kundi ang init ng katawan mo. Nabulag ako. Sorry."

Napalunok ako.

Kinuha ko ang bungkos ng rosas at aksidente kong nahawakan ang mga daliri niya. Gumalaw siya at hinawakan ako nang maayos. Nagtama ang aming mga mata, at kita ko kung paano nalusaw ang pagkalito sa kaniyang mukha nang maglapat ang aming mga balat. Umangat ang isang sulok ng labi niya.

"Ah!" sigaw ni Maki.

"Maki?! Bakit? Anong nangyayari?"

"Nanghihina ako, Jaja."

Kumunot ang noo ni Chua Ma Qui. "What? Is there something wrong?"

Binawi ko ang kamay at nilapag ang bulaklak sa cashier. "Uhm... wala. Tinatanong ko lang kung anong nangyari? Namumutla ka kasi."

Tumingin si Chua Ma Qui sa salamin na nasa pader. "No, I'm not pale. Not anymore."

"Yes, you are."

"Maputi lang talaga ako." Tinignan niya ang kopya ko ng Peter Pan sa table. Kinuha niya ito at binasa.

Okay ka lang ba? Tanong ko sa isip.

"Yes, I'm okay now," sagot ng kaluluwa, "When you touched him..." He died a little, and lost his light. Was that how it worked?

"Miss Jaira?" Pagtawag ni Chua Ma Qui—ang mga mata, nakatuon sa kupas kong libro.

"Yes, sir?"

"Do you remember the first decent conversation we shared?" ngumiti si Chua Ma Qui nang bahagya.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Uhm... Bakit niyo naman po natanong?"

"Basta. Sagutin mo na lang. Naalala mo ba unang beses na nag-usap tayo?"

"Hmmm..." Nag-isip ako nang malalim. Saka ko siya tinignan. "No. Sorry. I don't remember anymore."

Bumagsak ang balikat niya at bahagya siyang nadismaya. Pinatong niya ang libro sa counter at tumingin sa akin. "Hindi kita masisisi. Lahat naman, malabong maalala ang unang beses na naka-usap nila ang isang tao. Apparently, it's not like that when we talk to someone we like."

"What?"

"I remember the first time we conversed. You were wearing a pink v-neck shirt, a black pants, and a pair of white rubber shoes. I first saw you running around my building, carrying a medicine kit. Pumasok ako sa tindahan mo para maningil tapos naabutan kitang nagbabasa ng libro. Peter Pan."

"Ito ang required book noong elementary ako sa English Class," tinuro ko ang libro ni J.M. Barrie, "Binasa ko siya nang binasa hanggang sa naging paborito ko. Minsan ko na lang siya basahin ngayon. Pampalipas ng oras."

Ngumisi si Chua Ma Qui. "That's exactly what you told me when I asked why of all books, you chose this one. And you don't remember now."

"I'm sorry."

"Well, I remembered everything. In return, I replied that I also love literature but I don't have time to read any books. So I listen to audiobooks while on the car, signing and doing paperwork. And you said..." he paused, "You said you don't like audiobooks."

"Ay! Naalala ko na. Oo. Sinabi kong hindi ako mahilig sa audiobooks kasi mas gusto ko pa din basahin ang libro para mapag-isipan ko nang husto. Inaantok ako kapag binabasa lang nila nang tuloy-tuloy. Tapos, wala ka nang sinabi. Kinuha mo ang bayad ko sa renta at umalis ka na ng tindahan ko."

"I'm glad you finally recalled. You almost got me nervous a while ago. All will be for nothing if you don't remember," mula sa kaniyang bulsa nilabas niya ang isang Apple iPod Shuffle at nilapag sa counter. "I never told you this that day, but before I walked out of your store, I promised myself: I'll make this woman appreciate audiobooks. I certainly will. And now I give this to you."

Ako ay nganga.

