A Beautiful Soul

By baboylovesme

826 325 51

Monica died and she doesn't deserve a second chance pero pinagbigyan siya by putting her soul accidentally to... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21

Kabanata 6

32 17 0
By baboylovesme

Kailangan na niyang sabihin kay Gabriel ang kasalanang ginawa niya. Pero papaano? Wala siyang malakas na ebidensya. Kailangan pa niyang siguraduhing tama ang sasabihin niya kay Gab. Nang makarating siya sa palapag kung nasaan ang kwarto ni Anna ay nakita niyang nakatayo si Gab sa labas at tila galit itong may kausap sa phone.

"As I said, you can't do that to Anna! Malaki ang contribution niya for that lalo na siya ang nakaisip ng ganyang concept. I need you to respect her!" Narinig niyang sambit ni Gab habang nakakuyom ang kamay nito.

"No. You know, we need to talk in person so that maayos yung pag-uusap natin. Wait me there in a minute." Nakatingin si Gab sa kanya habang tumatango sa kausap sa phone bago ito binaba at malalim na bumuntong hininga. "Damn assholes." Galit niyang sabi habang nakakuyom ang kamay.

"Lord Gab... may sasabihin sana ako." Pauna niyang sabi.

"What? Make it fast." Tanong ni Gab habang binuksan ang phone at parang may katext.

Huminga siya ng malalim habang pinipilit na pakalmahin ang sarili. Gusto na niyang sabihin ang kasalanan niya kay Gab para lubayan na siya ng konsensya niya.

"Tungkol kay A—"Natigilan si Baste nang biglang magring na naman ang phone ni Gab at nakita pa niyang sumimangot ito na parang naiirita sa kung sino man yung tumatawag.

"I have a huge favor Baste," Pagmamadaling sabi ni Gab habang kinukuha niya ang wallet na nasa bulsa sa bandang likod ng pantalon niya sabay kuha ng pera at abot sa kanya. "Bantayan mo muna si Anna. Buy her what she wanted, I just have to do important matters. Kung hahanapin ako ni Anna, sabihin mo may kinausap lang ako sandali, okay?"

Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa narinig, "Pero Lord Gab..."

"I have to go."

Bago pa niya mahabol si Gab ay mabilis na itong nakaalis habang naiwan siyang nakatayo lang at hindi alam ang gagawin.

Malungkot siyang napatingin sa pinto ng kwarto ni Anna. Nararamdaman niyang hindi safe ang maging malapit sa kanya dahil hindi niya alam kung sino ang nasa katawan ni Anna na nahigop niya. Huminga siya malalim bago pumasok. At nakita niya si Anna na nakaupo sa kama nito at kumakaen ng prutas habang nagbabasa ng magazine. Dahan-dahan siyang lumapit dito sabay upo sa tabi. Una, hindi siya nito pinansin pero habang tumatagal ay tila naiinis na si Anna na nakatingin sa kanya.

"What do you want?" Tanong sa kanya nito, kitang kita niya ang matalas na mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"M—May kailangan ka bang pagkaen? Bibilhan kita. K—Kahit ano."

Napaisip ito, "I don't need anything."

"Ahh, so okay lang sayo na dito lang ako para—"

"Actually, I need something to drink sana." Maarte nitong sabi na nagpadagdag sa paghihinala niya dahil hindi maarte ang nakilala niyang Anna.

"Ano bang gusto mong inumin?" Pinipilit niyang maging kalmado.

"I need Double Chocolate with Coffee sa Coffeebean, with whipped cream on top." Ngumiti ito sa kanya.

Kumunot ang noo ni Baste sa bilis na pagkakasabi nito. "Double Chocolate ano?"

Huminga ng malalim si Anna pagkatapos na binaba ang magazine at tiningnan siya ng masama. "Double Chocolate with coffee with whipped cream on top." Dahan-dahan niyang sinabi. "Pasama na din ng Chicago Cheese cake." Dagdag niya.

Tumango si Baste, "'Yun lang ba?"

"Yup and no need to hurry. I'm fine here. Kung gusto mo, maglibot-libot ka muna sa mall, just take your time." Hinawakan pa siya sa kamay nito na ikinabigla niya.

Umalis siya na parang tuliro at hindi alam ang gagawin. Kailangan niyang malaman kung sino ang nasa loob ng katawan ni Anna. Kaya nagpasya siyang kunwari ay bibilhin 'yung mga inutos ni Anna habang inaantay niya itong lumabas sa kwarto. Doon siya pumwesto sa dati niyang inupuan noong nakita si Anna na pumasok sa ibang kwarto at hinintay ang pagkakataong matyempuhan ito.

Halos isang oras siyang nag-antay bago niya nakita si Anna na lumabas ng kwarto. Seryoso itong naglakad na parang kinakabahan. Ganun pa rin ang mukha nito no'ng una niya itong nakita sa harap ng pinto. Dumungaw ito na parang sinigurado na walang ibang tao na nasa loob bago pumasok.