"Pasensiya na, natagalan ako. Inabot ako ng ilang buwan bago ko natapos i-record ang audiobook ng paborito mong libro. Nang matapos ko siyang gawin, palagi ko siyang bitbit sa bulsa ko, humahanap ng tsempo para ibigay sa 'yo. Kaso naduwag ako noon. Hanggang sa tinamaan ako ng heat wave at na-comatose. Ibibigay ko sana sa 'yo sa Battle of Bands. Kaso..." Hindi na tinuloy ni Chua Ma Qui ang sasabihin. "It wasn't my intention to make this an apologetic gesture. I hope you understand. I just want you to appreciate other access to literature. Kahit pa PDF sila, konkretong libro, at audiobook—mas importante pa din ang mensahe ng kwento."

Kulay puti ang modelo ng gadget. First generation pa ito. Luma na. Pero mukhang na-maintain nang maayos. Dahan-dahan, dinampot ko ito.

"You recorded your voice upon reading every word of the entire book?!" tanong ko sa katawan at kaluluwa.

"And I have little kids—my nephews—barging inside my office, playing with their dogs upon recording so you'll hear them too. Sorry. Masyado nang mahaba ang nirekord ko. Sayang naman." Tumawa si Chua Ma Qui.

You recorded this for me?! Kompronta ko sa kaluluwa. Matagal na tayong magkasama! Bakit wala kang sinasabi sa akin tungkol sa audiobook?! Totoo ba ang sinasabi niya? Binasa mo ang libro at nirekord ang boses mo para sa akin, Sir Maki?

Hanggang sa huli, wala akong narinig na tugon mula kay Maki. Binigyan niya ako ng katahimikan.

"Please, say something," sabi ni Chua Ma Qui, "Do you like it?"

Napalunok ako. "B-bakit mo ako ginawan ng audiobook? Sa tanang buhay ko, wala pang gumawa nito para sa akin. Maraming paraan para ipatunayan ang argumento mo tungkol sa audiobooks. Pero bakit mo 'to ginawa? Naistorbo pa kita."

Umiling si Chua Ma Qui. "I've always been the man without a woman. So, yeah. Every little thing you love is a big deal for me. Because I like you. That's the truth. And I never really pictured myself saying all of these because I'm scared of rejection. Like everybody else, you are afraid of me, you will never see through me, and you will never like me back."

Nilapat ko ang kamay sa dibdib at hinanap ko ang mabilis na pintig ng sarili kong puso.

"But I woke up different, I guess. I feel nothing. Not even fear in front of the woman I had been admiring from a distance." Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Hangga't hindi ako natatakot, sasabihin ko sa 'yo ang nararamdaman ko. Gusto kitang ligawan, Jaja."

Tinitigan ko ang mga mata niya at naabutan ko siyang kalmado at puno ng lakas ng loob.

Pero bigla ko naisip... Pakana ito ni Vixon. Mambabasa ng isip ang lalaking iyon. Tiyak, binasa niya ang isip ni Maki at ginamit niya ngayon laban sa amin. Tama. Hindi totoo ang sinseridad na nakikita ko sa mukha ni Chua Ma Qui.

"Paano kung totoo?" saka ko lang narinig na magsalita si Maki, "Paano kung totoo ang suspetsa mo na walang kaluluwa ang katawan ko, tulad ni Deedee? Gumising siya dahil sa mga doctor sa ospital? Lumapit siya ngayon sa 'yo at sinabi ang nararamdaman niya. Anong isasagot mo sa katawan ko?"

Sir Maki...

"Ito pala ang itsura ko kapag hindi ako takot at nagtapat na ako sa 'yo. Oo, Jaja. Matagal na kitang gustong ligawan," dagdag ni Maki, "Ewan ko kung pakana ito ni Vixon. Pero masakit para sa akin na makita ang sarili kong katawan na manlumo dahil tatanggihan mo 'ko. Lalo na't alam ko na gusto mo din ako."

Ang usapan tungkol sa romance ay taboo sa aming dalawa ni Maki. Taboo iyon. Bawal pag-usapan. Kung ang katawan na niya ang lumapit ngayon... Ewan ko na.