Naghintay siya ng ilang segundo bago tumayo at pinuntahan ang kwarto kung saan pumasok si Anna. Nakita niya itong nakatayo pa rin sa harap ng matandang babae habang hinahawakan ang kamay nito. Nang napansin niyang nakahalf-open yung pinto ay dahan-dahan na siyang pumasok sa loob at hindi 'yun napansin si Anna.

"Please wake up. I don't know what to do anymore."

Malungkot na sabi ni Anna sa matandang babae habang si Baste ay nakikinig lang dito.

"You need to be strong for Julia's sake. You're the only one that I can trust mom."

Nanlaki ang mga mata ni Baste sa sinabi ni Anna dahilan ng pagkakadikit niya sa pinto na gumawa ng ingay. Mabilis na napalingon si Anna sa kanya at nagulat din ito nang makita siya.

"W—What are you doing here?"

"S—Sino ka ba talaga? Hindi ikaw si Anna, diba?"

Kitang kita sa mukha ni Anna ang pagkabigla at ang panginginig ng mga kamay niya. Napakuyom ang mga kamay nito at hindi makapagsalita.

"Sabihin mo sa akin kung sino ka kundi aalisin kita sa katawan ni Anna ngayon din!"

"You can never do that!" Mabilis na tumakbo si Anna at hinawi siya nito ng malakas dahilan ng pagkatumba niya. Lumabas ito sa kwarto at naiwan si Baste na natumba.

"Naloko na!" Mabilis siyang tumayo at lumabas sa kwarto para habulin si Anna. Nakita niya itong sumakay ng elevator kaya nagmadali siyang tumakbo. Pilit na sinasarado ni Anna ang elevator nang malapit na siya pero hindi niya ito naabutan kaya tumakbo siya ng mabilis papunta ng fire exit para umabot siya pero hindi ito huminto sa 5th floor. Ganun din sa 6th hanggang sa makaabot sila ng huling floor ng ospital. Mabilis na pumasok si Anna sa fire exit at nakita pa ito ni Baste.

"Anna! Anong ginagawa mo? San ka pupunta?!"

"Wala kang pakialam sa gagawin ko kaya wag mo akong sundan! You can't take me away in this body!"

"Wag mo sasaktan si Anna! Buntis siya!"

"Wag mo akong habulin!"

Napahingal si Baste sa kakaakyat niya sa hagdan. Huli niyang nakita ay ang pag-akyat at ang paglabas ni Anna sa roof deck kaya kahit hirap na siyang huminga ay hinabol niya pa rin ito.

Pagbukas niya sa pinto ng roof deck ay nakita niyang nakatayo si Anna sa edge habang nakatalikod sa kanya.

"Anna! Nagmamakaawa ako." Sinusubukan niyang lumapit pero kinakabahan siya. "Wag mong gawin 'to. Kung sino ka mang nasa katawan ni Anna." Nagmamakawang sambit ni Baste habang hinihingal.

"Hindi ako pwedeng umalis sa katawan na 'to. Pero kung may balak kang alisin ako, wala akong magagawa kundi tapusin nalang 'tong buhay niya. Tutal hindi naman siya mabubuhay kung wala ako."

"Hindi. Wag mong gawin yan sa kanya. Please lang, hindi nararapat yan kay Anna. Mabait siyang tao at kailangan niyang mabuhay para sa anak nila ni Lord Gab."

"Diba binabalak mong alisin ako sa katawan na 'to? Binabantaan mo ako kaya, sorry pero gagawin ko 'to." Humakbang pa siya papalapit sa kaya mas lalong kinabahan si Baste lalo na ng iangat ni Anna ang isang paa niya na akmang hahakbang pa ulit.

"Wag! Please, patawad na. Patawad dahil sa sinabi ko." Mangiyak-ngiyak niyang sabi kay Anna. "Mag-usap tayo. Wag mo lang gawin 'to. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari, nagkamali ako kaya aayusin ko 'to."

"Ibig sabihin aalisin mo ako sa katawan na 'to?"

Ilang beses na umiling si Baste, "Hindi. Hindi. Pwedeng kang maglage sa katawan ni Anna habang gusto mo."

"Sigurado ka?"

"Oo, kaya bumaba ka na, ang alta presyon ko lalong tumataas. Malalagot ako kay Lord Gab pag may masamang mangyayari sa Anna niya." Namamaos ng sambit ni Baste.

"Sasabihin mo sa Gab na yun na hindi ako si Anna?"

"Malamang hindi. Kundi malalagot ako. Mawawalan ako ng matutuluyan."

Nakita niyang ngumiti si Anna saka ito tumalon pababa sa edge ng roof deck na ikinagulat ni Baste. "Magdahan-dahan ka naman! Buntis si Anna!" sigaw ni Baste pero kumibit balikat lang ito.

"Don't worry, her child is stronger than me."

Walang magawa si Baste kundi napailing nalang. Napasandal siya sa edge ng roof deck habang hinahabol ang hininga niya.

"How can you do that?" tanong ni Anna sa kanya.

"Ang alin?"

"Ang ilagay ako sa katawan ni Anna."

Matagal na nagsalita si Baste. Pinapakalma pa niya ang sarili dahil sa ginawang pananakot ng ibang nakakabwisit na kaluluwang nasa katawan ni Anna. "Nakita kong ginagawa yun ng lola ko noon habang naggagamot siya."

Nanlaki ang mga mata ni Anna, "So your grandma is a witch?!"

"She is a quack doctor, okay?!" Inis na sagot ni Baste kaya tumawa si Anna habang siya naman ay kumunot ang noo nito. "Anong nakakatawa?"

"Kasi nag-english ka. Ang barok ng English mo."

"Ang sama mo. Ikaw nga nag e English ka marunong ka namang magtagalog."

"Because I'm used to it." Maarte niyang sagot.

"Bakit mo gustong maglage sa katawan ni Anna?"

"I have so many things that I must do."

Sinuntok ni Baste ang ulo niya na ikinabigla ni Anna. "Hoy, what are you doing?!"

"Kasanalan ko 'to. Siguradong magagalit sa akin si Lord Gab. Siguradong hindi niya ako mapapatawad! Anong gagawin ko? Hindi ko na alam. Ang bobo ko!" Pagsisisi niya sa sarili.

"C'mon, this is just a small mistake." Sambit ni Anna sabay tawa na para bang masaya siyang nagkamali ito. Kunsabagay, ano pa bang makukuha niyang reaksyon sa isang patay na pero nagkaroon pa ng chance na mabuhay ulit sa ibang katawan.

"Anong small mistake? Mali 'yung ginawa ko, paano pa ako makakaharap ng maayos sa kanya dahil sa kabobohan ko?"

Tinapik siya si Anna sa balikat. "We don't need to let him know about me. I need her body and I have reasons to help you, pagkatapos kong magawa ang mga kailangan kong gawin, I can help you fix your problem without him knowing. Isn't it a good plan?"

Hindi alam ni Baste ang gagawin, pero ang tanging alam niya ay ito nalang ang rason sa ngayon para masalba ang baby na nasa sinapupunan ni Anna ngayon. Habang naghahanap siya ng solusyon sa nagawa niyang mali, sa ngayon ay kailangan niyang sundin ang mga plano ng kaluluwang nakapasok sa katawan ni Anna. Kailangan niyang iparamdam sa kaluluwa na 'to na sumasang-ayon siya sa plano kaya wala siyang nagawa kundi tumango lang ng mahinahon.

"Alagaan mo ang katawan ni Anna, nagmamakaawa ako."

Tumango siya, "Don't worry, I'm not that cruel to ruin her life. You can count on me."

"Para lang sabihin ko sayo, napaghahalataan kang hindi si Anna dahil sa asal mo."Kumunot ang noo ni Anna pero hindi ito nagsalita. "Hindi ganyan umasta si Anna. Kaya habang kinakailangan mo ang katawan niya. Matuto kang gayahin siya."

"What?! Pwede bang sabihin natin na nagkaamnesia lang si Anna para malaya akong gawin ang gusto ko?"

"Pwede nating sabihing nagkaamnesia si Anna pero hindi natin pwede baguhin ang ugali niya na nakikita ng iba."

Tumaas ang kilay nito, "Hindi naman siguro magtataka ang iba. I mean, thay can't think na nasapian ng ibang kaluluwa si Anna, right?"

"Please gawin mo nalang ito para kay Anna, tsaka alam ni Lord Gab ang ginawa ko. Magtataka siya kung nag-iba ang ugali mo lalo na kung di ka sweet sa kanya."

Huminga ng malalim si Anna, "I don't like him, he is such a boring man."

"Mabait na tao si Lord Gab kaya wag mo siyang masabihan ng ganyan." Paninita ni Baste.

"Hay nako, okay fine. I just don't like him."

"Kailangan mo siyang gustuhin habang nasa katawan ka ni Anna. Mahal na mahal ni Anna si Lord Gab kaya wag mong sirain kung anong meron sila."

Nakita niya ang mukha ni Baste na malungkot at nagiguilty kaya wala siyang nagawa kundi pumayag. "Okay fine."

"Tapatin mo ako, bakit mo kailangang lumagi sa katawan ni Anna? Para saan?"

"Because I need to kill someone."

Continue Reading

You'll Also Like

216K 6.5K 56
I could say this is one cliché story. A college girl died and transmigrated into an otome game she once played. Unfortunately she becomes the villain...
1.9M 96.7K 38
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
1.3M 90.5K 23
#Book-2 in Lost Royalty series (But can be read standalone ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spr...
63.2K 1.6K 76
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...