"Now that I have awakened, I always thought you brought me back to the world," sabi ni Chua Ma Qui, "I could have died, but I woke up with your name on my lips. Tingin ko, may ibig sabihin iyon. Hindi ako humihingi sa 'yo ng sagot agad. Gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang gusto at ngayong sinabi ko na, siguro, pwede na ako mamatay." Natawa siya sa sarili niyang biro.

Humagikgik ako. "Alright. You can do whatever you want. But I can't promise you anything."

Napalunok si Chua Ma Qui.

"Because..." ngumiti ako, "Someone I like is inside this store."

Lumingon si Chua Ma Qui sa buong tindahan ko at lumawak ang ngiti niya nang makita kaming dalawa lang sa loob.

"And I'm just not sure about everything," patuloy ko, "There is doubt in my heart."

Tumango-tango siya, suot ang simpleng ngiti sa kaniyang mga labi. "Oh, right. Before I forgot," inabot niya sa aking ang isang paper bag, "Alam kong tatanggihan mo ako kapag niyaya kitang kumain sa labas. Kaya ako na lang ang nagdala ng pagkain." Nilapag niya sa cashier ang dalawang tupper ware na naglalaman ng... spaghetti alla puttanesca. Kinamot ni Chua Ma Qui ang buhok at binigyan ako ng nahihiyang ngiti. "I'm sorry. This is the only dish I know how to cook. I was thinking of you when I prepared this. So please, can you pretend to like it even if you don't?"

Tinignan ko ang paper bag na katabi ng hand bag ko sa ilalim ng counter. Nilagay din ni Maki sa tupper ware at binalot sa paper bag ang kaniyang signature dish. Tinitignan ko pa lang, parehas ang sahog na ginamit nila, iisang recipe.

Kinuha ni Chua Ma Qui ang mono block at umupo kaming dalawa.

"Come on," ngumiti si Chua Ma Qui—ang smile na hindi niya binibigay sa lahat, "Let's eat."

Look at these! Niluto niya ang niluto mo kaninang umaga sa kusina. Parehas kayo mag-isip. Maybe it's not wise to keep your body away, because we are all ignorant, devoid of any clue as to what is happening.

Walang sinabi si Maki.

Sir Maki? Ayos ka lang ba diyan?

"I'm just dumbfounded, perhaps. It feels weird to see my body do all of these things. And I really don't understand myself, especially now that he might be living without a soul. A huge part of me believed this guy is not me. Because there's no way I can talk to you like this. Isang taon na kitang tinitignan sa malayo. Torpe ako, Jaja. Torpe. I've always been the man without a woman. I can tell everyone to go to hell, but I can never ask you to go out with me and watch a movie. Let alone touch you."

Napangiti ako nang malungkot.

Binuksan ni Chua Ma Qui ang dalawang tupper ware. Nilagyan niya ng plastic fork ang pagkain. Ngumiti siya sa akin at niyayang kumain. Nilabas pa niya ang dalawang bote ng tubig. Malamig. "May edad na tayong dalawa," sabi niya, "Umiiwas na dapat tayo sa soft drinks at fruit juices. So I bought two bottles of water."

"The way he kissed you that night..." patuloy ni Maki, "How could he do it just like that? Like it was so easy?"

Sir Maki...

"And the only think I could think of... That man is probably not me."

Mayroon akong third eye, biktima ako ng human trafficking, NBSB ako kahit malaki ang aking boobs at maraming manliligaw. Pero ito ang cherry on top: inipit ako sa gitna ng kaluluwa at katawan ni Maki Reyes, tulad ng mga binebentang sandwhich sa convenience store.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 164 50
[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happen...
13.6K 1.2K 27
WRITERS TRILOGY BOOK 1 Masayang nagsusulat si Venny sa Wattpad. Everything was going well for her hanggang sa nilamon siya ng inggit at ninais na mag...
55K 1.8K 28
Pag-ibig. Pangarap. Pagkatao. Pagbabago. Ikaw, balanse ba ang buhay mo?
3.5M 49.6K 72
Published Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag n...